“YES, do whatever you can to find information about her—yes. Thank you.” Pagkababa ko ng tawag ay napabuntong hininga ako. Ngayon ang balik namin papuntang manila. Hindi na ‘rin kasi kami pwedeng magtagal dahil mamaya na ang libing ni Daisy. After namin siya ipaburol syempre kailangan ‘din namin siya bigyan ng maayos ng libing. Bukod sa itatabi ko siya sa magulang namin ay gusto kong iparating sa kaniya ang huling sinabi ni daddy. ‘Yung kausap ko nga pala ay isang private investigator. Mabuti nalang talaga at may apilyido ang mga nasa contact list ni Bella kaya madali kong maipapahanap si Melany. Gusto kong malaman lahat, gusto ko ‘din malaman kung paano nawala si Bella. Kung paano siya nakabalik dito at nakausap ako. Kung tutuusin ay napaka-imposible at tanging si Melany lang ang makakasagot ng mga tanong ko. “Wife, are you ready?” napalingon ako kay Tanner at ngumiti. Sa ngayon ay kailangan na muna naming magbyahe. NAKATINGIN na ako ngayon sa nitso ni Daisy. Nakikita niya kay
“KASISIMULA palang namin sa pagsasanay nakitaan na agad si Bella ng kakaibang talento. Maganda, mabait, matalino at matapang. Kahit na ayaw ni Tanner ay wala siyang magawa dahil matigas ang ulo nu’n. Hanggang isang araw nalaman nalang namin na magaling palang mag-imbento si Bella. Mahilig siya mangalikot at siya ang naging utak ng Empire Organization. At dahil nga doon ay maraming nagtangka sa buhay niya. Tanner is doing his best to save her, pero hindi mo mapipigilan si Bella. Nalaman nalang namin na mayroon palang habol sa kaniya ang isang org, ang time machine. No one knows na gumagawa pala siya nu’n, nang malaman namin ay huli na. Binawian na siya ng buhay.” “Nang dahil lang doon kaya siya pinatay ng kalaban niyo? Hindi ba nakakapagtaka? Kung gusto nila ang time machine bakit nila pinatay si Bella, dapat kukunin nila ito.” “’Yan ‘din ang pinagtataka ko Anastasia. Pero mahigpit ang bilin saakin ni Bella na kalimutan ko na ang lahat at lumagay sa tahimik. Hindi kita matutulungan A
Pagkatapos ng aming yakapan ay pinunasan niya ang luha ko at isinuot na niya saamin ang bracelet na bigay niya. Nang matapos ang fire-works ay napatingin kami sa paligid at doon ay nakatingin na saamin ang mga tao. Natawa kami, ina-nanounce nga pala ni Tanner na nandito ako. “Sa susunod kung sasabihin mo ‘din sa lahat na nandito tayo sabihan mo kami huh?” natawa siya sa sinabi ko at tumayo na. Nakapalibot na saamin ang mga guards upang pigilan ang mga gustong lumapit saamin. “I guess this is the time for us to go home,” natatawang sabi ni Tanner. “Ano pa nga ba daddy, kung hindi pagkakaguluhan tayo. Ang hirap talaga ng magandang lahi.” Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng anak kong si Asher. “Asher anak, iwas-iwasan mo ang pagsama ng madalas kay tito Lawrence mo ah.” Natawa sila sa sinabi ko kung kaya maging ako ay natawa nalang ‘din. ***“NERVOUS?” Napangiti ako ng pilit kay Tanner habang andito kami ngayon sa back stage at inaabangan na tawagin ng MC. Kinakabahan ako dahil
“ANASTASIA hija! Hindi ko alam na babalik kayo dito. Teka nasaan ang alaga ko?” Napangiti ng alanganin si Anastasia ng marinig niya ang salubong sa kaniya ni inang Ica ng pagbuksan siya nito ng pinto. Sa rest house agad ang deretsyo niya ng makarating sa Cebu. Hindi siya dapat mag-aksaya ng oras dahil baka magising si Brandon at isiwalat nito ang lahat kay Tanner. “Ako lang po mag-isa inang, may kukunin lang po akong importante na naiwan namin. Kung maaari po ay pakihandaan nalang po muna ako ng afritada, caldereta at menudo. Medyo nagutom po ako at na-miss ko ang luto mo.” Ngumiti pa siya ng malaki upang mas maging kapanipaniwala ang sinasabi niya sa matanda. “Ganon ba? Okay sige, ipaghahanda kita. Doon ka na muna sa kwarto niyo.” Napangiti ng malaki si Anastasia dahil kumagat sa pa-in niya ang matanda. Iniwan na siya nito sa may sala kung kaya dumeretsyo na siya agad sa kwarto upang iwan doon sandali ang kaniyang dalang bag at dumaan sa veranda. Iyon lang kasi ang maaari niyang d
“NASAAN ang asawa ko?!” Naalarma si Kathy ng dali-daling lumapit si Tanner kay Brandon na kagigising lamang at masakit pa ang ulo. Kinuwelyuhan ito ni Tanner kung kaya hinawakan niya ang kamay ng kaibigan at sinubukan na pigilan. “Tanner ano ka ba! Wala dito si Anastasia! Bitawan mo ang asawa ko!” pigil niya dito ngunit hindi nakinig si Tanner. Si Brandon naman ay parang doon palang natuhan at naalala ang nangyari bago siya tuluyang makatulog. ‘Si Anastasia!’ sigaw nito sa kaniyang isipan at gulat na napatingin kay Tanner. “Alam ko na dito siya pupunta at sasabihin sa’yo ang tungkol kay Bella!” sigaw muli ni Tanner at binitawan ang kwelyo ng lalaki pagkatapos ay inilabas ang papel na dala at hinagis niya ito sa kaibigan. Napatingin naman doon si Brandon at naalala niya ito, ang sulat na pinabasa sa kaniya ni Anastasia. “W-Wala dito si Anastasia! Oo nanggaling siya dito kanina pero pinatulog niya ako Tanner! Ang sabi ko sa kaniya ay kailangan mo ‘tong malaman pero hindi siya
ANASTASIA PAGKABABA ko ng cellphone matapos kong sabihin iyon kay Brandon ay napabuntong hininga ako. Sana lang ay maging maayos ang pagkikita namin nila Bella sa rooftop. Sumandal nalang ako sa aking kinauupuan at ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako ng ilang minuto, nagising nalamang ako sa gising ng flight attendant at nakarating na kami sa manila. Dumeretsyo ako agad sa kumpanya ni Tanner dahil sigurado naman ako na busy pa iyon sa trabaho sasabihin ko nalang na sinundo ko siya. ‘Yun ay kung dipa nasasabi ni Brandon kay Tanner ang lahat. Naputol ang pag-iisip ko ng muling tumunog ang aking cellphone at pagtingin ko ay isang unregistered number. “Hello?” “Anastasia, nasaan ka? Nandito ako ngayon sa harapan ng kumpanya ni Tanner, kailangan nating mag-usap.” Napaupo ako ng maayos nang marinig ko ang sinabi niya at napahigpit ang kapit ko sa manibela. “Papunta ako jan ngayon Melany. Wait for me, okay?” Binaba ko na agad ang cellphone at m
“KUMUSTA ka na Melany? Ang tagal mong umalis at nagpakalayo-layo.” Tanong ni Brandon kay Melany nang matapos humupa ng emosyon ni Tanner at maging ng mga ito. Nag pasya kami na dumeretsyo na muna dito sa office ni Tanner at mag-usap. Nalaman ko na maaga pala siyang umuwi dahil masakit ang kaniyang ulo, kaso hindi niya ako nadatnan sa bahay. Nakatayo lamang ako dito sa tabi niya habang hawak ang kaniyang kamay. Mahigpit ‘din naman ang kapit niya sa kamay ko kung kaya hinayaan ko nalang siya. Alam ko na masyado pa silang naguguluhan o naninibago dahil sa pagkikita nila kay Bella. “A-Ayos lang ako kuya Brandon. Umalis ako dahil iyon ang bilin saakin ni Bella bago siya tuluyang mawala. Masyadong masakit ang pagkawala niya hindi ko kayang makita ang mga lugar na lagi naming pinupuntahan ng magkasama.” Naiintindihan ko si Melany. Nang mawala sila mama at papa ay hindi ko talaga iyon kinaya, ultimo matatahimik lang ako ay kusa nang darating sa isip ko ang mga pangyayari o mga scenes n
“WIFE, please calm down. Makakasama sa baby natin ‘yan.” Nag-aalalang sabi ni Tanner sa kaniyang asawa habang nasa sala sila sa ibaba at pinapainom ng tubig si Anastasia. Nang malaman ni Tanner ang tungkol sa sinabi ng babae ay agad niyang pinatawag si Brandon upang ipaasikaso agad ang kinalalagyan ni Melany, habang si Anastasia naman ay dinala niya sa sala upang doon pakalmahin. “H-How can I calm down?! Narinig ko ang putok ng baril Tanner! Baka kung anong mangyari kay Melany! Kailangan natin siyang iligtas agad!” Frustrated na sabi ni Anastasia kung kaya hindi na napigilan pa ni Kathy ang sarili at hinawakan sa balikat ang kaibigan at niyugyog. “Wake up Anastasia! Nagkakagulo na nga sasabayan mo pa!” natahimik ito dahil sa sigaw ng kaibigan. Maging ang iba ay natahimik lalo na ang mga batang nakayakap kay Serene at tila natatakot sa nangyayari. “Hindi ka makakatulong kung uunahin mo ang taranta Anastasia. Tignan mo ang mga bata! Natatakot dahil sa mga sinasabi mo! Ginagawa na