"Axcel, h'wag ka namang maging ganyan sa anak natin" banayad nyang wika sa nanginginig na boses. Hindi nya alam kung bakit nya pa nagawang mag salita ng banayad sa ganitong sitwasyon na nahihirapan sya, para syang sinasakal. Siguro dahil buo ang kanyang kalooban ngayon kahit na pagiba na ang kanyang katawan. Buo ang kanyang kumpyansa na ilaban ang kanilang anak. Ilalaban nya si Arkin hanggang sa dulo dahil ayaw nyang magaya ito kay Cody kung saan lumaki ang kanilang panganay na walang Ama. Hindi sya papayag na mangyari ulit ang ganoon. Lahat ng Bata sa mundo, deserve magkaroon ng kompletong pamilya. At yon ang gusto nyang ibigay kay Arkin. "H'WAG NA H'WAG MONG SASABIHIN NA ANAK KO YAN CARMELA! KADIRI KA! MANDIRI KA NGA SA SARILI MO!" Napalunok sya. Ito na nga sya oh, diring diri na sya sa sarili nya sa lahat ng nangyari ngayong araw. Pakiramdam nya naiwan ang kadiring laway sa kanya ni Javin. Hanggang ngayon nararamdaman nya ang makapanindig balahibo nitong mga halik. "Axcel anong
"Mommy"Huh? Bakit may tumatawag sa kanya ng Mommy? Lumingon lingon sya sa kanyang paligid. Bakit madilim na para syang naka kulong sa isang kahon?"Mommyyyyyy!" Maligayang tawag sa kanya. Ang boses na yon..."Cody?" Nabiyak ang kanyang boses sa pag tawag sa pangalan ng anak, "Nasaan ka anak?" Sabik nyang tanong. "I'm here po" Napatingin sya sa kanyang kanan ng makita ang batang patakbong lumapit sa kanya. Hindi nya na napigilan ang kanyang sarili at napatakbo na rin sya upang salubungin ang paslit. Umupo sya para mag pantay ang kanilang height at mahigpit itong niyakap, "I miss you. Mommy miss you, so, so, so much..." Humihikbi nyang wika. Hinaplos ni Cody ang kanyang buhok para aluhin sya, "Shhh. Big girls don't cry, Mommy" "I'm sorry anak." "Why are you feeling sorry po? You don't have to blame your self for what happened when in the first place, it's not even your fault." Tipid na sagot ng kanyang anak na mas lalong nagpa iyak sa kanya. Kada araw nyang sinisisi ang anak dahil
Pangalawang araw na nila sa hospital at kahit ilang beses nang pinag tabuyan ni Carmela si Axcel hindi pa rin sya umaalis hanggat hindi nya kasama nya ang Asawa. "Kumain kana ba?" Mag tatanghali na at wala pa silang kain. Naka upo si Carmela sa hospital bed nang pumasok si Axcel at hanggang ngayon ay naka tulala pa rin si Carmela sa kawalan. Kumain na sya kanina pag alis ni Axcel sa kwarto, buti nalang talaga at meron si Jaren na mayat maya ang pag bisita sa kanya. Nakakain nya tuloy ang mga cravings nya. Hindi pinansin ni Carmela ang lalaki dahil malalim ang kanyang iniisip, kung saan sya pwedeng pumunta kung hihiwalay na sya kay Axcel lalo na't ngayon na tinatago nya ang kanyang pag bubuntis. Bukas ay ma di-discharge na sya. Noon ay binisita nya ang dating apartment na tinutuluyan nilang dalawa ni Cody, wala na ang mga gamit nila doon ang sabi ng landlady may Isang Babae daw ang nag utos na itapon lahat ng 'yon. Kahit hindi sabihin ng landlord kung sino alam nyang si Pearlyn ang
"Nahanap nyo na ba kung saan nag tatago ang gunggong na yon?" Mariin na tanong ni Axcel kay Tristan. Kasalukuyan syang nasa parking lot ng sasakyan. Umalis sya sa kwarto ni Carmela ng masigurong natutulog na ang Babae. Kahapon ay nabalitaan nyang hanggang ngayon ay pinapahanap pa rin ni Jaren si Javin kay Bruce. Alam nyang hindi ito kaagad ma tra track ni Bruce dahil mas bihasa lang ito sa pag iimbestiga hindi kagaya ni Tristan na mabilis sa pag track ng mga location. "Give me 3 more minutes..." sagot nito. Naririnig ni Axcel sa kabilang linya ang nang gigigil na pag titipa ng kaibigan sa kanyang key board kaharap nito ang computer. Natunugan na ni Javin na ipapahanap sya ni Axcel kung kaya naman ginalingan din nito sa pag tatago. Subalit kahit anong galing nya sa pag tatago kung magaling din si Tristan sa pag track ng mga location, walang silbi ang nagiging effort nito sa pag tatago. Lumipas na ang tatlong minuto, "I already sent you the address." Malamig na wika ni Tristan. Binab
Nanigas si Carmela sa kanyang kinatatayuan sa narinig. Frest start of life sa Germany? Nag aalinlangan sya kung sasama ba sya o hindi dahil wala naman sa Plano nya ang umalis ng bansa. Oo at gusto nyang magpaka layo-layo, pero sa hindi ganitong pamamaraan. "Hindi kita pipilitin kung ayaw mong sumama Carmela... I'm still willing to help you to start fresh in the country, pero inaalala ko lang ay wala kang kasama dito, paano kung manganganak ka? Paano kapag pinapasundan ka ni Axcel at malaman nyang may anak kayong dalawa? Paano kung may nangyaring masama sa anak mo?" Nakukuha nya ang point ni Jaren. Noong kay Cody pa man noong naninirahan sila noon sa New York, nahihirapan syang itago ang kanyang anak dahil baka malaman ito ni Papa Ronald. Kung dito sa Pilipinas at mag isa nya lang tiyak na ipapa imbestiga sya ni Axcel at hindi sya nito tatantanan.Napabuntong hininga sya, "pero andito ang pamilya ko, Jaren..." Napakagat sya sa kanyang pang ibabang labi. Andito si Cody... Napasulyap
After 4 years..."Mommy!" Masayang tawag sa kanya ni Arkin. Tumatakbo ang kanyang anak na lumapit sa kanya. "Baby!" Umupo sya para yakapin ng mahigpit ang anak. "Did you miss, Mommy?" Kumawala ang Bata sa kanyang pag kakayakap at hinarap sya, malungkot itong tumango.Naningkit ang mata ni Carmela kay Arkin. Mukhang hindi naman talaga sya na mi miss ng anak dahil peke ang emosyong pinapakita nya sa kanya. Natawa sya sa sobrang cute ni Arkin at hinaplos ang buhok nito. "Are you sure?" Ngumiti si Arkin, "No po. I don't really miss you Mommy..." Deretsyo at honest nitong sagot. Tinuro nya si Jaren na naka upo sa Sala. May matamis na ngiti sa kanyang labi habang pinapanood silang dalawa, "Si Dada lang po ang naka miss sayo. He can't sleep properly last night because you're not here, sya po ang sad, Mommy. Hindi po ako, pero nagiging sad po ako kapag sad si Dada". Inumaga na nang naka uwi si Carmela. Hindi nya nagawang umuwi kagabi dahil nilakad nya ang mga papeles na kakailanganin par
Naka ngising bumalik ng hospital si Tristan. Buong akala nya ay nagkakamali lang sya ng lead, pero matapos nyang makumpirma na naka balik na nga ng Pilipinas si Carmela matapos ang ilang taon na wala syang balita sa Babae o ano mang lead ay hindi nya mapigilang mapa isip. "I see..." Tumango tango sya. Ang kanyang daliri ay nakalagay sa kanyang baba habang nagpapaka lunod sa malalim na pag iisip, "I already connect the dots. So that's the reason why I don't have any lead to her whereabouts, huh? dahil si Jaren ang kasama nya..." Kaya pala simula ng ma discharge ito sa hospital ay ni anino hindi na nila nahagilap upang ibalita sa kanya ang nangyari kay Axcel. He's pretty sure na ginamit ni Jaren ang kanyang privilege para mawalan sila ng track kay Carmela. Ni hindi pa nga nila alam na wala na pala ang Babae sa Pilipinas!"Given that you're 4 years considered missing... babalik ka ng Pilipinas na may kasamang Bata..." Natatanga syang tumawa, "na kamukha pa talaga ni Axcel." Ngayon pala
Kasalukuyan nang nag aayos si Carmela ng kanilang mga gamit. Matapos nilang mag hapunan ay kaagad nang naka tulog si Arkin. Hanggang ngayon ay iniisip nya pa rin si Tristan. Ano ang ginagawa nito sa sementeryo? Ang mga mata nito ay madaming sinasabi sa kanya. Alam naman nyang walang masamang binabalak si Tristan dahil napaka bait nitong tao. Hindi nya mapigilang mag alala kung sinabi nya kaya ang tungkol kay Arkin kay Axcel? Bakit ba kasi sa dami ng makakakita sa kanila ay isa pa sa mga side kick ni Axcel!Napa pitlag sya ng maramdaman ang kamay ni Jaren na yumayakap sa kanyang likudan, "para kang kabuteng kung saan-saan sumusulpot!" She exclaimed dahil sa sobrang gulat. Natawa si Jaren. Ang hininga nito ay tumatama sa likudan ng kanyang tenga dahilan ng pag tayo ng kanyang mga balahibo, "Do you like our house?"Inikot ni Carmela ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay. Dalawang palapag ito, sa taas ang dalawang kwarto kung saan tabi silang dalawa ni Arkin habang ang isa naman ay k
NANGINGINIG ang kamay ni Regina habang inilalagay sa kanyang maleta ang kanyang ibang mga gamit. Halos lahat sila sa loob ng Mansion ay nag kakagulo, gusto na nilang umalis sa Pilipinas sa lalong madaling panahon bago pa tuluyang lumalin ang mga imbestigasyon at mag sama-sama pa silang lahat bumagsak sa loob ng kulungan. Kaliwa't kanan ang kanilang pagiging aligaga at panay ang tingin nila sa orasan. May flight kasi sila na kailangan nilang habulin na ka bo-book lang din nila. Salamat nalang talaga sa kanilang attorney na matalino't magaling dahil naka alis sila ng presinto kanina! Si Murphy lang ang naiwan duon dahil mas mabigat ang ebidensya na naka turo sa kanya. Hindi na nila alam ang mga nangyayari dahil wala silang koneksyon sa loob, baka mamaya ay nilalaglag na rin sila ni Murphy sa iba pang mga kasalanan! Ang Loko na 'yon! Tama lang na pinahiya sya ni Carmela sa public para si Murphy lang ang pag tuunan nang pansin nang lahat! Pumasok si Aegin sa kwarto ni Regina. Hanggang
Naunang nakadalo sa kumpanya si Ronald at Precious. Ilang minuto na silang nasa loob nang kanilang sasakyan. Dinudumog kasi sila ng mga reporter ngayon, panay ang pag flash nang kanilang mga camera at ang iba naman ay sabik nang maka kuha ng kanilang panayam sa nangyari. Hawak ni Ronald ang lagayan. Mabigat ang kanyang nararamdaman ngayon sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi ito hinahawakan ni Precious dahil para sa kanya ay nandidiri sya. Isasama sana nila ngayon si Pearlyn pero kailangan nilang ipakitang na kay Carmela lang ang atensyon. "I think we should go outside bago pa dumating ang mga Mostrales..." Hindi sumagot si Ronald duon. Nakatulala lang syang pinapanood ang mga tao sa labas habang mahigpit ang pagkaka kapit sa inaakalang abo ng katawan ni Carmela. "Do you think this is really an ambush against my political run?" Iyon lang kasi ang nakikita nilang rason kung bakit nila kinabitan ng Bomba ang sasakyan ni Carmela. Iyon din kasi ang sinabi sa kanila ng mga Mostrale
"Cheers?" Itinaas ni Murphy ang kanyang wine glass sa ere. Anong oras na ng gabi at natanggap na nila ang report na sumabog na ang bombang inilagay nila sa sasakyan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi si Manong Gab at Axcel. Iniisip nila na paniguradong nag luluksa na ang dalawa sa pagkawala ni Carmela. Ngayon, panahon naman na upang mag saya sila dahil sa wakas ay nagawa na nilang pabagsakin si Carmela dahil alam naman nilang makakapasok na sila kapag si Axcel na ang naupo sa pinakamataas na posisyon. Ipinag lapit nila ang kanilang mga baso dahilan nang malakas na tunog nito na umalingawngaw sa buong Mansion. Lahat sila ay may ngiting tagumpay sa kanilang mga labi. Ang karamihan ay dahil sa pera, kapangyarihan, at kumpanya. Habang si Pearlyn naman ay masosolo nya na si Axcel at hindi na kailan man malalaman ng kanyang magulang ang katotohanan. Ininom na nila ang kani-kanilang baso ng wine, "What a wonderful night..." Bulong ni Pearlyn. KINUHA ni Axcel ang kumot sa lo
Matapos ang usapan at mamatay ang tawag ni Jenny sa kanya ay bigla syang may natanggap na text na nang gagaling kay Manong Gab. Hindi nya na sana 'yon babasahin dahil pabalik na sya sa kanilang pinag parking-an nang mahagip nang kanyang mata ang salitang 'patawad' sa screen. Pinindot nya nalang ang text dahil sa pag tataka kung bakit ito humihingi ng tawad sa kanya kung pwede namang mamaya nalang sa loob ng sasakyan, hindi ba? "Carmela, sana mapatawad mo ako sa aking nagawa... lalo na sa pagka sira nang pamilyang binuo n'yo ni Axcel. Kasalanan ko kung bakit ito nasira... At sana mapatawad mo rin ako kung bakit hindi ko kayang harapin ang mga kabayaran sa aking nagawa." Nag sisimula nang bumilis ang tibok nang kanyang puso sa kanyang binabasa, "Ako ang naka patay kay Cody... ako ang salarin, ako ang truck driver..." parang nahulog ang kanyang puso. Si Manong Gab? Paano nya ito nagawa? At bakit?....Para syang pinag taksilan... Hindi... literal na pinag taksilan talaga sya. Namuo a
Naalimpungatan si Carmela ng makaramdam sya ng pagka lamig. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman nyang naka sandal sya sa balikat ni Axcel. Kaagad syang umayos nang upo at tinanggal ang jacket na naka patong sa kanya. Alam nyang kagaya nya ay nilalamig na ngayon si Axcel. Inilagay nya rin ito sa lalaki. Napa buntong hininga sya. Anong oras na pero mukhang wala pa atang balak rumesponde ang mga empleyado. Pinakatitigan nya si Axcel na mahimbing na natutulog. Malumanay at puno ng rahan nyang inayos ang buhok nito para hindi sya magising. "Ano ba Carmela!" Wika nya sa kanyang sa loobin. Bumaba kasi ang kanyang tingin sa mapulang labi ng lalaki. Hindi nya maipaliwag ang kanyang nararamdaman na para bang gusto nya itong halikan na hindi. Ilang dangkal nalang ang lapit nang kanilang mukha at mukhang nananalo na ang sigaw ng kanyang puso. Unti-unti na syang napapalapit sa lalaki nang biglang mabilis na nag bukas ang pintuan ng elevator. Napa tingin sya duon, "Shit!" Utas nya nang
"I really can't believe what's happening right now!" Si Tita Regina na kanina pa pabalik balik sa kanyang nilalakadan. Matapos ang mga pangyayari kanina sa opisina ay kaagad silang umuwi. Lahat sila ay wala sa katinuan at kapwa lumilipad ang mga utak—kung paano patalsikin si Carmela sa pwesto. "Hindi naman natin sya basta bastang matatanggal kung sya ang napiling taga pag mana ni Papang..." Muling humithit sa sigarilyo si Ortiz, "Besides, mukhang pinag isipan pa ito ng mabuti ng matanda bago sya pumanaw... Sa lahat pa talaga nang tao na pwede nyang pamanahan, bakit pa ang Babaeng p0kp0k na 'yon?" Niyupos nya ang sigarilyo sa isang Ashtray. Napa ngisi si Pearlyn nang may pumasok na ideya sa kanyang utak. Hindi nya na kasi kayang pigilan pa ang gigil nya kay Carmela. Nakaka asiwa lang isipin na pinapaburan nanaman si Carmela nang mga mahahalagang bagay ng Tadhana. Paniguradong magugustuhan ng pamilya ang kanyang plano. "Why don't we came out a plan?" Lahat sila ay napa baling sa kany
Aalis na sana ang mga Investors at ang mga mahahalagang tao nang biglang mag salita si Axcel na ikina tigil nilang lahat. "Since you're already the CEO of this company... Can I ask you personally?"Nagulat din sya sa biglang tanong ni Axcel. "Go on..." sumimsim sya sa wine na kanyang iniinom, pilit tinatago ang nararamdamang kaba. Paano ba naman ay seryoso kung makatingin sa kanya ang lalaki sa kanya ngayon. "I want to work here..." Nahulog ang panga nilang lahat sa kanyang sinabi. Maging si Carmela ay hindi nakapag salita ng ilang segundo. Tumayo ito mula sa pagkaka upo at humakbang papalapit sa kanya. Nakatayo na ang lalaki ngayon sa kanyang harapan, mata sa mata, lahat ng atensyon ay nasa kanilang dalawa. Ilang pulgada lang ang layo ng kanilang mukha sa isa't isa at nang susukat ang kanilang mga tingin "with a greater position in this company..." Nagsimula nang mag bulung bulungan ang mga tao sa kanilang narinig. Naiilang syang napa ngiti ng pilit, "What do you mean?" Grab
Tumingin si Carmela sa kanyang repleksyon sa harap ng salamin. Kanina nya pa kinakausap ang kanyang sarili. Hindi nya na nakayanan ang kanyang emosyon at nasabunutan nya na ang kanyang sarili. Paano ba naman kasi ay sasabihin nya na sana ang totoo kanina kay Axcel pero nong nakita nya ang lalaki ay bigla nalang syang napa takbo papalayo. "Come on Carmela!" Pang babawi nya sa kanyang tunay na huwisyo, "Come to think of it!" Tumaas ang tono ng kanyang boses, "If you accept the position of the company... hindi na nila pag iinitan si Axcel..." gaya nalang ng naabutan nya kaninang umaga na kinakawawa nila ang walang kalaban-laban na si Axcel at nang mas lalo nya pa itong ma pro-protektahan. "Hindi nga nila pag iinitan si Axcel, pero pano naman ako?" Tinuro nya ang sarili, "Siguro ay mas maganda na rin 'yon dahil kaya kong mang laban kahit papaano at nasa tamang pag iisip ako..." Napalunok sya nang maalala ang mga pag babago ni Axcel at ang akusa sa kanya nang kanyang mga magulang na na
Nasa malalim na pag iisip si Axcel nang biglang mag bukas ang pintuan nang kwarto. Iniluwal non si Tress, nasa malayo palang ang lalaki ay naamoy nya na ang alak. Naka ngisi itong lumapit sa kanya at inilapag ang kulay brown na envelope sa kanyang lamesahan, "this is the only informations that I got." Kaagad nang binuksan ni Axcel ang envelope. Makikita duon ang ibang mga picture ni Jaren at Carmela na sabay pumapasok sa bahay na kanilang tinutuluyan sa ibang bansa. "Nag sama lang silang dalawa and base to the informations that I have gathered, wala silang naging relasyon through out the years na mag kasama silang dalawa..."Sinuri ni Axcel ang mga nasa papel, malinis 'yon at walang mga ka suspetsya-suspetsyang pangyayari. Paano ba namang hindi magiging malinis ang mga records na nandoon eh si Bruce na mismo ang may gawa. Pinag tatakpan nila ang lahat na patungkol kay Arkin. "... but base on my other resources may pinangako pa pala si Carmela kay Jaren, huh?" Nag salubong ang ki