Chapter 29 Brandon POV "Hmmmm..." tanging ungol ko dahil natamaan sa sinag ng araw ang aking mga mata, dahilan upang naimulat ko ito. Tumingin aki sa orasan na nakasabit sa dingding ng aking silid. "11 AM na pala," kaya napa-balikwas ako ng bangon. Tumingin ako sa akin phone dahil tumunog ito. Tiningnan ko kung sino ang tumawag. Malaki ang aking ngiti ng nakita ko kung sino ang tumawag. Ang long time girlfriend ko na si Ruth. Honey Ruth calling... Kaya agad ko itong sumagot na may ngiti naka paskil sa aking labi. "Hello! honey," sagot ko dito. "Hi hon, pwede ba akong magpa-sundo sa'yo? Andito ako ngayon sa airport," tugon niya sa akin. "Yes, of course, honey. Hintayin mo lang ako sandali, at magbibihis muna ako," excited kong bigkas. Almost 2 years ay saka pa ito umuwi sa bansa kaya laking tuwa ko ng naka-uwi na ito. "Okay hon, I love you," sambit niya sa akin. Pero hindi ako makasagot. Parang nag-alangan akong tugunan ang kanyang huling sinabi, parang may
Chapter 30 Pagpasok ko sa mansyon, agad bumungad sa aking mukha si Mommy, at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya na parang may nagawa akong malaking kasalanan dito. Hindi pa ako nakalapit sa kanya, ay agad niya akong tinanong ng maraming tanong, na ang matinding tanong. "Brandon, anong klaseng anak ka? Bakit mo hinayaan si Heart mag-isa sa hotel?" tanong agad ng aking Mommy, na may halong galit at pagkabahala. Ang boses niya, kita ko ang galit at puno ng emosyon, parang may bigat na dumagan sa kanyang dibdib. Nag-alinlangan akong tumingin sa aking ina, hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang kanyang mga tanong. Napansin ko ang mga mata ni Mommy, na puno ng seryosong tingin, galit at tanong. Napalunok na lamang ako sa aking nakita. Nababasa ako sa kanyang mga mata ang matinding pagkadismaya niya sa akin. Pero higit sa lahat, may isang tanong na bumabagabag sa akin, 'bakit nga ba hindi ko agad binalikan si Heart? Bakit ko siya iniwan pagkatapos ko itong maangkin?' usa
Chapter 31Kinabukasan, nagising ako na parang may mabigat na bagay na nakatambak sa aking dibdib. Ang mga tanong ng aking ina, ang mga saloobin tungkol kay Ruth, ay patuloy na gumugulo sa aking isipan. Hindi ko pa rin alam kung paano ko haharapin ang lahat ng ito. Habang ako ay nag-aalmusal, hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim.Si Ruth—ang dating nobya ko, ang babae na minahal ko ng tapat. Pero bakit ngayon parang ang lahat ng nararamdaman ko ay nagsisimula nang magbago? Sa tuwing naiisip ko siya, may nararamdaman akong pagka-kulong, parang nawawala na ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko kayang sabihin ito nang diretso sa kanya, ngunit pakiramdam ko, wala na akong nararamdaman na kagalakan tuwing magkasama kami. Ang minsan naming mga kwentuhan at tawanan ay parang may pagod at pananabik sa akin.Napansin ko na lang na mabilis na lumipas ang oras. Ang oras na sana ay makikinig ako sa mga tunay kong nararamdaman. Pumunta ako sa garden, naghanap ng katahimikan, ngunit tila ang saril
Chapter 32Pumunta ako sa sofa at umupo sa tabi niya. "Mom, alam mo ba, hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa buhay ko. Yung nangyari kay Ruth, yung desisyon kong makipaghiwalay, hindi ko na alam kung tama ba 'yon. At ngayon,nais kong makita si Heart upang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero natatakot ako, na baka magalit ito sa akin," saad ko dito. Hinaplos ng Mommy ko ang aking buhok, at nginitian ako. "Anak, hindi mo kailangang madaliin ang lahat. Hindi mo kailangang magmadali sa pagdedesisyon, at hindi mo kailangang maging perfecto. Lahat tayo ay dumaan sa mga pagsubok. Hindi mo na kailangang hanapin ang mga sagot agad-agad. Minsan, ang pinakamahalaga ay kung paano ka magpapatawad sa sarili mo," wika niya sa akin. Naramdaman ko ang kabiguan sa aking puso. Ang mga salitang iyon ng aking ina ay parang isang malalim na paghinga na nagbigay sa akin ng konting ginhawa. Siguro nga, hindi ko pa talaga natutunan kung paano tanggapin ang sarili ko sa gitna ng mga desisyon at
Chapter 33 Agad akong nagbihis, ang mga saloobin ko ay magulo. May kaba sa dibdib ko at sabayang hinagpis na parang gusto kong magmadali ngunit may takot din. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Heart sa mga sasabihin ko. Baka magulat siya, o masaktan pa. Pero hindi ko na kayang maghintay pa, kailangan ko siyang makausap, kailangan kong ipagtapat ang nararamdaman ko bago ito maging huli. Habang binabaybay ko ang kalsada papunta sa bahay ni Heart, halos hindi ko makita ang paligid dahil sa kapal ng ulap ng alinlangan na bumabalot sa isip ko. Puno ng tanong ang ulo ko—paano ko ba sasabihin? Paano ko ipapaliwanag? Kung hindi ko ito sasabihin ngayon, baka hindi ko na magkaroon ng pagkakataon. Pagdating ko sa harap ng bahay ni Heart, may naramdaman akong kakaibang pakiramdam sa aking dibdib. Tumayo ako saglit at tiningnan ang bahay. Walang pagbabago, wala ni isang sigla na makikita sa paligid, kundi ang katahimikan ng lugar na parang umaabot sa aking mga tainga. Tumawag ako
Chapter 34Habang patuloy pa rin ang mga tanong sa aking isipan, nararamdaman ko ang bigat ng paghahanap kay Heart. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya, at kung bakit hindi ko siya matutulungan. Nagtanong ako ng ilang private investigator para hanapin siya, pero pagkatapos ng ilang linggo, wala pa rin akong nakuhang anumang impormasyon. Isa lang ang paulit-ulit nilang sinasabi."I'm sorry, Mr. Flores! Wala akong maibigay na resulta sa pinahahanap mo. May humaharang dito at hindi ko matukoy kung sino," sabi ng isa sa mga imbestigador. "May mga tao na parang sumusubok magtago ng mga galaw ni Heart. Hindi namin matukoy kung may mga tao siyang tinatago o kung may dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita."Parang may mabigat na bagay na tumama sa puso ko sa narinig kong iyon. Si Heart ay parang nawawala sa lahat ng ito, at ako ang naiwan, hindi alam kung anong nangyari. Kung may mga taong nagtatago sa kanya, ano ang gusto nilang mangyari? Bakit hindi siya lumapit sa akin para magpa
Chapter 35 Lumipas ang mga araw mula nang mag-usap kami ni Angie, at mas lalo akong naging malungkot. Palagi na lang akong nagkukulong sa kwarto, ang mga tanong at alalahanin tungkol kay Heart ay paulit-ulit na bumabagabag sa aking isipan. Bawat araw, pareho lang—umaga, trabaho, gabi, bahay. Wala akong ibang gustong gawin kundi mag-isa, at pati ang mga kaibigan ko, sina Dixson, Jayson, at Kurt, ay patuloy na tinatangkang hikayatin akong lumabas. "Pare, tara na, mag-inuman tayo," sabi ni Dixson isang araw. "Hindi ka na namin nakakasama, malapit na naming makalimutan ang iyong kagwapuhan. Gawin mong break ‘to, para sa amin," dagdag sabi niya sa akin. Bahagya akong napangiti sa kanyang expression sa mukha, para kasi itong batang inagawan ng candy. Lagi ko silang tinatanggihan kaya medyo na kunsensiya ako. Dahil wala akong gana makipag-socialize. Hindi ko kayang magtawa o makipag-usap ng normal. Parang lahat ng mga bagay sa paligid ko ay naging mabigat. "Sa susunod na araw na l
Chapter 36 Halos limang buwan na akong walang ganang mag-aliw-aliw at hanggang ngayon ay wala pa rin balita sa inutusan kong hanapin ito. Kahit na sinabihan ako ni Angie na hintayin ko lamang iyong bumalik ay hindi pa rin ako tumigil sa kakahanap, lagi na lang akong nagkukulong sa aking opisina. Limang buwan na rin kaming hiwalay ng aking nobya, at nalaman ko na buntis pala ito sa ibang lalaki, kaya pala pilit na tinatanong ako sa kanyang ama kung kailan kami magpapakasal. Buti na lang at sinabihan ako agad ng aking magulang kung ano ang pakay ng pamilyang Pariz. "Buti na lang at tinawagan ako ni Mom, noong hinatid ko ito sa mansyon," bulong ko sa aking sarili. Well, hindi naman isyu kung buntis ito sa ibang lalaki, tatanggapin ko yun kung mahal ko ito. Pero ang pagmamahal ko pala dito ay mababaw lamang. Mas umibabaw ang nararamdaman ko kay Heart kaysa dati kung nobya. Kahit na matagal ko nang hinahanap ay hindi ko pinabayaan ang aking tungkulin bilang CEO ng aming
Chapter 91 Palipat-lipat ang tingin ni Sarah kay Xavier at kay Emer, parang tinitimbang kung sino sa kanilang dalawa ang may higit na kabigat na epekto sa kanya. Hindi ko maiwasang mag-isip na si Sarah ay nahirapan sa mga alaala ng nakaraan, at ngayon, may mga bagong mukha at mga pangako na nagsasangkot sa kanyang puso at isipan. Habang si Sarah ay nag-iisip, ang kambal na sina Jimmie at Jammie ay tahimik lamang na nakaupo sa sofa. Tila nasiyahan sila sa kanilang nakikita—walang alinlangan, ngunit wala ring reaksyon na nagsasabing may personal na alalahanin o tanong. Minsan, naiisip ko na baka sila ay natututo nang mag-obserba nang tahimik, at baka may mga tanong silang hindi pa nila kayang itanong. Si Xavier, ang lalaki na kasama ni Sarah, ay hindi rin umiimik. Tila alam niyang may mga hindi pa nalulutas na isyu sa pagitan ni Sarah at ni Emer. Habang tinitingnan ko sila, naramdaman ko ang bigat ng sitwasyon—ang mga relasyon, lalo na ang mga nakaraan, ay minsan mahirap kalimutan at
Chapter 90 "Sa edad ninyong 29 kailangan may asawa na kayo," sabi ni Heart sa kambal. "O baka naunahan pa kayo sa bunso ninyong kapatid!" taas kilay niyang napasulyap sa may meandoor habang papasok si Sarah na may kasamang lalaki at mukhang hindi basta-basta ang antas nito dahil sa kanyang tindig. Ang kambal, si Jimmie at Jammie, ay napatingin kay Heart at nagkatinginan. "Mom, hindi ba't maaga pa para mag-isip ng ganyan?" sagot ni Jimmie, sabay tawa. "Huwag mong gawing biro, Jimmie," sagot ni Heart, ngunit may kasamang ngiti sa labi. "Nakakahiya na nga kayong dalawa, hindi pa kayo nakakapag-asawa, tapos si Sarah pa, parang may bago na agad." Habang abala sila sa usapan, napansin ko si Sarah at ang lalaki. Si Sarah, na mas matangkad sa akin, ay naglalakad papunta sa amin, hawak ang kamay ng lalaki. May ngiti sa kanyang mga labi, at ang lalaki ay may itsura ng isang seryosong tao. Malinaw sa mukha nito ang pagka-busy at mayaman. "Mom, Dad, ito po si Xavier," sabi ni Sarah haba
Chapter 89Lumipas ang maraming dekada, at ngayon, nakatayo ako sa harap ng isang bagong yugto ng aming buhay. Ang aming bunso, si Princess Sarah, ay dalaga na, at ang mga kambal na sina Jammie at Jimmie ay dalawang taon nang nagtapos sa kanilang pag-aaral. Bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang ambisyon at pangarap, ngunit sa kabila ng kanilang mga tagumpay, hindi nila nakakalimutan ang pinagmulan nila—ang Flores Companies na itinaguyod namin mula sa simula.Dumating na ang oras na ilipat ko sa kanila ang pananagutan sa negosyo, at hayaan silang pamahalaan ang lahat ng aspeto ng aming pamilya at negosyo. Sa edad kong 60 taon, alam ko na kailangan ko nang mag-focus sa mas mahahalaga pang bagay—ang aking pinakamamahal na asawa, si Heart.Habang sinusunod ko ang proseso ng pagpapasa ng mga negosyo sa aming mga anak, hindi ko maiwasang mapansin ang bilis ng paglipas ng panahon. Noon, kami ni Heart ay nag-aalala pa tungkol sa pagbuo ng pamilya, ang pagpapalago ng negosyo, at ang paghaha
Chapter 88 Habang pinagmamasdan ko ang mga anak namin, naramdaman ko ang hirap at saya sa bawat sandali. Parang isang mabilis na agos ng ilog—mabilis tumakbo ang oras, pero masaya akong alam ko na kami pa rin ay magkasama sa bawat hakbang ng buhay. "Nag-aalala ka pa ba, Heart?" tanong ko sa kanya habang umupo ako sa tabi niya. "Wala na tayong dapat ipag-alala. Ang mga anak natin, matututo sila mula sa mga desisyon nila." Tumingin siya sa akin, may halong pag-aalala pa rin, pero ngumiti rin. "Siguro, Brandon. Minsan lang kasi, hindi ko matanggal sa isip ko ang mga panganib sa paligid nila. Lalo na si Jimmie, may mga panahong parang ang bilis nilang tumanda." Niyakap ko siya at tinanggal ang mga pag-aalala sa kanyang mga mata. "Heart, kahit anong mangyari, magsasama tayo. Hindi natin sila papabayaan. At hindi lang sila—tayo rin. Alam ko na kaya natin 'to." Tumango siya at humugot ng malalim na hininga. "Minsan, iniisip ko kung tamang desisyon ba ang lahat ng ginawa natin. Pero sa t
Chapter 87 Brandon POV Nasa kusina ako, nag-aayos ng mga gamit matapos mag-meryenda, nang marinig ko ang boses ni Heart na tila nag-aalala. Naiintindihan ko siya—alam kong mahirap para sa kanya na magtiwala sa mga panganib sa labas, lalo na at lumalaki na ang kambal. Ngunit kailangan niyang matutunang pakawalan sila, kahit mahirap. Nandiyan si Jammie at Jimmie, mga teenagers na, at alam ko na responsable sila. Lumapit ako kay Heart, at nginitian siya nang malumanay. "Mahal, huwag kang mag-alala. Sabi nga nila, ang mga anak ay parang mga ibon—kailangan nilang lumipad at matutong tumayo mag-isa," sabi ko, inaabot ang kanyang kamay. "Tiwala ako sa kanila." "Pero, Brandon..." simula niya, ngunit hindi niya natapos. Alam kong ang kanyang puso ay puno ng pagmamahal at pangangalaga para sa mga anak namin. Hindi ko na siya pinigilan, bagkus niyakap ko siya at inalis ang mga alalahanin sa kanyang isipan. "Naiintindihan ko, Heart. Gusto ko ring protektahan sila, pero nakita ko kung gaano s
Chapter 86 Maya-maya, dumating si Sarah mula sa kwarto niya, hawak ang isang libro. "Mommy, Daddy, pwede niyo po ba akong tulungan sa assignment ko?" tanong niya habang umupo sa gitna namin. Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang buhok. "Of course, anak. Anong kailangan mo?" Habang tinutulungan namin siya, naisip ko na kahit binata na ang kambal, andito pa rin ang bunso naming si Sarah na nagbibigay-kulay sa araw-araw namin. Sa kabila ng mabilis na paglipas ng panahon, masaya ako at puno ng pasasalamat. Ang pamilya namin ang pinakamahalagang yaman na meron kami, at hangga’t nandito kami para sa isa’t isa, alam kong magiging maayos ang lahat. Habang abala si Brandon sa pagtulong kay Sarah sa kanyang assignment, dahan-dahan akong tumayo at nagtungo sa kusina. Naisip kong ipaghanda sila ng meryenda. Simple lang, pero sapat na para maiparamdam ko ang pagmamahal ko sa kanila. Binuksan ko ang refrigerator at kinuha ang ilang sangkap. Napagdesisyunan kong magluto ng pancake, ang paborito
Chapter 85Pagkatapos ng aming usapan ni Rosie, bumalik ako sa kusina para tingnan kung tapos na ang mga bata sa pagkain. Nakangiti akong lumapit kay Princess Sarah, na abala sa pagkain ng kanyang paboritong pancake na may chocolate syrup."Busog ka na, Princess?" tanong ko habang pinupunasan ang kanyang bibig.Tumango siya, ngumiti, at sabay sabi, "Thank you, Mommy! Ang sarap po ng luto niyo!"Napangiti ako, at hindi ko maiwasang haplusin ang kanyang buhok. "Gusto kong ikaw mismo ang mag-enjoy, anak. Kaya dapat lagi kang kumain ng marami, ha?"Samantala, ang kambal naman, sina Jimmie at Jammie, ay nagtatawanan habang nagkukuwentuhan. Napansin kong may kalokohang binubulong si Jimmie kay Jammie, kaya nilapitan ko sila."Ano na naman ang pinaplano niyo, mga gwapo?" biro ko."Mommy, gusto po naming sumama kay Daddy sa garden mamaya!" sagot ni Jammie na may masayang ngiti."O sige, pero siguraduhin niyo lang na hindi kayo magulo, ha? Baka mabawasan ang halaman ng Daddy niyo," sagot ko na
Chapter 84 Heart POV Ang mabilis na paglipas ng mga araw ay tila nagbibigay sa akin ng bagong sigla. January 2, 2024, pasukan na muli ng mga bata. Maaga akong nagising upang ihanda ang lahat ng kailangan nila. Habang natutulog pa si Brandon, sinimulan ko nang magluto ng almusal para sa pamilya. Habang nagpiprito ako ng itlog, naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran. “Good morning, mahal,” bati ni Brandon habang hinahalikan ang gilid ng aking leeg. “Good morning,” sagot ko nang may ngiti. “Ang aga mo naman gumising," dagdag kong sabi dito. “Nararamdaman wala kana sa tabi ko kaya ako nagiging, kaya bumangon ako dahil gusto kitang tulungan,” tugon niya sa akin. “Pwede mo akong tulungan sa paggising sa mga bata,” sagot ko habang iniabot ang plato ng hotdog at itlog. “Siguraduhin mong maligo sila bago mag-almusal," sabi ko dito. Ngumiti si Brandon at tumango. “Opo, Commander.” Tumalikod at naglakad saka umakyat sa hagdan upang puntahan ang kwarto ng mga bata. Habang
Chapter 83Habang nag-iinuman kami, ang mga bata ay abala sa kanilang paglalaro, binabantayan ng mga yaya. Ang mga tawa at hagikhik nila ay nagbibigay ng buhay sa paligid. Sa kabilang banda, si Heart ay masiglang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigang sina Janith, Angie, at Althea. Kitang-kita ang kasiyahan sa kanilang mga mukha habang pinapalitan nila ang isa’t isa ng mga kuwento tungkol sa buhay may-asawa, mga anak, at mga alaala noong kabataan nila.Ang mga kaibigan ko namang sina Kurt, Jayson, at Gordon ay abala sa pag-inom ng malamig na alak habang masaya kaming nagkukuwentuhan. Ang kwentuhan ay may halong tawanan at mga pang-aasar, tipikal na samahan ng mga matagal nang magkaibigan.“Tol, kailan mo ba kami ulit dadalhin sa bagong resort mo?” tanong ni Jayson, habang hawak ang kanyang bote ng beer.“Pagkatapos nito, pwede nating planuhin. Pero siguro, ikaw muna ang mag-host sa susunod,” biro ko.“Oo nga, Jayson,” dagdag ni Kurt. “Kailangan na rin naming matikman ang sinasab