ILANG minuto na ang lumipas mula ng umalis si Anastasia at Melany para kumuha ng drinks nila. Dahil nag-aalala si Bellis na baka kung anong isipin ng mag ito na hindi manlang siyang tumutulong sa mga ito ay tumayo siya mula sa kinauupuan niya na ikinatingin sa kaniya ng mga kasama niya doon. “Bakit Bellis? May problema ba?” Nasanay na ‘din siya na Bellis ang tinatawag sa kaniya ng mga bago niyang kaibigan kaya hinayaan nalang niya ang mga ito kahit na karamihan sa matatagal na niyang kasama ay ‘Lis’ ang tawag sa kaniya. “Susundan ko lang sila Anastasia, ako na magbubuhat tutal baka kung anong mangyari sa baby ni Anastasia,” Walang nagawa ang mga ito kundi ang tumango nalamang sa kaniya at hayaan siya. Hindi pa ‘rin siya makapaniwala na kaibigan na niya ang pinakang hinahangaan niyang designer at bonus pa na nakausap niya ‘din si Ms. Valine nitong nakaraang araw. Nakangiti siyang lumabas ng cottage nila ngunit napahinto siya ng biglang may humarang na mga lalaking pawang nakaiti
“HELLO? Melany?—Oo, bakit?—Oo, ito na. Nagmamadali naman ito—Tanner, kakausapin ka ‘daw ni Melany,” Nakatanggap ng tawa si Brandon ng tawag mula kay Melany. Akala niya ay nagising na ang asawa ngunit sumisigaw si Melany sa kabilang linya at hinahanap si Tanner. “Hello—WHAT?! Fvck!” Agad nitong hinagis ang cellphone pabalik kay Brandon at tumakbo paalis doon. “Sundan niyo ako Brandon at Tyler! Ang iba maiwan dito at pumalibot sa buong paligid! Linawan niyo ang mata niyo at ‘wag hahayaan na may makatakas!” Sigaw na sabi nito bago pa tuluyang makalayo sa kanila. Kahit nagtataka ay sumunod sina Brandon at Tyler sa kaniya. Nang nasa loob na sila ng Elevator ay hindi mapakali si Tanner at paulit-ulit na tinatawagan ang telephone sa kanilang kwarto ngunit wala sumasagot. Alam niya na magigising ang kambal kung sakaling tulog na ito ngunit gayong na walang sumasagot ay malamang na wala doon ang kambal. “Tanner, ano bang nangyayari? Baka masira mo na cellphone mo,” natatawang sabi ni Tyl
“P-PATAWARIN niyo akong lahat. Kung hindi ko siya kinaibigan at isinama sa grupo natin hindi sana mangyayari ang lahat ng ito,” iyak na sabi ni Kathy na siyang pinapakalma naman ng asawa nito na si Brandon. Kumpleto sila ngayon doon pwera kay Emily, Tanner na nagpapanggap na bilang Tyler, Serene at Clark na kapwa binabantayan ang kanilang mahal. Ikinuwento naman ni Anastasia ang lahat sa kanila at ganoon ‘din si Tyler na nagpapanggap na nagon bilang si Tanner. Mabuti nalang at kumala na ito matapos nilang malaman ang kinalalagyan nito. Sila Kevin naman ay dumating na ng malaman ang nangyaring gulo sa hotel.“Kathy, wala kang kasalanan. Noong una palang ay sinadya na niya iyon. Ang pagkikita namin sa may bar, malamang na hindi iyon coincidence dahil sinadya niya na mapalapit satin at saksakin patalikod,” seryosong sabi ni Tyler na ikinalingon ni Anastasia dito. Alam niya na natatakot ang lalaki dahil nawawala ang anak nito. Ngunit ngayon na ganoon kagalit ang lalaki ay para na talaga
“HAHAHA!” Inis na pinatay ni Vladimir ang kaniyang tawag na natanggap dahil tawa ng tawa ang taong nasa kabilang linya. Ngunit hindi pa lumilipas ang ilang sandali ay tumawag itong muli kaya inis na sinagot niya ito. “Ano ba?! Tatawag ka lang ba para tawanan ako?!” Inis na sigaw niya habang ang ibang mga tauhan niya na nasa loob ‘din ng silid na iyon ay nagkakatinginan at pawang mayroong mga galit sa kanilang expression at gustong patahimikin ang tumatawag sa kanilang amo. “Oo naman syempre! Hahaha! Ano nga ulit nangyari sa operation mo? Nga-nga! Hahaha naubos ano? Akala mo ganon kadaling lapitan sila ang mga Grimes?! Nagkakamali ka!” Napahigpit lalo ang kapit ni Vladimir sa kaniyang kinauupuan dahil sa mga panunuyang sinabi sa kaniya ni Bellis. “Naka chamba lang ang mga ‘yon! Sa susunod sisiguraduhin ko na makukuha ko na si Anastasia o kahit na sino sa kanila!” “In your dreams! Isinugal ko ang buhay ko para magawa ng tama ang mission ko, bakit hindi mo ‘rin isugal ang buhay mo
KUNG ano ‘man ang sinabi ni Tanner ay hindi na maalis sa isip ni Anastasia. Hindi naman siya nag-aalala na baka mapahamak ang mag ito lalo na at nagsama-sama ang mag magagaling lumaban. Isa pa si Kevin at Tanner ay ang siyang leader ng dalawang organization kaya wala siyang dapat na ipag-alala pa. Ang inaalala niya ay ang tungkol kay Bellis. Kay Tanner na mismo nanggaling na maaari niyang masagot ang katanungan niya kanina, ibig sabihin lang niyon ay may alam si Tanner. Alam nito kung ano ang sagot at hindi lang nito sinasabi at sinusubukang pahulaan sa kaniya. “Mommy?” Napalingon siya sa anak niyang si Amari ng bigla nalamang itong magising. Pinatulog niya kasi muna ang mga bata at sinabi na kapag gising nila ay siguradong nanjan na si Troy at nailigtas na. “Najan na po ba si Troy?” kusot mata nitong tanong kung kaya hinalikan niya ang noo nito at umiling. “Wala pa anak, matulog ka muna okay? Sure, ako paggising mo pa ulit nadito na siya. Sleep well, okay? Sige ka ‘di kayo makak
“HAHAHA!!!” Pumalibot ang malakas na tawa ni Vladimir sa kaniyang kinalalagyan matapos malaman ang balitang wala na si Bellis o si Daisy. Noong una pa ‘man ng iligtas na nila ito ay hindi na niya gusto ang babae lalo na’t sipsip ito ng sipsip sa kanilang amo. Kahit pa magpalit ito ng muka ay hindi pa ‘rin magbabago na kumukulo ang dugo niya dito. Kaya nga ang tawag nila dito ay impustor dahil literal na impustor naman talaga ito. At ngayon na wala na ito sa kaniyang landas ay mas lalo siyang natuwa. Magagawa na niyang makuha ang loob mg kanilang boss at magagawa na ‘din niya ng maayos ang kaniyang trabaho. “Good job! Magandang balita ang ibinigay mo saakin!” tatawa-tawang sabi niya sa kaniyang tauhan na nakatayo sa harapan niya na nakangisi. “Hindi na ako magugulat boss, masyadong malakas ang kumpiyansa sa sarili ng impustor na ‘yon kaya ayan ang napapala niya,” napatango si Vladimir sa sinabing iyon ng tauhan niya at tumayo sa kaniyang kinauupuan. Tumanaw siya sa malawak na syud
(SCENE BAGO DUMATING SILA KATHY) “LOOK do we have here!” Nakakatakot na boses ni Vladimir ang pumalibot sa buong bahay nila Kathy na siyang ikinabulabog ng maid ng mga ito. “Sino kayo—b-baril?!” Tatakbo na sana ang isang babaeng maid ng agad itong paputukan ni Vladimir gamit ang kaniyang silencer. “Wow! Bulls eye boss!” Tila natutuwa pang papuri ng kaniyang tauhan kaya natawa naman ito. “Hanapin niyo ang mga bata! Ang manlalaban patayin! Pwera sa magulang ah? Kailangan malaman nilang galing tayo dito!” Agad na tumango ang tauhan niya at kumalat na sila sa buong bahay. Kasisikat palang ng araw ng sila ay pumunta doon kung kaya sigurado siyang magandang pambungad sa umaga ang kanilang gagawin. Isipin nalang nila na ganoon siya kung bumati ng ‘good morning’ natawa si Vladimir sa kaniyang naisip at umakyat sa second floor nas iyang ikinasunod ng iba niyang tauhan. “Billie! Nasaan na kayo? Nandito na si tito Vladimir mo,” malakas na sigaw niya na naging dahilan para magising ang ilan
“KATHY!” Napatingin si Kathy sa tumawag sa kaniya at agad na napatayo ng makita niya si Anastasia. Dali-dali itong tumakbo papunta sa kaibigan at niyakap ito ng sobrang higpit kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha. Napatayo naman ang magulang ni Kathy ng makitang dumating si Anastasia, nasa loob kasi ang mga ito ng kusina at naghihintay ng balita mula kay Brandon. “A-anastasia! Natatakot ako! Natatakot ako na hindi namin makita ang mga bata! Kanina pa nila hinahanap ang mga ito pero wala pa ‘rin!” Agad na humiwalay si Anastasia mula sa pagkakayakap niya sa kaibigan at hinawakan ang magkabila nitong pisnge upang mapatingin sa kaniya ito. “’Wag kang magsalita ng ganiyan okay? Hindi ba nakita nila si Troy? Sigurado akong mahahanap ‘din nila kung nasaan ang magkapatid, magtiwala ka sa mga asawa natin okay?” Hindi nakasagot sa kaniya ang kaibigan bagus yumakap nalang muli sa kaniya ito ng mahigpit. Nakita ni Anastasia na nakatingin sa kaniya ang mga magulang ni Kathy. “Tito, tita,