Chapter 188Fast ForwardHabang papalapit ang huling araw ng aming bakasyon sa Hawaii, sinulit naming lahat ang bawat sandali. Alam kong bihira lang mangyari ang mga ganitong pagkakataon, kaya't bawat minuto ay nagiging mahalaga sa akin, lalo na't kasama ko ang pamilya ko.Sa beach, naglaro ang kambal na sina Jenny at John kasama ang lola't lolo nila. Si Kiera at ako, hindi namin kayang magpahinga ng buo. Laging may tawa at sigla sa paligid, at ang mga simpleng moments na iyon ang nagpapaalala sa akin kung gaano tayo kaswerte."Masaya akong makasama kayong lahat," sabi ko kay Kiera habang nakatambay kami sa gilid ng beach, pinagmamasdan ang mga bata."Ang saya ko rin," sagot niya, sabay kaway kay Jenny at John na abala sa paglalaro sa tubig. "Wala nang hihigit pa sa ganitong bonding, lalo na't magkasama tayo bilang pamilya."Naglakad kami papunta sa aming mga magulang, si Daddy Brandon at Mommy Heart, na abala sa pagbabantay sa kambal. Habang papalapit kami, narinig namin ang tawanan
Chapter 189 Nagpatuloy kami sa paglalakad sa baybayin, ang mga bata ay nagsimulang mangolekta ng maliliit na bato, habang kami ni Jammie at Kiera ay nagtitinginan at nagngingitian. "Naalala mo, Jammie, noong unang panahon, ang mga ganitong simpleng bagay lang ang hinahanap natin?" tanong ni Kiera, ang mata ay nagliliwanag sa kasiyahan. "Oo, I remember," sagot ko "Pero siguro, mas magaan ngayon kasi mayroon na tayong mga anak." Habang pinagmamasdan namin ang lahat ng nagaganap, hindi kami nakaramdam ng pagod. Ang bawat sandali ay puno ng pagmamahal, tawanan, at yakap. Ang lahat ay umaangkop sa atin—ang isang pamilya na puno ng masalimuot na kwento at pagmamahal na patuloy na magiging gabay sa bawat isa. Kinabukasan, maaga kaming nagising at nagsimula nang mag-ayos ng mga gamit. Lahat kami ay abala, pati ang kambal na kahit na bata pa ay tumutulong sa pag-iimpake ng kanilang mga laruan at mga gamit na kanilang ginamit sa buong bakasyon. Habang si Mommy Heart at Daddy Brandon ay aba
Chapter 190Jimmie POVHabang naghihintay kami ng aking asawa na si Claire sa pagdating nina Mommy at Daddy mula sa Hawaii, hindi ko mapigilang mapangiti. Ano kaya ang nangyari sa honeymoon ng kakambal ko, lalo na't sumama pa sina Mommy at Daddy pati ang dalawang malilikot kong pamangkin?"Sigurado akong hindi naging normal ang honeymoon nila," natatawang bulong ko sa sarili ko habang iniisip ang mga kalokohan ng kambal.Maya-maya pa, narinig ko ang ingay ng paparating na sasakyan. Pagbukas ng pinto, agad kong nakita sina Mommy at Daddy na abot-langit ang ngiti. Kasunod nila sina Kiera at Jammie, na mukhang pagod pero may kakaibang glow sa kanilang mga mukha. At syempre, nandoon din ang kambal na sobrang excited."Tito Jimmie!" sigaw ni Jenny sabay yakap sa akin. "Ang saya sa Hawaii! Ang daming nangyari!""Talaga? Ano naman ang ginawa niyo roon?" tanong ko, sabik malaman ang mga detalye."Basta, Tito! Sobrang daming funny moments!" sabay tawa ni John. "Pero si Daddy, parang laging may
Chapter 191 "Siya nga pala, anak, Jimmie!" biglang sabi ni Dad, kaya napatingin ako sa kanya. "Bukas na bukas ay pwede niyo nang bilhan ang bagong mansyon na pinatayo ko para sa inyong mag-asawa." Napanganga ako sa narinig ko. "Ano po?! Mansyon?! Para sa amin ni Claire?!" gulat kong tanong, halos hindi makapaniwala. Tumango si Daddy Brandon at may ipinakita pang mga larawan sa kanyang phone. "Oo naman! Hindi ko hahayaang sa maliit na bahay lang kayo titira, lalo na't may parating kayong baby. Dapat maluwag at kumpleto ang magiging tahanan niyo!" Napalunok ako at napatingin kay Claire, na kitang-kita rin ang excitement sa kanyang mga mata. "T-talaga po, Dad?" nanginginig pa ang boses ng asawa ko. "Hindi lang 'talaga,' Claire! Sigurado!" sabat ni Mommy Heart na abot-tainga ang ngiti. "Gusto namin ni Daddy na magkaroon kayo ng sariling bahay na talagang para lang sa inyong pamilya." Biglang napatalon sa tuwa si Jenny at John. "Yay! May bagong bahay sina Tito at Tita! Pwede ba kamin
Chapter 192Habang sina Jammie at Kiera ay papunta na sa company, kami naman nina Mom, Dad, Claire, at ang dalawa kong makukulit na pamangkin ay papunta na sa bagong mansyon na bigay nila."Uncle Jimmie, ang laki ba ng bahay?" tanong ni John, habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan."Oo naman! Sigurado akong magugustuhan niyo ni Jenny," sagot ko habang inakbayan si Claire."May swimming pool po ba?" excited namang tanong ni Jenny, halos mapatalon sa upuan.Napatawa si Mom. "Siyempre, meron! Para may paglalaruan kayo kapag bumisita kayo sa Tita Claire at Tito Jimmie niyo."Napansin kong mas lalo pang naging excited ang dalawa. Mukhang hindi lang kami ni Claire ang sabik makita ang bahay."Hay naku, siguradong sa pool muna ‘tong dalawang ‘to bago pa kami makapasok sa loob," natatawang sabi ni Dad habang binabagtas namin ang daan papunta sa subdivision kung saan naroon ang bagong bahay.Nang makarating kami, agad akong napahanga sa modernong mansion na nakatayo sa harapan namin. May mal
Chapter 193 Nagtinginan sina Kiera at Jammie bago tumikhim ang asawa ng kakambal ko. "Eh kasi, parang... may gusto yata ‘yon kay Claire noon, di ba?" Natawa nang mahina si Claire habang sinandalan ako. "Hala, matagal na ‘yon! Crush lang naman niya ako noon, pero wala namang nangyari." Napangiti ako at inakbayan siya. "Wala akong pake kahit may nagkagusto sa'yo noon, love. Ang importante, ako ang pinakasalan mo!" "Yieeeeee!" sabay na kantiyaw nina Jenny at John, na ikinatawa naming lahat. "Grabe, Tito Jimmie, parang hindi tumatanda! Kinikilig pa rin kay Tita Claire!" sabi ni Jenny, na lalo pang nagpasaya sa hapunan namin. Maya-maya, dumating na ulit ang delivery mula kay Ramon, at agad naming tinikman ang kanyang specialty dessert. Habang kumakain, biglang sumeryoso si Jammie. "Jimmie, kailan kayo lilipat sa bagong mansyon?" tanong niya. Napatingin ako kay Claire at ngumiti. "Siguro next week? Para may oras pa kami makapaghanda at para matulungan din sina Tatay at Nanay
Chapter 194 Pagkatapos naming mamili, napagdesisyunan naming kumain sa isang restaurant sa loob ng mall. Habang naghihintay kami ng order, ramdam ko pa rin ang kakaibang aura mula kay Claire at Kiera. Tahimik lang silang nag-aayos ng gamit, pero halatang may natitira pang inis. Si Jammie naman ay mukhang kampante, pero alam kong naghahanap din siya ng paraan para mapalambot ang loob ni Kiera. Pag-upo namin, si Kiera ang unang nagsalita. “So, ano, ano’ng plano niyong gawin sa fan club niyo?” tanong niya habang ini-stir ang juice niya. Napatingin ako kay Jammie, na bahagyang natawa. “Uh, baka magpa-autograph signing na lang kami?” biro niya, pero agad siyang tinapunan ng matalim na tingin ni Kiera. Si Claire naman ay sinamaan din ako ng tingin. “Jimmie, sa susunod, baka gusto mong lagyan ng wedding photo natin ang suot mong t-shirt,” aniya, halatang nagpaparinig. Napangiti ako at agad na hinawakan ang kamay niya. “Baby, wala naman akong control sa iniisip ng ibang tao. Ang mahalaga
Chapter 195 Napangiti siya at umiling. "Honestly? Wala na talaga akong naramdaman. Nang makita ko siya, naisip ko lang, ‘Ah, okay, nandito siya.’ Pero nung lumingon ako kay Kiera at nakita kong okay lang siya, wala na. Wala nang ibang mahalaga," wika ni Jammie. Napangiti si Kiera at sinandal ang ulo sa balikat ni Jammie. "Good answer. Safe ka na matulog sa kama mamaya," agad na tugon ni Kieta dito. Nagtawanan kami ulit. Si Claire naman ay umiling at napatingin sa akin. "Buti na lang, Jimmie. Hindi ko kailangang dumaan sa ganyan, yung magseselos," lambing nitong sabi. Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya. "Siyempre, baby. Wala nang ibang babae sa mundo ko kundi ikaw lang," proud kong sabi dito. Napatango si Claire, pero kita kong napangiti siya, kahit kunwari pa siyang seryoso. At sa huli, nagtuloy-tuloy lang ang masayang usapan namin. Alam kong kahit may dumaan mang multo ng nakaraan, hindi na nito magagambala ang matibay na pundasyon ng pagmamahalan nina Jammie at Kie
Author’s Note Maraming salamat sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa kwentong ito. Isa itong kwento ng pagmamahal, pamilya, at tunay na pagkakaibigan—mga bagay na hindi nasusukat ng panahon o distansya. Sa kabila ng mga pagsubok, sa dulo ng lahat, ang mahalaga ay ang mga taong nananatili sa ating tabi, anuman ang mangyari. Ang pagsusulat ng kwentong ito ay isang magandang paglalakbay, at umaasa akong naiparamdam ko sa inyo ang tamis ng pag-ibig at ang halaga ng matibay na samahan. Hanggang sa susunod nating kwento! — INDAY STORIES Sana sabay-sabay ang kwento ni Althea qt Angie ang dalawang pa nilang magkaibigan sa Book #2 at suportahan po ninyo ang bago kong story upang makapasok man lang sa ranking pamamagitan pag vote po ninyo ang THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE. Maraming salamat po....
Chapter 293 The Last Chapter. Kinabukasan Habang abala ako sa pag-aayos ng mesa para sa almusal, biglang nag-ring ang aking phone. Agad kong sinagot ito nang makita ang pangalan ng tumatawag. "Bruha! Guess what?!" sigaw sa kabilang linya. Napangiti ako. "Angie?! Diyos ko, ang aga-aga, sigaw ka agad!" sagot ko, pero hindi ko maitago ang excitement sa boses ko. "Alam mo bang andito na ako sa bansa? At hindi lang ako—kasama ko si Heart!" Halos mabitiwan ko ang phone sa sobrang tuwa. "What?! Totoo ba ‘yan?! Kailan pa?! Nasaan kayo ngayon?!" "Surprise! Nasa harap na kami ng bahay mo!" Napamura ako sa gulat at dali-daling tumakbo palabas. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin sina Angie at Heart, parehong nakangiti nang malapad habang kumakaway. "Bruhaaaaaa!!!" sigaw ko sabay takbo at niyakap silang dalawa ng mahigpit. "Althea, dahan-dahan naman! Para kang toro!" natatawang reklamo ni Heart pero niyakap niya rin ako pabalik. "Grabe, ang tagal nating ‘di nagkita! Parang kailan
Back to Present “Oh my gosh, Mommy. Nakakilig naman ang love life ninyo ni Dad!” sabi ni Elena habang nakangiti at yakap-yakap ang unan niya. “Parang sa pelikula lang! Ang daming eksena, tapos may action, comedy, at super sweet na moments!” Napatawa ako sa reaksyon ng anak ko. “Talaga, anak?” “Oo naman! Grabe, Mommy, hindi ko in-expect na si Daddy pala ‘yung laging napag-tripan ni Tito Brandon at Tito Kurt noon! Tapos ikaw pa ‘yung strong and independent woman na kinatatakutan nila dati? Wow! Goals!” Napangiti ako at tinignan ang asawa kong nakaupo sa tabi ko. Nakangiti rin ito habang nakikinig sa amin. “Pero Mommy, ang pinaka-nakakatawa talaga—‘yung kay Tito Brandon at kay Nurse Heart! Ano kaya nangyari sa kanila after no’n? Diba parang may something?” tanong ni Elena, sabik na malaman ang sumunod na kwento. Napatingin ako sa asawa ko, at kita ko ang pag-iling niya na may halong tawa. “Huwag mong sabihin sa’kin na gusto mong marinig ang love story ni Brandon?” “Yes, Mom
Chapter 291Final ChapterTahimik ang silid nang biglang marinig ko ang boses ni Kurt—pero parang may halong boses ni Brandon habang nagsasalita siya.“Ilang views na ba ‘yan?” tanong ni Kurt, kaya nagtataka ako. Hindi muna ako nagpahalata na kanina pa akong gising.“Walang hiya, bro! Malapit nang maabutan ang sayo! Hahaha!” sagot ni Brandon. Napilitang akong bumangon sa kama.“Views? Ano na namang pinag-uusapan n’yo, Kurt?”“Oh, gising ka na pala, Jay,” sagot niya. “Akalain mo ‘yon, isang bully ni Kurt noon, hinimatay sa delivery room? Hahaha!” sabat ni Althea, may halong panunukso.“Ang pangit ng mukha mo, bro, nung lumabas ka sa delivery room! Mukha kang takot na takot! Hahaha!” dagdag pa ni Brandon, lalong ginagatungan ang asaran.“Hoy, Brandon! Baka mas malala pa sayo ‘yan kapag nag-asawa ka,” sagot ko.“No, no, no! Hindi mangyayari ‘yon, bro!” mabilis niyang tanggi.Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang nurse. “Hello, everyone! Andito na ang mga cute-cute na babies!”Do
Chapter 290 Jayson POV Four Years Later “Mom, good morning!” sabay tawag ng tatlong taong gulang na kambal naming sina Emerson at Esmerald habang masiglang tumatakbo papunta kay Janeth. “Good morning, babies!” Masayang sinalubong ni Janeth ang dalawa at hinalikan sa pisngi. “Good morning din, Hubby…” malambing niyang bati sa akin. “Good morning too, Wife…” sagot ko naman, sabay halik sa kanyang labi. “Ewww! Nakakadiri ka, Dad! Hindi pa nga nagbabrush si Mommy ng teeth,” reklamo ni Eme habang patawa-tawang sumampa sa kama at tumatalon-talon pa. “Careful, Eme, baka madaganan mo ang tummy ni Mommy…” paalala ni Emer sa kapatid niya. “Ups… sorry, Kuya! Halika na, Mommy, let’s eat na! I’m so hungry na…” “Let’s go, Wife…” Akmang tatayo na ito nang bigla itong napangiwi sa sakit na naramdaman niya sa kanyang tiyan. “Hubby, parang manganganak na ata ako… Ahhh! Ang sakit!” Napamura ako sa gulat. “F**k! Emer, tawagin mo ang driver! Kunin mo ang cellphone ko at tawagan si Daddylo mo
Chapter 289Jayson POVFlashback Pagkalabas ni Janeth sa library, hindi ko maiwasang mapangiti habang sinusundan siya ng tingin. Hindi pa rin ako makapaniwala—ang babaeng bumuhay muli sa matagal nang natutulog kong puso ay siya rin palang aking napangasawa. At hindi lang basta asawa, kundi ang sekretaryang ilang gabi ko nang pinapantasya.Shit. Ramdam ko ang paninigas ng alaga ko sa loob ng suot kong slacks. Ilang minuto akong nanatili sa library, pinapakalma ang sarili, bago ako lumabas. Sakto namang pababa sina Mom at Dad mula sa hagdan."Mom, Dad, saan kayo pupunta?" tanong ko, bahagyang nag-aalangan sa kanilang malalawak na ngiti."Aalis muna kami ng daddy mo, son," sagot ni Mom, may kasamang pilyang kindat. "Para may pagkakataon kayong makabuo ng apo ko. Sana babae, para may maisasama akong mag-shopping at mag-ayos ng buhok!""Mom… apo agad?" Napakamot ako sa batok, hindi makapaniwala sa diretsahan niyang sagot."Why not?" singit naman ni Dad. "Matanda na kami, gusto naming may
Chapter 288Janeth’s POV"Sa sandali lang ha, maliligo muna ako," sabi ko dito upang makaiwas sa kanyang mapanuksong tingin sa akin. Habang nasa loob pa din ako sa kanyang silid ay hindi mo maiwasang mag-isip kong totoo ba itong lahat. "Totoo ba ‘to? As in real?" Yan ang paulit-ulit na tanong sa isip ko habang nakatayo sa loob ng kwarto ni Jayson. Kung panaginip lang ito, sana ‘wag na akong magising.Napatingin ako sa kama, at doon ko napansin ang isang neatly folded na damit pang-babae—may kasamang underwear at bra. Hmmm... kanino kaya ‘to?Lumapit ako at napansin ang isang maliit na note sa ibabaw. Agad ko itong binasa.To: JanethWear this, honey.From: MommyNapangiti ako nang makita ang sulat. Talaga si Mommy, ha? Ang bilis akong tanggapin bilang asawa ng anak niya.Wala na akong sinayang na oras at dumiretso na ako sa banyo para maligo.Ahhhh, ang sarap ng tubig.Habang sinasabon ang katawan, napatingin ako sa lagayan ng shampoo at sabon. Napangiti ako nang makita ang panglal
Chapter 287 Jayson POV "By the way, hindi tayo papasok ngayon," sabi ko habang nakasandal sa upuan, pinagmamasdan ang reaksyon ni Janeth. Napakunot ang noo niya. "Bakit, boss? May pupuntahan ho ba kayo? Kung gano'n, pwede na ho ba akong mag-mall? Pawala lang ng stress, hehehe." Napailing ako. "Yes and no." "H-ho?" nagtatakang tanong niya. "Yes, dahil may pupuntahan tayo. No, dahil honeymoon natin ngayon." Halos mapatalon siya sa kinatatayuan niya. "A-ano ho? H-honeymoon natin?" Ngumiti ako at tumayo mula sa aking upuan, dahan-dahang lumapit sa kanya. "Yes. And stop calling me boss. Just call me hubby." "Pe-pero, boss—" "Shhh..." Pinatigil ko siya, sabay taas ng kilay. Napalunok siya. "H-hubby..." Ngumiti ako sa narinig ko, pero halatang labag sa loob niya kaya masama ang tingin niya sa akin. "Bakit parang napipilitan ka?" tanong ko, nakataas ang isang kilay. "Gusto mo ba dito na lang tayo mag-honeymoon?" Bigla siyang napailing nang mabilis. "Sabi ko nga, hubby ang tawag
Chapter 286Janeth POV"Shit! Ang sakit ng ulo ko..." Napaungol ako habang marahang hinawakan ang aking noo. Ngunit natigilan ako nang mapansin kong hindi ito ang kwarto ko. Napabangon ako at napatingin sa paligid, nagtataka.Napako ang tingin ko sa isang picture frame."Shit! Shit! Bakit ako nandito sa kwarto ni boss?" Mabilis akong bumangon, sinikap kong hindi gumawa ng ingay habang dahan-dahang binuksan ang pinto. Ngunit halos mabangga ko si boss nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko, nakakunot ang noo.Napalunok ako at pilit na ngumiti. "Hehehe… G-good morning, boss!""Follow me to the library.""Y-yes, boss..."Kinakabahan akong sumunod sa kanya. Ang daming tumatakbo sa isip ko—baka may nagawa akong mali? Baka tanggalin niya ako sa trabaho? Wag naman sana, Lord!Nang makarating ako sa harap ng library, nanlalamig na ang kamay ko sa kaba. Wala akong choice kundi kumatok.Tok! Tok! Tok!"Come in."Dahan-dahan akong pumasok at agad na nagmakaawa. "B-boss, kung ano man ang kasalana