Hi, all the chapters are connected to each other, so I suggest don't skip any part. Thank you!
Maria Flor Ashby's POV Kasama kong naglalakad sa aking magkabilang gilid si Eloi at Kristalline samantalang sinusundan namin ang isang matangkad na lalaki. Bawat yapak namin ay siya lang ang nagbibigay ingay sa paligid pati nga paghinga ng dalawa kong kasama ay hindi ko na rin marinig. "Hoy, sigurado ba kayo rito?" Bulong ni Talline nang papaakyat na kami sa isang magarang hagdan. May kulay berde itong carpet hanggang makaakyat sa second floor at crystal na haligi. "Kaya ka nga namin isinama para malaman namin kung totoo nga," bulong ko rin habang iniiwasan na marinig ng bodyguard ni Theresa ang pinag-uusapan namin sa likod nito. "Mga luka-luka pala kayo eh. Paano kung patibong 'to, e'di patay na tayo?" "Hindi 'yan." Iling ko habang pinagmamasdan ang malakastilyong bahay ni Queen T. Para na kaming langgam ni Talline rito para lang hindi marinig nung lalaki ang bawat komento namin sa mga nakikita. "Hay, kaya hindi yumayaman ang bansa dahil napupunta sa mga corrupt. Manong itong ip
Maria Flor Ashby's POV Hingal na hingal ako na nakasalip sa gilid ng headquarters habang hawak ang aking kaliwang braso na tumama sa pader dahil namali ako ng bagsak. Ramdam ko ang kirot at sigurado akong magiging pasa ito. Pinunasan ko rin ang aking noo dahil sa pawis na tumutulo mula rito. Kinakabahan ako para kay Scott dahil kanina bago pa ako bumaba ay nakarinig ako ng mga ingay. Tumingala ako pero nang makitang may mga nakasilip sa taas ay mas lalo kong idinikit ang aking katawan sa pader para mas makapagtago pa. Napakagat labi na lang ako nang muling maramdaman ang sakit ng aking braso. Pagkaraan ng ilang minuto ay napatakip na ako ng bibig sa sobrang gulat. May mga putok akong narinig mula sa itaas. No. It can't be. Scott will be safe. Aalis na sana ako sa aking pwesto nang biglang may dumaang namang isang magarang sasakyan sa aking harapan. Dalawang itim na kotse. Huminto ito sa tapat ng front door at bumaba ang mga nakatuxedong lalaki sa unang kotse. Bumukas ang pan
Analyn Custer's POV "Both of you should talk at least." Hindi na hinintay pa ni Talline ang aking sasabihin at pumasok na ito. Sana naman hinayaan niya akong suminghap ng hangin para nakapag-ready man lang. Pareho kaming nakatitig ni Zcirem sa puting pinto kung saan naglaho na lang si Talline. Ilang minuto kaming parang tuod na nakatayo at hindi alam ang gagawin. Tama si Tal, we need to talk pero bakit ganito? Ayaw bumuka ng bibig ko? Bakit pati naman siya, ganoon din? Ang dami-dami kong tanong na gusto kong marinig ang sagot mula sa kanya. Kung bakit nasa DQM's Party siya o bakit niya kilala si Gabriel, o kaya ay sino yung babaeng nasabugan? Girlfriend ba niya talaga 'yon? E, bakit may isa pang babaeng alalang-alala sa kanya? Napansin niya ba ako nung muntik na akong lumapit sa kanya? Naalala niya ba kaya ako nung tawagin ko siya? O kahit may alam na ba siya about sa mafia thingy o mga patayan na nagaganap sa amin? Payag na ba siya? Okay lang ba sa kaniya yung ganito kasi kung
Kristalline William's POVPinagdikit ko ang aking labi pagkatapos pahidan ito ng pulang lipstick. Kaunting project sa salamin and viola! Beautiful as always, Talline.As ever.Wondering kung bakit sa ibang building ako tumira at hindi kasama sa building sila Eloi? Simple lang. Ayoko ng araw-araw na gera at gulo. Masaya na ako rito.Masayang-masaya.Nagkikitaan pa rin naman kami kaya huwag namang araw-araw, enough na 'yun. For Pete's sake.Lumawak ang ngiti ko nang marinig ang tunog ng door bell mula sa pinto nitong condo. Halos kumaripas ako nang takbo para lang mapagbuksan yung nag-doorbell. Tama nandito lang ako sa bahay pero effort kung effort.Ikaw ba namang pupuntahan ka ng isang gwapong lalaki."Wait!" Sigaw ko, inayos kong muli ang aking soot saka hinawi ang buhok bago buksan ang pinto."Gab!-- layas." Simalmal kong expression nang makita kung sino ang kumatok.Bigla niyang
Diana Rose O'Brien's POV Ilang minuto ang pinalipas ko bago muling tawagan ang secretary ni Hurvey. Mabilis nitong sinagot ang telepono at sinabing hanggang ngayon ay kasama pa rin ni Hurvey yung girlfriend nito sa loob kaya napagpasyahan ko nang umalis para puntahan siya. "Miss O'Brien, your next meeting will be ---" "Cancel it." "P-po?" Tumango lang ako saka naglakad tuloy-tuloy palabas ng office. Sinalubong kasi ako ng aking secretary habang sinasabi ang mga gagawin ko ngayong araw. "How about your---" Huminto ako at inayos ang pagkakasukbit ng bag sa aking balikat. "I have an emergency meeting, so cancel everything. Tell them we will reschedule it." "But ma'am importante po ito, isa po sa pinakamalaking client natin, si Mr. Chu." Tinaasan ko ng kilay si Vivienne, ang aking sekretarya. Ano ba ang importante? Yung meeting na 'yan o yung boyfriend ko na may kasamang girlfriend pero nandito ako? "Ano ang importante sa'yo, love or career?" "P-po?" Nalilitong tanong niya s
Someone's POVItinaas ko ang dyaryo na aking binabasa nang bigla niyang iniangat ang kanyang ulo mula sa pagkakadukmo sa mesa. Ibinaba ko naman nang bahagya ang papel hanggang sa mata ko para makita kung ano na ang kanyang ginagawa.Humikab ito saka muling dumukmo tila may bagay na hindi niya nakita sa pagbangon ng kanyang ulo."Sh*t, kinabahan ako." Bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa dumadaang kulay gray na kotse. Sumandal ako sa upuan at bumuntong hininga bago muling ibaba ang news paper na nakatakip sa akin."Woah!"Nawalan ako ng balanse at tumuwad ang inuupuan ko kasama ng aking katawan. Hinawakan ko ang aking likod habang naka
Maricris Grainer's POV Isinarado ko ang pinto ng kotse pagkababa rito. Narinig ko rin ang sunod-sunod na pagsara ng pinto ng mga kotseng halos kasabay ko lang na huminto rito sa parking lot sa labas ng Headquarters ng DQM. Iniharang ko ang aking isang kamay sa taas ng aking noo para matakpan ang sinag ng araw na direktang tumatama sa aking mukha. Geez.. Iitim ako nito eh. It's 9'o clock in the morning nang makatanggap kami ng urgent na email galing sa DQM and obviously, wala kaming ibang pwedeng gawin kundi sumunod sa utos na nakapaloob sa message. "Sh*t this. Inaantok pa ako, ang aga-aga naman." "Hindi na nga ako nakakain ng breakfast kakamadali para makaabot dito." Dagdag na inis na saad ni Ana kay Talline. Nagsimula na akong maglakad habang sinusundan ang mga anino na pwede kong silungan. C'mon! I know healthy ang sunlight in the morning but who cares, nakakaitim pa rin siya. "Sinabi mo pa! Nakalimutan ko na ngang magmedyas!" Reklamo ni Diana habang turo-turo ang bandang paa
Kristalline William's POV "Hanggang ngayon hindi pa rin kilala kung sino ang namumuno sa-- sa S-SAM." Halos putol-putol na paliwanag ko sa harap nila Queen Divine. Narinig ko naman mula sa aking likod ang mahina at magpalarong pagtawa ni Gab. "Ginagamitan nila ng code name yung master nila." "Tama, if I'm not mistaken, they call it Tuttie. " "Tss, so cheap." Irap na komento ni Grethel habang nakasandal sa pader. "So paano natin malalaman kung sino ang dapat tapusin?" Naramdaman ko na naman ang kamay ni Gab sa aking bewang na habang tumatagal ay hinihitak ako nito papalapit sa kanya. Bale kasi nakatukod ang aking dalawang siko sa railing. Ang itsura kasi nitong Room 9- 'The Peter Hofer Sidelock' ay parang isang arena na hindi ganun kalakihan pero ganun ang itsura. Elevated ng mga 5 steps itong tinutungtungan namin mula sa baba. Pabilog ang railings kaya focus ang tingin namin sa gitna. Isang bilog na platform na may upuan sa gitna 'yon. Ang itsura nung upuan ay yung parang sa