Share

Chapter 69

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-03-17 15:42:56
Celeste's POV

Sa malamig na loob ng ospital, naroon ako sa tabi ng kama ni Mama, pinagmamasdan ang payapang anyo niya habang mahimbing na natutulog dulot ng gamot na itinurok sa kanya. Halos hindi ko maramdaman ang pag-agos ng oras. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang tunog ng makina na nagmo-monitor sa kanyang pulso.

Ang dating matapang at eleganteng si Calista Rockwell, ang babaeng hinangaan ko sa buong buhay ko, ngayon ay mukhang napakaliit at mahina sa harapan ko. May benda sa noo niya, at kahit natatakpan ng kumot ang kanyang katawan, alam kong maraming pasa at sugat ang iniwan ng aksidente.

Napakuyom ang mga kamay ko.

Gusto kong bumalik sa nakaraan—gusto kong baguhin ang lahat para hindi ito mangyari sa kanya. Kung sana mas maaga akong nakauwi, kung sana mas hindi ako naging abala sa trabaho at sa sarili kong mga problema, baka nasa bahay lang siya ngayon, ligtas at malayo sa panganib.

Isang mapait na ngiti ang lumabas sa labi ko. Napaka-hipokrito ko, sabi ng isip
Deigratiamimi

Good afternoon. Later na lang ako update sa Chapter 70. Hahaha may review pa po ako. Pa-like comments, gem votes, at i-rate ang book po. Thank you!

| 8
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 70

    Celeste's POV Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nakatayo sa harapan ng matayog at modernong gusali ng law firm. Sa kabila ng masalimuot na nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraang linggo, pilit kong tinatanggap na normal lang ang araw na ito—isa lamang sa maraming umagang kailangan kong bumangon at harapin ang mundo. Pero kahit anong pilit kong sabihin sa sarili kong okay lang ang lahat, hindi ko mapigilan ang bigat sa dibdib ko. Sa mundo ng batas, respeto at reputasyon ang pinakamahalagang puhunan ng isang abogado. Ilang taon kong pinaghirapan ang pangalan ko sa industriyang ito, ngunit sa isang iglap, unti-unti itong nadudungisan. Hindi dahil sa kakulangan ko bilang isang abogado, kundi dahil sa desisyon kong pakasalan si Chester—isang bagay na hindi dapat pagtuunan ng pansin sa propesyon ko, pero tila iyon na lang ang nakikita ng mga tao. Pagkapasok ko sa law firm, hindi ko na ininda ang mga tingin ng mga katrabaho ko. Matagal na akong sanay sa mapanuri

    Last Updated : 2025-03-18
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 71

    Chester's POV Pagkatapos ng halik na iyon, tumalikod ako at mabilis na umakyat sa aking kwarto. Isinara ko ang pinto at sumandal sa likod nito, pilit na pinakakalma ang sarili kong naguguluhan. Nangangatog ang kamay ko habang dahan-dahang hinaplos ang sariling labi—ang parehong labi na ilang segundo lang ang nakalipas ay nasa ibabaw ng kay Celeste. Damn it. Hindi dapat nangyari iyon. Mabilis kong sinabunutan ang sarili kong buhok, pilit iniisip na isa lang iyong pagkakamali. Pero paano ko maitatanggi ang katotohanan? Hindi ko lang basta hinalikan si Celeste. Ginusto ko iyon. Ginusto ko siyang angkinin. Ginusto kong burahin ang lahat ng sakit at panghuhusga na natanggap niya mula sa ibang tao. Pero hindi ko dapat hinayaan ang sarili kong mahulog sa kanya. Hindi pwede, Chester. She’s your goddaughter. Pinilit kong ipaalala sa sarili ko ang responsibilidad ko bilang Ninong niya—bilang taong nag-alaga sa kanya, bilang taong dapat ay protektahan siya mula sa mundo. Hindi ko dapat da

    Last Updated : 2025-03-18
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 72

    Chester's POV Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo mula kay Isabelle, bigla na lang siyang sumugod at hinila ang braso ko. Bago ko pa matanto ang susunod niyang gagawin, naramdaman ko na lang ang mahigpit niyang yakap sa akin. "Chester, please… Huwag mo akong itaboy. Alam mong ako ang para sa’yo." Madiin ang pagkakahawak niya sa akin, na para bang natatakot siyang tuluyang mawala ako. "Isabelle, bitawan mo ako." Pero sa halip na sumunod, mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya. "Hindi mo ba ako namiss kahit kaunti?" bulong niya, ang boses niya’y nanginginig. Naririnig ko na ang bulungan ng mga tao sa paligid. Alam kong may mga mata nang nakatingin sa amin, mga cellphone na nakatutok at kinukunan ang eksenang ito. Napatingin ako sa paligid—mga nagmamasid na estranghero, may ilan pang halatang kilala ako. Ang iba, ngumunguya pa ng popcorn habang inaabangan ang susunod na mangyayari. Ang init ng dugo ko. Hinawakan ko ang magkabilang braso ni Isabelle at marahas siyang itinula

    Last Updated : 2025-03-18
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 73

    Chester's POV Pagkapasok ko sa kwarto, agad akong dumiretso sa kama at nagpatihulog doon. Ramdam ko ang bigat ng katawan ko—hindi lang dahil sa pisikal na pagod kundi pati na rin sa emosyonal na pagkalito na bumabagabag sa akin nitong mga nakaraang araw. Si Celeste. Si Isabelle. Ang eskandalo sa pagitan namin ni Celeste, ang panghuhusga ng mga tao, at ang hindi maipaliwanag na bugso ng damdamin na unti-unting kumukulong sa loob ko. Napapikit ako, pilit na pinapakalma ang sarili nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan ng private investigator na hinire ko anim na buwan na ang nakalipas—ang parehong investigator na inutusan kong alamin ang tunay na nangyari noong gabing nalasing si Celeste at muntik siyang mapahamak. Agad kong sinagot ang tawag. "May resulta na ba?" malamig kong tanong. "Yes, Dr. Villamor. Just sent everything to your email. May video confession ang waitress na naglagay ng droga sa alak ni Ms. Rockwell. Alam na rin na

    Last Updated : 2025-03-18
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 74

    Chester's POV Pagkapasok ko sa penthouse, ang unang sumalubong sa akin ay ang tunog ng telebisyon. Sa malaking screen ng TV, isang news anchor ang nagsasalita tungkol sa pinakabagong balita sa mundo ng pulitika, pero hindi doon nakatutok ang atensyon ko. Doon ako agad napatingin sa babaeng nasa couch—si Celeste. Nakaupo siya roon, suot ang isang puting oversized shirt na malinaw na pag-aari ko. Nakataas ang mga paa niya sa sofa, at nasa kandungan niya ang ilang dokumentong binabasa niya habang kumakain ng manggang may bagoong. Parang may kung anong mainit na bagay ang bumalot sa puso ko nang makita ko siyang gano’n. Walang make-up, mukhang pagod, pero hindi nawawala ang pagiging elegante at matapang niya. Nang mapansin niyang dumating ako, agad siyang napatingin sa akin. "Ninong Chester," tawag niya. May bahagyang gulat sa mga mata niya, pero ang mas pumukaw ng pansin ko ay ang pag-aalalang bumalot sa mukha niya. Hindi ko na hinintay pang makapagtanong siya. Lumapit ako sa

    Last Updated : 2025-03-18
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 75

    Chester's POV Maaga pa lang ay nasa law firm na kami ni Celeste upang pormal nang maghain ng kaso laban kina Atty. Andrea Castro at Atty. Raymond Anderson. Kahit alam kong magiging masalimuot ito, wala na akong balak umatras. Masyado nang matagal na tiniis ni Celeste ang mga taong walang ibang ginawa kundi pabagsakin siya. Kung ako lang ang masusunod, matagal ko na sanang pinakulong ang dalawang ‘yon. Pagkapasok namin sa loob ng gusali, agad naming napansin ang tensyonado at nagbubulungang mga empleyado. Hindi na ako nagulat—alam kong mabilis kumalat ang balita, at ngayon ay alam na nilang lahat ang ginawa nina Andrea at Raymond kay Celeste. Lalo pang uminit ang paligid nang dumating sina Andrea at Raymond sa opisina ni Atty. Buenaventura, ang managing partner ng firm. Si Andrea, halatang namumutla at takot na takot. Samantalang si Raymond, gaya ng dati, mayabang at puno ng galit ang mga mata. "Celeste, please!" halos pasigaw na sabi ni Andrea nang makita niya si Celeste. Mabil

    Last Updated : 2025-03-19
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 76

    Celeste's POV Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo sa waiting area ng Villamor Medical Hospital, pero pakiramdam ko’y isang siglo na ang lumipas. Niyakap ko nang mahigpit ang anim na buwang tiyan ko, pilit hinahaplos ang umuusbong na buhay sa loob. "Be strong, baby," mahina kong bulong. "Daddy's going to be okay." Paulit-ulit kong inuusal ang parehong pangungusap, kahit na hindi ko alam kung para kanino ba ito—para sa anak namin o para sa sarili kong nangangapa na sa pag-asang hindi sa akin muli kukunin ang taong mahal ko. Ang amoy ng disinfectant at gamot ay nagpapalala sa kaba ko. Hindi ako sanay sa ospital—sa loob ng courtroom ako lumalaban, hindi sa harap ng deathbeds at emergency surgeries. Pero wala akong ibang pagpipilian kundi hintayin kung ano ang magiging kapalaran ni Chester. Maya-maya, lumabas ang isang doktor mula sa operating room. Tumayo ako agad, halos matumba pa dahil sa biglang kilos. "Doc, how is he?" tanong ko, ramdam ang panunuyo ng lalamunan ko.

    Last Updated : 2025-03-19
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 77

    Celeste's POV "I love her..." Ang mga salitang iyon ni Ninong Chester, mga salitang nagbukas ng pintuan ng aking puso, ay nagsimulang magbago sa isang iglap. Isang saglit lang, ngunit ang bigat ng pakiramdam ko—para bang tinamaan ako ng kidlat. Masyado akong nagulat. Hindi ko inaasahan. Hindi ko inisip na may pagkakataon na magkakaroon ako ng lakas ng loob na magtiwala, na muling magbigay ng pagkakataon sa puso ko. Matapos ang lahat ng nangyari sa amin, tila naging imposibleng magtiwala sa kanya at hayaan ang sarili ko na mahalin siya. Pero ang narinig kong iyon—ang simpleng pag-amin mula sa labi ni Ninong Chester—ang nagbigay liwanag sa dilim ng aking isipan. Hindi ko naisip na may mga bagay pa palang darating na magbabago ng lahat. Pero bago ko pa man tuluyang magpasiya, ang mga salitang iyon, ang mga pagkilos na iyon na nagbigay ng saya sa puso ko, ay biglang nauurong. Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko, dahil ang kasunod na nangyari ay bumasag sa buong mundo ko. Si

    Last Updated : 2025-03-19

Latest chapter

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 175

    Celeste's POVPara akong unti-unting binuhusan ng malamig na tubig sa ulo—hindi dahil sa galit kundi sa pagkagising mula sa matagal na pagkabulag sa katotohanan. Sa dami ng hinanakit ko sa puso ko, sa dami ng tanong na hindi ko na sana inaasahang masasagot pa, biglang may liwanag na unti-unting pumatay sa dilim na bumabalot sa akin.Ang galit ko kay Mama—bagama’t hindi pa tuluyang naglalaho—ay tila nabawasan, nabigyan ng paliwanag. Masakit ang katotohanang inilihim nila sa akin ang lahat, pero mas masakit pa pala ang dinanas nila noon. Ngayon ko lang naisip kung gaano kabigat ang pinasan nilang sikreto. Pinilit nilang itago ang buong katotohanan hindi dahil sa kasinungalingan kundi dahil sa takot—takot na masira ang pamilya, takot na ilayo kami sa isa’t isa, takot na mawalan ng kapayapaan.Naalala ko ang panakaw na tingin ni Papa noon tuwing tinatanong ko siya tungkol sa pagkabata ko. Ang pilit niyang ngiti, ang pagbaling ng usapan. Lahat pala ‘yon ay paraan para protektahan ako mula

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 174

    Celeste's POVSabay kaming lumabas ni Chester ng kwarto—magkayakap pa rin, ang kamay niya ay nakapulupot sa beywang ko na para bang ayaw niya akong bitiwan. Halos hindi ako makatingin sa unahan habang papalapit kami sa sala. At doon ko siya nakita—si Joaquin, nakaupo sa couch, tahimik, pero halatang nagpipigil ng emosyon. Hindi ko alam kung ilang minuto na siyang naghihintay roon, o kung gaano karami sa nangyari ang narinig niya. Pero ang titig niya sa akin ay sapat na para manginig ang buo kong katawan sa hiya.Napako ang tingin ko sa lamesita. Doon nakapatong ang isang bouquet ng puting rosas, simple pero elegante. Alam kong para sa akin iyon. At sa mismong pagtagpo ng mga mata namin, nakita ko sa mga mata niya ang sakit. 'Yung uri ng sakit na tahimik, pero ramdam mo ang bigat.Naramdaman ko ang biglang paghigpit ng hawak ni Chester sa beywang ko. Parang sinasadya niyang idiin ako sa katawan niya, ipinapamukha kay Joaquin na akin ka na muli—na hindi na siya bahagi ng mundong muling

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 173

    Celeste's POVPareho kaming hingal na hingal habang nakahandusay sa ibabaw ng study table. Basang-basa ang balat ko ng pawis at parang nanginginig pa rin ang tuhod ko sa sobrang lakas ng sensasyong bumulusok mula sa pagkababae ko papunta sa kabuuan ng katawan ko. Pakiramdam ko ay namamaga na ako sa tindi ng walang humpay na paglabas-masok niya—walang pahinga, walang habag.Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Chester. Ramdam ko pa ang mabilis na tibok ng puso niya habang yakap-yakap ko siya na para bang ayokong matapos ang sandaling ito. Sa kabila ng lahat ng sakit, galit, at hindi pagkakaunawaan—narito kami. Sa isa’t isa. Muling nagtagpo. Muling bumigay.Pagkalipas ng ilang minuto, bumangon siya at naglakad papunta sa banyo. Tumitig pa siya sa akin at ngumiti. “Sabay tayong maligo,” yaya niya, pero umiling lang ako.“Hindi. Kapag sumabay ako, baka hindi na naman ako makalabas ng buhay sa loob ng shower,” natatawa kong sagot, pero totoo naman. Iba ang Chester kapag nasa tubig—mas in

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 172

    Celeste's POVNagising ako sa banayad na paghaplos sa aking braso. Marahan, tila takot siyang magising ako—o baka naman gusto lang niyang namnamin ang bawat segundo ng katahimikan na kasama ako.Bahagyang umangat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Chester. Hindi siya nakatingin sa akin. Bagkus, nakatuon ang paningin niya sa bawat pagdampi ng labi niya sa balikat ko, sa leeg ko, pababa sa aking dibdib, na para bang idinidiin niyang totoo ang bawat saglit."Good morning, Wifey," bulong niya. May tinig ng panibugho at pananabik. Para bang sa mga simpleng salita na iyon, gusto na niyang bawiin ang lahat ng panahong nawala sa amin."Good morning, Hubby," sagot ko habang pinagmamasdan ang malalim na tingin sa mga mata niya. Ipinatong ko ang isa kong paa sa kanyang balikat, isang kilos na hindi lamang pang-aakit kung 'di simbolo ng pagtanggap. Sa kabila ng lahat, siya pa rin ang pinili ko.Napakapit ako sa buhok niya nang muli kong maramdaman ang haplos ng kanyang labi sa puson

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 171

    Celeste's POV Namumula ang mga mata ni Chester nang muli ko siyang tingnan—mga matang punong-puno ng lungkot, pangungulila, at isang napakatinding pagsusumamo. Para siyang batang naiwan sa ulan, basang-basa ng pait at pag-asa, nakatingin sa akin na parang ako na lang ang natitirang dahilan ng mundo niya para magpatuloy. At sa bawat pilit niyang pagngiti sa kabila ng nangingilid na luha, ramdam ko ang bigat ng pinipigil niyang damdamin—ang matagal nang pangungulila, at ang sakit ng pagbitaw. Hindi ko na kayang tiisin pa ang tingin niyang iyon. Pagod na ako—pagod nang lumayo, magkunwaring buo ako, magkunwaring wala na akong nararamdaman. Ilang gabi na akong umiiyak habang yakap si Caleigh, iniisip kung tama ba ang ginawa kong pagputol sa amin, kung makakaya ko bang mabuhay sa mundong alam kong wala siya. At ngayong narito siya, kaharap ko, sugatan pero humihiling pa rin ng ikalawang pagkakataon, bakit pa ako magpapanggap? Kung dati ay binigyan niya ako ng pag-asa, binigyan niya ako n

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 170

    Celeste’s POV Tahimik ang buong paligid habang hinahayaan kong lamunin ng katahimikan ang kuwarto. Sa labas ay ang patak ng ulan, tila nakikiayon sa bigat ng damdaming pilit kong kinukubli. Sa loob ng banyo, maririnig ang pagbuhos ng tubig sa shower—si Chester. Naliligo siya matapos ang mahabang araw. At heto ako ngayon, nakatayo sa gitna ng kuwartong minsan naming pinagsaluhan ng mahihiwagang gabi’t masalimuot na umaga. Habang nagpapahid ng luha, pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa isang praktikal na bagay—ang hanapan siya ng maisusuot ngayong gabi. Hindi ko siya kayang paalisin sa ganitong oras. At saka, bahay niya rin ito, kahit pa ako ang naiwan dito. Siya ang nagpatayo ng bahay na ito, siya ang nagdisenyo ng bawat dingding, bawat sulok. Lahat ay may bakas niya. Binuksan ko ang closet at halos mapangiti nang makitang nandoon pa rin ang ilan niyang lumang damit. Maayos pa rin ang pagkaka-fold, parang hinihintay siyang muling bumalik. Kinuha ko ang isang puting cotton shirt at

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 169

    Celeste's POV Napakabigat. Para akong binuhusan ng isang drum ng malamig na tubig habang binubuhat ng libo-libong batong nakapatong sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ako humahakbang palabas ng ospital, hindi ko rin alam kung paano ako humihinga habang patuloy lang ang pagbagsak ng luha ko—tila walang katapusan, parang ilog na hindi maampat ang agos. Kasabay ng bawat patak ng luha ko ay ang paulit-ulit na tanong sa isip ko—bakit? Bakit kailangang itago sa akin ang katotohanan? Bakit kailangang malaman ko ito sa ganitong marahas at masakit na paraan? Hindi ba ako karapat-dapat malaman kung sino talaga ako? Pagkalabas namin ni Chester sa ospital, bigla akong napahinto sa tabi ng pader. Doon ko na hindi na napigilan ang sarili ko. Napaupo ako sa malamig na semento, nakayuko, habang walang tigil ang pag-iyak ko. Nanginginig ang buong katawan ko, hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa sobrang sakit at pagkabigo. I felt like a stranger in my own skin. Hindi ko na kilala ang sarili ko.

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 168

    Celeste’s POV Isang linggo na ang lumipas, ngunit para pa rin akong binabagabag ng bawat alaalang parang sariwa pa ring humihiwa sa puso ko. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari—ang pagsubok ni Isabelle na patayin si Reginald, ang duguang katawan niya sa sahig ng Villamor Mansion, at ang mukha ni Chester, puno ng takot, galit, at pagkawasak. Pero higit sa lahat, ang pinakamahirap tanggapin ay ang katotohanan—na si Chester ay hindi isang tunay na Villamor, at ako... ako pala ang anak ng hayop na si Reginald Villamor. Isang bunga ng kasalanan. Isang patunay ng isang gabi ng karahasan at panggagahasa. Walang araw na lumilipas na hindi ko tanungin ang sarili ko kung paano ko kakayaning tanggapin ang katotohanang iyon. Hindi ko nga alam kung paanong hindi ko nasuka ang sarili ko sa tuwing naiisip ko kung sino talaga ang gumawa sa akin. Sa tuwing sinisilip ko ang silid ni Reginald, para akong sinasakal ng galit at pandidiri. Naputol lang ang pag-iisip ko nang biglang tumabi s

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 167

    Chester’s POV Halos hindi ko na maramdaman ang tibok ng puso ko sa sobrang takot at galit. Nanginginig ang buo kong katawan, parang sasabog ang ulo ko sa dami ng emosyon na nagsisiksikan sa dibdib ko. Para akong nakalutang sa gitna ng masamang panaginip na hindi ko matakasan, habang pinagmamasdan si Isabelle—nakahandusay sa malamig na sahig ng mansion, duguan ang kamay, hawak pa rin ang kutsilyo na muntik nang pumatay sa akin. She was trembling, but her eyes still burned with obsession. Para siyang isang nilikhang nilamon ng sarili niyang delusyon. Hindi ko na siya makilala. “Diyos ko…” bulong ko, halos hindi lumalabas ang boses ko habang hinahabol ko ang hininga. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot, sa pagod, o sa takot na mawalan ako ng isa pang mahal sa buhay ngayong gabi. Nanginginig ang mga daliri ko habang pinulot ko ang cellphone na tumilapon sa tiles nang mangyari ang kaguluhan. Nanlalamig ang pawis ko, bumabalot ang kaba sa buong katawan ko habang tinitingnan ko si Dad—na

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status