Share

CLOSE MINDED

Author: purple_galaxy
last update Last Updated: 2022-06-04 11:55:09

*FLASHBACK*

"Ina? Ina? Asaan ka?" nanginginig kong sigaw gamit ang aking musmos na tinig. Muli na naman akong napaiyak dahil sa kirot na aking nararamdaman sa aking dibdib. Literal itong tila napapaso sa hindi ko maintindihan na kadahilanan.

"Ina! Hindi ko na kaya!" mangiyak-ngiyak kong pahayag habang mas lalong tumitindi ang pagkirot nito. Ramdam ko na din ang matinding takot at kaba. Pagdating sa matitinding karamdaman ay hindi ko talaga kayang makatiis nang matagal. Sa mumunti kong mga palad ay sinapo ko ang naninikip kong dibdib. Hindi na naman ako makahinga nang wasto dahil tila maging ang aking daluyan sa paghinga ay hinaharangan ng kung ano.

Lalo itong lumalala kada araw dahil dati ay kaya ko lamang na hindi ito indahin nang todo ngunit ngayon ay halos ikamatay ko ang tila ba paninikip nito sa tuwing ito ay titibok. 

" Vreihya! Iha! Huminahon ka," rinig ko ang sigaw ni Ina kahit nasa malayo pa man siya. Ramdam ko ang kaniyang bilis ngunit hindi rin mahinahon ang kaniyang tinig. Batid ko na matindi ang nararamdamang kaba ng aking maaalalahanin na Inang reyna.

Mabilisang pumasok sa silid si Ina. Agad niyang binuhat ang musmos kong katawan palayo sa sahig. Siyam na taong gulang pa lamang ako ngunit tila nais akong kitlin nang maaga ng tadhana. Hindi nakatakas sa akin ang panginginig ng katawan ni Ina ngunit pinipilit niya na ipakita sa akin na hindi siya nakakaramdam ng kaba.

"Ina! Masakit na Ina! Ano bang nangyayari sakin?" naguguluhan at nahihirapan kong tanong sa kaniya. Hindi ko nauunawaan ang aking kalagayan at kung bakit ako lamang ang bampirang nagkakaganito samantalang ang iba kong kalaro at may katulad na edad na mga bata ay wala namang karamdaman.

Patuloy lamang ako sa pag-iyak habang yakap-yakap na niya ako sa kaniyang bisig. Tinatapik ni Ina ang aking pisngi kasabay nang unti-unting panlalabo ng aking paningin. Tila tinatakasan ako ng lakas at buhay.

"Vreihya, nagsisimula ng hanapin ng katawan mo ang nilalang," ang makahulugan na saad ni Ina na hindi ko lubos na maintindihan. Ano ang hinahanap ng aking katawan?

"Ina, pakiusap gumawa kayo ng paraan. Hindi na ako makakatagal," lumuluha kong sabi sa kanya. Totoong nakakamatay ang nararamdaman ko ngunit wala akong balak na magpatalo dito dahil hindi ko maaaring iwan ang aking Ina. Ako lamang ang natatangi niyang anak at alam ko na magdurugo ang kaniyang puso kapag nawala ako nang maaga. 

"Hanapan ninyo ako ng lunas. Pakiusap!" pagmamakaawa ko sa aking mahal na Ina.

"Hindi ko magagawa anak. Siya lamang ang tangi mong lunas," malungkot na saad nito. Agad akong nagtaka sa kaniyang tinuran. Sinong "siya" ang kaniyang tinutukoy? Hindi nagtagal ay narinig ko na din ang kaniyang mga hikbi na siyang lalong nakadaragdag sa sakit na aking nararamdaman.

"Ano ba itong karamdaman ko Ina?" kahit nanghihina ay nagawa ko pa din magtanong sa kaniya. Nais ko ng kasagutan ngayon na dahil pakiramdam ko ay mahaba na ang aking pagtitiis na walang nakukuhang sagot.

"Wala ka pa sa hustong gulang upang maintindihan ang lahat!" mabilis nitong usal sa akin.

Muling naalarma ang aking Ina nang mapasigaw ako sa matinding kirot. Kasabay ng pagtulo ng aking mga luha ay ang pagliwanag ng aking dibdib  at naglabas ito ng pulang liwanag. Lalo akong natakot. Hindi ko alam ang gagawin. Kasabay nang lalong pagtingkad ng liwanag ay ang lalong paghapdi ng aking dibdib.

"Ina!Ina! Pakiusap! Natatakot na ako!" nanginginig ang aking mga labi habang sinasabi ko ang mga iyon. Sinabayan pa ito nang malakas na hagulgol. Mas higit niya akong niyakap dahil halos mahulog ako sa bisig niya dahil sa tindi ng kirot.

"Ina! Ina! Tama na pakiusap! Tama na!" paulit-ulit ko na pagmamakaawa sa kaniya na parang umaasa ako na may kaya siyang gawin upang maibsan ang lahat ng sakit na aking nararamdaman. Halos hindi ko na marinig ang nasa paligid dahil sa pagtindi ng sakit. Lalo akong kinilabutan nang nahaluan na ito ng itim na liwanag.

"Ina! Ina!" tawag kong muli sa kaniya na may kasama nang matinding takot at kaba. Tanging sigaw ko na lamang at pagwawala ang siyang umaalingawngaw sa silid.

"Vreihya!"  agad kong narinig ang boses ni Tiyo na mabilisang pumasok sa aking silid. Nakita ko kung paano ako salubungin ng nag-aalala niyang mga mata.

"Alonzo! Pakiusap! Huwag mong sabihin na ngayon na ang araw! Musmos pa lamang si Vreihya! Huwag sa araw na ito," takot na pahayag ng aking Ina kay Tiyo habang naramdaman ko ang pagbuhat sa akin Tiyo palipat sa kaniyang bisig.

"Kung ngayon na hinihingi Zaliah ay wala na akong magagawa," mabilis at nag-aalala nitong sagot sa aking Ina na hindi mapanatag.  Agad kong narinig ang hagulgol ni Ina. Habang hindi na ako makagalaw at tila ba nanigas na ang aking katawan. Tila nanunuyot ang buo kong katawan. 

Kung kanina lamang ay malakas ang aking pag-iyak ngayon ay tila tinakasan ako ng tinig. Hindi na muli pang umalingawngaw ang aking pag-iyak. Nagsimula na akong matulala habang nadarama ko ang paglawak ng liwanag sa aking dibdib. Nagsisimula nang manlabo ang aking paligid at hindi na ako makagalaw ng tuluyan.

"Vreihya!  Makinig ka sakin iha. Kung sakaling may pwersang humihila sayo ay sumama ka iha. Huwag mong labanan dahil ikakamatay mo lamang kung magtatangka ka," mabilis na paalala sa akin ni Tiyo habang tangan ako ng kaniyang mga bisig. Tila nilalamon ako ng liwanag na kanina pa nagbibigay sakin ng kirot. Dahan-dahan akong umiling dahil  hindi ko gustong magpatalo. Hindi ako papayag na magpatangay sa kirot na ito dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari.

"Vreihya! Kailangan mong gawin dahil kung hindi ay baka mamatay ka!" malakas ang pagkakasabi ni Tiyo dahil matindi na din ang kaniyang pag-aalala. Sa tuwing nilalabanan ko ay lalong sumisiklab ang kirot mula sa puso ko. Hindi ko kaya! Natatakot ako!

"Anak! Pakiusap! Sumunod ka na lamang at huwag kang lalaban!" pakiusap ng aking Ina at dahil dito ay hinayaan ko na lamang kung anong pwersa ang humihila sakin. Unti-unting naging matingkad na asul ang kanina lamang na pulang liwanag na may kahalong itim.

Unti-unti kong naramdaman ang paglamig ng paligid habang nawawala sa aking pakiramdam ang mga bisig ni Tiyo dahil sa ang nararamdaman ko ay tila lumulutang ako nang dahan-dahan. Hanggang sa wala na akong nakita at naramdaman na kahit anong kirot.

Ilang sandali pa ay nablangko ako. Hanggang sa muli kong naramdaman ang banayad na hangin na tumama sa aking kasuotan. Naramdaman ko sa aking likuran ang malambot na mga damo. Nawala rin ang kirot na halos kumitil ng aking buhay. Tila pumayapa ang paligid at nanumbalik ang aking lakas. Hindi nawala ang pagtataka sa aking isip sa kung paano ay bigla na lamang naglaho ang sakit at takot sa aking dibdib. 

"Ina? Tiyo?" nagtataka kong usal pero tila ata walang nakikinig sa akin. Agad akong napatayo sa aking pagkakahiga sa malambot na damuhan. Sumambulat sa akin ang isang malawak na damuhan na may matatayog na mga puno. Asan ako? Hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito. 

"Ina!" natatakot kong tawag sa kaniya at nagsimula na namang mamuo ang aking luha dahil hindi ko sila makitang dalawa ni Tiyo. Pano mangyayari ang lahat ng ito? Pano ako napunta dito? Anong nangyari?

Sinubukan kong ilibot ang aking paningin at pawang matatayog na puno ang bumusog saking paningin. Masyadong berde at mapayapa ang paligid na siyang gusto ko sa isang lugar. Tila nakakapawi ng pagod at mga alalahanin. 

Nang idako ko ang aking paningin sa aking likuran ay agad akong namangha sa aking nasilayan. Isang malaking tahanan ang aking nakita at kakaiba ang disenyo nito sa mga bahay na nakita ko na sa aking paglaki sa aming kaharian.

Agad akong napaangat ng tingin sa ikalawang palapag nito at doon ko nasaliyan ang isang batang lalaki. Ngunit kakaiba ang kasuotan nito kung ikukumpara sa mga kasuotan na nakasanayan ko. Asan ba ako? Bakit ganito ang paligid  na sadyang malayo sa aking nakasanayan.

Sa aking kapangyarihan ay malinaw ko siyang nakikita kahit sa malayong distansya namin. Kung ako ang tatanungin ay napakaganda niyang nilalang. Perpekto ang hugis ng kaniyang ilong at mapupula ang kanyang mga labi. Hindi ko maintindihan kung bakit sa mura kong edad ay ito ang pumapasok sa aking isipan gayong kakakita ko lamang sa kanya.

"Mommy!"  agad akong nabigla nang malakas itong napasigaw habang sapo-sapo nito ang dibdib. Nahulog mula sa kaniyang pagkakahawak ang libro na kanina pa niya binabasa. Agad akong napapitlag nang makita ko ang pula at itim na liwanag sa kanyang dibdib na katulad ng sa akin. Mabilisan kong iniangat sa mga damo ang aking mga paa. Sa aking mumunting hangin ay nagawa kong mapunta sa bintana.

Halos matakot ako nang nakahandusay na sya sa sahig habang nakakasilaw ang liwanag sa kaniyang dibdib na katulad ng sa akin. Hindi na siya magkamayaw sa pag-iyak. Alam na alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon. Ramdam na ramdam ko ang bawat kirot dahil sa padalas nang padalas ko na itong maranasan na wala pa ding kasagutan.

"Mommy!" muli nitong tawag habang hindi niya napapansin na nasa likuran lamang niya ako. Hindi na niya alam kung anong gagawin at halos mapuno ng kanyang pag-iyak ang buong silid. Kung iisipin ay kaedaran ko lamang ito kaya naman isang katanungan ang bumagtas sa aking isip na kung ang lahat ba ng siyam na taon ay nagkakaganito?

Lahat ba kami ay nakakaranas nito? Kung oo ay bakit ito nangyayari sa amin at ano ang maaring lunas? Hindi ko na kayang titigan pa siya sa kanyang paghihirap. Agad ko siyang pinaharap sakin at agad siyang napatingin sa akin na may halong pagkabigla.

"Sino ka?" may kahalong takot ang kaniyang katanungan. Hindi ko nagawang sagutin ang kaniyang katanungan dahil agad akong umupo sa tabi nang nakahiga nitong katawan. 

"Pareho tayo ng karamdaman!" inosente kong sagot sa kanya na tila ba hindi ko pinansin ang kaniyag pagkagulat. Basta ang alam ko lamang ay naiintindihan ko ang kaniyang karamdaman at gusto ko samahan siya upang mapakalma ko siya gaya na lamang ng ginagawa ni Tiyo at ni Ina sa tuwing makakaramdam ako ng kirot.

"Huwag kang mag-alala... Gagaling din tayo," nakangiti kong paalala sa kaniya. Bibigyan niya sana ako ng kapalit na ngiti ngunit napapitlag ito nang muli na namang kumirot ang nagliliwanag niyang dibdib. Sa aking kapangyarihan ay inangat ko sya sa ere at ipinatong sa kanyang higaan. Masyadong matigas ang kanilang sahig at baka hindi na siya komportable pa kaya kailangan ko siyang mailipat.

Agad namang nanlaki ang kanyang mga mata at tila natatakot na napatingin sa akin. Agad na kumunot ang aking noo dahil sa ekspresyon na ibinato niya sa akin. 

"Bakit gulat ka? Tila yata ngayon ka lang nakakita ng kapangyarihan," nagtataka kong tanong sa kanya. Naramdaman ko ang pagbilis ng pintig ng kaniyang puso na tila kabadong-kabado at maging ang kaniyang pamumutla ay akin ding napansin.

Bakit ganiyan siya umasta? Tila natatakot sya sakin na hindi ko naman maintindihan. May nakakatakot ba sa itsura ko? Sabi naman ni Ina ay walang papantay sa aking kagandahan. Madalas din naman na maraming mga batang lalaki ang nahuhuli kong nakatingin sa akin na may paghanga kaya bakit siya ay tila takot ang nararamdaman?

"Isa kang hali-" agad niyang naputol ang kanyang nais sabihin ng para na syang nilalamon ng liwanag. Agad akong naalarma sa nangyayari sa kaniya. Ganito pala ang nararamdaman nila Ina at Tiyo sa tuwing dadalawin ako ng karamdaman na ito. Ganito pala ang pakiramdam na walang magawa at maitulong.

"Kumalma ka! Magiging maayos ang lahat," pagpapakalma ko sa kaniya. Agad kong hinawakan ang nanlalamig niyang mga kamay na sinuklian naman niya nang mas mahigpit na paghawak ngunit bakas pa rin ang sakit sa kanya. Hindi ko nais ipahalata na natatakot na ako at baka mas lalo lamang siyang maiyak.

Kaya naman sa aking musmos na kaalaman ay agad kong nilapitan ang kaniyang mukha at hinandugan siya nang simpleng halik sa mumunti niyang labi. Ramdam ko ang kaniyang pagkatulala at pagkagulat ngunit sabi ni Ina na sa tuwing nasasaktan si Ama ay isang halik ang kaniyang ibinibigay at mapapawi raw ang sakit. Ito lamang ang sadyang alam kong gawin, hindi ba iyon epektibo?

Nang lumayo ako sa kaniya ay tsaka ko unti-unting natanaw ang pagkawala ng liwanag sa kaniyang dibdib. Ngunit may iba akong naramdaman na tila nabigyan ako ng lakas. Masaganang nanalaytay ang aking dugo at sa pagkakataon na maglapat ang aming mga labi kanina ay nakaramdam ako ng hindi ko maipaliwanag na ginhawa. Agad akong nagulat sa gaan ng aking pakiramdam. Nagsisimulang uminit ang aking mata na hindi ko maintindihan.

Hindi ko na rin makontrol ang paglabas ng aking mga pangil at tila sasabog ako sa tindi ng lakas ng nararamdaman kong kapangyarihan. Agad akong napatakip sa aking mga pangil. Bakit sila umaakto ng ganito? Agad akong napatayo papalayo sa kaniya nang may pagtataka. Ano ang nangyayari?

Agad siyang napatayo sa pagkakahiga at gulat na napatingin sakin. Pareho na kami ngayong nagbabatuhan nang naguguluhang mga tingin.

"Ano ang ginawa mo sakin? Bakit ako nagkakaganito? Ano ang nangyayari?" natatakot ko na sabi sa kaniya. Anong mahika ang ginawa niya sa aking katawan. Isa ba siyang babaylan? Isa ba siyang salamangkero?

"Isa kang halimaw! Your eyes! Nagbabago sila ng kulay! You're a monster! Monster!" buong lakas nitong sigaw sakin. Agad kong naalis ang pagkakatakip sa aking bibig dahil nagdurugo na ang aking mga palad dahil sa natusok ito ng pangil ko. Agad umagos ang masaganang dugo mula sa aking mga palad. Agad siyang nabalot ng sindak sa kaniyang nakikita at nagsisimula ng matuluan ang aking puting kasuotan na burda pa ni Ina para sa akin.

"Halimaw! Halimaw ka!" takot na takot nitong sabi sa akin na agad na nagpaluha sa akin dahil sa kaniyang pagsigaw. Bakit siya ganyan? Wala akong ginagawang masama at hindi naman ako masama kaya bakit siya matatakot?

"Lumayas ka! Halimaw!" buong lakas nitong singhal na siyang  higit na nagpaiyak sakin. Bakit kailangan niyang maging matapang sa akin, hindi ko naman siya sinugatan o ginasgasan man lang.

"Hindi tayo tanggap ng mga tao Vreihya! Hindi natin sila kauri" agad na pumasok sa aking isip ang sinabi ni Ina at tsaka ko lamang napagtanto kung nasaan ako ngayon. Ngayon ko naintindihan kung bakit ganiyan ang kaniyang reaksyon. Sa aming mundo, ang mga bampirang hindi pa nababasbasan ng Dyosa ng buwan ay wala pang kakayahang malaman kung tao o isang kauri ang nasa harapan kaya naman hindi ko nabatid kaagad kung ano siya.

"Mommy! Daddy! There's a monster in my room!" malakas nitong sigaw habang nanginginig niyang itinuturo sa akin ang kaniyang hintuturo. Agad kong narinig ang malalakas at mabibilisan na yapak papaakyat sa hagdan at halos magtatambol ang puso ko nang makita ko ang isang lalaki na may hawak na bagay na siyang itinutok niya sa akin habang ang kaniyang kasama na babae ay balot ng sindak.

"Leave my son alone! Hindi ako papayag na kunin niyo sya! Mga kampon ng demonyo!" agad na singhal ng lalaki na siyang may hawak ng kung anuman na ngayon ko lamang nakita. Hindi na ako ganoon kawalang ideya upang hindi malaman na Ama siya ng batang lalaki na mabilisang kinuha ng kasama pa niyang babae paalis sa kama na kanina lamang ay kaniyang kinapupwestuhan.

Agad akong naiyak dahil mahina ako at hindi ko alam ang gagawin. Ina! Tiyo! Natatakot na ako! Asaan na kayo!

"Hindi ko po kayo sasaktan," mahinahon kong saad sa kanila at nagsimula na akong humakbang papalapit. Ngunit nagulat ako ng maglabas ng ingay ang bagay na hawak niya at tsaka ko naramdaman ang pagtama ng bagay na lumabas dito sa aking tiyan. Agad na umagos ang masaganang dugo at nakaramdam ako ng panibagong kirot.

Pano nila nagagawang manakit ng simpleng bata lang?  Wala naman akong ginawa na masama sa kanila. Hindi ko sinaktan ang kanilang anak at hindi ko alam kung bakit naisip nila na kukunin ko siya. Napadpad lamang ako dito at agad-agad na nila akong tinawag na halimaw.

Sila ang tunay na mga halimaw. Mga mapanakit! Mga sarado ang isip at tumatalon kaagad sa konklusyon! Isa lamang akong bata!

Muli kong narinig ang ingay mula sa bagay na hawak niya ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ito tumama sakin dahil sa hinugot akong muli ng asul na liwanag palayo sa mga mapanakit na tao.

Mga halimaw! Mga mapanakit na nilalang!

Kailan man ay hindi ko gugustuhin ang mga tao!

 Sarado ang kanilang pag-iisip!

Related chapters

  • One Bite to Another   IDEA

    "Vreihya, anak? Matindi daw ang naging pagtatalo ninyo ng mortal ayos sa sinabi sa akin ng tagapagbantay ng kaniyang kulungan," andito na naman ang malambing na tinig ni Ina na kahit kailan ay hindi nabigo na tila aluin ako sa tuwing ako ay kaniyang kausap."I still don't get it! Bakit sa lahat ng nilalalang ay sa akin pa ito nangyari Ina?" mahinahon ko din na sagot sa kaniya pabalik. This is really a disaster! Mayroon akong reputasyon sa mundong ito at hindi ko nais na masira iyon sa katotohanang kailangan kong dumepende sa isang mortal. Maaari naman na sa isang prinsipe ng ibang kaharian pero bakit sa isang tao pa?"Isa iyang bayad Vreihya, iyan ay kabayaran sa ginawa nating pangmamaliit at pang-aapi sa kanilang lahi," agad nitong sabi sa akin bago siya lumapit sa akin at hawakan nang dahan-dahan ang aking mahaba at itim na itim na buhok. Andito na naman ako sa katotohanan na kami ang may nagawang kasalanan, kami ang dapat sisihin. Kami ang may kasalanan ng lahat."Bakit ako? Bakit

    Last Updated : 2022-06-04
  • One Bite to Another   MINO ALEXANDER ILLUSTRE

    WARNING: 18+ contentMINO'S P.O.VPAK!I will never ever forget that day when my Mom slapped me for the first time. I quickly closed my fist due to shock and sudden burst of anger. Bakit galit na galit ka Mom? Wala naman akong ginagawang masama."Oh my God Mino! Babe, are you alright?" nag-aalalang sabi ng aking kasintahan at agad niyang hinawakan ang pisnge ko na namumula sa lakas ng pagkakasampal ni Mommy. Bakas sa kanya ang pagkagulat at takot sa naging reaksyon ni Mom nang ipakilala ko na siya kay Mom.Hinawakan ko kaagad nang mahigpit ang kaniyang mga kamay upang iparamdam sa kaniya na ayos lamang ang lahat. I was about to tell her that I am alright pero bigla siyang hinawi ni Mommy palayo sakin. Mom? Why are you so mad?"Move away from my son!" madiin at marahas nitong sigaw kay Faith. Agad na pumagitna sa amin si Mommy upang masiguro niya na may distansya sa pagitan namin. Earlier, I was so happy and excited to finally introduce my girlfriend Faith to my Mom. Pareho pa kaming n

    Last Updated : 2022-06-04
  • One Bite to Another   MINO ALEXANDER ILLUSTRE 2

    I felt my weak body and a soft mattress. I slowly opened my eyes so I can see where am I.Agad akong nagulat nang mamukhaan ko na ang silid kung nasaan ako ngayon. Pano nangyari na napunta ako sa kwarto ko mismo? The room where I am having a good time with someone is a hotel room so papano ako napunta dito. My mind is full of questions kung papano ako napunta dito but an idea envaded my mind.Maybe it is Mom again, baka nalaman na naman niya na nakikipagkita ako ulit ngayon. Haist! Agad akong napailing. It is definitely Mom at nagawa niya pa talagang gumamit ng sleeping gas para lamang sa pakulo na ito. I smiled bitterly, lahat talaga gagawin niya para lang malayo ako sa mga babae.Bakit pa nga ba ako nagtataka, she definitely had some duplicate of the hotel room keys na nakuha niya with her connections then she entered the room and let those gasses out para hindi na ako manlaban o magkagulo pa sa Hotel. Haist Mom!Pinili ko na lamang na mahiga ulit sa aking higaan and to feel the qui

    Last Updated : 2022-06-04
  • One Bite to Another   ENTRANTE

    VREIHYA'S P.O.VMula sa malakas at agresibo niyang pagpalag ay unti-unti kong naramdaman ang kaniyang panlalambot. Ipinagpatuloy ko ang pagsipsip ng kaniyang dugo habang nababatid ko na mas lalong nag-init ang aking mga mata. Ang kaniyang dugo, hindi ko maitatanggi na mayroong kung ano dito.Mas lalo kong idiniin ang aking pagkakakagat sa kaniya. Naaadik ako sa dugo niya, matamis ito sa aking panlasa at may kaakibat itong mabangong samyo. Gusto ko pa ng higit pa! Hindi ko alam kung bakit kusang napapikit ang aking mata nang mabatid ko na ang pagdaloy ng kaniyang dugo sa aking kaibuturan. Ano ang meron sa nilalang na ito bakit tila nababaliw ako sa lasa at samyo ng kaniyang dugo. Hindi siya ang unang tao na natikman ko ngunit ang sa kaniya ang pinakakakaiba at pinakamatamis sa aking panlasa. Gusto ko pa! Gusto ko nang mas marami pa. Ang bawat lunok ko sa kaniyang dugo ay tila ba isang adiksyon para sa akin. Napakasarap ng iyong dugo nilalang!Ilang segundo pa ay naramdaman ko na ang pa

    Last Updated : 2022-06-04
  • One Bite to Another   PROPHECY

    Hindi na kami nagtagal pa na Tiyo sa hardin at binagtas na namin ang pasilyo na papunta sa silid kung nasaan natutulog ang Mortal.Kailangan na namin magmadali dahil ilang oras na lamang ay nandito na ang aming mga panauhin. Siguradong hindi namin sila mapipigilan na pagpyestahan ang katawan ng Mortal. Kung masasawi siya ay paniguradong mawawala din ako sa mundong ito. Hindi ako makakapayag! Hindi ko pwedeng iwanan si Ina at ang kaharian na ito! Paniguradong sasamantalahin ng ibang kaharian ang mangyayaring iyon!"Mauna ka na Vreihya! Tatawagin ko ang Mahal na Reyna!" mabilis na turan ni Tiyo. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay naglaho na si Tiyo sa hangin. Agad kong binuksan ang pinto ng kaniyang silid. Agad na nasinagan ng buwan ang kaniyang nakalagak na katawan sa isang malaking higaan.Pinalakpak ko nang dalawang beses ang aking mga kamay at unti-unting umilaw ang mga halaman na nasa loob ng silid. Ang mga ito ang nagsilbing liwanag upang mabawasan ang panglaw ng paligid.Hindi k

    Last Updated : 2022-06-04
  • One Bite to Another   PROPHECY 2

    "Sino ang iyong magiging kapareha?" kakaupo ko pa lamang sa aking trono sa tabi ni Ina ay hindi na kaagad nakapaghintay na magtanong ang pinuno ng kaharian ng Berbantes. Agad na napataas ang kilay ko. Masyado naman ata silang sabik na sabik."Haring Ozyrus, hindi ka muna ba mauupo?" kalmadong saad ni Ina dahil kakapasok pa lamang nito sa malaking pintuan ay iyon na kaagad ang bungad niya.Nagkatinginan kami ni Tiyo nang mapansin namin na tila gumana ang aming remedyo para sa samyo ng Mortal. Tila wala namang napapansin ang mga panauhing mga hari at reyna ng iba't-ibang kaharian sa mundong ito. Ang kaba ko kanina ay napalitan na ngayon ng pagiging kampante. Ngunit hindi ito ang dapat namin gawin palagi dahil paano na lamang kung muli akong dalawin ng aking karamdaman at nakatago siya sa ilalim ng lupa o hindi naman kaya ay may malay siya at sapilitan namin siyang ibinalik doon ay tiyak na mapopoot siya.Kailangan ko ng iwasan na pasamain ang kaniyang kalooban hanggang maaari baka kung

    Last Updated : 2022-06-04
  • One Bite to Another   FOREST

    "Don't make it hard for me human!" iritable kong sabi sa kanya. Mas mabuti pa ata na hindi ko na siya kinuha mula sa ilalim ng lupa dahil mas maayos pa yata kapag nahihimbing na lamang siya. He didn't listen and continued to struggle in the bed. Magkabilang kamay niya ngayon ang nakatali sa magkabilang sulok ng kama. Habang ang mga paa niya ay malaya niyang iginagalaw."You almost killed me! Sino ka para utusan ako huh? Reveal yourself! Magsuntukan na lang tayo!" matapang nitong saad. Hindi niya ako gaanong matanaw nang maayos dahil sa may kadiliman ang aming silid."Can you just please calm down! You are overacting!" nagmamakaawa kong sabi sa kaniya na may halong pagkairita dahil nagsasawa na talaga ako na kausapin siya."Overeacting? Muntik mo na akong patayin!" muli nitong pagpapaalala sa akin at mabuti na lamang na tanging ako at siya lang ang nasa kagubatan na ito dahil kanina pa lumisan si Tiyo upang maglakbay pabalik sa palasyo. Kung may ibang makakarinig ay baka isipin na may

    Last Updated : 2022-06-04
  • One Bite to Another   MATE

    Kapwa kami hindi makagalaw sa aming mga pwesto dahil sa pareho naming nasaksihan. Tila pareho kaming naghahanap ng kasagutan sa aming paninitig sa isa't-isa. Sa papaanong paraan siya nagkaroon ng pangil?Agad kong nakita ang kagustuhan niya na hawakan ang kaniyang bibig dahil ipiniglas niya ang kaniyang kaliwang kamay. Agad kong inalis sa pagkakaharang sa aking dibdib ang aking kanang kamay ay kinumpas ito. Kapwa natanggal ang mga sanga na nagtatali sa kanyang kamay. Mabilisan niyang sinapo ang kaniyang bibig. Pinakiramdaman niya ang kaniyang mga pangil. Hindi nakatakas sakin ang kaniyang panginginig dala ng takot.Agad niyang inilayo ang kaniyang daliri na nasugutan ng kaniyang pangil. Nanlalaki ang kaniyang mga mata na tinitigan ang kaniyang daliri at lalo itong nanginig. Agad siyang nagtapon nang masamang titig sa akin. Ramdam ko ang galit niya sa akin."WHAT HAVE YOU DONE TO ME!" umalingawngaw ang kaniyang malakas na sigaw sa silid. Ramdam ko ang matinding galit at pagkasuklam niy

    Last Updated : 2022-06-04

Latest chapter

  • One Bite to Another   SHADOW

    Mino's P.O.VThey said that you should never trust an enemy but you should be more wary with mysterious people lurking around you as you don't have any idea how they can inflict fatal harm to you."Kypper, makinig ka kay papa," I started as Kypper begun to look up to me na habang nanatili ang ngiti sa kaniyang labi habang yakap-yakap pa din niya ang aking bewang. Damn these shuckles! I badly want to hug him tightly."Gusto kong layuan mo ang haring iyon," I warned the precious kid in front of me ngunit tinaasan niya lamang ako ng kilay. Hindi ko maiwasan na mapangisi pabalik lalo na at naalala ko na naman ang mataray na prinsesa."Hindi ko po kayo maintindihan papa, bakit nais ninyong layuan ko siya?" may pagtatampo sa kaniyang boses sabay kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin.A part of me wanted to tell him to avoid looking at my bloody clothes mula sa tumapon na gamot na pinilit na ipainom sa akin kanina. But I remembered that he is a wolf that I guess... used to seeing blood.

  • One Bite to Another   CURSED

    Third Person's P.O.V"FUCK!" Mino grumbled harshly as he made a huge hole with his fist in the castle's bricked wall. Mabilis na yumanig ang buong kaharian habang nagwawala siya sa ilalim nito.King Zakarias looked at him coldly habang kita-kitang niya kung paano lumalabas sa katawan ni Mino ang nakakasilaw na mga kuryente. Some parts of Mino's royal clothing had been ripped due to the physical force he is exerting after he lost Vreihya.His sharp fangs violently emerge as he frustratingly pull his hair harshly. The air seemed to be too thick for him to breath and his hands trembled intensely.Mino's claws were digging into his palm as he clenched them so tightly while breathing so heavily. His eyes were thinning out as his wrath wanted to escape his body."This is your fucking fault! Kung hindi ka lang sana duwag para ipaglaban 'yang nararamdaman mo!" mabilis at madiin niyang sigaw sa hari at mabilis niya itong dinuro. The king clenched his jaw habang tumalas ang kaniyang paningin sa

  • One Bite to Another   SINISTER

    Third Person's P.O.V"I've been waiting here for you," Vreihya stated sarcastically as she looked at her reflection in the cold crystal water where her flawless feet are submerged. She felt the familiar presence na naramdaman niya kanina bago siya mawalan ng malay at batid niyang hindi na siya konektado kay Mino and this is making her furious."Wala ka na lang talagang papel sa buhay ko kundi ang manggulo!" madiin niyang saad sabay tapon ng isang walang emosyong titig sa babaeng batid niyang dahilan kung bakit nalalaman ni Zakarias na kasama siya ni Mino sa kaniyang diwa."You helped him to see through me as you are the only one who can connect to consciousness you sneaky little bitch!" she said bitterly habang pinipigilan ang sarili na tuluyang magwala. "Aww! I miss you too," nakangiting saad ni Circa habang pinagmamasdan ang prinsesa nakatapak sa mababaw na tubig. Maging ang kaniyang mga paa ay nakababad din ngunit nagsisimulang magliwanag ang tubig na unti-unting kumakalat."Ginis

  • One Bite to Another   ZAKARIAS

    Third Person’s P.O.V Vreihya can’t do anything but call out Mino’s name several times habang patuloy na walang malay si Mino. The fatal bleeding wounds he has on his body is making Vreihya scared to death. Mas lalo pa siyang natatakot dahil sa nilalang na siyang may tangan sa walang malay na katawan ni Mino. She can’t do anything with her powers as her vessel is fighting for his dear life right now. Wala siyang ibang masisi kundi si Circa, her uncle can’t do such heinous act kung hindi ito nakakita o nakaranas ng kalunos-lunos na bagay. All she can point out is that it is Circa’s doing and her power of illusion, she has something to do with her kingdom’s downfall and why her uncle became a soulless being without mercy to slaughter. Punong-puno ngayon ng galit at pag-aalala ang prinsesa habang iniisip niya din ang kalagayan ni Kypper, ng kaniyang tiyuhin at ni Mino. Ilang usal ng pasasalamat ang kaniyang paulit-ulit na nababanggit habang nararamdaman pa niya ang pagtibok ng puso ni

  • One Bite to Another   BLADES

    Third Person's P.O.VMino can't help but to hiss in pain when another sets of thin blades managed to cut his skin thinly. Ilang bahagi na ng kaniyang katawan ang nagdurugo dahil sa matatalim at maliliit na hangin ang tumatama sa kaniya.Both him and Vreihya is happy to see him alive but part of them is scared to death when they saw him in that state. Muling tumakbo nang matulin si Mino papasok sa kagubatan na may dambuhalang mga puno. Rinig na rinig niya kung paano mabilis na naglilipat-lipat sa malalaking puno ang nilalang na kanina pa siya hinahabol.The man's sharp claws can be heard loudly in the vast forest as it pierced deeply through the trunk of the gigantic trees. "Damn it Vreihya! Can't we do something to stop him?" hinihingal na pahayag ni Mino habang mabilis na siyang tumatakbo.Ramdam niya ang tila pagbigat ng hangin sa paligid at nakadaragdag ito sa nagpapahirap sa kaniya upang makalayo. "Mino! He took the pledge! Uncle took the pledge!" kinakabahang sigaw ni Vreihya hab

  • One Bite to Another   MAP

    Mino's P.O.VI have been staring at the wall of this old inn where I slept for the night, despite the lingering questions and puzzle on my head, it seems not enough as I stare at the smeared color red for a while now as crimson was scattered on it to picture some sort of a map."What do you think is this?" I asked Vreihya na wala na muli sa aking tabi. The mirror where she came from is now gone as that kind of power is limited. Mabagal kong ipinilig ang ulo ko pakanan upang mas maunawaan kung ano ang nakapinta sa malaking pader.I don't mind if someone entered here last night just to paint this thing on the wall. Hanggang hindi niya tinatangka na umatake ay hindi ako magpapaapekto na may pumasok dito habang mahimbing ang tulog ko.The red paint kind of imitating a vast forest as I can imagine that those tall lines and scattered paints on top are trees, lots and lots of trees, I can also see boarders of different kingdoms dahil sa nakakakita ako ng mga guhit na tila humahati sa mapa."

  • One Bite to Another   SAVE

    Third Person’s P.O.V“So, correct me if I’m wrong,” the princess begun as she looked up at Mino and the latter looked down at her. “When you told me that this is going to be a wild night, you literally mean that we’re going to spend the night in the wild?” she added.Mino chuckled lightly and that’s the princess cue to rise her brow. He tightened his embrace from her behind and placed his chin on her shoulder, being able to smell her fragrant floral scent makes Mino feel ecstatic than a party drug can ever make him, not that he’s using that or anything.Both of their skins are shimmering as the light of the moon embrace them while they are on top of a gigantic tree with a flat and spacious top. The cold night breeze greets the both of them as the vast forest on the horizon is filling their glowing eyes.“You’re having trouble, right?” she asked at mabilis na kumunot ang noo ni Mino dahil sa pagtataka. “I knew how you seek solitude at the night sky whenever your mind is in chaos,” she

  • One Bite to Another   MIRROR

    Third Person's P.O.VBoth Mino and Vreihya was stunned after hearing those words. They can't understand why does Circa hold the prophecy now when in the first place Vreihya didn't gave it to her. Mas lalo silang nabigla dahil bakit kakampi ito ng haring Zakarias na kanilang tinutukoy. They can't help but to think that this is Circa's scheme all along, she wanted to make others believe that she is the woman in the prophecy now.Tila agad na nakaramdam ng galit na muli si Vreihya. Dapat talaga ay hindi siya nagtiwala sa diwata. She wanted to curse and break her neck right now, all this time ay ito pala ang plano niya kaya muli niyang ginising si Silvia.Vreihya believed that Circa is the one behind the accusations that were made about Mino. She will definitely make the deity pay. Ilang sandali pa ay agad na napakunot ang noo ni Mino nang maramdaman niya ang papalapit na presensya sa loob ng silid.Akma na sana siyang magsasalita ngunit nabigla siya nang biglang dumukot ng punyal ang

  • One Bite to Another   DEAL

    Vreihya's P.O.VSo this is what a broken heart feels like... it sucks! Ang sarap maging bata ulit... ang tanging nagpapaiyak lamang sa akin noon ay sa tuwing iiwan ako ni ina upang sumama sa pagpupulong.Hindi ako ang tipo ng bata na iiyak kapag madadapa o hindi naman kaya ay hindi nakukuha ang gusto pero nang araw na naramdaman ko na kailangan kong iwanan ang kaisa-isang kaibigan ko para sa lalaking hindi ko pa man kilala ay nadurog nang husto ang puso ko.But now?I saw love on his eyes with the way he looked at her, the way he talk and the way they lips crushed to each other. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko kung paano may pag-ibig sa bawat kilos ni Mino para sa babaeng iyon.He was never my original mate and we both know that pero mas masakit para sa akin na nagawa niyang umibig nang lubusan sa iba habang ako ay maaga kong pinigilan upang hindi na lumalim.Awang-awa na ako sa sarili ko, I don't have a kingdom to rule, I don't have my people anymore, and the two vampires that ga

DMCA.com Protection Status