“TANNER?” Takang tanong ni Anastasia ng biglang pumasok ang asawa sa loob ng kwarto niya. Agad itong naupo sa tabi niya at inalis ang kaniyang suot na salamin pagkatapos ay nag cross arms. Nakaupo kasi siya ngayon sa higaan nila at nakasandal sa headboard niyon at nagbabasa ng libro. Tatanungin na sana niya ang lalaki kung anong nangyari kaso bigla namang dumating ang kambal. “Daddy!” Tumakbo ang dalawa paakyat sa higaan nila at pumagitna sa mga ito. “Daddy hayaan mo na si tito, inaasar ka lang nu’n!” Sabi ni Amari dito. “Amari is right daddy, besides alam ko na ‘di niya ‘yun gagawin kay.mommy,” pag sang-ayon pa ni Asher sa kakambal. “Teka ano bang nangyayari? At bakit nakasimangot ang daddy niyo?” Dahil sa pagkalito ay hindi na napigilan pa ni Anastasia ang sumingit sa usapan ng mga ito. Naging dahilan iyon kung bakit nabaling sa kaniya ang atensyon ng kambal. “Si tito Tyler po kasi inasar si daddy. Sinabihan lang po ni daddy si tito na ‘wag masyadong ngumiti at baka mabuking
“GUYS!” Napalingon sila kay Kathy ng dumating ito at kasama na niya ngayon si Bellis na nagihiya at hindi makatingin sa mga ito lalo na at nakita niya na kasama ‘din nila ang may-ari ng Fancy Fashion na si Ms. Valine at sikat na sikat na designer noon pa. “Ito nga pala si Bellis Perennis, fan mo Anastasia!” Masigla na sabi ni Kathy na ikinangiti ng alanganin ni Bellis sa kanila. “Lis nalang po. Sorry po, kung naka-abala ako sa pag-uusap niyo. Aalis nalang po ako—” hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng pigilan siya ni Anastasia. “No, ano ka ba. Pero totoo ba na Fan kita?” nahihiyang tumango ang babae na ikinangiti ng malaki ni Anastasia. “Wow! Thank you, nakakatuwa naman. Halika, maupo ka dito sa tabi ko,” Sakto na ka-aalis lang ng kambal kasama si Brandon at Troy upang pumunta sa ice cream parlour at bumili kaya may bakante sa tabi niya. Agad na ‘din siyang nag order ng pagkain para sa dito. “Si Bellis ang tumulong kay Tanner at Brandon kagabi! Lasing na lasing kasi ang asa
ILANG minuto na ang lumipas mula ng umalis si Anastasia at Melany para kumuha ng drinks nila. Dahil nag-aalala si Bellis na baka kung anong isipin ng mag ito na hindi manlang siyang tumutulong sa mga ito ay tumayo siya mula sa kinauupuan niya na ikinatingin sa kaniya ng mga kasama niya doon. “Bakit Bellis? May problema ba?” Nasanay na ‘din siya na Bellis ang tinatawag sa kaniya ng mga bago niyang kaibigan kaya hinayaan nalang niya ang mga ito kahit na karamihan sa matatagal na niyang kasama ay ‘Lis’ ang tawag sa kaniya. “Susundan ko lang sila Anastasia, ako na magbubuhat tutal baka kung anong mangyari sa baby ni Anastasia,” Walang nagawa ang mga ito kundi ang tumango nalamang sa kaniya at hayaan siya. Hindi pa ‘rin siya makapaniwala na kaibigan na niya ang pinakang hinahangaan niyang designer at bonus pa na nakausap niya ‘din si Ms. Valine nitong nakaraang araw. Nakangiti siyang lumabas ng cottage nila ngunit napahinto siya ng biglang may humarang na mga lalaking pawang nakaiti
“HELLO? Melany?—Oo, bakit?—Oo, ito na. Nagmamadali naman ito—Tanner, kakausapin ka ‘daw ni Melany,” Nakatanggap ng tawa si Brandon ng tawag mula kay Melany. Akala niya ay nagising na ang asawa ngunit sumisigaw si Melany sa kabilang linya at hinahanap si Tanner. “Hello—WHAT?! Fvck!” Agad nitong hinagis ang cellphone pabalik kay Brandon at tumakbo paalis doon. “Sundan niyo ako Brandon at Tyler! Ang iba maiwan dito at pumalibot sa buong paligid! Linawan niyo ang mata niyo at ‘wag hahayaan na may makatakas!” Sigaw na sabi nito bago pa tuluyang makalayo sa kanila. Kahit nagtataka ay sumunod sina Brandon at Tyler sa kaniya. Nang nasa loob na sila ng Elevator ay hindi mapakali si Tanner at paulit-ulit na tinatawagan ang telephone sa kanilang kwarto ngunit wala sumasagot. Alam niya na magigising ang kambal kung sakaling tulog na ito ngunit gayong na walang sumasagot ay malamang na wala doon ang kambal. “Tanner, ano bang nangyayari? Baka masira mo na cellphone mo,” natatawang sabi ni Tyl
“P-PATAWARIN niyo akong lahat. Kung hindi ko siya kinaibigan at isinama sa grupo natin hindi sana mangyayari ang lahat ng ito,” iyak na sabi ni Kathy na siyang pinapakalma naman ng asawa nito na si Brandon. Kumpleto sila ngayon doon pwera kay Emily, Tanner na nagpapanggap na bilang Tyler, Serene at Clark na kapwa binabantayan ang kanilang mahal. Ikinuwento naman ni Anastasia ang lahat sa kanila at ganoon ‘din si Tyler na nagpapanggap na nagon bilang si Tanner. Mabuti nalang at kumala na ito matapos nilang malaman ang kinalalagyan nito. Sila Kevin naman ay dumating na ng malaman ang nangyaring gulo sa hotel.“Kathy, wala kang kasalanan. Noong una palang ay sinadya na niya iyon. Ang pagkikita namin sa may bar, malamang na hindi iyon coincidence dahil sinadya niya na mapalapit satin at saksakin patalikod,” seryosong sabi ni Tyler na ikinalingon ni Anastasia dito. Alam niya na natatakot ang lalaki dahil nawawala ang anak nito. Ngunit ngayon na ganoon kagalit ang lalaki ay para na talaga
“HAHAHA!” Inis na pinatay ni Vladimir ang kaniyang tawag na natanggap dahil tawa ng tawa ang taong nasa kabilang linya. Ngunit hindi pa lumilipas ang ilang sandali ay tumawag itong muli kaya inis na sinagot niya ito. “Ano ba?! Tatawag ka lang ba para tawanan ako?!” Inis na sigaw niya habang ang ibang mga tauhan niya na nasa loob ‘din ng silid na iyon ay nagkakatinginan at pawang mayroong mga galit sa kanilang expression at gustong patahimikin ang tumatawag sa kanilang amo. “Oo naman syempre! Hahaha! Ano nga ulit nangyari sa operation mo? Nga-nga! Hahaha naubos ano? Akala mo ganon kadaling lapitan sila ang mga Grimes?! Nagkakamali ka!” Napahigpit lalo ang kapit ni Vladimir sa kaniyang kinauupuan dahil sa mga panunuyang sinabi sa kaniya ni Bellis. “Naka chamba lang ang mga ‘yon! Sa susunod sisiguraduhin ko na makukuha ko na si Anastasia o kahit na sino sa kanila!” “In your dreams! Isinugal ko ang buhay ko para magawa ng tama ang mission ko, bakit hindi mo ‘rin isugal ang buhay mo
KUNG ano ‘man ang sinabi ni Tanner ay hindi na maalis sa isip ni Anastasia. Hindi naman siya nag-aalala na baka mapahamak ang mag ito lalo na at nagsama-sama ang mag magagaling lumaban. Isa pa si Kevin at Tanner ay ang siyang leader ng dalawang organization kaya wala siyang dapat na ipag-alala pa. Ang inaalala niya ay ang tungkol kay Bellis. Kay Tanner na mismo nanggaling na maaari niyang masagot ang katanungan niya kanina, ibig sabihin lang niyon ay may alam si Tanner. Alam nito kung ano ang sagot at hindi lang nito sinasabi at sinusubukang pahulaan sa kaniya. “Mommy?” Napalingon siya sa anak niyang si Amari ng bigla nalamang itong magising. Pinatulog niya kasi muna ang mga bata at sinabi na kapag gising nila ay siguradong nanjan na si Troy at nailigtas na. “Najan na po ba si Troy?” kusot mata nitong tanong kung kaya hinalikan niya ang noo nito at umiling. “Wala pa anak, matulog ka muna okay? Sure, ako paggising mo pa ulit nadito na siya. Sleep well, okay? Sige ka ‘di kayo makak
“HAHAHA!!!” Pumalibot ang malakas na tawa ni Vladimir sa kaniyang kinalalagyan matapos malaman ang balitang wala na si Bellis o si Daisy. Noong una pa ‘man ng iligtas na nila ito ay hindi na niya gusto ang babae lalo na’t sipsip ito ng sipsip sa kanilang amo. Kahit pa magpalit ito ng muka ay hindi pa ‘rin magbabago na kumukulo ang dugo niya dito. Kaya nga ang tawag nila dito ay impustor dahil literal na impustor naman talaga ito. At ngayon na wala na ito sa kaniyang landas ay mas lalo siyang natuwa. Magagawa na niyang makuha ang loob mg kanilang boss at magagawa na ‘din niya ng maayos ang kaniyang trabaho. “Good job! Magandang balita ang ibinigay mo saakin!” tatawa-tawang sabi niya sa kaniyang tauhan na nakatayo sa harapan niya na nakangisi. “Hindi na ako magugulat boss, masyadong malakas ang kumpiyansa sa sarili ng impustor na ‘yon kaya ayan ang napapala niya,” napatango si Vladimir sa sinabing iyon ng tauhan niya at tumayo sa kaniyang kinauupuan. Tumanaw siya sa malawak na syud
MATAPOS malaman ni Duke at Luke ang sinabi ng kanilang ate Amari ay ginusto ‘din nila na magkaroon ng bagong time machine para mayakap ang kanilang magulang mula sa nakaraan nila. Kaya pumayag naman si Asher at binigyan ang dalawa. Bumalik muna sila sa time nila at ibinalik ang unang bracelet at sabay na bumalik kung saan agad nilang niyakap si Anastasia. Inamin ng dalawa na natigilan sila ng makitang malakas ang kanilang ina at nakakatayo pa. Kaya napaiyak si Luke ng makita ang ina dahil doon. Nakangiti namang pinanood ng mga ito ang kambal hanggang sa pati si Tanner ay niyakap na nila. Nang matapos ay nagsiupo sila ng maayos sa sofa na naroroon. Ipinaliwanag ni Asher ang naging dahilan kung bakit nagkaganoon ang kanilang ina. Nalaman niya na isa sa mga council ang may kagagawan, noong nalaman nila na buntis si Anastasia ay doon nagsimula ang pagpapadala ng mga ito ng regalo at isa na doon ang regular na regaling natatanggap ni Anastasia, isang kandila na nakakapagpakalma ng siste
“BAKIT Tanner?” takang tanong ni Anastasia mula sa future ng bigla nalang mapahinto si Tanner. “Bigla lang akong nakaramdaman ng kakaiba. Parang mayroong memory na pumasok sa isip ko tapos biglang nawala,” kunot noon a tanong nito at inihiga si Anastasia sa kanilang higaan. “Ikaw ‘din? Akala ko ako lang. Ano kaya ‘yun?” takang tanong ni Anastasia. Npaangiti lang si Tanner at umiling sa asawa pagkatapos hinalikan ito sa labi. “Wala siguro ‘yun, matulog na tayo wife,” tumabi siya sa asawa at niyakap ito. “Ang mga bata? Si Duke at Luke hindi ko na nakikita,” bilang tanong ni Anastasia. “Ako nga ‘din, dati naman bumibisita sila lagi dito. Pero ngayon hindi na, siguro nagsasanay na ‘din sila?” “Alam mong hindi pwede si Luke, Tanner,” samang tingin ni Anastasia sa asawa. “Kapag may nangyari sa mga anak mo ikaw talaga sisisihin ko,” “Oo na po, i-che-check ko sila bukas,” napabuntong hininga si Anastasia sa sinabi ng kaniyang asawa. “’Wag kasi puro saakin ang focus mo, ang underworld
MATAPOS ang limang taon na pagpapakasal ni Tanner at Anastasia ay dumating muli ang hindi nila inaasahan na bisita. Hindi akalain ni Anastasia na magbubuntis pa siya dahil ilang taon na nilang sinusubukan ni Tanner na mag-anak pa ngunit hindi ito binibigay sa kanila ng panginoon. Hinayaan nalang nila iyon dahil naisip nila na kung para sa kanila ay para sa kanila. Ngunit ilang taon na ang lumipas ay sumuko ‘din sila at hinayaan nalang ang tadhana. Kapwa naging busy sa kanilang mga gawain at sa tatlo nilang anak. Sa lumipas na mga taon ay lumaki na ang kambal, ang kambal ay naging dose anyos na habang si Theodore naman ay nasa edad apat na taon. Lumaki ang mga ito na matalino at gwapo at maganda. Hindi nga nagkamali ang magkakaibigan na magiging mahusay sa labanan ang kambal lalo na si Asher. Si Asher na hindi mo aakalain na mas matalino pa sa kaniyang mga magulang, tahimik lamang ito ngunit mapagmasid. Si Amari naman ay tuso, akala mo’y friendly ito at easy to be with ngunit ang tot
NAGKATINGINAN ang kambal ng makita nila ang isang brDukelet na sa pagkaka-alam nila ay ang time machine ayon na ‘din sa kwento ng kanilang mga magulang. Hindi nagdalawang isip ang mga ito na kunin iyon at isinuot naman nang nasa kaliwa. “T-twin, sigurado ka ba dito?” tumingin sa kaniya at tumango. “Ito lang ang paraan twin, kailangan nating bumalik sa nakaraan para pigilan sila,” napabuntong hininga ang kambal niya dahil doon at ngumiti ng pilit dito. “Para kay mommy,” banggit nito na ikinatango ng isa. “For mommy,” pagkasabi nila niyon ay pinindot na nila ang brDukelet na siyang ikinadala nila sa nakaraan. *** NAGISING sila Anastasia at Tanner ng bigla nalamang tumunog ang malakas na alarm sa kanilang bahay. Nagkatinginan sila dahil doon at dali-daling kinuha ang baril na nasa ilalim ng kanilang hinihigaan. Mabilis ang kanilang mga kilos na pumunta sa lugar kung saan nagmumula ang alarm. “Anong nangyayari dito?!” napatingin ang mga tauhan nila ng magtanong si Tanner. Nandoon na
“HINDI ako makapaniwala na ikakasal ka na anak,” iyak na sabi ng mommy ni Anastasia habang nakatingin sila ngayon sa isang full length mirror. Katatapos lang magbihis ni Anastasia at make-up-an ng kaniyang make up artist para sa kasal nila ni Tanner. Isang buwan lamang ang naging preperasyon nila ni Tanner sa kasal na iyon. Dahil na ‘rin sa naudlot ang kasal nila noon ay hindi siya nagdalawang isip na isuot muli ang ginawang gown sa kaniya ni Serene lalo na’t itinabi niya ito. Sabi pa nga ni Serene na gagawa nalang siya ng bago ngunit umayaw siya. Iba pa ‘rin ang unang gown na ginawa nito at mahalaga iyon sa kaniya kaya hindi niya ito basta-bastang ibaliwala. Samantalang si Kathy ang kaniyang bride’s maid, kung hindi siya ang naging bride’s maid nu’ng kasal nito ngayon ay ito naman ang kinuha niya. “Mommy, pinapaiyak mo naman ako e,” tingin sa taas na sabi ni Anastasia upang pigilan ang kaniyang mga luha. Nasa ganoong ayos sila ng dumating ang kaniyang daddy upang sunduin na sila.
“Hello?” antok na sagot ni Kathy dito. “K-kathy wala talaga! Kahit saan wala!” pabulong na kausap niya sa kaibigan. “Ano ka ba, nanjan lang ‘yon,” umiling siya sa sinabi ni Kathy. Napatingin siya sa kaniyang kamay at simula ng mawala ang kaniyang engagement ring ay parang palagi ng may kulang doon. “Wala nga e! Naiiyak na ako Kathy! Naiwala ko ang engagement ring namin!” napahilamos siya sa kaniyang muka dahil doon. “Kumalma pa nga,” sabi ni Kathy at bumaling sa tabi niya kung nagising ba niya si Brandon, mabuti at hindi. “Mahahanap mo ‘rin ‘yun okay? Diba nga sabi nila kapag hindi mo na hinahanap bigla nalang lilitaw? Sige na, magpahinga ka na at may flight pa tayo mamaya. Aber magpatulog ka naman,” irap na sabi ni Kathy na ikinabuntong hininga ni Anastasia at nagpaalam na dito. Aalis kasi sila at pupunta sa Cebu, doon kasi gaganapin ang unang kaarawan ni Theodore. Agad namang kumalat ang tungkol sa pagpunta nila doon kaya alam niya na marami ng nag-aabang sa kanila sa Pilipina
MABILIS na lumipas ang isang buong taon. Sa nakalipas na taon ay naging busy si Tanner at Anastasia na naging dahilan para hindi lalong matuloy ang kanilang kasal. Gustuhin man ng dalawa ngunit hindi nila magawa dahil na ‘rin sa dami nilang kailangang asikasuhin. Bumibisita sila bawat bansa upang i-check ang underworld doon. Kung minsan ay nagtatagal pa sila dahil sa paglilinis ng rumi na mayroon doon. Sa kabila naman ng kanilang pag-alis alis ay kasama nila ang kambal at si Theo. Hindi lang iyon, maging ang kanilang mga kaibigan bilang sila ang bagong council ay dapat lang na magkakasama sila na ibinabalita ng personal ang bagong batas. Sa paglipas na taon ay marami nang nangyari. Naunang ikasal si Serene at Lawrence, nito nga lang nakaraang buwan ay katatapos lang ‘din ikasal ni Jennie at Kevin. Pinagtatawanan nga nila si Tanner at Anastasia dahil sila pa ngayon ang nahuli na magpakasal. Iniilingan nalang ng dalawa ang birong iyon dahil alam nila pareho na may tamang panahon doon.
Natawa na namamangha si Anastasia ng makita ang baril niya. Kahit na malaki na ang pagbabago niyon dahil sa tagal ng panahon ay hinding-hindi niya ito makakalimutan. “Galing pa ‘yan sa great, great grandfather mo. Tinanggal nila isa-isa pero bunuo ‘din. Naalala ko sabi ni daddy jan nanggaling ang business natin. Sinabi ‘daw sa anak ng great, great grandfather natin na darating ang panahon na mayroong isa sa reign natin ang magpapasimula ng ganitong negosyo. Para bang alam niya ang mangyayari sa future… Ikaw ang may gawa niyan anak ano?” Napatingin si Anastasia sa daddy niya at tumango. “Grabe daddy hindi ako makapaniwala! Baril ko ‘yan e, ibinigay ko sa kaniya para gamitin kay Sandro. Hindi naman ako papayag na mamatay lang siya dahil sa mga espada na gamit nila, gusto ko kung anong ginamit niya satin doon ‘din siya mamamatay,” napatango ang daddy niya dahil doon. “Hindi ‘rin ako makapaniwala, it was like a memory that I forgot for a while. Tama nga si Bella, malaki ang dalang epek
“ANASTASIA!” Napakurap si Anastasia ng marinig niya ang pagtawag sa kaniya. Nakita niya si Tanner na nasa kaniyang harapan habang hawak ang kaniyang magkabilang balikat habang niyuyugyog siya. Kanina pa siya nito tinatawag ngunit tila wala sa sarili ang babae simula ng bumalik ito mula sa nakaraan. “Wife, are you okay?! May nangyari ba?!” agad na napailing si Anastasia at niyakap si Tanner. “W-wala na siya Tanner… Iniwan ko na siya sa panahon niya,” narinig ng mga kasama nila ang sinabi ni Anastasia na siyang ipinagdiwang ng mga ito. Napayakap ng mahigpit si Jennie kay Kevin na sinuklian naman nito. Sina Tyler, Brandon, Lawrence, Melany at Vladimir naman ay nagyakapan dahil doon. Tapos na nilang talunin ang mga tauhan ni Sandro at kaya sila nandoon upang hintayin ang pagbabalik ni Anastasia. Lumitaw na nga lang ito bigla at wala na ang kasama nitong lalaki na at ngayon ay binalita na wala na si Sandro. Sawakas ay wala ng manggugulo sa kanilang lahat, wala na si Elizaveta o mas na