#OnePromiseWp
Chapter 10
"Naomi!"
Peke akong ngumiti nang lingunin ko ang aking ka-dorm na si Allyssa.
"Bakit?"
Kapapasok niya lang sa dorm room at mukhang pagod na pagod siya. Bumaba ang mata ko sa kanyang pangangatawan, ngunit agad akong huminto sa kanyang kamay. Nakita ko na naman ang isang pamilyar na sobre.
"May sulat ka na naman galing sa tatay mo. Wala ka bang planong kunin ito?" inosente niyang tanong at inilahad ang sulat sa aking harapan.
Inirapan ko yung sulat at tinalikuran siya para ibalik sa pag-aaral ang atensiyon. "Wala, itapon mo na lang ulit iyan," pagbabalewala ko.
Bumuntonghininga si Allyssa. "Ano ba'ng ginawa sa iyo ng tatay mo at galit na galit ka sa kanya?" hindi na niya mapigilang maitanong.
Hindi ko pa rin siya binalingan ng pansin. Itinuon ko ang buong atensiyon ko sa malapit ko nang mag-due na assignment sa math class.
"Huwag mo nang alamin, Allyssa. Paniguradong masisira rin ang imahe mo sa aking tatay." Huminto ako sa pag-calculate at hinarap siya. Ngumiti ako sa kanya at nakita ko ang mga mata niyang umirap. "Tapos ka nang gumawa ng assignments? Patingin naman o!"
Humalukipkip si Allyssa sa aking harapan. "Tse! Ayan ka na naman sa assignments na iyan! Bahala ka diyan! Hindi mo na ako maloloko."
Natawa ako sa inaasta niya. Umangat naman ang kilay niya.
"Three years, Boss Naomi. Three years na tayong magkasama. Sa tingin ko ngayon, kilala na kita mula ulo hanggang paa, pati ugali! Hindi lang iyon, tatlong taon na rin tayong dorm-mates! Nakakasawa rin ang pagmumukha mo, a! Siyempre, pati na rin sa pagkuha ng mga sulat galing sa iyong ama."
Napatawa ako sa sinabi niya.
"Bakit mo kasi kinukuha? Sana hinayaan mo na lang mabulok sa mail box. Panigurado, wala ring kuwenta ang mga laman niyon."
Her lips turned into a grim line. "Hindi ka ba curious? Baka importante ang laman niyon?"
Mapait akong ngumiti at umiling.
"Mahal mo naman ako. At dahil sa iyo . . . ang taas kaya ng grades ko! Dali na, pakopya na, o!" Pag-b-beautiful eyes ko pa.
Allyssa had always been my assignment savior. Madalas kasi, tamad akong sumagot. Hindi naman sa bumabagsak ako or hindi ko naiintindihan, tamad lang talaga kasi ako dahil ang dami rin naman kasi ng kailangang aralin!
Kaya kapag umabot na sa puntong suko na ako, hinihiram ko na lang lagi ang assignments niya para makakopya. Minsan, nadadaan pa sa bola e. Ngayon, lagi niya na akong pinariringgan.
"Tse! Iyon nga ang ipinagtataka ko e. Madalas kang kumokopya pero bakit mas mataas ang grade mo? Napaka-unfair ng life, ha!" pagbibiro niya naman.
"Ano ba'ng kailangan kong gawin para maipahiram mo na sa akin iyan?" tanong ko.
Ngumuso siya at ipinatong ang siko sa lamesa ko. Pinaglaruan niya ang kanyang buhok ng ilang minuto bago siya tumikhim. "Basahin mo kahit isang letra na sinulat sa iyo ng tatay mo."
Napaubo ako sa sinabi niya. Agad ding naglaho ang paglalaro sa aking mukha. Napansin niya ito pero hindi niya pinagtuunan ng pansin. Sa katunayan, lalo niya pang inikot doon ang topic. "Matagal na siyang nagpapadala, Naomi. Bawat buwan ba o araw man. Basta ang dami niyon at ni isa, wala kang binasa. Ayaw mo bang subukan? Baka importante talaga, tutal nag-e-effort ang tatay mong magpadala pa."
Padabog kong ibinagsak ang aking kamay sa lamesa. Nagulat si Allyssa.
"Aalis lang ako para magpahangin," malamig kong saad. "At babalikan ko na lang ang assignments ko."
Agad akong lumabas sa dorm at pumunta sa field court. Allyssa has been pestering me with that damn useless letters since God knows when.
Alam ko namang may punto siya, pero ayoko lang sigurong tanggapin iyon.
Reading that letter means opening myself to Dad again. I know, years have already passed, but sometimes, ang hirap mag-move on.
Thinking about it, ready na nga ba ako, lalo na't tatlong taon na ang nakalipas?
I don't know.
Umupo ako sa ilalim ng isang malaking puno sa gilid ng field. Wala masyadong tao, pero malilim naman itong lugar dahil sa laki ng puno. Sapat na ito para maging takip sa akin.
Nang maiayos ko ang upo, isinandal ko ang ulo ko roon.
Nang matapos yung play, wala ni isang nangahas magtanong sa akin. Hindi ko rin naman ipinahalata, pero nahalata pa rin ng iba ang namumugto kong mata. Umuwi ako pagkatapos. Ibinuhos ko ang sakit ng damdamin ko sa aking kuwarto.
I hoped . . . I prayed hard that it would open a part of my dad, but instead, he hated me more. He despise me more. He was disgusted of me.
Tinanghali ako ng gising kinaumagahan. Akala ko nga, magkakaroon akong break para sa mga problema ko noong araw na iyon, kaso isang malaking akala lang pala iyon.
***
Nagmamadali akong bumaba galing sa aking kuwarto at nakita ko roon si Daddy na nagluluto.
"Wow! Ang aga naman magising ng prinsesa!" sarkastikong bungad sa akin ni Daddy. "Dahil sa himbing ng tulog ng ating prinsesa, ako na ang nagluto ng pang-umagahan namin."
Kumunot ang noo ko sa inaasta ni Daddy. Ramdam ko ang pagiging sarkastiko niya. Pero nasa punto na ako na sanay na akong binabalewala siya.
Panandalian akong hinarap ni Daddy bago niya itinuon ulit sa kanyang niluluto ang kanyang atensiyon. "Ano naman iyang suot mo? May patay ba? Hindi ako informed, a! Halika ka na. Umupo ka na muna."
Umirap ako. "Hindi, Dad. Pupunta ako sa church."
"Church?" he spat with disgust.
Nanatili akong nakatayo sa may hagdanan. Nagdadalawang-isip ako kung tutuloy pa akong kumain ng almusal, lalo na't ganito umaasta si Daddy.
Sinapian na naman ng demonyo.
Nang mapansin niyang hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Parang naputol na rin ang pisi niya at nanumbat na naman.
"Ano ba? Bingi ka ba? Ang sabi ko, umupo ka na at lumalamig na ang mga pagkain!"
Bumuntonghininga na lang ako at dahan-dahan lumapit roon. Agad naman ako umupo at sinimulan na kumain para madali rin matapos.
Umupo rin si daddy sa harapan ko. Naglabas siya ng dyaryo at ibinuklat yon.
Tahimik lang ako kumakain, habang pinagpapatuloy niya ang pagbabasa ng diyaryo. Nagulat ako nang bigla siyang tumawa kaya napahinto rin ako sa pagkain at napaangat agad ng tingin sa kanya.
"Nakita mo ba yung nasa diyaryo ngayon? Nandoon naka-display yung walang kuwenta mong istorya." He chuckled again, as if he really find all of it as ridiculous and senseless. "Nakita mo ba? Tingnan mo." Ibinato niya sa akin yung diyaryo. "Mukha kang tanga. Nakakatawa ka roon! Para kang joke! Puwedeng-puwede ka nang maging clown! Magaling!" he laughed mockingly.
"So, Daddy, sinasabi mo ba na joke lang ako para sa iyo?" My hands gripped the utensils tighter to ease my rising anger.
He stopped laughing and paused for a second. Agad dumako sa akin ang kanyang tingin. May paninimbang ito at pag-iingat. "Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Tingnan mo, pumupurol na rin iyang walang kuwenta mong utak." Tumawa ulit siya.
"Pero hindi ba, pinagtatawanan mo ako? Kasasabi mo lang iyan sa akin!" giit ko.
Napatingin siya sa akin, at kumunot na rin ang kanyang noo. "Tumahimik ka nga! Ano ba iyang iniisip mo? Huwag ka ngang maglagay ng mga salita sa bibig ko," pagbabanta niya.
"Ano ngayon kung gusto kong magsulat? Ano bang nakakatuwa roon? Na-inspire ko ang iba, pero para sa iyo, walang kuwenta iyon? Tatay kita pero hindi mo man lang ako maintindihan? Baka nakakalimutan mo . . . istorya iyon ni Mommy! Kahit kailan, never naging walang kuwenta si Mommy sa buhay natin!" sigaw ko sa kanya. "At kahit kailan, never naging katatawanan ang istorya niya!"
Huminga ako nang malalim dahil parang may nagbabara sa damdamin ko dahil sa matinding pag-usbong ng galit.
"Ikaw!" Dinuro ko siya. "Ikaw ang walang kuwenta kasi kahit kailan hindi mo kaya maging isang mabuting ama! Kahit kailan, hindi ka naging magandang ehemplo sa kahit kanino!"
Nagsisimula nang mamuo ulit ang mga luha sa gilid ng mata ko.
Sobrang nakaka-frustrate ka, Daddy! Sobra! Hindi ko na alam kung paano makitungo sa iyo! Gustong-gusto ko nang sumuko!
My heart started clenching again. A sharp pain started striking somewhere in my chest. Agad kong itinapat ang kamay ko sa aking dibdib at kinuyom ito. Umaasa na sana . . . sana maibsan ang sakit.
"Hindi mo ba naisip, Daddy? Paano kung nararapat nga akong magsulat? Hindi mo ba kayang maging masaya para sa akin? Pinagsisikapan ko naman, para kahit hindi ko na maipagpatuloy ang gusto mo para sa akin, sa ibang paraan, kaya mo pa ring maging masaya para sa akin." I laughed with no humor. "Oo nga pala, niyaya ako kanina ng pastor sa church na ako rin daw ang sumulat para sa play nila. Dad, I'm growing, can't you be proud for me? Even just this once? Can't you just accept that maybe . . . maybe writing is indeed for me? That God placed me there for a reason . . . ?"
Umigting ang panga ni Daddy. Madilim ang kanyang mga tingin sa akin. Hindi ko mabasa ang kanyang expression but I sighed the moment I figured daddy just got angrier.
"Ah, so niyaya ka niyang magsulat para mabuhay? Ikakaunlad ba natin iyan? Kikita ba tayo ng sapat para mabuhay?" panimula na naman niya sa kanyang leksiyon, "Lagi mong iginigiit iyang mga nagawa mo, pero ni isang beses . . . inintindi mo ba ang punto ko?"
Hindi ako nakasagot. My mouth slightly opened. Umiling siya nang makita ang expression ko. He knew he was right. I did try, but I never given it much thought. Mas iniisip ko kung bakit siya galit sa akin at paano maibsan iyon, pero hindi ko man lang sinubukang alamin ang punto niya.
Parehas naman kaming may mali. I'm no different anyway. Bakit kaya mas gusto nating tayo ang iniintindi, ipinipilit natin sa ibang intindihin tayo, pero naisip ba natin ang pakiramdam ng iba?
Aminin man natin o hindi, clouded na tayo sa sarili nating pakiramdam, to the point na hindi na natin iniisip yung pakiramdam ng iba.
"Gusto kong humanap ka ng bagay na alam mong magaling ka, at kasabay niyon ay kikita tayo! Hindi tayo puwedeng laging nakaasa sa maliit na bagay at hintayin itong tumubo, Naomi. Dahil araw-araw, tumataas ang bilihin at naghihirap ang mga tao! Naisip mo ba ngayon kung gaano kahirap para sa akin ang kumita para maipadala ka sa school? Ang gusto ko, tumayo kang mag-isa! Kaya mo bang mabuhay kapag wala na ako? Kaya mo bang tumayo para sa sarili mo? Sapat na ba iyang kinikita mo sa pagsusulat mo para sa mga kakailanganin mo sa araw-araw na buhay?"
Mariin niya akong tiningnan. Tumawa rin siya pero hindi bakas ang katuwaan roon. Puno ng uyam ang kanyang tono. "Hindi, di ba? Hindi ako habambuhay mananatili sa tabi mo. Hindi natin alam kung kailan ang nakatakdang oras para sa akin. Kaya ang gusto ko, tumayo kang mag-isa habang maaga pa lang. Nang sa gayon, hindi na ako mamomroblema. Kaso, sintigas ng niyog ang ulo mo? Ang kitid kasi ng utak mo!"
Kumunot ang noo ko. Tumulo na ang luha ko dahil sa sinabi ni Daddy. Humugot ulit ako nang malalim na hininga at marahang hinampas ang dibdib ko.
"Hindi mo rin naman ako sinubukang intindihin! Bakit ako? Bakit kailangan kong intindihin ka kung hindi mo nga magawa iyon sa akin?" naiiyak kong saad.
Nakaka-frustrate ka na talaga, Daddy! I hate you, but I can't find myself abandoning you!
I wonder if what would Mommy feels? Siguro ganito rin. Mas masakit lang kasi kay Mommy dahil mahal niya si Daddy nang higit pa sa buhay niya.
"Hindi ko kasalanan iyon. Lagi na lang kasi puro reklamo at pagmamaktol mo ang naririnig ko," pagtatanggol naman niya sa sarili.
"Kaya nga iniimbitahan kita sa play! Pero hindi mo naman na-appreciate! You even mocked it, Dad." Umirap ako at humalukipkip. Mariin ko rin siyang tiningnan. "If you'll give me another chance, the play that will happen in the church will be broadcasted live on the radio . . . baka sakali . . ." paghahamon ko.
Agad naman umiling si daddy. "No. Hindi ko puwedeng gawin iyon."
"Bakit naman hindi?" Kumunot ang aking noo sa pagtataka.
Kahit kailan, ang gulo talaga nito ni Daddy!
"Basta hindi. Hindi lang talaga ako nababagay sa lugar na iyon. Ayoko," pagpupumilit niya pa rin.
Kumuyom na ang kanyang kamao, umigting ulit ang kanyang panga, at ramdam ko na rin ang matinding pagpipigil niya sa kanyang galit.
"Bakit mo naman nasabi iyan, Dad?" Naiirita na ako sa inaasta niya.
"Basta hindi puwede, okay? Ayoko talaga, at sana intindihin mo rin ako! Hindi ako nararapat doon." Iniwas niya ang kanyang tingin sa akin at itinuring na lang akong parang hangin.
Namungay ang mga mata ko. Maybe Dad felt like this because he was actually scared to face God. He didn't grew up in a Christian family after all. He wasn't used to this. That was what Mommy said anyway. Kung doon ako magbabase, then maybe, kaya ayaw ni Daddy mag-church kasi takot siyang harapin ang mga mali niya.
But that was wrong. It's okay to feel scared. Everyone passed through that stage. But make sure that in the end, we'll keep our eyes fixed on God.
The patience I'd been nurturing broke into pieces. That was where Daddy is good at anyway! Avoiding topics. If he just opened up, e di sana, hindi na kami nagiging malabo sa isa't isa. Puwede ko naman siyang tulungan sa kung ano man ang problema niya e!
He didn't have to deal with this alone. I'm always open to help him.
Kaso, pakiramdam ko, wala na talaga akong pag-asa pa. Masyadong duwag si Daddy para subukan. Iginigiit niya siguro sa isip niya na sobran na siyang makasalanan.
"Okay then." Marahas kong ibinato ang utensils sa lamesa.
Lalong dumilim ang tingin sa akin ni Daddy. Agad din siyang napatayo nang makita ang dahas ng kilos ko. Plano ko na sanang umalis sa lamesa nang mapahinto lang dahil sa pahabol na saad ni Daddy.
"Ano ba'ng ipinagmamalaki mo? Wala ka pa namang nararating, a? Kung sana nag-ingat ka, e di sana, nakuha mo yung championships. Iyon na nga lang e, pumalpak ka pa. Mali akong ipinagmalaki kita! Sana . . . Sana hindi ka na lang ipinanganak! Siguro kung ganoon, ayos pa sana lahat. Lahat kasi ng problema ko, nagmula sa iyo, Naomi! Tandaan mo iyan, dahil sa iyo!" his voice boomed. It was loud enough that even if I'm upstairs, I'm sure I could hear it.
Umiling ako at pagod siyang tiningnan.
"At saka, hoy. Huwag kang naglalalagay ng kung ano-anong salita sa bibig ko. Kaunti na lang at masasampal na kita," pagbabanta niya.
Umayos ako ng tayo. Mariin kong kinagat labi ko. "Talaga ba? E di, gawin mo! Ilang taon mo na rin namang ginagawa. Matanda na ako at hindi na ako takot kung sasaktan mo ako."
"Sa tingin mo?"
"Sa tingin ko, tapos na yung mga araw na kaya mo akong saktan, Dad."
"Iyon ba talaga ang tingin mo?" May paghahamon na sa kanyang tono. Malakas niyang ibinagsak ang palad niya sa lamesa at kumalabog iyon. "Makinig ka. Kahit matanda ka na, hindi kita pinalaking bastos! Tatay mo pa rin ako, at dapat nirerespeto mo pa rin ako, Naomi!"
Itinuro niya ang sarili niya. "Ako ang naghihirap para sa pamilya natin. Ako ang nagtatrabaho para may makain tayo araw-araw. Ako ang nanatili sa tabi mo at nagpalaki sa iyo. Ako lahat, Naomi." Idiniin niya pa lalo yung 'Ako.'
Kumunot ang noo ko. I let out another set of frustrated sigh as I shouted back the words I wanted to tell him. "Hindi mo naman masisisi si Mommy kung bakit ka niya iniwan e! Wala ring naninisi sa kanya. Dahil kung ako ang nasa lugar niya, iyon din ang pipiliin kong gawin. Dahil iyon ang ginagawa mo sa amin. Doon ka magaling e. Wala ka nang pag-asa! Ang mabuti sa iyo, nag-iisa ka, at sa gayon, baka matauhan ka man lang!" Umamba na ulit ako ng pag-alis. "You push people away, Dad."
"Tumahimik ka na lang! Putang ina talaga. Tumahimik ka bago ko pa isampal itong pagkain sa iyo!" Marahas ang lakad niya palapit sa akin. He stopped and his hands stopped when he noticed I didn't stepped back. In fact, I raised my chin high.
"Ano? Sasampalin mo ako?" hamon ko.
His eyes locked in mine. Nang makitang wala akong balak bumigay, humugot siya ng malalim na hininga bago niya ibinaba ang kamay niya at umayos na ng tayo.
"Tapusin mo na lang pagkain mo bago ka umalis."
"Hindi ako nagugutom," sagot ko.
"Ano pa'ng inarte-arte mo riyan? Tapusin mo na lang ang pagkain mo!" His voice laced with warning as he shouted those words.
"Hindi nga ako nagugutom!" pasigaw ko na rin siya sinagot.
"Ah, ganoon. E di, huwag kang kumain!"
Marahas niyang hinablot sa akin ang mga pagkain nakahain doon. Nagulat ako nang ipalo niya sa akin yung platito. Nabasag ito sa lakas ng impact at naramdaman kong may tumutulong dugo sa aking ulo.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko para iindahin ang sakit na namumuo roon.
"Nasisiraan ka na ba ng ulo, Daddy? Ano? Ngayon, naglolokohan na tayo? Seryoso ka ba?" I continued shouting at him. Marahas ko ring itinulak palayo sa akin si Daddy.
I tried to touched my head. Nang iharap ko sa akin ang kamay ko, lalong umusbong ang galit ko nang makita ang dugo roon.
Umamba siyang lalapit ulit para gantihan ako sa ginawa ko ngunit naunahan ko siya. Inilahad ko sa kanya ang baseball bat na nakatambak sa gilid ng sala.
"Ano, Dad? Sasaktan mo pa ako? Layuan mo nga ako! Seryoso rin ako na huwag mo akong subukang hawakan. Tapos na tayo, ayoko na talagang makihalubilo sa iyo. Malapit na akong gr-um-aduate at sisiguraduhin kong iiwanan na kita."
Tumalikod ako at agad lumayo sa kanya. Nang nasa tapat na ako ng pintuan, iniangulo ko nang kaunti sa gilid ang aking ulo para maihabol ang huli kong gustong sabihin sa kanya.
"You're crazy, Dad. You're a lunatic and a sadist. I hope you change that in the future because you don't know how much your actions can hurt others. Kaya mas maganda . . . lalayuan na kita. Hahayaan na kita."
Since then, our relationship fell we grew even more apart. Hindi na kami masyadong nagkikibuan. As much as possible, I would always exert extra effort to stay longer in school. Para pagkatapos niyon, pag-uwi ko sa bahay, paniguradong tulog na si Daddy. Minsan, baliktaran naman. Maaga akong uuwi, kakain, at maaga rin akong matutulog. Tapos, kinaumagahan, maaga naman akong gigising at sisiguraduhin kong hindi talaga magtatagpo ang landas namin.
That's the thing about life. Mankind changes. Sentiments change. However, it doesn't really imply that the affection shared wasn't real or genuine. It could simply means that sometimes, when people grow, they grow apart.
I'm hoping that one day . . . Daddy realized that we grew apart because he pushed me away.
#OnePromiseWpPrologueA good father is one of the most unsung, unpraised, unnoticed, and yet one of the most valuable assets in our society."- Billy GrahamHave you ever questioned God? Why do God allows it to happen? Why is God making me suffer like this? What is it that God wants that he allows you to feel the pain? I thought, God loves me? Then, why?Sobra tayong nalunod sa katanungan na wala naman tayong kasiguraduhan sa sagot. Bakit nga ba? They said the answer is in the Bible, true enough, baka nga nandoon. Pero paano naman tayo nakasisigurado na ang Biblia ay galing mismo sa ating Diyos? Na ang Biblia ay totoo?Sabi nila, a
#OnePromiseWpChapter 1I glanced up the sky. Naghahati na ang kulay sa kalangitan. Unti-unti nang kinakain ang araw at napapalitan na ito ng dilim.Ngumisi ako, knowing that day would probably be different from the usual days. Hoping that the good news I would bring home would change something to my family.I happily entered the house, ready to tell Mom and Dad the good news. Nawala naman agad ang ngiti sa aking labi nang marinig na nagsisigawan na naman ang aking mga magulang. Itinikom ko na lang ang aking bibig bago pumasok sa loob.Iniligid ko ang mga mata ko sa buong bahay. My heart felt heavy and scared. Kita ko ang mga bagong basag na baso at pinggan sa gilid. Magulo ang sala,
#OnePromiseWpChapter 2When I was a kid, I always need to understand the situation. I should always accept what my parents said dahil iyon daw ang tama; dahil galing daw iyon sa kanilang karanasan. That's how life works for me. Ano naman ba ang magagawa ko sa liit kong ito? Wala. I couldn't even voice out my own thoughts because I was just a child. I know nothing . . . yet."Naomi!"Napatingin ako sa likod ko nang marinig ang tawag sa aking pangalan."Oh! Othniel! Nandito ka na pala?" I blushed.Othniel Lemuel Garcia, my long time crush. He was seven years older than me. I always admire him ever since I first met him in Sunday scho
#OnePromiseWpChapter 3"Mommy . . . ?" I drowsily said.Malungkot na ngumiti sa akin si Mommy. She was sitting beside my bed first thing in the morning. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong ginising nang ganoon kaaga.Humilata lang ulit ako sa kama at itinago sa ilalim ng unan ang aking ulo."Wake up, baby girl!" Tinapik ulit ako ni Mommy."Why, Mom?" Sumilip ako sa ilalim ng aking unan."Ngayon ang camp, right? Gising ka na, ihahatid kita!" Na-e-excite na sambit ni Mommy."Don't you want to go to an adventure? C'mon, get up
#OnePromiseWpChapter 4"Group tayo ha!" anyaya ni Shaien sa akin."Oo naman!" sang-ayon ko."Okay. It's says here, may four task tayong gagawin. So, we'll divide ourselves into these three task, and on the fourth task, we'll do it together." Othniel stood as our leader for this activity.After that lunch, pina-group kami ng pastor for workshop 1 to 2. Itong workshop naman daw na ito would exert effort, intelligence, and strength, and not only that. It would also strengthen the bond of each campers with their friends, teamwork kumbaga.That was why confident akong hindi ako ganoon makaka-bond dito dahil unang-una palang, Shaien and
This chapter is dedicated for all the moms out there. Thank you for the unconditional love you never fail to shower us. You're one of the priceless jewel that we wouldn't trade for anything. We love you, mom!Of course, to my dearest mommy, I love you more!#OnePromiseWpChapter 5When someone asked, what is a mother? Google would have answered . . ."The woman who loves you unconditionally from birth. The one who puts her kids before herself and the one who you can always count on above everyone else. Just telling her your problems makes you feel better because mom's always know how to make it all go away. Even if you fight, know that she's just looking out for your best interes
My sweet Naomi,Happy 18th birthday, my little one! Kumusta ka na, Anak? I'm sure ngayon, ang laki-laki mo na! You're a young lady now! I presume, you're probably in your last year of senior high. But I can still vividly imagine na mahilig ka pa ring magbasa ng pocketbooks, o sumulat ng poems o kaya ng kanta, o gumawa ng design regarding interior designing . . . tulad ng paborito mong hobby noon. Have you tried other sports? I know you're curious to some sports way back, and there are certain sports na gusto mong subukan . . . or perhaps you've moved on from your passion? Have you fallen in love, Anak? Naku, surely, marami ka nang manliligaw niyan! I know deep down that you would've grown into a strong independent lady. But I suggest, as of now, huwag munang mag-boyfriend, a! Not until you're in your in college years. I'm sorry, I can't be there to give you advice about that from now on,
Chapter 7 Championships, the moment everyone waited for, because that was the measurement of an athlete's skill. Because when you're in the championship, it's never about what you do. It's always about what other people do. That's why I was really aiming high on this because being the head captain for the squad would mean something. I am a leader. I got to be followed. I got to show them what my capability is. I'd get to show something I achieved, something I could be proud of. Masigla akong bumaba sa hagdan. I didn't know where Dad was. He was so drunk yesterday so I didn't get the chance to tell him of the good news. Pagkababang-pagkababa ko, nagulat na lang ako nang may tumamang bote na may kalahating laman na gatas sa akin. I
#OnePromiseWp Chapter 10 "Naomi!" Peke akong ngumiti nang lingunin ko ang aking ka-dorm na si Allyssa. "Bakit?" Kapapasok niya lang sa dorm room at mukhang pagod na pagod siya. Bumaba ang mata ko sa kanyang pangangatawan, ngunit agad akong huminto sa kanyang kamay. Nakita ko na naman ang isang pamilyar na sobre. "May sulat ka na naman galing sa tatay mo. Wala ka bang planong kunin ito?" inosente niyang tanong at inilahad ang sulat sa aking harapan. Inirapan ko yung sulat at tinalikuran siya para ibalik sa pag-aaral ang atensiyon. "Wala, itapon mo na lang ulit iyan," pagbabal
#OnePromiseWp Chapter 9 "Naomi . . ." Hinimas ng club adviser ang gitna ng ilong niya. She heaved a heavy sigh first, and it made my heart beat a little faster than normal. For a moment, I was worried. What's wrong now? Sa pagkakaalam ko, I might have a shitty attitude, but I never made enemies or start up fights, most especially here in this new club. Maybe it's because of that story of mine that has been circulating the whole damn school since this morning! "Bakit po?" I fidget my fingers to ease my rising tension. "You might have heard the rumors, but I want to personally tell you this." Inalis niya ang kanyang eyeglasses at hinimas ang gitna ng kanyang ilong. Nang matapos, m
#OnePromisedWp Chapter 8 I sighed as Othniel's grip tighten around my wrist. I winced when my elbow started hurting again. Damn, the pain reliever must be wearing off! Akala ko naman, alcohol eases pains. Bakit hindi niya tanggalin ang sakit? In fact, mas dumagdag pa! That slogan is a scam! "Othniel! My elbow hurts! Can you let go now? Stop dragging me!" Matalim kong binalingan ng tingin si Othniel bago ibinaba ang tingin sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa akin. Ganoon din ang isinukling tingin ni Othniel. Imbis na s
Chapter 7 Championships, the moment everyone waited for, because that was the measurement of an athlete's skill. Because when you're in the championship, it's never about what you do. It's always about what other people do. That's why I was really aiming high on this because being the head captain for the squad would mean something. I am a leader. I got to be followed. I got to show them what my capability is. I'd get to show something I achieved, something I could be proud of. Masigla akong bumaba sa hagdan. I didn't know where Dad was. He was so drunk yesterday so I didn't get the chance to tell him of the good news. Pagkababang-pagkababa ko, nagulat na lang ako nang may tumamang bote na may kalahating laman na gatas sa akin. I
My sweet Naomi,Happy 18th birthday, my little one! Kumusta ka na, Anak? I'm sure ngayon, ang laki-laki mo na! You're a young lady now! I presume, you're probably in your last year of senior high. But I can still vividly imagine na mahilig ka pa ring magbasa ng pocketbooks, o sumulat ng poems o kaya ng kanta, o gumawa ng design regarding interior designing . . . tulad ng paborito mong hobby noon. Have you tried other sports? I know you're curious to some sports way back, and there are certain sports na gusto mong subukan . . . or perhaps you've moved on from your passion? Have you fallen in love, Anak? Naku, surely, marami ka nang manliligaw niyan! I know deep down that you would've grown into a strong independent lady. But I suggest, as of now, huwag munang mag-boyfriend, a! Not until you're in your in college years. I'm sorry, I can't be there to give you advice about that from now on,
This chapter is dedicated for all the moms out there. Thank you for the unconditional love you never fail to shower us. You're one of the priceless jewel that we wouldn't trade for anything. We love you, mom!Of course, to my dearest mommy, I love you more!#OnePromiseWpChapter 5When someone asked, what is a mother? Google would have answered . . ."The woman who loves you unconditionally from birth. The one who puts her kids before herself and the one who you can always count on above everyone else. Just telling her your problems makes you feel better because mom's always know how to make it all go away. Even if you fight, know that she's just looking out for your best interes
#OnePromiseWpChapter 4"Group tayo ha!" anyaya ni Shaien sa akin."Oo naman!" sang-ayon ko."Okay. It's says here, may four task tayong gagawin. So, we'll divide ourselves into these three task, and on the fourth task, we'll do it together." Othniel stood as our leader for this activity.After that lunch, pina-group kami ng pastor for workshop 1 to 2. Itong workshop naman daw na ito would exert effort, intelligence, and strength, and not only that. It would also strengthen the bond of each campers with their friends, teamwork kumbaga.That was why confident akong hindi ako ganoon makaka-bond dito dahil unang-una palang, Shaien and
#OnePromiseWpChapter 3"Mommy . . . ?" I drowsily said.Malungkot na ngumiti sa akin si Mommy. She was sitting beside my bed first thing in the morning. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong ginising nang ganoon kaaga.Humilata lang ulit ako sa kama at itinago sa ilalim ng unan ang aking ulo."Wake up, baby girl!" Tinapik ulit ako ni Mommy."Why, Mom?" Sumilip ako sa ilalim ng aking unan."Ngayon ang camp, right? Gising ka na, ihahatid kita!" Na-e-excite na sambit ni Mommy."Don't you want to go to an adventure? C'mon, get up
#OnePromiseWpChapter 2When I was a kid, I always need to understand the situation. I should always accept what my parents said dahil iyon daw ang tama; dahil galing daw iyon sa kanilang karanasan. That's how life works for me. Ano naman ba ang magagawa ko sa liit kong ito? Wala. I couldn't even voice out my own thoughts because I was just a child. I know nothing . . . yet."Naomi!"Napatingin ako sa likod ko nang marinig ang tawag sa aking pangalan."Oh! Othniel! Nandito ka na pala?" I blushed.Othniel Lemuel Garcia, my long time crush. He was seven years older than me. I always admire him ever since I first met him in Sunday scho