"He is an investor?" natatawang tanong ni Nico. "Are you joking? He's a body -" "Nico, this is Miguel Damien Montevallo. Are you familiar with their company?" Dali-dali ako tumayo at lumapit kay Miguel. "He's a Montevallo?" Nico clarified. "Oo. And -" Tumingin ako kay Miguel. "Mag-i-invest ka sa kompanya namin?" Napatakip ako ng bibig. Ngayon ko lang napagtanto na siya ang ikalawang mag-i-invest pero mamaya pa ang meeting namin. Hindi siya sumagot. Nanatili pa rin siyang nakatingin kay Nico. "Nagme-meeting ba kayo o naglalandian?" Hindi nakatakas sa pandinig ko ang tanong ni Miguel. Pilit kong pinakalma ang sarili para hindi niya mahalatang nakakapikon ang tanong niya. Kung ano man ang iniisip niya dahil nakita niya kami na nasa gannong posisyon, maling-mali ang nasa isip niyang naglalandian kami. Bumaling ako kay Nico. "I think tapos na tayong mag-usap, Mr. Winston. Please contact us if sigurado na kayong mag-i-invest sa kompanya namin para maihanda na namin ang kontrata." Ibin
Pagkalabas ni Miguel ay napansin kong tumatawag si Daddy. Napasinghap ako bago ito sinagot. "Miguel just called me!" agap ni Daddy sa kabilang linya. "Miguel De Castro is a Montevallo, Dad. Hindi niyo rin ba alam na anak siya ni Don Ernesto?" Hindi ko maitago ang inis na nararamdaman ko. "What? He's a Montevallo? Paano nangyaring may anak si Don Ernesto?" "I met him last night after the Art Auctions. Kagabi lang din namin nalaman na anak siya ni Mr. Montevallo. Pati pamilya ni Alexander nagulat din nang ipakilala niya sa amin ang nag-iisang anak niya." "Does your mother know about this?" "She's not my mother," pagtatama ko. "Ikaw na ang bahalang magsabi sa kaniya. Baka sa akin niya na naman ibuntong ang galit niya kapag nalaman niya rin ang tungkol kay Miguel." "How about the other investor? Nakausap mo ba si Mr. Nico Winston?" "Yes, I did. He will contact us once nakapag-desisyon na siya." "Good. I'll call your mother. Mamayang gabi ang flight ko pabalik ng Pilipinas. Magkit
Umuwi ako ng bahay na parang walang nangyari. Naligo ako agad bago humiga sa kama habang hinihilot ang sentido ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagbabasakaling makakatulog agad, ngunit gising na gising pa rin ang diwa ko. Hindi maalis-alis sa isipan ko ang mga videos na sinent sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng bedside table. Gusto kong panuorin ng maigi ang mga videos. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nagawa nila. Lalong-lalo na si Ate Cecile. Hindi ako makapaniwalang papatol siya kay Alexander. May parte sa akin na iniisip na baka edited ang mga videos at ginamit lang ang mukha ni Ate Cecile. Pero habang pinapanuod ko ang mga videos nila habang nagtatalik, walang bakas na edited ang makikita ko sa mga videos. Nandidiri na nga ako habang pinapanuod silang gawin ang hard-core sex. Sigaw nang sigaw si Ate Cecile. Halatang nasasarapan siya sa ginagawa ni Alexander sa kaniya. May relasyon silang dalawa. Bakit hindi ko agad napansin 'yon? They fucked behind my back. Napa
Pinatay ko ang TV matapos kong marinig ang sagot niya. Hindi ko maitago ang inis ko nang nalamang ang bilis niyang naka-move on sa relasyon namin. Ganito ba siya kabilis maghanap ng babae? Wala pang isang buwan mula nang naghiwalay kami. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Agad kong pinatay ang tawag nang nakita ang pangalan ni Mommy. Napatingin ako sa wall clock, pasado alas otso na ng gabi. Ang bilis ng oras. Hindi ko man lang namalayan. Bago ako natulog, nag-book muna ako ng isang room sa Isla Del Fuego. Doon ako pupunta bukas. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapunta ng resort para mag-unwind. Kesa naman isipin ang mga problema at magmukmok dito sa condo, lilibangin ko na lang ang sarili ko. Magpapakalayo muna ako sa mga problema. Welcome to Isla Del Fuego! Ito ang bumungad sa akin pagdating ko sa isla habang tinutulak ang aking maleta papasok at hinahanap ang room ko. Tirik na tirik ang araw at nakalimutan kong maglagay ng sunscreen bago ako umalis ng condo. "
"Why are you here? Sinusundan mo ba ako? Bakit kahit saan ako magpunta ay nandoon ka rin?" Hindi ko maitago ang inis na nararamdaman ko nang naalala ang balita kagabi. "Stay away from me, okay? Maghanap ka na lang ng ibang lugar. Huwag dito." "Bakit naman kita susundan? Ano ka gold?" I gritted my teeth. "Bakit ka nga nandito? Dito mo pa talaga naisipang magpahangin kahit alam mong nandito ako -" "Hindi kita sinusundan, Caroline. Hindi ko rin alam na nandito ka. I'm here for business. That's all," depensa niya. "You're here for business, huh? Then, leave me alone. Bigyan mo ako ng peace of mind, Miguel. Doon ka na lang sa kabilang puno tumambay kung gusto mong magpahinga," pagtataboy ko sa kaniya. "Maganda ang view rito. Hindi rin gaanong maanit dahil ito lang ang pinakamalaking puno sa isla. May problema ba kung dito ako tatambay?" "Malaki ang problema kung dito ka tatambay!" asik ko. Hinarap ko siya. Nakatingin siya sa dagat. "Ayaw kitang makita at ayaw mo rin akong makita. Ako
Neon green ang kulay ng bikining sinuot ko dahil pool party naman ang pupuntahan ko. Pinarisan ko ito ng itim na blazer na abot hanggang hita ang taas. Naglagay ako ng makapal na lipstick sa labi at light make up. Habang nag-aayos ay hindi ko maiwasan ang sarili kong mapasayaw nang narinig ko ang malakas na music galing sa pool. Mukhang magsisimula na ang pool party kasi naririnig ko na rin ang malakas na hiyawan at sigawan ng mga tao. Ibinalik ko sa aking maleta ang aking mga gamit pagkatapos kong mag-ayos. Nakaka-hype ang pinapatugtog nila. Mas lalo akong na-excite na pumunta roon. Para na rin akong pumunta ng club o bar. Pagdating ko sa pool, agad akong sinalubong ng waiter at pinapili ng maiinom. Juice muna ang kinuha ko dahil katatapos ko lang kumain ng dinner. Mamaya na ako iinom. Napapangiti ako habang nililibot ang paningin ko sa buong pool. Malaki ang pool. Marami ang naliligo. Ang iba naman ay nag-iinoman sa gilid. Kararating ko lang pero gusto ko nang maligo agad. Ibina
Hinahabol ko ang aking paghinga nang nagising ako. Nanlalabo pa rin ang paningin ko. "Caroline! Caroline!" Napahawak ako sa dibdib ko at kinusot-kusot ang mata ko. I'm alive. Hindi pa ako patay. Bumangon ako at bumaba ang paningin ko sa aking paa. Namumula ito at kitang-kita ang kamay ng taong gustong lumunod sa akin sa pool. Kumalas ako sa pagyakap para tingnan kung sino ang sumagip sa akin. Para akong naninigas sa inuupoan ko nang nakita ang mukha ni Miguel. Inikot ko ang paningin ko. Napapalibutan ako ng maraming tao. Napaigtad ako nang bigla niya akong buhatin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hinayaan ko na lang siyang buhatin ako at dalhin sa lugar kung saan safe ako. Bumaba ang paningin ko sa dibdib niya nang napansin ang malakas na pagkabog ng puso niya. Deep inside, nakaramdam ako ng saya. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba nandiyan siya para sagipin ako o dahil sa tuwing nanganganib ang buhay ko ay palagi siyang nandiyan. Nakabalik lang ako sa sarili ko nang ibina
Umupo ako sa kama pagkatapos kong magbihis habang si Miguel naman ay hindi pa tapos maligo. Napalingon ako sa cellphone niya nang napansin kong may tumatawag. Tumayo ako upang tingnan 'yon. "Love?" sambit ko nang nakita ang pangalan ng caller. Ibinalik ko ito sa ibabaw ng mesa nang hindi ko na narinig ang tunog ng shower. "Ayos ka lang ba? Para kang nakakita ng multo," bulalas niya paglabas galing sa banyo. Niyakap ko ang aking sarili nang naramdaman ko ang malamig na hangin galing sa labas. "Kumportable ka ba sa suot?" tanong niya nang tapos na siyang magbihis. Tumango ako. Nakatingin pa rin ako sa cellphone niya. Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko. Gusto kong makilala ang babaeng pinalit niya sa akin. Bahala na kung desperada ako. "Matulog ka na. May tatawagan lang ako," sabi niya at kinuha ang cellphone. "Sige," tipid kong sagot bago humiga sa kama. Lumabas siya ng kwarto. Baka tatawagan niya ang girlfriend niya. Isinara niya ang pinto. Dahil curious