Halos ipako na ni Carmela ang kanyang sarili sa upuan ng sasakyan. Kanina pa nanginginig ang kanyang tuhod simula ng maka alis sila sa restaurant. Hindi naman mukhang nag bibiro si Axcel sa kanyang sinabi. "Ano ba Carmela! Ilang beses nyo nang ginawa ang bagay na 'yon" pag sasabi nya sa kanyang sarili. Ngunit kahit ilang beses na nilang ginawa ang bagay na 'yon. Kakaiba ang kanilang sitwasyon ngayon kaya parang hindi nya na kayang gawin kasama ang lalaki."Hihintayin mo bang buhatin kita para lumabas ka jan?" May pag uutos sa boses ng lalaki. Hindi nya na namalayang kanina pa sila nakarating sa Mansion at heto pinag buksan pa sya ng Asawa ng pintuan. Salubong ang makapal na kilay nito. "Ah... eh" wala syang masabi na mas lalong ikina inis ng lalaki. "Kung gusto mong matulog dito sa sasakyan, then so be it..." Muli na sana nyang isasara ang pintuan ng napag desisyon na ni Carmela na lumabas, "lalabas din pala eh" bulong nya na may halong pang rereklamo. Pumasok na sila sa loob ng M
Kumuha ng ice si Carmela sa ref at inilagay ito sa kanyang eyebags."Ano ba ang nangyari sayo, Hija... Umiyak ka nanaman ba dahil napanaginipan mo si Cody?" Usisa sa kanya ni Nanay Emilda. Abala sila ngayon sa pag lalagay sa plato ng kanilang mga niluto. Tumingin si Carmela sa reflection nya sa ref, hanggang ngayon namamaga pa rin ang kanyang mata mula sa sumbatan nilang dalawa ni Axcel kagabi. Malusog ang kanyang eyebags. Paano ba naman at mga alas tres na sya ng madaling araw nakatulog tapos babangon pa ng 5:30 para tumulong sa pag luluto. "Opo" tipid nyang sagot. Alam na kasi ni Nanay Emilda na sa tuwing binibisita sya ng anak sa panaginip ay umiiyak sya, pero ngayon iba ang dahilan. Lumungkot ang mukha ng matanda, "Baka kasi kailangan mo na ring umusad... kung nahihirapan ka ngayon, tiyak na mas lalong nahihirapan ang anak mong tumawid sa kabilang buhay. Kailangan mong ipakitang maayos kana Carmela..." Tama ang sinabi ni Nanay Emilda, kailangan nya nang tanggapin ang mga nangy
"No!" Matigas na wika ni Axcel."Why no?" Nang iinsultong si Jim."Just because I say so." Ma autoridad nitong rebat. "Pero sya ang gusto kong pakasalan—""Shut your mouth Jimenez Dela Vera! Madami kang pwedeng pakasalan na Babae na paniguradong pasok sa tipo mo kaya don't you even dare go near her. Sya lang ang Babaeng hindi ko kayang makitang may kasamang iba." Nagulat si Carmela sa sinabi ni Axcel. E halos kamuhian nga sya nito e, ngayon ano nanaman ba ang sinasabi ng mokong na 'to? Nakaramdaman ng selos si Pearlyn sa sinabi ni Axcel dahilan ng pag role ng eyes nya. Lumapit sa kanya ang Asawa at hinigit sya sa tabi ni Jim, mukhang tawang tawa naman ang lalaki sa inaasta ni Axcel. Mahigpit ang hawak sa kanya ng Asawa kulang nalang ay mabali ang kanyang kamay. "This will be the last time that I will see your face here Jim. I don't want to see your face lurking around here on our mansion""You're so rude""Aalis kana o sasabihin ko kay Lolo Judas na spotted ka noong nakaraan sa is
"Kanina ka pa ba nag hihintay?" Tanong nya kay Jaren nang makalapit sya sa lalaki. Umupo ito sa tapat nya, nakapag order na si Jaren ng kanilang kakainin na dalawang slice ng cake at iced coffee. Umangat ang labi ni Jaren, "Hindi naman... Mukhang ayos na ayos ka ngayon ah, may date ka?" May pag bibiro sa tono nya pero hinihiling nyang sana'y salungat ang magiging sagot ni Carmela. "Kanino naman ako makikipag date?" Oo nga pala, naalala nyang hindi na sya tinuturing na Asawa ni Axcel. Kaya sino naman ang ide-date nya hindi ba?"Baka kasi after natin mag kita may iba kang kikitahin" Natawa sya, "Sino naman? Halos mangilan ngilan nga lang ang kakilala kong lalaki at syaka mailap ako kaya imposibleng may magiging ka date ako o may mag de-date sakin"Napa tuwid ng upo si Jaren at tumingin sa kanya ng seryoso, "What if this is a date?" Nanlamig ang kamay ni Carmela sa narinig, bakit ba ang weird ng mga taong nakapaligid sa kanya ngayon? Si Jimenez gusto syang pakasalan, si Axcel pinag s
NAPA BALIKWAS si Carmela mula sa mahimbing na pagkaka tulog ng maramdaman nyang parang bumabaliktad ang kanyang sikmura. Dali-dali syang tumakbo papuntang CR. Ang palikuran dito sa Maids quarter ay maliit at masikip, sakto lang para sa pagbawas at pag ligo kung kaya nakasalampak sya sa mismong sahig habang naka patong ang dalawang kamay sa toilet. Kagabi ay hindi nya makuha ang kanyang tulog kahit na kung ano-anong posisyon ang kanyang ginawa, gaya ng kanyang ka buwanang bisita, pati antok hindi na sya binisita. Ilang minuto ang tinagal ng kanyang pag duduwal. Narinig nya ang pag bukas ng pintuan ng kanyang kwarto senyales na may pumasok. "Carmela?" Pagtatawag sa kanya ni Nanay Emilda. Buong akala pa naman nya ay si Axcel ang pumasok sa kwarto nya. Nagtatakang pumasok ang matanda ng makita nyang wala si Carmela sa kanyang kama kaya dumeretsyo ito sa banyo ng marinig ang nahihirapang pagsusuka ng Babae. "Jusko po!" Utas ng matanda. Lumapit ito sa kanya upang daluhan sya, hinagod ni
Tumigil ang puso ni Carmela sa pag tibok sa kanyang narinig. Buntis? Sya, buntis? Napalunok sya at pabalang ba tumawa. "H'wag naman ho kayo mag biro ng ganyan Nanay!" Utas nya habang pinipindot pindot ang siopao. Ayaw nyang kainin ang mga ito dahil nandidiri sya. Gusto nya lang talagang titigan at pindutin. "Hindi nag bibiro si Nanay Emilda, Carmela." Si kuya Gab na nakahalukipkip na nakatingin sa kanya, nakasandal sya sa hamba ng pintuan ng kusina. "Nagkaroon ka na ba ng period mo ngayong buwan?"Wala syang balak na sagutin ang tanong ng driver pero kusa nalang na umiling ang kanyang ulo. Kagabi nya pa iniisip na hindi pa dumadating ang kanyang dalaw sa pag aakalang delayed lang sya. "Nakaramdam ka ba ng pag duduwal o kaya cramps—" Si Nanay Emilda ang sumagot sa tanong ni Gab, "Naabutan ko syang nag susuka kaninang umaga sa loob ng CR. At heto naka ilang balik na ako rito sa loob ng kusina para hainan sya ng kanyang gusto. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo Carmela baka mamaya
Triggered Warning: ⚠️ this chapter contains s3xual Abuse, kindly scape this chapter if feeling uncomfortable."Ano naman kayang ginagawa ni Axcel sa ganitong lugar?" Tanong nya habang tinatahak ang papasok. Masikip ang daan paloob sa kalye pero sa hindi kalayuan ay ang abandonadong building na dating apartment. Madaming sirang bahay ang kanyang nadaanan kung saan makikitang wala nang naninirahan dahil sira na ang mga ito at matagal ng abandonado. Masukal ang daan dahil sa mga nag kalat na sirang kahoy at basag na bote. May makikita pa ngang mga na yupos sigarilyo sa kanyang dinadaanan. Habang nasa kalagitnaan sya ng kanyang pag iisip ay naalala nya ang sinabi sa kanya ni Nanay Emilda. Napahinto sya sa pag lalakad sa gulat, "Possible kayang dito nakatago ang hidden wealth ni Gramps at alam ito ni Axcel?" Lugar kung saan walang tao, walang makaka alam na dito mag tatago dahil gusgusin ang lugar at hindi maiisip ng mga Mostrales na dito itatago ni Gramps. Mas bumilis pa ang kanyang
"Ma'am..." Muling tawag sa kanya ng driver. Kanina pa huminto ang kanilang sinasakyan sa harap ng gate ng Mansion pero wala syang lakas ng loob na bumaba dahil sa bigat ng kanyang nararamdaman. Diring diri sya sa kanyang sarili. "Kanina pa po tayo nandito baka po pwede na kayong bumaba?... Kailangan ko na po kasing umuwi dahil nag hihintay sa akin ang mga anak ko, wala pa po kasi silang kain. Iniwan ko lang sa mga kapatid ko..." Magalang na wika ng Driver, bakas ang awa sa mata nito sa kanyang kalagayan. "S-salamat po kuya..." Pagpapasalamat nya bago lumabas sa taxi. Humarurot paalis ang sasakyan kasabay ng pag puti ng buong kalangitan gawa ng malakas na kidlat. Walang tigil pa rin ang pag ulan. Ninanamnam nya ang lamig na para bang sa bawat patak ng mabigat na ulan ay nabubura nito ang trauma na kanyang naramdaman ngayon. Mabibigat ang kanyang mga hakbang habang papataas sa Mansion. Ngayon nya lang nakitang nakasara ang malawak at malaking pinto nito sa ilang buwan nyang pananatili
NANGINGINIG ang kamay ni Regina habang inilalagay sa kanyang maleta ang kanyang ibang mga gamit. Halos lahat sila sa loob ng Mansion ay nag kakagulo, gusto na nilang umalis sa Pilipinas sa lalong madaling panahon bago pa tuluyang lumalin ang mga imbestigasyon at mag sama-sama pa silang lahat bumagsak sa loob ng kulungan. Kaliwa't kanan ang kanilang pagiging aligaga at panay ang tingin nila sa orasan. May flight kasi sila na kailangan nilang habulin na ka bo-book lang din nila. Salamat nalang talaga sa kanilang attorney na matalino't magaling dahil naka alis sila ng presinto kanina! Si Murphy lang ang naiwan duon dahil mas mabigat ang ebidensya na naka turo sa kanya. Hindi na nila alam ang mga nangyayari dahil wala silang koneksyon sa loob, baka mamaya ay nilalaglag na rin sila ni Murphy sa iba pang mga kasalanan! Ang Loko na 'yon! Tama lang na pinahiya sya ni Carmela sa public para si Murphy lang ang pag tuunan nang pansin nang lahat! Pumasok si Aegin sa kwarto ni Regina. Hanggang
Naunang nakadalo sa kumpanya si Ronald at Precious. Ilang minuto na silang nasa loob nang kanilang sasakyan. Dinudumog kasi sila ng mga reporter ngayon, panay ang pag flash nang kanilang mga camera at ang iba naman ay sabik nang maka kuha ng kanilang panayam sa nangyari. Hawak ni Ronald ang lagayan. Mabigat ang kanyang nararamdaman ngayon sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi ito hinahawakan ni Precious dahil para sa kanya ay nandidiri sya. Isasama sana nila ngayon si Pearlyn pero kailangan nilang ipakitang na kay Carmela lang ang atensyon. "I think we should go outside bago pa dumating ang mga Mostrales..." Hindi sumagot si Ronald duon. Nakatulala lang syang pinapanood ang mga tao sa labas habang mahigpit ang pagkaka kapit sa inaakalang abo ng katawan ni Carmela. "Do you think this is really an ambush against my political run?" Iyon lang kasi ang nakikita nilang rason kung bakit nila kinabitan ng Bomba ang sasakyan ni Carmela. Iyon din kasi ang sinabi sa kanila ng mga Mostrale
"Cheers?" Itinaas ni Murphy ang kanyang wine glass sa ere. Anong oras na ng gabi at natanggap na nila ang report na sumabog na ang bombang inilagay nila sa sasakyan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi si Manong Gab at Axcel. Iniisip nila na paniguradong nag luluksa na ang dalawa sa pagkawala ni Carmela. Ngayon, panahon naman na upang mag saya sila dahil sa wakas ay nagawa na nilang pabagsakin si Carmela dahil alam naman nilang makakapasok na sila kapag si Axcel na ang naupo sa pinakamataas na posisyon. Ipinag lapit nila ang kanilang mga baso dahilan nang malakas na tunog nito na umalingawngaw sa buong Mansion. Lahat sila ay may ngiting tagumpay sa kanilang mga labi. Ang karamihan ay dahil sa pera, kapangyarihan, at kumpanya. Habang si Pearlyn naman ay masosolo nya na si Axcel at hindi na kailan man malalaman ng kanyang magulang ang katotohanan. Ininom na nila ang kani-kanilang baso ng wine, "What a wonderful night..." Bulong ni Pearlyn. KINUHA ni Axcel ang kumot sa lo
Matapos ang usapan at mamatay ang tawag ni Jenny sa kanya ay bigla syang may natanggap na text na nang gagaling kay Manong Gab. Hindi nya na sana 'yon babasahin dahil pabalik na sya sa kanilang pinag parking-an nang mahagip nang kanyang mata ang salitang 'patawad' sa screen. Pinindot nya nalang ang text dahil sa pag tataka kung bakit ito humihingi ng tawad sa kanya kung pwede namang mamaya nalang sa loob ng sasakyan, hindi ba? "Carmela, sana mapatawad mo ako sa aking nagawa... lalo na sa pagka sira nang pamilyang binuo n'yo ni Axcel. Kasalanan ko kung bakit ito nasira... At sana mapatawad mo rin ako kung bakit hindi ko kayang harapin ang mga kabayaran sa aking nagawa." Nag sisimula nang bumilis ang tibok nang kanyang puso sa kanyang binabasa, "Ako ang naka patay kay Cody... ako ang salarin, ako ang truck driver..." parang nahulog ang kanyang puso. Si Manong Gab? Paano nya ito nagawa? At bakit?....Para syang pinag taksilan... Hindi... literal na pinag taksilan talaga sya. Namuo a
Naalimpungatan si Carmela ng makaramdam sya ng pagka lamig. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman nyang naka sandal sya sa balikat ni Axcel. Kaagad syang umayos nang upo at tinanggal ang jacket na naka patong sa kanya. Alam nyang kagaya nya ay nilalamig na ngayon si Axcel. Inilagay nya rin ito sa lalaki. Napa buntong hininga sya. Anong oras na pero mukhang wala pa atang balak rumesponde ang mga empleyado. Pinakatitigan nya si Axcel na mahimbing na natutulog. Malumanay at puno ng rahan nyang inayos ang buhok nito para hindi sya magising. "Ano ba Carmela!" Wika nya sa kanyang sa loobin. Bumaba kasi ang kanyang tingin sa mapulang labi ng lalaki. Hindi nya maipaliwag ang kanyang nararamdaman na para bang gusto nya itong halikan na hindi. Ilang dangkal nalang ang lapit nang kanilang mukha at mukhang nananalo na ang sigaw ng kanyang puso. Unti-unti na syang napapalapit sa lalaki nang biglang mabilis na nag bukas ang pintuan ng elevator. Napa tingin sya duon, "Shit!" Utas nya nang
"I really can't believe what's happening right now!" Si Tita Regina na kanina pa pabalik balik sa kanyang nilalakadan. Matapos ang mga pangyayari kanina sa opisina ay kaagad silang umuwi. Lahat sila ay wala sa katinuan at kapwa lumilipad ang mga utak—kung paano patalsikin si Carmela sa pwesto. "Hindi naman natin sya basta bastang matatanggal kung sya ang napiling taga pag mana ni Papang..." Muling humithit sa sigarilyo si Ortiz, "Besides, mukhang pinag isipan pa ito ng mabuti ng matanda bago sya pumanaw... Sa lahat pa talaga nang tao na pwede nyang pamanahan, bakit pa ang Babaeng p0kp0k na 'yon?" Niyupos nya ang sigarilyo sa isang Ashtray. Napa ngisi si Pearlyn nang may pumasok na ideya sa kanyang utak. Hindi nya na kasi kayang pigilan pa ang gigil nya kay Carmela. Nakaka asiwa lang isipin na pinapaburan nanaman si Carmela nang mga mahahalagang bagay ng Tadhana. Paniguradong magugustuhan ng pamilya ang kanyang plano. "Why don't we came out a plan?" Lahat sila ay napa baling sa kany
Aalis na sana ang mga Investors at ang mga mahahalagang tao nang biglang mag salita si Axcel na ikina tigil nilang lahat. "Since you're already the CEO of this company... Can I ask you personally?"Nagulat din sya sa biglang tanong ni Axcel. "Go on..." sumimsim sya sa wine na kanyang iniinom, pilit tinatago ang nararamdamang kaba. Paano ba naman ay seryoso kung makatingin sa kanya ang lalaki sa kanya ngayon. "I want to work here..." Nahulog ang panga nilang lahat sa kanyang sinabi. Maging si Carmela ay hindi nakapag salita ng ilang segundo. Tumayo ito mula sa pagkaka upo at humakbang papalapit sa kanya. Nakatayo na ang lalaki ngayon sa kanyang harapan, mata sa mata, lahat ng atensyon ay nasa kanilang dalawa. Ilang pulgada lang ang layo ng kanilang mukha sa isa't isa at nang susukat ang kanilang mga tingin "with a greater position in this company..." Nagsimula nang mag bulung bulungan ang mga tao sa kanilang narinig. Naiilang syang napa ngiti ng pilit, "What do you mean?" Grab
Tumingin si Carmela sa kanyang repleksyon sa harap ng salamin. Kanina nya pa kinakausap ang kanyang sarili. Hindi nya na nakayanan ang kanyang emosyon at nasabunutan nya na ang kanyang sarili. Paano ba naman kasi ay sasabihin nya na sana ang totoo kanina kay Axcel pero nong nakita nya ang lalaki ay bigla nalang syang napa takbo papalayo. "Come on Carmela!" Pang babawi nya sa kanyang tunay na huwisyo, "Come to think of it!" Tumaas ang tono ng kanyang boses, "If you accept the position of the company... hindi na nila pag iinitan si Axcel..." gaya nalang ng naabutan nya kaninang umaga na kinakawawa nila ang walang kalaban-laban na si Axcel at nang mas lalo nya pa itong ma pro-protektahan. "Hindi nga nila pag iinitan si Axcel, pero pano naman ako?" Tinuro nya ang sarili, "Siguro ay mas maganda na rin 'yon dahil kaya kong mang laban kahit papaano at nasa tamang pag iisip ako..." Napalunok sya nang maalala ang mga pag babago ni Axcel at ang akusa sa kanya nang kanyang mga magulang na na
Nasa malalim na pag iisip si Axcel nang biglang mag bukas ang pintuan nang kwarto. Iniluwal non si Tress, nasa malayo palang ang lalaki ay naamoy nya na ang alak. Naka ngisi itong lumapit sa kanya at inilapag ang kulay brown na envelope sa kanyang lamesahan, "this is the only informations that I got." Kaagad nang binuksan ni Axcel ang envelope. Makikita duon ang ibang mga picture ni Jaren at Carmela na sabay pumapasok sa bahay na kanilang tinutuluyan sa ibang bansa. "Nag sama lang silang dalawa and base to the informations that I have gathered, wala silang naging relasyon through out the years na mag kasama silang dalawa..."Sinuri ni Axcel ang mga nasa papel, malinis 'yon at walang mga ka suspetsya-suspetsyang pangyayari. Paano ba namang hindi magiging malinis ang mga records na nandoon eh si Bruce na mismo ang may gawa. Pinag tatakpan nila ang lahat na patungkol kay Arkin. "... but base on my other resources may pinangako pa pala si Carmela kay Jaren, huh?" Nag salubong ang ki