Pauwi na kami at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagpapansinan dahil sa nangyari kanina. Patuloy rin akong binabagabag ng konsensya ko dahil sa huling sinabi ni Geo bago kami umalis. It’s his first time to act like that. Kahit anong pagtataboy ko sa kanya dati ay hindi siya humiling ng gano’n.
Nang makarating kami sa bahay, tahimik na bumaba ng kotse si Dior at naglakad paalis.
“Hey!” sigaw ko. Tumigil siya sa paglalakad at kunot-noo akong tiningnan. “Hindi mo ba ako pagbubuksan ng pinto?!” I tried my best to compose myself dahil feeling ko anytime ay sasabog na ako sa inis.
“Wala ka bang kamay? Pagbuksan mo ang sarili mo,” sagot niya at nauna nang naglakad paalis.
Nang mawala siya sa paningin ko, itinapon ko lahat ng mahawakan kong bagay rito sa loob ng kotse.
“I hate you, Dior Gonzales! I swear, I’ll make your life a living hell!” I furiously shouted. Nang makita kong nakatingin sa akin ang guards sa labas ay sinenyasan ko sila na tulungan ako.
Dahil may bali ang paa ko ay hindi naging madali para sa akin ang paglakad kaya pinabitbit ko ang lahat ng gamit ko sa mga guards. Akmang hahakbang pa lang sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.
“Chanel!” sigaw nito mula sa kabilang linya kaya bahagya kong inilayo ‘yon sa tainga ko.
“Ano ba, Zari? Kung makasigaw ka riyan akala mo nasa kabilang bundok ka,” naiiritang sabi ko, pero tanging pagtawa lang niya ang narinig ko.
“Hoy, babae! Bakit hindi mo sinasabi sa akin na may boyfriend ka na pala?!” sigaw niya. “Kung hindi ko pa nakitang umiinom ng alak si Geo ay hindi ko pa malalaman! Alam mo ba na iniwan ko pa ‘yong ka-date ko para lang damayan siya dahil sa kagagahan mo?!”
“A-ano?! Where is he? Is he alright?” sunod-sunod kong tanong. This is all my fault. Sana ay hindi ko na lang sinabi ‘yon sa kanya.
“Pinauwi ko na, sis. Kawawa nga kanina, iyak nang iyak. Ano na naman ba’ng ginawa mo roon? Palagi mo na lang sinasaktan si Geo,” pagpapagalit niya sa akin, dahilan upang mapairap na lang ako.
“I-I have to go, Zari. I’ll talk to you tomorrow,” paalam ko at binabaan na siya ng tawag.
Nanghihina akong sumandal sa hamba ng hagdan. Sana pala ay hindi ko na lang sinabi sa kanya ‘yon lalo na’t hindi naman talaga totoo.
I’m aware na may feelings siya para sa akin, pero palagi kong pinapamukha sa kanya na hindi ko masusuklian ‘yon. But why do I feel that I did the right thing to end this unrequited love?
Tama…tama ang ginawa mo, Chanel. Kung magpapatuloy siyang umaasa na balang-araw ang masusuklian ko rin ang pagmamahal niya, mas masasaktan siya kung hindi ko maibibigay ang inasahan niya. Kaya mas maganda kung habang maaga pa, tatapusin ko na ang kahibangang ito, pero paano?
“Manang, pwede pong pahandaan ninyo ng pagkain si Chanel? Pakidala na rin po sa kwarto niya,” sabi ng isang pamilyar na tinig. Agad akong napalingon sa direksyon nito at nakita ko si Dior na kausap ang mayordoma.
Sumilay ang ngiti sa aking labi habang nakatingin kay Dior, ngunit agad ding nawala ‘yon nang lumingon siya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin at napahawak sa dibdib. Napakabilis ng tibok ng puso ko…dahil sa kaba.
Nang makaalis na si Dior ay paika-ika akong pumunta sa elevator ng bahay at pumunta sa harap ng kwarto niya.
Kakatukin ko na ba siya? Nandito kaya siya? Papayag kaya siya sa io-offer ko sa kabila ng pagwawalang ginawa ko sa kotse kanina? Syempre papayag siya, I’ll pay for his service naman e. I’m sure na tatanggapin niya agad ‘yon, total ay mukha naman siyang pera.
Akmang kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Agad akong lumayo at parehong nanlalaki ang aming mga mata habang nakatingin sa isa’t isa.
Nang makabawi ako ay huminga ako nang malalim at muli siyang hinarap. Saktong pagtingin ko sa kanya ay natuklasan kong nakatingin din siya sa akin. Hinawakan ko nang mahigpit ang crutches ko at hirap na naglakad palapit sa kanya. Nilinis ko muna ang aking lalamunan bago nagsalita.
“About what happened earlier...Hindi ko pinagsisisihan ang pagwawala ko sa kotse, linisin mo ‘yon dahil ‘yon ang gagamitin ko bu–” tumigil ako sa pagsasalita nang ma-realized kong hindi ‘yon ang ipinunta ko rito. Nakita ko namang kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. “Fine, I’m sorry dahil sinabi kong boyfriend kita, even though it’s not true at hindi man lang ako nag-ask for your permission.” Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Tumikhim siya kaya mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.
“Okay lang, ano ba. Trabaho kong protektahan ka kahit manliligaw mo pa sila,” natatawang aniya. Hindi ko pa rin inaangat ang ulo ko dahil may gusto pa akong hilingin sa kanya. Medyo makapal ang mukha ko kung maga-attitude ako habang may hinihingi akong pabor. Baka mamaya ay hindi niya ako pagbigyan.
“B-but...I hope we can continue to pretend that we’re in a relationship, so that Geo will stop pestering me,” nauutal at nahihiyang sabi ko. Namayani ang katahimikan pero mayamaya lamang ay nakarinig ako ng pag-ubo kaya napatingin ako sa kanya. “A-are you okay?”
“A-ano’ng sinabi mo?” tanong niya habang hinihimas ang dibdib upang matigil siya sa pag-ubo. “Magpapanggap tayo na boyfriend mo ako?” Tumawa siya at tumango naman ako. “Why did you choose me to be your boyfriend? Are you insulting me? Look at me, mukha akong mahirap, well, totoo naman. Kapag magkatabi tayo, magmumukha akong basura sa tabi mo. In short, we can’t be together dahil langit ka at lupa ako. Maraming huhusga sa atin kahit pa sabihing fake relationship lang ‘to.”
“You’re overreacting, Dior,” sabi ko at bumuntong hininga. “To be fair, I will pay for your service.”
Humawak siya sa baba niya habang hinihimas ito at nakatingin din siya sa itaas na parang nag-iisip. Mayamaya lamang ay dahan-dahan siyang tumingin sa akin habang nakangisi na parang may masamang binabalak. Kahit kinakabahan ay nilakasan ko pa rin ang loob ko.
“Fine, papayag na ako,” aniya. Tiningnan ko siya habang nakangiti at kulang na lang ay kuminang na ang mga mata ko dahil sa tuwa. “Ayoko ng pera, but in one condition, susundin mo lahat-lahat ng gusto ko kahit ayaw mo. Okay ba ‘yon?”
Walang pag-aalinlangan akong tumango at sumang-ayon nang hindi pinag-iisipan. Desperada na talaga akong tapusin ang kahibangan ni Geo. Ayoko ng masaktan siya nang dahil sa akin. He deserves someone who’ll love him that way he loves her…and that’s definitely not me.
-
Maaga akong nagising at bumaba sa sala. Naabutan ko si Dior sa kusina habang kumakain ng sandwich niya. Nang makita niya ako ay dali-dali siyang sumunod sa akin at mukhang labag pa sa loob niya.
Mayamaya lamang ay tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. “Bitbitin mo ‘tong mga gamit ko,” utos ko dahilan upang tumigil siya sa pagnguya.
“Hindi mo ba nakikitang kumakain–” huminga na lang siya nang malalim at padabog na kinuha ang gamit ko. Nang talikuran ko siya ay agad na sumilay ang isang tagumpay na ngiti. I told you, I’ll make your life living in hell, kahit nanghihingi ako ng favor sa ‘yo.
Mabilis naman kaming nakarating sa school at katulad nang dati ay ako ang nagbukas ng pinto para sa sarili ko. Akmang sesenyasan ko pa lang sana si Dior na ‘wag nang lumabas ngunit huli na dahil nasa tapat na siya ng pinto ng passenger’s seat. Pinagbuksan niya ako at kinuha ang mga gamit ko sa loob ng sasakyan.
Nagtataka ko siyang tiningnan at nang makita niya ako ay umiling-iling lang siya. “I thought I’m not a baby para buhatin ng iba ang mga gamit ko?”
Saglit siyang tumingin sa akin bago itinuon ang atensyon niya sa pagkuha ng crutches ko. Nang makuha ay inabot niya sa akin ‘yon.
“Assuming,” bulong niya at saka ko tinanggap ang binigay niyang crutches sa akin. “Hindi ko sinabing ako ang magbubuhat nito. Tinutulungan lang kita sa paglabas dahil may pilay ka, pero ikaw ang magbibitbit nito ‘pag nakalabas ka na riyan.”
“I hate you! Ganyan mo pala itrato ang girlfriend mo, ha!” inis na sigaw ko, pero nang ma-realized ko ang sinabi ko ay agad akong napayuko.
Ilang sandali lamang ay agad akong nakarinig ng mga bulungan. Nang ilibot ko ang aking paningin ay nakita ko ang mga schoolmates kong nakatingin sa amin at napahinto sa kani-kanilang ginagawa.
Nahihiya akong tumikhim at sinamaan sila ng tingin. “What are you looking at?!” sigaw ko dahilan upang umiwas sila ng tingin.
Palihim akong napangiti dahil doon at akmang tatayo na sana ngunit itinulak ako ni Dior paupo at saka ako inalayan ng kamay. Kunot-noo ko siyang tiningnan at sinenyasan niya akong tanggapin ‘yon kaya napapailing ko na lang na tinanggap ‘yon. Nang makalabas ako ay umalis na siya para mag-park ng kotse.
“Chanel!” sigaw ni Zari habang tumatakbo palapit sa akin. “Oh my gosh, Chanel! Ano’ng nangyari sa ‘yo? Bobita ka talaga, hindi ka nag-iingat!”
“Manahimik ka nga, Zari. Bakit hindi ka gumaya sa mga babaeng ‘yan? Takot sa akin kasi isa akong Ganza,” inis kong sabi at inirapan siya.
“Girl, baka nakakalimutan mong ako talaga ang tunay na Chanel Ganza,” aniya at saka humagalpak ng tawa. Napapailing ko na lang siyang tiningnan at saka tinalikuran. Ako na ang nahihiya para sa kanya. “Hoy! Hintayin mo naman ako!” Tumakbo siya parang makasunod sa akin.
“Nakita mo na ba ulit si Geo?” tanong ko sa kanya, dahilan upang mapahinto siya sa paglalakad.
“Hindi pa, girl. Try mo kayang kausapin ‘yong tao, sinaktan mo e,” pangongonsensya niya kaya muli akong naglakad at sumunod ulit siya.
Huminga ako nang malalim at saka ako umikot palayo sa daan na patungo sa classroom namin. Narinig kong nagtanong pa si Zari pero hindi ko na sinagot ‘yon. Nang maramdaman kong sumunod siya sa akin ay sinenyasan ko na lang siya na ‘wag sumunod at wala siyang nagawa kundi sundin ‘yon.
Nang marating ko ay architecture building, sumakay ako sa elevator na patungo sa rooftop. Nang huminto ‘yon at bumungad sa akin at rooftop at mula sa ‘di kalayuan ay may rebulto ng tao na nakatayo at nakadantay sa railings niyon.
“Geo…” pagtawag ko nang makalapit ako sa kanya. Hindi siya lumingon sa akin kaya tinabihan ko na lang siya at tiningnan ang kabuohan ng school sa ibaba.
“It’s just nice to reminisce about our memories,” aniya habang nakatingin pa rin sa ibaba. Nang muli akong tumingin sa kanya ay sakto ring pagtingin niya. “Now, that guy came into your life, is it selfish to wish na sana ako na lang?” Umiwas ako ng tingin at yumuko. Nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya ay muli ko siyang tiningnan. “Forget what I said. Act like nothing happened. Ganyan naman palagi,” aniya at iniwan akong mag-isa rito sa rooftop.
This is all my fault. Hindi ko na dapat sinabi sa kanya dati na I like him even though I don’t mean it. I think, doon nagsimula ‘yon.
Tahimik akong nakasandal sa railings ng rooftop habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Nang maramdaman kong may tumabi sa akin, hindi ko na nilingon pa kung sino ‘yon dahil amoy pa lang niya ay kilalang-kilala ko na agad siya.
“Ang ganda ng view, hindi ba?” tanong ko habang nakangiting pinagmamasdan ang kabuohan ng school sa ibaba.
“Oo, ang ganda,” sagot niya. Nang tingnan ko siya ay nakita kong nakatingin siya sa akin habang nakangiti ngunit agad din siyang umiwas ng tingin. Natawa na lang ako nang makitang namumula ang magkabila niyang pisngi.
“We’re going back to the Philippines tomorrow, are you ready?” tanong niya at tumango naman ako kahit hindi niya nakikita dahil nakatuon ang paningin niya sa ibaba.
We are studying here in New York kung nasaan ang main branch ng school namin. It looks like a carbon copy of our school branch in the Philippines.
“I like you, Geo,” I said while looking at him. Mas lalong namula ang pisngi niya at hindi ko alam kung dahil ba ‘yon sa lamig o kilig.
“R-really?” nauutal na tanong niya, dahilan upang mapatawa ako at umiling.
“Look at your face, it’s priceless!” sabi ko habang tumatawang nakaturo sa mukha niya. “Now, we’re even. Nakaganti na rin ako dahil sa paggamit mo sa akin sa mga babaeng nagkakagusto sa ‘yo.”
“It’s not funny to make fun of my feelings, Nelle,” seryosong aniya.
“Hindi rin nakakatuwa na ginagawa mo akong girlfriend tuwing may niloloko kang babae,” inis kong sagot. Umiling na lang siya at iniwan akong mag-isa rito sa rooftop.
Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng classroom namin nang makasalubong ko si Dior. Nang makita ako ay parang nakahinga siya nang maluwag at hinigit ako palapit sa kanya at niyakap.
Agad kong narinig ang singhapan ng mga nanonood sa amin kaya pinilit kong itinutulak si Dior palayo ngunit mas malakas siya kaysa sa akin kaya sumuko na lang ako at hinayaan siyang yakapin ako.
“Akala ko kung ano nang nangyari sa ‘yo. Pinag-alala mo ako.”
“Pst!” pagsitsit mula sa gilid ko. Nakita ko si Zari na medyo nakadungaw sa gilid ko. Muli kong dinako ang tingin sa professor namin.“Totoo ba talaga ‘yong sa inyo ni Dior?” tanong ni Zari. “Nakakapagtaka kasi na bigla na lang naging kayo. Hindi ba’t parang dati lang ay naiinis ka sa kanya? Ano’ng nangyari?” Hindi ko siya pinansin kaya mas nilapit niya ang kanyang upuan sa akin. “Hoy, Chanel–”“Miss Tan! Anong kaguluhan ‘yan?!”Sabay kaming napaiktad ni Zari nang marinig ang puna ng terror na professor namin. Dahan-dahan siyang tumingin doon at nag-peace sign kaya mas lalong umusok ang ilong ng aming guro.“Get one whole intermediate pad!”Dahil sa sinabi nito, nag-angilan ang mga kaklase namin at masamang nakatingin kay Zari. Kulang na lang siguro ay isumpa siya nang mga ito. Hindi pa kasi ito nakakapagsimula sa pagtuturo, pero magqu-quiz na agad. “Chanel, tara na sa canteen,” ani Zari nang makaalis ang professor namin. Nang makita niyang hindi ako sumusunod sa kanya ay masama niya
“Sumunod na lang kayo sa gym for our PE class. Let’s meet after ten minutes,” sabi ng professor namin at umalis na.Naiwan kami rito sa classroom at ang iba ay lumabas na para magpalit ng damit. Nang tingnan ko si Zari ay busy siya sa pagre-retouch ng make up niya. ‘Yong totoo, kailangan pa bang mag-makeup kung pagpapawisan din naman? Tatawanan ko talaga ‘tong babaeng ito kapag kumalat ang mascara niya mamaya.Tumayo na ako at akmang aalis na sana nang may tumawag sa akin. Nilingon ko ‘yon at nakita ko si Dior na naglalakad palapit sa akin. Nang nasa harapan ko na siya ay nanlaki ang mga mata ko nang inagaw niya ang bag ko.Pinilit kong agawin ‘yon ngunit medyo nakalayo na siya sa akin. Hindi naman ako pwedeng tumakbo dahil sa kalagayan ko. Wala akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanya papunta sa locker room. Nang makapasok, hirap na hirap akong nagpalit ng damit ko. Nakaupo lang kasi ako at hindi ko ito masuot sa bewang. Nakakainis kasi si Zari, inuna pa ang pagpapaganda kaysa tul
Maaga akong nagising at bumaba sa sala. Naabutan ko si Dior sa kusina habang kumakain ng sandwich niya. Nang makita ako ay dali-dali siyang sumunod sa akin at mukhang labag pa sa loob niya ‘yon. Mayamaya lamang ay tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. “Bitbitin mo ‘tong mga gamit ko,” utos ko dahilan upang tumigil siya sa pagnguya. “Hindi mo ba nakikitang kumakain–” huminga na lang siya nang malalim at padabog na kinuha ang gamit ko. Nang talikuran ko siya ay agad na sumilay ang isang tagumpay na ngiti. I told you, I’ll make your like living in hell, kahit nanghihingi ako ng favor sa ‘yo. Mabilis naman kaming nakarating sa school at katulad nang dati, ako ang nagbukas ng pinto para sa sarili ko. Akmang sesenyasan ko pa lang sana si Dior na ‘wag nang lumabas n
“Pst!” pagsitsit mula sa gilid ko kaya tumingin ako sa gumawa n’on. Nakita ko si Zari na medyo nakadungaw sa gilid ko. Muli kong dinako ang tingin ko sa professor namin. “Totoo ba talaga ‘yong sa inyo ni Dior?” tanong ni Zari. “Nakakapagtaka kasi na bigla na lang naging kayo. Hindi ba’t parang dati lang ay naiinis ka sa kanya dahil tinalo ka niya sa quiz bee? Ano’ng nangyari?” Hindi ko siya pinansin kaya mas nilapit niya ang kanyang upuan sa akin. “Hoy, Chanel–” “Miss Tan! Anong kaguluhan ‘yan?!” galit na sigaw ng terror professor namin, dahilan upang sabay kaming mapaiktad ni Zari. Dahan-dahan siyang tumingin doon at nag-peace sign kaya mas lalong umusok ang ilong ng aming guro. “Get one whole intermediate pad!” Dahil sa sinabi nito, nag-angilan ang mga kaklase namin
After the incident in the powder room, nagpalit ako ng damit dahil nadumihan ‘yon sa paghila nila sa akin. Uminom na rin ako ng pain killers para mawala ang kirot sa paa ko. “G-geo…” naiiyak at nanghihina kong sabi. “Chanel?! A-ano’ng nangyari?!” nagpa-panic na tanong niya mula sa kabilang linya. “H-help–” hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang babaan niya ako ng tawag. Naghintay ako nang ilang minuto habang umiiyak na nakasandal sa cabinet ng lababo, hanggang bukas ang pinto ng powder room af iniluwa niyon si Geo. Hingal na hingal siya at tumutulo na rin ang pawis niya habang naglalakad palapit sa akin.
“Sumunod na lang kayo sa gym for our PE class. Let’s meet after ten minutes,” sabi ng professor namin at umalis na. Naiwan kami rito sa classroom at ang iba ay lumabas na para magpalit ng damit. Nang tingnan ko si Zari, busy siya sa pagre-retouch ng make up niya. ‘Yong totoo, kailangan pa bang mag makeup kung pagpapawisan din naman? Tatawanan ko talaga ‘tong babaeng ito kapag kumalat ang mascara niya mamaya. Tumayo na ako at akmang aalis na sana nang may tumawag sa akin. Nilingon ko ‘yon at nakita ko si Dior na naglalakad palapit sa akin. Nang nasa harapan ko na siya, nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang inagaw ang bag ko mula sa aking kamay. Pinilit kong agawin ‘yon ngunit medyo nakalayo na siya sa akin at hindi naman ako pwedeng tumakbo dahil sa kalagayan ko. Wala akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanya papunta sa lock
"Bakit mo ginawa 'yon?!" galit kong sigaw sa kaniya. Lumapit ako kay Dior at itinulak siya sa kaniyang dibdib na naging dahilan ng kaniyang bahagyang pag-atras.Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin na parang hindi siya makapaniwala na ginawa ko iyon sa kaniya. Binaba niya ang kaniyang kamao na hawak niya kanina at sumulyap kay Geo bago muling tumingin sa akin. Gamit ang hintuturo, tinuro niya si Geo ngunit nasa akin pa rin ang kaniyang paningin."Hindi mo ba alam na siya ang may pakana ng lahat nang ito?" galit na tanong niya sa akin. Agad na kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. Nagtataka kong tiningnan si Geo ngunit umiiling lang siya habang hindi pa rin nakakabawi mula sa pagsuntok sa kaniya ni Dior."Nasisiraan ka na ba ng bait? Nagtitiwala ka sa lalaking 'yan?" hindi makapaniwalang tanong niya at suminghal pa. "Mukha pa lang niyan, hindi na mapapagkatiwalaan. Sigurado ako na siya ang
"Maayos na ba ang lagay niya?" narinig kong tanong ng isang tinig ngunit nanatili pa rin akong nakapikit at hindi ako makagalaw dahil sa panghihina ng katawan."Maayos na siya ngayon. Inatake lang siya ng asthma noong nalaglag siya sa pool," sagot ng isa na namang tinig. Narinig ako ng pagbuntong hininga at nasisiguro kong galing iyon sa tinig na nagtatanong kanina.Dahil sa curiosity kung sino ang mga nag-uusap dito sa harap ko, dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at nakita ko si Dior na nakaharap sa direksiyon ng isang doctor. Sandali... nasa hospital ba ako? At saka anong sinasabi nilang pool at inatake ako ng asthma?Umupo ako mula sa aking pagkakahiga kaya napatingin sa akin 'yung dalawa. Dali-dali namang lumapit sa akin si Dior at hinawakan ang kamay ko. Mababakas din sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Dahil nawiwirduhan ako, inalis ko ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak sa akin. Nagtataka niya akong tin
One week after we arrived in my home country, Philippines. Marami kaming ginawang pagbabago tulad na lang ng pag-aayos ng bahay, pag-transfer sa anak ko at paghahanao ng informations about the GutZales company.And according to my research, their company was freshly established pero sila na agad ang nangunguna sa lahat ng book companies. Mukhang mataas ang pinag-aralan ng CEO nito at marami ring connections kaya gano'n na lang ang paglago ng company nila.Tomorrow will be my best day. Pupunta na ako sa company nila to accept their offer. At kapag maganda ang performance ko sa kanila, sa tingin ko pwede na kaming mag for good dito sa Pilipinas. After all, matagal na rin naman kaming nanirahan sa New York."I'm home, Mom."Napatingin ako sa direksyon na pinaggalingan ng boses at nakita ko ang aking anak na pagod na pagod na humiga sa sofa ng sala. Nang lapitan ko siya, nakita kong pikit na ang kanyang mga mata at hindi na nagawang alisin ang pagkakasabit ng bag sa balikat at pagkakasuot
"So, kelan ang flight n'yo ni Dean pabalik sa Pilipinas?" tanong ni Geo habang tumutulong sa pag-iimpake ng mga gamit namin ng anak ko."Day after tomorrow," simpleng sagot ko, at nilagay ang huling damit sa bag."How will you explain to your parents about Dean? Baka atakihin sa puso si Tito Harley kapag nalaman nilang nag New York ka lang, pag-uwi mo meron ka ng Dean.""Don't worry, hindi ko naman sila bibiglain pagdating namin doon. Hindi muna ako magpapakita sa kanila hangga't hindi pa malapit ang birthday ko," sagot ko, at napatango-tango na lang siya bago ako iniwan mag-isa sa kwarto ko.Nang matapos ako sa pag-aayos, pinuntahan ko si Dean sa kwarto niya. Mahimbing na siyang natutulog habang yakap ang paburito niyang unan.Nilapitan ko siya at umupo sa gilid ng kama niya. Marahan kong hinaplos ang buhok niya upang hindi siya magising."I know it's hard na hindi mo makilala ang tunay mong ama, but I'm only doing this for you. Ayokong dumating ang panahon na makita mo siya pero hin
4 years later..."Congratulations for your success, Ms. Co," ani Hans, my best friend and also my business parter."No, thank you for giving me the opportunity to sign here in your company and work with these two young and successful entrepreneurs," nakangiting papuri niya, and we humbly giggle."Make us... our company proud, Ms. Co," nakangiting ganti ko at umalis na rin siya pagtapos."So, how did you convince her to work with us?" natatawang tanong ni Hans at lumagok ng wine na hawak niya."It just happened, Hans. Wala ka yatang bilib sa karisma ko," tumatawang sagot ko.Napapailing na lang siyang umalis at in-entertain ang mga bisita ng kumpanya.Nang mawala siya sa paningin ko, I just roam my eyes habang tinitingnan ang mga naipundar namin ni Hans this past few years. After all these things that happened to me... to us, we're still fighting for our dreams. And now, nagbunga na lahat ng pinaghirapan namin.After all the sacrifices and pain, my wounds were healed. Pain motivated me
Parang huminto ang mundo ko nang marinig ang sinabi ng doctor. Wala akong ibang nakikita kundi madilim at tahimik na paligid."I-Im pregnant?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango ang doctor dahilan upang mapatakip ako sa bibig ko. Nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan namin ni Dior. Ang huling gabi namin sa Alemanya Leona na itinuring kong pinakamagandang araw sa buhay ko ay nagbunga. Ang mas malala pa nito, ang tatay ng dinadala ko ay ang taong sobra kong minahal ngunit nasilaw sa yaman at iniwan ako.Paano ko maipagpapatuloy ang buhay at pag-aaral ko kung buntis ako? Dapat ko bang tanggapin at buhayin ang batang ito gayong bunga lamang siya ng hindi namin pag-iingat? Dapat ko bang dalhin 'to sa sinapupunan ko gayong mag-isa na lang ako?Lumong-lumo akong umuwi sa bahay. Wala akong mapagsabihan ng dinadala kong problema dahil for sure, oras na malaman nila ito ay isususmbong nila 'to sa parents ko. Wala akong ginawa kundi umiyak nang umiyak hanggang makatulog ako."Miss Heathe
Cold breeze greeted my face as I came out of the plane. I roamed my eyes and saw a new environment for me to move on and start a new beginning. This will be a perfect place to heal and forget all the awful memories. "Miss Chanel Ganza?" Rinig kong pagtawag sa pangalan ko dahilan upang lingunin ko siya. I saw a man wearing a suit with shades above his head. He's smiling but I just look at him."It's Heather Ganza," I said at ginantihan din siya ng ngiti. "Oh, sorry, Miss Heather. By the way I'm your new bodyguard. Ipinadala ako rito ni Mr. Ganza to keep an eye on you since hindi ka pa sanay dito sa New York," he said, as my forehead furrowed. "Don't worry. Once na masanay ka na rito, tapos na ang kontrata ko. You'll live on your own and have your privacy." Tumango na lang ako.Iginaya niya ako papunta sa kotseng naghihintay sa amin sa labas ng airport. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay roon.Habang nasa byahe, I tried to familiarize my eyes with this place para naman hindi a
Makalipas nang tatlong linggo, sa wakas ay pinayagan na rin ako ng mga doctor na umalis na ng hospital. Nakakasawa na rin kasi roon dahil puro hospital foods lang ang nakakain ko at bawal pang magdala ng mga pagkain galing sa labas."Heather, kakain na tayo," ani Mommy na kasalukuyang naka silip sa siwang ng pinto ng kwarto ko. Ngumiti naman ako at tumango kaya umalis na rin agad siya.Nakakapanibago sina Mom and Dad ngayon. Mag mula kasi noong naaksidente ako, palagi na silang nasa tabi ko. Noong naka recover naman ako, lagi na silang nasa bahay at work at home na rin ang ginagawa nila sa trabaho nila. I know na gusto nilang bumawi... but I'm not used to this kind of situation. Lumaki akong walang magulang, physically.Bumaba na rin ako pag tapos nang ilang minuto. Naabutan ko naman sina Mommy and Daddy sa dining area. May mga pagkain na sa hapag kainan, pero hindi pa rin nila iyon ginagalaw at mukhang hihintay pa
Nagising ako nang dahil sa ingay na napapakinggan ko na sa tingin ko ay nanggagaling lamang sa bandang gilid ko. Nang akma ko na sanang imumulat ang aking mga mata ay naudlot iyon nang mapakinggan ko ang mga pinag uusapan nila."Maayos na ba ang lagay ng anak namin?" tanong ni Mommy at halata sa boses niya ang pag aalala habang nanginginig pa ito."Well, she's still under observation since muntik na naman siyang mamatay kanina. Good thing ay nabigyan agad siya ng first aid," sambit ng doctor. "Sa harap lang siya ng hospital naaksidente kaya naaksyunan sgad ng mga nurses."Muntik na naman akong mamatay? Kating kati na ba talaga si Kamatayan na sunduin ako kaya palagi niya akong pinapahamak?"Thank you very much, Doc. We don't know how to express our gratitude to all of you for saving our daughter's life, again," ani Mommy. Medyo nilagyan ko ng siwang ang aking mga mata kaya bahagya ko sikang nakikita.
Kasalukuyang nag lalakad ang dalawang bata habang ang naka angkla pa sa braso ng batang lalaki ang isang batang babae."You know what, Geo, may napanaginipan ako kagabi. Ayon sa panaginip ko, malapit ko na raw makita ang the one ko. I can't wait na dumating na siya," masayang sambit ng batang babae."Chanel, you're too young for that. At saka anong the one? Gusto mo bang isumbong kita sa Kuya mo?" pananakot ni Geo. Bumusangot naman ang mukha ni Chanel dahil sa narinig sa kanyang kaibigan."Who you ka sa akin kapag nahanap ko siya. I'm sure na mag seselos ka dahil kapag nahanap ko na siya, hindi na kita sasamahan. Bahala ka na," nag tatampong pag babanta ni Chanel. "Mag hanap ka ng sa 'yo.""E ikaw nga ang gusto ko," pabulong na sagot ni Geo, dahilan upang mapatingjn si Chanel sa kanya. Nakakunot ang noo nito at bakas ang pagtataka sa kanyang mukha."Ano'ng sinabi mo?" nag tatakan
Kasalukuyang tumatakbo ang higit sa sampung nurse at mga doctor habang tinatakbo ang pasilyo ng hospital. Ang mga nurse at ilang doctor ang tumutulak sa hinihigaan habang may isang doctor na nagc-CPR sa pasyente."Bilisan niyo pa ang pag tulak! Baka hindi na natin siya maabutan nang buhay kung ilang minuto pa ang lilipas!" natatarantang sigaw ng Doctor habang patuloy pa rin ang pag CPR sa pasyente.Mas dinoble ng mga nurse at doctor ang bilis sa pag tulak kaya mabilis na rin nilang narating ang operating room. Nang makarating sila roon ay agad silang kumilos at nag handa na para sa operasyon na magaganap.Sa kabilang banda naman, mayroong mag asawang nag mamadaling tumatakbo papasok sa loob ng hospital. Halos hindi na mag kaintindihan sa pag takbo ang dalawa habang umiiyak pa ang babae.Nang makarating sila sa tapat ng operating room, nanghihinang umupo ang babae sa upuan ng waiting area habang patul