Chapter 57Hindi agad sumagot si Lorenzo sa tanong ni Frankie dahil para sa kaniya, ang text message na ipinadala nito ay hindi mukhang biro. Ngunit hindi rin niya makita ang anumang dahilan kung bakit gugustuhin ni Frankie na saktan si Kristal, kaya mahirap para sa kaniyang husgahan ang babae."Lorenzo, ayaw mo ba akong paniwalaan?" Nanghihinang sambit ni Frankie at tila nawalan ng sigla nang hindi makatanggap ng sagot mula kay Lorenzo."Kahit ikaw pala, hindi ka rin naniniwala sa'kin..."Humagulgol na ngayon si Frankie, mukhang kaawa-awa kung kaya't hindi napigilan ni Lola Ven na mapatingin dito. Agaran naman siyang nakaramdam ng awa sa nasaksihan."Kahit hindi ko alam ang buong nangyari at kung sangkot na ang pulisya, ibig sabihin lamang na naimbestigahan na nila ito. Kung talagang may kasalanan si Frankie, bakit pa siya makababalik dito nang ganoon-ganoon nalang?" Sabi ng matanda na tinanguan naman ng apo nito."Naniniwala akong hindi niya ito sinasadya, pero hindi na pwedeng mana
Chapter 58Kilang-kilala ni Kristal ang kaniyang kapatid at naiintindihan niya ang ugali nito. Mukhang alam din niya kung bakit siya inaya ni Maurice para maghapunan ngayong araw. Malamang ay dahil pinagbawalan siya nito ng asawa na magtrabaho at parang pinagbagsakan ng lupa ang nararamdaman nito ngayon. Pagkatapos ng mahigit sampung taon na pagtitinda sa kalye ay naging bahagi na iyon ng buhay ni Maurice, tiyak na mahirap para sa kanya na biglaang mawala ito.Gayunpaman, ang pagkakaroon ng isang pamilya ay nangangahulugan din ng maraming bagay na hindi maiiwasan. Ang isang bagong buhay ay mahalaga rin para sa isang pamilya. Kung gusto pa rin ng kanyang kapatid na manatili kasama ang kanyang bayaw, ang pagkakaroon ng anak ay maaaring makatulong upang mapagaan ang atmospera sa loob ng kanilang tahanan. Kung tutuusin ay usapin ito sa pagitan ng mag-asawa at hindi maaaring labis na makialam si Kristal."Sa totoo lang, mas mabuti nang hindi ka na magtinda pa sa kalye ate. Napakahirap ng t
Chapter 59Totoo ngang hindi mapakali si Lorenzo dahil nang matanggap niya ang mensahe ng babae ay kasalukuyan siyang nag-aahit ng bigote sa banyo—kalahati pa lang ang naaahit niya rito nang makita ang mensahe pero bigla na lamang siyang nagkaroon ng sigla. Sa pag-iisip na naghihintay si Kristal sa ibaba nang ganito kaaga, pakiramdam niya ay napakabagal ng pag-type at pagpapadala ng mensahe kung kaya't agad siyang tumawag dito.Nang malamang nasa ibaba si Kristal ay gusto niyang bumaba agad upang salubungin ito. Siya ay isang taong napaka-metikuloso, pati na rin sa pag-aahit. Ngunit sa pagkakataong ito, minadali niya ang natitirang bahagi, hinugasan ng tubig ang kanyang mukha, tumingin sa salamin nang dalawang beses, at tuluyan ng lumabas ng banyo.Nanatili siya roon kagabi upang samahan ang kaniyang lola. Hindi pa dumarating si Frankie ngunit gising na gising na ang matanda, nakasalamin ito habang nanonood ng balita sa kama. Nasa ganoong estado ang matanda nang mapansin ang aninong m
Chapter 60"Narito si Kristal upang bisitahin ako." Mahigpit na hinawakan ni Lola Ven ang kamay ni Kristal na tila wala itong balak bitawan ang dalaga.Isang bahagyang selos ang lumitaw sa mga mata ni Frankie. Ginawa niya ang lahat upang mapasaya ang matanda ngunit nanatiling malamig ito sa kaniya. Hindi niya alam kung anong ginawa ni Kristal upang makuha ang loob ng matanda nang ganoon kabilis. Pakiramdam niya ay hindi siya komportable, ngunit pinanatili pa rin niya ang isang magalang at mahinahong ngiti sa kanyang mukha."Magkakilala pala kayo Lola?""Nagkita kami noong huli akong naospital. Parehas kaming pasyente noon," sagot ni Lola Ven, ang kanyang mga mata ay halos hindi na makita dahil sa labis na pagkangiti.Lalong nakaramdam ng inis si Frankie, ngunit kinuha pa rin niya ang dalang termos."Lola, nagluto ako ng lugaw para sa inyo. Niluto ko ito nang magdamag sa mahinang apoy. Gusto niyo bang tikman?" Alok nito sa matanda."Nakakain na ako," tanggi naman ng matanda rito."Tala
Chapter 61"Kuya," matamis na tawag ni Alyssa nang makita niyang pumasok na si Lorenzo sa loob ng opisina nito. May balak pa sana itong yakapin ang isa ngunit tinulak lang siya palayo ng lalaki.Wala rito itong ekspresiyon na naglakad patungo sa kaniyang lamesa habang pinasadahan ng tingin ang workstation ni Kristal na bakante pa at wala pa ito roon. Nang makarating na siya sa kaniyang lamesa ay umupo na ito sa malaking upuan at inayos ang manggas ng kanyang damit."May kailangan ka ba? Ang aga mo ngayon ha," tanong ni Lorenzo habang tinitignan si Marco.Itinaas ni Marco ang kanyang kilay at itinuro ang kapatid na si Alyssa na para bang pinapahiwatig rito na simulan na nito ang gusto nitong mangyari.Lumapit naman si Alyssa sa mesa ni Lorenzo at itinuro ang workstation sa tabi nito."Kuya Lorenzo, para ba sa'kin ang lamesang 'yon?""Hindi!" Diretsong sagot ni Lorenzo."Hindi ako naniniwala!" Nakangiwing sambit naman ni Alyssa.Hindi ito ang unang beses na pumunta siya sa opisina ni Lo
Chapter 62Ito ang unang beses na sumama si Kristal sa isang field inspection, kaya naman masigasig siyang nagsulat ng mga importanteng impormasyon. Bilang kaniyang superior ay hindi naging maramot si Lorenzo at pinaalalahanan siya sa ilang mahahalagang puntos.Mabilis lumipas ang umaga, at habang nakaupo sa opisina ay binabasa ni Kristal ang kanyang mga notes. Pakiramdam niya ay marami siyang natutuhan sa ko-konting oras na 'yon."Gutom ka na ba?" Tanong ni Lorenzo nang makarating siya sa p'westo ni Kristal.Bago pa man siya makasagot ay nag-ingay na ang kanyang tiyan. Nahihiya niyang tinakpan ito at matapat na umamin sa boss."Opo, gutom na ako.""Tara, kumain tayo."—Ang lugar na ito ay nasa labas ng lungsod kung kaya't malalayo ang mga kainan at iiba ang hinahanda nila rito.Dinala ni Lorenzo si Kristal sa isang maliit na farm restaurant. Malinis at maayos ang paligid, kaya lumingon si Lorenzo kay Kristal at tinanong ang isa."Dito na tayo kakain, ayos lang?"Hindi mapili si Kris
Chapter 63Napalingon naman si Lorenzo kay Kristal nang makitang nakalahad sa kaniyang harapan ang palad ni Carlos. Kimi lang itong ngumiti bago tumingon sa lalaki at nakipagkamay."Hello," magalang na sambit ni Lorenzo."Oh, dati ko pa naririnig ko na mabait talaga si Mr. Yu, at ngayon napagtanto kong totoo nga ito. Hindi nakapagtataka na napalago mo ang kompanya mo kahit nagsimula ka sa walang-wala," pagpupuri ni Carlos sa kausap.Nahiya naman si Kristal sa mga pinagsasabi ng bayaw kaya tahimik lamang na inilayo nito ang tingin sa dalawa.Sa huli ay naputol na ang nakakailang na usapan nina Carlos at Lorenzo nang mag-ayang umuwi si Maurice, ngunit hindi ito sapat para mahiya ang asawa nito dahil hindi pa rin ito nag-atubiling kumuha ng business card at iniabot kay Lorenzo."Mr. Yu, narinig kong nakuha mo ang lupain sa norte. Magaling sa mga ganiyang bagay ang kompanya namin at masasabi mo talagang cost-effective. Maganda rin ang serbisyo namin pero hindi pa gaanong kilala ang kompan
Chapter 64"Hindi na, naihatid niyo na ako. Kaya ko nang maglakad pauwi mag-isa!" Sagot naman ni Maurice nang makabawi sa ginawa ni Arthur.Hindi naman ito inimik ng lalaki ngunit ang matatalim nitong mga titig ay mas lalo pang naging matalim. Pakiramdam ni Maurice na para bang gusto siyang lamunin nang buo ng mga mata nito, dahilan para makaramdam ito ng konting kilabot."Huwag ka nang maging magalang!" Sagot ni Manong Ben na nasa harapan."Ang mga taong masyadong magalang kay Sir Arthur ay kadalasang hindi maganda ang nagiging kapalaran."Tulad na lang nung huli, sinabi ni Arthur na puputulin niya ang isang braso ng isang tao, pero ang taong iyon ay paulit-ulit na tumatanggi. Dahil sa sobrang pagiging magalang, nagalit ito at sa huli ay hindi lang braso ang naputol kundi pati binti.Maurice: "..."Narinig lang niya noon na hindi maganda ang kahihinatnan ng mga taong nakakasakit ng iba, pero ngayon lang siya nakarinig na may masamang mangyayari sa mga taong masyadong magalang. Pero s
Chapter 75Nang makita ang pangalan ni Frankie, pakiramdam ni Kristal ay tila binuhusan siya ng isang balde ng malamig na tubig, at agad siyang natauhan.Ano bang ginagawa niya? Talaga bang gusto niyang sabihin kay Lorenzo ang tungkol sa bata? May fiancee na ito, ano bang iniisip niya?!Nang mapansin ni Lorenzo na hindi tama ang ekspresyon ng babae ay ni-decline nito ang tawag ni Frankie. "Ano bang gusto mong sabihin kanina?""Wala boss...babalik na po ako ng dorm.""Sige." Nakasimangot si Lorenzo habang pinapanood si Kristal na bumaba ng sasakyan at lumakad palayo, pakiramdam niya ay may kung anong kulang sa kaniyang puso. Bumalik sa isipan niya ang ekspresyon ni Kristal kanina, at may pakiramdam siyang tila may gusto itong sabihin sa kaniya…Naputol ang kaniyang pag-iisip nang biglang tumunog muli ang kaniyang telepono. Sinagot naman niya ito."Mr. Yu, gabi na, hindi ka pa rin babalik?" Tanong ni Frankie sa kabilang linya."Ano'ng kailangan mo?" Tanaw ni Lorenzo ang labas ng bintan
Chapter 74Papalabas palang ng banyo si Kristal ay napansin niyang naghihintay pala sa kaniya sa labas ng pintuan si Paul. Inabutan din siya nito ng panyo nang makita na siya nito."Punasan mo."Hindi tinanggap ni Kristal ang panyo at sa halip ay kinompronta ito."Paul, paano mo nagawang magsinungaling sa mama mo nang ganito?""Kris, ginawa ko ito para sa'yo. Alam na ngayon ng lahat na buntis ka. Ano, titiisin mo nalang na mapahiya ka sa iba?" Nakakunot ang noong tanong ng lalaki."Ano bang pakialam mo kung mapahiya man ako o hindi?""Siyempre may pakialam ako!" Sambit nito at humakbang ng dalawa para makapunta sa harapan ni Kristal."Alam kong kasalanan ko ang lahat. Kung hindi lang ako nagkamali at nalinlang ni Erika, hindi ka sana nasaktan nang ganito, at hindi sana nagkaroon ng pagkakataon si Lorenzo!" Habang sinasabi niya ito ay nagngitngit ang kaniyang ngipin at napakuyom ang kaniyang mga palad sa gilid ng baywang."Nangyari na ang lahat, kahit anong sabihin ko, hindi na nito ma
Chapter 73Parang binuhusan naman ng malamig na tubig si Kristal nang magtagpo ang mga mata nila ni Lorenzo. Kailan pa ito nandito? natigilan. Nakita rin ito nina Jade at ng iba pa kaya sumigaw sila ng "Mr. Yu" bago nagpulasan.Habang si Lorenzo naman ay walang kahit na anong sinabi at sa halip ay tumalikod lang ito para pumasok sa kaniyang opisina. Isinara rin nito ang pinto.Nakaramdaman si Kristal nang kakaiba nang makita iyon. Iniisip ng babae na baka narinig ng boss niya ang mga pinagsasabi kanina nila Jade. Pero hindi ba 'yon ang gusto niya? Mayroon nang Frankie si Lorenzo, at wala siyang karapatang sirain ang relasyon ng dalawa. Wala rin naman siyang balak na sabihin sa lalaki na siya ang ama ng dinadala niya. At kung iniisip ngayon ni Lorenzo na si Paul ang ama ng bata ay hindi ba dapat masiyahan siya? Dahil ibig sabihin lang nito na hindi na lalapit pa ang boss niya sa kaniya. Pero sa kabila ng lahat, bakit parang nalulungkot pa rin siya?Katulad ni Kristal ay hindi rin maay
Chapter 72Nang nasa cafeteria na sila ng kompanya ay nagtungo si Richard upang kumuha ng pagkain habang si Lorenzo naman ay nag-abot ng panyo kay Alyssa."Sabihin mo nga sa akin, bakit mo nasabing nakakaawa si Kristal?""Sinabi kasi ni Kristal sa'kin kanina na may mga lugar sa mundong ito na hindi naaabot ng liwanag. Kung wala kang malakas na tagasuporta, kahit lumaban ka, ikaw pa rin ang madedehado. Kuya, pakiramdam ko talaga ang kawawa niya!" Sumbong naman ng isa habang pinapahiran ang mga luha sa mukha."Ano pang sinabi niya?" Kunot ang noong dagdag na tanong ni Lorenzo, na ngayo'y biglang nakaramdam ng lungkot para kay Kristal."Sinabi niya...sinabi niyang wala siyang mga magulang, tanging kapatid lang niya ang meron siya, at palagi siyang inaapi noong bata pa siya." Naluluha pa ring sabi ng babae."Sinabi niya ito nang parang wala lang pero sobrang naantig ako. Isipin mo, ako nga may mga magulang na nagmamahal sa akin at spoiled pa ako sa kuya ko, na kahit ang buwan sa kalangita
Chapter 71Naligo nang malamig na tubig si Lorenzo para pahupain ang nag-iinit nitong katawan. Ngunit nang humiga na siya sa kama ay tila naaamoy pa rin niya ang banayad na halimuyak ng bulaklak, at biglang lumitaw sa kaniyang isipan ang mukha ni Kristal.Maganda ang babae—may makinis na mukha at pisnging kasya lang sa isang palad. May taas lamang itong 175 cm, ngunit sobrang payat, na parang banf kaya niyang baliin ito gamit ang isang kamay...Kinabukasan ay biglang iminulat ni Lorenzo ang kanyang mga mata, bumangon, at inangat ang kumot. Tulad ng inaasahan ay may malaking basang parte na naman sa kutson!Nakakunot ang noong tinitigan ni Lorenzo ang basang bahagi ng kama. Hindi pa siya kailanman nagkaroon ng ganitong kasabikan noon. At ang pagnanasang ito, na hindi naibigay sa kanya ni Frankie, ay nagmula pa sa isang inosenteng empleyado niya.Napakatotoo ng pakiramdam niya sa kanyang panaginip—na parang nangyari talaga ito sa totoong buhay...-----------Umagang-umaga palang ay nags
Chapter 70Naguluhan man saglit sa asal ni Paul ay natauhan naman agad sa isang iglap si Kristal. Pinakawalan niya ang kanyang sarili mula sa hawak ng lalaki."Bakit?" Tanong niya kay Paul."Dahil sisirain ka ng batang ito!" Mariing sagot naman ng lalaki, nagngangalit ang mga ngipin nito."Kapag nalaman ito ni Lorenzo, hinding-hindi ka niya papayagang manatili!""Hindi ko papayagang malaman niya ang tungkol dito!" Pasigaw na sagot ni Kristal dito."Ang batang ito ay nasa sinapupunan ko. Akin siya, at walang sinuman ang may karapatang magdesisyon kung dapat siyang manatili o hindi, maliban sa akin!""Nasisiraan ka na ba ng bait?" Napatingin si Paul sa kanya na puno ng pagtataka."May nararamdaman ka ba para kay Lorenzo?"Napakislot si Kristal, at mahigpit na hinawakan ang basong nasa kamay niya.Sa mga oras na iyon ay nagkaroon siya ng ilusyon na mabait, mahinahon, at madaling lapitan si Lorenzo. Mabuti rin ito sa kanya, ngunit alam din ni Kristal kung saan siya dapat lumugar. May fian
Chapter 69Dahil sa sinabi ng doktor ay nagkaroon ng kaonting katahimikan sa loob ng opisina. Si Lorenzo ay tahimik lamang na nakamasid sa gulat na gulat na ngayon na si Kristal."Anong sinabi mo, doc?" Pagbasag ni Kristal sa tahimik na silid."Kung pagbabasehan lamang ang pagtibok ng pulso mo, masasabi kong buntis ka," sagot naman ni Arthur."..."Hindi makapaniwala si Kristal sa narinig at ang tanging nasa isip niya ngayon ay buntis siya! At alam na alam niyang dahil ito noong gabing 'yon!"Imposible!" Bulalas ni Kristal."Bakit imposible?" Tanong naman ni Arthur na ngayo'y napapansin na parang may mali sa dalaga."Dahil ako..." Biglang natigilan sa pagsasalita si Kristal. Uminom siya ng emergency contraceptive pills! Hindi pa lumilipas ang 72 oras, kaya dapat ay epektibo ito! Papaano siya nabuntis?Napatingin muna si Arthur kay Lorenzo bago malamang nagsalita."Kahit mag-ingat ka, may posibilidad pa ring mabuntis ka. Walang kasiguraduhan ang mga pag-iingat na ginagawa kapag o bago
Chapter 68"Kuya, bakit soy milk ito?" Binuksan ni Alyssa ang bag at tiningnan ang laman nito, bakas sa mukha niya ang pagkainis."Alam mo namang pinaka-ayaw kong inumin ang soy milk!" "Talaga?" Bumalik si Lorenzo at kinuha ang almusal."Kung ayaw mo, huwag mong pilitin ang sarili mo." Nakita ni Alyssa na inalis ang almusal, kaya napasimangot siya."Kuya Lorenzo, para ba ito kay Kristal?" Hindi sinagot ni Lorenzo ang tanong niya. Inilapag niya ang almusal sa mesa at lumakad papunta sa coat rack para isabit ang kanyang amerikana. "Sabi nila, kakaiba ang trato mo kay Kristal. Dati hindi ako naniniwala, pero ngayon naniniwala na ako." Itinaas ni Alyssa ang baba niya at tinitigan si Lorenzo."Interesado ka ba talaga kay Kristal?" "Unang patakaran sa trabaho, huwag pag-usapan ang mga bagay na hindi konektado sa trabaho kapag kausap ang boss! Maliban na lang kung siya mismo ang magbubukas ng usapan!" Babala ni Lorenzo bago pinindot ang internal phone. Si Jade ang sumagot."Mr. Y
Chapter 67Makalipas ang kalahating oras ay dumating na si Frankie sa dorm nila Kristal. Pinagbuksan naman ni Erika ng pinto ang isa at hindi na nag-abala pang maging magalang."Wala na ako sa mga Yu at wala na rin akong silbi sa'yo. Ano bang pakay mo, Miss Frankie?" Diretsahang tanong ni Erika sa babae.Sa isang banda ay pakiramdam ni Erika na pareho lang sila ni Frankie...pareho silang taong handang itapon ang lahat ng sisi sa iba kapag may nangyaring masama na maiipit sila. Hindi siya tanga para isipin na dumating si Frankie para taimtim na humingi ng tawad.Tuluyan nang pumasok si Frankie at isinara ang pinto. Pinaikot muna nito ang tingin sa maliit na kuwarto nina Erika at saka ngumiti sa babae."Maliit man ang kuwarto mo pero malinis at maaliwalas ito."Napakunot-noo naman si Erika sa sinabi nito. "Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Wala akong gana sa mga paligoy-ligoy ngayon!"Kung dati ay magalang pa si Erika kay Frankie dahil empleyado siya ng kompanya ni Yu, hindi na nga