Nasa bar kami ngayon habang nag iinuman dahil birthday ng isa sa mga kaibigan ni Kendall. Sa totoo lang, nagdadalawang isip talaga akong pumunta kanina kasi una sa lahat, hindi ko naman sila mga kaibigan. Ni hindi ko nga sila gano'n ka kilala. Pero wala naman akong choice kasi ako na ngayon si Kendall at kailangan kong gampanan ang role ko rito bilang Kendall. Dahil kung hindi, baka magalit sakin ang Lolo niya kapag na bisto ako. At isa pa, nakakahiya naman kung mabisto agad ako na hindi ako ang totoong Kendall, ang mahal pa naman ng ibinayad sakin ng Lolo niya at dinala pa nila ang Lola ko sa isang magandang ospital. Kaya wala akong choice kundi ang makisabay sa mga kaibigan ni Kendall ngayon.
At kilala ko na sila ngayon sa mga pangalan nila dahil inistalk ko 'yong mga F******k account nila. Alam ko na kung sino si Katelyn, Jessica at Iris sa kanilang tatlo. Pero kilala ko lang sila physically at hindi sa mismong ugali. Malay ko ba kung anong klaseng ugali ang meron sila at kung ano ang mga hilig nila. Kung meron mang mas may nakakakilala sa kanila, si Kendall lang 'yon.At hindi ko na problema 'to sa ngayon at ang kailangan ko lang gawin ay ang makisabay sa kanila kahit papano.Habang masayang nag iinuman ay pinipigilan ko ang sarili ko na maparami ng inom dahil baka mahirapan akong umuwi mamaya.Hindi ako umiinom pero binibigyan nila ako ng drinks. Wala naman akong dahilan para tumanggi dahil naisip ko na baka umiinom si Kendall at ako lang talaga itong hindi umiinom. At kapag tumanggi ako sa inuming inaalok nila sakin ay baka mapaghalataan nila ako.Kaya ayon, sumunod na lang ako sa agos.Hinihintay ko ring dumating ang iba pang bisita ni Jessica lalong lalo na ang ex kong halimaw.Oo, pupunta siya rito dahil invited rin siya.Nag suot ako ng pulang bistida na hiniram ko pa mismo kay Kendall. Nag ayos din ako at nag lagay ng makapal na make up at lipstick para naman mapansin ako mamaya ni Cedrick. Well, wala na akong feelings sa lalakeng 'yon. Pero galit? meron pa.Hindi basta basta mawawala itong galit na nararamdaman ko sa kanya. Minahal ko siya pero niloko lang niya ako. Hindi ko matanggap 'yon kaya ako naghihiganti. Though, hindi naman ako sigurado sa mga paghihiganting gagawin. Basta ang alam ko lang, maghihiganti ako sa paraang alam ko. Kahit ano pa 'yan, basta makapaghiganti lang ako para mabawasan man lang itong sakit, galit, at inis na nararamdaman ko.May mga lalakeng nag o-offer ng drinks sakin pero tumatanggi ako. Hindi naman kasi ako interesado sa drinks nila at lalong lalo na sa nag o-offer. Though, alam ko namang may mga itsura sila pero hindi na ako interesado sa mga mayayamang gwapo na hindi naman maganda ang ugali. Parang ex ko lang din. Sarap i untog sa pader.Habang hinihintay ko si Cedrick ay tamang kinig lang ako sa kuwentuhan ng mga kaibigan ko—ay mali, ni Kendall pala.Nakakainggit nga sila kasi ang saya saya nila habang nag ku-kwentuhan at nag iinuman. At sa totoo lang, wala akong may naiintindihan sa mga pinag uusapan nila. Hindi naman ibang language ang gamit nilang salita pero wala akong may na gets sa topic nila ngayon. Siguro ganito talaga kapag hindi mo sila ka level. May mga bagay talaga na sila lang ang nakakagets tapos ikaw hindi.Napatingin ako sa wine glass na hawak ko at bigla akong na lungkot pagkatapos. Naisip ko kasi, ngayon lang ako naka inom ng wine at ngayon ko lang naranasang pumunta sa party buong buhay ko.I'd never done this before at ngayon pa lang mismo. Siguro kung hindi ako nabigyan ng chance na magpanggap bilang si Kendall, baka nga hindi ko na mararanasan 'to hanggang sa mamatay ako.At ngayong nandito ako, masaya ako dahil na e-experience ko ang mga ganitong bagay kahit na hindi naman talaga ako ang dapat na nasa ganitong lugar.May mga narinig akong boses ng mga kakarating lang kaya napatingin ako sa entrance at do'n ko nakita sina Cedrick at ang girlfriend niya kasama ang iba pa.Napa inom ako ng kunti sa wine ko at napa ngisi no'ng makita ko sila.Finally.Nandito na rin ang kanina ko pa hinihintay. Sabik na sabik na akong maghigante at ayoko nang patagalin pa 'to.Habang busy sila sa pag bati kay Jessica ay pasimple akong tumayo sa kinauupuan ko at pumunta sa isang bakanteng table at inabangan do'n si Cedrick.Plano ko kasing solohin siya ngayon. 'Yon ay... Kung magtatagumpay ako.Binabantayan ko ang bawat kilos niya kasama ang girlfriend niyang nakadikit sa kanya na parang linta.Naks! Maka dikit akala mo naman may magnet silang dalawa.Naka suot siya ng kulay itim na bistida na sobrang ikli at halos kita na 'yong ano niya. Yuck! Damit pa ba 'yan? At kung damit nga 'yan, ano 'yan? kinulang sa tela? Ewwss.May lumapit na babae sa girlfriend niya at mukhang kaibigan yata niya o kakilala tapos ngayon lang ulit sila nagkita. Parang gano'n. Nag usap sila saglit kaya nag focus ako kay Cedrick.Matapos niyang batiin si Jessica ay naghanap siya ng table tsaka do'n umupo. Saktong may kausap na babae ang girlfriend niya kaya tumayo na ako at hindi nagdalawang isip na lapitan siya. Hawak hawak ko ang baso ko na may lamang wine. Hindi pa ako gano'n ka lasing no'n pero medyo nahihilo na ako.First time kong makatikim ng wine sa tanang buhay ko at hindi ko akalain na ganito pala ang lasa. Hindi naman masarap pero kung titingnan mo, mukhang masarap base sa itsura nito.I raised my chine while walking hanggang sa tumigil na ako sa harap niya. Napa angat naman siya ng tingin at deretchong tumama 'yon sakin at nagtatakang tinitigan ako. Pero isa lang ang iginanti ko sa mga tingin niyang 'yon.Walang iba kundi ang isang napakalawak na ngiti."Hi." bati ko sa kanya.Nakita ko sa itsura niya na para bang nagulat siya dahil kinausap ko siya. Siguro kasi never pa silang nagkausap ng totoong Kendall.As far as i know, may gusto si Kendall sa kanya pero secret lang naman 'yon at wala siyang ka alam alam. And I guess, ayaw rin naman ni Kendall ipa-alam 'yon sa kanya.Pero sa ngayon, kakausapin ko siya. Bahala na kung magalit sakin ang totoong Kendall dahil kinausap ko ang crush niya just in case na ayaw naman talaga ni Kendall na kausapin si Cedrick. Kukunin ko 'to bilang opportunity na makaganti. Dahil bukod sa pera, isa sa mga dahilan kung bakit ako pumayag na magpanggap bilang siya ay dahil para makaganti sa kanilang dalawa ng girlfriend niya."Pwede ba akong maki upo?" tanong ko sa kanya at tumango naman agad siya.Kita mo na, hindi siya 'yong tipo na tatanggi sa isang babae. Ganito siyang tao. At hindi siya loyal sa iisang Tao lang.Bwisit ka, Cedrick!"Sure!" nakangiti niyang sabi.Umiwas ako no'ng makita ko ang mga ngiti niyang 'yon.Ang cute kasi. At hindi ko hahayaang lumambot ang puso ko dahil lang sa mga ngiti niyang 'yon. Dahil ayokong masira ang plano ko.Naiinis ako ngayon sa kanya pero umupo pa rin ako sa harap niya matapos niyang um-oo.Nilapag ko ang baso ko sa table na nasa harap namin at binigyan siya ng mapang akit na tingin na para bang inaakit ko siya.Sana lang madaling bumigay ang isang 'to.Sabagay, obvious naman, e. Kung papano niya rin ako titigan ay masasabi kong kakagat siya sa gagawin ko.Gago! Uto uto ka rin pala. Kung inaakala mong papatol ako sayo, pwes, Asa ka!Pero hindi pa natatapos 'to sa titigan lang. Kung titigil ako, ibig sabihin talo ako. Kailangan kong mapa ibig sakin ang Cedrick na 'to at kapag hulog na hulog na siya sakin, iiwan ko siya sa ere. At titiyakin kong iiyak at luluhod siya sa harap ko habang nagmamakaaawang wag ko siyang iiwan.Ang kapag nangyare 'yon, makukuha ko na ang hustisyang hinihingi ko.Ito lang ang tanging paraang alam ko para gantihan siya. At sisiguraduhin kong magtatagumpay ako.May dumaang waiter na may dalang inuming alak at kumuha ako para ibigay 'yon kay Cedrick."Have some drink." sabi ko.Kinuha naman niya 'yon at agad na ininom. Sa isip ko habang pinagmamasdan siyang iniinom 'yon ay sana malasing agad siya. Bahala siya sa buhay niya. Kung pwede nga lang siyang lasunin ginawa ko na.Matapos niyang ubusin ang alak ng isang lagukan lang ay nilapag niya 'yong baso sa table at napatingin sakin.Alam kong sa mga tingin niyang 'yon ay may pagnanasa siya. Though, nandidiri ako pero kailangan kong maki ride.Tumayo ako mula sa kinauupuan ako at lumipat ng upuan kung saan sa mismong tabi niya.Sinadya kong idikit ang braso ko sa braso niya no'ng umupo ako at binigyan siya ng isang malagkit na tingin.Dahan dahan kong inangat ang kamay ko at hinawakan ang dibdib niya at inilapit ang mga labi ko sa tenga niya para bumulong."Aside from wine, do you have anything else you would like to taste?" bulong ko sa kanya.Pero hindi siya sumagot sa tanong kong 'yon.Para bang natameme lang siya no'ng itinanong ko 'yon sa kanya. Kaya hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at ako na mismo ang gumawa.Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Pinikit ko ang mga mata ko habang inilalapit ang mga labi ko sa mga labi niya. Kabado ako sa gagawin ko pero kailangan kong gawin 'to para maagaw ko siya sa babaeng 'yon. At nang maramdaman kong nagdikit na ang mga labi namin ay wala pang isang segundo ay may tumulak sakin para ilayo ako kay Cedrick.Galit ko namang nilingon ang girlfriend niya matapos akong itulak."Who are you?!" galit niyang sabi matapos akong ilayo sa boyfriend niya.Halata sa itsura niya na galit siya sakin. Malamang, nakita niyang hinalikan ko ang boyfriend niya. Sinong hindi magagalit do'n?At dapat lang 'yon sa kanya dahil may kasalanan din siya sakin. Naghihiganti lang ako sa ginawa nila.Tumayo ako at hinarap siya. Tinaasan ko siya ng kilay habang nakangisi siyang tinitingnan. Nakita ko namang nairita siya matapos kong gawin 'yon. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob na labanan sila ngayon. Pero walang dahilan para hindi ako maghiganti sa kanila. Lalo na't alam kong kaya ko na rin silang labanan dahil hindi na ako isang babaeng talunan lang."Sino ako?" mataray na sabi ko habang nakaturo sa sarili ko. "Ako lang naman ang anak ng may ari ng Teeraphosukarn Group." taas kilay kong sagot habang galit na tinititigan siya. "Ikaw," sabay turo sa kanya. "Sino ka naman?"Nakita ko namang kumunot ang noo niya matapos kong itanong sa mismong pagmumukha niya kung sino siya."Do I need to introduce myself to you?" galit na sabi niya."I guess, oo." sabi ko. "Kasi tinanong mo nga kung sino ako kahit na obvious naman na kilala mo na ako.""So gusto mo rin na magpakilala ako sayo?" inis niyang sabi."Of course!" sagot ko."Better no need to do that." tapos inilayo niya sakin ang boyfriend niya na akala mo naman aagawin ko. "Stay away from my boyfriend!" sigaw niya.That time, napatingin na samin 'yong mga bisita ni Jessica dahil sa lakas ng boses nitong si Jennie.Oo, Jennie ang pangalan ng babaeng 'to. Nag research ako ng tungkol sa kanya para lang malaman ko at makilala ko 'tong girlfriend ng ex kong halimaw.Hindi naman ako interesado sa kanya dahil nag research ako. Ang sakin lang, since kaaway ko siya kailangan kong magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanya para alam ko kung sino ang kinakalaban ko.Napatingin ako sa kanilang dalawa.Parang gusto ko silang pag untugin ngayon dahil sa inis."Bakit, inaano ko ba 'yang boyfriend mo?" tanong ko sa kanya in a sarcastic way."At talagang nag ku-kunware ka pang hindi mo alam? E, kitang kita kong hinahalikan mo siya!" sigaw niya.Napangisi naman ako nang maramdaman ko ang galit niya habang sinasabi 'yon.'Yan tama lang 'yan. Magalit ka kasi natutuwa akong nakikitang nagagalit ka. Pakiramdam ko nagtagumpay ako.Inayos ko muna ang buhok ko bago ko siya binigyan ng mataray na tingin at sinagot."E, ano naman kung hinalikan ko siya?" saad ko at nakita ko namang napikon siya. "Halata namang gustong gusto ng boyfriend mo ang halik ko." nakangisi kong sabi."Stop it." singit ni Cedrick.Stop it mo 'yang mukha mo!Hindi ko siya pinakinggan at tanging kay Jennie lang ako nakatitig."Oh, come on! Kung hindi ginusto ng boyfriend mo 'yon, dapat siya mismo ang nagtulak sakin para hindi matuloy ang halik na 'yon." dagdag ko pa."How dare you!" sasampalin niya sana ako dahil sa inis matapos kong sabihin 'yon nang bigla siyang pigilan ni Cedrick.Natawa naman ako dahil sa itsura niya. Kawawa siya at hindi man lang nakaganti sa mga sinabi ko."Hoy, ikaw!" sabay turo sakin. "Pa salamat ka at nandito ang boyfriend ko para pigilan ako ngayon. Pero itong tandaan mo, may oras ka rin sakin."Ramdam ko ang panggigigil niya habang sinasabi sakin 'yon pero tanging ngisi lang ang naiganti ko habang sinasabi niya sakin 'yon para lalo siyang ma inis."Oh, wait—" sabi ko at natigilan naman siya. "Papano mo nasasabing boyfriend mo siya sa harap ng maraming tao? Proud ka pa talaga na isa ka sa mga girlfriends niya, ano?"Dahil sa sinabi kong 'yon ay hindi siya nakapag pigil at nasampal niya ako.Sa lakas ng sampal niya ay bigla kong naalala kung papano niya ako sampalin no'ng nakaraan.Bwisit ka! Nakakailan ka na, ha.Inalis ko ang mga buhok kong nakatakip sa mukha ko matapos niya akong sampalin at wala sa sariling kinuha ko ang wine sa isang table at hindi nagdalawang isip na binuhos 'yon sa mismong pagmumukha niya.Nagulat ang lahat sa ginawa ko pati na rin ang mga kaibigan ko.Kahit ako mismo nagulat din dahil sa ginawa ko at ngayon ko lang na realize na sinisira ko na pala ang birthday party ni Jessica. Hindi ko intensyong gawin 'to pero dito napunta ang usapan at hindi ko sinasadyang mangyare 'to. Sana mapatawad nila ako dahil sa mga ginawa ko.Pumagitna samin si Cedrick at pilit na inaawat ang girlfriend niya.Maya maya pa ay inawat na rin ako ng mga kaibigan ko. Wala naman akong nagawa kundi ang umalis do'n para magpahangin sa labas at ikalma ang sarili.Kung hindi lang birthday ng kaibigan ni Kendall baka naubos na ang pasensya ko at nasira ko na ng tuluyan ang party niya para lang gantihan ang Jennie na 'yon.Pero dibale na, marami pa namang oras at araw para gumanti ulit. Humanda sila sakin at hindi lang 'yon ang matitikman nila.Pag uwi ko ng bahay ay sinalubong agad ako ni Kuya pagpasok at pagpasok ko pa lang sa pinto at laking gulat ko nang malamang galit siya dahil pumunta ako sa party ni Jessica at hindi lang 'yon, nalaman din niya ang ginawa ko kay Jennie kanina.May mga nag video kasi at nag upload sa social media at umabot 'yon kay Kuya kaya siya galit na galit sakin ngayon.Naiintindihan ko naman kung magagalit siya kasi mali naman talaga 'yong ginawa ko.Kaya dapat lang na harapin ko siya at mag sorry kahit na alam kong papagalitan niya ako."Ano ba ang nangyayare sayo?! Bakit ka pumunta sa party, ha?!" galit na sabi niya.Hindi ko alam na ganito pala magalit ang ganitong klase ng tao. Mukha siyang mabait pero nakakatakot kung magalit. Hindi ko alam kung papano mag explain sa kanya pero wala akong choice dahil wala rito si Lolo para pagtakpan ako ngayon.Kaya bahala na.Naglabas muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago nagsalita."I'm sorry, Kuya." mahinang sambit ko pero mas lalo pa siyang nagalit."Hindi ka naman ganyan, ah!" sigaw niya. "Hindi naman ikaw 'yong tipo na pumupunta sa mga gano'ng klase ng party!"Natahimik ako bigla.Hindi gano'n si Kendall?Naks! Hindi ko alam na hindi pala siya 'yong tipo ng tao na pumupunta sa mga gano'ng party.Kasalanan ko 'to. Hindi ko muna inalam kung pumupunta siya sa mga gano'ng lugar o hindi.Pero nangyare na 'to, e. Ano pang magagawa ko?Sa ngayon, kailangan kong gawan ng rason 'to para ma lusutan ko."Pero niyaya ako ng kaibigan ko. Birthday niya Kuya kaya normal lang na pumunta ako.""No! Kasi never kang pumunta sa mga ganyang party kahit gaano ka importanteng okasyon pa 'yan, Kendall."Napayuko ako matapos niyang sabihin 'yon.So mali pala na pumunta ako?Pero hindi naman porket hindi siya pumupunta sa mga gano'ng party hindi na siya pupunta sa mga gano'n habang buhay. Minsan nagbabago rin ang mga hilig ng tao. Sumusubok rin sila ng mga bagay na hindi pa nila na e-experience noon.Muli akong napa angat ng tingin at hinarap siya."Gusto lang namang sumubok ng bago, Kuya." sagot ko.Medyo nagsisi pa ako kasi sinabi ko 'yon. Parang sinagot ko na rin ang Kuya niya dahil sa ginawa ko.Pero bahala na."Kaya pati pakikipag eskandalo ginagawa mo na rin, Kendall?! Anong sumagi sa isip mo at ginawa mo 'yon, ha?!" sigaw pa niya.That time, parang maiiyak na ako. Kasi ito ang unang beses na may nagalit sakin dahil sa may ginawa akong mali. Never in my life na pinagalitan ako ni Lola kasi wala naman akong ginawang bagay na ikinagagalit niya."Ayoko nang maulit pa 'to. Understood?" dagdag pa niya at mabilis naman akong tumango bago siya umalis sa harap ko.Pinunasan ko ang luha ko at tsaka ako umakyat sa taas para maligo at magpalit ng damit.Pagkatapos no'n, hindi na ako lumabas ng kuwarto ko dahil ayoko nang makita pa 'yong Kuya niya. ***Kinabukasan, pagkatapos ng klase ko ay nakipagkita ako kay Mira. sinabi ko sa kanya lahat ng tungkol sa paghalik ko kay Cedrick at kung papano nagalit si Jennie pati na rin kung papano ako sinigawan ni Kuya Flynn kagabi. Lahat ng 'yon kuwinento ko sa kanya in detailed. Sobrang nagulat si Mira dahil do'n at ang dami naming napag usapan no'n kaya ginabi na ako sa pag uwi.Ang malas ko lang dahil nakaabang na naman sakin si Kuya pag pasok ko pa lang ng bahay.Grabe! Daig pa niya 'yong mga bodyguards nila rito, ah. Kung maka bantay siya sakin, e..."Sa'n ka na naman galing?" tanong niya nang may malamig na boses."Kasama ko lang mga kaibigan ko." kabadong sagot ko."Tinanong kita sa kanila kanina pero ang sabi nila hindi nila alam kung nasaan ka."Bigla akong kinabahan matapos niyang sabihin 'yon.Naks naman! Bakit ba kasi bantay sarado ako sa Kuya niya? Kung alam ko lang na ganito sana hindi na ako pumayag na maging Kendall.Lumapit siya sakin kaya umatras ako ng kunti."'Yong totoo, may tinatago ka ba, Kendall?"Lalong kumabog ng mabilis ang puso ko dahil sa tanong niyang 'yon at nagpapanic na ako sa hindi malamang dahilan. Baka kasi any moment mapa amin ako ng wala sa oras na hindi talaga ako ang pinakamamahal niyang kapatid at ako lang 'to si Paula. Si Paula na napagkakamalang pulubi minsan.Hays.Habang papalapit siya sakin ay lalo akong napapa atras. Kinakabahan ako sa Kuya niya dahil kung magalit ay akala mo naman kung sinong nangangagat. Daig pa 'yong asong galit."W-wala." kabadong sagot ko.Napatigil ako sa pag atras no'ng mapasandal ako sa pader ng bahay nila."So saan ka galing?" tanong pa niya.Napatingin ako sa napaka seryosong mukha niya at agad umiwas no'ng sinagot ko siya."Sa kaibigan ko." sagot ko. "Hindi mo siya kilala kasi bagong kaibigan ko siya." dagdag ko pa.Natahimik naman siya matapos kong sabihin 'yon at do'n ko na inisip na baka naniwala siya sa sinabi ko."Sorry kung gabi na ako nakauwi.""Next time, pag aaral mo ang atupagin mo at hindi puro pagbabarkada." dagdag pa niya at wala naman akong nagawa kundi ang tumango.No'ng kumain kami ng dinner hindi ko na siya kinausap. Halata naman kasi sa itsura niya na galit pa siya sakin. Ang strikto niya. Buti na lang at pogi siya.Pagkatapos naming kumain ay umupo ako sa couch at nanood ng TV. Umupo rin siya ro'n habang nakatutok sa laptop niya. Maya maya pa ay pina abot niya sakin 'yong cellphone niya. Wala naman akong choice kundi ang kunin 'yon sa table at i-abot sa kanya pero inutusan niya akong buksan ko raw 'yon kaso lang may password."Teka, hindi ko alam 'yong password mo, Kuya.""Birthday ko." sagot niya.Birthday niya... Hmm. Buti na lang tanda ko 'yong birthday niya at pati na rin ng mga magulang niya. Nakasulat 'yon sa listahan kaya alam ko.Nilagay ko 'yong password at nabuksan ko 'yong cellphone niya at pagkatapos no'n ay binigay ko na sa kanya. Matapos niyang kunin ang cellphone niya sakin ay mariin naman niya akong tiningnan.Hindi ko alam kung bakit siya gano'n makatingin sakin. Tama naman 'yong password na nilagay ko at na buksan ko naman 'yong cellphone niya pero bakit ganito siya?Tumayo siya at lumapit sakin nang gano'n pa rin kung makatitig sakin. Masyadong malalim ang mga tingin niyang 'yon kaya kinabahan ako.Umupo siya sa couch sa mismong tabi ko at hinawakan ako sa magkabilang braso ko para i harap ako sa kanya."Sabihin mo nga sakin... Sino ka ba talaga?"Bigla akong kinabahan sa tanong niyang 'yon. Kasi pakiramdam ko para bang alam niya na hindi ako ang kapatid niya."K-kuya, anong—""Nitong mga nakaraan, ang weird ng mga kinikilos mo."Natigilan ako sa sinabi niya."Nagagawa mo ang mga bagay na hindi naman ginagawa ng kapatid ko."Lumakas ang pintig ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at takot na nararamdaman ko ngayon."Ang sabi ni Lolo, may amnesia ka. Pero tanda mo 'yong birthday ko."Patay!Oo nga pala. Dapat nagkunware akong hindi ko alam ang birthday niya.Lagot!Mukhang katapusan ko na yata!Napatitig ako sa mga mata niyang naghahanap ng sagot sa mga katanungan niya.Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa tanong niyang..."Sabihin mo... sino ka ba talaga?"Pagmulat ko ng mg mata ko ay agad akong napatingin sa orasan. Nakita kong alas onse na ng gabi at nakatulog ako ng halos dalawang oras.Naks!Matapos kong magpanggap na nahimatay kanina no'ng tinanong ni Kuya kung sino ako ay totoong nakatulog ako nang 'di ko inasahan. Grabe! Wala na akong maisip na idea kanina kung papano ko matakasan ang tanong niyang 'yon kaya umarte na lang ako na hinimatay. Buti na lang at natakasan ko ang tanong niyang 'yon.Bumangon ako at inayos ang sarili ko habang napapaisip kong anong ginagawa niya ngayon. Tulog na kaya siya?Hmm... Maybe yes, maybe no. Pero what if itatanong niya ulit sakin kinabukasan kung sino ako? Maaaring natakasan ko ang tanong niyang 'yon ngayon. Pero papano kung bukas o sa makalawa itanong niya ulit sakin 'yon? Ano na ang isasagot ko? Hays. Bakit pa kasi humantong ang lahat sa ganito?Ang tanga ko rin kasi. Hindi ko naman inexpect na gagawin niya 'yon para mahulaan kung may amnesia ako o wala. Ang tanga ko talaga.Nawala sa isip
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Alas otso na rin no'n at buti na lang at weekend ngayon at walang pasok. Bumangon ako at tsaka ko inayos ang sarili ko. Napatitig ako sa isang malaking salamin sa kuwarto ni Kendall at pinagmasdan ang repleksyon ko.Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang ako na 'to. Ang laki ng pinag bago ko. Dati, sobrang stress ng itsura ko. Tipong mukhang kulang sa tulog at nangingitim ang ilalim ng mata dahil kailangan kong magising ng maaga para lang pumasok sa school tapos gabi na ako natutulog dahil nag pa-part time ako para kumita ng pera para samin ni Lola. Pero ngayon, kahit late na ako magising okay lang. Hindi ko na rin kailangan problemahin ang pera dahil mga magulang na ni Kendall ang nag p-provide no'n para sakin. Ang swerte ni Kendall at hindi niya napag dadaanan ang mga pinagdaanan ko noon. Ang sarap ng buhay niya simula no'ng bata pa lang siya.Pero ayon nga kay Kuya Flynn, hindi siya 'yong tipo na nag pupunta sa mga party at t
Lumapit samin si Kuya at palipat lipat kaming tinitigan ni Mira pareho.Napatingin ako kay Mira, alam kong kabado siya ngayon pero mas kabado ako dahil hindi ko alam kung papano mag explain kay kuya kung sakaling narinig nga niya ang usapan namin ni Mira.Natatakot ako dahil baka narinig nga niya 'yon. Bakit ba kasi hindi ako nag iingat?! Dapat pala nag tago na lang kami ni Mira habang nag uusap para hindi niya kami mapuntahan dito at para hindi niya marinig ang usapan namin.Ito kasing si Kuya daig pa 'yong CCTV kung maka bantay sakin. Pero naalala ko 'yong sinabi niya no'ng nakaraan, alam kong lasing siya no'n pero hindi ko maitatangging hindi nagsisinungaling ang isang lasing na tao.Tahimik lang siya pero sa tingin ko na se-sense niyang parang ibang tao talaga ako. Nanginginig ako ngayon habang nag iisip ng pwedeng pa lusot sa kanya. Kabado ako at natataranta ngayon pero pinipilit ko pa rin ang sarili ko na mag isip ng pa lusot kahit na wala na akong maisip.Pero sa isip ko haba
Nakatitig ako ngayon sa kawalan habang nag iisip. Iniisip ko na ikakasal si Kendall at si Cedrick in the future. Siguro kung gising na si Kendall at kung narinig lang niya 'yong sinabi ng Mommy niya kanina, baka tuwang tuwa siya sa nalaman niyang ikakasal siya kay Cedrick.No'ng sinabi 'yon ng Mommy niya kanina sa lahat ng maraming tao, sobrang nagulat ako. Hindi ako makapaniwalang ikakasal ang Ex ko sa babaeng kamukha ko. Wala akong nasabi kanina kundi ang mapatulala lang sa kung saan dahil sa gulat. Kahit si Cedrick gano'n din. Tingin ko, hindi rin niya inasahang ikakasal siya kay Kendall.Pero naisip ko lang, kung ikakasal siya kay Kendall, ibig sabihin wala nang chance na magkatuluyan sila hanggang dulo ng girlfriend niyang si Jennie.Hindi ko na kailangang gumawa ng mga bagay para gumanti sa kanila at para paghiwalayin sila."Ano 'yong sinabi mo kanina no'ng ina-nounce ng Mommy ni Kendall na ikakasal ka kay Cedrick?" tanong sakin ni Mira.Napalingon naman ako sa kanya matapos ni
Kasama ko ngayon si Cedrick sa hotel room niya dahil nakipagkita ako ngayon sa kanya. Nagpunta ako sa hotel nila kasi gusto ko siyang makausap ngayon. Gusto ko lang kumpirmahin kung sila pa ba ni Jennie pagkatapos ng mga ginawa ko at kung sakaling oo man, hindi ko na alam kung ano pa ang pwede kong gawin para mapaghiwalay silang dalawa.Wala siyang ideya kung ano ang dahilan kung bakit nakikipag kita ako ngayon sa kanya. Siyempre, hindi ko naman pwedeng sabihing 'Nandito ako kasi gusto kong kumpirmahin kung kayo pa ba ni Jennie' baka kasi magtaka siya. Kaya nag isip ako ng ibang idea.Besides, gusto kong unti unting mahulog ang loob niya sakin at makalimutan si Jennie. 'Yon ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nakikipag kita sa kanya ngayon.Naka upo ako ngayon sa couch ng room niya habang siya naman nakatayo habang hawak ang cellphone niya na tila may ka text.Hmm. Siguro si Jennie ang ka text niya. Hinayaan ko lang siya hanggang sa nilapag na niya ang cellphone niya sa side table
Agad kaming lumayo ni Cedrick sa isa't isa no'ng makita namin si Jennie.Nagulat ako kasi pumunta siya rito nang hindi ko inaasahan at baka nga ma missunderstood niya 'yong nakita niya kung papano niya kami naabutan ni Cedrick.Kung naghihiganti pa ako ngayon, masasabi ko sanang successful itong pangyayareng 'to. Kaso lang hindi na ako maghihiganti pa sa kanila kaya wala na akong pakialam sa magiging reaksyon ni Jennie ngayong nakita niya kaming gano'n ni Cedrick.Inayos ko ang sarili ko at gano'n din si Cedrick pero too late na kasi nakikita ko sa mukha ni Jennie ang galit habang nakatitig samin pareho ni Cedrick."What the hell are you guys doing?!" galit niyang sabi at lumapit kay Cedrick.Nakita kong hinawakan niya si Cedrick sa braso at inilayo ito sakin tsaka ako tiningnan nang may nanlilisik na mata."Hoy, ikaw!" sabay turo sakin. "What are you doing at my boyfriend's hotel room?!" Itong babaeng 'to kung kailan napag desisyonan ko nang tigilan na ang paghihiganti tsaka naman u
Kinabukasan, late na ako nagising. Siguro kasi sobrang napagod ako kagabi sa paglalakad pa uwi rito. Ang daming nangyare kaya late na ako nagising. Bumangon ako at naghanap ako ng pwedeng kainin dito sa bahay. Pero kahit anong hanap ko, wala akong nahanap na pwedeng kainin dito. Bigla kong naalala no'ng nando'n pa ako sa bahay nina Kendall. Ang sarap ng buhay do'n. Pag gising mo babangon ka na lang tapos naka ready na ang pagkain mo at hindi mo na kailangan mamroblema. Ibang iba talaga ang buhay na meron sila sa totoong buhay na meron ako.Kinapa ko ang bulsa ko para sana maghanap ng barya pambili ng noodles na makakain ko nang bigla kong makapa 'yong cellphone ni Kendall sa bulsa ko. Hindi ko alam na nadala ko pala 'to pa uwi.Kinuha ko 'yon at tiningnan saglit. Dapat iniwan ko na 'to do'n. Hindi naman kasi akin 'to. Nilapag ko ang cellphone na 'yon sa ibabaw ng lamesa at kumuha ako ng bente pesos sa bulsa ko tsaka ako lumabas ng bahay para sana bumili sa isang malapit na sari-sari
Ano 'to? Bakit siya nandito?Hindi ko alam kung nag iilusyon lang ba ako at nakikita ko siya rito sa labas ng bahay namin ngayon o talagang nakikita ko siya ngayon dito.Pero ano namang gagawin niya rito? Napatingin ako kay Mira at kinuha ko ang dalawang kamay niya."Mira, sampalin mo nga ako." utos ko sa kanya."Ha? Ano sabi mo?" tanong sakin ni Mira. Mukhang hindi niya yata na gets ang ibig kong sabihin."Sabi ko sampalin mo'ko. Baka kasi panaginip lang 'to at—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla akong sampalin ni Mira.Ang bilis no'n, ah.Hindi 'yon gaano ka lakas at hindi rin 'yon mahina. Sakto lang dahilan para mapagtanto ko sa sarili kong hindi nga ito panaginip."Hindi ka nananaginip, okay?" sabi ni Mira. "Totoong nakikita natin siya ngayon dito sa harap ng bahay niyo."Dahil do'n, naniniwala na akong nandito nga siya at nakikita ko siya ngayon sa harap ng bahay. Pero bakit siya nandito? Ano ang pakay niya?Ay mali— hindi dapat ito ang tanong na pino-problema ko ngay
Pinuntahan ako ni Mira sa bahay para tanungin kung makakapunta ako mamaya. Sabi ko oo. Tapos itong si Mira tuwang tuwa kasi nagbago bigla ang isip ko at nag decide ako na pumunta sa engagement ceremony ni Kuya na ang akala niya e hindi na talaga ako makakapunta.Hindi ko rin alam at bigla na lang nagbago isip ko no'ng napulot ko 'yong kuwentas na 'yon. Siguro kasi sign talaga 'yon na tanggapin ko na lang ang katotohanan at maging masaya na lang ako para kay Kuya.Wala na rin naman akong magagawa. At isa pa, baka hindi lang talaga siya ang tamang tao para sakin at may taong nakalaan talaga para sakin. Maaring hindi ko pa siya na me-meet ngayon pero alam kong dadating ang araw na makikilala ko rin ang taong 'yon. "So ano pang hinihintay mo? Bumili na tayo ng maisusuot natin!" nasasabik niyang sabi at napapatalon pa sa sobrang tuwa.Do'n na ako nagtaka. Kasi mas excited pa siya kaysa sakin pero wala naman siyang invitation card."Hoy, Teka nga. Ba't mas excited kapa d'yan? Ininvite kaba
Nagliwanag ang mukha ko nang makitang nandito na siya at mas maaga pa siya kaysa sakin. Natuwa ako kasi nandito siya ngayon para kitain rin ako na ang akala ko e hindi siya pupunta. Nakaramdam ako ng tuwa at pananabik habang papalapit ako sa kanya.At nang nasa harapan na niya ako ay isang napakalawak na ngiti ang binungad ko sa kanya sabay sabing, "Salamat, kasi pumunta ka."Tumango naman siya pagkatapos at binigyan ako ng isang napaka gwapong ngiti."Oo. Nabasa ko 'yong text mo kagabi." sagot niya."Kanina ka pa ba nandito?" tanong ko pa."Hindi masyado." sagot naman niya. "Pero sinadya kong pumunta rito ng mas maaga. Kasi gusto rin kitang makausap." Napatingin ako sa baba habang pinipigilan ang mga ngiti ko. Inaamin ko, natutuwa at kinikilig ako ngayon. Sino ba naman kasi ang mag aakala na parehas naming gustong makausap ang isa't isa?Kinalma ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim sabay sabing, "Sige. Ikaw na mauna. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Makikinig ako."Tumango
Hinihintay ko si Cedrick sa may playground kung saan kami nag usap ni Jennie 2 hours ago. Dalawang oras na ang nakalipas simula no'ng matapos kaming mag usap at sakatunayan nga umuwi na siya.Pero ako, nandito pa rin. Parang nanigas lang at na blanko bigla ang isip sa mga sinabi niya sakin kanina. Ni hindi ko nga namalayan ang oras at pagabi na pala.Tinext ko ng tinext si Cedrick habang tinatanong kung nasan na siya. At ang sabi niya, malapit na raw siya. Nagsi bukas na 'yong mga ilaw ng streetlights no'n. 'Yong mga taong nandito kanina e nagsi uwian na. Napatingin ako sa kotseng pumarada sa gilid ng kalsada. At nang makitang si Cedrick na 'yon ay tumayo na ako at inayos ang sarili habang hinihintay siyang makarating sa kinaruruonan ko.Habang naglalakad siya papalapit sakin, wala akong ibang ginawa kundi ang titigan lang siya hanggang sa makaharap ko na siya.Ngumiti siya sakin. Isang ngiting napakalawak na parang walang ka proble-problema. Samantalang ako naman ay walang naging
Pinuntahan ako ni Kendall pagkatapos ng nangyare kahapon para humingi ng sorry. Hindi naman kasi niya sinasadyang mangyare 'yon sa event kahapon.Pinatawad ko naman siya dahil do'n kasi alam kong wala naman siyang kasalanan. Hindi naman kasi nila malalaman na ako si Paula kung hindi sana nag suntukan si Kuya at si Cedrick at kung hindi sana um-epal si Jennie. Naka upo kami ngayon sa may swing habang nag uusap. Dito na siya nakipagkita sakin kasi hindi naman siya magtatagal dito at sakatunayan nga, tumakas lang siya sa bahay nila."Kamusta 'yong taong pinuntahan mo kahapon? Nakapag usap ba kayo?" tanong ko sa kanya habang nag s-sip sa Milktea na binili niya para sakin."We did." sagot niya. "Pero at the end, umalis pa rin siya. Umalis siya kasi alam naman namin pareho na kahit anong gawin namin, wala pa rin naman kaming magagawa. Alam naming hindi mag wo-worth kapag pinilit namin."Bigla akong naawa sa kanya. Base kasi sa boses niya habang nagsasalita siya e parang malungkot siya."Ok
Lumapit ako kay Cedrick habang nakasunod naman ang tingin sakin ni Kuya. Nakita ko sa kamay ni Cedrick 'yong cellphone ko. Do'n ko lang napagtanto na naiwan ko pala 'yon nang hindi ko namamalayan. At siguro nagpunta siya rito para isuli 'yon sakin.Bago pa man magsalita si Cedrick na nagpunta siya rito para ibalik ang cellphone ko ay inunahan ko na."O, Babe." tawag ko sa kanya.Nakita ko namang kumunot 'yong noo niya na tila naguluhan masyado no'ng tinawag ko siyang babe. "Babe?" tanong pa niya sakin. Tapos napatingin siya kay Flynn tsaka muling napatingin sakin, "Isusuli ko lang 'tong phone mo. Naiwan mo kasi." aniya sabay lahad ng cellphone ko sakin.Kinuha ko naman agad 'yon sa kanya pero bukod sa tinawag ko siyang babe, may isa pa akong ginawa.Pagkatapos kong kunin sa kanya ang cellphone ko ay hinawakan ko 'yong kamay niya at sinadyang ipakita 'yon kay Flynn."Thank you, babe." nakangiti kong sabi. "Thank you rin sa time mo kanina. Next time date ulit tayo." dagdag ko pa.Naki
Hindi ko naman intensyong makipag break sa kanya. Sa totoo lang, masyado ko siyang mahal para iwan ko lang. Pero wala akong choice kasi nga mahal ko siya, at kailangan ko ring isipin 'yong future niya. Makikipag break ako hindi dahil sa inutusan ako ng Mommy niya na hiwalayan ko siya. Kundi, makikipag break ako dahil alam kong kapag nagsama kami, maraming mawawala sa kanya. At masasayang 'yong future niya.'Yon ang totoong dahilan ko.Gagawin ko 'to kahit masakit, kakayanin ko kasi alam kong mas makakabuti 'to para sa kanya at pati na rin sakin. Mapapatanag ang loob ko kapag nakikita ko siyang ginagawa ang mga bagay na pinangarap niya no'ng bata pa siya.Pero heto siya ngayon sa harap ko, hindi matanggap na makikipag hiwalay na ako ngayon sa kanya. Hindi siya makapaniwalang sinabi kong makikipag break ako. At alam kong nasasaktan siya ngayon sa sinabi ko."Teka, anong sinasabi mo d'yan? Anong mag break?" naguguluhan niyang sabi.Umiwas ako ng tingin, hindi ko kayang titigan siya sa m
Hindi na ako magugulat pa sa inaasta sakin ngayon ng Mommy niya. Kung iniisip niyang pera lang ang habol ko, pwes! nagkakamali siya.Nanginginig ako ngayon habang kaharap ang Mommy ni Flynn. Pero nilalabanan ko ang takot ko para ipakitang hindi ako basta bastang napapa Oo nang dahil sa pera.Hawak hawak ko ngayon ang cheque at hindi ko alam kung anong gagawin ko rito. Natatakot ako ngayon pero hindi ko lang pinapahalata sa kanya. Imbis na matahimik lang ako dahil sa sinabi niyang layuan ko ang anak niya ay humugot ako ng lakas ng loob para sagutin siya. Huminga ako nang malalim, inangat ko ang mga ulo ko at binigyan ng masamang tingin at nakipaglabanan ng mga titig do'n sa mga titig niya."Pasensya na po kayo, pero hindi po pera ang habol ko sa anak ninyo." saad ko at napangiwi naman ang Mom niya.Nakita ko sa mukha nito na hindi siya naniniwalang hindi pera ang habol ko kay Flynn."Kung hindi pera ang habol mo sa anak ko, impossible 'yon. Baka naman kasi kulang pa ang isang milyon
Pag gising ko, nakita kong sobrang linis ng buong bahay. 'Yong kurtina nakatali, 'yong sahig sobrang kintab, 'yong cabinet napaka pulido at wala ng alikabok at 'yong mga gamit na nagkakalat sa kung saan e nakalagay na sa kinalalagyan nila.Tapos nakahanda na 'yong breakfast sa lamesa at puno lahat ng tubig ang tab namin sa kusina, gano'n din sa banyo namin pag tingin ko.Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.Impossibleng magagawa niya 'to nang ganito ka dali.At anong oras siyang nagising kanina para lang mag linis, mag igib ng tubig at mag luto?"Good morning, Girlfriend ko!" Agad naman akong napalingon sa likuran ko kung saan nakatayo siya't nakangiti sakin."Your breakfast is ready." nakangiting sabi niya. "Ang gagawin mo na lang ay mag hugas ng kamay para kumain."Tapos lumapit siya sakin at dinala ako sa lababo para mag hugas ng kamay. Pagkatapos no'n, hinila niya 'yong upuan tsaka ako pina upo."Kumain ka na." aniya. "Tsaka kung gusto mong maligo, puno na lahat ng tubi
1 week later~Ilang araw na akong walang tulog habang nag mumukmok lang sa sulok ng kuwarto ko matapos ang libing ni Lola. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang wala na siya. Ang bilis ng pangyayare at ngayon mag isa na lang ako sa buhay. E kung bakit ba kasi ang daya daya ng mundo. Bakit kailangan sakin pa mangyare 'to. Bakit kailangan isa ako sa mga taong naghihirap sa mundo samantalang 'yong iba ang sa-sarap ng mga buhay. Naiinis ako kasi ang unfair ng mundo para sakin.No'ng mga araw na nawala si Lola, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak lang nang umiyak at magmukmok sa kuwarto. Ni hindi ko nga kinakausap sina Cedrick at Mira sa loob ng ilang araw. Sinusubukan nila akong kausapin at pakainin pero hindi ko sila kinikibo at tanging nakatulala lang ako sa kung saan.Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ni Lola. Dapat hindi ako naging pabaya. Dapat dinalaw ko siya palagi. Nagsisi ako kasi masyado akong nawalan ng oras para kay Lola. Ni hindi ko man lang siya nagawa