Napa-bangon si Phillian mula sa pagkakahiga sa bleachers nang marinig ang sigaw ng matalik na kaibigang si Deewee. Nakita niya itong papalapit bitbit ang isang box ng pizza habang nakasunod naman sa likuran nito ang isa pa nilang kaibigang si Jeff, who was holding a plastic liter of soda. Iyon na ang lunch nilang tatlo, at doon sila sa sports field ng pinapasukang unibersidad kakain niyon.
Umayos siya ng upo at hinintay ang mga itong makalapit.
Deewee was mysteriously grinning from ear to ear, and he wondered why. He was always the serious one—laging nakasimangot at mapang-husga. They had been friends since high school, at noon ay napilitan lang siyang kaibiganin ito sa hiling ng kaniyang mama.
Deewee also came from the same hometown; La Asteria. Ang ina nito ay kaibigan ng mama nila at nagkataong sa kaparehong section sila napadpad ni Deewee noong unang taon nila sa high school.
At thirteen, Deewee had a height of four feet, nine inches, and was overweight due to his addiction to coloured juices and sweets. Because of this, he was always bullied at school. Noong una'y wala siyang pakealam; elementarya pa lang sila'y kilala na niya si Deewee at alam niyang suplado ito at hindi nakikisama sa ibang kaedaran nila.
Isang gabi'y naikwento niya sa mama nila ang nangyayari kay Deewee sa eskwela, and his mother had asked him to befriend the guy.
He was reluctant at first, but he gave in eventually. He defended Deewee one day from his bullies, and the guy wouldn't leave his side anymore.
In fairness to him, Deewee had been a loyal friend through the years. Kung anong mayroon ito at ibinabahagi rin sa kaniya. Mabait ito sa kaniya at kay Jeff, pero sa iba ay iba ang ugaling ipinapakita nito.
"Kamahalan, ito na ang pagkain niyo," tuya ni Deewee nang makalapit. Naupo ito sa tabi niya saka ipinatong sa kaniyang kandungan ang mainit-init pang box ng large pizza.
"Ano'ng mayroon at kitang-kita 'yang gilagid mo sa pagkakangisi?"
"Naka-kuha ako ng discount sa pizza. Nakatipid ako ng isandaan."
"Nice," aniya saka niyuko ang pizza at tinanggal ang pagkakatali niyon. "Dalawang slice lang ang para sa'yo, ha."
"Teka, ako ang bumili niyan—"
"Hindi ba at kailangan mong magbawas ng timbang?"
Sumimangot si Deewee at hindi na nagsalita pa.
Napangiti siya. His friend was trying to lose weight—finally—dahil iyon ang hinihinging kondisyon ng nanay nito para payagang magbakasyon sa Canada. Deewee's mother was a nurse in Canada and had been living there for two years now, and his friend had always wanted to visit 'the freezing country'.
"Wala pang isang buwan simula nang mag-umpisa kang mag-diet pero mukhang titibag ka na, ah, pare?" sabi naman ni Jeff nang makalapit. Naupo ito sa tabi ni Deewee, ipinatong ang dalang soda sa kabilang gilid, saka nag-hubad ng unipormeng polo.
Ang mga babaeng estudyante sa kabilang bleachers at nakasunod ang tingin sa direksyon nila ay nagbulungan at nagka-sikuhan nang makita ang ginawang iyon ni Jeff.
Sa kanilang tatlo, Jeff was the lady's man. He attracts women like newly bloomed flowers to swarming bees. Because, why not? Jeff San Ismael was a six-footer, a basketball captain, and a handsome lad who would make Jason Statham pale in comparison with his sporty body. Araw-araw ay iba't ibang mga babae ang kasama nito at iniuuwi sa bahay. At kapag magkasama silang tao, Jeff would always shine like a star, at silang dalawa ni Deewee ay tila mga alikabok lang sa tabi nito.
Oh well, he knew he was also good looking and he also had a body of a sportsman. Hindi nga lang kasing ganda ng katawan ni Jeff, pero pwede na. At kung height ang pag-uusapan, mababa lang naman siya ng dalawang pulgada sa kaibigan.
Pero sa tingin niya, maliban sa mas magandang lalaki lang talaga si Jeff, ay hindi talaga siya nagugustuhan ng mga babae dahil sa mapusyaw niyang balat at suot na teeth retainer. He also had freckles on his nose which turned the ladies off most of the time.
Oh well, there were also some girls who showed interest in him. And sometimes, he'd flirt back and ask them on a date. Gusto na rin niyang magka-syota dahil sa edad niyang beinte ay wala pa siyang karanasan sa pakikipagrelasyon. And Jeff had been teasing him to get rid of his virginity.
Damn it. He was already twenty and yet, he still hadn't experienced what it's like to be in a bed with a woman. Ayaw naman niyang gawin iyon sa babaeng hindi niya gusto—o hindi niya mahal.
He wasn't a noble guy—he would engage in premarital sex without second thoughts just like other guys in his age; iyon na ang uso ngayon. But he wouldn't do that just for the heck of it.
He would do that with someone he liked, someone he had developed feelings with.
Pero paano kung ganitong masyado siyang pihikan sa mga babae? When he was on a date with them, he'd always find those girls boring. They were all just pretty faces without personalities. Ayaw niya ng ganoon.
"Kailangan mo ba talagang mag-hubad, kapre?" buska ni Deewee na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan.
"Inggit ka lang kasi hindi mo ma-bilad ng ganito ang katawan mo," tuya naman ni Jeff bago inabot mula sa kaniya ang box ng pizza.
Napa-ismid si Deewee. "Maghintay ka lang, kapre. Kapag nagtuluy-tuloy ang pagpayat ko, ikaw unang makakakita ng hubad kong katawan."
"Kaumay, 'pre," patuloy na pambubuska ni Jeff bago tuluyang binuksan ang box. The melting cheese was what they'd seen first. Katapat lang ng university ang bagong tayong pizza store kaya umu-usok pa nang buksan nila.
Akma sanang sasabat si Deewee nang hinawakan niya ito sa balikat. "He was just kidding," aniya rito. "Sinasabi lang ni Jeff iyon para gawin mong motivation. Pero tama 'yang sinabi mo. Pagdating ng araw na tuluyan ka nang pumayat, sa kaniya ka unang maghubad."
"You bet I will," naka-ismid pa ring sabat ni Deewee na ikina-tawa na lang ni Jeff.
Kaagad na nilantakan ng dalawa ang pizza, at kumuha rin siya ng isa.
Paubos na ang kinakain nila nang muling nagsalita si Deewee.
"Nga pala, kapre. Ano'ng balita roon sa dating service agent na kumausap sa'yo noong nakaraang araw? Papatusin mo ba?"
"Dating service?" ulit niya, nilingon si Jeff na muntikan nang mabilaukan.
Mabilis na binuksan ni Jeff ang bote ng soda at tinungga nang diretso. Nang makainom ay nagpunas muna ito ng bibig bago sila hinarap ni Deewee.
"Yeah, may nag-offer sa akin na maging "escort" sa isang dating service company."
"Escort?"
"Yep. Like, a hired man to date women."
"And these women will pay you to date them?" he clarified. Akala niya ay sa mga pelikula lang mayroong ganoon.
"Tumpak," sabat naman ni Deewee na inubos din muna ang hawak na sliced pizza bago nagpatuloy. "Noong nakaraang araw, kahihiwalay lang natin sa bayan nang may makasalubong kami ni Kapre na agent daw sa isang dating service company. Qualified daw 'tong si Kapre kaya nabigyan ng calling card."
"No hanky-panky naman, mga pre," depensa ni Jeff. "Ang gagawin lang naman daw ay samahan sa isang fancy dinner ang mga magbu-book na kliyente at sa kung saan pa nila gustong pumunta. Like a normal date. Nasa contract naman daw na walang "special service"—if you know what it meant."
"Imposibleng walang ganoon," pambubuskang muli ni Deewee. Inabot nito ang bote ng soda na binawasan na ni Jeff at tinungga rin.
"Well, bago raw magkita ang "service provider" at ang "client" ay may pipirmahan munang kontrata online. No sex after service, at may limit ang oras. Kung ano ang napag-usapang service completion, iyon daw ang masusunod."
"Wait—" he narrowed his eyes in suspicion. "Don't tell me na tinawagan mo ang agent para pag-usapan ang mga impormasyong ito?"
Pasagot na si Jeff nang sumabat naman si Deewee. "Eh, malamang! Kasi wala naman iyan doon sa mga sinabi ng agent noong magkasama kami."
Napangisi si Jeff. "Kailangan ko ng karagdagang allowance—plano kong bumukod na sa mga magulang ko."
Jeff's family was actually fortunate enough to get him his own apartment, but he and his father weren't in a good relationship and Jeff was too prideful to get help from his dad. Iyon lang ang naiisip niyang dahilan kung bakit nagkaroon ng interes si Jeff na i-konsidera ang alok ng agent na nakilala nito.
Napabuntong-hininga siya at inagaw ang soda mula kay Deewee. "Kung hindi mo naman ikapapahamak ang trabahong 'yan at hindi ikababawas ng dangal mo, then go for it."
"Nah, wala rin akong planong tawirin ang limitasyon, Phil," sagot ni Jeff, sa pagkakataong iyon ay nagseryoso na rin. Ipinatong nito ang mga siko sa likurang bleacher at tiningala ang langit. "I will only agree on a "dinner date and bar hopping" service. I will never sell sex."
Nagkatinginan sila ni Deewee at sabay na nagkibit ng mga balikat.
"But that depends kung may magandang kliyente." Doon ngumisi si Jeff at muli silang hinarap. "I'll have sex with them if they want to, pero hindi ako maniningil ng bayad para roon."
Napangiwi si Deewee—tulad ng kaniyang inaasahan—at tumayo na sukbit sa balikat ang bag. "Kapag sa babae talaga, ayaw mong paawat, Kapre."
"Inggit ka lang," bawi naman ni Jeff bago nakangising niligpit ang box ng pizza at pakete ng mga sauce na nagkalat sa paanan ng bleachers.
Inalis niya ang tingin sa kaibigan at ibinaling sa field kung saan sa mga oras na iyon ay nagte-training ang soccer team. Dinala niya sa bibig ang bote ng soda at tinungga rin, at habang ginagawa iyon ay napa-isip siya.
May mga babae din palang kinakailangan pang magbayad ng lalaki para lang magkaroon ng date. Were they lonely? Were they doing it as a warm-up for the real dating moment? Were they too desperate to have a man in their lives? What were their reasons?
He was curious.
Pero nang may pumasok sa isip niya ay bigla siyang natigilan.
Hindi kaya... mga may-edad nang babae ang customers ng dating service company na sasalihan ni Jeff? Iyong mga namatayan ng asawa o may mga asawang hindi na sila nabibigyan pa ng oras at appreciation.
Wala sa oras na nai-buga niya ang soda na ikina-gulat ni Jeff at ikina-lingon ni Deewee.
Sa nanlalaking mga mata'y hinarap niya ang mga kaibigan.
"Hindi kaya mga may-edad nang babae ang customers ng dating service na 'yan, pare?"
Sandaling natigilan si Jeff sa sinabi niya bago ito bumunghalit ng tawa. Mangha niya itong pinagmasdan hanggang sa tumigil ito at muling nagsalita.
"Bago pumayag ang "escort" ay matatanggap muna niya ang lahat ng impormasyon tungkol sa taong makaka-date niya. They'll know who they will date, kaya kumalma ka. I maybe a risk-taker, pero hindi ako ganoon ka-desperado."
Well, that was a relief...
"Ayaw mo bang sumali rin, Free?" Deewee asked, obviously testing him.
Napangisi siya at tumayo na rin. Ini-sukbit niya ang backpack sa balikat at tinakpan ang bote ng soda bago iyon ini-itsa kay Deewee. "Ibibitin ako patiwarik ng tatay ko at pagtatawanan ako ng mga kapatid ko kapag ginawa ko 'yon, Dee. Parang hindi mo naman kilala ang pamilya ko."
"Well, kung walang makakaalam, bakit hindi?" ani Jeff, tila biglang nagka-ideya na himukin din siyang sumali.
"Hindi naman ako magsusumbong kaya walang makakaalam," patuloy ni Deewee.
Inalis niya ang pagkakasukbit ng bag sa balikat at iyon ang sunod na in-itsa sa kaibigan. "Don't push it. Ain't gonna happen."
**
*
Malakas na tunog ng alarm ang nagpagising kay Phillian. Umungol siya at nakapikit pang inabot ang bed side table upang patayin ang nag-iingay na alarm clock. His hand knew where exactly it was situated, so he didn't have to open his eyes and look for it.
Ilang sandali pa'y nakapa niya ang alarm clock at hinampas ang switch upang patayin iyon.
But the noise didn't stop.
Muli siyang umungol.
Hindi ang alarm clock niya ang nag-iingay kung hindi ang kaniyang cellphone. It was ringing—someone was calling him. Kinapa niya ang cellphone sa ilalim ng kaniyang unan, at nang mahanap iyon ay bahagya lang niyang iminulat ang mga mata upang makita kung sino ang nasa kabilang linya at kung anong oras pa lang.
Jeff calling...
8:30 pm.
"What the heck?" aniya saka pabagsak na ibinaba ang kamay na may hawak sa cellphone.
Mahigit kalahating oras pa lang siyang natutulog—he had to leave early tomorrow to travel back to La Asteria, that was why he decided to sleep early. Bukas ay kaarawan ng isa sa mga kapatid niya at kailangan ay nasa bahay ang lahat.
Hinayaan niyang magtuluy-tuloy ang ring. Kapag napagod si Jeff ay titigilan din siya nito.
But... something bothered him.
Jeff never called him unless something important came up. Or there was an emergency.
Bigla siyang napamulat saka napabangon. Sa mga sandaling iyon ay tumigil na rin ang pag-ring.
He stared at the screen of his mobile phone in confusion—until, it rang again. Same caller.
Doon na niya sinagot ang tawag.
"What's up?"
"I'm fucked up, pare. Kailangan ko ang tulong mo."
"Why, what's wrong?"
"Nagdoble ang booking ko ngayong araw—my first date was supposed to finish at seven, pero biglang inatake ng allergy kaya kinailangan kong isugod sa ospital. Hindi ako makaalis—ang kasunod kong booking ay mamayang alas nueve."
Unti-unting kumabog ang dibdib niya. Mukhang alam na niya kung saan papunta ang usapang iyon...
"I need your help, pare. Pwede mo ba munang puntahan ang date ko? You can pretend na ikaw si Jefferson—that's the name I use. Ipapasa ko sa'yo ang lahat ng detalye."
Then, the call ended.
Gago, hindi ako pupunta!
He tried to call Jeff back, but he wasn't answering his phone anymore. Sunud-sunnod siyang nagmura, hanggang sa may pumasok na notification sa cellphone niya.
He received an email from Jeff.
Isa pang mura ang muli niyang pinakawalan. At nang buksan niya ay puro mga detalye ng babaeng ka-date nito mamayang alas-nueve ang kaniyang nakita.
Name: Tasty Cake
Tasty Cake? Ano'ng klaseng magulang ang magbibigay ng ganito ka-sagwang pangalan sa kanilang anak?
Nagpatuloy siya sa pag-review ng impormasyon.
Age: 18 y/o
Damn these girls. Katutungtong pa lang sa pagkadalaga pero desperada na!
Hindi niya alam kung bakit pa siya nagpatuloy sa pagbabasa ng impormasyong nasa pinadalang email ni Jeff. He would never go to that date! Kung may pupuntahan siyang date, iyon ay kasama ang babaeng niyaya niya nang personal at gusto niya! Not this!
Reasons: I just want to feel supported even just for a night.
Oh.
Noon lang niya nalamang may rason din palang ibinabahagi ang mga kliyente ng pinapasukang dating service company ni Jeff.
Mukhang matino naman ang kliyente... he thought, slowly changing his mind.
At mukhang... malungkot.
Napabuntong-hininga siya at akmang isasara ang email application upang muling tawagan si Jeff nang makita ang pagpasok ng text message mula rito. Iyon ang kaagad niyang binuksan at binasa.
~~ I have signed the contract for Tasty Cake. Kapag hindi ako sumipot ay mapipilitan akong magbayad ng fine na triple sa halaga ng ibinayad niya. Please do me a favor, pare. Ayaw kong mamultahan. Babayaran ko ang renta mo sa dorm ngayong buwan—all you need to do is to dine with my client and go with the flow. Good luck. ~~
Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago niya muling ibinagsak ang sarili sa kama—his arms stretched out and his eyes on the ceiling. Sandali siyang nag-isip, sandaling pinakaramdam ang sarili.
Hanggang sa isa pang buntong-hininga ang kumawala sa kaniya bago siya pabalikwas na bumangon at tinungo ang banyo upang maligo.
You owe me this one, Jeff. Walang'ya kang gago ka.
TO BE CONTINUED..."The girl who's wearing a royal green dress and black stilettos, with red-dyed hair and fair skin—that's your date. She says she's also carrying a white purse. Madali mo siyang mahahanap." Iyon ang palatandaan ni Tasty Cake na ipinadala sa kaniya ni Jeff sa huling text message nito. And it was basically the last correspondence he had with his friend. Nang sinubukan niya itong tawagan ay nakapatay na ang cellphone nito—o naubusan ng baterya. Either way, hindi niya mahanap ang babaeng nasa deskripsiyon. Kanina pa niya iniikot ang tingin sa buong restaurant, pero wala siyang makitang babaeng nasa edad disi-otso at nakasuot ng berdeng damit. Alam niyang nasa tamang lugar siya—iisa lang ang Western restaurant na nakatayo sa street na iyon. Sinulyapan niya ang oras sa suot na relo—limang minuto pasado alas-nueve. Imposibleng kaagad itong aalis kung ilang minuto pa lang naman ang lumilipas? Ibinalik niya ang pansin sa loob ng re
Hindi niya alam kung gaano na siya ka-tagal na naka-mata lang sa kaharap habang magana itong kumakain ng in-order na isang buong manok. She ate the whole thing—with gusto and without caring about her look. And that truly amazed him. Kahit na kumalat na ang mantika sa paligid ng bibig nito, kahit na natanggal na ang manipis na lipstick nito, kahit na lumobo lalo ang pisngi nito, at kahit na halos mabilaukan na ito sa pagsubo, pagkagat, at pagnguya ng manok ay wala itong pakealam. She was enjoying her food—like every lady should have on a date! TeeCay wasn’t even trying to impress him—she was just being herself. Why would she even impress him, anyway? Una sa lahat—hindi siya ang orihinal na gusto nitong maka-date. He was the exact opposite of what she ‘ordered’. Well, maliban sa height. Pangalawa—he was just a paid partner for the night. Why would a client try to impress the worker? It should be the other way around!
Hindi na mabilang ni Phillian kung naka-ilang shots na sila ng Tequilla—all he knew was that they were having fun and the night was still young to stop the shots from coming. Auntie Romie and two other middle-aged ladies joined them at the table. TeeCay was obviously enjoying her time with the ladies—ayaw paawat sa pag-tungga ng Tequilla shots na inihahatid doon ni Mr.Tequilla. Mr.Tequilla was the guy who carried a tray with Tequilla shots on it—mukha itong cowboy na naka-suot ng leather vest, cowboy hat and boots. He was tall and skinny, but he had abs on his abdomen and his arms were muscle-y. He was an attractive guy, kaya naman kahit ayaw ng ibang uminom ng Tequilla ay napipilitang um-order. They were charmed by him. Tapos na ang performance ni Shawn Shadow at sinundan ng dalawa pang mga performers. Umikot ito sa buong club at isa-isang dinadaanan ang mga mesa upang saglit na makipag-kwentuhan, makipag-landian, at makipag-inuman sa mga guests. Everyone was giving him tips, and
Is this allowed? Can an escort kiss his client? But I am not her escort. I am just the guy who met for dinner. I wasn’t paid to do this—Jeff was. Kanina pa nagtatalo ang utak niya. At kanina pa magkahinang ang mga labi nila ni TeeCay. He was kissing her. No, she was kissing him. They were kissing each other and no one dared to let go. This was his first kiss. And he liked it. He liked the taste of her mouth—he could still taste the Tequilla and the lemon from it. He liked the softness and the sweetness of it. Her warm, minty breath and her velvety, tasty tongue. Alam niyang anumang sandali ay bibitiw na ang katinuan niya. And he wouldn’t even stop it. He wouldn’t stop the insanity to take over him. Oh, she tasted like one of his mother’s special desserts—his favorite, lemon cream cheese pudding. At tulad ng dessert na iyon ay handa siyang lantakan si Calley hanggang sa manawa siya. Pero sa puntong iyon… mananawa kaya siya? At the moment, there was nothing he wanted to do but t
Nakaiiritang ingay ang nagpagising kay Phillian kinabukasan. Ayaw pa niyang magising. Pagod siya. Inaantok. Masakit ang ulo. Ayaw niya ng istorbo.Tumagilid siya at kinuha ang unang nasa ulo saka itinakip iyon sa tenga, sa pag-asang hindi niya marinig ang nag-iingay na bagay na sumisira sa tulog niya. Subalit kahit ano'ng gawin niya ay tila nanunuot sa kaniyang mga kaugatan ang ingay na iyon at pilit na ginigising ang buo niyang sistem.Naiiritang bumangon siya at nagmulat, upang mapangiwi at mapa-ungol nang tumindi ang sakit ng kaniyang ulo. Bumalik siya sa pagkakahiga at sinapo iyon. He closed his eyes tightly, his head felt something was drilling it.The annoying noise continued, and it didn't take long for him to realize that it was his phone's ring tone. Someone was calling to ruin his sleep again. Just like last night.Last night...?Bigla siyang napamulat nang may maalala. At nang bumalik sa isip niya ang mga nangyari kagabi ay nanlaki ang kaniyang mga mata.Kaagad niyang nilin
Ten years later.Pagod na bumaba si Phillian mula sa pick-up truck niya nang marating ang beach house. Hindi niya alam kung saan pa siya kumukuha ng lakas upang maglakad sa kabila ng matinding pagod at pagka-antok.Sa sobrang sama ng panahon ay siguradong walang araw na sisikat mamaya mula sa silangan. Ang malakas na ulan ay walang tigil sa pagbagsak, ang hangin ay palakas nang palakas. May bagyong paparating at nag-uumpisa nang mangalit ang panahon.Ayon sa balita ay sa oras na iyon ang landfall ng bagyo sa lugar nila, kaya naman kagabi pa lang hanggang sa abutin sila ng madaling araw ay inuna na niya ang seguridad ng kaniyang mga bangkang pangisda. Kasama ang mga tauhan niya sa pangingisda ay siniguro nilang hindi madadala ng alon ang anim na pump boat
"You need to eat healthy meals and take your medication if you really want to play soccer next week, okay, honey? Because if you won't, your fever wouldn't go away. And then, your daddy would worry and bring you back here. Is that what you want?""No, Doctor Calley. I don't wanna get sick anymore...""Then, you need to promise me that you will follow my advice."The seven-year-old Connie nodded her head and smiled. "I will, Doctor Calley. Thank you for looking after me.""You are welcome, Connie."Nakangiting tumayo si Calley upang ihatid ang mag-amang Connie at Daniel sa pinto ng clinic. Binuksan niya iyon at hinarap ang ama ng kaniyang pasyen
"I'm sorry, I had to leave so sudden. There was just an emergency back in my country and I have to sort it as soon as possible. I have handed Connie's record to Dr. Abigail, she will look after her while I'm gone," paliwanag ni Calley nang tumawag si Daniel nang Linggong iyon upang ibalita sa kaniyang maayos na ang lagay ni Connie at bumalik na ang sigla. Iyon din ang araw ng dating niya sa Pilipinas, at saktong palabas na siya sa immigration area nang matanggap ang tawag nito."Oh, I hope you will be able to sort it sooner," sagot ni Daniel makaraan ang ilang sandali."How long are you going to stay in the Philippines?""Not long, I hope. I'm planning to stay until everything's sorted. Probably two weeks top." Patuloy siya sa paghila ng luggage niya patungo sa arrival area. Tumawag siy
"Come on, honey," si Charles na kanina pa nakangising nakikinig sa likuran. "You are being too harsh on Calley." Nilapitan siya nito at tinulungang makatayo.Nasusuka siya sa itsura ni Charles Xiu; gusto niya itong itulak, sampalin, saktan. Sigawan at sabihing napakasama nilang mga tao, pero pinili pa rin niyang maging kalmado. Hindi nga lang niya mapigilan ang mga luha.Hindi niya alam kung gaano pa katagal ang kailangan niyang hintayin bago dumating ang tulong, but she had to buy time. And she had to keep them talking."Charles, please convince Esther to let me know..." kunwari ay pagmamakaawa niya sa hayop. Alam niyang hindi rin ito naiiba kay Esther; pareho ang mga itong mas masahol pa sa hayop.
Anim na pulgada lang ang laki ng binata sa banyo at may taas na dalawang metro mula sa tiled floor. Kahit pumatong siya sa toilet bowl at maabot ng bintanang iyon ay hindi pa rin niya magagawang mailabas ang sarili mula roon.Not with the size of boobs she had. Not with the size of her thighs, and her bum. Hindi kakasya ang katawan niya sa bintanang iyon, kaya walang pag-asang makalalabas siya roon kahit pa maabot niya.Binuksan niya ang gripo upang lumikha ng ingay ang tubig na nasa-sahod na balde. Malakas ang pressure ng tubig kaya malakas din ang ingay na nililikha niyon—ingay na sapat upang takpan ang balak niyang gawin. Ni-lock niya ang pinto ng banyo at humakbang siya sa pinaka-dulong section ng CR upang lalong lumayo sa pinto. She then took the billing paper and her phone out. Mabilis niyang ni-t
Mabilis na naitago ni Calley ang cellphone sa loob ng pants nang maramdaman ang pag-unlock ng trunk ng kotse kung saan siya kasalukuyang nakayupyop. Hindi nagtagal ay bumukas iyon, at ang bumungad sa kaniya ay ang isa sa dalawang lalaki na pwersahang kumuha sa kaniya kanina sa harap ng beach house. "Labas na, tisay," utos nito na ikina-igtad niya. Sumakit ang kaniyang likod sa pagkaka-baluktot kaya hindi siya kaagad na nakakilos. Dagdagan pa ang labis na takot na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. "Bingi ka ba?" untag lalaki ng lalaki nang hindi siya kumilos. He was a man in his mid-thirties, mahaba ang buhok na naka-ponytail ay balbas-sarado. Nakasuot ito ng denim jacket at itim na tshirt. Ang anyo ay na
"Hey, hindi pa rin ba bumabalik si Calley?" Ang pagdadala ni Aris ng tasa ng kape sa bibig ay naudlot nang marinig ang tanong ni Phillian. Nasa mukha ng huli ang labis na pag-aalala, ang mga kilay ay magkasalubong, ang buhok ay magulo pa. Itinuloy ni Aris ang paghigop ng kape habang ang tingin ay hindi humihiwalay sa kapatid. "What do you mean? Didn't you sleep in one room?" Hindi pinansin ni Phillian ang panunukso ng kapatid. Itinuloy nito ang pagpasok sa kusina at sumilip sa labas ng bintana habang itinutuloy ang pagbubutones ng suot na shirt.
Phillian wasted no time after hearing Calley's response. He lowered his head and claimed her waiting lips for a mind-blowing kiss.He missed her damn much. He had been craving her kisses, her touch, her body. Calley bothered his whole being, and she was the only person he needed in his life right now.He wanted to take her back. He needed her back.Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Phill sa braso ni Calley, hanggang sa ang isang kamay nito'y bumaba na rin sa bewang ng huli.Calley's arms crawled around his neck, pressing her soft body against his. He groaned in pleasure. His lips opened over hers, slanting back and forth in a fierce, wildly arousing kiss that made her shudder with
Naramdaman niya ang pagkalat ng init sa magkabila niyang mga pisngi matapos ang sinabi ni Phillian. She didn't expect that at her age, she would still blush with a compliment. Kung compliment mang matatawag iyon... "My top looks great on you," Phillian added, smirking a little. She let out a sigh of resignation. "What is it, Phill? Ang sabi mo'y may kailangan kang itanong." She wanted him to get straight to the point. Hindi niya maintindihan kung bakit ang dami pa nitong paliguy-ligoy.
Hindi alam ni Calley kung ano ang unang mararamdaman nang marinig ang tinig ni Phillian. Nahahati siya sa labis na tuwa at pag-aalala.Natutuwa siya dahil wala siya sa panganib at naroon na ito ngayon kasama siya, at nag-aalala dahil nabasag ang glass pitcher na inihampas niya sa ulo nito.And now, Phillian was grunting and cursing at the same time. Nabitiwan din nito ang emergency light na hawak na bumagsak sa sahig—at doon bumaba ang kaniyang tingin.Sa sahig ay nakita niya ang mga nabasag na crystal kung saan may pulang likido siyang nakitang tumutulo... mula sa ulo ni Phill!Malakas siyang napasinghap nang mapagtanto ang ginawa. Mabilis siyang lumapit kay Phillian na napahawak sa nas
Tuluyang humarap si Phillian nang marinig ang katanungang iyon ni Calley. Sa mahabang sandali ay pareho silang tahimik na magkatitig. Calley's eyes were filled with hope; she was hoping to hear the answer she wanted to hear. And Phillian's eyes were filled with... many emotions. Mga emosyong nagtatalo-talo. Naroon pa rin ang lungkot sa anyo nito, ang pagkalito sa tunay na nararamdaman, ang sama ng loob sa mga nangyari. At this point, Phillian was confused of his own feelings. Hanggang sa unti-unting nagsalubong ang mga kilay nito, kasunod ng muling pag-blangko ng anyo. He would rather hide what he truly felt to protect himself, than show Calley and allow her to break his heart over and over again.
Matapos ang tanghalian ay umakyat na si Calley sa master's bedroom at nahiga roon matapos makaramdam ng matinding pagka-antok. She wasn't able to get as much sleep as she could last night because of overthinking. Tapos ay maaga pa siyang nagising para umalis sa Asteria.Natural sa buntis ang madalas na makaramdam ng pagkaantok at pagkapagod, kaya minabuti niyang ipahinga ang sarili at doon muna sa taas habang si Phillian ay nilinis ang kusina.Nang magising siya'y pasado alas sinco na ng hapon. Bumangon siya at nagtungo sa banyo upang maligo. She wasn't feeling well during this time; she was feeling dizzy. Umasa siyang aayos ang pakiramdam niya kapag nakaligo na siya. She knew she only needed a cool bath, makatutulong iyon para mawala ang pagkahilo niya.