Share

KABANATA 3

Author: Belladiana17
last update Last Updated: 2021-05-03 22:15:59

RAFAEL'S POV

Ngayon nandito at bumalik na ako muli sa Pilipinas! Ako'y nasisiyahan at nasasabik na makita muli ang matagal ko ng iniibig na si Cassandra Montenegro. Papunta na kami ng aking pamilya sa Hacienda de Montenegro, dahil gusto na nila maiayos na namin ang nalalapit na pag iisang dibdib namin ni Cassandra. At labis ko itong kinasaya sapagkat matagal ko na gusto mapa sa akin ang babaeng kinababaliwan ko noon pa man. Ganun pa din kaya ang itsura nya? Mas lalo pa kaya siya gumanda? Nasasabik na ko makita muli siya dahil sa wakas ay ikakasal na ko sa kanya. Sa babaeng nag mamay ari ng puso ko.

Sa wakas ay nakarating din kami sa Hacienda El Montenegro, wala pa din pinagbago ang malaki at masaganang Hacienda. Pagkapasok namin ng magulang ko sa mansiyon ay agad kami sinalubong ng ina ni Cassandra.

"Raquel, ikinagagalak namin na nakarating kayo ng maayos kasama ang iyong pamilya." saad ni Tita Marga at nakipagbeso sa'min ni Mama

"Nako! Salamat Balae. Matagal nga lamang ang biyahe manggaling ng Europa papuntang Pilipinas." Saad ng aking ina.

"Tiya Marga, si Cassandra po pala nasaan po?"

"Ay pababa na silang mag ama, hali kayo sa sala at nag handa ako ng kaunting salo salo." Saad ni Tiya Marga

Habang nakaupo kami lahat sa sala ay bigla dumating si Don Conrado.

"Kumpadre, Rogelio! Kaytagal na natin hindi nagkita, kamusta na? Mabuti at pinaunlakan mo ang aking imbitasyon." Saad ng Ginoo.

"Ayos lang naman kumpadre, ikaw ba? Balita'y ko naisugod ka sa ospital. Isa din sa dahilan kaya napasugod kami dito. Kamusta na ang iyong lagay?" saad ni Papa

"Wala yun kumpadre ayos na ang aking pakiramdam, Salamat. Alam mo naman tumatanda na tayo, haha. Kaya nga gusto ko na sana ipagkasundo na ang aking anak kay Rafael dahil nasa tamang edad na sila. Hindi ba? Hahaha" saad ni Tito Conrad sabay tapik sa balikat ni Papa.

"Oo nga kumpadre, bueno mga bata naman ang magdesisyon kung kailan ang petsa ng kasal na gusto nila. Tayo mga magulang eh, handang gabayan sila hanggang sa magkapamilya ang mga ito." Sagot ni Papa

"Ikaw na ba yan Raquel? Lalo ka pa din gumaganda ah?... At ito na din ba si Rafael? Napakagwapong bata, hintayin mo lamang si Cassandra dahil maya maya ay magkikita na kayo. Sadyang matagal talaga mag ayos ang batang iyon." magiliw na sabi ni Tito Conrad

Mga ilang minuto lang ay bumaba na agad si Cassandra, suot nya ang pulang bestida lalo pa din sya gumaganda.

"Hija, andyan ka na pala? Halika't bumati ka kina Tiya Raquel at Tiyo Rogelio mo." saad ng Papa ni Cassandra

"magandang umaga po Tiya Raquel at Tiyo Rogelio." saad ni Cassandra na nagmano pa sa magulang ko at nakipagbeso

"napakagalang talaga ng anak mo Marga, bukod na sa pinagpala na maganda at mabait na bata. Tiyak na magiging mabuting may bahay at ina ito pag nag asawa na sila ni Rafael." saad ni Mama

"Bueno, mga bata naman ang magdedesisyon ng ganyan bagay, Raquel." saad naman ni Tiya Marga

"Margarita!" - Conrado

"Mukhang ayaw ata ni Marga na maikasal ang anak niya sa aking anak, Conrado. Hindi ba't dapat napag usapan niyo na ito at nakapag desisyon na kayo?" - Raquel

"Napag usapan na namin ito ng aking may bahay, Bueno. nakapag desisyon na kami tuloy ang kasal ng dalawang bata" - Conrado

Ako naman ay tumayo at nakipagkilala kay Cassandra.

"Cassandra... Napakaganda mo pa din, parang wala pinagbago ang itsura mo. Ikaw pa din ang babaeng iniibig ko."

"ikaw pala Rafael... salamat sa papuri mo." saad ni Cassandra

"Mama, Papa, Tiya Raquel, Tiyo Rogelio, Rafael.. ahmm... mawalang galang lang po lalabas lang po sana ako saglit, magpapahangin lang po ako sa may hardin." saad ni Cassandra

"Mabuti pa nga hija. Nang makapag usap kayo ng maayos ni Rafael. Hijo samahan mo ang iyong katipan." Saad ni Mama

"Sige, anak. Bumalik ka din dahil mamaya ay kakain na tayo." saad ni Tita Marga

Samantalang si Papa at Don Conrado ay tumango lang.

"sasamahan na kita, Cassandra."

"ikaw ang bahala, Rafael" saad ni Cassandra na halong lungkot ang boses.

---------------------------------------------------------------------------------------------------

MARGARITA'S POV

Agad ako dumiretso ng kusina para makapag ayos ng dadalhin sa hapag kainan ng biglang may sumulpot na kabute sa aking likuran.

"Natitiyak kong ayaw mo sa aking anak para sa iyong anak, Marga" - Raquel

"Tama nga ang iyong hinaing, Raquel."

"Hah! Ikakasal yan anak mo sa aking anak! Asawa mo ang nakipag kasundo sa amin!." - Raquel

"Asawa ko pala ang nakipagkasundo, bakit hindi ang asawa ko ang pakasalan mo?!"

"Walang hiya ka!" - Raquel

Akmang sasampalin na ang aking mukha ng mahawakan ko agad ang kamay nito at sinadya ko ito itulak sa lababo.

"Wala kang karapatan sampalin ako mismo sa sarili kong pamamahay, Raquel! Anong akala mo sa anak ko gamit na basta basta lang ibibigay diyan sa manyakis mong anak!"

"Wala ka ng magagawa! Ikakasal ang mga anak natin sa ayaw't gusto mo! Anak mo ang nagbigay motibo sa anak ko! Kaya wala ka karapatan tawaging manyakis ang anak ko!" - Raquel

"Umalis ka sa harapan ko at baka mataga kita ng kutsilyong hawak ko at itarak ko diyan sa leeg mo!"

Agad naman kumaripas ng takbo ang Ina ni Rafael, nakita naman iyon ng mayordoma na si Nanay Dehlia.

"Dios Mio, Marga! Ano ginawa mo sa inyong bisita? Baka makarating ito kay Don Conrado?" - Nanay Dehlia

"Aba'y Nay, ipinagpipilitan niyang ikasal ang anak niya sa anak ko. Hindi naman pwede yon kahit sabihin pa natin pumayag si Conrado."

"Marga, alam kong ayaw ni Don Conrado sa aking apo si Miguel dahil mahirap lamang kami. Patawad sa nagawang kasalanan ng aking apo kay Cassandra." - Nanay Dehlia

"Nay Dehlia, Galing din ako sa mahirap alam niyo po iyon. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ka ganid sa yaman at kapangyarihan ang aking inasawa. Alam kong mabait na bata si Miguel saksi ako sa pagpapalaki ni Celso at ni Milagros dahil alam niyong kababata ko ang mga magulang ni Miguel at ni Carmela."

"Halika na, at baka hinihintay na nila itong pagkain na inihanda natin. Hayaan mo Marga, nandito lamang ako kung kailangan niyo mag ina ng tulong." - Nanay Dehlia

"Salamat po Nanay Dehlia."

At agad na namin dinala ni Nanay Dehlia sa hapag kainan ang mga pagkain niluto namin para sa tanghalian. Agad naman ako sinalubong ng titig ni Raquel ngunit isinawalang bahala ko na lamang ito.

CASSANDRA'S POV

Nandito kami ngayon ni Rafael sa hardin, tanaw namin ang malawak na lupain na pagmamay ari ng pamilya ko magmula sa angkan ng aking ama. Ngayon mismo ay sasabihin ko sa kanya na ayoko magpakasal, at may mahal na akong iba. Ililihim ko ang pagdadalang tao ko sa kaniya dahil tiyak gagawa ito ng paraan para mawala ang aking anak.

"Napakaganda pala dito, Cassandra. Kasing ganda mo. Ibig ko na maikasal na tayo sa lalong madaling panahon. Mahal kita Cassandra." saad nito

"Ah. Salamat... Rafael.... May sasabihin nga pala ako sa'yo."

"Ano iyon, Cassy?" Saad niya

"Cassy? Cassandra ang ngalan ko, huwag mo baguhin iyon. Wala kang karapatan baguhin yon."

"Oo, Cassy. Yan na itatawag ko sayo, ang haba kasi ng pangalan mo, hehe. Nga pala, ano nga ba sasabihin mo?" saad ni Rafael

"Gusto ko sana sabihin sa'yo. Tutol ako sa kasalang magaganap sa ating dalawa. Ayoko magpakasal sa'yo dahil may iniibig na kong iba. Makakahanap ka din ng mas higit sa akin. Rafael hindi kita mahal at mas lalong hindi kita magugustuhan."

"Look, Cassy. Alam ko may nagawa ako sa'yo mali noon, at matagal ko na pinagsisihan yun. Alam ko gago ako noon, pero nagbago na ko Cassandra para sayo. Pakiusap patawarin mo na ko gagawin ko lahat, huwag mo lang hilingin sa akin ang pag atras sa kasal  na matagal ko ng inaasam." Saad nito

"Patawad Rafael. Pero may mahal na kong iba, at siya lang ang gusto ko makasama habangbuhay. Makakahanap ka din ng iba. Kaya gusto ko sana, umurong na tayo sa kasal! Masasaktan lang natin ang isa't isa. Pakiusap. Hindi ako nararapat para sa pag ibig mo na yan."

Bigla naman itong ngumisi ng nakakatakot at napailing iling at bahagyang lalapit sa'kin pero napa atras ako dahil sa takot.

"ano ako gago na aatras na lang basta?! Bakit sino ba yang lalaking mahal mo?! Si Miguel ba!?? Hah! Ano bang meron sa b****a na iyon! Pati ba naman pag mamay ari ko aagawin pa niya!" halos pasigaw na pagkasabi nya.

"Oo! si Miguel lang mahal ko! Siya lang!! At kahit kaylan hinding hindi kita mamahalin! Hayop ka!"

Bigla na lang ako sinampal ni Rafael, at hinawak nya ng mahigpit ang pisngi ko sabay hawak ng mahigpit sa bewang ko at hinatak nya katawan ko palapit sa kanya.

"Cassandra, parang hindi mo ata ako kilala? Ito lang masasabi ko sa'yo.. Itutuloy natin ang kasal, hmm! Hindi ko hahayang makalapit sa'yo ang gagong yun! Akin ka lang Cassandra!!! You're MINE!" saad nito

Hahalikan sana ako ni Rafael ngunit dinuraan ko ang mukha ito at matapang ko tinitigan ang mata nito bigla niya na lamang ako tinulak kaya napaupo na lang ako sa damuhan, nanginginig, dahil sa pangyayari. Ayoko talaga makasal sa demonyong yon. Hindi pa kami ikinakasal umaalingasaw na ang baho ng ugali niya. Dapat malaman ito ni Miguel pero paano gayong nandito na sa lugar nila si Rafael? Agad lumabas ang aking ina at nadatnan niya ko nakaupo sa damuhan.

"Anong kaguluhan ito! Ano ginawa mo hah Rafael!?, Dios Mio! Sandra, ayos ka lang ba? May masakit ba saiyo anak?" - Margarita

Agad ako inalalayan ni Mama tumayo at sinuri niya ko kung nasugatan ba ko o nasaktan man sa ibang parte ng katawan, Bigla naman lumabas sila Papa at ang magulang ni Rafael.

"Anong ginawa mo Rafael!" - Tiyo Rogelio

"Papa, patawad. hindi ko sinasadya. Meron lang kami hindi pagkakaintindihan ni Cassandra" - Rafael

"Baka nag iinarte lamang yan anak niyo, kaya wag mo pagalitan ang anak ko, Rogelio!" -Raquel

"Tumatangis ang anak ko dulot ng pagtulak sa kanya ng manyakis mong anak!" - Marga

"Tumigil ka na, Raquel! Pinagtatanggol mo pa yan anak mo! Nag uumpisa pa lamang kayo sinasaktan mo na ang magiging asawa mo, Rafael! Ayusin mo yan! kung ayaw mo ako ang mag pa atras ng kasal nyo!" - Rogelio

"Marga, ipasok mo na si Cassandra." - Conrado

"Pasensiya kumpadre, hayaan mo kakausapin ko ang mag ina ko." - Rogelio

"Pumasok na tayo at nakahanda na ang pagkain." - Conrado

Nauna na pumasok si Rafael, sumunod naman ang lahat pumasok sa aming bahay. Walang imikan ang mga nanay namin dahil sa nangyari. Ang mga ama namin ay masayang nagk kwentuhan na tila parang walang nangyari. Agad kami umupo ni Rafael sa hapag kainan umasta kaming wala nga talagang nangyari.

"Nga pala hija, kami ay aalis ngayon mismo ng iyong Mama. Inimbitahan kasi kami ng Gobernador sa kanilang okasyon medyo matatagalan kami ng uwi dahil ililibot kami sa  buong lalawigan ng Cebu." Saad ng aking ama na lubos ko ipinangamba.

"Conrado, wala sa usapan natin ito. Hindi ko iiwan ang aking anak!" - Marga

"Hayaan mong matuto ang anak mo, Marga! Malapit na ikasal yan dapat lang maaga pa lamang ay matuto na siya sa mga gawaing may bahay, tutal nandiyan naman si Rafael." - Conrado

"Kami naman ay may dadalawin sa Ilocos, bibisitahin ko ang aking kapatid kaya matatagalan din kami doon."  - Raquel

"Tamang tama maiwan si Rafael para naman may magbantay at mag asikaso kay Cassandra." - Conrado

"Hindi pa ho kami ikinakasal, pinagsasama niyo na kami, Papa!? Kaya ko ang aking sarili Papa."

"Tumahimik ka! Ako ang padre de pamilya! Ako ang masusunod! Parehas matigas ang ulo niyo mag ina!"  - Conrado

"Pero- ..."

"Okay lang ho sa akin, Tiyo Conrado. Magandang simula na din ito para makapag plano kami para sa aming nakatakdang pag iisang dibdib. Tama ba ko, Cassandra?" Sagot ni Rafael.

"Tama yan, anak. Mabuti pa nga't umpisahan niyo na magplano para maayos natin maidaraos ang inyong kasal."  - Conrado.

Agad ko ibinagsak ang kubyertos kaya nagbigay ito ng ingay sa hapag kainan, nabigla naman ang lahat sa aking iniasta pero wala na ako pakealam.

"Aakyat na ho ako. Nawalan na ko ng gana kumain. Mauna na ho ako."

"Cassandra!" Sigaw ng aking magulang.

Agad ako sinundan ng aking ina papunta sa aking silid. Pigil na galit naman ang gumuhit sa mukha ni Rafael, wala na din nagawa ang ama ko.

Related chapters

  • Our Love, My Baby, Forever   KABANATA 4

    RAFAEL'S POVHindi ko napigilan na gawin yun kay Cassandra ang saktan ito ng physical dahil na din sa mga sinabi nya at mas lalong hindi ko matanggap na ang dati kong kaaway at kinaiinggitan ay nobyo ni Cassandra, gagawa ako ng paraan para matuloy ang kasal namin sa lalong madaling panahon dahil akin lamang si Cassandra, hindi ako papayag na mapunta ito kay Miguel, magkamatayan na..-*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -Nang gabi na, ay uminom muna ako ng whiskey. Gusto ko makapag isip kung paano ko sila pag hihiwalayin nang makita ko bumaba si Cassandra papunta sa kusina para uminom ng tubig. Nang bigla sya napatingin sa'kin n

    Last Updated : 2021-05-03
  • Our Love, My Baby, Forever   KABANATA 5

    RAFAEL'S POVNandito ako ngayon sa silid aklatan ni Tiyo Conrado, nakaupo ako sa may upuan habang umiinom ng alak na agad ko tinawagan kanina ang aking mga tauhan upang maisagawa ko na ang plano ko na pag hiwalayin ang magkasintahan. Bago man lamang makauwi dito ang aming mga magulang wala na ang pesteng lalaking yun, ng maumpisahan na namin ang magarbong kasalanan sa pagitan namin ni Cassandra.Nang maubus na ang laman sa'king baso, ay napagpasyahan ko lumabas ng aking kwarto at dalawin ang mga manggagawa ng Montenegro. Dahil ako din naman ang magpapalakad nito pagdating ng araw na maging asawa ko na si Cassandra Montenegro. Paglabas ko ng silid aklat ay nakita ko agad sa baba ng sala si Cassy, kausap ang katulong, mukang aalis ata ito.Nakita ko nagmamadali si Cass

    Last Updated : 2021-05-05
  • Our Love, My Baby, Forever   SEASON 2: INTRODUCTION

    (year 2009)"Ang muling pagbabalik"MAIN CHARACTERS:*MARCO LEE BUENAVENTURA- dating si Miguel Garcia noong 1994, ngayon ay isa na siya sa mga young rich business man sa buong mundo pero isa din syang doctor.* MACEY ANN FAJARDO- dating Cassandra Montenegro noong 1994, ngayon ay isa syang magaling na doktor.*RAFAEL HERNANDEZ- Ang dating pumatay sa magkasintahan na sila Miguel at Cassandra, na muling iibig naman kay Macey.* CHELSEA HERNANDEZ- anak ni Rafael sa isang bayarang babae, isang Professional model at nobya ni Marco. Karibal ni Macey.

    Last Updated : 2021-05-06
  • Our Love, My Baby, Forever   CHAPTER 6

    MACEY'S POVNag ring agad yun alarm clock ko, kaya ayun kinapa kapa ko muna yung side table para patayin ito. Grabe duty na naman hays, ang beauty ko na aagnas na. Nag blink blink muna ko ng mata tapos hikab, unat unat ng konti. kasi ba naman 5am pa lang antok pa ko kaso 6:30am ang duty ko, 16hours again.Kiniss ko muna si koosh name ng doggy bear ko, Goodmorning baby koosh, hays antok pa si mami oh? 0__0 tsk. Makapagsipilyo na nga muna. Nga pala sa mga readers ko later na ko mag introduce hahaha. Nang matapos na ko magsipilyo tapos maligo ay nagprepare na ko para larga na.(fast forward ...)Im here na sa hospital at my office area, okay mga readers

    Last Updated : 2021-05-07
  • Our Love, My Baby, Forever   CHAPTER 7

    MARIELLE'S POVAko nga pala si Marielle Lei Buenaventura, 25ylo, isang pediatrician katulad ni Adrian yung bff namin beki. Wala na kami mga magulang kundi si Lola na lang ang gumagabay sa'min magkapatid, makikilala nyo din si Lola sa ibang chapter.Unfortunately, I have a brother 2yrs gap nya sa kin, siya si Marco Lee Buenaventura later makikilala nyo siya. Now Im here in my office, katatapos ko lang mgcheck up ng mga bata ng biglang nagring yung phone ko.Hoy bebs Yellie!!!! Pagtitili ni BaklaYellie kasi tinatawag sa kin ng tatlo ko bff haha, ewan ko ba sa mga yun.Bakit bakla?! Tumawag ka pa talaga ah? Baka magkatapat lang office natin? Hanggang dito

    Last Updated : 2021-05-08
  • Our Love, My Baby, Forever   CHAPTER 8

    MARCO'S POV I'm here now in my office, by the way My name is Marco Lee Buenaventura, 27ylo, CEO/PRES ng BVGC. Dalawa na lang kami with my Lola, yes I have a sister. She's a Doctor, her name is Marielle. Ngayon ay pipirma lang ako ng mga documents na kailangan dito sa opisina ng bigla na lang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa aking sentido mukhang napapadalas na ang pagflashback ng mukha ng hindi ko man lang nakikilala. Napapikit ako at mukha na ng babae nakikita ko, uminum ako ng tubig pampakalma sa nararamdaman ko. Lagi ko na lang napapanaginipan yung babaeng yun at tinatawag akong Miguel?! What the heck?!

    Last Updated : 2021-05-09
  • Our Love, My Baby, Forever   CHAPTER 9

    MARCO'S POV Diretso kami ng mga barkada ko sa Elite bar pagkatapos ng trabaho, medyo namiss ko talaga night life ko, kasama ko sila Xian at Gab. Pumunta kami sa Vip kasi andun din ang halos ng mga barkada namin noong college pa kami. Umupo ako sa may sofa at uminom ng tequilla, nahagip naman ng mata ko yung babaeng nasa dancefloor. She looks so damn hot and gorgeous in her red sexy dress, kitang kita ang kaputian nito. Halos nag init ang katawan at mukha ko nun nakita kong hinahawakan ng lalaki ang pwetan nito, and this woman looks drunk, mukang hindi na nya ata alam ang ginagawa nya. Damn it! Akmang

    Last Updated : 2021-05-10
  • Our Love, My Baby, Forever   CHAPTER 10

    MACEY'S POVNagising ako sa pagtama ng sikat np araw sa mukha ko, medjo sumasakit pa ang ulo ko dulot ng sobra kong pag inom. Nang makamulat na ang aking mga mata, pinakiramdaman ko muna ang paligid ko. Nasaan ako? Hindi ito ang kwarto ko? Sa isip ko. Nang pag upo ko ay parang biglang sumakit at humapdi ang baba ko.Shit! What happen?! And where the hell I am?!!Dahan dahan ako bumaba sa kama na nakataklob ang kumot sa katawan ko. Nang makatayo na ako ay bigla ko na lang napansin na may bahid na dugo ang bedsheet na hinigaan ko.No way!!! Aaaahhh!!!!!!!! Anong katangahang ginawa mo Macey Ann!!! Pasigaw ko.

    Last Updated : 2021-05-11

Latest chapter

  • Our Love, My Baby, Forever   CHAPTER 27

    MACEY'S POV Andito kami sa Las Casas hotel, ako sila Marielle, Ashley, Chelsea na kararating lang galing London, si Steph at twin sister nyang si Stacy na pinsan ko and the last walang iba kundi si Adriana. Hoy! Bakla! Girls night to! Bawal lalaki! - sigaw ni Ash Hep hep! Pusong girlalush aketch! Nga pala bessy!!! May surprise ako!!! Magugustuhan mo yun! - adrian Ano na naman trip yan? Kayo talaga. Kain na lang tayo dahil bukas ma aga pa tayo. Wag ka nga K.J insan, last day of pagkadalaga na yan kinabukasan MISIS kana! At for sure nag sasaya din sila. Haha - Stacey

  • Our Love, My Baby, Forever   THE FINALE

    MACEY'S POVAbala ang lahat sa pag hahanda sa nalalapit na kasal namin ni Marco, Nagpunta din kami ni Marco sa Reception para tignan kung okay na ang lahat.Habang sila Ashley, Chelsea at si Marielle ay abala para sa bride's preparation..Ang bridal gown na napili ni Macey..Kambal kong pinsan ang pumili para sa cake.MARCO'S POVGaling kami ni Gab, ang aking bestman sa jewelry shop upang makahanap ng wedding ring namin ni Macey.Dude, okay na ba ito?Naman pare, bagay sa inyo ni Mace. Congrats dude! Talaga

  • Our Love, My Baby, Forever   CHAPTER 26

    MACEY'S POV(After 3years)7 years old na ang dalaga namin, habang si Marqui 2years old.Mom? Punta na po tayo kay Daddy please? It's weekend naman po - CelineOkay okay. We will go to your Daddy's office. Mag ayos kana at bibihisan ko na si Marqui.Yes!!! Mommy!!! I love you!! - CelineI love you more, sweetieGanyan kalambing ang aming panganay, ang sarap sa pakiramdam na may dalawang anghel na nagpapagaan lagi ng loob mo. Matagal na din ang panahon lumipas, namatay si Rafael ang demo

  • Our Love, My Baby, Forever   CHAPTER 25

    (After 3 years...) Mommy!! Daddy!!! I'm home na po!!! - Celine Sigaw ng aming panganay na si Maceline Lei Fajardo Buenaventura, tatlong taon na din ang lumipas simula nun pangyayari sa pagitan namin tatlo ni Raphael At ni Marco. Nanganak na din si Chelsea, lalaki at yun ay si Wyeth. Kasal na sila ni Gabriel at masaya na sila nagsasama. Mommy, where's daddy ? - Celine Nasa office pa si Daddy, princess. Why? Nothing Mommy. I love you po. - Celine I love you more baby And i kiss her cheeks,and she giggled. Bigla naman duma

  • Our Love, My Baby, Forever   CHAPTER 24

    CHELSEA'S POV Agad naman ako nagmadali mag ayos ng gamit dahil lilipat na ko sa condo ni Gab, lalayo muna ko kay Dad. Nang makababa ako ng hagdan nakita agad ako ni Dad na may bitbit na maleta, agad ko tinawag si lorna ang katulong namin. Lorna, pakidala sa labas ang gamit ko magmadali ka. Saan ka pupunta? Bakit may maleta ka dala? Lalayas kana?! - Dad Kay Gabriel muna ko titira dad, tutal hindi nyo naman po ko kailangan dito. Agad naman nya binalibag ang dyaryo hawak nya' Sinabi ko ba na umalis ka Chelsea! Boba ka ba talaga?!! - Dad

  • Our Love, My Baby, Forever   CHAPTER 23

    RAPHAEL'S POVNandito ako sa harap ng bahay ni Cassandra, gusto ko ito makausap ng malapitan. Hindi ako makapaniwalang buhay ito, gayong itinapon namin ang bangkay nila ni Miguel at ng alalay nito sa dagat. Pero paano nangyari iyon?Ilang oras din ako nag antay, ng dumating ang itim na sasakyan papasok sa bahay ni Cassandra, muli ay nagmatyag pa ulit ako. Nag aantay ng tiyempo para makuha ang dapat sa akin!//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//MACEY'S POVSalamat at nakarating din kami, pagka baba ko ay agad ako sinalubong ng aming prinsesa pati narin ang ak

  • Our Love, My Baby, Forever   CHAPTER 22

    Macey's Pov Ngayon nandito na kami ni Marco sa aming kwarto ay bigla ko ito tinanong. Kilala mo ba yung bagong kapitbahay natin sa tapat? Medyo may edad na ito. Who, wifey? A man or a woman?.. - Marco Familiar siya sa'kin, hubby. I dont know. Pero lagi ako kinakabahan yung para bang takot pag nakikita ko siya. Although he's an old man. Better, stay home. Huwag kana lumabas pa. - Marco Para kasing kilala ko talaga siya. As in parang.... Matagal na kami magkakilala..?? Pero? Paano??

  • Our Love, My Baby, Forever   CHAPTER 21

    (@ BVGC Ceo's office)*knock knock*come in!Sir, nandito po si Ms. Fajardo. - AmeliaPapasukin mo.agad naman pumasok si Macey, na mukhang problemado at maga pa ang mata kakaiyak.What happened to you? Are you okay?I need you... she needs you.. Marco... - MaceyWhy? Tell me, wife? Where's our child?...

  • Our Love, My Baby, Forever   CHAPTER 20

    (After 1year and 6months at Madrid, Spain) ASHLEY'S POV Kasama ko ngayon sila Mace at baby Celine, isang taon din mahigit nila iniwan ang pilipinas dahil na din sa problema ni bebs kay Marco. Bebs, what's your plan? Huh?! Anong plan bebs? - Mace *habang nagpapakain ito ng cerelac kay baby celine* I mean, bebs. Kaylan at saan mo ba bibinyagan si baby Celine? Mag isang taon na ito oh. Ah... Yun ba?.. Maybe sa pinas na bebs, si mama na daw bahala - Macey Are you sure?

DMCA.com Protection Status