CASSANDRA'S POV
Wala kaming imikan ni Papa sa loob ng aming sinasakyan hanggang sa makarating na kami ni Papa sa mansion. Nasa bukana pa lamang kami ng pintuan malapit sa sala ay bigla nya na lamang ako sinampal ng malakas na ikinabigla ko pati ng aking Mama.
"Conrado! Dios Mio! bakit mo sinampal ng ganoon si Cassandra! Ano na naman ba ang nangyayari sa yo!" saad ng aking ina habang yakap ako nito upang protektahan sa aking ama kung sakaling ako ay sasaktan muli.
"Bakit hindi mo tanungin yan malandi mong anak, Margarita! Hindi na tayo binigyan ng kahihiyan! Masahol pa yan anak mo sa mga bayarang babae! Talagang nagpabuntis pa sa hampas lupang manggagawa ng ating hacienda!" Saad ng aking ama
Gulat naman rumehistro sa mukha ng aking ina ng sinabi ni Papa na nagdadalang tao ako. Pero agad naman rumehistro ang awa ng aking ina.
"Totoo ba ang sinabi ng iyong Papa, Sandra? Buntis ka ba? Diyos ko! Bakit anak? Saan kami nagkulang ng iyong ama? Sino ang ama ng iyong pinagbubuntis?" Napaiyak na lamang ang aking ina habang niyayakap ako nito.
"Papa! Mama! Mahal ko po si Miguel at mahal din niya ko. Nagmamahalan lang kami, bakit hindi nyo maintindihan? Buntis na ko Papa! Bunga ito ng pagmamahalan naming dalawa. Handa niya ko panindigan! Kaya ba ayaw mo tanggapin ang ama ng anak ko ay dahil sa- .."
Hindi agad ako pinatapos ni Papa dahil agad nya ko binuweltahan at dinuro na parang pinandidirian at kinasusuklaman ako.
"Dahil mahirap sya! Walang angat sa buhay! Hindi niya kaya ibigay ang mga kaya naming ibigay sayo Cassandra! Ayoko madungisan ang pangalan ng ating pamilya! Ipalaglag mo yan dinadala mo! Hinding Hindi ko matatanggap yan!" saad ni Papa sa akin.
"Conrado! Buhay ito pinag uusapan natin! Kasalan sa diyos ito! Kung hindi mo matanggap ang ama, bata na lamang ang ating isipin! Pakiusap!" - Margarita
"Naririnig mo ba yan sinasabi mo Papa! Dugo't laman ko ang nanalaytay sa loob ng sinapupunan ko! Apo mo! Isang dugong Montenegro! Asan ang konsensiya mo Papa?! Magalit ka sa akin ay tatanggapin ko hwag mo lang idamay Papa ang anak ko sa galit mo sa amin ng ama niya." Galit na pagkasabi ko sa aking ama.
"Umakyat ka na sa iyong silid, Sandra. Hayaan mo muna magpalamig ng ulo ang iyong ama. Ako na muna ang kakausap sa kanya. Magpahinga kana. Mag uusap tayo mamaya." - Margarita
Agad ako umakyat papunta sa aking silid at umiyak, habang aking ina naman ang kumakausap sa aking ama.
"Conrado! hwag mo idamay ang bata na nasa sinapupunan pa! Labag sa Diyos yan gusto mo mangyari! Karma ang haharapin ng ating pamilya!" - Margarita
"At ano ang gusto mo mangyari hah Marga! Ang buhayin yan bastardo sa tiyan ni Cassandra! Sige buhayin mo! pero ipamigay mo yan bata na yan sa mga mag asawa walang anak!" - Conrado
"Hibang ka na Conrado! Pati batang wala pa ka muwang muwang sa mundo pinagsasalitaan mo na ng ganyan! Anong klase kang Asawa at ama!" - Margarita
Sa hindi inaasahan paglabas ko ng silid ay agad ako napatakbo ng sampalin ng malakas ni Papa si Mama.
"Papa! Pati ba naman si Mama sinasaktan mo na din! Anong klase kang Padre de Pamilya! Wala kang puso!" - Cassandra
Walang humpay sa kakaiyak ang aking ina hang hawak nito ang kabilang pisngi ng kaniyang mukha kung saan siya sinampal ni Papa, Agad ko niyakap ang aking ina upang proteksyunan sa aking ama.
"Ipalaglag mo yan Cassandra! Ayoko ng bastardo sa pamil- ..." Saad ng Don
Dahil bigla ito napahawak sa dibdib niya at mukang inaatake ito sa puso. Nataranta naman agad si Mama at ako'y natulala na sa nangyari sa aking paligid. Nang ako'y matauhan ay agad namin sinugod si Papa sa ospital.
Pagdating namin sa ospital ay agad nila inasikaso ang aking ama, samantalang iyak ng iyak ang aking ina. Agad ko ito tinabihan at niyakap. Walang humpay ang pagtatangis ng aking ina at sinisisi nito ang kaniyang sarili sa nangyari kay Papa.
"Ano ba ito nangyayari sa ating pamilya. Dios ko. Hindi ko na malaman ang aking gagawin. Patawarin mo ko anak, kung ako ay nagkukulang sa iyo. Kasalanan ko ito.." - Margarita
"Patawad, Mama. Kasalanan ko po ito. Masyado kaming nagpadalos dalos ni Miguel. Masyado ko lamang mahal si Miguel, Mama." Pag hikbi agad ay ginawa ko.
"Alam ko. Patawad din, anak. Sana talagang panindigan ka niyan nobyo mo. Mas lubos ako masasaktan pag nakita kitang nasasaktan dahil sa pag ibig na lubos mo ibinibigay. Magtira ka sa iyong sarili, Cassandra. Alagaan mo lagi ang iyong sarili dahil may supling kana diyan sa iyong tiyan." Agad naman ako niyakap ni Mama At umalis din ito agad para kumustahin sa doktor ang kundisyon ng aking ama. Iyak lamang ang ginawa ko habang hinihimas ang maliit kong anak sa aking sinapupunan.
"Patawad, anak. Kung hindi ka matanggap ng iyong Lolo. Hayaan mo mahal ka namin ng iyong ama at ng iyong Lola. Gagawin ko lahat para maproteksyunan kita lalo na't wala sa tabi natin ang iyong ama."
Agad naman kami pumunta ni Mama sa maliit na Chapel sa loob ng ospital upang ipagdasal ang kalagayan ng aking ama na sana ay maayos na ang kaniyang lagay. Hindi namin ito kagustuhan ni Mama na mapahamak ang aming Padre de Pamilya. Masyado lamang dinamdam ng lubos ng aking ama ang problema binigay ko sa pamilya. Ayaw kasi ng aking ama sa mahirap na lalaki, gusto nito makapangasawa akong may pinag aralan, may natapos o may narating na sa buhay, galing sa mayaman angkan o pamilya. Gusto ni Papa isang negosyante o pulitiko ang mapangasawa ko. Lubos ko pinagpapasalamat na hindi ako tinalikuran ng aking ina, nandiyan siya para sa akin.
Si Mama na lamang ang masasandalan ko sa ganitong problema kinakaharap ko, ngayon alam na ni Miguel na ako ay nag dadalang tao na. Hiling ko din sa taas na sana matanggap na ni Papa ang aking kalagayan pati ang aking anak na nasa tiyan ko pa lamang. Hwag na sana niyang ipagpilitan pa ang gusto niyang ipalaglag ko ang sarili kong anak, dahil kahit ano pang mangyari ay mananatili pa din ang desisyon ko na buhayin ang aking anak.
Makalipas ng ilang oras ay nilagay na nila si Papa sa private room, pinayagan naman kami ng doctor na pumasok. Nauna ang aking ina pumasok sa kwarto at sumunod ako. Nakita ko si Papa naka oxygen, sabi ng doctor na mahina na ang puso nito.
"Cassandra?..halika dito hija sa tabi ko" saad ng aking ama
Ako naman ay pumunta kay Papa, hindi ko napigilan lumuha dahil sa'kin kaya nandito sya, niyakap ko naman si Papa ng mahigpit.
"Pa..pa.. Patawad po ... "
Hinawakan ako ni Papa sa aking kamay at seryoso itong nakatingin sa'kin.
"May gusto sana ako sabihin sayo, anak.. Patawad sa aking nasabi tungkol sa iyong pagdadalang tao, pero hindi ko matatanggap ang ama niyan kahit anong pa pagpipilit gawin niyo. Napagdesisyon kong ipakasal ka kay Rafael at siya tatayong ama ng anak mo. Si Rafael ang gusto ko para sayo Cassandra, siya ang gusto ko na mapangasawa mo. At hindi si Miguel Garcia!" Saad ni Papa
Ako naman ito natulala sa mga sinabi ng aking ama, si Rafael yun taong muntik na ako halayin at ngayon siya ang mapapangasawa ko at gusto pa gawing ama ng pinagbubuntis ko.
"Conrado, bakit kay Rafael pa?! Nahihibang ka na ba talaga? Hindi mo na lamang tanggapin si Miguel na maging kabiyak ng ating anak. Buhay pa ang ama ng ating apo! Alam mo kung ano ginawa ng lalaking yan sa atin anak, tapos ipapakasal mo!" - Margarita
"Tumahimik ka Margarita! Walang sapat na ebidensiya na totoong hinalay ni Rafael si Cassandra! Wala na makakapag pabago sa aking desisyon!" saad ng Don
"Papa! Hindi maaari! Nobyo ko si Miguel! Siya lang ang mahal at ama ng anak ko Papa! Ayoko kay Rafael! Intindihin niyo naman po ako!" Pagsusumamo ko na wag ako ipakasal kay Rafael.
"Isang hamak na hampas lupa si Miguel! Hindi ka nararapat para sa kanya Cassandra! Kundi kay Rafael ka lamang! Anong kinabukasan ang maibibigay ng nobyo mo sa anak nyo? Hah! Wala ka ng magagawa! sa ayaw't gusto mo, Cassandra! kay Rafael ka lang dapat! At ikaw Marga, hwag mo na gatungan pa yan anak mo kaya lumalaki ang ulo ng batang yan!" galit na sabi ni Papa
Ang Mama ko naman ay hindi malamang kung ano ang gagawin para hindi na ituloy ni Papa ang gusto nito mangyari.
"Conrado, hayaan mo na si Cassandra magdesisyon para sa kaniyang sarili! Alam mo kung ano ginawa ni Rafael sa ating anak, tapos gusto mo doon ipakasal?! Dios Mio! Nasa tamang edad na sila, pabayaan mo na lamang ang mga bata!" saad ni Mama
"Buo na ang aking desisyon! Ipapakasal kita hora mismo! kay Rafael Hernandez! Nakausap ko na ang magulang ng binatilyong iyon." - Conrado
"Saan kayo kumukuha ng lakas na loob sabihin ang mga yan?! Papa! Ipapaako niyo sa taong yun ang anak ko?! May ama ang anak ko! Pagsisisihan mo ito ginagawa mo sa akin Papa! Tandaan niyo yan!"
"Cassandra!" - Margarita
Ako naman na halos humagulgol na sa kakaiyak, ay agad ako lumabas ng kwarto ni Papa. Bakit ba hindi niya ako kayang intindihin? Nagmamahalan lang kami ni Miguel. Pupuntahan ko si Miguel, dahil sa mga oras na ito ay kaylangan ko sya. Hindi ko kaya mawala si Miguel.
Nang makarating na ko sa aming hacienda, ay dumiretso agad ako sa taniman ng mga pinya dahil alam ko na nandun si Miguel.
"Mi...guel..." sabay yakap ng mahigpit sa aking mahal.
"Bakit ? Sandra? Hinihingal ka ah? hindi ba dapat eh andun ka kay Don Conrado? Baka sundan ka ng mga tauhan ng ama mo. Totoo ba na buntis ka mahal? Magiging tatay na ba ako? Ano iyong nararamdaman, mahal? May masakit ba sa iyo? Ika'y ba nagugutom na? Halika may inihandang pagkain sina Carmela at Nanay Dehlia." Saad ni Miguel na makikita sa mukha niya ang pagkasabik.
"Mahal na Mahal kita Miguel! Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko habang buhay, hanggang kamatayan! Tandaan mo yan! Oo mahal, buntis ako. Umalis ako mahal sa ospital. Tanggap ito ni Mama, si Papa lamang ang aking pinoproblema dahil hindi ka niya kailanman kayang tanggapin." Sabay yakap sa aking nobyo.
"Mahal na Mahal din kita Sandra, Nagpapasalamat ako kahit si Donya Margarita ay tinanggap niya ang ating relasyon. Hayaan mo, Lilipas din ang galit ni Don Conrado, balang araw matatanggap din niya ang ating relasyon." - Miguel
"Si...Si...ano...Miguel....Ipapakasal ako ni Papa kay Rafael sa lalong madaling panahon, gusto ni Papa na si Rafael ang umako ng responsibilidad mo bilang ama sa akting anak. Ayoko makasal Miguel! Alam mo kung ano ginawa sa kin ni Rafael dati. Ano ang plano mahal? Ayoko ng gusto niya. Kahit si Mama ay ayaw din ako maikasal kay Rafael dahil alam din nito ang ginawa kahayupan sa akin noon." Mangiyak ngiyak ko pagsusumamo kay Miguel.
Si Miguel naman ay halos hindi makapaniwala ikakasal ang nobya nya kay Rafael at magiging ama pa ng anak niya, ang mortal niyang kalaban kay Sandra.
"Hindi ako papayag Sandra na maikasal ka sa hayop na yun! Naiintindihan mo?!! Mas lalong wala siyang karapatan agawin ang responsibilidad ko bilang ama sa anak natin! Walang pwede makakapag hiwalay sa'tin! Gagawa tayo ng paraan para hindi matuloy yan! Pangako mahal. Basta magpakatatag lamang tayong dalawa, malalampasan din natin itong problema na ito." Saad ni Miguel
Hinalikan naman ako ni Miguel sa noo, at nagyakapan kami dalawa. Dinala naman ako ni Miguel sa kubo para yayaing kumain. Nandoon ang mga kaibigan at pamilya ni Miguel kasama ang mga tabahante ng Montenegro.
"Ate Sandra, binabati ko kayo ni kuya Miguel dahil magkakaroon na ko ng pamangkin. Maligaya ako para sa inyo dalawa" - Carmela
"Salamat, Carmela. Malapit ka na magkaroon ng pamangkin, tiyak na may mangungulit na sa iyo araw araw haha"
"Hijo, maligaya ako para sa inyong dalawa ni Sandra. Pagpalain kayo ng maykapal. Alagaan at Mahalin niyo ang bawat isa. Ikaw ay isa ng ama, apo ko." - Manang Dehlia
"Opo, Lola. Pangako, Aalagaan at mamahalin ko ng sobra sobra ang aking mag ina. Salamat po Lola" - Miguel
"Kaibigan! binabati ko kayo ni senyorita Cassandra. Hwag mo ko kakalimutan sa inyong pag iisang dibdib haha, Masaya ako para sayo, Miguel gayon din sa iyo Cassandra" - Caloy
"Maraming Salamat sa lahat, Caloy. Hinding hindi kita makakalimutan, kapatid na ang turing ko sa iyo." - Miguel
"Halina't magsikain na tayong lahat, baka nagugutom na ang aking apo sa tuhod. haha" - Manang Dehlia
At masaya kaming nagsalo salo sa maliit na piging na inihanda ng Lola nila Miguel at Carmela para sa aming lahat.
RAFAEL'S POVNgayon nandito at bumalik na ako muli sa Pilipinas! Ako'y nasisiyahan at nasasabik na makita muli ang matagal ko ng iniibig na si Cassandra Montenegro. Papunta na kami ng aking pamilya sa Hacienda de Montenegro, dahil gusto na nila maiayos na namin ang nalalapit na pag iisang dibdib namin ni Cassandra. At labis ko itong kinasaya sapagkat matagal ko na gusto mapa sa akin ang babaeng kinababaliwan ko noon pa man. Ganun pa din kaya ang itsura nya? Mas lalo pa kaya siya gumanda? Nasasabik na ko makita muli siya dahil sa wakas ay ikakasal na ko sa kanya. Sa babaeng nag mamay ari ng puso ko.Sa wakas ay nakarating din kami sa Hacienda El Montenegro, wala pa din pinagbago ang malaki at masaganang Hacienda. Pagkapasok namin ng magulang ko sa mansiyon ay agad kami sinalubong ng ina ni Cassandra.
RAFAEL'S POVHindi ko napigilan na gawin yun kay Cassandra ang saktan ito ng physical dahil na din sa mga sinabi nya at mas lalong hindi ko matanggap na ang dati kong kaaway at kinaiinggitan ay nobyo ni Cassandra, gagawa ako ng paraan para matuloy ang kasal namin sa lalong madaling panahon dahil akin lamang si Cassandra, hindi ako papayag na mapunta ito kay Miguel, magkamatayan na..-*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -Nang gabi na, ay uminom muna ako ng whiskey. Gusto ko makapag isip kung paano ko sila pag hihiwalayin nang makita ko bumaba si Cassandra papunta sa kusina para uminom ng tubig. Nang bigla sya napatingin sa'kin n
RAFAEL'S POVNandito ako ngayon sa silid aklatan ni Tiyo Conrado, nakaupo ako sa may upuan habang umiinom ng alak na agad ko tinawagan kanina ang aking mga tauhan upang maisagawa ko na ang plano ko na pag hiwalayin ang magkasintahan. Bago man lamang makauwi dito ang aming mga magulang wala na ang pesteng lalaking yun, ng maumpisahan na namin ang magarbong kasalanan sa pagitan namin ni Cassandra.Nang maubus na ang laman sa'king baso, ay napagpasyahan ko lumabas ng aking kwarto at dalawin ang mga manggagawa ng Montenegro. Dahil ako din naman ang magpapalakad nito pagdating ng araw na maging asawa ko na si Cassandra Montenegro. Paglabas ko ng silid aklat ay nakita ko agad sa baba ng sala si Cassy, kausap ang katulong, mukang aalis ata ito.Nakita ko nagmamadali si Cass
(year 2009)"Ang muling pagbabalik"MAIN CHARACTERS:*MARCO LEE BUENAVENTURA- dating si Miguel Garcia noong 1994, ngayon ay isa na siya sa mga young rich business man sa buong mundo pero isa din syang doctor.* MACEY ANN FAJARDO- dating Cassandra Montenegro noong 1994, ngayon ay isa syang magaling na doktor.*RAFAEL HERNANDEZ- Ang dating pumatay sa magkasintahan na sila Miguel at Cassandra, na muling iibig naman kay Macey.* CHELSEA HERNANDEZ- anak ni Rafael sa isang bayarang babae, isang Professional model at nobya ni Marco. Karibal ni Macey.
MACEY'S POVNag ring agad yun alarm clock ko, kaya ayun kinapa kapa ko muna yung side table para patayin ito. Grabe duty na naman hays, ang beauty ko na aagnas na. Nag blink blink muna ko ng mata tapos hikab, unat unat ng konti. kasi ba naman 5am pa lang antok pa ko kaso 6:30am ang duty ko, 16hours again.Kiniss ko muna si koosh name ng doggy bear ko, Goodmorning baby koosh, hays antok pa si mami oh? 0__0 tsk. Makapagsipilyo na nga muna. Nga pala sa mga readers ko later na ko mag introduce hahaha. Nang matapos na ko magsipilyo tapos maligo ay nagprepare na ko para larga na.(fast forward ...)Im here na sa hospital at my office area, okay mga readers
MARIELLE'S POVAko nga pala si Marielle Lei Buenaventura, 25ylo, isang pediatrician katulad ni Adrian yung bff namin beki. Wala na kami mga magulang kundi si Lola na lang ang gumagabay sa'min magkapatid, makikilala nyo din si Lola sa ibang chapter.Unfortunately, I have a brother 2yrs gap nya sa kin, siya si Marco Lee Buenaventura later makikilala nyo siya. Now Im here in my office, katatapos ko lang mgcheck up ng mga bata ng biglang nagring yung phone ko.Hoy bebs Yellie!!!! Pagtitili ni BaklaYellie kasi tinatawag sa kin ng tatlo ko bff haha, ewan ko ba sa mga yun.Bakit bakla?! Tumawag ka pa talaga ah? Baka magkatapat lang office natin? Hanggang dito
MARCO'S POV I'm here now in my office, by the way My name is Marco Lee Buenaventura, 27ylo, CEO/PRES ng BVGC. Dalawa na lang kami with my Lola, yes I have a sister. She's a Doctor, her name is Marielle. Ngayon ay pipirma lang ako ng mga documents na kailangan dito sa opisina ng bigla na lang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa aking sentido mukhang napapadalas na ang pagflashback ng mukha ng hindi ko man lang nakikilala. Napapikit ako at mukha na ng babae nakikita ko, uminum ako ng tubig pampakalma sa nararamdaman ko. Lagi ko na lang napapanaginipan yung babaeng yun at tinatawag akong Miguel?! What the heck?!
MARCO'S POV Diretso kami ng mga barkada ko sa Elite bar pagkatapos ng trabaho, medyo namiss ko talaga night life ko, kasama ko sila Xian at Gab. Pumunta kami sa Vip kasi andun din ang halos ng mga barkada namin noong college pa kami. Umupo ako sa may sofa at uminom ng tequilla, nahagip naman ng mata ko yung babaeng nasa dancefloor. She looks so damn hot and gorgeous in her red sexy dress, kitang kita ang kaputian nito. Halos nag init ang katawan at mukha ko nun nakita kong hinahawakan ng lalaki ang pwetan nito, and this woman looks drunk, mukang hindi na nya ata alam ang ginagawa nya. Damn it! Akmang
MACEY'S POV Andito kami sa Las Casas hotel, ako sila Marielle, Ashley, Chelsea na kararating lang galing London, si Steph at twin sister nyang si Stacy na pinsan ko and the last walang iba kundi si Adriana. Hoy! Bakla! Girls night to! Bawal lalaki! - sigaw ni Ash Hep hep! Pusong girlalush aketch! Nga pala bessy!!! May surprise ako!!! Magugustuhan mo yun! - adrian Ano na naman trip yan? Kayo talaga. Kain na lang tayo dahil bukas ma aga pa tayo. Wag ka nga K.J insan, last day of pagkadalaga na yan kinabukasan MISIS kana! At for sure nag sasaya din sila. Haha - Stacey
MACEY'S POVAbala ang lahat sa pag hahanda sa nalalapit na kasal namin ni Marco, Nagpunta din kami ni Marco sa Reception para tignan kung okay na ang lahat.Habang sila Ashley, Chelsea at si Marielle ay abala para sa bride's preparation..Ang bridal gown na napili ni Macey..Kambal kong pinsan ang pumili para sa cake.MARCO'S POVGaling kami ni Gab, ang aking bestman sa jewelry shop upang makahanap ng wedding ring namin ni Macey.Dude, okay na ba ito?Naman pare, bagay sa inyo ni Mace. Congrats dude! Talaga
MACEY'S POV(After 3years)7 years old na ang dalaga namin, habang si Marqui 2years old.Mom? Punta na po tayo kay Daddy please? It's weekend naman po - CelineOkay okay. We will go to your Daddy's office. Mag ayos kana at bibihisan ko na si Marqui.Yes!!! Mommy!!! I love you!! - CelineI love you more, sweetieGanyan kalambing ang aming panganay, ang sarap sa pakiramdam na may dalawang anghel na nagpapagaan lagi ng loob mo. Matagal na din ang panahon lumipas, namatay si Rafael ang demo
(After 3 years...) Mommy!! Daddy!!! I'm home na po!!! - Celine Sigaw ng aming panganay na si Maceline Lei Fajardo Buenaventura, tatlong taon na din ang lumipas simula nun pangyayari sa pagitan namin tatlo ni Raphael At ni Marco. Nanganak na din si Chelsea, lalaki at yun ay si Wyeth. Kasal na sila ni Gabriel at masaya na sila nagsasama. Mommy, where's daddy ? - Celine Nasa office pa si Daddy, princess. Why? Nothing Mommy. I love you po. - Celine I love you more baby And i kiss her cheeks,and she giggled. Bigla naman duma
CHELSEA'S POV Agad naman ako nagmadali mag ayos ng gamit dahil lilipat na ko sa condo ni Gab, lalayo muna ko kay Dad. Nang makababa ako ng hagdan nakita agad ako ni Dad na may bitbit na maleta, agad ko tinawag si lorna ang katulong namin. Lorna, pakidala sa labas ang gamit ko magmadali ka. Saan ka pupunta? Bakit may maleta ka dala? Lalayas kana?! - Dad Kay Gabriel muna ko titira dad, tutal hindi nyo naman po ko kailangan dito. Agad naman nya binalibag ang dyaryo hawak nya' Sinabi ko ba na umalis ka Chelsea! Boba ka ba talaga?!! - Dad
RAPHAEL'S POVNandito ako sa harap ng bahay ni Cassandra, gusto ko ito makausap ng malapitan. Hindi ako makapaniwalang buhay ito, gayong itinapon namin ang bangkay nila ni Miguel at ng alalay nito sa dagat. Pero paano nangyari iyon?Ilang oras din ako nag antay, ng dumating ang itim na sasakyan papasok sa bahay ni Cassandra, muli ay nagmatyag pa ulit ako. Nag aantay ng tiyempo para makuha ang dapat sa akin!//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//MACEY'S POVSalamat at nakarating din kami, pagka baba ko ay agad ako sinalubong ng aming prinsesa pati narin ang ak
Macey's Pov Ngayon nandito na kami ni Marco sa aming kwarto ay bigla ko ito tinanong. Kilala mo ba yung bagong kapitbahay natin sa tapat? Medyo may edad na ito. Who, wifey? A man or a woman?.. - Marco Familiar siya sa'kin, hubby. I dont know. Pero lagi ako kinakabahan yung para bang takot pag nakikita ko siya. Although he's an old man. Better, stay home. Huwag kana lumabas pa. - Marco Para kasing kilala ko talaga siya. As in parang.... Matagal na kami magkakilala..?? Pero? Paano??
(@ BVGC Ceo's office)*knock knock*come in!Sir, nandito po si Ms. Fajardo. - AmeliaPapasukin mo.agad naman pumasok si Macey, na mukhang problemado at maga pa ang mata kakaiyak.What happened to you? Are you okay?I need you... she needs you.. Marco... - MaceyWhy? Tell me, wife? Where's our child?...
(After 1year and 6months at Madrid, Spain) ASHLEY'S POV Kasama ko ngayon sila Mace at baby Celine, isang taon din mahigit nila iniwan ang pilipinas dahil na din sa problema ni bebs kay Marco. Bebs, what's your plan? Huh?! Anong plan bebs? - Mace *habang nagpapakain ito ng cerelac kay baby celine* I mean, bebs. Kaylan at saan mo ba bibinyagan si baby Celine? Mag isang taon na ito oh. Ah... Yun ba?.. Maybe sa pinas na bebs, si mama na daw bahala - Macey Are you sure?