Parang nalaglag ang mga panga naming lahat sa gulat. Hindi ko maialis ang paningin ko kay Miguel. "S-Siya ang anak niyo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tita Portia habang tinuturo si Miguel. "Paano kayo nagkaroon ng anak kung wala kayong asawa, Don Ernesto?" "Portia, matagal na kaming hiwalay ng asawa ko. Ang alam ng media ay isa akong matandang binata. Anyway, huwag muna nating pag-usapan 'yan. Ikinagagalak ko kayong makita ulit." Tumingin siya kay Miguel. "Hijo, hindi mo naman sinabi sa akin na kilala mo pala sila." "Hindi ko rin alam na magkakilala kayo, Dad," sagot ni Miguel. Napansin ko ang pag-iba sa ekspresiyon ng mukha nina Tito Rafael at Tita Portia. Bakas sa mga mukha nila ang hindi pa rin makapaniwala. "Kung hindi ninyo masasamain, mauuna na kaming umalis sa inyo," sabi ni Don Ernesto. Nanatili kaming nakatingin sa kanila habang naglalakad paalis hanggang sa hindi na namin sila nakita. Parang nakabalik lang ako sa sarili ko nang naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellp
Mabilis akong lumayo sa kaniya at tinalikuran siya. Ngunit bago pa ako makaalis ay hinawakan niya ang braso ko. Napalunok ako nang bigla siyang umupo, hinawakan ang parte ng gown na napunit. "What are you doing?" tanong ko nang nakitang pinunit niya ang gown ko. Nagmukha na itong dress pagkatapos niyang tanggalin ang ibang tela hanggang tuhod ko. Hinarap niya muli ang babae. "Ibigay mo sa akin ang cheque," utos niya rito. Nakataas ang kilay ng babae at mabilis na ibinasok sabra niya ang chequeng ibinigay ko sa kaniya. "Ayaw mong ibalik sa kaniya?" pagbabanta ni Miguel. Napalunok ako nang nilapitan niya ang babae. Napapaatras naman ito. "Hindi ko binabawi ang cheque. Ibinigay ko 'yon sa kaniya dahil nadumihan ang suot niyang dress," singit ko. "Ibibigay mo ba ang cheque o ako mismo ang kukuha ng 'yan sa loob ng bra mo?" pagbabanta ni Miguel. "Sige, subokan mo. Ipapapulis kita!" pagbabanta ng babae. Napalingon ako sa paligid, nakatingin na silang lahat sa amin. Tinakpan ko ang
Pagdating ko sa opisina, agad kong inutosan si Lena na papuntahin sa opisina ko ang personal assistant ni Daddy na si Miss Melani Angcahan. Inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa ng accounting reports habang hinihintay ang pagbalik ni Lena. Nag-angat ako nang tingin sa pinto nang bumukas ito at pumasok sina Lena at Miss Melani. "Good morning, Ma'am. Narito po pala ang schedules ng meeting para sa dalawang taong mag-i-invest sa kompanya," sabi ni Miss Lani at lumapit sa akin saka ibinigay ang hawak niyang tablet sa akin. "By nine o'clock, magsisimula na po ang meeting sa unang investor at after lunch naman ang meeting sa ikalawa nating investor." Tumango lang ako at nag-scroll sa tablet niya. "Greensmith Innovations? A tech company that focused on sustainable solutions. Hindi pamilyar sa akin ang kompanyang 'to," komento ko pagkatapos kong basahin ang short background nila. "Bagong kompanya po 'yan, Ma'am, dito sa Pilipinas na pagmamay-ari ng isang Filipino-British businessman. Base
"He is an investor?" natatawang tanong ni Nico. "Are you joking? He's a body -" "Nico, this is Miguel Damien Montevallo. Are you familiar with their company?" Dali-dali ako tumayo at lumapit kay Miguel. "He's a Montevallo?" Nico clarified. "Oo. And -" Tumingin ako kay Miguel. "Mag-i-invest ka sa kompanya namin?" Napatakip ako ng bibig. Ngayon ko lang napagtanto na siya ang ikalawang mag-i-invest pero mamaya pa ang meeting namin. Hindi siya sumagot. Nanatili pa rin siyang nakatingin kay Nico. "Nagme-meeting ba kayo o naglalandian?" Hindi nakatakas sa pandinig ko ang tanong ni Miguel. Pilit kong pinakalma ang sarili para hindi niya mahalatang nakakapikon ang tanong niya. Kung ano man ang iniisip niya dahil nakita niya kami na nasa gannong posisyon, maling-mali ang nasa isip niyang naglalandian kami. Bumaling ako kay Nico. "I think tapos na tayong mag-usap, Mr. Winston. Please contact us if sigurado na kayong mag-i-invest sa kompanya namin para maihanda na namin ang kontrata." Ibin
Pagkalabas ni Miguel ay napansin kong tumatawag si Daddy. Napasinghap ako bago ito sinagot. "Miguel just called me!" agap ni Daddy sa kabilang linya. "Miguel De Castro is a Montevallo, Dad. Hindi niyo rin ba alam na anak siya ni Don Ernesto?" Hindi ko maitago ang inis na nararamdaman ko. "What? He's a Montevallo? Paano nangyaring may anak si Don Ernesto?" "I met him last night after the Art Auctions. Kagabi lang din namin nalaman na anak siya ni Mr. Montevallo. Pati pamilya ni Alexander nagulat din nang ipakilala niya sa amin ang nag-iisang anak niya." "Does your mother know about this?" "She's not my mother," pagtatama ko. "Ikaw na ang bahalang magsabi sa kaniya. Baka sa akin niya na naman ibuntong ang galit niya kapag nalaman niya rin ang tungkol kay Miguel." "How about the other investor? Nakausap mo ba si Mr. Nico Winston?" "Yes, I did. He will contact us once nakapag-desisyon na siya." "Good. I'll call your mother. Mamayang gabi ang flight ko pabalik ng Pilipinas. Magkit
Umuwi ako ng bahay na parang walang nangyari. Naligo ako agad bago humiga sa kama habang hinihilot ang sentido ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagbabasakaling makakatulog agad, ngunit gising na gising pa rin ang diwa ko. Hindi maalis-alis sa isipan ko ang mga videos na sinent sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng bedside table. Gusto kong panuorin ng maigi ang mga videos. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nagawa nila. Lalong-lalo na si Ate Cecile. Hindi ako makapaniwalang papatol siya kay Alexander. May parte sa akin na iniisip na baka edited ang mga videos at ginamit lang ang mukha ni Ate Cecile. Pero habang pinapanuod ko ang mga videos nila habang nagtatalik, walang bakas na edited ang makikita ko sa mga videos. Nandidiri na nga ako habang pinapanuod silang gawin ang hard-core sex. Sigaw nang sigaw si Ate Cecile. Halatang nasasarapan siya sa ginagawa ni Alexander sa kaniya. May relasyon silang dalawa. Bakit hindi ko agad napansin 'yon? They fucked behind my back. Napa
Pinatay ko ang TV matapos kong marinig ang sagot niya. Hindi ko maitago ang inis ko nang nalamang ang bilis niyang naka-move on sa relasyon namin. Ganito ba siya kabilis maghanap ng babae? Wala pang isang buwan mula nang naghiwalay kami. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Agad kong pinatay ang tawag nang nakita ang pangalan ni Mommy. Napatingin ako sa wall clock, pasado alas otso na ng gabi. Ang bilis ng oras. Hindi ko man lang namalayan. Bago ako natulog, nag-book muna ako ng isang room sa Isla Del Fuego. Doon ako pupunta bukas. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapunta ng resort para mag-unwind. Kesa naman isipin ang mga problema at magmukmok dito sa condo, lilibangin ko na lang ang sarili ko. Magpapakalayo muna ako sa mga problema. Welcome to Isla Del Fuego! Ito ang bumungad sa akin pagdating ko sa isla habang tinutulak ang aking maleta papasok at hinahanap ang room ko. Tirik na tirik ang araw at nakalimutan kong maglagay ng sunscreen bago ako umalis ng condo. "
"Why are you here? Sinusundan mo ba ako? Bakit kahit saan ako magpunta ay nandoon ka rin?" Hindi ko maitago ang inis na nararamdaman ko nang naalala ang balita kagabi. "Stay away from me, okay? Maghanap ka na lang ng ibang lugar. Huwag dito." "Bakit naman kita susundan? Ano ka gold?" I gritted my teeth. "Bakit ka nga nandito? Dito mo pa talaga naisipang magpahangin kahit alam mong nandito ako -" "Hindi kita sinusundan, Caroline. Hindi ko rin alam na nandito ka. I'm here for business. That's all," depensa niya. "You're here for business, huh? Then, leave me alone. Bigyan mo ako ng peace of mind, Miguel. Doon ka na lang sa kabilang puno tumambay kung gusto mong magpahinga," pagtataboy ko sa kaniya. "Maganda ang view rito. Hindi rin gaanong maanit dahil ito lang ang pinakamalaking puno sa isla. May problema ba kung dito ako tatambay?" "Malaki ang problema kung dito ka tatambay!" asik ko. Hinarap ko siya. Nakatingin siya sa dagat. "Ayaw kitang makita at ayaw mo rin akong makita. Ako