Sampung minutong lakad takbo ang ginawa ni Phillian hanggang sa marating niya ang kinaroroonan ng taong nakasampa sa ibabaw ng kahoy na tuluyan nang ini-anod ng alon sa dalampasigan. At habang papalapit siya nang papalapit ay nakikilala niya kung kaninong bangka ang nasirang iyon.
Ang kahoy mula sa nasirang bangka na kinasasampahan ng babae ay isa sa mga bangkang pangisda na nakikilala niya. Pag-aari iyon ng isang binatilyong mangingisda sa kalapit na barangay. Narinig niyang inabutan ito ng malakas na ulan at pagkidlat sa gitna ng laot dalawang gabi na ang nakararaan; tumaob ang bangka nito at salamat sa Diyos dahil nagawa pang magpatianod sa alon at lumangoy patungo sa lupa. Hindi niya akalaing tuluyang nasira ang bangka nito.
Hindi rin niya akalaing may isang kasama pa itong nakaligtas at nagawang makabalik nang buhay. He thought the young fisherman was alone.
Pero... buhay pa nga ba?
Ilang dipa na lang ang layo niya sa sirang kahoy nang matigilan siya. Napatingin siya sa nakalabas na binti ng taong nasa ibabaw at buong pagtatakang sinuri iyon hanggang sa likod ng nakalabas na tuhod nito. The person's skin was fair; flawlessly so. At may napagtanto siya.
It wasn't the kind of skin a fisherman would have.
Umangat pa ang tingin niya sa basa nitong katawan.
Ang tao'y nakadapa at ang ulo ay natatakpan ng parte ng suot nitong damit. Ang suot na damit ay puting bestida na kung hindi siya nagkakamali ay gawa sa silka. Mahaba iyon at doble ang tabas kaya nagawa niyong takpan ang halos kabuoan ng katawan ng may suot.
At hindi mahirap hulaan na babae iyon.
And damn, she was still breathing!
Itinuloy niya ang paglapit at mabilis itong dinaluhan. Hinila niya ang kahoy hanggang sa hindi maabot ng alon, at hinawakan ito sa balikat upang yugyugin.
But shit, she was not responding.
Sa maingat na paraan ay dahan-dahan niya itong itinahaya. Ang basa nitong buhok ay tumabing sa mukha nito at iyon ang sunod niyang hinawi.
And then, he saw her face.
She was as pale as a ghost and her small, heart-shaped lips were shaking.
Muli ay sinubukan niyang yugyugin ang balikat nito. Sa pagkakataong iyon ay nilakasan niya upang maramdaman nito at magising, subalit nanatili itong walang malay. At mainit ang balat nito sa mga balikat.
Dinama niya ang noo nito—at doon ay bigla siyang napa-igtad.
She was burning up.
Muli niya itong sinubukang gisingin subalit walang nangyari. Doon na siya nagpasiyang buhatin ito. And damn, was she light. Nagtataka siya kung gaano ito katagal sa gitna ng laot at kung saan ito nanggaling.
And why the hell was she wearing a beach wedding dress?
*
*
*
"Kumusta ang lagay niya?" tanong ni Phillian kay Nelly nang lumabas ito mula sa guest room bitbit sa mga kamay ang stainless bowl kung saan nakasilid ang malamig na tubig at bimpo na ipinang-punas nito sa babaeng natagpuan niya sa dagat.
"Nabihisan ko na po siya, Ser Phill, pero mataas pa rin ang lagnat. Ayaw huminto ng panginginig niya kaya kumuha ako ng dalawa pang kumot at itinakip sa katawan niya."
"Okay, samahan mo siya buong gabi at antabayanan kung magigising siya. Kailangan mo siyang punasan maya't maya para bumaba ang lagnat niya."
"Bakit hindi na lang natin siya ideretso sa clinic sa bayan, Ser?"
Bakit nga ba hindi iyon ang kaniyang ginawa?
Napabuntong hininga siya. "Alam mong kulang ng doktor ang bayang ito, at kapag ganitong oras ay wala na ring doctor doon sa clinic malibang emergency. This isn't an emergency; she only had a fever. At wala rin siyang sugat sa katawan maliban sa gasgas sa kaniyang braso. She was breathing fine, too. She will be fine in the morning, basta sundin mo lang ang sinabi ko. Kapag nagising siya ay painumin mo kaagad ng gamot at maraming tubig."
Tumango si Nelly. "Papalaot po ba kayo ngayong gabi?"
"No. Magpapahinga ako ngayon. Call me as soon as she wakes up, okay, Nelly?"
"Sige, Ser."
*
*
*
Calley opened her eyes for a start. Something delicious woke her senses up. She could smell something delicious nearby. Something like a stew. A creamy soup maybe?
Geez... I'm hungry, she thought.
Nanatili lang siyang nakatitig sa asul na kisame at wala sa sariling hinulaan kung ano ang naaamoy.
Mushroom soup with slices of chicken...
No, maybe creamy vegetable soup... with oregano? I could smell the herbs.
Wow... I can't believe they cook a delicious meal in heaven.
Or maybe this is how heaven smells like?
She wasn't in her mind. Mabigat ang kaniyang pakiramdam at ang kaniyang ulo'y bahagya pang kumikirot. Naririnig pa rin niya ang banayad na tunog ng alon.
Damn it. Ilang oras... o araw kaya siyang nagpalutang-lutang sa dagat bago tuluyang sumuko ang kaniyang katawan? Hindi niya maalala ang ibang mga nangyari bago tuluyang sinakop ng dilim ang kaniyang paningin, pero alam niyang nasa dagat siya sa huling mga sandali ng buhay niya.
Masyado pang malabo ang isip niya sa mga sandaling iyon kaya hindi rin niya maalala ang mga nangyari bago siya bumagsak sa dagat. She would assume that her temporary memory loss was due to trauma. This was how people with trauma would feel. She knew, of course. She studied this in med school.
Natigil siya sa pag-iisip nang muling malanghap ang masarap na aroma na iyon. Sunod ay naramdaman niya ang pagkalam ng kaniyang sikmura.
Kinunutan siya ng noo sa pagtataka.
I can't believe I could still feel hungry even after death...
"Hala, gising ka na!"
Napakurap siya—ang kaniyang mga mata'y nanatili sa kisame.
What? W-Who was that?
She narrowed her eyes and stared at the blue ceiling.
Wait... this doesn't look like clouds...?
"Miss?"
Napa-igtad siya nang biglang may sumulpot na pigura sa kaniyang balintanaw. A woman, probably a few years younger than her, frowning a little as she surveyed her face.
Ginaya niya ang reaksyon ng mukha nito. Ang kaniyang noo'y kumunot din.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito habang patuloy sa pagyuko sa kaniya.
Matagal siyang natulala lang dito. Hanggang sa mga sandaling iyon ay nagtatalo pa rin ang kaniyang utak. Hindi niya alam kung nasaan siya, kung ano ang nangyari, at kung bakit tila totoo ang babaeng nasa harapan.
This woman doesn't have wings; she couldn't be an angel, could she?
"Hello? Naririnig mo ba ako?" muling untag ng babae, at sa pagkakataong iyon ay hinawakan na siya nito sa kanang balikat niya.
Doon siya malakas na napasinghap.
Doon niya napagtantong buhay pa siya at totoong tao ang nasa harapan!
Unti-unting nanlaki ang kaniyang mga mata. Oh God, I was saved!
"Kumusta ang pakiramdam mo?" muling tanong ng babae na muli rin niyang ikina-kurap. At nang wala itong nakuhang sagot mula sa kaniya ay tuwid ito ng tayo. "Tsk, ang ganda sana pero bingi."
Hindi niya pinansin ang sinabi nito at manghang ini-libot ang tingin sa paligid. She just realized she was in a room; a clear, relaxing room. The wall was painted in royal blue, as opposed to the ligh blue color of the ceiling. On her left side where the woman was standing was a floor-to-ceiling glass window; nakabukas iyon at ang hangin at umiihip sa mainipis na kurtina. On her right side was the door; sa tabi niyon ay isang malaking cabinet na tulad ng pinto ay naka-pintura ng puti. Sa magkabilang pader ay may tigda-dalawang paintings.
"Where... am I?" Finally, she had found her voice! Pero napangiwi siya nang marinig ang sarili—paos ang kaniyang tinig at bahagya siyang nakaramdam ng sakit sa lalamunan nang magsalita.
"Naku po, kapag minamalas ka nga naman... Inglesera pa," narinig niyang bulong ng babae sabay kamot sa gilid ng ulo nito. "Kay Ser Phill pa lang ay dumudugo na ang ilong ko, eh. Dadagdag ka pa, 'day."
"Nasaan ako...?" ulit niya.
Bumungisngis ito; na marahil ay natuwa dahil sa pagsalita niya ng Tagalog. "Nasa bahay ka ng amo ko dito sa Contretas."
"Con...treras?"
"Naku, mukhang turista ka nga. Kalapit bayan ng Batangas ang Contreras. Kumusta ang pakiramdam mo? Bumaba na ang lagnat mo sa awa ng Diyos pero namumutla ka pa rin."
"M-Masakit ang ulo ko..."
Tumango ito, sandaling tumalikod at naglakad patungo sa end table at kinuha ang isang basong tubig. Bumalik ito sa kaniya, ipinatong ang baso sa bedside table at muli siyang niyuko.
"Kailangan mong kumain at uminom ng gamot. Alas dos na ng hapon ngayon at kahapon ka pa natagpuan sa dagat. Buti na lang at nagising ka na. Kapag hindi ka pa gumising ay magpapapunta na talaga ng doktor 'yong amo ko."
Dahan-dahan siyang inalalayan ng babae na maupo, at napangiwi siya nang makaramdam ng bahagyang pagkahilo at pananakit ng ulo. Her body was sore, too. Pero mas higit ang hilong naramdaman niya kaya mas gusto niyang mahiga na lang sana. But she knew she needed to eat to gain her strength, and take medication.Napasandal siya sa headboard upang alalayan ang sariling maupo.
"Tamang-tama pala ang pag-akyat ko. Plano na talaga kitang yugyugin para magising dahil baka iyon lang ang kailangan mo. Teka, nagdala ako ng sabaw. Dapat ay akin ito at dito sana ako kakain sa kwarto mo pero ikaw na ang mauna; mas kailangan mo ito." Muli itong tumalikod at bumalik sa end table. Kinuha nito roon ang buong tray at inilipat sa bed side table.
Sinulyapan niya ang pagkain nakapatong doon.
Isang malaking mangkok ng sabaw na manok. Sigurado siyang doon nanggagaling ang masarap na aroma na naamoy niya kanina.
But... what is this? Kunot-noo niyang sinuri ang pagkaing nasa bowl.
Nakita marahil ng babae ang pag-salubong ng mga kilay niya kaya napahagikhik ito at hinila ang isang upuan sa paanan ng kama. Dinala nito iyon sa tabi niya at doon ay naupo.
"Chicken binakol ang tawag sa pagkaing 'yan, Miss, kung hindi mo pa alam. Specialty ng pamilya namin 'yan."
Chicken... binakol? Ano 'yon?
Kaya pala hindi niya malaman-laman kung ano ang naaamoy kanina. It was something she never had before.
"Masarap 'yan. O sige, susubuan na kita para hindi ka na mahirapan." Kinuha nito ang kutsarang nasa tray saka ang bowl. The woman then scooped a spoonfull of soup and blew it. Nang sa tingin nito'y hindi na mainit ang sabaw ay saka inilapit sa bibig niya ang kutsara.
Lalong nagsalubong ang mga kilay niya.
"I'm sorry," she said, her voice still sounded like tires screeching on the street. "Ano ulit ang pangalan mo?"
"Ay, pasensya ka na." Bahagya itong natawa. "Ako si Nelly, kasambahay slash personal assistant ni Ser Phill. Siya ang nagmamay-ari ng bahay na ito at siya ang nakakita sayo na palutang-lutang sa dagat kahapon. Sinagip ka niya at ini-uwi rito sa beach house. Aba'y, ano ba'ng nangyari sa'yo? Sirena ka ba at nag-aanyong tao lang o tumalon ka sa bangkang pinanggalingan mo at nag-ala Olympian sa paglangoy? Mukhang hindi ka naman taga-rito dahil..." Nagpatuloy si Nelly sa pagsa-salita subalit ang kaniyang pansin ay wala na sa sinasabi nito.
Dahil matapos niyang marinig ang pagbanggit ni Nelly sa dagat at bangka ay muling bumalik sa isipan niya ang mga nangyari. Unti-unting bumalik sa kaniyang alaala ang lahat.
The yatch party, the red wine with a sleeping drug, Charles Xiu and her Auntie Esther.
Her eyes widened as the incident from that night flashed back in her mind.
She remembered now! And damn, was she in trouble!
"Ayos ka lang...?"
Sa nanlalaking mga mata ay bumaling siya kay Nelly. "P-Please tell me na hindi kayo tumawag ng pulis para i-report ang tungkol sa akin?"
She could still remember the last time Charles gave her a goblet of wine; mula iyon sa kaibigan nitong police official na kung makatingin sa kaniya noong gabing iyon ay para siyang kakainin ng buo! Sigurado siyang sa huling kopita ng wine na iyon naroon ang drug na nagpahilo sa kaniya. She was fine prior to that!
Umiling si Nelly na biglang nagtaka sa pagbabago ng ekspresyon niya sa mukha. "Hindi ko lang alam kay Ser, pero ang huling sinabi niya ay hihintayin ka muna naming magising bago gumawa ng aksyon."
Nakahinga siya nang maluwag.
Good. Ayaw niyang makarating muna sa mga pulis ang nangyari sa kaniya. Kailangan niyang mag-ingat sa mga galaw niya dahil sa kaibigan ni Charles Xiu na police official ng Batangas.
Lalong luminaw ang alaala niya. Iyon ang laman ng isip niya noong makasampa na siya sa lumulutang na parte ng sirang bangka sa dagat. She had many deductions, wala siyang ginawa sa buong gabing nasa gitna siya ng dagat kung hindi ang itatak sa isip ang mga pangalan at mukha ng mga taong kasama nila sa yateng iyon.
"Ikaw, ano ang pangalan mo?"
She turned to Nelly and was about to answer the question when suddenly, a knock on the door interrupted her. At bago pa man makasagot si Nelly ay bumukas na iyon at bumungad ang isang matangkad na lalaking may kalakihan ang katawan.
"Nelly, is she awake n—" Natigilan ang lalaki nang makita siyang gising na at nakasandal sa headboard ng kama. Nang makabawi ay nagpakawala ito ng pinong ngiti at itinuloy na ang pagpasok sa silid. Inisara muna nito ang pinto bago ini-suksok ang mga kamay sa magkabilang mga bulsa ng suot na Khaki shorts bago humakbang papalapit.
At habang papalapit nang papalapit ang lalaki ay unti-unting kumulubot ang noo niya. She didn't know why, but she could sense something familiar about him.
Do I know him...? she asked herself. Itinuloy niya ang pagsuri rito sa pag-asang maalala niya kung saan ito nakita. Bumaba ang tingin niya sa katawan nito.
The man was wearing an orange Hawaiian poloshirt with buttons closed from the middle down below. His skin was light brown—at iyon ang unang umagaw sa kaniyang pansin dahil halatang hindi iyon natural at mukhang nabilad lang sa araw.
He was tanned—like all the other men and women back in the States. Caucasians were addicted to solarium tanning machines and tanning sprays. They all wanted to have brown skin as opposed to Filipinos who dreamt to be fair.
In her case, she was born with naturally fair skin and she liked it.
Oh no, bakit ito ang naiisip ko? I should be thinking about how to solve my problem and not this—
Muli siyang natigilan nang ang kaniyang mga mata'y muling dumapo sa mukha ng lalaki. He was handsome—no, he wasn't just handsome, he was oozing with sex appeal.
And the first thing she noticed about his face was his chiseled jaw—lalaking-lalaki. His thin lips were smiling a little, and it was the kind of smile she would call sexy. And his high bridged nose bothered her; hindi iyon ang tipikal na ilong ng purong Pilipino. And his eyes...
Muli siyang natigilan.
Where did I see those bluish eyes again...? They seem... familiar.
Isa ba ito sa mga ama ng naging pasyente niya sa New York? Or someone she had met in a conference meeting? In a party? At the pub?
Pub?
Party?
Biglang kumabog ang dibdib niya.
May isang mukha na may kaparehong kulay ng mga mata ang unti-unting gumuhit sa kaniyang balintanaw.
Imposible! tutol ng isang bahagi ng kaniyang isip. Imposible! They don't look the same!
Umiwas siya ng tingin at yumuko. Sa nakalipas na sampung taon ay unti-unting nabura sa isipan niya ang mukha ng lalaking iyon. It had been ten years! Yes, he would cross her mind from time to time, especially the time she spent with him that night in bed. Pero ang mukha nito, sa nakalipas na sampung taon, ay tuluyan nang nawala sa isip niya.
Pero ngayong may kaharap siyang kamukha ng lalaking iyon ay tila biglang naging malinaw sa isip niya ang mukha nito.
Ilang tao ba sa mundo ang magkakamukha kahit hindi naman magkaano-ano? tanong niya sa isip.
That man from ten years ago was fair-skinned. He was a pure-blooded foreigner with freckles on his nose. He wore a teeth retainer and he was a little lanky compared to this guy! Kaya imposible!
Pagilid niyang muling sinuyod ng tingin ang lalaking huminto ilang dipa mula sa kama. Her eyes traveled from his legs up to his strong, muscle-y body. Ang maskulado nitong mga braso na nagsisilabasan pa ang mga ugat ay halatang banat sa trabaho. Kahit ang hulma ng balikat nito sa suot na Hawaiian shirt ay bakat na bakat. He had a body any woman would drool over. He was sinfully sexy.
Muling umangat ang kaniyang mga mata sa mukha nito, and there she saw him smiled all the more.
Napasinghap siya nang malakas, at ang panlalaki ng mga mata'y hindi niya naitago.
Oh God, what a small world you made!
"You!" she exclaimed, pointing her index finger in his direction.
His smile disappeared, and his forehead furrowed.
"Free Phillian Zodiac!"
Hindi siya maaaring magkamali. Tuluyan nang luminaw sa isip niya ang mukha ng lalaking nakilala niya sampung taon na ang nakararaan. At sigurado siyang ang lalaking iyon, at ang lalaking nakatayo sa harapan niya ngayon ay iisa!
How could she forget that smile? How could she forget those eyes? And how the hell could she ever forget his name?
If the man would confirm her assumptions, she would surely scream at the top of her lungs!
Ang lalaki'y lumalim ang gatla sa noo. Nakita niya ang sandaling pagkagulat sa mukha nito bago nakabawi at buong pagtatakang nagsalita.
"How did you... know my name?"
"Oh, bloody hell!"
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | SHARE
Ang akma niyang pagbati ay naudlot nang marinig ang sinabi ng babae. She screamed his name as if they were long lost friends who'd seen each other again after decades of being apart.Inalis niya ang tingin sa babaeng nanlalaki ang mga mata saka binalingan si Nelly. Naisip niyang maaaring nasabi nito ang buo niyang pangalan sa babaeng sinagip niya. But Nelly was as shock as him; which contradict his suspicion.Naisip niya rin... na kung ipakikilala siya ni Nelly, ay hindi nito ibibigay ang buo niyang pangalan. He never used his complete name since he finished school. Sa tuwing magpapakilala siya sa tao ay 'Phillian Zodiac' lang ang ibinibigay niya, at ganoon din si Nelly.Ibinalik niya ang tingin sa babaeng nanlalaki pa rin ang mga ma
Hindi mapigilan ni Calley na sabihin iyon. Kahit siya sa kaniyang sarili ay nagulat kung bakit niya nagawang makapagsalita ng ganoon. Ano ba'ng alam niya tungkol kay Phillian maliban sa isang gabing nagkasama sila? Tuloy, mukhang mapaparami na naman ng tanong ang lalaki. She could clearly see confusion and suspicion in his beautiful blue eyes.Mukhang kailangan niya'y ihanda ang sarili na lusutan ang ilan sa mga katanungan nito.Obviously, ay hindi siya nito natatandaan. She had lost 80% of her excess weight and she looked a lot different from the day they first met; naiintindihan niya kung bakit hindi siya nito makilala.Kung pwede lang na magsabi siya ng totoo tungkol sa katauhan niya ay gagawin niya para madali niya itong ma-kombinsing tulungan siyang
Pagkatapos ng hapunan ay nag-alok si Calley na tumulong sa pagligpit ng mesa at sa mga hugasin, subalit tumanggi si Nelly at sinabihan siya nitong kaya na ang mga gawain at magpahinga na siya. She thanked Nelly for the home-cooked meal and went upstairs. Di-diretso siya hanggang sa ino-okupang silid. Nahinto siya sa harap ng guest room at nilingon ang glass foor patungo sa veranda. Umaga pa lang paglabas niya ay napansin na niya iyon; she was planning to ask Nelly if she could go there but she totally forgot.Wala naman sigurong masama kung sisilipin niya kung ano ang mayroon doon? It was just a veranda...Kaya imbes na pumasok na siya sa guest room at tinungo niya ang glassdoor at pinihit iyon pabukas. Namangha siya sa nakita.Sa pamamagitan ng liwanag
"Morning, Miss Caty!" masiglang bati ni Nelly pagbaba niya kinaumagahan.Pasado alas nueve na siyang nakababa dahil nang muli siyang umakyat matapos niyang uminom ng tubig sa kusina ay muli siyang natulog. She woke up at nine; madali siyang naligo at inisuot ang isa pang pares ng T-shirt at leggings na ibinigay sa kaniya ni Nelly kagabi. But just like yesterday, she wasn't wearing any bra. Hindi kakasya sa kaniya ang pinahiram nito."Maupo ka na, Miss Caty, luto na ang almusal."Napatingin siya sa mesa at doon nakita ang dalawang platong naka-patong roon, pati na mga kubyertos at dalawang tasa."Sasabayan mo ba ako?" aniya."Oo, para hindi ka m
"O, kumusta? Nakausap mo ba ang ninong mo?" tanong ni Nelly nang bumalik siya sa kusina. Tapos na rin itong maglinis ng lababo at hinuhubad na ang apron.Nakangiti siyang tumango saka inabot dito ang cellphone. "Your boyfriend has sent you text messages; pasensya ka na kung natagalan ang pag-gamit ko.""Naku, wala 'yon. At hayaan mo si Ambong na ma-miss ako." Bumungisngis ito at inisuksok ang cellphone sa bulsa. "Ang sabi ko sa kaniya ay matulog muna siya dahil papalaot na naman mamayang gabi, eh. Matigas din ang ulo, gustong mag-bidyo kolkahit sinabi ko nang aalis tayo.""Your boyfriend loves you...""Hindi ko siya masisi,nasa akin na ang laha
Alas sinco ng umaga nang magising si Calley kinabukasan. Maaga siyang natulog kagabi at dire-diretso; she felt so light this morning. Nilingon niya ang bahagyang nakabukas na bintana ng silid. Doon pumapasok ang malamig na simoy ng hangin.Napangiti siya.It was so nice to wake up in the morning feeling the ocean breeze and hearing the waves. Hindi niya maintinidhan kung bakit tila langit iyon sa kaniyang pandinig at pakiramdam. It was as if... her heart was in peace. It was as if... this place was home.She felt happy and protected. Kahit na... pansamantala lang.Ang totoo'y hindi niya gaanong naiisip ang sitwasyon niya habang naroon siya. Nalilibang siya kasama si Nelly, at parang hinahalukay ang
Salubong ang mga kilay na lumabas ng banyo si Calley nang may marinig na ingay mula sa ibaba. Ingay na tila kalabog na hindi niya maintindihan. Maliban pa roon ay may naririnig din siyang tinig ng babae na tila may tinatawag; she was calling Free Phillian's name.Mabilis siyang nagsuot ng damit. Alam niyang wala si Nelly sa bahay, naroon ito sa beach house ng pamilya Zodiac upang hintayin ang pagdating ng ina ni Phillian. Ang alam niya'y hindi pa umuuwi ang lalaki magmula pa kagabi; ayon kay Nelly ay doon ito didiretso sa bahay ng pamilya pag-uwi nito mula sa pagpalaot upang doon na salubungin ang ina. Hindi niya alam kung saan iyon, pero ayon kay Nelly ay ilang minutong lakad lang ang family beach house mula sa bahay na iyon ni Phil.Basa pa ang kaniyang buhok kaya dinala niya ang isang tuyong tuwalya sa kan
Nakangiting hinatid ng tingin ni Calley ang sasakyan ni Lee Benedict paalis. Alas sinco na ng hapon nang umalis sa beach house ni Phillian ang mag-ina. Ayon kay Felicia ay didiretso na ang mga ito sa bahay ng panganay na anak na si Quaro. Mananatili raw ito roon ng ilang araw dahil kailangan ng assistance ng daughter in law nito.Doon lang niya nalaman kung sino ang Kirsten at Quaro na paulit-ulit niyang narinig sa mga ito.She couldn't help but like the old woman; she was a joyful one. Hindi niya pagtatakhan kung lahat ng mga anak nito'y malapit dito. Felicia Zodiac was the kindest soul she had ever met her whole life."Pasensya ka na sa mga sinabi ni Mama kanina; she likes matchmakings; sana hindi ka nailang."
"Come on, honey," si Charles na kanina pa nakangising nakikinig sa likuran. "You are being too harsh on Calley." Nilapitan siya nito at tinulungang makatayo.Nasusuka siya sa itsura ni Charles Xiu; gusto niya itong itulak, sampalin, saktan. Sigawan at sabihing napakasama nilang mga tao, pero pinili pa rin niyang maging kalmado. Hindi nga lang niya mapigilan ang mga luha.Hindi niya alam kung gaano pa katagal ang kailangan niyang hintayin bago dumating ang tulong, but she had to buy time. And she had to keep them talking."Charles, please convince Esther to let me know..." kunwari ay pagmamakaawa niya sa hayop. Alam niyang hindi rin ito naiiba kay Esther; pareho ang mga itong mas masahol pa sa hayop.
Anim na pulgada lang ang laki ng binata sa banyo at may taas na dalawang metro mula sa tiled floor. Kahit pumatong siya sa toilet bowl at maabot ng bintanang iyon ay hindi pa rin niya magagawang mailabas ang sarili mula roon.Not with the size of boobs she had. Not with the size of her thighs, and her bum. Hindi kakasya ang katawan niya sa bintanang iyon, kaya walang pag-asang makalalabas siya roon kahit pa maabot niya.Binuksan niya ang gripo upang lumikha ng ingay ang tubig na nasa-sahod na balde. Malakas ang pressure ng tubig kaya malakas din ang ingay na nililikha niyon—ingay na sapat upang takpan ang balak niyang gawin. Ni-lock niya ang pinto ng banyo at humakbang siya sa pinaka-dulong section ng CR upang lalong lumayo sa pinto. She then took the billing paper and her phone out. Mabilis niyang ni-t
Mabilis na naitago ni Calley ang cellphone sa loob ng pants nang maramdaman ang pag-unlock ng trunk ng kotse kung saan siya kasalukuyang nakayupyop. Hindi nagtagal ay bumukas iyon, at ang bumungad sa kaniya ay ang isa sa dalawang lalaki na pwersahang kumuha sa kaniya kanina sa harap ng beach house. "Labas na, tisay," utos nito na ikina-igtad niya. Sumakit ang kaniyang likod sa pagkaka-baluktot kaya hindi siya kaagad na nakakilos. Dagdagan pa ang labis na takot na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. "Bingi ka ba?" untag lalaki ng lalaki nang hindi siya kumilos. He was a man in his mid-thirties, mahaba ang buhok na naka-ponytail ay balbas-sarado. Nakasuot ito ng denim jacket at itim na tshirt. Ang anyo ay na
"Hey, hindi pa rin ba bumabalik si Calley?" Ang pagdadala ni Aris ng tasa ng kape sa bibig ay naudlot nang marinig ang tanong ni Phillian. Nasa mukha ng huli ang labis na pag-aalala, ang mga kilay ay magkasalubong, ang buhok ay magulo pa. Itinuloy ni Aris ang paghigop ng kape habang ang tingin ay hindi humihiwalay sa kapatid. "What do you mean? Didn't you sleep in one room?" Hindi pinansin ni Phillian ang panunukso ng kapatid. Itinuloy nito ang pagpasok sa kusina at sumilip sa labas ng bintana habang itinutuloy ang pagbubutones ng suot na shirt.
Phillian wasted no time after hearing Calley's response. He lowered his head and claimed her waiting lips for a mind-blowing kiss.He missed her damn much. He had been craving her kisses, her touch, her body. Calley bothered his whole being, and she was the only person he needed in his life right now.He wanted to take her back. He needed her back.Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Phill sa braso ni Calley, hanggang sa ang isang kamay nito'y bumaba na rin sa bewang ng huli.Calley's arms crawled around his neck, pressing her soft body against his. He groaned in pleasure. His lips opened over hers, slanting back and forth in a fierce, wildly arousing kiss that made her shudder with
Naramdaman niya ang pagkalat ng init sa magkabila niyang mga pisngi matapos ang sinabi ni Phillian. She didn't expect that at her age, she would still blush with a compliment. Kung compliment mang matatawag iyon... "My top looks great on you," Phillian added, smirking a little. She let out a sigh of resignation. "What is it, Phill? Ang sabi mo'y may kailangan kang itanong." She wanted him to get straight to the point. Hindi niya maintindihan kung bakit ang dami pa nitong paliguy-ligoy.
Hindi alam ni Calley kung ano ang unang mararamdaman nang marinig ang tinig ni Phillian. Nahahati siya sa labis na tuwa at pag-aalala.Natutuwa siya dahil wala siya sa panganib at naroon na ito ngayon kasama siya, at nag-aalala dahil nabasag ang glass pitcher na inihampas niya sa ulo nito.And now, Phillian was grunting and cursing at the same time. Nabitiwan din nito ang emergency light na hawak na bumagsak sa sahig—at doon bumaba ang kaniyang tingin.Sa sahig ay nakita niya ang mga nabasag na crystal kung saan may pulang likido siyang nakitang tumutulo... mula sa ulo ni Phill!Malakas siyang napasinghap nang mapagtanto ang ginawa. Mabilis siyang lumapit kay Phillian na napahawak sa nas
Tuluyang humarap si Phillian nang marinig ang katanungang iyon ni Calley. Sa mahabang sandali ay pareho silang tahimik na magkatitig. Calley's eyes were filled with hope; she was hoping to hear the answer she wanted to hear. And Phillian's eyes were filled with... many emotions. Mga emosyong nagtatalo-talo. Naroon pa rin ang lungkot sa anyo nito, ang pagkalito sa tunay na nararamdaman, ang sama ng loob sa mga nangyari. At this point, Phillian was confused of his own feelings. Hanggang sa unti-unting nagsalubong ang mga kilay nito, kasunod ng muling pag-blangko ng anyo. He would rather hide what he truly felt to protect himself, than show Calley and allow her to break his heart over and over again.
Matapos ang tanghalian ay umakyat na si Calley sa master's bedroom at nahiga roon matapos makaramdam ng matinding pagka-antok. She wasn't able to get as much sleep as she could last night because of overthinking. Tapos ay maaga pa siyang nagising para umalis sa Asteria.Natural sa buntis ang madalas na makaramdam ng pagkaantok at pagkapagod, kaya minabuti niyang ipahinga ang sarili at doon muna sa taas habang si Phillian ay nilinis ang kusina.Nang magising siya'y pasado alas sinco na ng hapon. Bumangon siya at nagtungo sa banyo upang maligo. She wasn't feeling well during this time; she was feeling dizzy. Umasa siyang aayos ang pakiramdam niya kapag nakaligo na siya. She knew she only needed a cool bath, makatutulong iyon para mawala ang pagkahilo niya.