Chapter 195 Napangiti siya at umiling. "Honestly? Wala na talaga akong naramdaman. Nang makita ko siya, naisip ko lang, ‘Ah, okay, nandito siya.’ Pero nung lumingon ako kay Kiera at nakita kong okay lang siya, wala na. Wala nang ibang mahalaga," wika ni Jammie. Napangiti si Kiera at sinandal ang ulo sa balikat ni Jammie. "Good answer. Safe ka na matulog sa kama mamaya," agad na tugon ni Kieta dito. Nagtawanan kami ulit. Si Claire naman ay umiling at napatingin sa akin. "Buti na lang, Jimmie. Hindi ko kailangang dumaan sa ganyan, yung magseselos," lambing nitong sabi. Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya. "Siyempre, baby. Wala nang ibang babae sa mundo ko kundi ikaw lang," proud kong sabi dito. Napatango si Claire, pero kita kong napangiti siya, kahit kunwari pa siyang seryoso. At sa huli, nagtuloy-tuloy lang ang masayang usapan namin. Alam kong kahit may dumaan mang multo ng nakaraan, hindi na nito magagambala ang matibay na pundasyon ng pagmamahalan nina Jammie at Kie
Chapter 196 Claire POV "Oh, safe pa siya—for now," madiin kong sabi habang nakatingin kay Jimmie. Kita ko ang bahagyang paglunok niya, na parang biglang kinabahan. Well, dapat lang. Napatingin ako kay Kiera, na hindi maitago ang amusement sa mukha niya. "Claire, okay ka lang?" tanong niya, pero halata namang pinipigilan niyang matawa. "Hmm?" Kinuha ko ang baso ko at uminom ng tubig, kunwari'y kalmado. "Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?" Napakamot sa batok si Jimmie. "Baby, wala talaga ‘yon. Kaibigan ko lang si Anne noon pa." "Noon pa." Ulit ko sa isip. At mukhang gusto pa niyang maging relevant hanggang ngayon. Umiling ako at pilit na ngumiti. "Oh, of course! Kaibigan mo lang naman pala siya, eh. Wala akong dapat ipag-alala, ‘di ba?" madiin kong sabi. "Oo naman!" mabilis niyang sagot, pero ramdam ko ang kaba sa boses niya. Si Jammie naman ay napahagikhik at bumulong kay Kiera. "Grabe, bro, mukhang may cold war kang aayusin mamaya," wika ni Jammie sa kanyang kamb
Chapter 197 "Uh… hindi naman sa ganon," mabilis niyang sagot. "Pero mas importante ka kaysa sa kahit anong issue kay Anne." Napatingin ako sa kanya at napangiti nang bahagya. Well, good answer. Tumayo siya at lumapit sa akin. "May gusto ka pa bang kainin, baby? Ice cream? Fries? Kahit anong gusto mo, bibilhin ko." Si Kiera ay tumawa. "Mukhang ‘yan na ang magiging strategy mo every time may hormonal mood swings si Claire, ha." Tumawa ako nang mahina at tumango. "Sige na nga. Gusto ko ng strawberry milkshake." "On it!" mabilis na sagot ni Jimmie habang nagmamadaling umalis para umorder. Habang pinagmamasdan ko siyang naglalakad papunta sa counter, napangiti ako nang bahagya. Kahit na minsan naiirita ako, kahit na minsan may mga hindi ko maintindihang emosyon, alam kong wala akong dapat ipag-alala. Dahil si Jimmie? Mahal na mahal niya ako. At sa kabila ng lahat, ‘yon lang naman ang importante.Si Kiera naman ay nakangiti lang habang tumingin sa akin. "Claire, normal lang ‘yan. K
Chapter 198 Napanganga si Jimmie, pero hindi na siya nakapagsalita dahil agad akong tumayo, dala ang milkshake ko, at mabilis na lumapit sa crowd. "Hala, Jimmie, habulin mo si Claire! Baka magwala ‘yan kapag hindi niya nakita si Fyang!" natatawang sabi ni Kiera. "Wala na! Hindi ko na siya mapipigilan," sagot ni Jimmie, pero mabilis pa rin siyang tumayo para sundan ako. Si Jammie at Kiera ay sumunod din sa amin, tila natutuwa sa biglaan kong excitement. Pagdating namin sa main area ng mall, kitang-kita ko si Fyang, surrounded by bodyguards at may hawak pang bouquet ng flowers mula sa fans. Napahinto ako at napatingin lang sa kanya, para akong na-starstruck. "Oh my gosh, ang ganda niya," bulong ko habang nakahawak sa dibdib ko. Si Jimmie naman ay nakatayo sa tabi ko, halatang naguguluhan sa emotions ko. "So… ano ngayon, baby? Lalapitan mo ba siya?" Tumingin ako kay Jimmie at biglang napaluha ako sa sobrang tuwa. "Jimmie, gusto kong magpa-picture sa kanya!" Napakamot siya sa bat
Chapter 199 Pagkatapos naming maisayos ang mga gamit ay umuwi kami sa mansyon kung saan kami nakatira pagsamantala. At bukas ay maaga kaming para sa pag blessing ng bago naming mansyon saka kami lilipat. Napahawak ako sa aking umbok na tiyan. "4 months na lang baby at lalabas kana d'yan," ngiti kong bulong habang hinahaplos ang tiyan ko. Habang nakaupo kami sa sasakyan papunta sa temporaryong mansyon, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip tungkol sa mga susunod na buwan. Hindi ko na mahintindihan kung paano dumaan ang mga araw, at sa bawat araw na lumilipas, nararamdaman ko ang bigat ng pagiging ina, pati na rin ang excitement na makita ang magiging anak namin. Napansin ni Jimmie ang tahimik kong pagmumuni-muni. "Ano, baby? Anong iniisip mo?" tanong niya habang nagmamaneho, ang tono'y puno ng pag-aalala. Hinaplos ko ang tiyan ko, at ngumiti ng bahagya. "Wala, iniisip ko lang… kung paano ko haharapin ang pagiging nanay. Tumatanda na ako, Jimmie." Tumawa si Jimmie at pinigilan an
Chapter 200Agad na yumakap sa amin ang kambal, parehong puno ng sigla at saya."Tito Jimmie! Tita Claire!" masayang sigaw ni Jenny habang mahigpit akong niyakap.Si John naman ay sumabit sa braso ni Jimmie. "Tito! May dala ba kayong pasalubong?" tanong niya habang nakangiti ng malaki, halatang may inaasahan.Napatawa ako at tumingin kay Jimmie, na tila ba nagulat sa tanong ni John. "Pasalubong? Aba, nag-shopping lang kami para sa bahay, hindi para sa mga pasalubong!" biro ni Jimmie."Ay! Wala kayong dala?" kunwaring malungkot na sabi ni Jenny habang nakapamewang.Napangiti ako at hinaplos ang ulo niya. "Syempre meron! Hindi naman namin kayo nakakalimutan!" sabay labas ko ng dalawang maliit na paper bag mula sa dala naming gamit."Ano 'yan? Ano 'yan?" sabik na tanong ni John habang pilit niyang sinisilip ang laman ng bag."Buksan niyo na!" sagot ko, at agad nilang kinuha ang kanilang mga paper bag.Pagbukas nila, napuno ng sigaw ng tuwa ang paligid. "Wow! New coloring books and crayon
Chapter 201Si Jammie naman ay natatawa, ngunit sa halip na direktang sagutin, nilapitan ang kambal at kneel down sa harap nila. "Alam niyo ba, mga paborito kong tanong yan? Pero ngayon, baka kailangan niyo pa ng konting pasensya. May mga bagay na kailangan muna nating gawing tama bago tayo maghintay ng mga 'baby'!" "Huh? Eh, bakit, Daddy?" tanong ni John, na nahulog sa pagiging seryoso ng usapan. Nagkatinginan si Kiera at Jammie. "Teka lang, may plano pa kami, pero hindi namin muna sasabihin," sabi ni Kiera, kaya nagpatuloy lang ang usapan sa ibang bagay. Tumawa ako ng malumanay at tumingin kay Jimmie. "Tama, hindi lahat ng sorpresa ay kailangang malaman agad, hindi ba?" Ngumiti si Jimmie at tumango. "Oo nga, baka mabigla kayo sa mga susunod na plano namin."Nagkatinginan sina John at Jenny, halatang hindi pa rin sila kuntento sa sagot ng kanilang mga magulang. Napakamot ng ulo si John bago muling nagsalita."Eh, Daddy, paano kung gusto na namin ng baby brother o baby sister? Hin
Chapter 202JIMMIE POVHabang nakaupo ako sa sofa at pinagmamasdan ang kambal na masayang nagkukuwento kay Kiera, hindi ko maiwasang balikan ang nangyari kanina.Nang tanungin kami ni Jenny at John kung may bagong baby na sina Kiera at Jammie, halos hindi ko napigilan ang tawa ko. Mukhang sabik na sabik ang kambal na magkaroon ng bagong kapatid o pinsan. Pero ang mas nakakatawa, kung paano sinubukan ni Jammie at Kiera na umiwas sa tanong—halatang hindi pa sila handa sa usapang iyon.Napatingin ako kay Claire, na tahimik na hinahaplos ang tiyan niya habang nakikinig sa usapan. Alam kong siya rin ay naiintriga sa posibilidad na masundan na ang kambal."Ang bilis talaga ng panahon," bulong ko sa sarili habang iniisip kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon. Dati, puro trabaho at negosyo lang ang nasa isip namin ni Jammie, pero ngayon, pamilya na ang priority namin.Biglang napansin ko si Kiera na lihim na nakangiti kay Jammie, na parang may gustong sabihin pero pinipigilan niya lan
Chapter 212 Kaya maaga kaming pumanhik sa itaas upang maghanda ng gamit namin. Dahil bukas ng umaga ang alis namin para pumunta sa Singapore. Pagkapasok namin sa kwarto, agad akong nagtungo sa aparador upang kumuha ng mga damit na dadalhin. Samantalang si Brandon naman ay naupo sa kama at nakangiting pinapanood ako. "Hindi ka pa ba mag-eempake?" tanong ko sa kanya habang abala sa pag-aayos ng maleta. "Mas gusto kong panoorin ka muna," sagot niya sabay kindat. Napailing ako at sinamaan siya ng tingin. "Brandon, kung gusto mong makaalis tayo bukas, tumulong ka na rito." Tumawa siya bago tumayo at lumapit sa akin. "O, sige na nga. Ano bang dadalhin natin?" "Kailangan nating magdala ng mga pang-summer na damit. Mainit ang Singapore, kaya dapat magaan lang ang isusuot natin," paliwanag ko habang inaayos ang mga damit sa maleta. Habang nag-aayos kami, panay naman ang birong ginagawa ni Brandon. Kinuha niya ang isang summer dress ko at itinapat sa katawan niya. "Bagay ba sa a
Chapter 211 "Mom, Dad!" sambit ni Sarah. "Bakit hindi kayo mag bakasyon? Sa Singapore, maraning mga magagandang tanawin doon," ngiting dagdag nito. Napangiti ako sa sinabi ni Sarah. Ang bunsong anak namin, na noon ay alaga-alaga pa namin, ngayon ay nag-aalok na ng bakasyon para sa amin ni Brandon. "Hmm, magandang idea 'yan, Mahal," ani Brandon habang nakangiti sa akin. "Matagal na rin tayong hindi nakakapagbakasyon nang tayong dalawa lang." Napaisip ako. Totoo naman. Simula nang magkaanak kami, ang oras namin ay laging nakatuon sa kanila. Ngayon, may kanya-kanya na silang pamilya, marahil ito na ang tamang panahon para bigyan namin ng oras ang isa’t isa. "Sa tingin mo, kaya namin na wala kayo?" pabirong sabi ko, sabay tingin sa mga anak ko. Napatawa si Jammie. "Mom, syempre naman! Kami na ang bahala rito. Mag-relax naman kayo ni Dad." "Oo nga, Mom," dagdag ni Jimmie. "Deserve niyo po ni Dad ang quality time together. Kami na ang bahala sa mga apo niyo." Napatingin ako kay Bran
Chapter 210 Heart POV Lumipas ang mahabang taon. Habang nakaupo ako sa duyan sa aming malawak na hardin, pinagmamasdan ko ang aking pamilya—ang mga anak ko na may kanya-kanyang pamilya na rin. Para bang kailan lang, silang tatlo ay mga musmos pa, at ngayon, may sarili na silang tahanan at mga anak na pinapalaki. Si Jammie at Kiera, masayang kasama ang kanilang makukulit na kambal, sina John at Jenny, na ngayo'y 12 years old na sila. Hindi ko mapigilan ang matuwa dahil malapit na rin silang magkaroon ng bagong miyembro ng pamilya. Si Jimmie at Claire naman, hindi maitatanggi kung gaano nila kamahal ang kanilang kambal, niyaong ay 5 years old na din. Kitang-kita ko kung paano nila pinapahalagahan ang bawat sandali kasama ang kanilang mga anak. Punong-puno ng pagmamahal ang kanilang tahanan, at bilang isang ina, wala na akong mahihiling pa kundi ang patuloy nilang kasiyahan. At ang bunso naming si Princess Sarah, na noon ay inaalagaan pa namin ni Brandon, ngayon ay isa nang
Chapter 209Matapos kong ihatid si Emer sa delivery room, bumalik ako sa kwarto kung saan inilipat si Claire kasama ang aming kambal. Tahimik akong pumasok at nakita ko siyang nakahiga sa kama, halatang pagod pero may malambing na ngiti habang tinititigan sina Jace at Jasmine."Mahal, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko habang naupo sa tabi niya.Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "Pagod, pero sobrang saya. Hindi ko inakalang ganito pala ang pakiramdam ng maging isang ina."Napangiti rin ako. "At ako naman, hindi ko inakala kung gaano kasaya maging ama."Lumapit ako sa mga baby namin at marahang hinaplos ang maliliit nilang kamay. "Jace… Jasmine… Welcome sa mundo, mga anak."Habang pinagmamasdan ko sila, naramdaman kong napuno ng init at pagmamahal ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya at kaba nang makita ko ang munting pamilya namin sa ganitong sitwasyon.Maya-maya, bumukas ang pinto at pumasok ang nurse. "Sir, lilinisin lang po namin si misis at ang kambal para mas komp
Chapter 208 Lumipas ang mga buwan, at ngayon na ang araw na pinakahihintay namin—ang paglabas ng aming kambal. Habang nasa ospital kami, hindi ko maipaliwanag ang emosyon ko. Kaba, excitement, at takot ang sabay-sabay kong nararamdaman. Hawak-hawak ko ang kamay ni Claire habang hinihintay ang tawag ng doktor. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya, pero kahit kinakabahan siya, nakangiti pa rin siya sa akin. "Kaya natin 'to, mahal," bulong niya habang pinipisil ang kamay ko. "Oo naman, mahal. Pero hindi ko maitatanggi na nanginginig ako sa kaba," sagot ko, pilit na tumatawa kahit pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko. Kasabay namin dito sa ospital si Sarah, na naghahanda rin para sa kanyang panganganak. Nakita ko si Emer na hindi mapakali, panay ang lakad-lakad sa hallway habang hinihintay din ang tawag ng doktor. Pareho kaming kabado—pareho kaming magiging ama ng kambal sa parehong araw. Ilang sandali pa, lumabas ang isang nurse at tinawag ang pangalan ni Claire. "Si
Chapter 207Sabay na napanganga ang kambal. "Ay! Oo nga no!" sagot ni John, sabay tawa.Lumapit ako at tinapik ang ulo ng kambal. "Wag kayong mainip, malalaman din natin yan sa tamang panahon. Basta ang mahalaga, healthy si baby.""Oo nga naman," dagdag ni Claire, na hinahaplos din ang sarili niyang tiyan. "At siguradong magiging magkasundo ang babies namin ni Sarah!"Napangiti si Sarah at tumango. "Siyempre! Sigurado akong magiging close sila, gaya nating magkakapatid."Sa gitna ng usapan, biglang nagsalita si Jenny, tila seryoso. "Pero kapag lumabas na si baby, dapat favorite pa rin kami ni Tita Sarah at Tito Emer, ha?"Natawa si Emer at lumuhod para mas makita ang kambal. "Naku, walang pwedeng pumalit sa inyo sa puso namin, promise 'yan!"Tuwang-tuwa ang kambal at agad na yumakap sa kanilang tita at tito.Habang pinapanood ko sila, napangiti ako. Sa bawat bagong miyembro ng pamilya, mas lumalalim ang pagmamahalan namin. At sa bawat tawanan, mas lalong tumitibay ang samahan namin bi
Chapter 206Makalipas ang ilang araw, mas lalong naging abala ang buong pamilya sa paghahanda para sa paglipat namin ni Claire sa bagong mansyon. Nagsimula na ring dumating ang mga kasambahay na kinuha namin mula sa agency, kaya mas naging maayos at mabilis ang lahat.Habang tinutulungan kong ayusin ang mga gamit sa nursery room ng kambal namin, biglang pumasok si Claire, hawak ang isang maliit na baby onesie na may nakasulat na "Daddy’s Little Miracle.""Mahal, tingnan mo! Ang cute nito!" excited niyang sabi habang ipinapakita sa akin.Napangiti ako at lumapit sa kanya. "Ang liit! Hindi pa rin ako makapaniwala na magiging tatay na ako ng kambal.""Ako rin," sagot niya, hinahaplos ang tiyan niya. "Pero excited na akong makita sila. Lalo na kung sino ang mas kamukha mo at sino ang mas kamukha ko."Natawa ako. "Sana mas mana sila sa'yo. Para siguradong magaganda at mababait!""At sana naman, may mana rin sila sa'yo," sagot niya, ngumiti nang matamis. "Para siguradong matalino at respons
Chapter 205Nagkatinginan kami ni Claire, parehong kinakabahan at excited. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya habang naghihintay sa sasabihin ng doktor.Ngumiti ang doktor at tiningnan kami. "Congratulations! Magkakaroon kayo ng kambal!"Napamulagat si Claire. "Ano po? Kambal?"Napanganga rin ako sa gulat, pero agad na napalitan ng tuwa ang nararamdaman ko. "Dalawa sila, Dok?"Tumango ang doktor at itinuro sa screen. "Oo, dalawang malulusog na baby! Narito ang isa, at narito ang isa pa. Pareho silang maayos at nasa tamang paglaki."Hindi ko napigilan ang mapangiti nang husto at tingnan si Claire, na ngayon ay namumuo na ang luha sa mata dahil sa tuwa. "Mahal… kambal!"Tumawa siya nang mahina habang pinapahid ang luha sa pisngi. "Hindi ko inaasahan 'to, Jimmie!"Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan iyon. "Grabe, mahal. Ang saya-saya ko! Magiging daddy na ako ng dalawang baby!"Napatingin ako sa screen at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Dalawang maliit na buhay ang lum
Chapter 204Pagkatapos ng buong araw na selebrasyon at pagbabasbas sa aming bagong tahanan, napagdesisyunan naming dito na rin matulog. Pakiramdam ko ay mas magiging espesyal ang unang gabing ito kasama ang pamilya.Dahil medyo magulo pa ang bahay mula sa handaan, humiram muna kami ng mga kasambahay mula sa mansyon nila Mommy upang tumulong sa paglilinis. Sa susunod na linggo pa kasi darating ang mga kasambahay na kinuha namin sa agency, kaya malaking tulong ang may katuwang sa pagliligpit."Salamat talaga sa inyo," sabi ni Claire sa mga kasambahay habang inaayos nila ang sala. "Kung wala kayo, baka abutin pa kami ng madaling araw sa paglilinis.""Naku, wala pong anuman, Ma’am Claire," sagot ng isa sa kanila. "Mas mabuti na pong maayos agad ang bahay para komportable kayong matulog mamaya."Habang abala sila sa paglilinis, nilibot ko ang buong bahay upang siguraduhin na lahat ay maayos. Ang kambal naman, na sobrang excited sa bagong bahay, ay parang may sariling mundo habang tumatakbo