Pabalik balik ako ngayong naglalakad habang iniisip 'yong sinabi sakin ng matanda kanina.Magpapanggap ako bilang apo niya?Papano ko naman gagawin 'yon?Oo, magkamukha nga kami ng apo niya no'ng pinakita niya sakin ang litrato ng apo niya kanina. Medyo lamang nga lang siya ng ilang ligo pero pwede na rin. Mas matangkad lang siya ng kunti kasi mas matanda siya ng dalawang taon sakin at nasa college na siya. At kung sakaling pumayag ako na magpanggap bilang apo niya sa harap ng maraming tao, kailangan kong magpanggap bilang isang college student na matalino. Naks! Hindi ko kaya.Bakit ba kasi 'yon pa?Ang magpanggap bilang si Kendall na apo niya sa harap ng family, relatives at sa maraming tao? Feeling ko hindi ko talaga kaya.Hindi alam ng mga magulang ng apo niya na na aksidente ang anak nila. Car accident ang dahilan ng lahat at hanggang ngayon hindi pa rin siya gumigising.Nasa ibang bansa ang mga magulang ni Kendall dahil inaasikaso nila ang kumpanyang pinag mamay-arian nila ro
Lumabas kami ni Lolo at nag usap saglit. Buti na lang at dumating agad siya para tulungan ako kanina. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko alam kung nandito pa ako ngayon sa bahay nila o baka pinalayas na ako ng kuya niya. Hindi ko akalain na may Kuya pala siyang gano'n ka pogi. Ibig sabihin siya pala 'yong Flynn na nakasulat do'n sa notebook kung saan kuya ni Kendal. Graduating student na siya this year at hindi magtatagal mamanahin na niya ang kumpanya nila. Ang swerte talaga ng mga anak ng nagmamay-ari ng Teeraphosukarn Group.Pinalabas ni Lolo na nagkaroon ako ng amnesia hango sa nangyareng aksidente at napaniwala naman niya si Kuya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit alam ng kuya ni Kendall na na aksidente siya samantalang hindi alam ng mismong mga magulang nila.Dahil sobrang curious ako sa part na 'yan ay hindi ko napigilang itanong 'yon kay Lolo."Ah, Lolo. Akala ko po ba walang ibang nakakaalam na na aksidente si Kendall maliban sa inyo?""Alam niya na na aksidente
Nasa bar kami ngayon habang nag iinuman dahil birthday ng isa sa mga kaibigan ni Kendall. Sa totoo lang, nagdadalawang isip talaga akong pumunta kanina kasi una sa lahat, hindi ko naman sila mga kaibigan. Ni hindi ko nga sila gano'n ka kilala. Pero wala naman akong choice kasi ako na ngayon si Kendall at kailangan kong gampanan ang role ko rito bilang Kendall. Dahil kung hindi, baka magalit sakin ang Lolo niya kapag na bisto ako. At isa pa, nakakahiya naman kung mabisto agad ako na hindi ako ang totoong Kendall, ang mahal pa naman ng ibinayad sakin ng Lolo niya at dinala pa nila ang Lola ko sa isang magandang ospital. Kaya wala akong choice kundi ang makisabay sa mga kaibigan ni Kendall ngayon.At kilala ko na sila ngayon sa mga pangalan nila dahil inistalk ko 'yong mga Facebook account nila. Alam ko na kung sino si Katelyn, Jessica at Iris sa kanilang tatlo. Pero kilala ko lang sila physically at hindi sa mismong ugali. Malay ko ba kung anong klaseng ugali ang meron sila at kung ano
Pagmulat ko ng mg mata ko ay agad akong napatingin sa orasan. Nakita kong alas onse na ng gabi at nakatulog ako ng halos dalawang oras.Naks!Matapos kong magpanggap na nahimatay kanina no'ng tinanong ni Kuya kung sino ako ay totoong nakatulog ako nang 'di ko inasahan. Grabe! Wala na akong maisip na idea kanina kung papano ko matakasan ang tanong niyang 'yon kaya umarte na lang ako na hinimatay. Buti na lang at natakasan ko ang tanong niyang 'yon.Bumangon ako at inayos ang sarili ko habang napapaisip kong anong ginagawa niya ngayon. Tulog na kaya siya?Hmm... Maybe yes, maybe no. Pero what if itatanong niya ulit sakin kinabukasan kung sino ako? Maaaring natakasan ko ang tanong niyang 'yon ngayon. Pero papano kung bukas o sa makalawa itanong niya ulit sakin 'yon? Ano na ang isasagot ko? Hays. Bakit pa kasi humantong ang lahat sa ganito?Ang tanga ko rin kasi. Hindi ko naman inexpect na gagawin niya 'yon para mahulaan kung may amnesia ako o wala. Ang tanga ko talaga.Nawala sa isip
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Alas otso na rin no'n at buti na lang at weekend ngayon at walang pasok. Bumangon ako at tsaka ko inayos ang sarili ko. Napatitig ako sa isang malaking salamin sa kuwarto ni Kendall at pinagmasdan ang repleksyon ko.Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang ako na 'to. Ang laki ng pinag bago ko. Dati, sobrang stress ng itsura ko. Tipong mukhang kulang sa tulog at nangingitim ang ilalim ng mata dahil kailangan kong magising ng maaga para lang pumasok sa school tapos gabi na ako natutulog dahil nag pa-part time ako para kumita ng pera para samin ni Lola. Pero ngayon, kahit late na ako magising okay lang. Hindi ko na rin kailangan problemahin ang pera dahil mga magulang na ni Kendall ang nag p-provide no'n para sakin. Ang swerte ni Kendall at hindi niya napag dadaanan ang mga pinagdaanan ko noon. Ang sarap ng buhay niya simula no'ng bata pa lang siya.Pero ayon nga kay Kuya Flynn, hindi siya 'yong tipo na nag pupunta sa mga party at t
Lumapit samin si Kuya at palipat lipat kaming tinitigan ni Mira pareho.Napatingin ako kay Mira, alam kong kabado siya ngayon pero mas kabado ako dahil hindi ko alam kung papano mag explain kay kuya kung sakaling narinig nga niya ang usapan namin ni Mira.Natatakot ako dahil baka narinig nga niya 'yon. Bakit ba kasi hindi ako nag iingat?! Dapat pala nag tago na lang kami ni Mira habang nag uusap para hindi niya kami mapuntahan dito at para hindi niya marinig ang usapan namin.Ito kasing si Kuya daig pa 'yong CCTV kung maka bantay sakin. Pero naalala ko 'yong sinabi niya no'ng nakaraan, alam kong lasing siya no'n pero hindi ko maitatangging hindi nagsisinungaling ang isang lasing na tao.Tahimik lang siya pero sa tingin ko na se-sense niyang parang ibang tao talaga ako. Nanginginig ako ngayon habang nag iisip ng pwedeng pa lusot sa kanya. Kabado ako at natataranta ngayon pero pinipilit ko pa rin ang sarili ko na mag isip ng pa lusot kahit na wala na akong maisip.Pero sa isip ko haba
Nakatitig ako ngayon sa kawalan habang nag iisip. Iniisip ko na ikakasal si Kendall at si Cedrick in the future. Siguro kung gising na si Kendall at kung narinig lang niya 'yong sinabi ng Mommy niya kanina, baka tuwang tuwa siya sa nalaman niyang ikakasal siya kay Cedrick.No'ng sinabi 'yon ng Mommy niya kanina sa lahat ng maraming tao, sobrang nagulat ako. Hindi ako makapaniwalang ikakasal ang Ex ko sa babaeng kamukha ko. Wala akong nasabi kanina kundi ang mapatulala lang sa kung saan dahil sa gulat. Kahit si Cedrick gano'n din. Tingin ko, hindi rin niya inasahang ikakasal siya kay Kendall.Pero naisip ko lang, kung ikakasal siya kay Kendall, ibig sabihin wala nang chance na magkatuluyan sila hanggang dulo ng girlfriend niyang si Jennie.Hindi ko na kailangang gumawa ng mga bagay para gumanti sa kanila at para paghiwalayin sila."Ano 'yong sinabi mo kanina no'ng ina-nounce ng Mommy ni Kendall na ikakasal ka kay Cedrick?" tanong sakin ni Mira.Napalingon naman ako sa kanya matapos ni
Kasama ko ngayon si Cedrick sa hotel room niya dahil nakipagkita ako ngayon sa kanya. Nagpunta ako sa hotel nila kasi gusto ko siyang makausap ngayon. Gusto ko lang kumpirmahin kung sila pa ba ni Jennie pagkatapos ng mga ginawa ko at kung sakaling oo man, hindi ko na alam kung ano pa ang pwede kong gawin para mapaghiwalay silang dalawa.Wala siyang ideya kung ano ang dahilan kung bakit nakikipag kita ako ngayon sa kanya. Siyempre, hindi ko naman pwedeng sabihing 'Nandito ako kasi gusto kong kumpirmahin kung kayo pa ba ni Jennie' baka kasi magtaka siya. Kaya nag isip ako ng ibang idea.Besides, gusto kong unti unting mahulog ang loob niya sakin at makalimutan si Jennie. 'Yon ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nakikipag kita sa kanya ngayon.Naka upo ako ngayon sa couch ng room niya habang siya naman nakatayo habang hawak ang cellphone niya na tila may ka text.Hmm. Siguro si Jennie ang ka text niya. Hinayaan ko lang siya hanggang sa nilapag na niya ang cellphone niya sa side table
Pinuntahan ako ni Mira sa bahay para tanungin kung makakapunta ako mamaya. Sabi ko oo. Tapos itong si Mira tuwang tuwa kasi nagbago bigla ang isip ko at nag decide ako na pumunta sa engagement ceremony ni Kuya na ang akala niya e hindi na talaga ako makakapunta.Hindi ko rin alam at bigla na lang nagbago isip ko no'ng napulot ko 'yong kuwentas na 'yon. Siguro kasi sign talaga 'yon na tanggapin ko na lang ang katotohanan at maging masaya na lang ako para kay Kuya.Wala na rin naman akong magagawa. At isa pa, baka hindi lang talaga siya ang tamang tao para sakin at may taong nakalaan talaga para sakin. Maaring hindi ko pa siya na me-meet ngayon pero alam kong dadating ang araw na makikilala ko rin ang taong 'yon. "So ano pang hinihintay mo? Bumili na tayo ng maisusuot natin!" nasasabik niyang sabi at napapatalon pa sa sobrang tuwa.Do'n na ako nagtaka. Kasi mas excited pa siya kaysa sakin pero wala naman siyang invitation card."Hoy, Teka nga. Ba't mas excited kapa d'yan? Ininvite kaba
Nagliwanag ang mukha ko nang makitang nandito na siya at mas maaga pa siya kaysa sakin. Natuwa ako kasi nandito siya ngayon para kitain rin ako na ang akala ko e hindi siya pupunta. Nakaramdam ako ng tuwa at pananabik habang papalapit ako sa kanya.At nang nasa harapan na niya ako ay isang napakalawak na ngiti ang binungad ko sa kanya sabay sabing, "Salamat, kasi pumunta ka."Tumango naman siya pagkatapos at binigyan ako ng isang napaka gwapong ngiti."Oo. Nabasa ko 'yong text mo kagabi." sagot niya."Kanina ka pa ba nandito?" tanong ko pa."Hindi masyado." sagot naman niya. "Pero sinadya kong pumunta rito ng mas maaga. Kasi gusto rin kitang makausap." Napatingin ako sa baba habang pinipigilan ang mga ngiti ko. Inaamin ko, natutuwa at kinikilig ako ngayon. Sino ba naman kasi ang mag aakala na parehas naming gustong makausap ang isa't isa?Kinalma ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim sabay sabing, "Sige. Ikaw na mauna. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Makikinig ako."Tumango
Hinihintay ko si Cedrick sa may playground kung saan kami nag usap ni Jennie 2 hours ago. Dalawang oras na ang nakalipas simula no'ng matapos kaming mag usap at sakatunayan nga umuwi na siya.Pero ako, nandito pa rin. Parang nanigas lang at na blanko bigla ang isip sa mga sinabi niya sakin kanina. Ni hindi ko nga namalayan ang oras at pagabi na pala.Tinext ko ng tinext si Cedrick habang tinatanong kung nasan na siya. At ang sabi niya, malapit na raw siya. Nagsi bukas na 'yong mga ilaw ng streetlights no'n. 'Yong mga taong nandito kanina e nagsi uwian na. Napatingin ako sa kotseng pumarada sa gilid ng kalsada. At nang makitang si Cedrick na 'yon ay tumayo na ako at inayos ang sarili habang hinihintay siyang makarating sa kinaruruonan ko.Habang naglalakad siya papalapit sakin, wala akong ibang ginawa kundi ang titigan lang siya hanggang sa makaharap ko na siya.Ngumiti siya sakin. Isang ngiting napakalawak na parang walang ka proble-problema. Samantalang ako naman ay walang naging
Pinuntahan ako ni Kendall pagkatapos ng nangyare kahapon para humingi ng sorry. Hindi naman kasi niya sinasadyang mangyare 'yon sa event kahapon.Pinatawad ko naman siya dahil do'n kasi alam kong wala naman siyang kasalanan. Hindi naman kasi nila malalaman na ako si Paula kung hindi sana nag suntukan si Kuya at si Cedrick at kung hindi sana um-epal si Jennie. Naka upo kami ngayon sa may swing habang nag uusap. Dito na siya nakipagkita sakin kasi hindi naman siya magtatagal dito at sakatunayan nga, tumakas lang siya sa bahay nila."Kamusta 'yong taong pinuntahan mo kahapon? Nakapag usap ba kayo?" tanong ko sa kanya habang nag s-sip sa Milktea na binili niya para sakin."We did." sagot niya. "Pero at the end, umalis pa rin siya. Umalis siya kasi alam naman namin pareho na kahit anong gawin namin, wala pa rin naman kaming magagawa. Alam naming hindi mag wo-worth kapag pinilit namin."Bigla akong naawa sa kanya. Base kasi sa boses niya habang nagsasalita siya e parang malungkot siya."Ok
Lumapit ako kay Cedrick habang nakasunod naman ang tingin sakin ni Kuya. Nakita ko sa kamay ni Cedrick 'yong cellphone ko. Do'n ko lang napagtanto na naiwan ko pala 'yon nang hindi ko namamalayan. At siguro nagpunta siya rito para isuli 'yon sakin.Bago pa man magsalita si Cedrick na nagpunta siya rito para ibalik ang cellphone ko ay inunahan ko na."O, Babe." tawag ko sa kanya.Nakita ko namang kumunot 'yong noo niya na tila naguluhan masyado no'ng tinawag ko siyang babe. "Babe?" tanong pa niya sakin. Tapos napatingin siya kay Flynn tsaka muling napatingin sakin, "Isusuli ko lang 'tong phone mo. Naiwan mo kasi." aniya sabay lahad ng cellphone ko sakin.Kinuha ko naman agad 'yon sa kanya pero bukod sa tinawag ko siyang babe, may isa pa akong ginawa.Pagkatapos kong kunin sa kanya ang cellphone ko ay hinawakan ko 'yong kamay niya at sinadyang ipakita 'yon kay Flynn."Thank you, babe." nakangiti kong sabi. "Thank you rin sa time mo kanina. Next time date ulit tayo." dagdag ko pa.Naki
Hindi ko naman intensyong makipag break sa kanya. Sa totoo lang, masyado ko siyang mahal para iwan ko lang. Pero wala akong choice kasi nga mahal ko siya, at kailangan ko ring isipin 'yong future niya. Makikipag break ako hindi dahil sa inutusan ako ng Mommy niya na hiwalayan ko siya. Kundi, makikipag break ako dahil alam kong kapag nagsama kami, maraming mawawala sa kanya. At masasayang 'yong future niya.'Yon ang totoong dahilan ko.Gagawin ko 'to kahit masakit, kakayanin ko kasi alam kong mas makakabuti 'to para sa kanya at pati na rin sakin. Mapapatanag ang loob ko kapag nakikita ko siyang ginagawa ang mga bagay na pinangarap niya no'ng bata pa siya.Pero heto siya ngayon sa harap ko, hindi matanggap na makikipag hiwalay na ako ngayon sa kanya. Hindi siya makapaniwalang sinabi kong makikipag break ako. At alam kong nasasaktan siya ngayon sa sinabi ko."Teka, anong sinasabi mo d'yan? Anong mag break?" naguguluhan niyang sabi.Umiwas ako ng tingin, hindi ko kayang titigan siya sa m
Hindi na ako magugulat pa sa inaasta sakin ngayon ng Mommy niya. Kung iniisip niyang pera lang ang habol ko, pwes! nagkakamali siya.Nanginginig ako ngayon habang kaharap ang Mommy ni Flynn. Pero nilalabanan ko ang takot ko para ipakitang hindi ako basta bastang napapa Oo nang dahil sa pera.Hawak hawak ko ngayon ang cheque at hindi ko alam kung anong gagawin ko rito. Natatakot ako ngayon pero hindi ko lang pinapahalata sa kanya. Imbis na matahimik lang ako dahil sa sinabi niyang layuan ko ang anak niya ay humugot ako ng lakas ng loob para sagutin siya. Huminga ako nang malalim, inangat ko ang mga ulo ko at binigyan ng masamang tingin at nakipaglabanan ng mga titig do'n sa mga titig niya."Pasensya na po kayo, pero hindi po pera ang habol ko sa anak ninyo." saad ko at napangiwi naman ang Mom niya.Nakita ko sa mukha nito na hindi siya naniniwalang hindi pera ang habol ko kay Flynn."Kung hindi pera ang habol mo sa anak ko, impossible 'yon. Baka naman kasi kulang pa ang isang milyon
Pag gising ko, nakita kong sobrang linis ng buong bahay. 'Yong kurtina nakatali, 'yong sahig sobrang kintab, 'yong cabinet napaka pulido at wala ng alikabok at 'yong mga gamit na nagkakalat sa kung saan e nakalagay na sa kinalalagyan nila.Tapos nakahanda na 'yong breakfast sa lamesa at puno lahat ng tubig ang tab namin sa kusina, gano'n din sa banyo namin pag tingin ko.Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.Impossibleng magagawa niya 'to nang ganito ka dali.At anong oras siyang nagising kanina para lang mag linis, mag igib ng tubig at mag luto?"Good morning, Girlfriend ko!" Agad naman akong napalingon sa likuran ko kung saan nakatayo siya't nakangiti sakin."Your breakfast is ready." nakangiting sabi niya. "Ang gagawin mo na lang ay mag hugas ng kamay para kumain."Tapos lumapit siya sakin at dinala ako sa lababo para mag hugas ng kamay. Pagkatapos no'n, hinila niya 'yong upuan tsaka ako pina upo."Kumain ka na." aniya. "Tsaka kung gusto mong maligo, puno na lahat ng tubi
1 week later~Ilang araw na akong walang tulog habang nag mumukmok lang sa sulok ng kuwarto ko matapos ang libing ni Lola. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang wala na siya. Ang bilis ng pangyayare at ngayon mag isa na lang ako sa buhay. E kung bakit ba kasi ang daya daya ng mundo. Bakit kailangan sakin pa mangyare 'to. Bakit kailangan isa ako sa mga taong naghihirap sa mundo samantalang 'yong iba ang sa-sarap ng mga buhay. Naiinis ako kasi ang unfair ng mundo para sakin.No'ng mga araw na nawala si Lola, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak lang nang umiyak at magmukmok sa kuwarto. Ni hindi ko nga kinakausap sina Cedrick at Mira sa loob ng ilang araw. Sinusubukan nila akong kausapin at pakainin pero hindi ko sila kinikibo at tanging nakatulala lang ako sa kung saan.Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ni Lola. Dapat hindi ako naging pabaya. Dapat dinalaw ko siya palagi. Nagsisi ako kasi masyado akong nawalan ng oras para kay Lola. Ni hindi ko man lang siya nagawa