Share

Chapter 3

Happy reading, hearts! Keep safe po!  :)

CHAPTER 3

NUTRITIONIST

"Good morning, Ms. Galacia!" the guard open the door for me after his greeting. I automatically smiled and nod. "Good morning too, kuya!" kung gaano kasigla si kuyang guard sa pagbati ay ganon din ako.

Kayo ba namang nadiligan, hindi ba sasaya? Pfft!

I greeted everybody while proceeding to my office. Magiging busy ako ngayon sa sobrang dami ng gawain at dapat ay hindi ma-stress. 

Kaninang alas sais ang flight ni Cohen, alas otso na ngayon, paniguradong tulog pa iyon sa flight. Napagod ba naman buong magdamag!

Pagkapasok ko ng top floor ay sinalubong kaagad ako ni Krister ng may magandang ngiti. She handed me the folder I asked for kanina bago ako pumunta rito.

"Good morning, Ms. Kyliegh. Iyan na po ang hinihingi niyong mga bio datas ng mga bagong applicants." I nodded, we entered my office. Agad ko namang inilapag ang folder at bag sa mesa at umupo sa swivel chair.

"You want coffee? Ipagtitimpla kita."

"Yes please," tanging tugon ko dahil natuon na ang atensyon ko sa pagscan ng mga bio data ng mga applicants.

Nagbow naman si Krister at umalis na. Patuloy lang ako sa pagscan ng mga nag-aapply. Mapa-janitor, security guards, managers, nutritionist—teka nutritionist? 

"Bakit may nutritionist dito?" Napakunot ang noo ko. Wala naman akong nagpa-hire ng nutritionist ah? Hindi rin naman iyo kailangan dito.

Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok, pinanood ko si Krister na pumasok dala ang kape. Kunot-noo ko siyang pinanood matapos sa ginagawa.

"Bakit may nutritionist na nag-apply? May nagpa-hire ba nito? Bakit hindi man lang ako sinabihan?" Sunod-sunod kong tanong nang humarap siya sa'kin. 

A smile plastered on her face. "Utos po iyan ni Mrs. Galacia."

"You mean...my mother?" Taas-kilay kong tanong, she then nodded.

"Para kanino daw? Healthy naman sila ah? Ano, gusto na nilang maging fit and healthy? Tss...matatanda na ngayon pa umarte." Natawa ng mahina si Krister sa huling pangungusap ko.

"Grabe, hindi 'yun para sa kanila!" mas lalong umarko ang kilay ko at sumandal while crossing my arms.

"Eh para kanino ba?"

"Para sa'yo po, mahal na CEO." pang-aasar niya pa.

I was taken aback from what she said. 

"Seriously? Ano 'to, lokohan? At kailan pa sila naging concerned sa'kin?" Nagkibit-balikat lang siya. 

"May kailangan pa po kayo?" Umiling naman ako while busy sa pagcocontact kay mom. "Well then, magpapaalam na po ako."

"Sure," I said, lumabas naman kaagad siya. Sumimsim ako ng mainit na kape at hinawakan ang bio data habang hinihintay ang pagsagot ni mom sa kabilang linya.

"[Oh dear, what a surprise!]" Napaismid ako, tuloy ay muntik na akong mabulunan sa kape!

Dali kong pinunasan ang aking labi before picking up the phone. Hawak ng kaliwang kamay ko ang bio data ng nag-apply na nutritionist habang ang kabila ko naman ay ang cellphone.

"Mom, why did you hire a nutritionist? Bakit hindi niyo man lang ako sinabihan? Look mom, I am the CEO and I have the rights para malaman lahat ng mga ipapahire. And what? Para sa akin ang nutritionist na pinautos niyo? Seriously?" 

"[It's your grandmother. Alalang-alala siya sa kalusugan mo kaya she ordered me to hire a nutritionist para daw alagaan ang kalusugan mo. She also ordered me na huwag kang sasabihan dahil baka umayaw ka. Tsk she's right.]" Natigilan ako, so it's mommylala? Well, kailan ba nag-alala sina mom? Asa ka naman, Kyleigh.

Sa pamilya ko, it's only mommylala who's always there for me, caring, supporting and conforting me. Hindi nga lang siya nakaattend sa paghihirang sa'kin bilang CEO dahil naroon siya sa probinsiya at masama rin ang pakiramdam.

I smiled, my heart fluttered. Si mommylala talaga...

Pero ayoko talaga. I'm sorry mommylala, kaya ko naman ang sarili ko, magiging istorbo lang 'yang nutritionist sa trabaho ko huhu!

"But mom...as you can see, I'm still alive." I heard her sighed. 

"[Then go tell it to your grandma.]" Bumuntong-hininga ako, I know na wala talaga akong choice. At baka mapano pa lalo si mommylala kapag kinulit ko pa siya.

Asap Creause

"Mom, bakit naman lalaki? I'm sure as hell, Cohen would be jealous! Wala bang babae? Babae nalang mom!"

"[We already saw his background, Kyleigh. His a professional, and kilala rin siya ng dad mo. Actually your dad recommended him na siya nalang. Mabuti nga't pumayag si Asap, we just need your approval nalang para masimulan na niya ang trabaho dahil sabi mo nga, ikaw ang CEO, so iapprove mo na 'yan. You have no choice dear, alam mo naman kung paano magalit ang dad mo diba?]" Marahas akong napabuga ng hangin sa sobrang inis.

Dad's decisions was always firm. Walang pwedeng makakapagpabago ng isip niya. Nobody wants to get in his ways, malas mo kung trinip mong banggain siya. 

"Fine! But please, if Cohen finds outs, kayo na ang bahalang mag-explain sa kaniya!"

"[Oo na!]"

"Alright, I'll hung up the call mom. Goodbye." I didn't wait for her answer, basta ko nalang iyon ibinaba at napapikit ng mariin.

My sight automatically drop on the nutritionist's two-by-two picture. Kulay black na clean cut and buhok, tan skin that match his matured look, manipis at may pagkapulang labi, matangos na ilong, his chocolate eyes were deep na para akong hinihila. Seryosong-seryoso ang mukha nito sa picture.

"He's gwapo ah?" Tatango-tango kong bulong. Then suddenly, an idea came into my freaking mind.

"Hmmm...eh kung pahirapan kaya kita?" Nakangisi kong tanong, kausap ang larawan.

"OMG, that's a great idea, Kyleigh!" Pinitik ko ang bio data ng lalaki at ngumisi lalo. "Cohen's not here, getting rid of you is just a piece of cake." I scan his bio data.

"Asap Creause...such a great name for a handsome man like you." I chuckled. "But sorry, hindi 'yan uubra sa'kin. Humanda ka sa'kin, Mr. Asap Creause. Brace yourself for my hot revenge, my dear nutritionist." Humagalpak ako ng tawa after sabihin ang mga linyang iyon. Nutritionist pala ah? Hmmm...

Krister entered the room and smiled at me. 

"The applicants are here, ready kana bang iinterview sila?" a smirk drawn all over my face. "Okay, let's start." nakangiti kong anas. She gave me the look na parang naweweirduhan siya sa'kin. 

"Okay...I'll go ahead." I nodded and gave her all the folders ng mga applicants. Ibibigay niya iyon sa mga may-ari. Hiningan ko lang ang mga iyon para masuri ang mga bio datas nila. Mamaya sa interview ay ipapasa nilang muli ang kanilang folders. 

I arranged my appearance while waiting for the first applicant for today. Nakita ko namang binuksan ni Krister ang pinto at iginiya ang isang dilag papunta sa kinaroroonan ko. 

"G-good morning, Ms. Galacia!" I smiled when she stutter. 

"Good morning, have a seat." tumango naman siya at natatarantang umupo. "Calm down, hindi ako nangangain ng tao." I chuckle and her eyes widen. 

"S-sorry po!" tumango ako and she passed me her folder. 

And there...I began interviewing the applicants. Nasa number ninety-six pa ang nutritionist na iyon. Ang tagal. Gusto ko na siyang interviewhin. 

Nang nasa fifty's na ako ay nagsimula na ang aking pagkabagot. For the past days of interviewing applicants, ngayon lang ako nabagot. Kahit na may ginagawa ay nababagot parin ako kakahintay sa lalaking iyon. I don't know why am I even waiting kahit naman sigurado akong dadating rin siya. 

Yeah, I know na nasa fifty's palang ako at sa ninety's siya...pero gusto ko na agad dumating sa ninety's, kairita. 

I fix my posture again and calm down my nerves. Hindi ko dapat binibilisan ang interview kaya dapat akong maghintay. Letse, bakit kasi ang tagal pa ng lalaking iyon!

Time passed at puro paghihintay lang ang aking ginawa. 

"You're a cum laude, I see." tumatango-tango kong saad na parang interesado kahit naman sa lalaking nutritionist lang ang tanging nasa isip. 

"Yes po, I graduated from college, taking a business and management—"

"You're hired." nakangiti kong pagsingit dahil hindi ko na kayang matagalan pa. Masyado nang tinetest ng lalaking iyon ang aking pasensiya. 

"P-po?!" gulat ng lalaking iniinterview ko. I smiled kahit nainis na sa kaniya, gosh, nagmamadali ako at ganito pa ang lalaking ito. 

"You're hired. You can start your training by after tomorrow. Congratulations." agad siyang tumayo at tumungo. 

"Thank you, Ms. Galacia. I'll do my very best to help build this company." I nodded and smile.

"That's good. You may go ahead." ani ko na pinapalayas na siya. Masaya ang lalaking umalis, nang sumara ang pintuan ay dali-dali akong tumingin sa aking salamin and nagretouch. 

This is it! I fix myself at umupo ng tuwid. Nagpanggap akong busy sa aking laptop while patiently waiting for him to enter in my office. 

"Come in," I don't know why my heart beat so loud dahil lang sa pagkatok niyang iyon. 

My eyes locked to the man who came in. He walked straight and bowed at me. 

"Good morning—"

"What number are you?" pagputol ko sa kaniyang pagbati. 

"Ninety-seven po." kumunot lalo ang aking noo nang makumpirmang may mali. "Where is ninety-six?" taas-kilay kong tanong. 

Where the hell is that nutritionist?! Is he playing with me?! And why the freakin' hell am I so affected?! 

"He's in the restroom pa po. According to Ms. Karen, mauna nalang daw po ako para hindi ka po maghintay." marahas akong napabuntong-hininga sa sobrang inis. 

I gave her my fake smile and nodded my head. "Sige, take a seat." he handed me his folder at wala na akong nagawa pa kundi ang tiisin nalang ang inis na nararamdaman.

Sino ba ang lalaking iyon para hintayin ako? Sino ba ang lalaking iyon para ganitohin niya lang? Sino ba ang lalaking iyon para pag-aksayahan ko ng stress at oras?! SINO BA ANG LALAKING IYON AH?! LETSENG NUTRITIONIST NA IYON!  MAMATAY KANA! 

He's getting into my nerves. An indeed jerk! 

"Thank you for the interview. Just wait for my secretary's call for further notice." he stood up then bowed his head. 

"Thank you po! I'll go ahead po, have a great day!" tumango nalang ako kahit hindi naman na great ang day ko. 

At umalis na siya. Naiwan ang mga tingin ko sa pintuang kinalabasan ng lalaki kanina at hinintay na muli iyong buksan. 

I sit properly when someone knocked the door. I cleared my throat and arrange my blouse na kita na ngayon ang cleavage. 

"Come in," inayos ko ang aking blouse para matakpan ang cleavage but to no avail. Hapit na hapit ang aking blouse kaya kahit anong gawin kong pagtakpan ay kitang-kita parin ang aking hinaharap. 

I sighed in annoyance and just give up. I lifted my gaze and perhaps, my consciousness stole by this one and only nutritionist who's staring at me while walking to my direction. 

Holy crap! Bakit mas trumiple ang pagkagwapo niya sa personal kaysa doon sa litrato ng kaniyang bio data? Old picture niya ba iyon? 

He stood straight in front of me and flashed his oh-so-jaw-dropping smile. He cleared his throat. "Good morning, Ms. Galacia. I am Asap Creause, applying for the position as your nutritionist." 

"My nutritionist..." lutang kong bulong habang nakatitig parin sa kaniya. His chocolate eyes stuck in mine. And I'm already drowning! 

"Yes, your nutritionist." he snapped. I blink several times before clearing my throat. Did I just fantasize him? Did I?! 

SINO BA SIYA PARA IKALUTANG KO NG HUSTO?! AT WOW AH, LAHAT ATA NG APPLICANTS NAGBOW SA'KIN BEFORE OR AFTER THE GREETINGS,  TAPOS SIYA GREETING NA AGAD?! 

"Y-you may have a seat." napalunok ako sa hindi malaman na dahilan habang minumwestra ang visitor's chair. 

"Thank you. Here's my folder, ma'am." magalang niyang saad. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at bumuntong-hininga. I should stick to my plan, hindi ako dapat magpaapekto sa kung anumang nangyayari sa'kin. 

Dahil sa nangyayari sa akin ay mas lalo kong gustong paalisin ang lalaking ito, he's unhealthy to me. Naturingan pa naman siyang isang nutritionist.

A smirk drawn on my face again. 

"Okay, you're hired." matamis na ngiti kong saad and leaned in. 

"P-pardon me, ma'am?" hindi pa makapaniwalang aniya. "What about the interview po?"

"I will not repeat what I already said, Mr. Creause. You may start by tomorrow. You may go ahead." dire-diretso kong saad dahil kahit na gaano ko gustong magfocus sa aking plano ay hindi ko makaya ang kaniyang presensya. Habang nagtatagal ay tila ako nauubusan ng hininga. 

"What's the point of interviewing you kung ihahire parin kita diba? Wala akong choice eh. I know na kailangan parin kitang interviewhin para makilala kita pero huwag na. Nawala ako sa mood and besides...pwede parin naman kitang makilala sa mga araw na makakasama kita." why the fvckin' hell am I explaining?!

Bwesit na lalaking ito! Sino ba talaga ito?! Naturingan siyang nutritionist ngunit heto ako't halos maubusan na ng hininga! Imbes na mas maging healthy ay baka siya pa ang ikamatay ko! 

"S-sige po, thank you very much!  I'll do my very best—"

"Oo na, oo na, you may go." pagtaboy ko pa sabay iwas ng tingin. 

I saw him on my peripheral vision bowed his head before making his way out. "Ahmm, I have a favor." pagpigil ko. 

Agad akong napaiwas ng tingin nang lingunin niya ako ng may ngiti sa labi. "What is it, ma'am?"

"Tell my secretary to take a break muna. Mamaya nalang ipagpatuloy ang interview." 

"Sure, ma'am. Kung wala na po, aalis na po ako." tumango ako, higit parin ang hininga. 

Nang marinig na sumara ang pintuan ay doon na ako nakahinga ng maluwag. Gosh, that was...absurd! 

Just wait...bukas nalang kita sisimulan, Mr. Creause. How dare you to stole my sanity and getting into my nerves! 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status