Share

010 | No Other Option

Author: TALACHUCHI
last update Huling Na-update: 2022-09-28 10:27:10

 

            Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nilang tatlo sa loob ng ilang sandali. Hindi alam ni Calley kung ano ang tumatakbo sa isip ng dalawang tiyahin; but one thing was for sure—they both didn't like what they heard.

"Kahit hindi niyo sabihin sa akin ay alam kong gusto na ninyong makuha ang kompanya. I don't know and I don't care what you want to do with it— but I can assure you that I will definitely transfer the ownership as soon as I can. Kahit ang mansion namin at ang bukiring minana ni Mommy sa Lolo, sa inyo na rin. I just want you to leave me alone after the transfer. Ayaw ko na ng gulo, gusto ko nang matahimik. At alam kong mangyayari lang iyon kung wala nang natitirang anumang pag-aaring nakapangalan sa akin."

"Ganito na ba ka-baba ang tingin mo sa amin bilang pamilya mo, Calley?" anang Auntie Augusta niya, puno ng hinanakit ang tinig.

"Come on, Auntie. Let's drop this drama and just be real. Alam nating pareho kung ano ang kailangan ninyo, at walang problema sa akin. You can have them all—"

"When?" tanong naman ng Auntie Esther niya na kanina pa tahimik. Seryoso ang anyo nito, ang mga mata'y diretsong nakatitig sa kaniya. "Hindi tulad ni Ate ay hindi ako magpapaka-ipokrita at sabihing nais pa rin kitang maging pamilya. Our parents left us nothing and gave everything to your father. Pero salamat sa kaniya dahil ang dating maliit na pabrika ay naging isang malaking kompanya. When he died, we thought we'd get something—even just a little something. Pero lahat ay sa'yo lang pala napunta."

Hindi niya alam kung saan nanggagaling poot sa mga mata ng Auntie Esther niya sa mga sandaling iyon. Poot na kahit ang Auntie Augusta niya ay kinunutan ng noo nang makita.

Nagpatuloy si Esther. "Kaya kung ayaw mo sa mga ari-ariang naiwan sa'yo, sabihin mo sa amin kung kailan mo ililipat sa pangalan namin nang matapos na ang lahat. Nang matahimik ka na at maputol mo na ang koneksyon natin bilang pamilya. Those are what you wanted to happen anyway, hindi ba?"

Itinuwid niya ang sarili sa pagkakaupo. "Give me another year."

"Another year," ulit ni Esther na sinundan pa ng pigik na pagtawa. "In six months ay tuluyan nang babagsak ang kompanya kung hindi maagapan at mapopondohang muli, hindi mo ba alam?"

Nainis siya sa sinabi nito. Gusto niyang sabihing kasalanan din ng mga ito kung bakit nangyari iyon—dahil ang mga ito rin ang namalakad ng kompanya sa mahabang panahon. Bakit parang sa kaniya pa ibubuntong ang kapalpakan ng mga ito?

Pero pinili niyang maging kalmado. She had to, even if it hurts. Kahit kailan talaga ay hindi siya tinuring ng mga itong pamilya. They treated her like an investment; at doon siya nasasaktan.

"Nasabi sa akin ni Ninong—I mean, ni Attorney Perez ang tungkol sa kasalukuyang status ng kompanya; so, yes. I know that it is currently facing bankruptcy. Pero alalahanin ninyong kailangan ko rin ng isang taon para maisaayos ang paglilipat ng lahat ng mga properties sa pangalan ninyo. Have you forgotten that I still need to conceive and give birth to a child? It takes nine months to carry the baby— iyon ay kung may mabubuo agad ako?"

Damn it, ni hindi siya sigurado kung papayag si Daniel sa mga plano niya.

Yes, sa loob ng dalawang araw ay iyon ang pinag-isipan niya matapos niyang ma-kompirma ang lahat ng mga sinabi ng Ninong Lito niya tungkol sa huling habilin ng mga magulang. Hindi niya alam kung bakit iyon ang inisulat ng mga ito sa testamento, pero ang eksplinasyon ng Ninong niya ay maaaring nais lamang siguraduhin ng mga magulang niya na mayroon siyang masaya at komportableng buhay bago niya ilipat o ipamigay ang pag-aaring mayroon siya. At na maaaring wala talagang interes ang daddy niya na bahagian ang mga kapatid ng isang sinkong duling; kaya ganoon ang naging kondisyones nito.

Ang hindi alam ng daddy niya ay pahihirapan pa pala siya nito dahil sa huling habiling iyon.

Sa katunayan ay may dalawang paraan na nakasulat sa testamento para ibahagi o ilipat sa iba ang lahat ng ari-ariang nakapangalan sa kaniya.

One was that she had to marry a wealthy man who would give her a comfortable life and bear his child. Kapag nanganak na siya ay maaari na niyang ilipat sa pangalan ng kaniyang anak o sa mga taong gusto niyang pagbigyan ang mga ari-arian. Walang sinabi roon sa testamento na kailangang sa anak lang niya ilipat ang ownership, kaya isa iyon sa maaaring paraan.

Ang naisip niya ay si Daniel. He had been expressing his admiration for her for years. He wasn't filthy rich but he could definitely give her a comfortable life in New York. Kahit naman hindi siya mag-asawa ay kaya niyang magkaroon ng komportableng buhay roon—she's a doctor for pete's sake!

Kung papayag si Daniel ay gusto niya itong yayaing magpakasal. Kilala na nila ang isa't isa at alam niyang malaki ang pagkakagusto nito sa kaniya. Kung hindi ay hindi ito maghihintay ng ilang taon para tugunan niya ang damdamin nito. Besides, she loved Connie and she would be happy to be her step-mom. Kung papalarin ay baka magkaanak rin sila kaagad—o, eh 'di tapos ang problema.

She's already twenty-eight; it's probably high time for her to get married and have a child. Hindi lang para sa ikatatahimik nilang magtiyahin kung hindi para na rin magkaroon na siya ng sariling pamilya na mamahalin at aalagaan.

Pero ang totoo'y may isa pang paraan. Hindi lang ang pagpapakasal at pagkakaroon ng anak.

It was something she didn't want to discuss with her aunties.

And that was her death.

If she died, all the properties would go to her father's surviving sisters or any other immediate families. Kapag nalaman iyon ng mga tiyahin niya ay sino ang nakaalalam kung ano ang kaya ng mga itong gawin?

A shiver went down her spine.

No; kailangang hindi malaman ng mga ito ang tungkol sa huling kondisyon.

"Are you even in a relationship?" tanong ni Esther na muling pumukaw sa malalim niyang iniisip.

"I currently have a man in my life," she lied.

Well... not really. Totoo namang may naghihintay na American banker sa kaniya doon sa New York.

"Well, are you two planning to get married?" Augusta asked.

Tumango siya. And that was a lie.

"Great, then," Esther responded. "We should be invited to the wedding, hindi ba? We need to see the authenticity."

Bahaw siyang napangiti. This bitch... she thought. "Of course."

Doon lang tila nakahinga ng maluwag ang Auntie Augusta niya. Napasandal ito sa upuan at nilingon ang waiter na kanina pa naka-antabay sa kanila. Habang umo-order ito ng maiinom ay nanatili lang silang magkatitig ni Esther.

Hindi niya alam kung ano ang problema nito sa kaniya, pero hindi siya unang babawi ng tingin. Gusto niyang isipin nitong hindi siya aatras sa kung anumang hamon nito.

Until... Esther smiled. Ginagap nito ang kaniyang kamay at banayad na pinisil.

"I was in a bad mood lately because of the company's financial crisis. I'm sorry for being bitchy. Pero salamat dahil ginagawan mo ng paraan."

Can you get faker than this, Aunt Esther? she thought. Hindi niya magawang gantihan ang ngiti nito.

Kahit si Augusta ay napa-ismid nang makita ang ginawa ng kapatid. At least she had the guts to show her fake kindness and give her a fake apology. Augusta was being real and she liked that.

Pero itong si Esther...

Napailing siya sa pagkamangha. Bakit ba kay iba ang mga ito sa kaniyang ama? Her father was the sweetest, kindest human being she had even met in her life. And she was closer to him that her mom when they were both still alive.

"By the way, Calley," Esther said again in her fake friendly tone. Ang kamay nito'y nanatiling nakahawak sa kaniya. "My partner is celebrating his fifty-firth birthday tomorrow. Tamang-tama ang pag-uwi mo; I would like to invite you. Imbitado rin ang ilan sa mga kasosyo ng kompanya. Some were you father's closest friends, they would surely love to see you."

Handa na siyang tumanggi, at alam ni Esther na iyon ang gagawin niya kaya naging maagap ito at dinugtungan ang sinabi,

"Come on, kahit ito na ang una at huling paunlakan mo ang paanyaya ko. I won't bother you anymore."

She wanted to decline. But again,

"I also invited Attorney Perez, kaya siguradong magiging komportable ka roon."

Napabuntong-hininga siya. Mukhang hindi na nga siya makatatanggi pa.

"Well, if that's the case, then I'll come. Anong oras sa makalawa at saan ang location?"

Hindi niya alam kung ano'ng emosyon ang dumaan sa mga mata ni Esther nang marinig ang pagtanggap niya. It was something unfamiliar it was hard for her to understand. But one thing's for sure; the look in Esther's eyes was so devious it brought shiver down her soul.

"It was actually a yatch party. I'll give you the port's address after lunch. Let's order, shall we?"

*

*

*

"Kung hindi kita kasama ay hindi ako pupunta rito," bulong niya sa Ninong Lito niya nang makasampa sila sa yate kung saan gaganapin ang party ng partner ni Esther.

It was Esther's boyfriend, actually. A young-looking fifty-five-year-old Chinese businessman names Charles Xiu. Makisig, mestizo, at maayos manamit. Her aunt Esther was in her mid-forties and she was beautful despite her age, pero sa tingin niya ay hindi ito nababagay sa partner. Esther was way beyond Charles Xiu's league.

Hindi niya alam kung ano ang nagustuhan ng lalaking iyon sa Auntie niya maliban sa ganda. Her auntie was slim and tall, Esther had been a vegetarian since she was little. She was also fond of full-black attire. Kung hindi bestidang itim ay slacks at longsleeve na itim naman. She also knew Esther's chest and hips went under the knife. Matapos itong iwan noon ng dating nobyo sa harap ng altar ay ipinaayos nito ang katawan upang marahil pasayahin ang sarili at ipamukha sa dating nobyo na may igaganda pa ito.

Oh well, she couldn't blame her Auntie Esther's ex—he did the right choice at the perfect time.

"Hindi rin ako pupunta kung tumanggi kang paunlakan ang imbitasyon niya, hija," bulong din sa kaniya ng Ninong Lito niya. Naglalakad sila palapit kay Esther at sa kasintahan nito na abala sa pakikipag-usap sa ilang mga bisita. "Nag-aalala akong baka may hindi sila magandang gawin sa'yo. And I wouldn't let anything bad happen to you, Calley. Nangako ako sa puntod ng daddy mo na hindi kita pababayaan."

"Thank you, Ninong," she responded with a firm grip on his arm.

Sa puntong iyon ay nakita na sila ni Esther. Sandali itong nagpaalam sa ilang mga bisita at niyaya ang nobyong lumapit sa kanila.

Hindi siya nag-abalang mag-handa ng huwad na ngiti. She didn't have to. Alam ni Esther ang damdamin niya rito.

"I'm glad you came," Esther said, and just like the other day, faking a smile.

"So this is Calley, huh?" ani Charles Xiu sabay abot sa kaniya ng kamay. She knew him after her Ninong Lito sent her a link to his website. Apparently, Charles owned a couple of legal night bars in the Metro.

"Nice to meet you," she said, shaking his hand.

"Your dress looks nice," sabi ni Esther, ang mga mata'y bumaba sa suot niyang lacy white summer dress. Umabot ito hanggang sakong, at ang design ay tila yaong mga suot ng mga karakter sa isang Greek Mythology movie.

"You look like a bride in your dress, and it looks nice," sabi naman ni Charles—hindi niya alam kung papuri o insulto ang sinabi dahil dinugtungan nito iyon ng pigik na tawa.

Oh well, she thought of that, too, when she bought the dress last night. Kagabi ay lumabas siya upang kumain sa isang bagong tayong restaurant at napadaan sa isang shopping center. Nakita niya ang dress at naisip na maganda iyong isuot para sa gabing iyon.

It was a yacht party after all, and she thought her dress looked like a beach party dress.

Hindi niya akalaing nagmukha siyang bride na naligaw ng pupuntahan nang isuot na niya iyon kanina.

"Thank you, I feel good in this dress," sagot niya nang may naka-uuyam na ngiti sa mga labi. "Happy fifty-fifth birthday, by the way. Ten more years and you'll become part of the senior's group."

Nawala ang ngiti ni Charles na ikinatawa niya ng lihim.

You deserve it, she thought as she celebrated in her mind. Kahit ang Ninong Lito niya ay pigil-pigil ang tawa sa sinabi niya.

Ngayon ay alam na niya kung bakit nagustuhan nito ang Auntie Esther niya; these two were both wicked souls who found themselves in each other's dark wolds.

"Come, Calley. Let me introduce you to some of your father's friends who are in the party; siguradong matutuwa silang makita ka," sabi ni Esther na bumitiw sa kasintahan at ikinawit ang kamay sa braso niya.

Tiningala niya ang Ninong Lito niya.

"It's okay. Kilala ko ang ilang mga bisita," Lito assured. "Go along, I'll be watching your back. Ikukuha muna kita ng inumin."

Tumango siya at nagpaakay sa Auntie Esther niya. Ipinakilala siya nito sa ilang mga bisita na ayon dito'y kasosyo ng kompanya at kaibigan ng kaniyang ama. She would guess there were almost twenty people onboard, and they were all nice people with polite smile on their faces; ang ilan ay namangha nang makilala siya, ilang ulit sinabi na kamukhang-kamukha niya ang kaniyang ina.

Makaraan ang ilang sandali ay may lumapit at nag-abot sa kaniya ng inumin. Kinuha niya iyon sa pag-aakalang ang Ninong Lito niya ang lumapit, subalit sa pag-angat niya ng tingin ay nakita si Charles.

Niyuko niya ang inabot nitong kopita at nakita ang laman niyon. Her Ninong Lito knew she could only drink white wine. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Charles. "Sorry, I don't drink red—"

"Oh, would you prefer champagne?"

"White wine."

"We don't have that here."

She opened her mouth to complain when one of her father's colleagues spoke and said, "We can't believe that we would actually meet you, Miss Calley. Siguradong matutuwa ang iyong ama sa langit kapag nakita tayong nag-uusap-usap ngayon. I could still hear his laughter, you know? Cheers to finally meeting you."

Napilitan siyang dalhin sa bibig ang hawak na kopita sa ginawang iyon ng isa sa mga dating kaibigan ng kaniyang ama. At habang dahan-dahan siyang sumisimsim ay inikot niya ang tingin sa paligid. Hindi kalayuan sa kinaroroonan niya ay nahanap niya ang kaniyang Ninong Lito, may kaharap itong isang pares; babae at lalaking nakasuot ng mga formal clothes katulad ng iba, at tila seryoso ang mga pinag-uusapan. In his hands were two goblets of champagne.

Sa hula niya'y hindi kaagad makaalis ang Ninong niya mula sa mga kausap. Oh well, as long as naroon ito ay nakadarama siya ng seguridad.

Sa nakalipas na ilang sandali'y nakilala rin niya ang ilan sa mga bisitang naroon. She noticed that her Auntie Augusta wasn't there, and she asked Esther about it.

Esther explained Augusta wasn't feeling well and had to skip the party. Wala rin ang anak nito—ang pinsan niyang si Anton. She was two years older than him and they were never close because he was brainwashed by his mother. He was made to believe that he was the rightful heir of the company and she was the antagonist in their family drama.

Nakilala rin niya ang matalik na kaibigan ni Charles Xiu—si General Campos, head of police ng Batangas. Katulad ni Charles ay hindi rin siya natuwa sa paraan ng pakikipag-usap nito sa kaniya. Tila ito may nais ipahiwatig. At habang kaharap niya ito'y hindi initago ng lalaki ang malalagkit nitong mga tingin.

Lumipas pa ang mahabang sandali at tuluyan nang nakabalik ang Ninong Lito niya sa kaniyang tabi. Nagulat pa ito nang malamang naka-tatlong kopita na siya ng red wine. Humingi ito ng dispensa dahil hindi ito kaagad na nakalapit; sa dami ng kilala nito roon ay nakakausap nito ang halos lahat na nakasalubong.

Bandang alas-dies ng gabi nang mag-umpisang sumama ang panahon. Ang lahat ng mga bisita ay nanatili sa loob ng malaking yate na iyon na napag-alaman niyang pag-aari ng kasosyo sa negosyo ni Charles Xiu. Nakikita nila sa bilog na bintana ng yate na malakas ang ulan sa labas, at ang alon ay unti-unting dinuduyan ang yate. Kung tutuusin ay dapat na bumalik na sa pantalan ang yate pero kinausap ni Esther ang kapitan na huwag munang dadaong hanggang hindi nito sinasabi; which she thought was weird.

"I'm getting sleepy, hija. This weather is making me feel sick."

Napalingon siya sa Ninong Lito niya nang maupo ito sa kaniyang tabi. Inisandal nito ang ulo sa headrest ng couch at ipinikit ang mga mata. Inikot niya ng tingin ang paligid. Ang ilang mga bisita ay nagsabing magpapahinga sa ilang mga cavinnti, habang ang iba'y nanatiling nakatanaw sa bintana.

Ibinalik niya ang tingin sa katabi. "Just rest up; hahanapin ko si Esther at sasabihing kailangan na nating umalis."

Tumayo siya at hinanap ng tingin ang tiyahin. Kung hindi siya nagkakamali ay may nihatid itong mga bisita sa cabin ng yate. Hahanapin niya ito.

Subalit hindi pa man siya naka-ilang hakbang ay bigla rin siyang nakaramdam ng pagkahilo. Napakapit siya sa isang end table at sinapo ang ulo.

Suddenly, she felt so lightheaded.

Maaring dahil sa pag-sayaw ng yate sa ibabaw ng mga alon, o dahil nakarami siya ng inom.

Ahh, we really need to go home now.

Itinuloy niya ang paghakbang patungo sa likod ng pabilog na bar counter kung saan naroon ang tatlong magkakatabing cabin. Napahawak siya sa pader upang alalayan ang sarili. Hanggang sa hindi lang hilo ang naramdaman niya; pati na rin ang kaniyang paningin ay naapektohan. Her vission was getting blurry.

Sinapo niyang muli ang ulo.

Wait... This is not just a simple... Natigilan siya. Hindi na rin siya makapag-isip nang diretso. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kaniya.

"Calley?"

Na-angat siya ng tingin; subalit lalo lang siyang nakaramdam ng hilo, at ang kaniyang paningin ay lalong nanlabo. Subalit kung ang pagbabasehan niya ay ang suot ng babaeng sumalubong sa kaniya ay sigurado siyang si Esther iyon.

Esther came to help her. Hinawakan siya nito sa siko at inalalayan. "Let's go to the cabin, magpahinga ka muna."

*

*

*

"Lower your voice or she would wake up!" Charles hissed, trying to calm Esther down.

"Hindi ito ang pinag-usapan natin, Charles! I didn't tell you to f*ck her!"

"I don't want to waste such beauty, Esther; calm down." Charles reasoned. "And you know my appetite. Bago natin siya patayin ay hayaan mo naman akong pagsawaan muna ang katawan ng mahal mong pamangkin."

"That woman is not my family! Alam mong hindi namin totoong kapatid ang ama niya. Augusta and I were just adopted, and I thought Rodney would fall for me but he married that woman's mother!"

"Ahhh, Esther. You are such a bitch for hurting my feelings. Harap-harapan mo ba talagang sasabihin sa akin na hanggang ngayon ay hindi mo pa rin matanggap na hindi ka pinatulan ng tatay ng pamangkin mo?"

"Hindi ko nga siya pamangkin!"

"Come on, Esther. Pagbigyan mo na ako. It'll be fast—ten minutes top."

"Damn you! Maya-maya ay magigising na rin si Lito. Kaunting porsyento lang ng sleeping pills ang ini-lagay ko sa huling inumin niya sa labis na pagmamadali. Kung hindi pa natin gagawin ngayon ang plano natin ay baka mawalan tayo ng pagkakataon. Ang sampung minutong hinihingi mo ay kritikal na oras na magagmit pa natin sa plano."

"Ahh, damn it. Fine! Calm down, okay?"

Napahigpit ang kapit ni Calley sa bedsheet nang marinig ang pag-uusap na iyon sa silid na kinaroroonan niya.

Nagising siya na masakit ang ulo, at hindi siya makapaniwala sa mga nalaman. Ramdam niya ang hilo kahit nakahiga; ang kaniyang katawan ay magaan na tila siya nakalutang sa ere. Ang mga impormasyong narinig ay tila bulang anumang oras ay puputok at mawawala rin sa kaniyang isipan. Kailangan siyang may gawin; hindi siya maaaring manatili roon, nakahiga, at hintaying maisakatuparan ng mga demonyong ito ang mga binabalak.

She needed to run away.

"How do you want her to die?" narinig niyang tanong ni Charles.

"Just strangle her or whatever; I just want her dead, Charles," Esther answered vindictively.

Lalo siyang nakaramdam ng takot.

"Give me a minute," ani Charles.

"Oh, ano na naman 'yan?!"

"Isang baba lang. Kailangang makatira ako bago ko gawin ang gusto mong mangyari."

Sunod niyang narinig ay ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Dahan-dahan siyang pumihit paharap, at nang makitang nawala sa silid ang dalawa ay napa-angat siya.

Ramdam niya ang matinding sakit ng ulo at hilo, subalit ayaw niyang may mangyaring masama sa kaniya sa gabing iyon kaya pinuwersa niya ang sariling tumayo.

She couldn't waste any chances.

Pagewang-gewang siyang naglakad patungo sa pinto. Mayroong isa pang pinto sa gilid ng silid na sa hula niya ay banyo, at doon sa loob ay dinig niya ang mahinang pagtatalo ng dalawa. She hurriedly walked towards the door and opened it. Kahit nasa labas na siya'y hindi pa rin niya masabing ligtas na siya. She had to hurry. She needed to move fast.

Pagdating niya sa hallway ay kaagad niyang hinayon ang daan sa kaliwa kung saan ang alam niyang direksyon patungo sa lounge area. Nang marating ang dulo ay nanlumo siya nang makitang daan na iyon palabas ng deck. Napagtanto niyang nasa kabilang area siya dinala ng mga ito, kaya nagkamali siya ng direksyon. Nasa kabilang dulo ang lounge area.

Kailangan niyang bumalik. Kailangan niyang dumaan sa pinanggalingan.

At iyon na sana ang kaniyang gagawin kung hindi lang niya nakita ang hangos na paglabas ni Charles Xiu sa silid na pinanggalingan niya.

Napaatras siya. At nang lumingon sa direksyon niya ang lalaki ay hindi na siya nag-isip pa. Kaagad siyang tumalikod at lumabas patungong deck. Pagdating sa labas ay sumalubong sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin at bahagyang ambon.

Dire-diretso siya sa pinakadulong bahagi ng deck at mahigpit na napakapit sa railings. Nakahinto ang yate at medyo maalon ang dagat sanhi ng sama ng panahon.

Fear consumed her heart.

Is there any way? tanong niya sa sarili.

She's not a good swimmer but she could swim nonetheless. Sinulyapan niya ang mga nakapaligid na ilaw sa karagatan. Mula sa deck ng yate hanggang sa pinakamalapit na liwanag na marahil ay mula sa isang bangkang pangisda ay dalawang daang metro. Malayo iyon at hindi siya sigurado kung kaya niyang languyin, lalo sa kondisyon niya sa mga sandaling iyon.

Pero kung hindi siya tatalon, ay papatayin din siya ng dalawa. Worse, she could get r*ped first.

Shit, she cursed in her mind. I don't wanna die yet!

"Calley!" Napalingon siya nang marinig ang tinig ni Esther. Nakatayo ito hindi kalayuan at may hawak na baril sa kamay. Nasa likuran nito si Charles na nakangisi.

Nanlaki ang kaniyang mga mata; wala nga yatang makapagbabago sa isip ni Esther.

Bago pa siya lamunin ng matinding takot ay sumampa na siya sa railings. Dinig niya sa likuran ang mala-demonyong tawa ni Charles.

F*ck it, mamamatay akong buo ang dangal.

At bago pa man siya maunahan ng bala ni Esther ay tumalon na siya sa madilim at maalong karagatan.

*

*

*

TO BE CONTINUED...

Kaugnay na kabanata

  • PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC   011 | The Mermaid

    "Is it worth it, Quaro?" tanong niya sa kapatid habang sinusundan ito ng tingin. His brother had been moving around the kitchen as he prepared for the seafood pie his wife had requested.That seafood pie was the reason why he flew his car from his town to Quaro's—it was a hellish four hours drive and he was exhausted. At kahit gustuhin niyang magpahinga at ipagpabukas na ang pagbabalik sa Contreras ay hindi niya magawa. Kailangan niyang asikasuhin ang dalawang bangkang nasira noong nakaraang bagyo. Responsibilidad niya iyon—hindi niya maaaring pabayaan ang mga tauhan.Nasa laot siya buong magdamag at wala pang tulog—pagbaba nang pagbaba niya sa bangka ay kaagad siyang sinalubong ni Nelly dala ang kaniyang cellphone. It was four in the morning, and Nelly said Quaro, his older brother, h

    Huling Na-update : 2022-09-28
  • PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC   012 | Fated To Be There

    Sampung minutong lakad takbo ang ginawa ni Phillian hanggang sa marating niya ang kinaroroonan ng taong nakasampa sa ibabaw ng kahoy na tuluyan nang ini-anod ng alon sa dalampasigan. At habang papalapit siya nang papalapit ay nakikilala niya kung kaninong bangka ang nasirang iyon.Ang kahoy mula sa nasirang bangka na kinasasampahan ng babae ay isa sa mga bangkang pangisda na nakikilala niya. Pag-aari iyon ng isang binatilyong mangingisda sa kalapit na barangay. Narinig niyang inabutan ito ng malakas na ulan at pagkidlat sa gitna ng laot dalawang gabi na ang nakararaan; tumaob ang bangka nito at salamat sa Diyos dahil nagawa pang magpatianod sa alon at lumangoy patungo sa lupa. Hindi niya akalaing tuluyang nasira ang bangka nito.Hindi rin niya akalaing may isang kasama pa itong nakaligtas at nagawang m

    Huling Na-update : 2022-09-29
  • PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC   013 | Ten Days Deal

    Ang akma niyang pagbati ay naudlot nang marinig ang sinabi ng babae. She screamed his name as if they were long lost friends who'd seen each other again after decades of being apart.Inalis niya ang tingin sa babaeng nanlalaki ang mga mata saka binalingan si Nelly. Naisip niyang maaaring nasabi nito ang buo niyang pangalan sa babaeng sinagip niya. But Nelly was as shock as him; which contradict his suspicion.Naisip niya rin... na kung ipakikilala siya ni Nelly, ay hindi nito ibibigay ang buo niyang pangalan. He never used his complete name since he finished school. Sa tuwing magpapakilala siya sa tao ay 'Phillian Zodiac' lang ang ibinibigay niya, at ganoon din si Nelly.Ibinalik niya ang tingin sa babaeng nanlalaki pa rin ang mga ma

    Huling Na-update : 2022-09-30
  • PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC   014 | Papaya

    Hindi mapigilan ni Calley na sabihin iyon. Kahit siya sa kaniyang sarili ay nagulat kung bakit niya nagawang makapagsalita ng ganoon. Ano ba'ng alam niya tungkol kay Phillian maliban sa isang gabing nagkasama sila? Tuloy, mukhang mapaparami na naman ng tanong ang lalaki. She could clearly see confusion and suspicion in his beautiful blue eyes.Mukhang kailangan niya'y ihanda ang sarili na lusutan ang ilan sa mga katanungan nito.Obviously, ay hindi siya nito natatandaan. She had lost 80% of her excess weight and she looked a lot different from the day they first met; naiintindihan niya kung bakit hindi siya nito makilala.Kung pwede lang na magsabi siya ng totoo tungkol sa katauhan niya ay gagawin niya para madali niya itong ma-kombinsing tulungan siyang

    Huling Na-update : 2022-10-01
  • PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC   015 | Decent

    Pagkatapos ng hapunan ay nag-alok si Calley na tumulong sa pagligpit ng mesa at sa mga hugasin, subalit tumanggi si Nelly at sinabihan siya nitong kaya na ang mga gawain at magpahinga na siya. She thanked Nelly for the home-cooked meal and went upstairs. Di-diretso siya hanggang sa ino-okupang silid. Nahinto siya sa harap ng guest room at nilingon ang glass foor patungo sa veranda. Umaga pa lang paglabas niya ay napansin na niya iyon; she was planning to ask Nelly if she could go there but she totally forgot.Wala naman sigurong masama kung sisilipin niya kung ano ang mayroon doon? It was just a veranda...Kaya imbes na pumasok na siya sa guest room at tinungo niya ang glassdoor at pinihit iyon pabukas. Namangha siya sa nakita.Sa pamamagitan ng liwanag

    Huling Na-update : 2022-10-02
  • PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC   016 | Just A Few More Days

    "Morning, Miss Caty!" masiglang bati ni Nelly pagbaba niya kinaumagahan.Pasado alas nueve na siyang nakababa dahil nang muli siyang umakyat matapos niyang uminom ng tubig sa kusina ay muli siyang natulog. She woke up at nine; madali siyang naligo at inisuot ang isa pang pares ng T-shirt at leggings na ibinigay sa kaniya ni Nelly kagabi. But just like yesterday, she wasn't wearing any bra. Hindi kakasya sa kaniya ang pinahiram nito."Maupo ka na, Miss Caty, luto na ang almusal."Napatingin siya sa mesa at doon nakita ang dalawang platong naka-patong roon, pati na mga kubyertos at dalawang tasa."Sasabayan mo ba ako?" aniya."Oo, para hindi ka m

    Huling Na-update : 2022-10-03
  • PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC   017 | Same Target

    "O, kumusta? Nakausap mo ba ang ninong mo?" tanong ni Nelly nang bumalik siya sa kusina. Tapos na rin itong maglinis ng lababo at hinuhubad na ang apron.Nakangiti siyang tumango saka inabot dito ang cellphone. "Your boyfriend has sent you text messages; pasensya ka na kung natagalan ang pag-gamit ko.""Naku, wala 'yon. At hayaan mo si Ambong na ma-miss ako." Bumungisngis ito at inisuksok ang cellphone sa bulsa. "Ang sabi ko sa kaniya ay matulog muna siya dahil papalaot na naman mamayang gabi, eh. Matigas din ang ulo, gustong mag-bidyo kolkahit sinabi ko nang aalis tayo.""Your boyfriend loves you...""Hindi ko siya masisi,nasa akin na ang laha

    Huling Na-update : 2022-10-04
  • PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC   018 | Hitting One Bird With Their Stones

    Alas sinco ng umaga nang magising si Calley kinabukasan. Maaga siyang natulog kagabi at dire-diretso; she felt so light this morning. Nilingon niya ang bahagyang nakabukas na bintana ng silid. Doon pumapasok ang malamig na simoy ng hangin.Napangiti siya.It was so nice to wake up in the morning feeling the ocean breeze and hearing the waves. Hindi niya maintinidhan kung bakit tila langit iyon sa kaniyang pandinig at pakiramdam. It was as if... her heart was in peace. It was as if... this place was home.She felt happy and protected. Kahit na... pansamantala lang.Ang totoo'y hindi niya gaanong naiisip ang sitwasyon niya habang naroon siya. Nalilibang siya kasama si Nelly, at parang hinahalukay ang

    Huling Na-update : 2022-10-05

Pinakabagong kabanata

  • PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC   087 | Freedom Pt 2

    "Come on, honey," si Charles na kanina pa nakangising nakikinig sa likuran. "You are being too harsh on Calley." Nilapitan siya nito at tinulungang makatayo.Nasusuka siya sa itsura ni Charles Xiu; gusto niya itong itulak, sampalin, saktan. Sigawan at sabihing napakasama nilang mga tao, pero pinili pa rin niyang maging kalmado. Hindi nga lang niya mapigilan ang mga luha.Hindi niya alam kung gaano pa katagal ang kailangan niyang hintayin bago dumating ang tulong, but she had to buy time. And she had to keep them talking."Charles, please convince Esther to let me know..." kunwari ay pagmamakaawa niya sa hayop. Alam niyang hindi rin ito naiiba kay Esther; pareho ang mga itong mas masahol pa sa hayop.

  • PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC   086 | Freedom Pt 1

    Anim na pulgada lang ang laki ng binata sa banyo at may taas na dalawang metro mula sa tiled floor. Kahit pumatong siya sa toilet bowl at maabot ng bintanang iyon ay hindi pa rin niya magagawang mailabas ang sarili mula roon.Not with the size of boobs she had. Not with the size of her thighs, and her bum. Hindi kakasya ang katawan niya sa bintanang iyon, kaya walang pag-asang makalalabas siya roon kahit pa maabot niya.Binuksan niya ang gripo upang lumikha ng ingay ang tubig na nasa-sahod na balde. Malakas ang pressure ng tubig kaya malakas din ang ingay na nililikha niyon—ingay na sapat upang takpan ang balak niyang gawin. Ni-lock niya ang pinto ng banyo at humakbang siya sa pinaka-dulong section ng CR upang lalong lumayo sa pinto. She then took the billing paper and her phone out. Mabilis niyang ni-t

  • PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC   085 | The Bad Guys

    Mabilis na naitago ni Calley ang cellphone sa loob ng pants nang maramdaman ang pag-unlock ng trunk ng kotse kung saan siya kasalukuyang nakayupyop. Hindi nagtagal ay bumukas iyon, at ang bumungad sa kaniya ay ang isa sa dalawang lalaki na pwersahang kumuha sa kaniya kanina sa harap ng beach house. "Labas na, tisay," utos nito na ikina-igtad niya. Sumakit ang kaniyang likod sa pagkaka-baluktot kaya hindi siya kaagad na nakakilos. Dagdagan pa ang labis na takot na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. "Bingi ka ba?" untag lalaki ng lalaki nang hindi siya kumilos. He was a man in his mid-thirties, mahaba ang buhok na naka-ponytail ay balbas-sarado. Nakasuot ito ng denim jacket at itim na tshirt. Ang anyo ay na

  • PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC   084 | Searching...

    "Hey, hindi pa rin ba bumabalik si Calley?" Ang pagdadala ni Aris ng tasa ng kape sa bibig ay naudlot nang marinig ang tanong ni Phillian. Nasa mukha ng huli ang labis na pag-aalala, ang mga kilay ay magkasalubong, ang buhok ay magulo pa. Itinuloy ni Aris ang paghigop ng kape habang ang tingin ay hindi humihiwalay sa kapatid. "What do you mean? Didn't you sleep in one room?" Hindi pinansin ni Phillian ang panunukso ng kapatid. Itinuloy nito ang pagpasok sa kusina at sumilip sa labas ng bintana habang itinutuloy ang pagbubutones ng suot na shirt.

  • PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC   083 | Phillian's Request

    Phillian wasted no time after hearing Calley's response. He lowered his head and claimed her waiting lips for a mind-blowing kiss.He missed her damn much. He had been craving her kisses, her touch, her body. Calley bothered his whole being, and she was the only person he needed in his life right now.He wanted to take her back. He needed her back.Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Phill sa braso ni Calley, hanggang sa ang isang kamay nito'y bumaba na rin sa bewang ng huli.Calley's arms crawled around his neck, pressing her soft body against his. He groaned in pleasure. His lips opened over hers, slanting back and forth in a fierce, wildly arousing kiss that made her shudder with

  • PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC   082 | Touch Me

    Naramdaman niya ang pagkalat ng init sa magkabila niyang mga pisngi matapos ang sinabi ni Phillian. She didn't expect that at her age, she would still blush with a compliment. Kung compliment mang matatawag iyon... "My top looks great on you," Phillian added, smirking a little. She let out a sigh of resignation. "What is it, Phill? Ang sabi mo'y may kailangan kang itanong." She wanted him to get straight to the point. Hindi niya maintindihan kung bakit ang dami pa nitong paliguy-ligoy.

  • PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC   081 | Alluring

    Hindi alam ni Calley kung ano ang unang mararamdaman nang marinig ang tinig ni Phillian. Nahahati siya sa labis na tuwa at pag-aalala.Natutuwa siya dahil wala siya sa panganib at naroon na ito ngayon kasama siya, at nag-aalala dahil nabasag ang glass pitcher na inihampas niya sa ulo nito.And now, Phillian was grunting and cursing at the same time. Nabitiwan din nito ang emergency light na hawak na bumagsak sa sahig—at doon bumaba ang kaniyang tingin.Sa sahig ay nakita niya ang mga nabasag na crystal kung saan may pulang likido siyang nakitang tumutulo... mula sa ulo ni Phill!Malakas siyang napasinghap nang mapagtanto ang ginawa. Mabilis siyang lumapit kay Phillian na napahawak sa nas

  • PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC   080 | Weather and Darkness

    Tuluyang humarap si Phillian nang marinig ang katanungang iyon ni Calley. Sa mahabang sandali ay pareho silang tahimik na magkatitig. Calley's eyes were filled with hope; she was hoping to hear the answer she wanted to hear. And Phillian's eyes were filled with... many emotions. Mga emosyong nagtatalo-talo. Naroon pa rin ang lungkot sa anyo nito, ang pagkalito sa tunay na nararamdaman, ang sama ng loob sa mga nangyari. At this point, Phillian was confused of his own feelings. Hanggang sa unti-unting nagsalubong ang mga kilay nito, kasunod ng muling pag-blangko ng anyo. He would rather hide what he truly felt to protect himself, than show Calley and allow her to break his heart over and over again.

  • PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC   079 | Lonely Pt 2

    Matapos ang tanghalian ay umakyat na si Calley sa master's bedroom at nahiga roon matapos makaramdam ng matinding pagka-antok. She wasn't able to get as much sleep as she could last night because of overthinking. Tapos ay maaga pa siyang nagising para umalis sa Asteria.Natural sa buntis ang madalas na makaramdam ng pagkaantok at pagkapagod, kaya minabuti niyang ipahinga ang sarili at doon muna sa taas habang si Phillian ay nilinis ang kusina.Nang magising siya'y pasado alas sinco na ng hapon. Bumangon siya at nagtungo sa banyo upang maligo. She wasn't feeling well during this time; she was feeling dizzy. Umasa siyang aayos ang pakiramdam niya kapag nakaligo na siya. She knew she only needed a cool bath, makatutulong iyon para mawala ang pagkahilo niya.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status