“MAHAL”–ang katagang ito kailanman ay hindi maramdaman ni Jewel sa kanyang kaibuturan. Nag-iisang salita, subalit lubhang napakahirap sa ina na ipadama sa kanya, subalit hindi kay Vivian. Sa musmos niyang edad, ramdam niyang magkaiba ang tingin nito sa kanilang magkapatid.
Kahit na anong paraan ay ginawa na niya maramdaman lang na mahal siya ng ina. Jewel studied hard because she wanted her mother to be proud of her. At kahit na halos lahat ng medalya sa baytang ay iakyat niya sa tahanan nila, balewala ‘yon sa ina.
Samantalang si Vivian na makailang ulit bumalik ng high school, wala siyang narinig mula sa ina.
“Hindi ko kailangan ang mga medalyang ito!” Binato ni Sonia kay Jewel ang medalya. “Kahit na ano'ng gawin mo, hindi mabubura ang katotohanan na isa kang pagkakamali.”
Pagkakamali? Naisip niya noon na baka isang pagkakamali nang siya ay isilang nito. Sana nga ay hindi na. . . kung ganito lang din naman ang pakikitungo nito sa kanya.
Ni minsan, hindi siya nito pinagmalaki sa mga kasamahan nito sa trabaho at mga kaibigan. Ni hindi inihaharap sa mga tao. Para bang isa siyang kahihiyan sa kanilang pamilya.
At dahil sa magkaibang trato sa kanilang magkapatid ng ina, sumibol ang napakaraming katanungan sa isipan ni Jewel. At hindi niya napigilan ang sarili na hindi itanong sa ama, noon ay edad katorse siya. Kung siya ba ay tunay na anak ng mga ito.
“O-oo naman, anak. Ano ba namang tanong ‘yan?” sagot ng kanyang ama habang tinutulungan siyang ihanda ang lunchbox niya. Silang mag-ama lamang malimit magkasabay sa almusal. Dahil gaya ng dati, tulad ng kanyang nakalikahan, ang ina at kapatid niya ang laging magkaharap at magkasabay sa hapagkainan. Kaya kapag nasa trabaho ang kanyang ama, napipilitan siyang kumain mag-isa.
“I’m sorry, Pa. P-pero hindi ko maramdaman kay Mama ang pagmamahal na malimit niyong sinasabi sa ‘kin,” umiiyak na wika niya. “Pati sa school, tinutukso nila ako. Hindi raw ako mahal ni Mama, kundi si Ate Vivian lang. Ipinangangalandakan ni Ate Vivian sa school na trying hard ako na makuha ang atensyon ng aming ina. Kapag may espesyal na okasyon, o kaya kapag concern kay Ate ay hindi nawawala si Mama. P-pero kapag ako, ni anino niya ay hindi ko makita. Hindi siya natutuwa sa mga natanggap kong parangal sa school.”
Awang-awang niyapos ni Cesar ang anak. “Mahal na mahal kita, anak. Lagi mong tatandaan ‘yan, ha? Lagi mo rin iisipin, I'm always proud of you.”
Kahit hindi nasagot ng ama ang kanyang tanong, hindi niya na iyon pinilit. Kung hindi man niya maramdaman ang pagmamahal mula sa ina, busog naman siya sa pagmamahal ng kanyang ama. Naging ina't ama ito sa kanya.
Uhaw sa kalinga at pagtingin si Jewel ng sariling ina. Para sa kanya, karapatan niyang mag-ani ng pagmamahal tulad ng kay Vivian. Dahil anak din siya. Kaya sinusunod niya ang payo ng ama, hindi siya sumuko. Lahat gagawin niya makaamot lang ng pagmamahal mula sa ina.
Kung siya ay kayang magtiis, hindi ang kanyang ama. Hindi na nito kinaya ang nakikitang pagtrato sa kanya ng ina. Tandang-tanda pa ni Jewel ang mapait na pangyayari sa buhay niya, ‘yon ay nang dumating ang araw ng kanyang pagtatapos sa high school.
“I’m so proud of you, anak.” Hinalikan siya sa noo ng ama. Siya kasi ang valedictorian. Kitang-kita niya naman sa mga mata nito ang kasiyahan. Ngunit kabaliktaran ‘yon sa nakikita niya sa kanyang ina. Walang emosyon. “Ingatan mo ang bagay na ito.”
“Ano po ito, Papa?” Sumilip sa mga mata niya ang tuwa nang inabot nito sa kanya ang maliit na kahon. Kasalukuyang naroon sila sa sariling silid niya.
“Open it.”
Napalatak siya sa tuwa sa kanyang nakita. Isang gold necklace ‘yon. May mga jewelry naman siya pero kakaiba ang kwintas na regalo sa kanya ng ama.
“Ang ganda!” Hindi niya maiwasang mamangha. “Binili mo ‘to, Papa?”
Nakangiting umiling si Cesar.
“Sa kapatid ko,” sabi nito. “Si Amethyst.”
Napansin naman ni Jewel ang gumuhit na lungkot sa mga mata ng ama. “Kapatid? Bakit hindi mo po nabanggit sa ‘min ni Ate Vivian ang tungkol sa kapatid mo, Papa?”
“Dahil patay na siya.”
“Ho?” reaksyon niyang nagimbal sa nalaman. “Paano?”
“Sa takdang panahon ay malalaman mo rin, Jewel. Sa ngayon, 'wag na muna natin pag-usapan,” pag-iwas ni Cesar. Isinuot nito sa leeg ng anak ang kwintas. “Family heirloom ito kaya ingatan mo, sweetheart. At kapag nagkaroon ka ng anak na babae, siya naman ang magmamana at magsusuot nito.”
Tiningnan ni Jewel ang kwintas na nakasabit na sa leeg niya. Sari-saring mamahaling “bato” ang nakadekorasyon.
Nangingilid ang luha nang yakapin niya ang ama. Kahit nagtataka kung bakit sa kanya ibinigay ang kwintas ay hindi na siya nag-usisa. Hindi maitatanggi, mahal na mahal siya ni Papa Cesar.
“Pangako, iingatan ko ang bagay na ito, Papa.”
NASA kalagitnaan nang kasayahan sa malawak na lawn ng mga Buenavista.
Nag-uumapaw ang kagalakan sa dibdib ni Jewel sa napakahalagang araw na ‘yon sa kanyang buhay.
Kasalukuyan siyang isinasayaw ng kanyang nag-iisang ‘crush’ na totoong pinakatago-tago niya sa sarili. Siya at ang matalik na kaibigang si Rochelle lamang nakakabatid niyon. At dahil sa pagnanais ng kanyang kaibigan na masorpresa siya, hindi niya inaasahang darating si Tristan Madrid–ang varsity player ng basketball sa school kung saan nag-aaral ang Ate Vivian niya.
Kilala niya si Tristan Madrid, kaklase niya kasi ang nakababata nitong kapatid na si Fatima. Malimit niyang makita ang binata kapag sinusundo o hinahatid nito sa school ang kapatid.
Ang sarap sa feeling. Ang pakiramdam niya ay idinuduyan siya sa ibabaw ng ulap sa labis na kaligayahang nadarama nang gabing ‘yon.
“Maganda ka, Jewel. Pero mas lalo kang gumanda ngayon. Talagang hindi kita nakilala.”
Simpleng komento, subalit ibayong katuwaan ang hatid niyon sa kanyang puso.
“T-thank you, Tristan. And I’m thankful, dahil nandito ka.”
Malagkit siyang tinitigan ng lalaki. Gusto niyang umiwas ng tingin, subalit namamagneto siya sa mga mata nito, tila nag-uutos sa kanyang huwag gawin ‘yon.
“I should thank Rochelle, she invited me. When I found out you were going to celebrate your graduation, I didn’t hesitate to come here. I've been waiting a long time to get close to you, Jewel.”
Oh, God! Talagang ikinagulat niya ang rebelasyong iyon. Nais niyang isipin na tulad niya’y may lihim na pagtatangi sa kanya si Tristan! Jusme, gusto na yata niyang himatayin sa mga bisig nito.
NANG pumailanlang ang sweet music, kinabig siya ni Tristan. Uminit ang mukha niya nang mapasandal sa dibdib ng binata. Naririnig niya ang mabilis na tibok ng puso nito.“Paniwalaan mo kaya ang sasabihin ko sa ‘yo, Jewel?”Nag-angat siya ng mukha. Nakita niya ang paggalaw ng adam’s apple nito.“A-ano ba ang sasabihin mo?”“Gusto kita, Jewel,” pag-amin nito.Totoo ba ang narinig niya?Baka naman ilusyon pag-ibig niya lang ‘yon?“T-totoo ba ang sinasabi mo, Tristan?”“Yes. Gusto kita, Jewel. M-mahal na nga yata kita.” Tila iyon isang tape recorder na panay rewind sa utak niya. Naramdaman niyang masuyo nitong hinahaplos ang kanyang buhok sa likuran.To the highest level ang kaligayahang nadama niya sa gabing iyon. Ika nga, walang katumbas. Kaligayahang pinutol ng galit na galit na tinig ng kanyang ina na biglang lumitaw sa gitna ng malawak na lawn.Nabitawan siya ni Tristan nang biglang may humalbot sa buhok niya mula sa kanyang likuran. Nasaktan siya. Pakiramdam niya ay matatanggal ang k
NAILIBING si Cesar pagkaraan ng apat na araw. At sa pagpanaw nito, pakiramdam ni Jewel, lalo siyang nag-isa sa mundo. Naulila. May ina pa, subalit hindi naman ganap na maangking ina. Dahil kahit pumanaw na ang kanyang ama, hindi pa rin nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Mama Sonia. Hindi pa rin niya maramdaman ang pagmamahal nito na kay tagal niya nang inaasam-asam. May kapatid, subalit napakalayo ng kalooban nito sa kanya. At dahil doon, nais na rin hilingin ni Jewel na sana’y tulad ng kanyang ama, namatay na rin siya. Ano pa’t nabuhay siya sa mundo kung puro paghihirap at pasakit lang ng kanyang kalooban ang nadarama. Isang mapagpalang kamay ang naramdaman nang nagdadalamhati na si Jewel. Napatingin siya sa kamay na nakadantay sa kanyang balikat. “Gabi na, Jewel, oras na para umuwi ka.” “Yaya Lourdes,” usal niya nang mag-angat siya ng mukha. Ang butihing matanda na nag-aruga, at nagmahal sa kanya. “Tama na ang pag-iyak. Baka makasama sa ‘yo. Halos buong burol ng iyong Papa, um
MULING isinara ni Vivian ang pinto ng library kaya naman tumama ang wine glass sa pinto. "Ma!” ani Vivian nang muling buksan ang pinto at pumasok ng library. “Muntik na akong tamaan ng pinalipad mong wine glass.” “I’m sorry.” Nasapo ni Sonia ang sariling noo. “Nakakainit kasi ng ulo ang ginawa ng iyong ama!” “Speaking of him, nabanggit niya sa testamento na may kapatid siya. Bakit hindi niya nababanggit sa ‘tin?” Umupo ang dalaga sa silya. “I don’t know. Iyon nga rin ang ipinagtataka ko. Wala siyang nabanggit sa ‘kin tungkol sa kapatid niya at sa mga naiwang ari-arian ng kanilang pamilya.” Marahas na umupo sa ottoman chair si Sonia. “Inaasahan ko na sa akin o sa ‘yo mapupunta ang kumpanya. At ang nakakainis pa ay iba ang inihalili niya sa posisyong Director. Matagal ko nang inaasam ang posisyong ‘yon.” “Ma, anak ba talaga ako ni Papa?” seryoso ang mukhang tanong ni Vivian. Natigilan naman si Sonia. Hindi magawang salubungin ang mga mata ng anak. “O-oo naman.” “E, bakit gano’n?
NAGSIMULANG kumain si Sonia. Kapuna-puna namang kung anu-ano ang hinihingi ni Vivian na lalong ikinataranta ni Jewel. At nang halos ay sabay pang natapos ang dalawa kumain, muli siyang tinapunan ng maawtoridad na tingin ng ina. “As what I’ve said, titigil ka na sa pag-aaral mo. Wala na si Yaya Lourdes at Pacing. Ikaw na simula ngayon ang gagawa sa lahat ng gawaing bahay pati ang pagluluto.” “Pero, Ma!” tutol niya. Uminit ang sulok ng kanyang mga mata, nagbabadyang lumuha. “Hindi pa tapos ang aking sinasabi kaya ‘wag kang sumabat, Jewel!” Nanlilisik ang mga ni Sonia. Kagat-labi siyang natahimik. At walang nagawa kung hindi ang humanda sa iba pang sasabihin ng ina. “Wala na akong ipapasahod pa sa kanila. Isa pa, hindi naman na kayo alagain pa ni Vivian. Kaya nagdesisyon ako at ‘yon ay final. Titigil ka sa pag-aaral at magsisilbi sa amin ng anak ko. Wala na rin akong sapat na pera para matustusan ang pag-aaral mo.” “Ma, first year college pa lang po ako at magsisimula pa lang. Ayo
NAISIP niya, mas mahalaga kay Vivian ang career bilang modelo kaya hindi nito mabibigyan ng apo ang ina nila. “P-pero, Ma…” ang layon niya ang magprotesta. It’s unfair! Napakabigat naman yatang kasunduan niyon kapalit ng hinihingi niya at inililimos na pagmamahal mula sa ina. “Hindi mo kayang gawin? Pwes, wala kang aasahan sa akin!” asik ni Sonia na nagmumura pang tinalikuran siya. Iniwan siyang tigagal at hindi makahuma. Ganoon ba kababa ang tingin ng ina sa kanya para gawin ang hinihiling nito? Nagtatalo sa isip kung pagbibigyan ang ina o hindi sa kagustuhan nitong gawin niya kapalit ng inaamot niya buhat dito. Bakit ba napakahirap para sa ina ang mahalin siya? Ang sakit-sakit namang kahilingan niyon. Lalo na’t wala naman siyang nobyo. Kanino siya pasisiping? Sinong matinong lalaki ang bubuntisin siya, mabigyang kasiyahan lamang ang ina? Mabilis na pinahid ni Jewel ang luhaang mga mata sa pagsigid ng mapait na alaalang iyon sa kanyang gising na diwa. Doon natapos ang pagbaba
MALALIM siyang humugot ng paghinga bago marahang tumango. “Yes, you’re right. Kailangan ko talaga ng tulong mo.” “Ows?” “Very badly…” Mixed emotions ang nabasa niyang bumadha sa mukha ni Rochelle, matapos na sa pahikbi-hikbing paraan ay isatinig niya rito kung bakit naroon siya at kailangang-kailangan ang tulong nito. “Tsk! Kahit kailan talaga, shit sa akin ‘yang kapatid mo!” pagigil nitong sabi. “At pati na rin ang ‘yong ina! Hanggang ngayon pala, wala pa ring mabango sa kanya kung hindi ang paborito at pinakamamahal niyang anak! Paano nila naatim na gawin kang katulong? Kung bakit naman kasi nagtitiis ka pa? Napakamasunurin mong anak na ewan! Mabuti na lang at natuloy ang pag-aaral mo." “Pinilit ko kahit napakahirap, dahil para akong salarin na nagtatago kay Mama. Ayokong malaman nilang palihim akong nag-aaral kapag wala sila sa bahay. Isang taon na lang at ga-gradweyt na ako. Pangako, tutulungan kita, Rochelle. Aalisin kita sa lugar na ito. Konting tiis na lang.” “Naku, ‘wag
HINILA siya palabas ni Rochelle sa pinagtatrabahuan nito. “Anybody, mga past costumer mo, will do for me. Huwag lang ang bouncer security ng bar na ito,” pilit ni Jewel sa kaibigan. Matagal na hindi kumibo si Rochelle. Mataman siya nitong tinitigan sa mga mata. Na wari bang binabasa ang kalooban niya. “Ikaw ba’y sigurado sa gusto mong mangyari?” Tumikhim siya upang alisin ang kung ano mang bumara sa lalamunan niya bago sumagot. “Yes, hundred percent sure ako. Hindi na magbabago ang aking pasya.” “Sa gagawin mo, sinasabi ko sa ‘yo, you have to be strong. To be brave. Ibig ko sabihin, ‘yong consequences. B-baka umasa ka pagkatapos ng ‘laro’ na gusto mong mangyari, maglumuhod sa ‘yo ang lalaki para pakasalan ka.” Para siyang ngumuya ng ampalaya sa pait ng ngiting bumalatay sa labi niya. Ngunit pilit na ikinukubli ang pait na nararamdaman. “Ang mga lalaki ay hindi ganoon, alam ko.” “Absolutely. At hindi ang lalaking nasa isip ko na siyang makakasiping mo, Jewel.” Biglang lumiwanag
NAPAKARAMING panunukso ang natanggap ni Red buhat sa mga kaibigan. May mga panahon na nasabihan din siya ng babae na isa siyang ‘bakla’. But still, hindi nagawang baguhin ng mga panunuksong iyon ang kanyang prinsipyo. Na kung ang babae, dapat ay ‘birhen’ sa unang gabi nila ng lalaking pinakasalan niya. Bakit hindi hayaang mangyari ang mga prinsipyong iyon sa isang lalaki. At sa kanya magsisimula iyon.Nais ni Red, tulad din ng babaing kanyang nakatakdang pakasalan–kapwa sila ‘birhen’ sa gabi ng kanilang honeymoon.Weird idea! Lalo’t sa isang lalaking tulad niya na hindi naman nahuhuli sa kagwapuhan ng mga kaibigan ang pag-uusapan. Kung tutuusin, mas lamang siya sa mga ito dahil hindi na niya kailangan pumunta sa fitness gym para lamang magkaroon ng magandang hubog ng katawan. Katulad ng Kuya Draven niya, macho na siya talaga. Patunay na isa siyang Collins. His origin.Subalit ang prinsipyong iyon, ni isa man ay wala siyang pinagsabihan. Bakit naman niya ipagsasabi ang mga ito? E, 'di
“R-Red…” nahihirapang sabi ni Jewel. “Paano ako makakasiguro na tunay ang pagmamahal na sinasabi mo? K-kung sinasabi mo lang ‘yan ay dahil sa anak ko, mabuti pang umalis ka na. Pinapangako ko sa ‘yo, hindi ko pababayaan ang aking anak. Bubusugin ko siya ng pagmamahal na hindi kailangan ng pagmamahal ng isang ama.” “Anak natin, huwag mong solohin. Ilang pruweba ba ang puwede kong ipangalandakan sa ‘yo para paniwalaan mo ang iba pang sasabihin ko? Isa pa, nariyan si Rochelle, siguro naman, sa loyalty sa ‘yo ng kaibigan mong ‘yun, hindi niya ako papayagan makalapit sa ‘yo kung alam niyang niloloko lang kita.” May katuwiran ito. Nangingilid ang luha sa mga mata niya. Mayamaya, kinabig siya ni Red at niyakap nang mahigpit. Iyon ang kanina pa niya gustong maramdaman–ang yakap ng lalaki na mag-aalis ng kanyang alalahanin. Buong puso siyang tumugon sa yakap at ipinadama ang pagmamahal niya para rito. Nadama niya ang mabini nitong halik sa kanyang noo. Napapikit siya sa pagsuyong naramdama
IYAK ng sanggol ang nakapagpadilat sa mga mata ni Jewel. “A-ang baby ko…” ‘yon ang salitang unang namutawi sa kanyang bibig. Kahit na nga medyo malabo pa sa paningin niya ang mga taong nasa tabi niya. “Don’t worry, he’s fine…” pabatid sa kanya ng isang pamilyar na tinig. “Ang kailangan lang, magpalakas ka, para makarga mo na ang baby natin.” Nababaghan siya sa mga pangungusap ng pamilyar na tinig na iyon. Anong karapatan nitong angkinin ang anak niya? “Thank goodness!” narinig niyang sambit ng kung sino man. “I can say, it's a miracle. Ang inaasahan ko ay ang muling mapatibok ang puso ng pasyente. Hindi ko inaasahan na magigising siya mula sa pagkaka-coma, kasabay ng muling pagtibok ng puso niya.” Red and Rochelle, they rush her to the operating room for an emergency c-section. However, a blood clot that was loose in her system sent her into a coma. The medical staff caring for her felt defeated. Dahil pagkalipas ng ilang linggo, Jewel was still unconscious and no treatment se
KABABAKASAN ng tuwa ang mukha ni Vivian nang makita si Red. “Sweetheart, mabuti naman at nagpakita ka na sa akin,” malambing nitong sabi. Matalim ang mga matang tumingin ito kay Jewel. “Sabihin mo sa babaeng ‘to, hindi ka niya pwedeng kunin sa akin. Ako ang mahal mo, ‘di ba?” Aalis na sana si Jewel, nang matigilan. Nararamdaman niya ang masakit na paghilab ng kanyang tiyan. “Jewel!” Narinig niya ang boses ni Rochelle, nakita niya ang kaibigan at may kasama itong apat na lalaki. “Saan ka pupunta, huh?” Hinila ni Vivian ang buhok ni Jewel. “Akin lang si Red! Tandaan mo ‘yan!” “Vivian, stop it!” dumagundong ang sigaw ni Red, mabilis na nilapitan ito at tinanggal ang mga kamay na nakasabunot sa buhok ni Jewel. “M-manganganak na yata–” hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Jewel nang maramdaman unti-unting dumidilim ang kanyang paningin. Mabilis na naagapan ni Red ang pagbagsak ni Jewel sa sementong sahig. “Ipagdasal mong walang masamang mangyari sa mag-ina ko, Vivian. Dahil kapag n
AGAD na pinuntahan ni Sonia ang anak sa kwarto nito matapos makausap sa cell phone. “Vivian!” “Ma…” “Hanggang ngayon, hindi mo pa rin matalikuran ang bisyong ‘yan!” galit na turan ni Sonia na isa-isang ipinagtatapon ang mga ipinagbabawal na gamot na nagkalat sa ibabaw ng kama ng anak. “Gusto mo ba talagang tuluyang sirain ang buhay mo, huh?!” “Kailangan ko ang mga ‘yan, Ma. Give it to me, please…?” umiiyak na pakiusap ni Vivia sa ina. “Makakatulong sa ‘kin ang mga ‘yan na makalimutan ang lahat ng problema ko.” “Tumigil ka!” “Si Red, hindi niya ako sinipot sa simbahan kanina, Ma…” humahagulgol na sumbong nito sa ina. “Mahal na mahal ko siya, Ma!” “Ano’ng gusto mong gawin ko, huh? Hanapin si Red, lumuhod sa harapan niya at pakiusapang ituloy ang kasal n’yo, gano’n ba ang gusto mo?” lumuluha na ring turan ni Sonia. Niyakap nito nang mahigpit ang anak. “Alam mo bang pinatalsik na rin ako sa kumpanya? Lahat ay unti-unti nang nawawala sa atin.” Natigil sa pag-iyak si Vivian. “What d
“ANO ang ibig sabihin nito?” nanggagalaiting sigaw ni Sonia. Halos manlaki ang ulo nito sa nabungarang tagpo. Nakakalat ang mga kagamitan nito sa labas ng opisina. “Sino ang may gawa nito?”“Ma’am, kahit ano pong awat namin sa kanila, ayaw nila kaming pakinggan. Hindi na raw ikaw ang Managing Director ng kumpanya,” pabatid kay Sonia ng kanyang sekretarya. “Si Mr. Carlo Burgos, siya po ngayon ang nakatalagang papalit sa iiwan n’yong posisyon sa kumpanya, ma’am.”“At sinong baliw ang nagsabi?”“Ako.”“Who are you?”“Ako si Atty. Macnel Rojo. Isa ako sa mga abogadong pinagkakatiwalaan ng nasira mong asawa na si Mr. Cesar Buenavista.”“Hindi ikaw ang abogadong kinuha ng asawa ko. Umalis ka na kung ayaw mong ipakaladkad kita palabas ng kumpanya!” pagbabanta ni Sonia sa lalaki.“Si Atty. Delgado ba ang tinutukoy mo, Mrs. Buenavista?” seryoso ang mukhang patanong na sabi ng abogado. “Umamin na si Atty. Delgado. Binalak n’yong manipulahin ang iniwang testamento ni Mr. Buenavista. At itong Bue
NIYAKAP ni Vivian si Red. “Sweetheart, please… patawarin mo ako. Simulan natin muli ang lahat. Mahal mo naman ako, ‘di ba? It's not too late, mag-aampon tayo. I swear, you will learn to love the child we will adopt.” “Whose child? Kay Jewel na kapatid mo?” Patda si Vivian. “P-paano mo nakilala si Jewel?” “And that's what I wonder about. You didn't tell me you had a sister.” “For what? She is not part of our family. I don't even consider her a sister.” “Hindi mo siya itinuturing na kapatid pero interesado ka sa pinagbubuntis niya. How dare you na angkinin ang anak na hindi naman sa ‘yo!” “N-nagkakamali ka,” napalunok na turan ni Vivian. “S-siya mismo ang may gustong ibigay sa akin ang bata–” “Enough!” ani Red, marahas na inihinto niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Napahagulgol naman ng iyak sa mga palad nito si Vivian. “Matagal mo nang alam na hindi ka na maaaring maging ina. Kaya nga gusto mong angkinin ang bata pagkatapos manganak ni Jewel, right?” “Si Mama ang may idey
“MA!” Kinalampag ni Jewel ang saradong pinto. “Utang na loob, ‘wag n’yong gawin sa ‘kin ‘to! Palabasin n’yo ako rito, Ma!” “Nararapat lang sa ‘yo ‘yan!” mula sa labas ng basement, narinig niyang sigaw ni Mama Sonia. “Mula sa araw na ito, hindi ka na makakalabas diyan!” Matapos i-lock ni Sonia ang pinto ng basement, may ngiti sa mga labi na umalis ito roon. Naiwan naman si Jewel sa loob ng basement na walang patid ang iyak habang himas-himas ang nananakit na tiyan. Hinintay lang ni Clyde na pumanhik sa ikalawang palapag si Mrs. Buenavista, saka lumabas sa pinagtataguan. Kinuha nito ang bungkos ng susi na itinago ng babae sa loob ng vase. Natigil sa pag-iyak si Jewel nang makitang gumalaw ang seradura ng pinto. Mabilis na dinampot niya ang monoblock chair. Dahan-dahang bumukas ang pinto. Inihanda niya ang sarili. Wala siyang mapagpilian. Kailangan niyang makalabas ng basement. Huminga siya nang malalim at hinigpitan ang pagkakahawak sa monoblock chair. Oh, God! Patawarin n’yo ako
NAMUTLA si Vivian nang makapasok sa private clinic ni Dra. Angela Muñez–asawa ni Akio na kaibigan ni Red. Dra. Angela Muñez, Obstetrician-Gynecologist. Masama ang loob na tumingin si Vivian kay Red. Hindi nito alam kung ano ang nasa isip ng lalaki. “What does this mean, sweetheart?” Vivian tried to calm herself even though she was nervous at that moment. “I thought we were going to meet the owner of the flower shop who will supply flowers for our wedding?” “Gusto ko lang masigurong maayos ang pagbubuntis mo,” kaila ni Red. Bago pa sabihin sa kanya ni Vivian na nagdadalang tao ito, nasabi na sa kanya ni Rochelle ang pinaplano ng mag-inang Buenavista. Hindi siya nagpahalata sa nobya na alam niya ang totoo. Sa kabila ng mahigpit na ginawang pagtutol ni Vivian na samahan niya itong mag-prenatal check up sa Ob-Gyne, nagkaroon siya ng ideyang dalhin ito sa private clinic na pag-aari ng kaibigan niyang si Akio nang hindi nito nalalaman. Dahil alam niyang hindi ito papayag. “Mr. Collins
“Red, narito ka pala. Wala ka bang pasok?” tanong ni Sonia nang mabungaran ang nobyo ng anak sa may sala. “W-wala, Ma.” Tumikhim si Red upang alisin ang kung anumang bumara sa lalamunan niya. “I let my brother manage the Collins Center for a few days. Magiging abala na po kasi ako sa pag-aasikaso ng nalalapit na kasal namin ni Vivian.” “How sweet of you, sweetheart. Kaya mahal na mahal kita!” tinig ni Vivian, halatang kinikilig na lumapit ito kay Red at siniil ng halik ang nobyo. “Gusto n’yo po bang sumama?” “Lakad n’yong dalawa ‘yan ng unica hijo ko. Isa pa, pinapagawa ko ang gripo sa shower room.” “Okay,” nakangiting turan ni Red. “We’ll go ahead, Ma!” paalam ni Vivian, humalik ito sa pisngi ng ina. “Red, take care of my daughter!” Nakangiting tumango siya bilang tugon. Napatingin siya sa kusina, nakita niya si Jewel na lumabas mula roon. Iniangkla ni Vivian ang isang kamay sa braso ni Red at lumabas ng sala ang dalawa. PAGPASOK sa kotse ay agad naging abala sa pakikipag-u