C10 WMS#38 Napamulat ako nang aking mga mata nang marinig ko ang katok nang pinto. Nagpasya kasi ako na uuwi rito sa pinapagawang bahay ko sa Bulacan. Tumayo ako at binuksan ang pinto.“Sir, nakahanda na po ang almusal niyo,” Tumango naman ako sa kanya habang napahawak ako sa aking ulo. Sumakit kasi ito dahil sa ininom kong alak kagabi.“Susunod na ako.” Sinara ko muli ang pinto at pumasok sa banyo para makaligo. Nang matapos akong maligo ay agad na akong bumaba para kumain. “Sir, kung may kailangan pa po kayo tawagan niyo na lang po ako,” Wika nang kinuha kong katulong. Umaalis kasi ito kapag tapos na ang paglilinis niya rito minsan lang din ito magluluto dahil ‘di naman ako masyadong umuwi rito sa bahay. Pinapagawa ko lang naman ito para gawing bakasyunan.“Sige, kunin mo na lang ‘yong sahod mo.” Ani ko dahil ipinatong ko lang sa sofa ang buwanang sahud niya.Matapos akong kumain ay naisipan kong pumunta sa garahe para tingnan ang aking motorbike. Nang matanggal ko ang takip nit
C11 WMS#38 Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Donie na kakambal niya iyong hinabol ko at hindi siya. pero bakit ‘di man lang niya sinabi noon na may kakambal siya?“Captain,” Nag-angat ako nang mukha at nakita si Sergeant Mendoza. Ngumiti ako sa kanya habang papalapit siya sa akin.“Ang lalim naman yata nang iniisip mo?” Aniya habang umupo sa upuan. Napahinga ako nang malalim at tumayo.“’Di ko lang kasi akalain na may kakambal pala si Major Sohn.”“Kaya nga, kahit naman ako nagulat, kamukhang-kamukha niya kasi, sino ba naman ang mag-aakala na hindi pala siya ‘yong taong tinatawag mong Hon?” sinamaan ko naman siya nang tingin dahil sa lakas nang tawa niya.“Kumusta ‘yong files na pinapakuha ko sa ‘yo?” Tanong ko at muling umupo. Inabot niya naman sa akin ang folder kaya agad ko itong tiningnan.Paul Vincent Sohn, twenty eight years old. Hobby riding motorcycles. “Mahilig pala siya sa motor kaya ito ang napili niyang business?” tanong ko kay Mendoza.“Siguro dahil marami na
C12 WMS#38 “Boss, dumating na ang mga baril.” Wika nang isa kong tauhan kaya agad akong tumayo. “Sige, susunod ako.” Wika ko habang inayos muna ang mga pera na nasa aking harapan. “Nasa’n si John John?” tanong ko naman sa isa ko pang tauhan.“Nasa taas po Boss, may inayos,” Sagot nito habang patuloy kami sa paglalakad. Nang makalabas kami ay nakita ko naman ang mga malaking kahon na binubuhat nang mga tauhan ko. lumapit ako sa kanila at binuksan ang isang kahon para matingnan ko ito. Tumabad naman sa akin ang iba’t-ibang klase ng mga baril. Tulad ng short-barreled rifle, AR-fifteen at iba pa. talagang maasahan sa mga magagandang uri ng baril ang isa sa mga founder ng Foedus na si Jake Mondragon.“Sasabak ka ba sa giyera?” Napalingon ako kay John John dahil sa sinabi niya.“Mas mabuti na ‘yong handa.” Ani ko at sinara ang kahon.“Sa bagay,” Pinagpatuloy naman nang mga tauhan ko ang pag-hakot ng mga kahon.“Nasa’n na si Jeffrey?” tanong ko nang hindi ko ito makita.“Nando'n lasing n
C13 WMS#38Sh!t! paano niya ba ako nakilala? Tumingin ulit ako sa rear mirror at nakitang naman ang pagkakalagay ko sa sombrero at mask, kaya paano ako nakilala ni Ligaya. Nilingon ko siya sa likuran ng kotse at nando’n pa rin ito at nag-aabang kung kailan ako bababa. “Dude, sa’n ka na? kanina pa kita hinihintay rito sa mall,” wika ni Jeffrey sa kabilang linya ng sagutin ko ang phone.“I need you now.” wika ko sa kanya.“Bakit?”“I am in trouble.”“Trouble? Ano’ng klaseng trouble?”“Basta, mamaya ko na lang i-explaine sa ‘yo, I send ko sa ‘yo ang suot ko kaya gayahin mo.”“Kukunin mo akong double ngayon? Sa bagay mas gwapo pa naman ako sa ‘yo,”“Shut up Dude!” Malakas naman siyang tumawa sa kabilang linya habang pinatay ko ang kanyang tawag.Agad kong senend sa kanya ang suot ko para mabilis niyang magaya.Muli akong lumingon kay Ligaya na nakatuon pa rin ang atensyon dito sa loob ng sasakyan. “Tsk, you think mahuhuli mo ako? nagkakamali ka woman,” napangisi naman ako habang nakatit
C14 WMS#38 “Happy birthday Dude,” Tinapik ako sa aking likod ni Jeffrey pati na rin si John John. “Salamat,” Kinuha ko naman ang aking phone para tawagan si Chase. Si Chase Herrera ay isa sa member ng foedus. Ito rin ang may ari ng Mi Casa El Superi.“Boss,” Nilingon ko naman ang isa sa aking mga tauhan.“Ano ‘yon?”“Nandyan na po ‘yung mga babae,” Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.“Sige, susunod na ako.” Ani ko at napatingin sa aking phone ng tumunog ito.“Yes,” sagot ko.“Dumating na ba ‘yung pinadala ko?” Napangiti naman ako sa sinabi niya dahil balak ko sana siyang tawagan pero naunahan niya ako.“Yes, thank you Bro,” “Ikaw pa, nga pala may regalo rin ako sa ‘yo,” na-excited naman ako dahil sa sinabi niya.“Ano ‘yon?”“I gave you a high class woman, bilang birthday gift ko sa ‘yo,” Napangiti ako dahil sa sinabi niya.“Woah! Thank you Bro,” sigaw ko dahil na-excite ako lalo sa sinabi niya.“No problem,” Agad niyang pinatay ang kanyang tawag kaya nagmamadali akong bumaba
C15 WMS#38 “Ma’am Ligaya, nando’n po ang restroom,” Nilapitan siya ni Nana Nita, pero hindi pa rin niya inalis ang kanyang paningin sa akin. Kinindatan ko siya kaya namilog ang kanyang mga mata na tumingin sa akin. napangisi naman ako sa kanya habang tinalikuran ko siya.Naisipan kong kumuha ng uniform na katulad sa mga guard dito sa amin para hindi ako mahalata ni Daddy at Donie. Hindi ko rin matawagan si Mommy dahil marami itong kausap na mga bisita.Nang maka-bihis ako ay pasimple kong nilapitan si Mommy, pero napa-atras ako nang konti nang makitang lumapit sa kanya si Donie at Ligaya.“Mom,” Tawag nito kay Mommy kaya lumingon ito sa kanya.“What it is Hijo?” Lumapit naman akong muli para marinig ko ang sasabihin nang kambal ko kay Mommy.“Mom, can you approach Ligaya’s Mother, I think she is shy to you,”“Honey,”“It’s okay Hon, I think your Mom is shy to my Mom,” “Of course Hijo, naku Hija, pagpasensyahan mo na, hindi ko pa na-entertain ang Mommy mo,”“Naku Tita, ayos lang po
C16 WMS#38 Hindi pa rin mawala sa isip ko ang kambal nang boyfriend ko na si Paul Vincent. Masyado talaga itong weird isa pa matapos ko itong makita na kausap ang yaya ni Donie ay hindi ko na ito muling nakita pa roon. Hindi ko naman magawang tanungin si Tita Adeline dahil baka ano pa ang isipin nito.Nag-angat ako nang mukha nang marinig ang katok ng pinto.Nakita ko naman si Cruz, na nakatayo sa pinto at agad pumasok. Sumaludo ito sa akin kaya itinaas ko rin ang aking kaliwang kamay.“Captain, ito na ang pinapagawa mo,” Inabot ko naman sa kanya ang folder at binuklat ito.“Nabalitaan mo ba ‘yong sumabog na bahay?” Aniya kaya muli akong nag-angat nang tingin.“Saan?” “Sa Laguna,”“Hindi, bakit?”“Alam mo ba na siya ang nakabili ng property na ‘yon?” “Ano?”“Oo, balita ko isang politician ang may-ari no’n na namatay pati ang kanyang mga tauhan, sa imbestigasyon sumabog daw ang tangke kaya ganu’n ang nangyayari pero ang weird dahil wala man lang nakaligtas.” Napa-isip naman ako sa s
C17 WMS#38 Hindi ko naman maiwasang mainis dahil sa traffic. Habang patuloy pa rin na nag-aasaran si John John at Jeffrey.Pina-abante ko naman ang kotse kaya tumahimik ang dalawa.“Dude, alam ko na ‘yang nasa utak mo,” wika ni Jeffrey sa akin. “Kumapit ka lang.” Wika ni John John at hinigpitan ang kanyang seat belt.Inabante ko naman ang kotse kaya nabangga ko ang nasa likuran. Muli ko namang binangga ang nasa unahan kaya galit na lumabas ang driver nito. lalo naman akong nainis nang maglakad ito papunta sa kotse namin, kaya inabante kong muli ang kotse at sinagasaan siya. Nailing naman si John John nang lingunin ko siya. muli ko namang binangga ang mga kotse sa unahan kaya ‘yong iba ay pilit na umaabante para maiwasan ang kotse ko.“’Di ba, effective?” Natatawa kong wika sa dalawa na nanahimik na.‘Oo, effective nga, dahil marami nang traffic enforcer na humahabol sa atin ngayon.” Wika ni Jeffrey sa akin habang lumilingon sa likod.“’Yan nga ang gusto ko ‘yong laging may humahab