"Ano ka ba Nelia! Nagdala ka pa talaga ng mga basura dito sa mansion????? Ang kapal talaga ng mukha mo! Paalisin mo ang mga asong 'yan! Bwesit ka talaga, nakaka-stress ka na nga, nagdagdag ka pa! Hindi ka karapat dapat sa apo ko, kaya huwag kang umasta na kung parang sino! At huwag kang magdadala ng mga taong katulad mong hampas lupa! Nadudumihan lang ang mansion!" paulit-ulit na sigaw ni Lola. Ngunit, lumabas masok lang ito sa aking tenga. Ganun pa man, kumirot pa rin ang dibdib ko sa mga salitang binitawan niya."Aba! Matanda ka, ang talas ng dila mo ahh, kung may mukhang aso dito, ikaw 'yon! Dahil, tahol ka agad nang tahol!" sigaw pabalik ni, Pengpeng.Halos hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Lagot na, iba pa naman siya kung magalit, dahil mahirap siyang pigilan kapag sumabog na talaga. Isa pa, lubos nila akong prinoprotektahan kaya, hindi sila papayag na basta-basta na lang akong pagsabihan ng masasamang salita ng iba."TAMA! ANG SAMA MO NAMAN, ANG TANDA TANDA MO NA NGA, GANYA
Matapos kanina, ito na naman ako sa kwarto kasama si, Anderson. Nasa kama lang ako, habang siya naman abala sa kung ano ang ginagawa niya. Pabalik-balik pa, ehh ang sakit pa niya sa ulo. Hindi ko tuloy mawari kung ano ang aking sasabihin ngayon. Dahil, tila'y umudlot ang aking dila, at umaapaw ang kaba sa aking dibdib. Maya-maya pa, biglang magkasalubong ang aming mga mata. Dahilan, na napalunok laway ako. "Okay, pinahanda ko na ang lahat," malamig niyang tinig."Huh? Anong pinahanda na ang lahat? Anong ibig mong sabihin?" pagtatakang tanong ko naman. Ano ba naman kasi ang tinutukoy niya? May handaan ba para magpahanda siya. Hm, ano na naman kaya ang binabalak niyang gawin. Padalos-dalos na naman siya."Ang bagong bahay mo, pinahanda ko na.""Huh? Bagong bahay? Pero, ayos naman na dito ehh, tsyaka diba sabi ko naman na wala lang 'yon. Sabi ko din na hayaan na lang natin sila Lola at Menda, diba? Bakit kailangan pa talagang lumipat ng bahay?""Just keep on quiet and accept my decision
"Ako na balak mo, Nelia? Ang tahimik mo naman diyan. Ayan ka na naman, kapag tumatahamik titigin sa ibaba. Ano na naman ang nakikita mo diyan na hindi namin nakikita?" natatawang sambit ni, Pengpeng."Wala, ano ba ang sinasabi mo diyan. May iniisip lang naman ako.""Ano naman 'yon? Sabihin mo kaya sa amin ni, Pengpeng.""Si Vincent, hindi na natin kasi siya nakakasama, wala man lang tayong balita sa kanya kung asan siya ngayon.""Huwag ka na mag-alala pa sa kanya. For sure, ayos lang siya ngayon at masaya.""Paano mo naman nasabi 'yan, Mylene? Nagkita ba kayo, ahh?""Wala pa. Hayaan niyo na nga lang.""Aysus hayaan ka diyan, alam naman namin lahat na gusto mo siya. Hahaha, Mylene, aminin mo na lang. Miss mo na siya noh?""Tigilan mo nga ako, bakla ka. Si Nelia, ang topoc natin dito. Huwag mo na nga ibalik 'yan. Nawala lang naman 'yon na parang bula. Hindi nga natotong magpaalam.""Mylene, gusto mo pa rin ba siya?" tanong ko naman.Hinintay ko siyang magsalita. Pero, tuluyan nang bumal
"Dave, ano ba ginagawa mo? Tysaka bakit naman sila ganun sa akin? Isa pa, bakit ganyan din sila kung umasta sayo? Anong meron sa inyo? Magkakilala pa ba kayo ng mga taong 'yon?" pagtataka ko."Hayts, Ikaw talaga Nelia, wala kang alam ayan kasi, palagi ka lang nasa mansion niyo. Pa-minsan minsan talaga, sumama ka sa amin, alam mo naman diba? Wala naman mangyayaring masama sa iyo kung nasa amin ka.""Tama, mas maproprotektahan ka pa namin, hindi kagaya ng sa mansion niyo. Sus, unang bungad pa lang sa amin ng mga taong 'yon, ang sama na ng hangin.""Ehh, hayaan na lang natin sila. Kaya ko naman sila, matapang ako kagaya niyo.""Nelia, lagi mong tandaan na hindi mo. kailangan mapag-isa," dagdag pa ni, Dave."Oo nga pala, ang mga tao kanina, kailangan mo sila. Okay? kaya huwag ka na magtaka pa kung bakit palagi sila nasa tabi mo. Kasi, sila ang mag-aasikaso sayo, Lalo na sa mga pangangailangan mo at ang mga dapat mong gamitin sa tuwing may shoot tayo.""Ahh, ganun ba. Sige, basta hindi da
Matapos ang photoshoot namin kanina, agad akong umuwi ng bahay. Inihatid din ako ng mga kaibigan ko. Mabuti na lang at malaya nang pumasok sa malaking gate na ito ang mga kaibigan ko kasama ang sasakyan namin. Nang nasa tapat na kami ng pinto ng bahay, agad akong sinalubong ni, Anderson. Malalim niya kaming tinitigan, hindi ko alam kong ano ang ginawa ko sa kanya, kaya ganyan siya kung makatingin sa amin? May REGLA ba siya kaya siya ganyan? Parang galit na galit at gustong manakit."Leave." Malamig niyang tugon, dahilan na ikinalaki ito ng aking mga mata. Ako ba ang pinapaalis niya??? Kung ganun, okay, madali lang naman akong kausap ehh, kung ayaw na niya sa akin. Ede don't. Tinarayan ko siya, ngunit malamig lamang ang ibinigay niyang tingin sa akin. Kalaunan, napagdisisyunan kong tumalikod at lumakad. Ngunit, bigla niya naman akong hinila, dahilan na napayakap ako sa kanya. Napalunok laway na lamang ako, ano na lang nito ang iisipin ng mga kaibigan ko. Pinilit kong lumayo sa kanya
"Nelia, namumuta ka yata ngayon, may sakit ka ba?" Pagtatakang tanong sa akin ni Mylene. "Wala naman, ayos lang ako." Mahina kong boses.Hindi ko maintindihan, ilang araw ko nang nararamdaman ang ganito. Minsan na susuka na lang ako, pero wala naman lumalabas. Ang sakit nga sa tiyan at lalamunan ko ehh. Tapos, pabalik balik pa ang lagnat ko. Ano na ba ngayon ang gagawin ko. Wala akong masyadong alam kung ano ang nangyayari sa akin. Nanatili lamang akong tahimik rito sa gilid habang nag-uusap usap sila. By the way, naririto kami sa tambayan namin ngayon. Kanina lang pinaalis ni, David ang ibang mga tao rito. Ewan ko kung bakit, basta napansin ko lang na ayaw niyang may kung sino sino lang ang lumalapit sa amin, lalo na sa akin. Ang daming gustong magpakuha ng litrato, halos madumog na rin ako kanina sa mga ginawa nila. Mabuti na nga lang at agad kaming nakapasok dito sa cafeteria. Nagtataka nga ako, kung bakit ang dali ko naman sumikat, parang ilang araw lang naman namin ginawa ang p
DAVID POV. Masarap ang tulog ngayon ng kaibigan ko. Ang tigas talaga ng ulo niya, ayos lang naman sa amin kung hindi siya makakadalo, dahil ang importante ay ang kalusugan niya, Pero, hayts talaga si Nelia. Pinilit niya pa rin kahit hindi niya kaya. By the way, nandito ako ngayon sa kusina. Nagluluto ng paborito niyang nilaga. Ito rin ang palaging kinakain niya noon kapag nadadapuan din siya ng sakit. Ngunit, nang nawala ako sa tabi niya noon hindi ko alam kung nakakatikim pa din ba siya nito. Pero, ngayon pakakinin ko siya muli nito alam ko rin naman na madali lang siya gagaling."Ano ba 'yan David, matagal pa ba iyan? Ang bango bango ahh, pakain naman diyan. O hindi kaya, ikaw na lang ang kainan ko. Fresh na fresh pa naman ako.""Hahha, kalokohan mo Pengpeng, huwag mo ngang akitin ng ganyan si David. Akala mo naman basta-basta lang siya papatol sayo? Ew, kadiri lang bakla ka.""Ay wow naman Mylene, ang ganda ganda mo talaga noh.""Syempre naman, alam ko na iyan, inuulit mo pa talag
NELIA POV. Hindi pa rin nila akong pinapatayo upang maglakad lakad. Kaya ko naman na ehh, pero hindi sila naniniwala. "Ano ka ba, Nelia huwag ka na nga matigas ang ulo diyan. Yeah, sinasabi mo nga kaya mo, yes sa utak mo kaya mo. Pero ang katawan mo hindi. Kaya, magpahinga ka pa, huwag nang makulit.""Ayan, makinig ka kay Mylene. Kapag iyan magalit, baka mamaya matapon pa niya tayo sa kabilang building.""Ahm, ehh, sige na nga lang. Makikinig na nga."Sa mga oras na ito, nangangamba ako na baka hinahanap na ako ni, Anderson. Pero, hindi naman tumatawag, bakit ko ba siya iniisip imbis na ang sarili ko ang isipin ko ngayon. Ano ba ang gagawin ko, sana lang ay hindi siya magalit sa akin. Napahiga ako sa sofa, masakit pa. talaga ang ulo ko. "Nelia, uminom ka na ng gamot." Tugon ni Pengpeng. Ngunit ilumiling lang ako. Mula kasi pagkabata ko, hindi talaga ako mahilig sa gamot kaya ayaw kong uminom. "Ayan ang tigas na naman ng ulo." Dagdag pa ni Mylene."Psh, hayaan niyo na. Well alread
"Ano ka ba, hindi ahh. Hindi ako buntis, sadyang gusto ko lang kumain ng mangga." Natatawang tugon ko rito. "Hayts, ano ba 'yan akala ko buntis ka na. Excited pa naman ako maging ninang." Sabay tikhab niya. "Ninang? Hahha ninang ka diyan, ang sabihin mo ninong." Bulalas ko rito. "Just support me sis, basta 'yan na ang usapan dapat lang na maging ninang ako ng magiging baby mo. Okay? Dahil kung hindi hmppp...." "Kung hindi? Ano naman? Tinatakot mo pa ako ahhh..." "Guys, were here." Biglaang singit ni Vince. Napatingin naman ako sa labas ng bintana. Nandito na nga kami. Isang palengke na maraming prutas. Hmmm, ang sarap naman atat na atat na talaga ako. Agad naman akong lumabas sasasakyan at sumunod naman sila sa akin. Dahil sa sobrang takam na takam na ako sa mangga. Mabilis kong inisa isa ang mga tindahan. "Nelia, magdahand dahan ka lang baka mamaya mapano ka pa!" sigaw sa akin ni Peng, ngunit hindi ko ito pinansin. "Ano ba 'tong bata namin ang likot likot naman ngay
Siguro nga mapaglaro ang tadhana. Pero, masaya naman na kaming lahat. Alam ko rin na masaya rin si David para sa akin."Ahmm, huwag mo na lang isipin 'yon Vince. Isa pa, hahah masaya naman kami ehh. Ayos lang din naman ang lahat para kay David. Isa pa, mas deserve niya ang ibang babae." Mahinahon kong tugon. "Well, that's true. And also I'm very happy with you Nelia. Malaki na rin ang pinagbago nang lahat. Like you. Then, I hope you'll not change. I mean, whatever that happened just stay of being you. Because your positive and still have a kind heart. Your genuine woman, and you deserve to love." Nakakataba nang puso. Malaki laki na rin ang pinagbago ni Vince."Thank you Vince. Ikaw din may mabuti ka rin' puso. And by the way kailan mo ba ulit popormahan si Mylene?" Biro ko pa sa kaniya."Shhh, napunta na naman sa amin ang usapan. She's happy about her life now. Baka kapag pumasok pa ako sa buhay niya magulo ko pa.""Aysus, papalusot ka pa diyan ehh...." "Ehem, Anong topic niyo diya
Parang ang dali lumipas ng araw. PANIBAGONG araw na naman ngayon. Sobrang masaya din ako today. "Love, kanina ka pa diyan sa bathroom, ayos ka lang ba diyan?" Pasigaw na wika ko, nang sa ganun ay marinig niya sa loob ang sinasabi ko. "I'm okay. Just wait a minute." Pasigaw niya rin' sagot. Inayos ko ang lahat rito sa loob nang kwarto. Habang hinihintay siyang lumabas. Ang tagal naman niya. Parang babae gumalaw ahh. Ano kaya itsura niya kung babae siya. Parang natatawa akonm kapag isipin ang itsura niya 'yon. Hmm, maganda din naman siguro. Baka ngaas maganda pa sa akin. "Honey, I'm done." Napaharap naman ako sa kaniya. Wow, bihis na bihis parang may lalakarin. Hmm, saan naman kaya. "Ohh, bakit ganyan ang suot mo? May lakad ka ba love?" Lumapit ako sa kaniya at maayos na inayos ang pulo niya. "Sa company lang naman. Don't worry, may importante lang na gagawin ako ro'n. I'm sorry honey, maiiwan na muna kita dito sa bahay." Malambing niyang wika. "Hindi ayos lang naman sa
• • • • • Matapos kanina sa cafeteria, nagyaya ako kay Anderson na umuwi na. Kahit medyo ay hindi ko sila maintindihan nina David at Vince. Siguro dahil lang din sa babae ako. May mga bagay na hindi maintindihan ng mga babae ang isang lalaki. By the way, nandito ako sa kusina. Yes medyo nakaramdam ako ng pagod. Kaso nga lang nakaramdam din ako ng gutom. Gusto ko rin kumain ng cake ngayon. Mabuti na lang medyo may alam din ako sa paggawa nito. Oo nga pala, nagtungo si Anderson sa garden kaya mag-isa lang ako ngayon dito sa kusina. "Hmm, bakit ganun pakiramdam ko pagod ako pero gusto ko na may ginagawa ako. Anong nangyari, bakit ganito ang nararamdaman ko. Hmm, kanina din medyo nabagot ako pero atat naman ako sa labas." Mukha akong ewan dito, dahil kinakausap ko nang mag-isa ang sarili ko. 'DI' BALE NA NGA LANG SELF, FOCUS KA NA LANG. Maayos kong nilagyan ng icing ang cake na ginawa ko. Natutuwa ako dahil ang cute nito. Sana magustuhan din 'to ni, Anderson. "Ehemm, is that a ca
Masaya naman ang aming pagkwekwentuhan dito sa cafeteria. Halos mapuno ng mga boses nila ang cafeteria na 'to. "Ehh, ngayon may oras ka na ba kay Mylene?" Kalokohan na wika ni Pengpeng Kay Vince. "Tumigil ka nga diyan Peng. Magkakaibigan tayo rito, tumahimik ka nga sa kalokohan mo." Pag-aawat naman ni Mylene. Hay naku! Pati love life nila ehh. Ito talaga si Peng, walang preno sa mga sinasabi niya. Kung ano ano na lang ang lumalabas sa bibig niya. "Hayts, aminin crush niyo naman ang isa't isa dati diba? Tsyaka, nasa tamang edad na rin kayo ngayon. Isa pa, pareho naman kayong single ahh, kaya walang problema do'n. Then, baka mawala na ang kasungitan mo Mylene kapag magkatuluyan na kayong dalawa, hahahha...." Kahit ako tawa na lang ang lumabas sa bibig ko. "Ano? Loko ka talaga, umayos ka na nga lang. Kakabalik pa nga lang ni Vince, ganyan na ang asal mo." Masungit na boses ni Mylene. Ngunit, nababasa ko sa kaniya ang kinikilig niyang itsura. Nagpapanggap pa kasi ehh, hindi na
"Anong gusto mong gawin ko? Magpanggap? Anderson, ikaw ang mas malapit at palaging nakakasama ngayon ni Nelia. Kaya dapat lang na hindi ka magsinungaling sa kaniya. Sinasabihan lang din kita dahil kilala ko kung paano magalit ang kaibigan ko. Hindi naman kita tinatakot ehh, pero kung takot bahala ka sa buhay mo. Isa pa, huwag mo rin akong takutin, dahil hindi ako takot." Madiin pa rin na boses ko. "Okay, Hahanap lang ako ng tamang oras para diyan. But now, hindi ko muna ma-isingit ang bagay na 'yan. Dahil, inuuna ko lang naman na iniisip ang kalagayan niya." BACK TO NELIA POV. PAKIRAMDAM KO PAGOD NA PAGOD NA AKO. GUSTO KO NANG UMUWI. "Peng, Mylene, umuwi na kaya tayo." Pagyaya ko na may mahinang boses. "Ano ka ba Nelia, hindi pa nga tayo nakakarating do'n ehh." Pagrereklamo ni Pengpeng. "Bilisan mo nga sa pagmaneho siyang Mylene! Ang bagal mo mukha kang pagong!" Dagdag pa niya na may masungit na boses. By the way, naka-upo kami sa likuran ng sasakyan. Samantalang si My
"Hayaan niyo na lang baka bad mood lang." Pilit ko pa rin na pinababa ang emosyon ko. "Mabuti pa nga, baka mamaya magulpi ko pa 'yon." Pangigigil ni Pengpeng. "Gulpi? Baka Ikaw pa magulpi. Ehh ang hina pa nga ng katawan mo ehh. Na mimilit ka lang naman." Sambit pa ni Mylene. "Tumigil na lang nga kayong dalawa, baka mamaya nito mas una pa kayong magbugbugan." Singit ko naman sabay pwesto sa gitna nila. Ngayon naman lalabas na kami ng mall upang magtungo sa tambayan namin. • • • • DAVID POV. "What? Okay, kung 'yan ang gusto niyo. Ako ang magiging photographer ni Menda." I calmly said to them. Pinatawag ako para lang pumunta rito. May malaking birthday party ang magaganap sa ikatlong araw. Ito ang kaarawan ni Menda. Wala akong ibang magagawa kundi ang pumayag sa gusto ng Mommy niya, si Tita Lorna. Malapit din naman kasi sa isa't isa. Dahil matalik na kaibigan ni Mommy si Tita Lorna. Sa totoo lang ayaw ko naman na pumunta dahil magkikita kami ulit ng pamilya ko. Pero wala akon
"Ano ba ang ginagawa niyo dito?" Pagtataka ko naman, dahil sa ngayon dapat nasa condo lang si Pengpeng para magpahinga. "Ito namasyal, ang kulit kulit kasi ni Pengpeng ehh. Gusto niyang lumabas sa condo kaya ito pinagbigyan ko na." "Wow, hahha Mylene naman. Pero talaga na nanabik lang din ako dito sa labas kaya ito. Gusto ko talagang lumabas. Huwag kang mag-alala Nelia, dahil ayos lang ako. Kaya ko na ang sarili ko." Nakangiti naman na tugon ni Pengpeng. Halata sa kaniyang boses at itsura ang pananabik niya. Okay total wala rin naman kaming magagawa dahil sabik na sabik siya. Hindi namin siya pwedeng pigilan sa gusto niya. Habang naglalakad lakad kami, naka-sunod naman sa aming likuran si Anderson. Tahimik lang naman siya. Nang mapansin ko ang kaniyang pag-iisa. Agad akong nagpaalam sa mga kaibigan ko. "Guys, dito na muna ako sa likuran niyo. Ayos lang ba?" "Ohh sige, total walang kasama ang baby mo." Nakangising sambit naman ni Pengpeng. Hay naku may gana pa talagang mang asar.
PENGPENG POV."Hoy Mylene! Lumabas naman tayo. Nakakbagot dito sa condo mo ang tahimik. Nasasabik ako sa labas, huhuhu...." Nakakamiss din gumala kahit galing lang ako sa hospital. "Peng, kaya mo na ba? Baka mamaya, bigla ka na lang matumba sa labas. Isa pa, baka sa kalagitnaan ng pagsasaya natin sa labas. Bigla ka na lang magyaya ng uwi??? Aba mabibitin ako sayong bakla ka." Ang taas ng boses niya, kala niya naman sobrang layo namin sa isa't isa."Wow, ang sungit mo naman. Dapat nagbago ka na, ang sungit mo pa rin Mylene. Akala mo naman maganda ka." Pag-aasar ko sa babaeng 'to."Of course I'm beautiful. Mas maganda pa ako sayong bakla ka. Hahaha, bahala ka diyan tumigil ka na lang. Alam mong nagluluto ako ehh, storbo ka naman." "Masarap ba ang luto mo huh???? Mas masarap nga si David, ehh!" Shalaaaa nadulas."Hoy! Mukha kang loko! Kapag Ikaw marinig bakla ka talaga noh!" "Bakit ba bawal ba? Hahha totoo naman.""Anong totoo? Bakit nakatikim ka na ba???" Yes, sa panaginip, charizzzz