“HAHAHA!!!” Pumalibot ang malakas na tawa ni Vladimir sa kaniyang kinalalagyan matapos malaman ang balitang wala na si Bellis o si Daisy. Noong una pa ‘man ng iligtas na nila ito ay hindi na niya gusto ang babae lalo na’t sipsip ito ng sipsip sa kanilang amo. Kahit pa magpalit ito ng muka ay hindi pa ‘rin magbabago na kumukulo ang dugo niya dito. Kaya nga ang tawag nila dito ay impustor dahil literal na impustor naman talaga ito. At ngayon na wala na ito sa kaniyang landas ay mas lalo siyang natuwa. Magagawa na niyang makuha ang loob mg kanilang boss at magagawa na ‘din niya ng maayos ang kaniyang trabaho. “Good job! Magandang balita ang ibinigay mo saakin!” tatawa-tawang sabi niya sa kaniyang tauhan na nakatayo sa harapan niya na nakangisi. “Hindi na ako magugulat boss, masyadong malakas ang kumpiyansa sa sarili ng impustor na ‘yon kaya ayan ang napapala niya,” napatango si Vladimir sa sinabing iyon ng tauhan niya at tumayo sa kaniyang kinauupuan. Tumanaw siya sa malawak na syud
(SCENE BAGO DUMATING SILA KATHY) “LOOK do we have here!” Nakakatakot na boses ni Vladimir ang pumalibot sa buong bahay nila Kathy na siyang ikinabulabog ng maid ng mga ito. “Sino kayo—b-baril?!” Tatakbo na sana ang isang babaeng maid ng agad itong paputukan ni Vladimir gamit ang kaniyang silencer. “Wow! Bulls eye boss!” Tila natutuwa pang papuri ng kaniyang tauhan kaya natawa naman ito. “Hanapin niyo ang mga bata! Ang manlalaban patayin! Pwera sa magulang ah? Kailangan malaman nilang galing tayo dito!” Agad na tumango ang tauhan niya at kumalat na sila sa buong bahay. Kasisikat palang ng araw ng sila ay pumunta doon kung kaya sigurado siyang magandang pambungad sa umaga ang kanilang gagawin. Isipin nalang nila na ganoon siya kung bumati ng ‘good morning’ natawa si Vladimir sa kaniyang naisip at umakyat sa second floor nas iyang ikinasunod ng iba niyang tauhan. “Billie! Nasaan na kayo? Nandito na si tito Vladimir mo,” malakas na sigaw niya na naging dahilan para magising ang ilan
“KATHY!” Napatingin si Kathy sa tumawag sa kaniya at agad na napatayo ng makita niya si Anastasia. Dali-dali itong tumakbo papunta sa kaibigan at niyakap ito ng sobrang higpit kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha. Napatayo naman ang magulang ni Kathy ng makitang dumating si Anastasia, nasa loob kasi ang mga ito ng kusina at naghihintay ng balita mula kay Brandon. “A-anastasia! Natatakot ako! Natatakot ako na hindi namin makita ang mga bata! Kanina pa nila hinahanap ang mga ito pero wala pa ‘rin!” Agad na humiwalay si Anastasia mula sa pagkakayakap niya sa kaibigan at hinawakan ang magkabila nitong pisnge upang mapatingin sa kaniya ito. “’Wag kang magsalita ng ganiyan okay? Hindi ba nakita nila si Troy? Sigurado akong mahahanap ‘din nila kung nasaan ang magkapatid, magtiwala ka sa mga asawa natin okay?” Hindi nakasagot sa kaniya ang kaibigan bagus yumakap nalang muli sa kaniya ito ng mahigpit. Nakita ni Anastasia na nakatingin sa kaniya ang mga magulang ni Kathy. “Tito, tita,
NAGTINGINAN muna sina Tanner at Brandon bago tumango sa isa’t-isa at sabay nilang sinipa ang pinto na nasa kanilang harapan. Mabilis nilang itinutok ang kanilang baril sa loob at pumasok sa loob kasabay sina Lawrence, Clark, Tyler at Melany. Ngunit natigilan sila ng makitang walang tao doon kundi si Billie lamang. “Billie!” Mabilis na tumakbo si Brandon papunta sa kaniyang anak at niyakap niya ito ng mahigpit. Mukang nakilala naman ng kapatid nito ang boses ng kaniyang daddy kaya kusang dumilat ang mata nito. “May masakit ba sa’yo? May sugat ba kayo?! SI Ken, kumusta siya? Shhh andito na si daddy anak,” kausap nito kay Billie at kalaunan ay kay Ken. “Wala po akong sugat daddy o kahit ang kapatid ko. Maayos naman po kami,” nakahinga ng maluwag si Brandon dahil sa sinabi ng anak ngunit agad na naalala ang taong gumawa niyon sa mga ito kaya napatayo siya. “Nasaan na siya? Nasaan na ang taong dumukot sa inyo? Saan sila tumakas?!” agad na kumulo ang dugo ni Brandon dahil hindi niya pa
SIMULA palang ay plinano na talaga ni Sandro ang mapadikit kay Kevin at ang ipasok ito sa underworld. “Siya ba boss?” Tanong ni Wilbert habang nakatingin sa larawan ni Kevin ng ibigay niya dito. “Siya nga, keep an eye on him. Ako ang mag-aalok sa kaniya pumasok sa underworld at ikaw ang mag te-train sa kaniya,” seryosong sabi nito na agad naman ikinatamgo ni Wilbert at tinignan ang larawan ni Kevin. “Akong bahala boss, siguradong mag-eenjoy siya,” ngising sabi nito. Si Sandro talaga ang unang nakausap ni Kevin sa loob ng kotse habanag ito ay naka-maskara. Nagpalit lamang sila ni Wilbert ng oras na pumayag na ito na maging kabilang nila. Kagaya ‘din ng kaniyang plano, nang sawakas ay mapabilang na si Kevin sa underworld siya naman ang lumapit sa lalaki at nagpakilala bilang kaibigan. Kaibigan na hindi alam ng lalaki na siyang sasaksak patalikod. Katulad nalang ng magsimulang magka-imterest si Kevin kay Wilbert at sinisimulan ng kalabanin nito ay palihim niyang pinipigilan ang mga
“WHAT?!—Okay, papunta na ako,” biglang tayong sabi ni Sandro na ikinalingon ng mga ito sa kaniya. “Guys I need to go. Kevin nagka-problema sa org natin,” nagulat sila sa sinabi nito lalo na si Kevin. “Ano? Hindi ako pwedeng umali ngayon dahil nawawala si Anastasia! Sh*t! Bakit ngayon pa!” Lumapit si Sandro kay Kevin at hinawakan ang kaliwang balikay nito. “Don’t worry Kevin, ako ng bahala. Alam ko naman na mahalaga sa’yo ang mission na ito,” sandali na natahimik si Kevin dahil sa sinabi ng kaibigan at maya-maya ay niyakap niya ito sandali. “Thank you, Sandro! Ang laki talaga ng naitulong mo saakin! Maraming salamat,” “Pasasaan pa at mag kaibigan tayo diba?” natatawang sabi ni Sandro at nagpaalam na sa mga ito. “Sorry guys, need kong tapusin muna ang peste sa org namin. Kapag natapos ko agad pipilitin kong humabol,” “Okay lang ‘yan Sandro! Kung wala lang problema ngayon tutulungan ka namin,” nakangiting sagot ni Lawrence na ikinatango naman ng iba kung kaya nagmamadali na siyang
“ANONG sinabi mo?!” marahang tinulak ni Brandon si Kevin paalis sa kinatatayuan nito at agad na kinwelyuhan si Vladimir. “Kung nagbibiro ka masamang biro ‘yan Vladimir! Hindi pa kita napapagbayad tungkol sa pagdukot mo sa mga anak ko tapos ngayon sasabihin mo na si Sandro ang pumatay kay Bella?!” “N-nagsasabi ako nag totoo Brandon! Si Sandro ang nasa likod ng lahat ng ito! Pumunta siya dito para kunin si Anastasia pero dahil sa takot ko sa kaniya hindi ko nasabi agad na wala siya saakin!” nanghihinang nabitawan ni Brandon si Vladimir kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha. “M-may alam ka dito Tanner?” naagaw ang kanilang atensyon ng biglang magsalita si Melany na nakatingin na ngayon kay Tanner na seryoso lang na nakatingin kay Kevin. “May alam ka ba sa sinasabi ni Vladimir?! Na si Sandro ang pumatay kay Bella at nasa likod ng lahat ng ito?!” Napalingon si Kevin at Brandon kay Tanner dahil doon. Kita nila na wala itong emosyon hanggang maya-maya ay tumango ito. “Oo, alam ko ang t
“KUYA, sa tingin mo mahahanap nila si mommy?” malungkot na tanong ni Anastasia habang siya ay nakahiga at nakatingin sa kisame ng kanilang tinutuluyan na kwarto sa bahay ng tita Kathy nila. Pinagpahinga kasi muna sila ng mga nakakatanda at sila na ‘daw ang bahala sa paghahanap sa kanilang mommy. “Of course, sigurado akong gagawin nila ang lahat para mahanap si mommy,” agad na sagot ni Asher habang nakaupo sa kanilang kinahihigaan. “What makes you think that they will not find her?” lingo’ng tanong nito sa kambal. “Natatakot lang kasi ako kuya, pero syempre alam ko na gagawin nila ang lahat,” sagot nito ngunit maya-maya ay agad siyang napabangon mula sa pagkakahiga ng mayroon siyang maalala. “Kuya, naalala mo ba ‘yung mga nakalaban natin?” Napakunot ang noo ni Asher sa tanong nito ngunit tumango ‘din naman siya. “Hindi ba hindi nila tayo sinaktan? I mean, oo pinatulog nila tayo pero wala silang ginamit na baril! Naalala mo nitong mga nangayayaring gulo laging may baril ang kalaban