"OH, ANO? Nasaan na ang inaanak ko?" Iyon kaagad ang salubong na tanong sa akin ni Danice nang makalabas ako sa bahay ni Elias nang hindi kasama ang anak ko. Walang buhay akong tumayo kanina mula sa pagkaka-upo at saka parang tinangay ang kaluluwa ko at muntik pang mapagulong sa hagdan kung hindi lang ako nakahawak sa railings. Ni hindi ko na nga alam kung gaano akong katagal na nakaupo lagi. Basta na lang akong tumayo at bumaba ng hagdan. Tiningnan ko lang ang kaibigan at isang beses na umiling. Umawang ang kanyang labi at agad na rumihestro sa kanyang mga mata ang kalituhan. Ngunit kahit gusto niyang magtanong ay hindi na lamang niya pinilit. Siya na rin ang pumara ng taxi dahil kung ako pa ang hihintayin niya, mas gusto kong maglakad. Hahayaan ko ang aking mga parang dalhin ako kahit saan. Mabawasan lang itong sakit na nararamdaman ko. Nang may tumigil na taxi sa harapan namin ay nagpatulak na lang ako basta kay Danice, gusto kong bumalik sa loob ng bahay at sugurin ulit si Eli
I HAD to walk as fast as I could or else I would not be able to control myself from crawling back to her and just let her do whatever she wants; and that is to take our daughter away from me. I don't want that to happen. I don't want to be away from my daughter again. Never.Natagpuan ko ang sariling isinasarado ang pintuan ng aking opisina na katabi lamang ng aking kwarto kung saan natutulog si Inez Isabelle, ang anak namin. Gusto ko mang puntahan ang natutulog naming anak ay mas ninais kong hindi na lang at baka magambala ko ang pagtulog niya. Naupo ako sa aking swivel chair atsaka nagsalin ng whisky sa baso. Napapikit ako habang dinadama ang alak sa aking lalamunan. I took a heavy breathe as I massage the bridge of my nose while thinking about the condition that I gave.Will she really do anything for our daughter? Three days. I gave her three days to decide whether staying here or she won't be seeing our daughter ever again. And I swear it. I will not let her see my daughter unl
KASALUKUYAN akong nagliligpit ng ilang gamit ko dahil naisipan kong umuwi na muna ng Sta. Cruz dahil dalawang araw lang ang pinayagan nilang leave ko. Noong araw na iyon kasi ay desidido ako at malaki ang tiwala ko na sandaling-sandali lamang kami rito dahil ipakikilala ko lang naman ang anak ko sa ama niya at pagkatapos ay uuwi na rin kami. Ganoon, sobrang dali. Pero hindi ko inaakalang ganito akong paglaruan ng tadhana.Ang tindi, gusto lang namang makilala ng bata ang ama niya pero heto at kinuha pa siya sa akin. Wala ng ibang sisisihin pa kundi ako, kung hindi sana ako nagpadala sa kagustuhang magkita ang dalawa ay sana kasama ko pa ngayon ang anak ko. Tatlong araw? Aanhin ko naman ang tatlong araw na ibinigay niya sa akin upang magdesisyong titira ako kasama niya kung ibang-iba na ang buhay namin ngayon kumpara noon? Kung noon ay pwedeng-pwede niya akong hilahin kung saan at kusa akong sasama. Pero ngayon ay hindi na pwede, marami na akong kailangan ikonsidara. Ang trabaho ko,
WALA akong inaksayang oras at agad akong naligo at nagbihis para mapuntahan ang anak. Ayos lang naman sana kung ako lang at sigurado naman akong papapasukin ako ng guwardiya ng subdivision pero nang magising si Danice at sinabing sasama raw siya ay hindi na ako humindi. "Alam mo, pwede namang ako na lang, eh. Okay lang talaga." Saad ko nang makasakay na kami sa elevator pababa. Alam kong mayroon siyang pinagdadaanan ngayon at ayaw kong mang-abala. Pero ngumuso lang siya at saka umiling. "Ano ka ba, okay lang, 'no! And hindi makakabuti sa akin ang mapag-isa! Mas maiisip ko lang ang mga irrelevant people na iyon kapag mag-isa ako." She even flipped hair, "masyado akong maganda para lang magmukmok sa kwarto. They are not worthy of my emotions!" Taas noo niyang sinabi at nakahawak pa sa kanyang beywang. Nagkatinginan kami at nag-apir. That's my girl! May nakaparadang sport's car agad sa tapat namin nang makababa na kami, hindi na ako naka-react nang hilahin ako ni Danice. Siya sa pa
"HINDI mo talaga maikakaila ang koneksyong namamagitan sa dalawang iyan, sir..." Anang tinig ni Manang Azon sa aking gilid. "Tingnan mo oh, kung magyakapan ay akala mo takot na takot mawalay sa isa't isa." Puna pa niya. "Wala pa ngang isang araw na nagkalayo silang dalawa ay ganito na sila kung magyakapan, paano pa kaya kung ilang araw, linggo o kaya naman taon? Hay, ang pagmamahal talaga ng isang ina ay hindi nasusukat ng kahit ano..."I gave her a side eye look as she walked away slowly at my back, leaving me there, speechless and can't move a muscle while staring at the two. Cassandra and Inez Isabelle who's now snuggling each other. I could just stare at them as they embrace each other like there's no tomorrow. I am frozen in place because I don't know what I would do. Halos mabaliw akong kakapatahan sa anak namin dahil iyak ito nang iyak at gusto talagang makita ang ina, at ang sandaling magkita sila ay para itong koala kung lumapit sa mommy nito. Wala akong makitang pagtutol
I GULPED hard as I listen to his silent cries while still hugging tightly at my waist. Na para bang iyon ang tanging kinakapitan sa mga sandaling iyong mahina siya. As much as I wanted to console him immediately, there's a part of me that holds me back. That part of me wants to listen to his cries more. I am being grateful seeing him being vulnerable like this. Crying his heart out, telling me freely about his worries. "Sana... Sana hindi ko na lang siyang kinuha ng sapilitan sa iyon. Patawarin mo ako, ang lakas-lakas ng loob kong kuhanin siya ni wala akong kaa-ide-ideya sa pagiging isang ama. Isang magulang." Mababa ang boses niyang sinabi, nag-angat siya ng tingin sa akin at agad akong nag-iwas ng tingin nang makita namumugto niyang mata. Nakaramdam ako ng pagprotesta nang tanggalin niya ang nakayakap na braso sa aking tiyan ngunit pinigilan ko ang sarili. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod, akala ko ay lalabas na siya ng kwarto ngunit naglakad lamang siya patungo sa sofa set. He s
WALA naman talagang certain course on how to be a parent in the first place. Basta mo na lang mararamdaman ang responsibilidad mo at kapasidad na mayroon ka kapag nariyan na mismo sa harapan mo ang anak mo. Mapapasabi ka na lang na ah, gusto kong maging mabuting tao para sa batang ito. Gusto kong gumawa ng tama na maaari niyang mapakinabangan. Iyong ganoon. Hindi rin natin malalaman kung magiging mabuting magulang ba tayo sa isa o dalawang beses mo pa lang naaalagaa ang anak mo. Especially to those first time parents, they don't know what to expect and what to do next. It takes time to figure it out, ang mahalaga ay sinusubukan mo araw-araw. Araw-araw rin ay mayroong bagong kaalaman at nakakatuwa ang ganoon. Umuuga-uga ang kanyang mga balikat sa sobrang pagtawa pero kailangan niyang takpan ang bibig para huwag magising ang anak. He's so amazed of her daughter's silliness. However, despite of those laughs I could see the glimmer of tears in his eyes and seconds later, his laughs turn
KASALUKUYAN kaming naglalabanan ng tingin ni Elias. Nakaangat ang isang kilay niya na para bang nanghahamon pero hindi ko siya inurungan at pinagtaasan din ng kilay. "Hello? Sandra, nariyan ka ba?" Doon ko napagtanto na may kausap pala ako sa cellphone. "Para namang sira 'to, may nangyari bang masama? Bakit hindi ka makapagsalita?" Sunod-sunod niyang tanong. "W-Wala naman, ayos lang kami rito..." Sagot ko nang hindi inaalis ang tingin kay Elias na parang batang nagmi-make face at umirap. "Nga pala, napatawag ka!" Umingos ang nasa kabilang linya. "Anong klaseng tanong naman iyan, Maxine? Siyempre, nag-aalala! Ikaw ba naman na magtatatlong araw nang walang paramdam ay talagang mag-aalala kami! Lalo na sina nanay at tatay, gusto ka raw makausap at makumusta ang lagay ng apo nila." Umirap ako at saka ngumisi. "Aysus, ang sabihin mo, namimiss mo lang ako!" Nag-iwas ako ng tingin sa kaharap nang gawaran niya ako ng matalim na tingin. "Kunyari ka pang nag-aalala ang nanay at tatay, ah!"
“NAKU, pasensya na po at iyan ang inabot ninyo kay sir!” Anang babaeng sa tingin ko’y nasa mid-twenties na. Hindi gaanong katangkaran, medyo malaman at morena beauty. “Ako nga pala si Ria. Magtatatlong taon na ako rito mula nang magkasakit ang inay ko. Kailangan ko kasi ng pera tsaka mabait si sir, malaki pa magpasahod. Hihi.” Matunog siyang humagikhik at tinanaw pa ang entrada ng hagdanan na para bang nakikita niya pa ang lalaking iyon. “Ikaw? Anong pangalan mo?” Humugot ako ng malalim na hininga bago sumagot. “Sandra, ako si Sandra.” Tipid ko siyang nginitian. Trienta minutos na ang nakalilipas nang maganap ang katarantaduhan ng gagong Elias na iyon, hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako sa pinaghalong takot at galit sa kanya. Kapag talaga nagtagpo kami ng lalaking iyon hindi ako magdadalawang isip na bigyan siya ng black eye. Wala akong pakialam kung sesantehin niya ako ngayon din, makaganti lang ako sa ginawa niya. Trienta minutos akong naupo at umiyak sa hagdan nang datnan
MY NOSE scrunch as I roamed my eyes outside of the van. Parang napapalayo na kami sa kabihasnan. Parang hindi naman ito ang ini-imagine kong bahay ng artista! Ang alam kong bahay ng artista ay nasa syudad, iyong nagtataasang building at maraming guards na subdivision! Pero ito, hindi! Sobrang layo! O baka naman kaya malayo kasi hindi talaga mayaman si Elias at palabas lang lahat! Oo palabas lang para magustuhan siya ng mga tao! “Nandito na po tayo, ma'am…” anang driver at saka bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Kumunot ang noo ko at napalingon nang tuluyang makababa. Bumungad sa akin ang pilak na malaking gate. Gate pa lang iyon at wala pa akong nakikitang bahay! “Maghintay lamang po kayo ng kaunti ma'am at parating na ho ang golf cart na maghahatid sa inyo sa mansion ni sir.” Anang driver na siguro ay napansin ang paglulumikot ng mata ko. Napatango-tango ako at hindi na rin nagsalita. Masyadong malayo ang lugar na ito sa kabihasnan ngunit bahagyang gumaan ang pakiramdam ko
"I JUST want to remind you that once you start working with him, you are not allowed to mention it to anyone. And that, as well, was stated in your contract. Nagkakaintindihan ba tayo?" Allison said in a stern, professional voice. Lumunok ako at saka tuwid na umupo saka siya magaang nginitian. "Noted, Ma'am. I won't do anything that can harm Mr. Villacaza..." Kahit pa man gusto kong masuka sa kapangitan ng ugali ng hinayupak na iyon pero hindi naman sa puntong kaya ko siyang ipahamak. Lalo pa at siya na ngayon ang trabaho ko. Wait, parang ang laswa pakinggan. Sa kanya na ako magtatrabaho, siya na ang magpapasahod sa akin. "Alright, that's nice to hear, then. Starting tomorrow, you'll be with him wherever he is." Aniya na ikinanlaki ng mata ako! "Pagod na pagod na ako sa pagiging gala ng lalaking 'yon." Dagdag ni Ma'am Allison at minasahe pa ang sentido na para bang isang malaking batang pasaway ang tinutukoy niya.Wait... Kung simula bukas ay naroon ako kung nasaan siya, paano ang
TATLONG araw na ang nakalilipas simula nang mangyari ang kahindik-hindik na araw na iyon. Oo, matatawag kong kahindik-hindik ang mga iyon dahil sa damuhong 'yon!"Alam mo, Sandra. Sa tuwing nakikita ko ang videos ni Theo James, si Elias na ang nakikita ko! Oh My God! He's just so freaking good looking! Hindi ko talaga masisisi ang ibang babae na niluluhuran siya at halos hagkan na ang mga paa because I, too, would do that!" Anang talanding babaitang kumakain ng chicken sandwich. She was scrolling on her phone and everytime there's a video of Theo James appearing on a certain application, she'll shreik and showed it to me.Jusko, kulang na lang malaglag ang panty niya!"Tsk. Tigilan mo mga iyang pagkilig-kilig mo sa lalaking iyon, yes maybe he's freaking hot pero sobrang bastos naman! Tss. Aanhin naman niya ang kaguwapuhan niya gago naman?" Simangot ko, umaasang kakampihan ng kaibigan but the brute even screamed more!"Ahhh! Gustong-gusto ko 'yon! If he'd do that to me, luluhod pa ako
"WILL you please calm down?" Anang babaeng tinawag ni Elias na Ally kanina. Napahawak siya sa kanyang noo na para bang hindi ito ang unang beses na ginawa iyon ng lalaking 'to. "Please have a seat, Miss Cariño let's review your documents—" "What?!" Pagtututol ni Elias, ewan ko ba sa lalaking ito at parang pinaglihi yata sa lamang lupa. "No! I don't want her to work with me! I don't like her to be near me!" Aniya na para bang mayroon akong nakakadiring sakit. Kinuha ni Miss Ally ang folder ko at hindi pinansin si Elias. Umismid ako. "Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sayo, ah! At ikaw lang din naman na ipinaglihi sa diablo, ay huwag na!" Umirap ako. I heard gasps. "Huh! How dare say that to me! Alam mo bang ako si Elias Damian Villacaza?! I am the highest paid actor in the country!" Pagmamayabang niya. My forehead creased. I rolled my tongue on my lips and stared at him from head to toe kahit pa ang kalahati ng kanyang katawan ay nasa likod ng lamesa. Yes, alright. He's gwap
HANGGANG sa makarating sa eskwelahan ay iyon ang bumabagabag sa akin. Gusto ko, gustong-gusto kong makahanap ng trabaho o kaya kahit part time para sa pang-araw-araw kong gastusin. Kaya lang ay parang too-good-to-be true naman ang sahod. Baka naman tactics lang nila iyon para maraming mag-a-apply at kapag natanggap na ay roon biglang sasabihin kaya ganoon na lang kalaki ang sahod dahil all around? Hindi lang P.A kundi katulong din maging sa paglilinis ng kung ano-ano? O baka masyadong pasaway ang artistang iyon kaya ganoon? Bumabawi na lang sa pera?Nahilot ko ang aking sentido. Tsk, masyado na akong nadala sa ipinakita ng aking Tiya kaya ganito na lamang ako kung mag-isip. Nakakatakot, nakakatakot magtiwala ulit. Pero kailangan ko ng trabaho. "Hey, province girl! Do this for me!" Anang maarteng tinig sa aking harapan, walang pakialam na ibinagsak ang mga papel sa arm chair ko. Kasalukuyan na kaming nasa classroom at wala ang Prof dahil nagka-emergency raw. Kaya ngayon ay nakatung
"WHAT the hell, happened to you?!" Danice blurted out in horror as she scans my whole being.Nasa labas ako ng apartment niya. Ilang minuto nang makarating ako rito ay saka ko pa lamang siya tinext. Ang akala ko ay wala siya rito ngayon kaya naisip ko ng maupo muna sa labas ng apartment niya at maghintay hanggang sa makarating siya. "A-ano..." Nilunok ko ang bikig sa aking lalamunan nang maalala na naman ang sinapit ko. Gustuhin ko mang ngumawa at isumbong sa kanya ang lahat, ayaw ko na siyang gambalain pa. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri at kinagat ang pang-ibabang labi. "L-Lumayas na ako kila Tiya, eh... Pwede bang dito na muna ako? Pangako, makikihati ako sa lahat ng bayad! Hindi rin ako burara! Marunong akong maglinis, maglaba, pati sa research mo kung gusto mo ay gagawin ko libre na—" "Wait, wait, wait! Hold up, Cassandra!" Kunot noo niyang sinabi at itinapat ang kanyang palad sa aking mukha. "You're talking too much. There's something wrong with you!" Aniya. Nag-iwas ako
TRIGGER WARNING: RAPE*****"BITAWAN mo ako, hayop ka!" Marahas akong nagpumiglas sa marahas niyang pagkakahawak sa akin. "Tulong! Tulungan ninyo ako! Ate Irine, tulong!" Pagsisisigaw ko kahit na mas malabo pa sa tubig baha na marinig ako dahil sa sobrang lakas ng pagdagungdong ng tugtog sa buong bahay. "Stupid woman! Kahit ano pang sigaw mo, no one will ever hear you! No one!" Malakas niyang sigaw sabay angat ng kanyang kamay at malakas akong sinampal dahilan upang bumagsak ako sa sahig. "Matagal na akong nagtitimpi sa'yo, malandi ka! You're so hard to get na parang hindi ka isang bayarang babae!" Nagtatagis ng kanyang mga bagang at nanlilisik ang mga matang nakadungaw sa akin. Hindi alintana ang hapdi sa aking pisngi, sinikap ko ang sariling gumapang palayo sa halimaw na ito. Kailangan kong makalayo sa kanya, kailangan kong makaalis sa lugar na ito! Mala-halimaw siyang nagpakawala ng halakhak nang makita ang ginagawa ko. "What?! You're trying to escape?! Do you think you can? Dre
"WOAH! Jollibee chicken is the best! Kahit yata aaraw-arawin ko ito ay hindi ako magsasawa!" Saad ko na may pagpikit pa ng mga mata habang ninanamnam ang lasa ng manok."Same here! Hinding-hindi ako magsasawang kumain rito!" Malawak ang ngiting sinabi ni Danice. "Dadalhin ko si Albert dito! I'm sure he'll love what I love!" Umismid ako sa sinabi niya at sandaling tumigil sa pagnguya. Did I just heard her mentioned a name of a man? Albert... Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya na kalaunan ay ganoon din siya nang para bang may napagtanto. Tuluyan ko ng ibinaba ang manok sa aking plato at saka pinanliitan ng mata ang kaibigan. "Oh my gosh! Goodness! Sorry, sorry, sorry! I forgot to tell you!" Natataranta niyang sinabi sa akin, nagpalingon-lingon pa siya sa palagid at tinakpan ang kanyang bibig. "Oh my god! Sorry, Sandra-dear... I got carried away! It slipped out of my mind! Promise, hindi ko intensyong hindi sabihin sa'yo, but I always tell him about you naman so maybe... I am