VREIHYA'S P.O.V
Mula sa malakas at agresibo niyang pagpalag ay unti-unti kong naramdaman ang kaniyang panlalambot. Ipinagpatuloy ko ang pagsipsip ng kaniyang dugo habang nababatid ko na mas lalong nag-init ang aking mga mata. Ang kaniyang dugo, hindi ko maitatanggi na mayroong kung ano dito.
Mas lalo kong idiniin ang aking pagkakakagat sa kaniya. Naaadik ako sa dugo niya, matamis ito sa aking panlasa at may kaakibat itong mabangong samyo. Gusto ko pa ng higit pa! Hindi ko alam kung bakit kusang napapikit ang aking mata nang mabatid ko na ang pagdaloy ng kaniyang dugo sa aking kaibuturan. Ano ang meron sa nilalang na ito bakit tila nababaliw ako sa lasa at samyo ng kaniyang dugo. Hindi siya ang unang tao na natikman ko ngunit ang sa kaniya ang pinakakakaiba at pinakamatamis sa aking panlasa. Gusto ko pa! Gusto ko nang mas marami pa. Ang bawat lunok ko sa kaniyang dugo ay tila ba isang adiksyon para sa akin. Napakasarap ng iyong dugo nilalang!
Ilang segundo pa ay naramdaman ko na ang pagtama ng kaniyang isang mabagal at mabigat na paghinga sa aking likuran dahil nga nakayakap ako sa kanya habang nakabaon sa kaniyang leeg ang aking matatalas na pangil. Balak ko sanang sairin na kung sakali mang may natitira pero bigla kong narinig ang malakas na pagbukas ng pinto kasabay nito ang tunog ng mga nahulog na plato at baso.
"VREIHYA!" agad na umalingawngaw sa buong silid ang pagsigaw ni Ina. Mabilisan siyang nakapunta sa sulok kung saan ko inuubos ang dugo ng nilalang na ito. Gamit ang lakas ni Ina ay agad niya ako hinawi palayo sa tila wala ng buhay na nilalang.
BLAG!
Agad akong napainda nang tumama ang aking likuran sa konkretong pader ng madilim na silid. Agad akong napasalampak sa sahig habang rinig na rinig ko kung paano binuhat ni Ina ang lalaki. Agad akong nagbaling sa kaniya ng tingin.
"ANO ITONG KAHANGALAN NA GINAGAWA MO?" madiin na singhal ni Ina habang alalang-alala siya sa lalaking asa kaniyang mga bisig na para na lamang isang piraso ng papel na walang kabuhay-buhay. Agad akong tumayo sa aking pagkakasalampak sa malamig na sahig at pinahid paalis ang nararamdaman kong dugo na dumadaloy nang marahan mula sa aking labi.
"Kung uubusin ko ang kaniyang dugo Ina baka sakaling hindi ko na siya kailangan pa," mabilis kong tugon sa kaniyang katanungan. Agad akong kinabahan nang mag-iba na ang kulay ng mga mata ni Ina nang sandaling narinig niya ang aking tinuran. Matalas na tila patalim ang pagkakatitig niya sa akin.
"Isa kang hangal Vreihya! Kung hindi ka sigurado ay bakit kailangan mo siyang paslangin. Paano kung tuluyan siyang mamatay at hindi epektibo ang sinasabi mo? Hindi mo ba naisip kung paano ka na!" agad akong napatahimik sa tinuran ni Ina. Kahit kailan ay hindi ko nais makipagsagutan sa kaniya. Sagad ang paggalang ko sa aking Mahal na Reyna. Ngunit sinubukan ko lang naman kung posible pero ang kaniyang dugo ay sadyang nakakaadik. Unang dampi pa lamang nito sa aking dila ay nawalan na ako ng kontrol sa aking sarili. Tila kung may anong halo sa kaniyang dugo at ito ay aking lubos na nagustuhan.
"Ina, patawad. Hindi ako nag-iisip nang tama," malumanay kong sagot sa kaniya dahil wala ng saysay ang ipagtanggol ko pa ang aking katwiran kaya pinili ko na lamang magpakumbaba.
Agad akong napatingin sa lalaking nasa bisig pa din ni Ina habang ang kaniyang dugo ay nagmamantsa na sa kasuotan ni Ina. Hindi ko na nararamdaman ang kaniyang paghinga. Ang tibok ng kaniyang puso ay hindi na sapat ang lakas upang marinig ko pa ito. Napatay ko na ata siya!
Hindi ko alam kung bakit pero parang sinaniban ako ng pagsisisi. Vreihya! Ano ba ang pumasok sa isip mo at nagawa mo ito sa kaniya? Tila batid na din ni Ina na parang wala ng buhay ang kaniyang lalaking tangan. Mabilis niyang ibinaba ang lalaki pagkatapos ay kumumpas siya sa ere.
"Astra Verde Salye," sa pagbanggit ni Ina sa isang dasal ay biglang may namuong tubig sa kaniyang harapan. Sa bawat kumpas ni Ina ay mas lalo itong lumalaki at nagliliwanag.
Ang kaninang madilim na silid ay unti-unting napupuno ng asul na liwanag mula sa tubig na kaniyang inilalabas. Agad akong napatingin sa itsura ng lalaki na unti-unti nang namumutla. Tsaka ko siya napagmasdan nang lubusan. Hindi maitatangi na kapuri-puri ang kaniyang pisikal na anyo. Ang kanyang mukha ay tila ba inukit ng magaling na iskulptur. Ganito pala kapayapa ang kaniyang itsura kapag siya ay walang malay. Hindi ko maiwasan na humanga sa kanya katulad pa din nang una kaming magkita noong kami ay musmos pa lamang ngunit agad ko itong iniwaksi sa aking isip. Kahit gaano pa man siya kagandang nilalang, siya ay tao pa rin!
"Alonzo! Pumarito ka. Mamatay na ata ang lalaking ito!" may pag-aalalang lahad ni Ina habang nakikita niya sa portal na tubig si Tiyo Alonzo. Hindi na nagawa pang magsalita ni Tiyo bigla na lamang siyang nawala sa portal. Parehong sumabay sa hawi nang mabilis na hampas ng hangin ang aming mga kasuotan kasabay nang biglang pagpasok ni Tiyo sa silid.
Agad niyang ibinaling ang tingin sa tila isang bangkay na buhat ni Ina. Pagkatapos noon ay sa akin naman nabaling ang kaniyang malamig na titig. Agad akong napayuko.
"Vreihya! Ano ang ginawa mo?" malamig na turan ni Tiyo. Hindi talaga maitatanggi na magkapatid sila ni Ina sapagkat pareho silang ma-awtoridad. Patuloy na umiikot nang pabilog na tubig na portal ni Ina. Hindi niya ito inaalis upang magkaroon lamang ng liwanag ang silid dahil hindi na sapat ang sinag ng buwan na nanggagaling sa malaking bintana.
Hindi na tinangka pa ni Tiyo na pulsuan pa ang nilalang dahil wala na din siyang marinig na pagtibok. Sa pagkakataon na ito ay hindi ko na alam ang gagawin. Maling-mali ang ginawa ko, masyado akong nagpatangay sa galit ko sa kanya. Ano nga ba ang mangyayari kung sakali na mapaslang ko siya ngayon at hindi ako tuluyan na gumaling? Hindi ka nag-iisip nang tama Vreihya!
"Ezme...Tare...Zalde," mabilis na nag-usal ng dasal si Tiyo na tila naghahabol ng oras.
Agad akong napabaling kay Tiyo at nakitang nagkulay puti na ang kabuuhan ng kaniyang mata. Muli kaming hinampas ng isang malakas na hangin. Ang tubig na portal ni Ina ay nagsaboy na din sa paligid dahil sa pwersa ng kapangyarihan ni Tiyo. Unti-unting umikot ang hangin na nasa silid at bumuo ito ng tila isang maliit na ipo-ipo tsaka ko nakita ang isang nilalang na humakbang palabas dito. Halata ang pagtataka sa kaniyang mukha ngunit nang masilayan niya si Tiyo ay agad na nagseryoso ang kaniyang postura.
"Macara, kailangan ko ang iyong tulong. Nanganganib ang buhay ng mortal na ito," agad na usal ni Tiyo habang bumabalik na sa normal ang kaniyang mga mata. Wala ng sinayang na sandali pa ang babaylan na pinagkakatiwalaan ng aming pamilya. Agad niyang binagtas ang sahig na kinahihigahan ng lalaki na hindi na namin mawari kung buhay pa. Agad na inihinto ni Ina ang kaniyang pagkumpas sabay sa mahinang pagbulong ni Macara sa kaniyang tungkod upang ito ay magliwanag ito kapalit ng nawalang portal na tubig ni Ina.
Itinapat ni Macara ang kaniyang palad sa dibdib ng lalaki. Ilang segundo pa ay agad siyang tumingin sa amin nang may matinding sindak.
"Hindi na siya magtatagal!" may babala nitong sambit.
"Hindi maaari!" agad na singhal ni Tiyo. Akma na sana akong hahakbang upang lumapit kay Ina dahil nakita ko na parang nawalan siya ng balanse ngunit agad akong napasapo sa aking dibdib.
"Ah! I--Ina," agad akong napaluhod habang sapo ang aking dibdib. Hindi maaari ito. Tila may tumutusok sa aking dibdib na isang matalim na bagay. Narito na naman ba ang aking karamdaman? Kung nararamdaman ko ito ulit ngayon ibig sabihin ay hindi epektibo ang ginawa kong pag-inum sa kaniyang dugo.
Agad kong naramdaman ang mabilis na pagbulusok ni Tiyo palapit upang alalayan ako sa muling pagsalampak sa sahig. Agad namuo sa aking mga mata ang mga luha dahil sa bawat pintig ng aking puso ay nahihirapan ako makahinga at tila ito ay sinasaksak ng libo-libong mga punyal.
"Macara! Tulungan mo kami!" agad na singhal ni Ina na hindi na din napigilan ang mapahagulgul nang muli niyang makita ang aking kalagayan. Ang hapdi, ang sakit, ang hirap. Naikuyom ko ang aking kamo na siyang naging sanhi upang bumaon ang aking kuko sa aking palad. Labis ang sakit na aking nararamdaman. Agad kong naramdaman ang pag-angat ni Macara sa nakakuyom kung kamao habang dumadaloy ang masaganang dugo.
"Kamahalan, ilapit mo dito ang nilalang!" madiin na utos ni Macara. Agad na kinumpas ni Tiyo ang kaniyang kamay at biglang umangat sa kaniyang pagkakahiga ang mortal. Umupo si Macara sa sahig at sinenyasahan si Tiyo na sa kanya ilagak ang katawan. Habang hawak ni Macara ang aking nagdurugong kamao ay tinanggal niya ang pagkakasarado ko dito. Itinapat niya sa bibig ng lalaki ang aking palad at hinayaan na pumatak ang masaganang dugo sa kaniyang labi.
Agad naman akong napaigtad dahil tila dumodoble ang sakit sa aking dibdib. Hinigpitan ni Tiyo ang pagkakaalalay sakin. Hindi ko na makontral ang aking katawan nang magsimula na akong makaramdam ng panginginig. Agad na bumulwak ang masaganang luha sa aking mga mata.
"Engrede...De selvye... Alcalus!"
"Engrede...De selvye... Alcalus!"
"Engrede...De selvye... Alcalus!" paulit-ulit na bigkas ni Macara at sa bawat bigkas ay palakas ito nang palakas. Sa kabila nang nanghihina at nanlalabo kong paningin ay siya namang itinalas ng aking pandinig. Rinig ko ang bawat patak ng aking dugo sa kaniyang mga labi. Kasabay noon ay nararamdaman ko na ang tila paghinga niya nang dahan-dahan. Kasabay noon ay ang unti-unting pagkawala ng sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib.
"Engrede...De selvye... Alcalus!"
"Engrede...De selvye... Alcalus!" patuloy na pag-usala ni Macara ng kaniyang dasal.
Sunod-sunod ang kaniyang paghinga na tila ba isa siyang bangkay na muling binuhay. Kasabay ng mga paghinga na iyon ay parang hinahaplos ang aking puso sa pinaka kaibuturan. Napalitan ng kapatanagan ang kanina lamang ay malabis na sakit. Ang aking panginginig ay napalitan ng pagiging kalmado. Ang mahigpit na hawak sa akin ni Tiyo kanina ay mas naging maluwag. Sa mga oras na iyon ay napagtanto ko ang katotohanan. Hindi ako mabubuhay ng wala siya. Ang bawat niyang paghinga ay siya ding haba ng aking buhay. Ano ba ang dahilan ng lahat ng ito? Bakit kailangan ko dumepende sa isang mahinang nilalang na kagaya niya? Ano ba ang pwersang nagdudugtong sa aming dalawa?
Nang nabatid na ni Macara na tila mayroon ng buhay ang lalaki ay itinigil na niya ang kaniyang pagbulong. Kahit nanghihina pa ang aking katawan ay nakita ko kung paano mahinang napaupo si Ina sa sahig habang may luha sa kaniyang mata. Tulala siya ngunit bakas ang kapanatagan sa kaniyang pigura. Agad akong sinakluban ng pagsisisi, muntik ko na palang maiwan ang aking minamahal na Ina. Hindi niya dapat nararanasan ang ganito. Ni minsan ay hindi na siya napanatag sa aking kalagayan pagkatapos ganito pa ang aking isusukli.
Patawad Ina dahil paulit-ulit kitang tila pinapatay sa pag-aalala. Nais kong tumayo at yakapin siya ngunit hindi pa ako makakuha ng lakas upang tumayo. Isa lamang ang naisip ko habang tinitignan ang aking Ina na tila hindi pa din bumabalik sa kaniyang wisyo. Ipinapangako ko sayo Ina na ito na ang huling araw na luluha ka sa pag-aalala. Hindi na ako muli gagawa ng hakbang na magbibigay sayo ng lumbay at takot.
Mahal kita aking Inang Reyna.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ilang oras na ang nakakalipas nang mangyari ang ganoong kaganapan kanina. Agad na inilagay ni Tiyo ang lalaki sa isang komportableng silid upang makapagpahinga siya nang maayos. Gusto ko din sanang mamahinga ngunit nakatanggap kami ng balita na papunta rito ang ibang pinuno ng iba't-ibang kaharian. Kailangan naming maghanda upang salubungin sila, agad akong napangiwi dahil paniguradong isang mahabang diskusyon na naman ang magaganap sa pagpupulong na iyon.
"Vreihya!" agad kong naramdaman ang paglamig ng hangin ng masalubong ko si Tiyo sa pasilyo na aking nilalakaran. Napayuko na naman ako dahil paniguradong matinding pagsusuway at pagtutuwid ang aking matatanggap mula sa kaniya. Si Tiyo na ang naging kaagapay ni Ina sa pagpapalaki sa akin. Kaya mataas ang aking paggalang sa kaniya. Hindi din biro ang awtoridad na meron siya sa pamamaraan pa lamang ng kaniyang pagtindig.
Dahan-dahan na inilahad ni Tiyo ang kaniyang kaliwang palad na tila may hinihingi siya sa akin. Agad ko namang tinanggal ang gintong singsing na aking suot-suot at ipinatong ito sa palad niyang naghihintay. Hindi ko maiwasan na tumitig kay Tiyo, ang kaniyang mukha ay katulad pa din noong ako ay bata. Ni hindi siya nakakitaan ng senyales ng pagtanda. Ang kaniyang itsura ay para ko lamang siyang nakakatandang kapatid ganun din ang aking Ina.
Agad na binulungan ni Tiyo ang singsing sa kaniyang palad kasabay nito ay ang paghawi ng hangin sa aking buhok at sa aming kasuotan ngunit nawala din ito pagkatapos niyang bumulong. Agad niyang iniabot sa akin ang singsing tsaka ko ito muling sinuot ngunit hindi na ito kasing espesyal gaya ng dati.
"Iniaalis ko na ang kapangyarihan na pinahiram ko sayo. Baka magamit mo lang upang saktan ang mortal na iyon," madiin nitong sabi. Sa aming mundo, ang mga dugong maharlika ng bawat kaharian ay may iba't-ibang kapangyarihan na wala sa mga ordinaryong nilalang na naninirahan na kasabay namin. Hindi na mahirap hulahan na ang kapangyarihan ng hangin ang tangan na kapangyarihan ni Tiyo. May kakayahan kaming magpahiram ng limitadong kapangyarihan sa iba naming kadugong maharlika sa pamamagitan ng pagbasbas sa kanilang mga alahas sa katawan. Agad akong napangiwi dahil hindi nagkakamali si Tiyo dahil nagamit ko na ang kaniyang kapangyarihan nang makipagtalo sa akin ang nilalang na humantong sa pagtilapon ng kaniyang katawan sa konkretong pader ng piitan.
"Sumama ka sakin sa hardin Vreihya!" agad akong napatingin sa perpektong mukha ni Tiyo. Agad niya akong binigyan ng isang matamis na ngiti. Ang kaninang tensyon na namamagitan sa amin dahil sa aking ginawang kahangalan ay napalitan nang mas magaan na atmospera. Alam na alam ni Tiyo na ang hardin ang pinakapaborito kong lugar sa malawak naming palasyo.
Kapwa namin ginamit ang aming bilis upang makapunta sa hardin. Nang makarating na kami ay agad akong sinalubong ng malumanay na simoy ng hangin. Walang ibang pumapasok sa isip ko kundi kapayaan sa tuwing nakikita ko ang mga namumutiktik na bulaklak sa aming hardin. Sobrang lawak nito dahil ang espasyong ito ay para lamang talaga sa akin.
Pinuno ko ang aming hardin ng mga iba't-ibang uri ng bulaklak at mga punong sa mundo lamang na ito matatagpuan. Ang bawat puno at mga halaman ay may sari-sariling kahulugan na para sa akin ay napakasarap ibahagi sa tuwing may dumadalaw na panauhin sa aming palasyo.
"Ano pa ang hinihintay mo Vreihya?" malumanay na tanong ni Tiyo. Hindi na ako nag-atubili pa at magiliw akong lumandag, pagkalapat na pagkalapat ng aking mga paa sa berdeng damo ay agad na nagsitubo ang mga maliliit na mga kulay rosas na bulaklak. Agad kong kinumpas ang aking kamay pataas kasabay nito ay ang paglabas ng malalaking berdeng ugat mula sa ilalim ng lupa at agad akong umikot nang buong giliw at pinagsalikop ang aking mga palad habang ang aking magkabilang kamay ay nakaangat. Agad na sumunod sa aking galaw ang malalaking berdeng ugat at nagkumpol ito nang magkasalubong sila sa kagitnaan ng ere. Pumalibot naman ang iba hanggang sa makabuo ito ng tila isang simboryo kung saan asa loob kami ni Tiyo.
Tila naging isang kweba na gawa sa mga ugat ng halaman ang aming kinatatayuan. Muli kong ikinumpas ang aking mga kamay at umusbong ang isang pabilog na maliit na lamesa kasabay ang dalawang upuan sa magkabilang gilid na balot na balot ng iba't ibang kulay ay estilo ng mga bulaklak at dahon.
Nagsimulang dumayo ang iba't ibang uri ng paro-paro at insekto sa loob ng aking simboryo at hindi nagtagal ay naglabas sila ng liwanag na siyang pumaram sa dilim ng aking simboryo. Umupo nang mahinahon sa Tiyo sa upuan na pinakamalapit sa kanya. Agad na din akong umupo sa bakanteng upuan tsaka ko narinig ang seryosong pagtikhim ni Tiyo.
Agad ko ng inihanda ang aking sarili sa kung ano mang pagtutuwid ang maaaring manggaling sa aking Tiyo na wala pa ding kupas ang kakisigan. Hindi na mahirap isipin na maraming kababaihan ang pumipila sa kaniya.
"Vreihya, mamaya sa pagpupulong ay dapat mong tandaan na hindi nila dapat malaman na isang tao ang pinapares sa iyo," mahinahon ngunit may diin ang tinuran ni Tiyo. Ang pamilya Zecillion ang pinakamalakas na pamilyang maharlika sa mundong ito. Madali nang maiisip na kung kami ang pinakamalakas at ang nangunguna ay marami kaming mga kaaway na naghihintay ng pagkakataon na umatake.
"Sa pagkakaton na mabatid nila na isang tao ang kapareha mo ay tiyak na madugo ang mangyayari Vreihya. Isipin mo na lamang ang nangyari kanina, sa pagkakataon na malagutan siya ng hininga ay kasabay ka niyang mawawala," kalmado ngunit seryoso nitong turan.
Hindi ko maiwasan na makaramdam ng takot sa tinuran ni Tiyo. Malamang na gagawin ng aming mga kaaway ang lahat upang mapasakamay o hindi kaya ay mapaslang ang taong iyon.
Higit na kailangan ng pag-iingat dahil batid ng aming pamilya na may mga kaaway ding kaming nagbabalat kayo na aming mga kaalyado. Ngunit hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Tiyo dahil tila naging pabigat pa sa akin ang mortal na iyon, kailangan namin siyang itago at ingatan upang hindi siya mapahamak at lalong higit ay ako.
"Ang suliranin natin sa ngayon Vreihya ay kung makikiisa sa atin ang mortal dahil sa ginawa mo. Paano kung isuko na niya mismo ang kaniyang sarili dahil nakikita ko na mas pipiliin niya pang mamatay kaysa ang makipag-isang dibdib sayo," may pagbabantang saad ni Tiyo sa akin habang iniangat niya ang kaniyang daliri upang dumapo ang isang uri ng paro-paro dito.
Agad akong napatingin kay Tiyo. Agad na binalot ng takot ang aking buong katawan. Entrante! agad kong nausal. Ito ay isang uri ng balbal na salita na siya naming ginagamit sa tuwing kami ay nagagalit o may matinding emosyon. Agad na nalanta ang mga halamang asa paligid namin. Ang kaninang kulay berdeng mga ugat na bumabalot sa aming simboryo ay agad na nalanta.
Hindi ito maari! Paano nga kung sa tindi ng aming mga pagtatalo ay maisipan niya itong gawin. Unti-unti kong nararamdaman ang pagliwanag ulit ng aming paligid. Tuloy-tuloy na nalanta ang aking simboryo at mga bulaklak sa loob nito bago ito tuluyang naging abo at tinangay ng hangin. Ngunit ang aming kinauupuan at ang mesa ay nalanta man ngunit matibay na sinusuportahan ang aming timbang.
"Paano at ano ang gagawin ko Tiyo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya na tila pinagtakluban ako ng kalangitan. Hindi ito malabong mangyari. Vreihya! Wala kang isip! Malamang sa malamang matapos mo siyang muntik na mapatay ay paniguradong iyon ang gagawin niya.
"Hindi niya dapat malaman na kung mamamatay siya ay kasama niya akong mahihimlay!" iyon na lamang ang naibulalas ko sa aking Tiyuhin pero sa kabila ng kaba sa aking dibdib ay prente lamang siyang nakaupo sa kaniyang kinauupuan.
"Paano kung sarili na lamang niya ang kaniyang kitlin dahil sa matinding pagtutol niya?" prente nitong sabi. Napataas ang kilay ko. Nag-aalala ka ba talaga sa akin Tiyo?
Muli na naman akong binuhusan ng napakalamig na tubig. Ngayon lamang ako nagkaroon ng takot na ganito. Isa akong matapang at matatag na babae pero nagkaroon ako ng isang kinatatakutan. Ano bang meron sa magulong mundo na ito? Dahil ba sa isa akong malakas na nilalang ay binigyan ako ng tadhana ng aking magiging kahinaan?
Sa aking matinding pag-iisip ay agad akong napapitlag nang masugatan ang braso ko na nakapatong sa bilog na mesa. Agad na dumaloy ang masaganang dugo mula dito. Sa tindi pala ng nararamdaman ko na emosyon ay umusbong ang mga matatalim na tinik sa mesang gawa sa ugat ng halaman. Iniangat ko ang aking braso kasabay nito ang pagtulo ng sariwang dugo sa mesa. Pagkalapat na pagkalapat ng dugo ay agad naging berde ang pinatakan nito at may umusbong na isang bulaklak na may kakaibang kulay at pabilog na disenyo. Saglitan na napukaw ang aking atensyon ngunit biglang bumalik ang aking suliranin nang bigla kong maamoy ang samyo ng mortal.
Teka! Sandali! Naaamoy ko ang mortal!
Naamoy ko siya! Ibig sabihin!
Agad akong napatayo sa aking kinauupuan kasabay na nito ang pagiging abo ng aking silya. Kung naaamoy ko siya ay tiyak maaamoy din siya ng mga panauhin mamaya. Tiyak na magkakagulo ang lahat at maagang malalaman ang lihim ko! Agad ding napatayo sa kaniyang kinauupuan at tila sinasamyo rin ang amoy ng Mortal. Agad kaming nagtinginan na parang pareho kami ng iniisip. Hindi maaari ito!
"Tiyak na magkakagulo!" saad ni Tiyo.
"Kung sa ating mga alipin sa palasyo ay kaya kong kontrolin ang samyo niya sa hangin upang maikubili natin siya, ang mga panauhin mamaya ay tiyak na malalaman na may mortal sa ating palasyo!" madiin niyang usal.
Ang mga pamilyar na kaba na kanina ko pa naramdaman ay mas lalong dumagundong. Paano namin maitatago ang kaniyang amoy?
Hindi na kami nagtagal pa na Tiyo sa hardin at binagtas na namin ang pasilyo na papunta sa silid kung nasaan natutulog ang Mortal.Kailangan na namin magmadali dahil ilang oras na lamang ay nandito na ang aming mga panauhin. Siguradong hindi namin sila mapipigilan na pagpyestahan ang katawan ng Mortal. Kung masasawi siya ay paniguradong mawawala din ako sa mundong ito. Hindi ako makakapayag! Hindi ko pwedeng iwanan si Ina at ang kaharian na ito! Paniguradong sasamantalahin ng ibang kaharian ang mangyayaring iyon!"Mauna ka na Vreihya! Tatawagin ko ang Mahal na Reyna!" mabilis na turan ni Tiyo. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay naglaho na si Tiyo sa hangin. Agad kong binuksan ang pinto ng kaniyang silid. Agad na nasinagan ng buwan ang kaniyang nakalagak na katawan sa isang malaking higaan.Pinalakpak ko nang dalawang beses ang aking mga kamay at unti-unting umilaw ang mga halaman na nasa loob ng silid. Ang mga ito ang nagsilbing liwanag upang mabawasan ang panglaw ng paligid.Hindi k
"Sino ang iyong magiging kapareha?" kakaupo ko pa lamang sa aking trono sa tabi ni Ina ay hindi na kaagad nakapaghintay na magtanong ang pinuno ng kaharian ng Berbantes. Agad na napataas ang kilay ko. Masyado naman ata silang sabik na sabik."Haring Ozyrus, hindi ka muna ba mauupo?" kalmadong saad ni Ina dahil kakapasok pa lamang nito sa malaking pintuan ay iyon na kaagad ang bungad niya.Nagkatinginan kami ni Tiyo nang mapansin namin na tila gumana ang aming remedyo para sa samyo ng Mortal. Tila wala namang napapansin ang mga panauhing mga hari at reyna ng iba't-ibang kaharian sa mundong ito. Ang kaba ko kanina ay napalitan na ngayon ng pagiging kampante. Ngunit hindi ito ang dapat namin gawin palagi dahil paano na lamang kung muli akong dalawin ng aking karamdaman at nakatago siya sa ilalim ng lupa o hindi naman kaya ay may malay siya at sapilitan namin siyang ibinalik doon ay tiyak na mapopoot siya.Kailangan ko ng iwasan na pasamain ang kaniyang kalooban hanggang maaari baka kung
"Don't make it hard for me human!" iritable kong sabi sa kanya. Mas mabuti pa ata na hindi ko na siya kinuha mula sa ilalim ng lupa dahil mas maayos pa yata kapag nahihimbing na lamang siya. He didn't listen and continued to struggle in the bed. Magkabilang kamay niya ngayon ang nakatali sa magkabilang sulok ng kama. Habang ang mga paa niya ay malaya niyang iginagalaw."You almost killed me! Sino ka para utusan ako huh? Reveal yourself! Magsuntukan na lang tayo!" matapang nitong saad. Hindi niya ako gaanong matanaw nang maayos dahil sa may kadiliman ang aming silid."Can you just please calm down! You are overacting!" nagmamakaawa kong sabi sa kaniya na may halong pagkairita dahil nagsasawa na talaga ako na kausapin siya."Overeacting? Muntik mo na akong patayin!" muli nitong pagpapaalala sa akin at mabuti na lamang na tanging ako at siya lang ang nasa kagubatan na ito dahil kanina pa lumisan si Tiyo upang maglakbay pabalik sa palasyo. Kung may ibang makakarinig ay baka isipin na may
Kapwa kami hindi makagalaw sa aming mga pwesto dahil sa pareho naming nasaksihan. Tila pareho kaming naghahanap ng kasagutan sa aming paninitig sa isa't-isa. Sa papaanong paraan siya nagkaroon ng pangil?Agad kong nakita ang kagustuhan niya na hawakan ang kaniyang bibig dahil ipiniglas niya ang kaniyang kaliwang kamay. Agad kong inalis sa pagkakaharang sa aking dibdib ang aking kanang kamay ay kinumpas ito. Kapwa natanggal ang mga sanga na nagtatali sa kanyang kamay. Mabilisan niyang sinapo ang kaniyang bibig. Pinakiramdaman niya ang kaniyang mga pangil. Hindi nakatakas sakin ang kaniyang panginginig dala ng takot.Agad niyang inilayo ang kaniyang daliri na nasugutan ng kaniyang pangil. Nanlalaki ang kaniyang mga mata na tinitigan ang kaniyang daliri at lalo itong nanginig. Agad siyang nagtapon nang masamang titig sa akin. Ramdam ko ang galit niya sa akin."WHAT HAVE YOU DONE TO ME!" umalingawngaw ang kaniyang malakas na sigaw sa silid. Ramdam ko ang matinding galit at pagkasuklam niy
Sa patuloy kong nararamdaman na pagsipsip at panggigigil niya sa akin ay patuloy din akong nakakaramdam ng pagkabaliw. Oh Dyosa ng Buwan! Gusto ko pa ng higit pa! Gusto ko pang mas lalong magliyab!"Hmmm...Mino", bulong ko sa kaniya na tila ba labis kong nagugustuhan ang kaniyang ginagawa. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at marahas kong hinawakan ang kaniyang buhok na tila gusto ko na mas diinan pa niya ang kaniyang pagkakakagat sa akin. I am on fire! I bit my lips dahil hindi ko na mapigilan ang ingay na gusto kong mausal sa aking mga labi.The fire fueled when he reached for my exposed breast. Damn! Ganito pala ang pakiramdam na mahawakan ito nang maiiinit na palad. Napaigtad na ako nang tuluyan dahil sa mababaliw na talaga ako sa kaniyang ginagawa sa akin. Walang kahit anong sakit na nanggagaling sa kaniyang kagat. All I can feel is pleasure! Hindi na biro ang aking nararamdaman na init. I feel that smoke will come out of my body any time now. Anong ginagawa mo sa akin?
"Vreihya! Ano ang nangyari? Bakit may dugo ang iyong kasuotan!", malakas na sigaw ng aking ina nang bigla na lamang akong sumulpot pabalik sa aking silid sa palasyo. Mabilisan akong sinalo ni Tiyo dahil matutumba na ako mula sa aking pagkakatayo dahil sa pagkabigla at sa tama ng bagay na pinaputok sa akin ng ama ng batang lalaki."ENTRANTE! Sinaktan ka nila!", madiin na turan ni Tiyo na ramdam kong punong-puno ng galit. Naramdaman ko ang tila paglakas ng hangin sa aking silid na tanda ng masidhing galit ni Tiyo. Matindi na ang nararamdaman kong pagkawala ng aking dugo."Mga walang awa! Bakit ka nila ginanyan Vreihya!", matindi na din ang paninigaw ni Ina habang nanlalabo ang aking paningin dahil sa mga namumuong luha ngunit wala na akong lakas na sumigaw at gumalaw pa. Tila isang bato na walang kabuhay-buhay ang tangan ni Tiyo."Tawagin mo si Macara, tila yata gawa sa pilak ang ginamit nila kay Vreihya!", mabilis na singhal ni Tiyo habang nararamdaman ko na ang aking mumunting katawa
"I never wanted to be a part of this.", rinig ko ang tila pagkairita ng kaniyag boses. Ang kaninang kulay asul niyang mga mata ay bumalik sa dati at kitang-kita ko kung gaano kapait ang kaniyang paninitig. Itinigil niya ang kaniyang pagkain na para bang nawalan na siya ng gana dahil sa aming usapan. Hindi din nakaligtas sa aking paningin ang pagkuyom ng kaniyang kaliwang kamao."I...I don't know what to say.", bakas ang tila pagkatalo sa aking boses at nag-iwas na lamang ako ng tingin dahil hindi ko naman nalalaman ang dapat kong sabihin sa kaniya. Wala akong alam sa binabalak ng Dyosa ng buwan at kahit ako ay hindi siya naiintindihan."Don't you have any alcohol in this freaking world?", iritable nitong sabi sa akin at agad na bumaling ang tingin ko sa kaniya. Halo-halo ang nakikita kong emosyon sa kaniya ngunit namumutawi ang pagkairita. Yes! We have alcohols in this world kahit kami ay may karapatan din maglasing dahil hindi lang naman mga mortal ang may problema sa buhay."Hindi m
"Just let me use my magic and it will all be done!", masungit kong turan sa lalaking ayaw talaga paawat sa pamimingwit ng isda dito sa ilog. "No! Walang thrill!", matigas nitong sabi sa akin at patuloy siya sa paglalagay ng pamain sa kaniyang pamingwit na ginawa ko gamit ang matitigas na magkakapulot na baging. Kanina pa kami dito sa ilog at nanghuhuli ng isda dahil gusto niya raw mamingwit dahil nababagot na siya sa loob ng palasyo."Mino! Isang oras na tayong nandirito!", iritable kong sabi sa kaniya ngunit pinagtaasan niya lamang ako ng kilay. "Stop overreacting! Kakadating palang natin!", malamig na sabi nito sa akin tsaka na siya nagsimulang mamingwit. Kung ako lamang ang masusunod ay nakahuli na kami kaagad pero gusto niya na manghuli ng siya lang at hindi gumagamit ng mahika.Lumayo ako ng kakaunti sa kaniyang pwesto habang prente na siyang umupo sa isang malaking bato at handa ng maghintay ng mahuhuling isda. Habang ginagawa niya iyon ay nabaling naman ang aking pansin sa isan
Mino's P.O.VThey said that you should never trust an enemy but you should be more wary with mysterious people lurking around you as you don't have any idea how they can inflict fatal harm to you."Kypper, makinig ka kay papa," I started as Kypper begun to look up to me na habang nanatili ang ngiti sa kaniyang labi habang yakap-yakap pa din niya ang aking bewang. Damn these shuckles! I badly want to hug him tightly."Gusto kong layuan mo ang haring iyon," I warned the precious kid in front of me ngunit tinaasan niya lamang ako ng kilay. Hindi ko maiwasan na mapangisi pabalik lalo na at naalala ko na naman ang mataray na prinsesa."Hindi ko po kayo maintindihan papa, bakit nais ninyong layuan ko siya?" may pagtatampo sa kaniyang boses sabay kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin.A part of me wanted to tell him to avoid looking at my bloody clothes mula sa tumapon na gamot na pinilit na ipainom sa akin kanina. But I remembered that he is a wolf that I guess... used to seeing blood.
Third Person's P.O.V"FUCK!" Mino grumbled harshly as he made a huge hole with his fist in the castle's bricked wall. Mabilis na yumanig ang buong kaharian habang nagwawala siya sa ilalim nito.King Zakarias looked at him coldly habang kita-kitang niya kung paano lumalabas sa katawan ni Mino ang nakakasilaw na mga kuryente. Some parts of Mino's royal clothing had been ripped due to the physical force he is exerting after he lost Vreihya.His sharp fangs violently emerge as he frustratingly pull his hair harshly. The air seemed to be too thick for him to breath and his hands trembled intensely.Mino's claws were digging into his palm as he clenched them so tightly while breathing so heavily. His eyes were thinning out as his wrath wanted to escape his body."This is your fucking fault! Kung hindi ka lang sana duwag para ipaglaban 'yang nararamdaman mo!" mabilis at madiin niyang sigaw sa hari at mabilis niya itong dinuro. The king clenched his jaw habang tumalas ang kaniyang paningin sa
Third Person's P.O.V"I've been waiting here for you," Vreihya stated sarcastically as she looked at her reflection in the cold crystal water where her flawless feet are submerged. She felt the familiar presence na naramdaman niya kanina bago siya mawalan ng malay at batid niyang hindi na siya konektado kay Mino and this is making her furious."Wala ka na lang talagang papel sa buhay ko kundi ang manggulo!" madiin niyang saad sabay tapon ng isang walang emosyong titig sa babaeng batid niyang dahilan kung bakit nalalaman ni Zakarias na kasama siya ni Mino sa kaniyang diwa."You helped him to see through me as you are the only one who can connect to consciousness you sneaky little bitch!" she said bitterly habang pinipigilan ang sarili na tuluyang magwala. "Aww! I miss you too," nakangiting saad ni Circa habang pinagmamasdan ang prinsesa nakatapak sa mababaw na tubig. Maging ang kaniyang mga paa ay nakababad din ngunit nagsisimulang magliwanag ang tubig na unti-unting kumakalat."Ginis
Third Person’s P.O.V Vreihya can’t do anything but call out Mino’s name several times habang patuloy na walang malay si Mino. The fatal bleeding wounds he has on his body is making Vreihya scared to death. Mas lalo pa siyang natatakot dahil sa nilalang na siyang may tangan sa walang malay na katawan ni Mino. She can’t do anything with her powers as her vessel is fighting for his dear life right now. Wala siyang ibang masisi kundi si Circa, her uncle can’t do such heinous act kung hindi ito nakakita o nakaranas ng kalunos-lunos na bagay. All she can point out is that it is Circa’s doing and her power of illusion, she has something to do with her kingdom’s downfall and why her uncle became a soulless being without mercy to slaughter. Punong-puno ngayon ng galit at pag-aalala ang prinsesa habang iniisip niya din ang kalagayan ni Kypper, ng kaniyang tiyuhin at ni Mino. Ilang usal ng pasasalamat ang kaniyang paulit-ulit na nababanggit habang nararamdaman pa niya ang pagtibok ng puso ni
Third Person's P.O.VMino can't help but to hiss in pain when another sets of thin blades managed to cut his skin thinly. Ilang bahagi na ng kaniyang katawan ang nagdurugo dahil sa matatalim at maliliit na hangin ang tumatama sa kaniya.Both him and Vreihya is happy to see him alive but part of them is scared to death when they saw him in that state. Muling tumakbo nang matulin si Mino papasok sa kagubatan na may dambuhalang mga puno. Rinig na rinig niya kung paano mabilis na naglilipat-lipat sa malalaking puno ang nilalang na kanina pa siya hinahabol.The man's sharp claws can be heard loudly in the vast forest as it pierced deeply through the trunk of the gigantic trees. "Damn it Vreihya! Can't we do something to stop him?" hinihingal na pahayag ni Mino habang mabilis na siyang tumatakbo.Ramdam niya ang tila pagbigat ng hangin sa paligid at nakadaragdag ito sa nagpapahirap sa kaniya upang makalayo. "Mino! He took the pledge! Uncle took the pledge!" kinakabahang sigaw ni Vreihya hab
Mino's P.O.VI have been staring at the wall of this old inn where I slept for the night, despite the lingering questions and puzzle on my head, it seems not enough as I stare at the smeared color red for a while now as crimson was scattered on it to picture some sort of a map."What do you think is this?" I asked Vreihya na wala na muli sa aking tabi. The mirror where she came from is now gone as that kind of power is limited. Mabagal kong ipinilig ang ulo ko pakanan upang mas maunawaan kung ano ang nakapinta sa malaking pader.I don't mind if someone entered here last night just to paint this thing on the wall. Hanggang hindi niya tinatangka na umatake ay hindi ako magpapaapekto na may pumasok dito habang mahimbing ang tulog ko.The red paint kind of imitating a vast forest as I can imagine that those tall lines and scattered paints on top are trees, lots and lots of trees, I can also see boarders of different kingdoms dahil sa nakakakita ako ng mga guhit na tila humahati sa mapa."
Third Person’s P.O.V“So, correct me if I’m wrong,” the princess begun as she looked up at Mino and the latter looked down at her. “When you told me that this is going to be a wild night, you literally mean that we’re going to spend the night in the wild?” she added.Mino chuckled lightly and that’s the princess cue to rise her brow. He tightened his embrace from her behind and placed his chin on her shoulder, being able to smell her fragrant floral scent makes Mino feel ecstatic than a party drug can ever make him, not that he’s using that or anything.Both of their skins are shimmering as the light of the moon embrace them while they are on top of a gigantic tree with a flat and spacious top. The cold night breeze greets the both of them as the vast forest on the horizon is filling their glowing eyes.“You’re having trouble, right?” she asked at mabilis na kumunot ang noo ni Mino dahil sa pagtataka. “I knew how you seek solitude at the night sky whenever your mind is in chaos,” she
Third Person's P.O.VBoth Mino and Vreihya was stunned after hearing those words. They can't understand why does Circa hold the prophecy now when in the first place Vreihya didn't gave it to her. Mas lalo silang nabigla dahil bakit kakampi ito ng haring Zakarias na kanilang tinutukoy. They can't help but to think that this is Circa's scheme all along, she wanted to make others believe that she is the woman in the prophecy now.Tila agad na nakaramdam ng galit na muli si Vreihya. Dapat talaga ay hindi siya nagtiwala sa diwata. She wanted to curse and break her neck right now, all this time ay ito pala ang plano niya kaya muli niyang ginising si Silvia.Vreihya believed that Circa is the one behind the accusations that were made about Mino. She will definitely make the deity pay. Ilang sandali pa ay agad na napakunot ang noo ni Mino nang maramdaman niya ang papalapit na presensya sa loob ng silid.Akma na sana siyang magsasalita ngunit nabigla siya nang biglang dumukot ng punyal ang
Vreihya's P.O.VSo this is what a broken heart feels like... it sucks! Ang sarap maging bata ulit... ang tanging nagpapaiyak lamang sa akin noon ay sa tuwing iiwan ako ni ina upang sumama sa pagpupulong.Hindi ako ang tipo ng bata na iiyak kapag madadapa o hindi naman kaya ay hindi nakukuha ang gusto pero nang araw na naramdaman ko na kailangan kong iwanan ang kaisa-isang kaibigan ko para sa lalaking hindi ko pa man kilala ay nadurog nang husto ang puso ko.But now?I saw love on his eyes with the way he looked at her, the way he talk and the way they lips crushed to each other. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko kung paano may pag-ibig sa bawat kilos ni Mino para sa babaeng iyon.He was never my original mate and we both know that pero mas masakit para sa akin na nagawa niyang umibig nang lubusan sa iba habang ako ay maaga kong pinigilan upang hindi na lumalim.Awang-awa na ako sa sarili ko, I don't have a kingdom to rule, I don't have my people anymore, and the two vampires that ga