Share

CHAPTER II

Author: Soju
last update Huling Na-update: 2023-04-30 11:33:47

NASA kalye ang dalagitang si Celeste ng hapon na iyon. Nakikipaglaro siya ng piko sa kaniyang mga kaibigan. Masayang-masaya siya dahil isang bahay na lang ang kailangan niyang sunugin at siya na ang mananalo. Isang lalaki ang kanina pa nanonood sa kanila ngunit hindi nila ito pinapansin sapagkat nakatuon ang kanilang atensiyon sa paglalaro. Tuwang-tuwa si Celeste nang manalo siya sa laro nila.

Nag-ayawan na ang mga kalaro niya dahil malapit nang dumilim. Naglalakad na siya pauwi nang maramdaman niya na parang may sumusunod sa kaniya. Paglingon niya ay nakita niya iyong lalaki na nanonood sa kanila kanina habang naglalaro. Medyo madilim na kaya hindi niya nakikita masyado ang mukha nito. Nakasuot din ito ng cap kaya bahagyang natatakpan ang mata ng lalaki.

“`Ne, gusto mo ba ng pera?” tanong ng lalaki sa kaniya.

PARANG nalulunod sa napakalalim na karagatan si Celeste nang magising siya mula sa panaginip na iyon. Naninikip ang dibdib niya at kinakapos siya sa paghinga. Awtomatikong naglandas ang magkakasunod na luha sa kaniyang magkabilang pisngi. Napahawak pa siya sa dibdib niya at isinandal ang likod sa headboard ng kama.

Maliwanag na sa labas. Umaga na.

Sa paggalaw niya ay nagising si Elijah na kanina ay mahimbing ang tulog.

“Hey, are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Elijah. Tumabi ito sa kaniya at niyakap siya. “Anong nangyari?”

“N-napanaginipan ko na naman siya.” Nanginginig ang buong katawan ni Celeste. Takot na takot.

“Panaginip lang `yon. Nandito ako. I am here to protect you. Wala nang pwedeng manakit sa iyo. I promise that.”

Napakalaki ng nagawa ng yakap at sinabi ni Elijah sa kaniya. Mabilis siyang kumalma dahil alam niya na habang nasa tabi niya ang kaniyang asawa ay walang masamang mangyayari sa kaniya.

Ngunit mali si Elijah na panaginip lamang iyon dahil totoong nangyari iyon sa kaniya at alam iyon nito. Hindi niya inilihim kay Elijah ang isang madilim na bahagi ng kaniyang buhay at tinanggap nito iyon.

“Gutom ka na ba? Gusto mo bang bumaba na tayo?” tanong ni Elijah matapos siyang yakapin.

Isang mahinang tango ang naging sagot ni Celeste.

Magkasama silang nagtungo sa kusina. Nandoon si Madel at nang makita sila nito ay agad nitong inihanda ang kanilang almusal.

“Hindi ko pala nasabi sa iyo. May TV guesting ako mamaya sa isang noontime show to promote my latest book. Manood ka, ha?” ani Elijah.

“Hindi mo na kailangang sabihin dahil manonood talaga ako. Ako ang pinaka proud na misis sa buong mundo!” aniya sabay ngiti.

“I know and thank you! Ikaw talaga ang inspirasyon ko sa mga ginagawa ko.”

“`Yong exhibit mo nga pala. Kumusta na?”

“Baka matagalan pa iyon. Kakaunti pa lang ang nape-paint ko. Mas nag-focus kasi ako these past few months sa sinulat kong novel. Pero dahil tapos na ako sa novel na iyon ay makakapag-focus na ako sa pagpipinta. Lalo na ngayon at may inspirasyon ako.”

After nilang mag-almusal ay naghanda na si Elijah sa pag-alis. Inihanda na ni Celeste ang susuotin ng kaniyang asawa para sa TV guesting nito mamaya at inilagay na niya iyon sa sasakyan nito. Kailangan kasi na maaga ito na makaalis dahil medyo may kalayuan iyong studio sa kanilang bahay.

Inihatid ni Celeste si Elijah hanggang sa makasakay ito sa sasakyan at makaalis. Nanatili siya sa labas ng gate ng kanilang bahay hanggang sa hindi na niya matanaw ang sasakyan ng kaniyang asawa. Akmang pabalik na siya sa loob ng bahay nang isang matandang babae na may kapayatan ang lumabas mula sa gate ng katabi nilang bahay. May karga itong persian cat na kulay puti. Hindi muna siya pumasok para batiin ang matanda.

“Magandang umaga, Tita Lucille!” Masiglang bati ni Celeste.

“Good morning din sa iyo, Celeste! Talagang gaganda ang umaga ko rito sa Solaris Village kapag araw-araw ay ang beauty mo ang makikita ko sa umaga!”

Simula nang manirahan sila sa Solaris Village ay kapitbahay na nila si Tita Lucille. Mag-isa ito sa napakalaki nitong bahay. Walang kasambahay o kamag-anak na kasama. Biyuda na ang matanda at ang mga anak nito ay lahat nasa ibang bansa at doon na naninirahan. Naging ka-close niya si Tita Lucille dahil noong unang araw nila roon ay nagbigay ito ng napakasarap na menudo. Mahilig at masarap kasing magluto si Tita Lucille. Nais niyang makabawi sa matanda kaya nang magluto siya ng kare-kare ay binigyan niya rin ito. Doon na nagsimula ang kanilang pagkakaibigan at pagbibigayan ng pagkain sa isa’t isa.

Naaawa si Celeste kay Lucille dahil sa mag-isa ito sa bahay. Pero ayon kay Lucille, kahit 75 years old na ito ay malakas pa siya at kaya nitong mabuhay nang walang inaasahan na iba. Mahirap din para kay Lucille ang magtiwala at iyon ang dahilan kung bakit ayaw nitong kumuha ng kasambahay. Sabi pa nito sa kaniya, ang tanging pinagkakatiwalaan nito ay siya at ang pusa nitong si Snow. Wala raw itong tiwala sa lahat ng taong nakatira sa Solaris Village.

“Araw-araw niyo na akong binobola, Tita Lucille!” ani Celeste. “Oo nga po pala, mamaya ay gagawa ako ng lasagna para sa merienda. Bibigyan kita, ha. I-judge mo kung masarap kasi first time ko pong gagawa no’n.”

“One hundred percent! Masarap iyon. Ikaw pa ba, Celeste? Kaya nga mahal na mahal ka ng asawa mo ay dahil sa masarap kang magluto. Alam mo ba na sa pagluluto ko rin nakuha ang puso ng aking asawa? At mas lalo pa siyang nabaliw sa pagmamahal sa akin kasi araw-araw ko siyang ipinagluluto ng masasarap na pagkain!”

“Kaya nga po naka-swerte ko kasi naging kaibigan kita. Ang dami kong natututunan na luto sa inyo.”

“Oo nga pala, may sasabihin ako sa iyo, Celeste. Kinausap pala ako ng mga anak ko kagabi. Gusto nila ay sa Australia na ako manirahan. Ayaw ko sana pero naisip ko na maikli na lang ang buhay na natitira ko rito sa mundo. Ayokong mawala na hindi nakakasama ang mga anak ko kaya pumayag na ako. Baka in three months ay umalis na ako.”

“Talaga po? `Buti po at napapayag na kayo nila. Pero nakakalungkot kasi mawawalan na ako ng mabait na kapitbahay na masarap magluto.”

“Ako nga rin, e. Ikaw lang naman ang mami-miss ko rito sa Solaris wala nang iba. Iyong ibang nakatira rito, hindi pagkakatiwalaan. Kaya ikaw, Celeste, mag-iingat ka sa mga kaibigan mo rito sa lugar nito. Hindi mo alam kung ano ba talaga ang pakay nila sa iyo. Marami sa kanila ang mabait kapag nakaharap sa iyo pero handa kang kagatin kapag nakatalikod ka!”

“Thank you sa paalala, Tita Lucille. Pero mami-miss talaga kita!” Maluha-luhang wika ni Celeste. Hindi na niya binigyan ng pansin ang paalala nito. Nilapitan niya ang matanda at niyakap niya ito nang mahigpit.

Gulat na napalayo siya kay Lucille nang umangil ang pusa nitong si Snow nang maipit sa pagyakap niya. “Naku, sorry, Snow! Hindi kita napansin!” Ang natatawa niyang sabi sa pusa. Natawa na lang din si Lucille.

Kaugnay na kabanata

  • One Night, One Mistake   CHAPTER III

    “AND by the way, kasama natin ngayon ang celebrity-writer and painter na si Mr. Elijah dela Torre!”Malakas na palakpakan at hiyawan mula sa audience ang sumalubong kay Elijah nang makita ito ni Celeste sa screen ng kanilang napakalaking telebisyon. Katabi niyang nakaupo sa sofa at nanonood si Madel. Hindi maiwasang mapangiti nang malaki ni Celeste nang makita niya sa TV sa Elijah. Walang kaba sa mukha nito at halatang sanay na sa mga ganoong pagkakataon. Maraming beses na kasi itong lumabas sa iba’t ibang TV show kaya hindi na bago para rito iyon.“Elijah, ano ang bago sa iyo?” tanong ng host na isang kilalang sexy actress—si Layla Rodriguez.“Thank you, Layla! I am here to promote my newest book—My Wife! Available na ito sa lahat ng leading bookstores for only 799 pesos. Kaya please, grab your copies, guys!”Kinuha ni Layla ang copy ng My Wife na hawak ni Elijah. “Wow! The cover is so intruiging! Can I have this copy for myself, Elijah?” Nagpa-cute pa si Layla.“Sure!”“You hav

    Huling Na-update : 2023-04-30
  • One Night, One Mistake   CHAPTER I

    “SIGURO nga ay may ibang lalaki ang asawa mo, Elijah! Hindi naman siya manlalamig ng walang dahilan, e!” Ang mga salitang iyon ng kaibigang lalaki ni Elijah ang umaalingawngaw sa loob ng utak niya habang hinahalikan niya ang napakaganda at maalindog na si Selena.Nasa isang mamahaling kwarto silang dalawa sa 5-star hotel na iyon. Hindi na rin niya matandaan kung paano ba sila napunta roon dahil sa kaniyang kalasingan. Mapusok at palaban ang mga halik ng babae. May pagsipsip pa ito sa kaniyang dila at halos lamunin na nito nang buo ang kaniyang bibig. Uhaw na uhaw ito.Tila totoo ang tinuran nito kanina sa bar na matagal na itong walang nakakaniig na lalaki. Mukhang siya ang gagamitin nito upang mapatid ang uhaw na matagal na nitong tinitiis.Nakatayo pa sila noon sa tabi ng malaking kama at kapwa pa may saplot sa katawan. Malikot ang kamay ni Selena. Nakapasok na iyon sa loob ng kaniyang polo at humahaplos sa kaniyang mabalahibong dibdib na mas lalong nagpapataas ng init ng kaniyang k

    Huling Na-update : 2023-04-30

Pinakabagong kabanata

  • One Night, One Mistake   CHAPTER II

    NASA kalye ang dalagitang si Celeste ng hapon na iyon. Nakikipaglaro siya ng piko sa kaniyang mga kaibigan. Masayang-masaya siya dahil isang bahay na lang ang kailangan niyang sunugin at siya na ang mananalo. Isang lalaki ang kanina pa nanonood sa kanila ngunit hindi nila ito pinapansin sapagkat nakatuon ang kanilang atensiyon sa paglalaro. Tuwang-tuwa si Celeste nang manalo siya sa laro nila.Nag-ayawan na ang mga kalaro niya dahil malapit nang dumilim. Naglalakad na siya pauwi nang maramdaman niya na parang may sumusunod sa kaniya. Paglingon niya ay nakita niya iyong lalaki na nanonood sa kanila kanina habang naglalaro. Medyo madilim na kaya hindi niya nakikita masyado ang mukha nito. Nakasuot din ito ng cap kaya bahagyang natatakpan ang mata ng lalaki.“`Ne, gusto mo ba ng pera?” tanong ng lalaki sa kaniya.PARANG nalulunod sa napakalalim na karagatan si Celeste nang magising siya mula sa panaginip na iyon. Naninikip ang dibdib niya at kinakapos siya sa paghinga. Awtomatikong nagla

  • One Night, One Mistake   CHAPTER I

    “SIGURO nga ay may ibang lalaki ang asawa mo, Elijah! Hindi naman siya manlalamig ng walang dahilan, e!” Ang mga salitang iyon ng kaibigang lalaki ni Elijah ang umaalingawngaw sa loob ng utak niya habang hinahalikan niya ang napakaganda at maalindog na si Selena.Nasa isang mamahaling kwarto silang dalawa sa 5-star hotel na iyon. Hindi na rin niya matandaan kung paano ba sila napunta roon dahil sa kaniyang kalasingan. Mapusok at palaban ang mga halik ng babae. May pagsipsip pa ito sa kaniyang dila at halos lamunin na nito nang buo ang kaniyang bibig. Uhaw na uhaw ito.Tila totoo ang tinuran nito kanina sa bar na matagal na itong walang nakakaniig na lalaki. Mukhang siya ang gagamitin nito upang mapatid ang uhaw na matagal na nitong tinitiis.Nakatayo pa sila noon sa tabi ng malaking kama at kapwa pa may saplot sa katawan. Malikot ang kamay ni Selena. Nakapasok na iyon sa loob ng kaniyang polo at humahaplos sa kaniyang mabalahibong dibdib na mas lalong nagpapataas ng init ng kaniyang k

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status