Chapter 53"Boss, pakiusap, paniwalaan mo ako, hindi ko talaga sinasadya!" Umiiyak na pagmamakaawa ni Erika kay Lorenzo.Pero ni sipat ay hindi niya nakuha kay Lorenzo dahil ang mga mata ng lalaki ay nakatuon lamang sa maliit na mukha ni Kristal. "Richard, hindi ko na siguro kailangang ituro sa'yo ang gagawin mo.""Yes, boss," tugon ni Richard bago tinignan ang nakaluhod na si Erika."Miss Lapuz sumama ka na sa amin."Nanlaki ang mga mata ni Paul sa narinig, nasa isip nito na mukhang magiging seryosong usapan na ito. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay bigla na lamang sumigaw si Erika."Boss, hindi mo ito puwedeng gawin sa akin. Nagtatrabaho ako para sa kasintahan niyo! Kung aarestuhin mo ako ngayon, dapat lamang na kasama rin siya!"Habang nagsasalita ay kinuha ni Erika ang kanyang cellphone at binuksan ang talaan ng mga mensahe."Ito ang mensahe mula kay Miss De Jesus. Ginawa ko lang ito para mapasaya siya! Wala akong kasalanan dito!"Kinuha ni Richard ang telepono at nakita na an
Chapter 54Hindi na sumagot pa si Richard at tahimik lang nagmaneho. Makaraan ang sampung minuto ay huminto ang sasakyan sa harap ng villa ni Lorenzo. Pinagbuksan naman ni Richard ng pinto ng sasakyan si Frankie."Miss Frankie, bumaba na po kayo."Tumingin si Frankie sa villa sa labas, at napasimangot ang mukha niya nang malaman na wala sila sa unibersidad nila Kristal."Sinabi kong dalhin mo ako sa unibersidad nila Kristal, hindi mo ba ako narinig? O sinasadya mo akong suwayin?""Pasensya na, Miss Frankie, sumusunod lang ako sa utos ni boss," malamig na sagot ni Richard na tila walang pakialam sa tono ng pagsasalita ni Frankie.Walang nagawa si Frankie kung hindi bumaba sa sasakyan, ngunit agaran din niyang kinuha ang cellphone sa bag para tumawag ng grab taxi."Kung ayaw mo akong dalhin doon, mag-g-grab nalang ako! Gusto kong makita kung naroon ba si Lorenzo at kung kasama niya si Kristal!"Binuksan ni Richard ang pinto ng kotse at saglit na natigilan matapos marinig iyon."Miss Fra
Chapter 55Habang nag-aayos ng kama si Kristal ay may narinig siyang kaluskos sa likuran niya."May baso ka ba?" Tanong ni Lorenzo.Lumingon si Kristal at nakita niyang nakasandal si Lorenzo sa pintuan ng banyo, may hawak na toothbrush at seryosong nakatingin sa kanya. Tumayo siya, kinuha ang mouthwash cup sa shelf, at hinugasan ito ng ilang beses sa ilalim ng gripo bago binalingan ng tingin ang lalaki."Kung okay lang po sa'yo, puwede mong gamitin ang sa akin boss.""Sige," sagot ni Lorenzo nang walang alinlangan ats'aka naglagay ng tubig sa baso at nagsimulang magsipilyo. Mukhang normal lang ito para sa kanya.Tumayo si Kristal sa bukana ng pinto ng banyo at napahinto ang tibok ng puso niya nang makitang direktang ginamit ni Lorenzo ang mouthwash cup niya. Bigla niyang naalala na wala pala siyang binigay na tuwalya kung kaya't itinuro niya ang puti at pink na tuwalya na nakasabit malapit sa kaniya."'Yan po ang face towel ko.""Okay," sagot ni Lorenzo habang tinitingnan siya sa sala
Chapter 56Nang makita ni Kristal si Lander ay kusa siyang umatras ng dalawang hakbang. Matapos niyang mapanuring tignan ang lalaki ay nagsalita na rin siya."Ikaw...""Magdamag akong naglaro ng basketball." Tinapik ni Lander ang bola ng dalawang beses ng may ngiti sa kanyang labi."Yung ilang problema na hindi ko maintindihan ay naintindihan ko na rin sa wakas. Kaya pagkagaling ko sa court at nagkataon namang nakasalubong kita ay gusto sana kitang batiin, pero parang mapagbubuntungan pa ata ako ng galit mo.""Hindi naman ako galit," sabi ni Kristal."Talaga?""Oo." "Oo nga naman, kasi hindi naman ako ang nanloko sa’yo. Ako yung niloko," nakangising sabi ni Lander."...""Papunta ka ba sa trabaho?" Tanong ng lalaki pagkatapos siyang tignan."Oo."Kinuha niya ang susi ng sasakyan mula sa kanyang bulsa at pinaikot-ikot ito sa kanyang daliri."Gusto mo bang ihatid kita?"Nagtataka si Kristal kung anong brand ng sasakyan ang meron si Lander dahil hindi niya ito nakita dati. Pero laking g
Chapter 57Hindi agad sumagot si Lorenzo sa tanong ni Frankie dahil para sa kaniya, ang text message na ipinadala nito ay hindi mukhang biro. Ngunit hindi rin niya makita ang anumang dahilan kung bakit gugustuhin ni Frankie na saktan si Kristal, kaya mahirap para sa kaniyang husgahan ang babae."Lorenzo, ayaw mo ba akong paniwalaan?" Nanghihinang sambit ni Frankie at tila nawalan ng sigla nang hindi makatanggap ng sagot mula kay Lorenzo."Kahit ikaw pala, hindi ka rin naniniwala sa'kin..."Humagulgol na ngayon si Frankie, mukhang kaawa-awa kung kaya't hindi napigilan ni Lola Ven na mapatingin dito. Agaran naman siyang nakaramdam ng awa sa nasaksihan."Kahit hindi ko alam ang buong nangyari at kung sangkot na ang pulisya, ibig sabihin lamang na naimbestigahan na nila ito. Kung talagang may kasalanan si Frankie, bakit pa siya makababalik dito nang ganoon-ganoon nalang?" Sabi ng matanda na tinanguan naman ng apo nito."Naniniwala akong hindi niya ito sinasadya, pero hindi na pwedeng mana
Chapter 58Kilang-kilala ni Kristal ang kaniyang kapatid at naiintindihan niya ang ugali nito. Mukhang alam din niya kung bakit siya inaya ni Maurice para maghapunan ngayong araw. Malamang ay dahil pinagbawalan siya nito ng asawa na magtrabaho at parang pinagbagsakan ng lupa ang nararamdaman nito ngayon. Pagkatapos ng mahigit sampung taon na pagtitinda sa kalye ay naging bahagi na iyon ng buhay ni Maurice, tiyak na mahirap para sa kanya na biglaang mawala ito.Gayunpaman, ang pagkakaroon ng isang pamilya ay nangangahulugan din ng maraming bagay na hindi maiiwasan. Ang isang bagong buhay ay mahalaga rin para sa isang pamilya. Kung gusto pa rin ng kanyang kapatid na manatili kasama ang kanyang bayaw, ang pagkakaroon ng anak ay maaaring makatulong upang mapagaan ang atmospera sa loob ng kanilang tahanan. Kung tutuusin ay usapin ito sa pagitan ng mag-asawa at hindi maaaring labis na makialam si Kristal."Sa totoo lang, mas mabuti nang hindi ka na magtinda pa sa kalye ate. Napakahirap ng t
Chapter 59Totoo ngang hindi mapakali si Lorenzo dahil nang matanggap niya ang mensahe ng babae ay kasalukuyan siyang nag-aahit ng bigote sa banyo—kalahati pa lang ang naaahit niya rito nang makita ang mensahe pero bigla na lamang siyang nagkaroon ng sigla. Sa pag-iisip na naghihintay si Kristal sa ibaba nang ganito kaaga, pakiramdam niya ay napakabagal ng pag-type at pagpapadala ng mensahe kung kaya't agad siyang tumawag dito.Nang malamang nasa ibaba si Kristal ay gusto niyang bumaba agad upang salubungin ito. Siya ay isang taong napaka-metikuloso, pati na rin sa pag-aahit. Ngunit sa pagkakataong ito, minadali niya ang natitirang bahagi, hinugasan ng tubig ang kanyang mukha, tumingin sa salamin nang dalawang beses, at tuluyan ng lumabas ng banyo.Nanatili siya roon kagabi upang samahan ang kaniyang lola. Hindi pa dumarating si Frankie ngunit gising na gising na ang matanda, nakasalamin ito habang nanonood ng balita sa kama. Nasa ganoong estado ang matanda nang mapansin ang aninong m
Chapter 60"Narito si Kristal upang bisitahin ako." Mahigpit na hinawakan ni Lola Ven ang kamay ni Kristal na tila wala itong balak bitawan ang dalaga.Isang bahagyang selos ang lumitaw sa mga mata ni Frankie. Ginawa niya ang lahat upang mapasaya ang matanda ngunit nanatiling malamig ito sa kaniya. Hindi niya alam kung anong ginawa ni Kristal upang makuha ang loob ng matanda nang ganoon kabilis. Pakiramdam niya ay hindi siya komportable, ngunit pinanatili pa rin niya ang isang magalang at mahinahong ngiti sa kanyang mukha."Magkakilala pala kayo Lola?""Nagkita kami noong huli akong naospital. Parehas kaming pasyente noon," sagot ni Lola Ven, ang kanyang mga mata ay halos hindi na makita dahil sa labis na pagkangiti.Lalong nakaramdam ng inis si Frankie, ngunit kinuha pa rin niya ang dalang termos."Lola, nagluto ako ng lugaw para sa inyo. Niluto ko ito nang magdamag sa mahinang apoy. Gusto niyo bang tikman?" Alok nito sa matanda."Nakakain na ako," tanggi naman ng matanda rito."Tala
Chapter 68"Kuya, bakit soy milk ito?" Binuksan ni Alyssa ang bag at tiningnan ang laman nito, bakas sa mukha niya ang pagkainis."Alam mo namang pinaka-ayaw kong inumin ang soy milk!" "Talaga?" Bumalik si Lorenzo at kinuha ang almusal."Kung ayaw mo, huwag mong pilitin ang sarili mo." Nakita ni Alyssa na inalis ang almusal, kaya napasimangot siya."Kuya Lorenzo, para ba ito kay Kristal?" Hindi sinagot ni Lorenzo ang tanong niya. Inilapag niya ang almusal sa mesa at lumakad papunta sa coat rack para isabit ang kanyang amerikana. "Sabi nila, kakaiba ang trato mo kay Kristal. Dati hindi ako naniniwala, pero ngayon naniniwala na ako." Itinaas ni Alyssa ang baba niya at tinitigan si Lorenzo."Interesado ka ba talaga kay Kristal?" "Unang patakaran sa trabaho, huwag pag-usapan ang mga bagay na hindi konektado sa trabaho kapag kausap ang boss! Maliban na lang kung siya mismo ang magbubukas ng usapan!" Babala ni Lorenzo bago pinindot ang internal phone. Si Jade ang sumagot."Mr. Y
Chapter 67Makalipas ang kalahating oras ay dumating na si Frankie sa dorm nila Kristal. Pinagbuksan naman ni Erika ng pinto ang isa at hindi na nag-abala pang maging magalang."Wala na ako sa mga Yu at wala na rin akong silbi sa'yo. Ano bang pakay mo, Miss Frankie?" Diretsahang tanong ni Erika sa babae.Sa isang banda ay pakiramdam ni Erika na pareho lang sila ni Frankie...pareho silang taong handang itapon ang lahat ng sisi sa iba kapag may nangyaring masama na maiipit sila. Hindi siya tanga para isipin na dumating si Frankie para taimtim na humingi ng tawad.Tuluyan nang pumasok si Frankie at isinara ang pinto. Pinaikot muna nito ang tingin sa maliit na kuwarto nina Erika at saka ngumiti sa babae."Maliit man ang kuwarto mo pero malinis at maaliwalas ito."Napakunot-noo naman si Erika sa sinabi nito. "Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Wala akong gana sa mga paligoy-ligoy ngayon!"Kung dati ay magalang pa si Erika kay Frankie dahil empleyado siya ng kompanya ni Yu, hindi na nga
Chapter 66Pagkatama ng ikalawang sampal ay napalingon si Paul sa babae pero lalo lamang naging maloko ang ngiti nito—mayabang at walang pakialam. Hinawakan nito ang mga kamay ni Kristal at pinipilit na ipirmi ang babae sa ilalim niya. Nagpupumiglas naman si Kristal at pilit na tinatadyakan ang lalaki."Paul, wala ka talagang kwenta!""Oo, wala akong kwenta!" Nagngingitngit na sagot ni Paul dito."At ipapakita ko sa'yo kung paano maging walang kwentang tao!"Agad niyang inilapit ang mukha kay Kristal upang mahalikan ang babae."Anong ginagawa mo?!" Napasigaw si Erika, bitbit ang termos sa kanang kamay. Agad niya itong ibinato at sumugod para sapakin sana si Paul.Pero nang biglang lumingon ang nobyo at nagtagpo ang kanilang mga mata ay natigilan si Erika. Nanigas ang kamay niya sa ere bago ito dahan-dahang bumaba.Muling ibinaling ni Paul ang tingin kay Kristal."Huwag mong subukang makipaglapit kay Lorenzo. Hindi mo siya kayang kontrolin!"Pagkasabi nu'n ay binitiwan ni Paul si Krist
Chapter 65"Erika, tumahimik ka nga. Kailan ako nagpatuloy ng lalaki rito sa dorm?" Medyo galit na sambit ni Kristal. Pinakakinaiinisan niya talaga ang mga taong naghuhugas-kamay at naghahagis ng kasalanan sa iba, lalo na si Erika."Mali ba ang sinabi ko?" Tinaas ni Erika ang kilay at mas lalong natuwa."Alam na ng lahat sa building na nagpatuloy ka ng lalaki rito sa dorm. Bakit ka pa ba nagkukunwari?"Agad na naintindihan ni Kristal na si Lorenzo ang tinutukoy nito pero malinaw pa sa tubig na si Erika mismo ang dahilan kung bakit naroon noong gabing iyon ang lalaki. Kung hindi lang dahil kay Erika, hindi naman sana nadala sina Lorenzo at Richard dito sa dorm ng mga babae. Pagkatapos, dahil hindi na nila naabutan ang oras at na-lock sila sa loob ay wala silang nagawa kung hindi ang magpalipas ng gabi roon.Wala man lang binanggit si Erika tungkol sa sarili niyang pagkakamali, at ibinato pa lahat ng sisi kay Kristal kung kaya't hindi rin masisisi ang huli kung bakit tinatamad itong mag
Chapter 64"Hindi na, naihatid niyo na ako. Kaya ko nang maglakad pauwi mag-isa!" Sagot naman ni Maurice nang makabawi sa ginawa ni Arthur.Hindi naman ito inimik ng lalaki ngunit ang matatalim nitong mga titig ay mas lalo pang naging matalim. Pakiramdam ni Maurice na para bang gusto siyang lamunin nang buo ng mga mata nito, dahilan para makaramdam ito ng konting kilabot."Huwag ka nang maging magalang!" Sagot ni Manong Ben na nasa harapan."Ang mga taong masyadong magalang kay Sir Arthur ay kadalasang hindi maganda ang nagiging kapalaran."Tulad na lang nung huli, sinabi ni Arthur na puputulin niya ang isang braso ng isang tao, pero ang taong iyon ay paulit-ulit na tumatanggi. Dahil sa sobrang pagiging magalang, nagalit ito at sa huli ay hindi lang braso ang naputol kundi pati binti.Maurice: "..."Narinig lang niya noon na hindi maganda ang kahihinatnan ng mga taong nakakasakit ng iba, pero ngayon lang siya nakarinig na may masamang mangyayari sa mga taong masyadong magalang. Pero s
Chapter 63Napalingon naman si Lorenzo kay Kristal nang makitang nakalahad sa kaniyang harapan ang palad ni Carlos. Kimi lang itong ngumiti bago tumingon sa lalaki at nakipagkamay."Hello," magalang na sambit ni Lorenzo."Oh, dati ko pa naririnig ko na mabait talaga si Mr. Yu, at ngayon napagtanto kong totoo nga ito. Hindi nakapagtataka na napalago mo ang kompanya mo kahit nagsimula ka sa walang-wala," pagpupuri ni Carlos sa kausap.Nahiya naman si Kristal sa mga pinagsasabi ng bayaw kaya tahimik lamang na inilayo nito ang tingin sa dalawa.Sa huli ay naputol na ang nakakailang na usapan nina Carlos at Lorenzo nang mag-ayang umuwi si Maurice, ngunit hindi ito sapat para mahiya ang asawa nito dahil hindi pa rin ito nag-atubiling kumuha ng business card at iniabot kay Lorenzo."Mr. Yu, narinig kong nakuha mo ang lupain sa norte. Magaling sa mga ganiyang bagay ang kompanya namin at masasabi mo talagang cost-effective. Maganda rin ang serbisyo namin pero hindi pa gaanong kilala ang kompan
Chapter 62Ito ang unang beses na sumama si Kristal sa isang field inspection, kaya naman masigasig siyang nagsulat ng mga importanteng impormasyon. Bilang kaniyang superior ay hindi naging maramot si Lorenzo at pinaalalahanan siya sa ilang mahahalagang puntos.Mabilis lumipas ang umaga, at habang nakaupo sa opisina ay binabasa ni Kristal ang kanyang mga notes. Pakiramdam niya ay marami siyang natutuhan sa ko-konting oras na 'yon."Gutom ka na ba?" Tanong ni Lorenzo nang makarating siya sa p'westo ni Kristal.Bago pa man siya makasagot ay nag-ingay na ang kanyang tiyan. Nahihiya niyang tinakpan ito at matapat na umamin sa boss."Opo, gutom na ako.""Tara, kumain tayo."—Ang lugar na ito ay nasa labas ng lungsod kung kaya't malalayo ang mga kainan at iiba ang hinahanda nila rito.Dinala ni Lorenzo si Kristal sa isang maliit na farm restaurant. Malinis at maayos ang paligid, kaya lumingon si Lorenzo kay Kristal at tinanong ang isa."Dito na tayo kakain, ayos lang?"Hindi mapili si Kris
Chapter 61"Kuya," matamis na tawag ni Alyssa nang makita niyang pumasok na si Lorenzo sa loob ng opisina nito. May balak pa sana itong yakapin ang isa ngunit tinulak lang siya palayo ng lalaki.Wala rito itong ekspresiyon na naglakad patungo sa kaniyang lamesa habang pinasadahan ng tingin ang workstation ni Kristal na bakante pa at wala pa ito roon. Nang makarating na siya sa kaniyang lamesa ay umupo na ito sa malaking upuan at inayos ang manggas ng kanyang damit."May kailangan ka ba? Ang aga mo ngayon ha," tanong ni Lorenzo habang tinitignan si Marco.Itinaas ni Marco ang kanyang kilay at itinuro ang kapatid na si Alyssa na para bang pinapahiwatig rito na simulan na nito ang gusto nitong mangyari.Lumapit naman si Alyssa sa mesa ni Lorenzo at itinuro ang workstation sa tabi nito."Kuya Lorenzo, para ba sa'kin ang lamesang 'yon?""Hindi!" Diretsong sagot ni Lorenzo."Hindi ako naniniwala!" Nakangiwing sambit naman ni Alyssa.Hindi ito ang unang beses na pumunta siya sa opisina ni Lo
Chapter 60"Narito si Kristal upang bisitahin ako." Mahigpit na hinawakan ni Lola Ven ang kamay ni Kristal na tila wala itong balak bitawan ang dalaga.Isang bahagyang selos ang lumitaw sa mga mata ni Frankie. Ginawa niya ang lahat upang mapasaya ang matanda ngunit nanatiling malamig ito sa kaniya. Hindi niya alam kung anong ginawa ni Kristal upang makuha ang loob ng matanda nang ganoon kabilis. Pakiramdam niya ay hindi siya komportable, ngunit pinanatili pa rin niya ang isang magalang at mahinahong ngiti sa kanyang mukha."Magkakilala pala kayo Lola?""Nagkita kami noong huli akong naospital. Parehas kaming pasyente noon," sagot ni Lola Ven, ang kanyang mga mata ay halos hindi na makita dahil sa labis na pagkangiti.Lalong nakaramdam ng inis si Frankie, ngunit kinuha pa rin niya ang dalang termos."Lola, nagluto ako ng lugaw para sa inyo. Niluto ko ito nang magdamag sa mahinang apoy. Gusto niyo bang tikman?" Alok nito sa matanda."Nakakain na ako," tanggi naman ng matanda rito."Tala