"Chanel, pupunta ako sa inyo mamaya para manggaya sa assignment natin," ani Zari kaya sinenyasan ko lang siya bago sumakay sa kotse namin.
"Dior, dumaan muna tayo sa mall dahil may bibilhin ako para sa assignment natin," sambit ko habang hinahanap sa bag ko ang aking cellphone.
"Ma'am Chanel, wala po si Sir Dior," narinig kong sambit ng driver dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.
"Nasaan si Dior? Hindi ba't siya ang driver ko?" nagtatakang tanong ko.
"Ang alam ko po ay may lakad siya ngayon. Nakita ko nga po kanina na sinundo siya ni Ma'am Dianne," sagot niya at pinaandar na ang sasakyan paalis.
Sinundo ni Dianne? Sandali, ano naman kaya'ng gagawin nila? O saan naman kaya sila pupunta?
Dali-dali kong hinanap ang cellphone ko at nang mahanap ko na iyon ay dinial ko agad ang number niya. Naka ilang ring na iyon ngunit hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ha
"Ma'am Chanel, pinapatawag po kayo ng Mommy mo," narinig kong pagtawag sa akin mula sa labas ng aking kwarto.Minulat ko ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang liwanag ng araw na nanggagaling sa bintana. Kinapa ko ang aking side cabinet at kinuha ang cellphone ko sa ibabaw niyon. Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng cellphone ay bumungad na agad ang ilang missed calls ni Zari.Dahil doon ay minessage ko siya, pero nakalipas na ang ilang minuto ay hindi siya sumagot kaya napagdesisyunan kong tawagan na lang siya. Nag ring naman iyon, pero walang sumasagot hanggang sa maputol ang tawag. Bumangon na lang ako at nag-ayos ng sarili ko. Nang matapos iyon ay bumaba na ako at dumiretso sa dining area dahil doon itinuro ni Manang kung nasaan sina Mommy.Pagkarating ko roon, naabutan ko sina Mommy and Daddy na kumakain kasama si Dianne at dalawa pang tao na nakatalikod sa direksiyon ko. Nilapitan ko sila at aga
"Ella?" takang tanong ko habang makahulugang nakatingin sa kaniya. Nakita ko naman na medyo natigilan siya, pero nang maka-recover ay kumurap muna siya ng ilang beses bago ngumiti."I said... Chanel. Anong Ella ang pinagsasabi mo riyan?" natatawang tanong ni Dior at humiwalay na sa akin. Lumapit siya sa mga bagaheng inihahanda niya bago ako pumasok dito. "Fine, hindi na ako aalis. Malakas ka sa akin e." Nilabas na niya ang kaniyang mga damit doon at utay-utay na binabalik sa cabinet niya.Habang nag-aayos siya ng mga gamit niya ay naglilibot naman ako sa kaniyang kwarto. Katulad pa rin noong huling silip ko rito, mukha pa rin itong jungle."Bakit ganito ang design ng kwarto mo? Feeling mo ba ay ikaw si Tarzan at ako naman si Jane?" takang tanong ko habang hinahawakan ang mga bagay-bagay rito. Mula sa peripheral vision ko, nakita kong natigil siya sa pa
"Chanel!" pagtawag sa aking pangalan dahilan upang mapabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga. Pagkaupo ko, nakita ko si Dior na naglalakad palapit sa kama ko. Nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin, tinitigan niya ako sa loob ng ilang minuto at naglakad naman siya patungo sa walk in closet ko. Paglabas niya ay may dala siyang mga damit at inilagay iyon sa aking kamay. Nagtataka kong tiningnan iyon bago idako ang aking paningin sa kaniya."Maligo ka na, may pupuntahan tayo," aniya bago naglakad palabas ng kwarto ko at dahan-dahan niyang binuksan at isinarado ang pinto. Nang makita kong wala na siya, tumayo na ako at naglakad na papunta sa banyo.Mabilis lang akong naligo, nagbihis at nag-ayos. Matapos iyon ay lumabas na ako ng aking kwarto. Paglabas ko ng kwarto ko, napatigil ako sa harap niyon nang makita si Dior na nag-aabang sa labas ng kwarto niya. Nakasandal pa siya ng pinto nito haban
"Are you sure that you're okay now?" nag-aalalang tanong ni Dior habang nakaalalay pa rin sa aking likod."Pang-ilang beses mo nang tinanong iyan at pang ilang beses ko na ring sinagot ng oo ang tanong na 'yan. Paulit-ulit na lang ba tayo, Dior?" tanong ko sa kaniya dahilan upang mapakamot na naman siya sa kaniyang batok."I'm just making sure na okay ka na talaga. Mahirap na, baka mahimatay ka na naman," aniya. "Oo nga pala. Hindi pa pala tayo kumakain ng breakfast, kaya siguro nahimatay ka. Sorry." Napayuko siya at hindi makatingin sa akin. Hinawakan ko ang kaniyang baba at tumingin siya sa mga mata ko kaya nginitian ko siya."How many hours did I slept?" tanong ko kaya napatingin siya sa itaas na parang nag-iisip. Ilang sandali lamang ay binalik niya ang kaniyang paningin sa akin."I think... Seven hours?" pa
"What happened kanina? May nakakita raw sa inyo ni Farrah na nag-uusap," ani Zari habang hinahabol ako sa aking paglalakad. Imbes na sagutin siya ay tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad ko kaya patuloy pa rin ang paghabol niya sa akin. "Hey! Talk to me, Chanel Heather!"Napatigil ako sa paglalakad dahil sa pagbanggit niya sa first and second name ko. Nang inilibot ko ang aking paningin, nakita kong nakatingin din sa akin 'yung mga estudyanteng nagkukwentuhan dito."Chanel Heather pala ang totoong pangalan niya? Grabe, pang heredera talaga ang name niya, ano?""Oo nga, bagay na bagay sa kaniya lalo na't nag-iisa lang siyang tagapagmana ng mga Ganza."Dahil sa narinig ko ay agad na nagpanting ang aking tainga. I am not the only child, but the other people knew that I am, and my brother doesn't exist. Hindi kasi kaagad kami pinapakilala sa publiko at noong dumako na ako sa tamang edad para ipakilala
"Oh my gosh! Hindi kayo maniniwala sa nakita ko kanina," hindi makapaniwalang sambit ng isa sa mga ka-blockmate ko dahilan upang magsipuntahan ang mga kaklase namin sa kaniya.Nagtipon-tipon sila sa isang sulok kasama ng mga upuan at saka doon nag kwentuhan. Dahil dakilang chismosa si Zari, pati siya ay lumapit din doon. Napailing na lang ako dahil sa pagkachismosa nila at itinuon na lang ang aking atensiyon sa librong pinag-aaralan ko."Oh my gosh! What is she doing here?" narinig kong tanong ng isa sa mga kaklase namin kaya napatingin na rin ako roon. Nakita ko si Farrah na naglalakad papasok dito sa classroom at tumigil siya sa mismong harapan ko. "I told you, totoo ang balita ko," dagdag nito.Since nakaupo ako, nakatingala ako kay Farrah ngayon dahil nasa harapan ko siya at nakatayo. Tiningnan ko siya pero tumaas lang ang kaniyang kilay at may ina
Nagtipon-tipon kami sa buhanginan sa may ilalim ng mga coconut trees para maging malilom ang pwesto namin. Pinapila kami ng four lines per department at kasalukuyan akong mag-isa rito at walang kakilala. Well... kilala naman ako ng mga ito, pero hindi ko naman sila kilala and that's useless. "Attention, students! Since first day natin ngayon ay magkakaroon tayo ng free day. You can do whatever you want to do here, except sa pag-iinuman, okay? That doesn't mean na nasa legal age na kayo ay maaari na kayong uminom ng alak dito. That's prohibited here, understood?" paliwanag ng professor namin dahilan upang maghiyawan sa disappointment ang mga estudyante rito. "Magkakaroon na tayo ng mga activities bukas kaya sulitin niyo na ang araw na ito. That's all, enjoy your day." Matapos ng announcement ay naglakad na siya papunta sa kaniyang cabin. "Nakakainis naman si Prof, ang kill joy!" narinig ko
"Hey, Princess, wake up! Wala ka sa bahay niyo para pagsilbihan ng mga maids mo!"Dahil sa pagsigaw na narinig ko ay agad akong napabalikwas ng upo at masamang tiningnan si Farrah na kasalukuyang nakapamewang at masama ring nakatingin sa akin."Bakit ka nakabihis, saan ka pupunta?" pumupungay ang mga matang tanong ko sa kaniya dahilan upang mas lalong tumaas ang kaniyang kilay."Baka nakakalimutan mo na nasa retreat at fieldtrip tayo? Malamang, may activities tayong gagawin ngayon," napapairap na sagot ni Farrah at napapakamot pa sa kaniyang ulo dahil sa frustration. "Kahit kailan talaga, buhay Prinsesa ka. But now na wala ka sa bahay niyo, kumilos ka nang mag-isa." Tinalikuran na niya ako at lumabas na ng cabin.Napahilamos na lang ako sa aking mukha bago tumayo at kumilos na para maligo. Mabilis lang ang naging pagkilos ko katulad ng ginagawa ko araw-araw tuwing may pasok kami. Nang matapos ako sa
One week after we arrived in my home country, Philippines. Marami kaming ginawang pagbabago tulad na lang ng pag-aayos ng bahay, pag-transfer sa anak ko at paghahanao ng informations about the GutZales company.And according to my research, their company was freshly established pero sila na agad ang nangunguna sa lahat ng book companies. Mukhang mataas ang pinag-aralan ng CEO nito at marami ring connections kaya gano'n na lang ang paglago ng company nila.Tomorrow will be my best day. Pupunta na ako sa company nila to accept their offer. At kapag maganda ang performance ko sa kanila, sa tingin ko pwede na kaming mag for good dito sa Pilipinas. After all, matagal na rin naman kaming nanirahan sa New York."I'm home, Mom."Napatingin ako sa direksyon na pinaggalingan ng boses at nakita ko ang aking anak na pagod na pagod na humiga sa sofa ng sala. Nang lapitan ko siya, nakita kong pikit na ang kanyang mga mata at hindi na nagawang alisin ang pagkakasabit ng bag sa balikat at pagkakasuot
"So, kelan ang flight n'yo ni Dean pabalik sa Pilipinas?" tanong ni Geo habang tumutulong sa pag-iimpake ng mga gamit namin ng anak ko."Day after tomorrow," simpleng sagot ko, at nilagay ang huling damit sa bag."How will you explain to your parents about Dean? Baka atakihin sa puso si Tito Harley kapag nalaman nilang nag New York ka lang, pag-uwi mo meron ka ng Dean.""Don't worry, hindi ko naman sila bibiglain pagdating namin doon. Hindi muna ako magpapakita sa kanila hangga't hindi pa malapit ang birthday ko," sagot ko, at napatango-tango na lang siya bago ako iniwan mag-isa sa kwarto ko.Nang matapos ako sa pag-aayos, pinuntahan ko si Dean sa kwarto niya. Mahimbing na siyang natutulog habang yakap ang paburito niyang unan.Nilapitan ko siya at umupo sa gilid ng kama niya. Marahan kong hinaplos ang buhok niya upang hindi siya magising."I know it's hard na hindi mo makilala ang tunay mong ama, but I'm only doing this for you. Ayokong dumating ang panahon na makita mo siya pero hin
4 years later..."Congratulations for your success, Ms. Co," ani Hans, my best friend and also my business parter."No, thank you for giving me the opportunity to sign here in your company and work with these two young and successful entrepreneurs," nakangiting papuri niya, and we humbly giggle."Make us... our company proud, Ms. Co," nakangiting ganti ko at umalis na rin siya pagtapos."So, how did you convince her to work with us?" natatawang tanong ni Hans at lumagok ng wine na hawak niya."It just happened, Hans. Wala ka yatang bilib sa karisma ko," tumatawang sagot ko.Napapailing na lang siyang umalis at in-entertain ang mga bisita ng kumpanya.Nang mawala siya sa paningin ko, I just roam my eyes habang tinitingnan ang mga naipundar namin ni Hans this past few years. After all these things that happened to me... to us, we're still fighting for our dreams. And now, nagbunga na lahat ng pinaghirapan namin.After all the sacrifices and pain, my wounds were healed. Pain motivated me
Parang huminto ang mundo ko nang marinig ang sinabi ng doctor. Wala akong ibang nakikita kundi madilim at tahimik na paligid."I-Im pregnant?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango ang doctor dahilan upang mapatakip ako sa bibig ko. Nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan namin ni Dior. Ang huling gabi namin sa Alemanya Leona na itinuring kong pinakamagandang araw sa buhay ko ay nagbunga. Ang mas malala pa nito, ang tatay ng dinadala ko ay ang taong sobra kong minahal ngunit nasilaw sa yaman at iniwan ako.Paano ko maipagpapatuloy ang buhay at pag-aaral ko kung buntis ako? Dapat ko bang tanggapin at buhayin ang batang ito gayong bunga lamang siya ng hindi namin pag-iingat? Dapat ko bang dalhin 'to sa sinapupunan ko gayong mag-isa na lang ako?Lumong-lumo akong umuwi sa bahay. Wala akong mapagsabihan ng dinadala kong problema dahil for sure, oras na malaman nila ito ay isususmbong nila 'to sa parents ko. Wala akong ginawa kundi umiyak nang umiyak hanggang makatulog ako."Miss Heathe
Cold breeze greeted my face as I came out of the plane. I roamed my eyes and saw a new environment for me to move on and start a new beginning. This will be a perfect place to heal and forget all the awful memories. "Miss Chanel Ganza?" Rinig kong pagtawag sa pangalan ko dahilan upang lingunin ko siya. I saw a man wearing a suit with shades above his head. He's smiling but I just look at him."It's Heather Ganza," I said at ginantihan din siya ng ngiti. "Oh, sorry, Miss Heather. By the way I'm your new bodyguard. Ipinadala ako rito ni Mr. Ganza to keep an eye on you since hindi ka pa sanay dito sa New York," he said, as my forehead furrowed. "Don't worry. Once na masanay ka na rito, tapos na ang kontrata ko. You'll live on your own and have your privacy." Tumango na lang ako.Iginaya niya ako papunta sa kotseng naghihintay sa amin sa labas ng airport. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay roon.Habang nasa byahe, I tried to familiarize my eyes with this place para naman hindi a
Makalipas nang tatlong linggo, sa wakas ay pinayagan na rin ako ng mga doctor na umalis na ng hospital. Nakakasawa na rin kasi roon dahil puro hospital foods lang ang nakakain ko at bawal pang magdala ng mga pagkain galing sa labas."Heather, kakain na tayo," ani Mommy na kasalukuyang naka silip sa siwang ng pinto ng kwarto ko. Ngumiti naman ako at tumango kaya umalis na rin agad siya.Nakakapanibago sina Mom and Dad ngayon. Mag mula kasi noong naaksidente ako, palagi na silang nasa tabi ko. Noong naka recover naman ako, lagi na silang nasa bahay at work at home na rin ang ginagawa nila sa trabaho nila. I know na gusto nilang bumawi... but I'm not used to this kind of situation. Lumaki akong walang magulang, physically.Bumaba na rin ako pag tapos nang ilang minuto. Naabutan ko naman sina Mommy and Daddy sa dining area. May mga pagkain na sa hapag kainan, pero hindi pa rin nila iyon ginagalaw at mukhang hihintay pa
Nagising ako nang dahil sa ingay na napapakinggan ko na sa tingin ko ay nanggagaling lamang sa bandang gilid ko. Nang akma ko na sanang imumulat ang aking mga mata ay naudlot iyon nang mapakinggan ko ang mga pinag uusapan nila."Maayos na ba ang lagay ng anak namin?" tanong ni Mommy at halata sa boses niya ang pag aalala habang nanginginig pa ito."Well, she's still under observation since muntik na naman siyang mamatay kanina. Good thing ay nabigyan agad siya ng first aid," sambit ng doctor. "Sa harap lang siya ng hospital naaksidente kaya naaksyunan sgad ng mga nurses."Muntik na naman akong mamatay? Kating kati na ba talaga si Kamatayan na sunduin ako kaya palagi niya akong pinapahamak?"Thank you very much, Doc. We don't know how to express our gratitude to all of you for saving our daughter's life, again," ani Mommy. Medyo nilagyan ko ng siwang ang aking mga mata kaya bahagya ko sikang nakikita.
Kasalukuyang nag lalakad ang dalawang bata habang ang naka angkla pa sa braso ng batang lalaki ang isang batang babae."You know what, Geo, may napanaginipan ako kagabi. Ayon sa panaginip ko, malapit ko na raw makita ang the one ko. I can't wait na dumating na siya," masayang sambit ng batang babae."Chanel, you're too young for that. At saka anong the one? Gusto mo bang isumbong kita sa Kuya mo?" pananakot ni Geo. Bumusangot naman ang mukha ni Chanel dahil sa narinig sa kanyang kaibigan."Who you ka sa akin kapag nahanap ko siya. I'm sure na mag seselos ka dahil kapag nahanap ko na siya, hindi na kita sasamahan. Bahala ka na," nag tatampong pag babanta ni Chanel. "Mag hanap ka ng sa 'yo.""E ikaw nga ang gusto ko," pabulong na sagot ni Geo, dahilan upang mapatingjn si Chanel sa kanya. Nakakunot ang noo nito at bakas ang pagtataka sa kanyang mukha."Ano'ng sinabi mo?" nag tatakan
Kasalukuyang tumatakbo ang higit sa sampung nurse at mga doctor habang tinatakbo ang pasilyo ng hospital. Ang mga nurse at ilang doctor ang tumutulak sa hinihigaan habang may isang doctor na nagc-CPR sa pasyente."Bilisan niyo pa ang pag tulak! Baka hindi na natin siya maabutan nang buhay kung ilang minuto pa ang lilipas!" natatarantang sigaw ng Doctor habang patuloy pa rin ang pag CPR sa pasyente.Mas dinoble ng mga nurse at doctor ang bilis sa pag tulak kaya mabilis na rin nilang narating ang operating room. Nang makarating sila roon ay agad silang kumilos at nag handa na para sa operasyon na magaganap.Sa kabilang banda naman, mayroong mag asawang nag mamadaling tumatakbo papasok sa loob ng hospital. Halos hindi na mag kaintindihan sa pag takbo ang dalawa habang umiiyak pa ang babae.Nang makarating sila sa tapat ng operating room, nanghihinang umupo ang babae sa upuan ng waiting area habang patul