Chapter 177Habang pasakay na ako sa taxi, nag-ring ang telepono ko. Nakita ko ang pangalan ni Jayson na tumatawag, kaya agad ko itong sinagot."Jayson, anong balita?" tanong ko, halatang hindi maitago ang inis at pagod sa boses ko."Brandon, good news! Available pala ngayon ang private jet. Nakausap ko ang contact ko, at puwede ka nang umalis sa loob ng isang oras," masigla niyang sabi.Biglang lumiwanag ang mukha ko. "Talaga? Salamat, bro! Saan ako pupunta para makasakay?""Bumalik ka lang sa private terminal ng airport. Aasikasuhin na nila lahat. Sabihin mo lang ang pangalan ko, at sila na ang magdadala sa'yo sa Hawaii. Oh, at huwag kang mag-alala sa gastos, sagot ko na 'to bilang kumpare mo," biro niya, pero halatang siniseryoso ang tulong.Napaayos ako ng upo sa taxi at sinabi sa driver na bumalik sa airport. "Jayson, malaking utang na loob ko 'to sa'yo. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran 'to.""Hay, huwag mo nang isipin 'yan. Mas importante, makarating ka na agad kay Heart
Chapter 178Habang naglalakad kami pabalik sa loob ng resort, hindi ko maitago ang ngiti sa aking labi. Alam kong nagawa kong palambutin ang puso ni Heart kahit pa nag-umpisa ang araw namin sa tensyon. Napansin ko rin na kahit pilit niyang itinatago, may bakas ng kilig sa kanyang mukha.Pagpasok namin, biglang lumapit ang kambal na sina John at Jenny."Lolo! Ano pong gagawin niyo ni Lola?" tanong ni Jenny habang hinahawakan ang kamay ni Heart."Baka magda-date sila, Jenny," sabat naman ni John, sabay tawa. "Lola, romantic date po ba yan?"Napangiti si Heart at yumuko sa mga bata. "Hay naku, mga apo. Oo, magda-date kami ng Lolo niyo. Pero huwag kayong mag-alala, babalik kami agad para makasama kayo.""Teka," biglang singit ni Kiera, ang asawa ni Jammie. "Brandon, sigurado ka bang kakayanin mo ang plano mo? Ang init kaya ngayon.""Huwag kang mag-alala, Kiera," sagot ko. "Kahit ilang oras pa 'yan, basta kasama ko ang mahal ko, kayang-kaya ko."Si Jammie naman ay tumingin sa akin nang may
Chapter 179Hanggang nag-aayos pa kami, patuloy na naririnig ang tawanan ng kambal. Nang matapos silang magbihis, agad nilang tinulungan si Heart at ako na mag-ayos ng mga gamit."May dalang snacks si John at Jenny, kaya siguradong hindi tayo magugutom!" sabi ni Jenny, na may hawak na bag ng mga kendi at chips."At may mga bagong laruan din kami para kay Lolo at Lola," dagdag pa ni John, sabay abot ng mga maliliit na laruan na mukhang hindi pwedeng hindi kasama sa trip.Muling napatawa kami ni Heart. "Wala nang tatakas sa mga kambal na ito," sabi ko, sabay tingin kay Heart."Ano ba, Lolo," sabi ni Jenny, "kami lang ang may pakialam sa inyo. Gusto namin maging masaya kayo.""Ano ba ang plano natin?" tanong ni John, sabay lingon kay Heart at sa akin."Well," sabi ni Heart, "unang plano ay magpahinga at mag-enjoy sa mga tanawin, tapos baka mag-hike tayo, kasi may mga bundok at magandang spots dito.""Yesss! Hiking!" sabay sigaw ng kambal, sabay lapit sa amin. "Gusto namin matutong mag-hi
Chapter 180Jammie POVHabang nagkwentuhan kami sa loob ng silid ay agad tumayo ang kambal naming anak upang puntahan ang kanilang lolo at lolalola upang hindi raw kami madisturbo sa aming paggawa daw ng baby brother or sister. Napangiti ako sa sinabi ng kambal. Hindi ko na mapigilang ma-amuse sa kanilang innocence at pagiging straightforward. Lumapit si Kiera sa akin, tinatapik-tapik ang braso ko habang tumatawa nang mahina."Napaka-witty talaga ng mga anak mo," sabi niya, sabay halakhak. "Hindi ko alam kung matutuwa o mahihiya ako sa mga sinasabi nila.""Nako, love," sabi ko habang hinihimas ang likod niya, "sanay na sanay na akong makarinig ng kung anu-anong banat mula sa kambal. Mas malala pa nga minsan."Bumalik kami sa pag-uusap, pero hindi ko maiwasang mapaisip sa mga sinabi nila. Totoo namang gusto namin ni Kiera na dagdagan ang pamilya, pero parang hindi pa ito ang tamang panahon. May honeymoon kami, pero hindi ibig sabihin kailangan naming madaliin ang lahat.Habang nag-uus
Chapter 181 "Buti pa bantayan niyo na lang ang lola at lolo habang nagde-date sila," sabi ko, pilit na pinipigilan ang tawa habang nakatingin sa kambal. Si Jenny, agad na tumingin kay John at sabay silang napaisip. "Pwede rin!" sabi ni Jenny, sabay taas ng kilay. "Baka maglambingan na naman sila. Hindi ba, Kuya?" "Oo nga!" sagot ni John, sabay irap na kunwari. "Ang sweet nila, pero kailangan ng bantay. Baka kung saan pa sila magpunta." Napatingin ako kay Kiera, at sabay kaming tumawa. Ang kambal talaga, parang mas matured pa kaysa sa edad nila. "Baka naman gusto niyong bigyan din sila ng rules sa date nila," biro ni Kiera. "Sabihin niyo na, 'Lolo, bawal masyadong sweet sa public.' O kaya, 'Lola, bawal masyadong magpa-cute kay Lolo.'" Tumawa si Jenny habang umiikot-ikot ang isang laruan sa kanyang kamay. "Lola Heart? Pa-cute? Parang hindi bagay!" sabay tawa nito ng malakas. "Hoy, Jenny," sabat ni John. "Si Lola Heart kaya, kahit matanda na, mukhang artista pa rin! Kaya nga in-lo
Chapter 182Habang magkayakap kami sa kama, nararamdaman ko ang malalambot na palad ni Kiera na dahan-dahang humahaplos sa braso ko. Pareho kaming nakangiti, walang kahit anong iniisip kundi ang kasalukuyang sandali."Alam mo, love," mahina niyang sabi habang nakapatong ang ulo niya sa dibdib ko, "parang ang saya-saya ko. Parang wala na akong mahihiling pa."Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan siya sa noo. "Kiera, ang totoo niyan, ako ang dapat magpasalamat. Sa’yo ko nahanap ang lahat ng kulang sa buhay ko."Tumawa siya nang mahina, ang ngiti niya ay sobrang ganda at nakakahawa. "Talaga? Baka naman OA ka lang," biro niya, pero ramdam kong gusto niyang marinig pa ang mga salitang iyon."Kung OA man ako, Kiera, ikaw ang dahilan," sagot ko, habang mas lalo ko siyang niyakap.Napatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, nakita ko ang pagmamahal na sinasabi niyang para sa akin lang. "Love, alam mo ba, parang nararamdaman ko na baka magka-baby brother or sister na sina Jenny at John."
Chapter 183 Pagkakita ni Kiera kay Marga na paparating, halatang nagpapakitang-gilas ito sa suot nitong bikini na halos wala nang tinatakpan, biglang nag-iba ang aura ni Kiera. Kitang-kita ko ang inis sa kanyang mukha habang pasimpleng tinititigan si Marga na para bang sinasabi, "Ano bang trip mo?"Hindi pa nakuntento si Marga at tumingin nang diretso kay Kiera, sabay kindat sa akin. Pero bago pa ako makapag-react, biglang hinubad ni Kiera ang suot niyang t-shirt, na nagpakita ng pulang two-piece swimsuit niya. Parang huminto ang oras—lalo na nang mapansin kong napalingon lahat ng kalalakihan na naroon."Kung ganyan lang ang labanan, game ako," sabi ni Kiera, sabay tingin kay Marga na may pilyang ngiti sa labi.Napakagat-labi si Marga, halatang hindi inaasahan ang reaksyon ng asawa ko. Lumapit ako kay Kiera, sabay yakap mula sa likod. "Love, hindi mo kailangang patunayan ang kahit ano. Para sa akin, ikaw lang ang pinakamaganda."Ngumiti si Kiera, pero hindi pa rin tumigil sa pagbibig
Chapter 184Marga POVHabang may kausap ako, hindi ko mapigilang sulyapan si Jammie at ang asawa niyang si Kiera. Hindi ko maikakaila na nakakainis silang tingnan, lalo na’t parang mas lalo pang pinalalabas ni Kiera kung gaano siya kasaya sa piling ni Jammie.Napangiti ako nang bahagya habang iniisip kung paano ko ba mapapalapit muli kay Jammie. Hindi naman sa bitter ako, pero hindi ko maiwasang maalala ang mga panahong kami pa ang magkasama. Hindi ba niya naalala kung gaano kami kasaya noon?Nakita kong hinubad ni Jammie ang kanyang damit at pinasuot iyon kay Kiera. Ramdam kong sinasadya nilang ipakita sa lahat kung gaano sila ka-sweet. Pinilit kong ngumiti sa kausap ko, kahit ang totoo, kumukulo na ang dugo ko sa loob."Excuse me," sabi ko sa kausap ko, sabay tingin muli sa direksyon nila. "Kailangan ko lang ayusin ang isang bagay."Naglakad ako palapit sa kanila, kunwari’y walang ibang iniisip. "Hi, Jammie," sabi ko, na may ngiti ngunit may bahagyang pagka-playful sa tono. "Mukhang
Author’s Note Maraming salamat sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa kwentong ito. Isa itong kwento ng pagmamahal, pamilya, at tunay na pagkakaibigan—mga bagay na hindi nasusukat ng panahon o distansya. Sa kabila ng mga pagsubok, sa dulo ng lahat, ang mahalaga ay ang mga taong nananatili sa ating tabi, anuman ang mangyari. Ang pagsusulat ng kwentong ito ay isang magandang paglalakbay, at umaasa akong naiparamdam ko sa inyo ang tamis ng pag-ibig at ang halaga ng matibay na samahan. Hanggang sa susunod nating kwento! — INDAY STORIES Sana sabay-sabay ang kwento ni Althea qt Angie ang dalawang pa nilang magkaibigan sa Book #2 at suportahan po ninyo ang bago kong story upang makapasok man lang sa ranking pamamagitan pag vote po ninyo ang THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE. Maraming salamat po....
Chapter 293 The Last Chapter. Kinabukasan Habang abala ako sa pag-aayos ng mesa para sa almusal, biglang nag-ring ang aking phone. Agad kong sinagot ito nang makita ang pangalan ng tumatawag. "Bruha! Guess what?!" sigaw sa kabilang linya. Napangiti ako. "Angie?! Diyos ko, ang aga-aga, sigaw ka agad!" sagot ko, pero hindi ko maitago ang excitement sa boses ko. "Alam mo bang andito na ako sa bansa? At hindi lang ako—kasama ko si Heart!" Halos mabitiwan ko ang phone sa sobrang tuwa. "What?! Totoo ba ‘yan?! Kailan pa?! Nasaan kayo ngayon?!" "Surprise! Nasa harap na kami ng bahay mo!" Napamura ako sa gulat at dali-daling tumakbo palabas. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin sina Angie at Heart, parehong nakangiti nang malapad habang kumakaway. "Bruhaaaaaa!!!" sigaw ko sabay takbo at niyakap silang dalawa ng mahigpit. "Althea, dahan-dahan naman! Para kang toro!" natatawang reklamo ni Heart pero niyakap niya rin ako pabalik. "Grabe, ang tagal nating ‘di nagkita! Parang kailan
Back to Present “Oh my gosh, Mommy. Nakakilig naman ang love life ninyo ni Dad!” sabi ni Elena habang nakangiti at yakap-yakap ang unan niya. “Parang sa pelikula lang! Ang daming eksena, tapos may action, comedy, at super sweet na moments!” Napatawa ako sa reaksyon ng anak ko. “Talaga, anak?” “Oo naman! Grabe, Mommy, hindi ko in-expect na si Daddy pala ‘yung laging napag-tripan ni Tito Brandon at Tito Kurt noon! Tapos ikaw pa ‘yung strong and independent woman na kinatatakutan nila dati? Wow! Goals!” Napangiti ako at tinignan ang asawa kong nakaupo sa tabi ko. Nakangiti rin ito habang nakikinig sa amin. “Pero Mommy, ang pinaka-nakakatawa talaga—‘yung kay Tito Brandon at kay Nurse Heart! Ano kaya nangyari sa kanila after no’n? Diba parang may something?” tanong ni Elena, sabik na malaman ang sumunod na kwento. Napatingin ako sa asawa ko, at kita ko ang pag-iling niya na may halong tawa. “Huwag mong sabihin sa’kin na gusto mong marinig ang love story ni Brandon?” “Yes, Mom
Chapter 291Final ChapterTahimik ang silid nang biglang marinig ko ang boses ni Kurt—pero parang may halong boses ni Brandon habang nagsasalita siya.“Ilang views na ba ‘yan?” tanong ni Kurt, kaya nagtataka ako. Hindi muna ako nagpahalata na kanina pa akong gising.“Walang hiya, bro! Malapit nang maabutan ang sayo! Hahaha!” sagot ni Brandon. Napilitang akong bumangon sa kama.“Views? Ano na namang pinag-uusapan n’yo, Kurt?”“Oh, gising ka na pala, Jay,” sagot niya. “Akalain mo ‘yon, isang bully ni Kurt noon, hinimatay sa delivery room? Hahaha!” sabat ni Althea, may halong panunukso.“Ang pangit ng mukha mo, bro, nung lumabas ka sa delivery room! Mukha kang takot na takot! Hahaha!” dagdag pa ni Brandon, lalong ginagatungan ang asaran.“Hoy, Brandon! Baka mas malala pa sayo ‘yan kapag nag-asawa ka,” sagot ko.“No, no, no! Hindi mangyayari ‘yon, bro!” mabilis niyang tanggi.Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang nurse. “Hello, everyone! Andito na ang mga cute-cute na babies!”Do
Chapter 290 Jayson POV Four Years Later “Mom, good morning!” sabay tawag ng tatlong taong gulang na kambal naming sina Emerson at Esmerald habang masiglang tumatakbo papunta kay Janeth. “Good morning, babies!” Masayang sinalubong ni Janeth ang dalawa at hinalikan sa pisngi. “Good morning din, Hubby…” malambing niyang bati sa akin. “Good morning too, Wife…” sagot ko naman, sabay halik sa kanyang labi. “Ewww! Nakakadiri ka, Dad! Hindi pa nga nagbabrush si Mommy ng teeth,” reklamo ni Eme habang patawa-tawang sumampa sa kama at tumatalon-talon pa. “Careful, Eme, baka madaganan mo ang tummy ni Mommy…” paalala ni Emer sa kapatid niya. “Ups… sorry, Kuya! Halika na, Mommy, let’s eat na! I’m so hungry na…” “Let’s go, Wife…” Akmang tatayo na ito nang bigla itong napangiwi sa sakit na naramdaman niya sa kanyang tiyan. “Hubby, parang manganganak na ata ako… Ahhh! Ang sakit!” Napamura ako sa gulat. “F**k! Emer, tawagin mo ang driver! Kunin mo ang cellphone ko at tawagan si Daddylo mo
Chapter 289Jayson POVFlashback Pagkalabas ni Janeth sa library, hindi ko maiwasang mapangiti habang sinusundan siya ng tingin. Hindi pa rin ako makapaniwala—ang babaeng bumuhay muli sa matagal nang natutulog kong puso ay siya rin palang aking napangasawa. At hindi lang basta asawa, kundi ang sekretaryang ilang gabi ko nang pinapantasya.Shit. Ramdam ko ang paninigas ng alaga ko sa loob ng suot kong slacks. Ilang minuto akong nanatili sa library, pinapakalma ang sarili, bago ako lumabas. Sakto namang pababa sina Mom at Dad mula sa hagdan."Mom, Dad, saan kayo pupunta?" tanong ko, bahagyang nag-aalangan sa kanilang malalawak na ngiti."Aalis muna kami ng daddy mo, son," sagot ni Mom, may kasamang pilyang kindat. "Para may pagkakataon kayong makabuo ng apo ko. Sana babae, para may maisasama akong mag-shopping at mag-ayos ng buhok!""Mom… apo agad?" Napakamot ako sa batok, hindi makapaniwala sa diretsahan niyang sagot."Why not?" singit naman ni Dad. "Matanda na kami, gusto naming may
Chapter 288Janeth’s POV"Sa sandali lang ha, maliligo muna ako," sabi ko dito upang makaiwas sa kanyang mapanuksong tingin sa akin. Habang nasa loob pa din ako sa kanyang silid ay hindi mo maiwasang mag-isip kong totoo ba itong lahat. "Totoo ba ‘to? As in real?" Yan ang paulit-ulit na tanong sa isip ko habang nakatayo sa loob ng kwarto ni Jayson. Kung panaginip lang ito, sana ‘wag na akong magising.Napatingin ako sa kama, at doon ko napansin ang isang neatly folded na damit pang-babae—may kasamang underwear at bra. Hmmm... kanino kaya ‘to?Lumapit ako at napansin ang isang maliit na note sa ibabaw. Agad ko itong binasa.To: JanethWear this, honey.From: MommyNapangiti ako nang makita ang sulat. Talaga si Mommy, ha? Ang bilis akong tanggapin bilang asawa ng anak niya.Wala na akong sinayang na oras at dumiretso na ako sa banyo para maligo.Ahhhh, ang sarap ng tubig.Habang sinasabon ang katawan, napatingin ako sa lagayan ng shampoo at sabon. Napangiti ako nang makita ang panglal
Chapter 287 Jayson POV "By the way, hindi tayo papasok ngayon," sabi ko habang nakasandal sa upuan, pinagmamasdan ang reaksyon ni Janeth. Napakunot ang noo niya. "Bakit, boss? May pupuntahan ho ba kayo? Kung gano'n, pwede na ho ba akong mag-mall? Pawala lang ng stress, hehehe." Napailing ako. "Yes and no." "H-ho?" nagtatakang tanong niya. "Yes, dahil may pupuntahan tayo. No, dahil honeymoon natin ngayon." Halos mapatalon siya sa kinatatayuan niya. "A-ano ho? H-honeymoon natin?" Ngumiti ako at tumayo mula sa aking upuan, dahan-dahang lumapit sa kanya. "Yes. And stop calling me boss. Just call me hubby." "Pe-pero, boss—" "Shhh..." Pinatigil ko siya, sabay taas ng kilay. Napalunok siya. "H-hubby..." Ngumiti ako sa narinig ko, pero halatang labag sa loob niya kaya masama ang tingin niya sa akin. "Bakit parang napipilitan ka?" tanong ko, nakataas ang isang kilay. "Gusto mo ba dito na lang tayo mag-honeymoon?" Bigla siyang napailing nang mabilis. "Sabi ko nga, hubby ang tawag
Chapter 286Janeth POV"Shit! Ang sakit ng ulo ko..." Napaungol ako habang marahang hinawakan ang aking noo. Ngunit natigilan ako nang mapansin kong hindi ito ang kwarto ko. Napabangon ako at napatingin sa paligid, nagtataka.Napako ang tingin ko sa isang picture frame."Shit! Shit! Bakit ako nandito sa kwarto ni boss?" Mabilis akong bumangon, sinikap kong hindi gumawa ng ingay habang dahan-dahang binuksan ang pinto. Ngunit halos mabangga ko si boss nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko, nakakunot ang noo.Napalunok ako at pilit na ngumiti. "Hehehe… G-good morning, boss!""Follow me to the library.""Y-yes, boss..."Kinakabahan akong sumunod sa kanya. Ang daming tumatakbo sa isip ko—baka may nagawa akong mali? Baka tanggalin niya ako sa trabaho? Wag naman sana, Lord!Nang makarating ako sa harap ng library, nanlalamig na ang kamay ko sa kaba. Wala akong choice kundi kumatok.Tok! Tok! Tok!"Come in."Dahan-dahan akong pumasok at agad na nagmakaawa. "B-boss, kung ano man ang kasalana