I closed my eyes, took a deep breath, and smiled. Here I am, standing in front of my sister's university, and I am now Shiyuri.
Kahit may pangamba ay tinuloy-tuloy ko ang paglalakad diretso sa meeting place namin. Malawak ang unibersidad ng kapatid ko, dahilan kaya ako nakihiwalay. Mas gusto ko ang payapa at malayo sa kaguluhan, bagay na siguradong mangyayari sapagkat hindi malayong pagkamalan ako bilang Shiyuri, at isa iyon sa mga iniiwasan ko. I am already settled in silence and this silence is where I belong.
Malayo pa lang ay nakikita ko na ang kumakaway na babae sa kabilang dako ng kalsada, nakangiti sa akin at nagtatakbong lumapit nang hindi tumitingin sa kaliwa't kanan ng kalsada.
Umalingawngaw ang tunog ng busina ng paparating na kotse dahil sa biglaan niyang pagtawid.
"Ay!" Malakas siyang napasigaw, kinuha nito ang atensiyon ng mga taong nasa malapit.
"Tumingin ka kasi sa daan, Miss!" malakas na wika ng driver na bumusina sa kanya bago ito tuluyang nagpatakbo paalis.
Bumungisngis lang siya na parang hindi na siya muntikang namatay. Nang makalapit na, malakas akong hinampas sa braso. "Babagal-bagal ka kasi, gaga! Kailan ka ba magbabago? Lagi kang late comer, pati ba naman sa exciting event like this!" Umasta siyang parang Buddha, nakalahad ang mga kamay at nakatingala sa langit.
Pinilit kong ngumiti kahit na wala akong ideya kung sino siya. Isa pa, ang weird niya, o baka sa standard ko lang. Saglit kong inisip kung nabanggit ba ito ni Shiyuri sa akin. Imposibleng hindi, bilang lang din naman ang mga ganitong tao na sobrang close sa kanya.
Pero hindi ko talaga maalala. Natataranta na rin kasi ako, lalo pa at bigla siyang umabrisete sa akin. Muntik ko na nga'ng naitulak kung hindi lang ako nakapagpigil.
"Comesha." Hinila niya ako. Wala na akong nagawa kun'di magpatianod at sumabay sa pagtawid. Hindi pa ako masyadong nakaka-adjust sa presensiya niya pero mukhang wala na akong panahon para dito.
Napakaraming estudyante ang nagkalat sa paligid, karamihan ay mga kalalakihang napapasunod ng tingin sa amin. Mabuti na lang at wala namang kumukuha ng litrato. Kung mayroon man, at least ay hindi ko na napapansin. Pawang mga mayayaman at may kanya-kanyang career din naman ang mga estudyante rito, hindi na marahil big deal ang pagiging isang model artist.
"Kahit simple ang suot niya, maganda pa rin," naulinigan kong bulong ng isa sa mga grupo ng kababaihang nadaanan namin. Kumibot nang kaunti ang aking labi upang magpakita sana ng isang simpleng ngiti ngunit hindi ko ito nagawa.
"Parang beastmode."
"Mukha bang beastmode 'yan? Nahihiya ang hitsura niya."
"Gosh, are you dreaming? We know Shiyuri. Hindi siya ganyan."
Natigilan ako sa narinig. Shiyuri? They mean, me? Napataas ako ng noo at sinubukang gayahin ang paglalakad ng kapatid ko. Ang hirap pala. No matter how hard I try to smile, still, I'm not confident enough. I can't really be my sister.
"Bakit ang tahimik mo, Shi? May sakit ka ba?" Nag-aalalang tumingin sa akin ang kasama ko. Pansin din yata niya na iba ang aura ko, dahilan para lalo akong kabahan.
Akmang hahawakan na niya ang noo ko nang bigla kong natabig ang kamay niya at bahagyang napalayo. Uh-oh. Wrong move.
"Ano ba'ng nangyayari sa'yo?" Ramdam ko na ang pagkainis sa boses niya.
Pinaghalong gulat at iritasyon ang naramdaman ko. Ang sarap lumayo, ang sarap mapag-isa. Ang hirap din namang nangangapa ako ng kung sino ang sino, lalo pa at hindi ako masyadong maalam sa pakikihalubilo.
"A-ayos lang ako. Napuyat lang." I want to punch myself for stammering, but I remembered, I am not the actress here.
"Hindi ba't ayaw mo ang napupuyat?" naka-arko ang kilay na tanong niya habang pinagmamasdan ako sa mukha. "Pero teka. Ay, oo. Nagpupuyat ka nga. May tigyawat ka sa gilid ng noo, o!" Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang humagalpak ng tawa.
Big deal nga naman ang tigyawat kay Shiyuri. Actress ito kaya kung maaari ay walang tumubo na kahit anong sagabal sa makinis nitong balat. Samantalang ako ay walang pakialam, although hindi naman ako nahuhuli pagdating sa fashion. Medyo mas manang lang kaunti kung ikukumpara sa kapatid ko.
"Oo nga, e. Saklap." Bahagya kong hinimas ang pimple sa noo ko at saka pasimpleng ngumiti.
Nanlaki ang butas ng ilong niya at pasimpleng nagkamot ng ulo. "Sabihin mo lang kung naiwan mo 'yung bunganga mo sa bahay n'yo, balikan natin."
Kulang na lang ay tapikin ko ang pisngi ko sabay sabi, 'Gising!'. Pero kahit gising ako ay hindi ko pa rin makakayang gayahin si Shiyuri. Ang layo ko sa kapatid ko, kung puwede nga lang humingi ng kaunting siya.
I slightly moved my body. "Saan ba kasi ang meeting place? Inip na ako." Pinilit kong minanipula ang boses ko sa medyo mas professional at mas mabigat na boses upang gayahin si Shiyuri. I even inserted a hand figure and articulation para mas maging kapani-paniwala.
"Ayun. Bumalik na siya," natatawang komento ng kasama ko. "Sa room muna tayo. Iyan, ha. Nakakaganda ba masyado ang hindi pakikinig sa teacher tuwing nagbibigay ng instructions? Gigil."
Sumunod na lang ako sa kasama ko dahil hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Ngayon lang ako pumanhik dito. At si Shiyuri naman, wala man lang siyang binanggit tungkol dito, na nakalimutan ko ring alamin. Somehow, I am thankful that I am with this girl here.
Kahit sa paglalakad namin ay hindi nakatakas sa aking paningin ang pagtataka sa mga mata ng babaeng kasama ko tuwing bahagya akong nililingon habang hila-hila ang kamay ko. Nakakabahala, pero mas mahahalata ako kapag nagtanong ako kung bakit ganyan ang reaksiyon niya. Sapat nang mabuwisit ako internally dahil napaka-clingy niya masyado.
Mayamaya ay pumasok na kami sa may kalawakang silid at nabungaran ko ang mahigit dalawampung katao. Sampu lang ang staffers sa school namin habang dito nama'y dinoble ang bilang namin. Obviously, this school has a bigger population. Hindi naman ito crowded dahil napakalawak nito. Although wide, the huge number of students is still evident in every corner I put my eyes on.
"Shiyuri and Alminaza, take a seat."
Sumunod ako sa kasama ko papuntang likuran nang sinabihan na kaming umupo.
"Buhaghag ang hair," maarteng saad niya habang sinusuklay ang mahaba, abot-baywang niyang buhok.
Napatitig ako sa kanya nang mag-sink in sa isip ko ang pangalang itinawag sa kanya.
Hanggang baywang na buhok. Alminaza. Ami . . .
Fish tea. Halos mahigit ko ang aking hininga nang maalala ang mga ito It's my sister's bestfriend for Pete's sake! Why the hell did I forget about it?
"Don't wanna comb your hair?" baling niya sa akin.
Umiling lang ako bilang tugon habang parang pipi na hindi makapagpalabas ni isang salita. God, I almost there. Almost in the trouble.
***
Lutang ako hanggang sa matapos nang mabanggit ang mga instructions. After all of these, we started to ready ourselves as we carried our bags. Nagsitayuan na kami.
"Leggo." Ami flipped her hair and excitedly held my arm.
Hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa'king labi. Pareho sila ni Shiyuri. Sweet and clingy. Iritado pa rin ako sa sobrang lapit niya, pero nang maalala kong kaibigan siya ng kambal ko ay humaba ang pasensiya ko sa kanya.
"Palawan Palawan Palawan. OMG! Sana madala ko r'on ang bf ko, sayang!" pagtatalak ni Ami habang nasa daan kami.
Pansin ko ang paminsan-minsang pagsulyap ng mga tao sa akin gan'on na rin ang iba ko pang kasamahan. I know that there is something in those glances. They are full of doubts, of judgments. But I can only guarantee that their assumptions are right if I show them how they affect me.
We lined ourselves in entering the bus. Tumigil muna kami sa isang fast food chain bago kami dumiretso sa airport at lumipad na patungong Palawan.
"St. John's Bay, hmm. What happened to Secosana? MK? Voyager? Juicy couture? Luis Vuitton?"
Natawa ako sa mga brand ng bag na sinabi ng kaibigan ni Shiyuri. Mukhang pati ito ay madalas nilang pag-usapan. Very unusual to my kind-plain and boring.
"Nah, I have a lot of collections. Y'know," I answered, prolonging the last syllable of my line.
"Yeah, yeah, I know," natatawa namang tugon niya.
As the plane started to fly, I automatically gripped the little pillow on my lap, bitting my lower lip. Sinunod ko ang bilin sa akin ng kapatid ko na huwag masyadong mag-inhale. Exhale and exhale or if possible, hold my breath. Gulp. Release air. The pressure of the plane during take-off is unexplainable. Parang pinipigilan ang aking hininga na ewan.
Sensitive kasi ako sa mga ganitong bagay. Kaunting yanig lang sa kinaroroonan ko ay naduduwal na ako. Ayaw ko itong mangyari sapagkat maliban sa nakakahiya ito, ayaw ko ring ibuking ang sarili ko. Shiyuri already got used to this so they will surely wonder if ever I show them that it's my weakness. As a matter of fact, mahilig si Shiyuri sa mga heights and rides. Mga ganitong bagay ang nagpapasigaw sa kanya sa tuwa.
"Ayos ka lang, Shi? Namumutla ka." May pag-aalala sa boses ni Ami nang mapansin ang reaksiyon ko sa mukha.
Pinilit kong tumango kahit na halos hindi na ako makagalaw. Under take-off pa lang kaya pinigilan ko ang aking sarili. 'Tsaka na ako magsusuka kapag steady na ang lipad ng eroplano. May banyo naman, buti na lang.
After a couple of minutes, take-off is done.
"Take a nap," sabi ni Ami sa akin bago siya pumikit.
Ako naman ay nagmamadaling kinalas ang seatbelt at patakbong pumunta sa toilet. Sa kasamaang-palad ay nabangga ko ang matangkad na stewardess na kasalukuyang nag-iinstruct sa mga pasahero ng mga dapat gawin in case of emergency.
Napapikit ako nang mariin. Napamura. Hindi ko na nakayanan at bigla kong nailabas ang lahat ng kinain ko kanina.
I vomited in front of the eye of all the passengers. Partida, sa palda pa ng nakahilatang stewardess dumiretso ang lahat ng dumi.
God, have mercy!
Napapikit ako sa malaking kahihiyang idinulot ko. This is the most embarassing thing I've ever done. I am a topnotcher in school, now, it seems like my brain left on a drainage. Napako ako sa aking kinatatayuan. All I should do now is to run and hide my face. Ngunit 'di ako nakagalaw.
"Shiyuri!" Alminaza shouted. Hinila niya ako at siya na ang humingi ng paumanhin sa stewardess na ngayo'y kasalukuyang tumatayo at bakas sa mukha ang pandidiri.
My sight is blinking and my heart thumps so loud. Hindi halos mag-steady ang paningin ko pero nagawa kong bumalik sa upuan. Nalalasahan ko pa ang hindi kaaya-ayang lasa sa labi ko at umiikot ang paligid ko. Lihim na lang akong nagpasalamat kay Alminaza hanggang sa unti-unti nang pumikit ang aking mga mata.
***
"Nasa Puerto Prinsesa na tayo!"
Umalingawngaw ang sigaw ng aking mga kasamahan habang exited na bumababa ng eroplano. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ang napakaraming dayuhan na pumarito't pumaroon. Ang ilan ay paalis na habang ang iba naman ay naghihintay pa ng mga bagahe.
"May nakahanda nang hotel na matutuluyan. Huwag muna kayong humiwalay sa grupo habang hindi pa settled ang lahat. Follow us."
Sumunod naman kami gaya ng sinabi ng kasama naming professor pero bumaling ito sa akin at pinatigil ako. Bakas ang pagod sa mukha niya at litaw sa kurba ng kanyang mukha ang iritasyon. Matanda na yata, bakit kasi siya pa ang naatasang sumama sa trip na ito?
"Oh, Shiyuri, why are you coming? Hindi ba sa ibang hotel ka tutuloy? Hintayin mo rito 'yung kasama mo."
Napatunganga ako sa narinig hanggang sa tuluyan na silang umalis. Pati si Ami ay mukhang walang ideya sa nangyayari pero napilitan siyang iwan ako.
What's the meaning of this? Shiyuri didn't mention that I'll be staying separately from her schoolmates.
"Shiyuri Cruz?"
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ang mangilan-ilang kababaihang halos kaedad ko lang base sa hitsura. Mukhang mga Pilipino rin sila.
"That's her!"
May sumigaw naman ulit sa kabilang-dako ko at nakita ang isang babae't lalaki na matatangos ang ilong at reddish-white ang balat.
I forgot. Bumundol ang kaba sa aking dibdib nang mapagtanto kung ano itong pinuntahan ko. Uh-oh. Not again.
The next thing I knew, a lot of people screamed as they saw me. Dinumog ako ng mga tao, halos pagtulakan. Unti-unting nagkalat ang flash sa paligid. Halos mapaluha ako sa pagkakasilaw sa mga ito.
Ang ingay, ang sikip, at ang layo sa buhay na pinapangarap ko. Paano ito nakakayanan ni Shiyuri? The chaotic crowd, the puzzling noise, and the smile she needs to keep in order to look happy in front of everybody. It's distressing.
Napakasikat ng kambal ko. Laging nasa kanya ang limelight. Habang ako, nagtatago pero pinagkakaguluhan. Ang kapatid ko, halos palaging may mga body guards dahil nga sa artista ito at hindi p'wedeng dumugin ng mga tao nang basta-basta. Pero ako, mag-isa kong haharapin ito. Palaging lumalabas na walang kasama, kaya kapag pinagkaguluhan, siguradong masasaktan din mag-isa.
Sanay na ako. Sanay na sanay na. Pero hindi ko naman alam na kahit dito ay mangyayari pa ang bagay na 'to. Pagod ako sa biyahe tapos ito ang sasalubong sa akin? I came here to refresh my mind, to find peace, not to get hurt. And it's all because of pretending-being what I'm not, wearing what I will never be.
Nag-unahan ang mga tao sa pagpapa-autograph sa akin. Because of frustration, I accepted their pen, papers, and any other objects, signing with the letters, 'SarCruz'. I don't care about what their reactions will be.
ShiCruz ang aking kapatid pero wala na akong lakas para magbago pa ng pirma. Besides, my signature is beautiful. Para itong magandang ukit lalo sa 'S'. A calligraphy stroke. It's already their advantage.
Minsan lang naman akong pumipirma. Kapag book signing ko lang ito ginagawa at sa loob pa mismo ng sarili kong mundo-k'warto kung saan ko tinatambak lahat ng kayamanan ko. Ini-aaddress na lang sa akin ang mga ito at binabalik ko naman through delivery. Oo, hindi nila ako nakikita. Nagta-trabaho ako nang patago. Sumisikat ako nang palihim. Kung ibabase ko sa followers at dami ng reads ko sa w*****d, hindi na ako matatawag na 'undiscovered'.
Kung sa libro, kailanga'ng maganda ang pirma ko. Ang kapatid ko ay kung saan-saan lang naman siya pumipirma, minsan sa tissue pa-'yun ay kung papatulan pa niya ang kabaliwan ng mga fans niya. Bugnutin pa naman iyon minsan, sinisikap lang maging mabait sa mata ng karamihan.
Sa pagdaan ng minuto ay unti-unti nang sumasakit ang kamay ko pero nang tingnan ko ang paligid ay mukhang hindi ko pa nakakalahati ang mga taong naghahangad sa aking lagda.
"OMG! Sa wakas nalapitan ko na siya nang ganito."
"Oo nga. Ang ganda niya at napakasikat pa. We're lucky that we met her here unexpectedly."
Napakagat-labi ako. Hindi naman ako ang tinutukoy ng mga ito. Kating-kati na akong isigaw na hindi ako si Shiyuri. Hindi ako ang kambal ko. Ako si Sarina. Iba ako. Iba!
"Ang sexy rin niya!"
"Pero para siyang lola ngayon."
"Nadadala naman niya, still. Pero oo, tama ka nga."
Nagpantig sa aking tainga ang mga salitang 'yon na sinabayan pa nila ng pagtawa. Hindi na nahiya, mga nasa tabi ko pa. Nakakarinding malaman na hinahangaan ang kambal ko, habang ako, kinukutya at iniinsulto.
Tagaktak ang pawis ko sa noo. Gusto ko nang umiyak at isigaw na pagod na ako, na ayaw ko na dahil hindi ko na kaya. I am physically and emotionally hurt. Nasu-suffocate na ako sa init at sakit dahil sa mga naririnig. At pagod ako sa biyahe kahit ilang minuto lang iyon.
Nangatog ang nga binti ko. Mukhang hindi ko na kaya. Parang bibigay na ako lalo na nang mas naipit ako sa pagdagsa ng maraming taong nakarinig sa balitang nandito ako, na nandito si Shiyuri.
I suddenly felt weak. I was about to fall on the floor when a pair of arms caught me from falling. Inilayo ako nito sa grupo ng mga tao. Nanlalabo ang paningin ko, hindi siya luminaw-linaw sa aking paningin habang buhat-buhat niya ako sa paglalakad. Ilang minuto lang ay naramdaman kong ipinasok niya ako sa isang sasakyan.
Unti-unting bumalot sa aking katawan ang lamig na buhat ng air-condition ng kotse. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at parang tinambol ng pagkalakas-lakas ang dibdib ko sa aking nakita. Nag-init ako at walang nagawa ang lamig sa akin.
The darkness inside the car wasn't enough not to recognize those tantalizing eyes that I saw years ago. Nakahawak ako sa dibdib ng kaharap ko habang nakapalibot naman ang matitipuno nitong braso sa aking baywang.
We are so near, staring like we really haven't seen each other for years. Tuluyan nang nahulog ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Sorry, Honey. I am late," bulong nito sa akin.
Third Montecarlo . . .
Third . . .Napangiti ako kasabay ng pagpatak ng aking luha. Siya na ba iyan? Hindi ako makapaniwala. If I'm daydreaming right now, can someone pinch me? Can someone wake me up? Because I don't want to stay in this illusion. I might drown.But for second thought, I'd rather think that everything is just a dream, because if it is the reality, then it's clearly not mine. Because Third is my sister's. He was never mine, and never will be.Umangat ang palad niya para punasan ang mga luhang tumulo sa aking pisngi. He doesn't know the reasons behind these tears, but he can make me smile so easily."I am sorry. I'm so sorry." Paulit-ulit niya iyong sinabi na para bang ikamamatay niya ang nangyari. Hindi niya siguro pa kailanman nakitang dinumog si Shiyuri nang ganoon dahil lagi itong may bodyguard kaya sobra na lang ang pag-aalala niya.Well, it happened because I am too unlucky. Ako si Sarina, ang paborito ng kamalasan.I held his hand and looked
Pinagpapawisan ako nang malapot habang pilit nangangapa ng puwedeng idahilan. Nakatingin siya sa akin, halatang naghihintay ng sagot.Napalunok ako. Halos matawag ko na lahat ng santo sa ilalim at ibabaw ng lupa, hinihinging sana ay may malusutan pa ako."Who's she?" ulit niyang tanong.Fish tea. Wala na. I'm still groping for an alibi, or any possible escape! Can he not wait?"T-that's my . . . " It's not even the right time to stutter!Unti-unting tumigil ang tricycle, hudyat na nasa hotel na kami. "Nandito na po kayo," imporma ng driver sa amin.Saved by the bell! Sana ay hindi na ito maungkat pang muli.Bumaba na kami at pumasok. Nang makarating sa kuwarto, ipinatong ko sa tabi ng unan ko ang mga librong binili namin. Surely, my days and nights will never be boring with all of these entertainment stuff."So, it's a science fiction, huh?" Biglang nagsalita si Third habang nakaupo sa gilid ng kama niyang katabi lang ng aking
Mag-iisang oras na akong nakahiga ngunit nagmistula akong estatwa na hindi makagalaw sa kama. What Third did to me is getting into my nerves. Hindi ko inakalang marahas pala siya kapag nagagalit o nagseselos, malayong-malayo sa kalmado niyang mukha.Pagkatapos ng ilang segundong pagdiin niya sa akin sa kama at paghalik buhat ng sobrang galit ay bigla siyang tumigil at ilang ulit na nagmura. I wonder how he did that. Based on his aura, it seems like he cannot able to hold his anger.Mabuti na lang at nakapagpigil pa siya. Kung sakaling hindi ay paniguradong pasa na ang buong katawan ko. Kung sa bagay ay mahal ako ni Third. Mali, mahal niya ang kakambal ko. Siguro ay hindi niya magagawa ang iniisip ko. He's still trying to be decent and so do I.Kahit na halos namanhid ang buo kong katawan ay pinilit kong bumangon para abutin ang phone ko at ikumpirma ang litratong naging dahilan ng pag-hi-hysterical ni Third.I checked Shiyuri's account and scanned her pho
"Stupid and stubborn bratt," Alminaza giggled."Back to you, girl." I rolled my eyes before filling my wine glass with another shot of Martini.I am acting, looking so fine and all, but the truth is I'm really having a bad time copying Shiyuri's facial expressions and gestures. It makes me sick. But being able to stick with it makes me want to compliment myself."So how's his reaction?" May kung anong kislap sa mata ni Ami habang nangungulit pa ng mas maraming impormasyon tungkol sa nangyari kanina.Muli ay nararamdaman ko na naman ang sakit sa dibdib ko. The kind of feeling when I feel that I'm actually in pain knowing that I don't have to. Because chains are too tight and freedom is as blurry as my desire to be true. I am being caged in the midst of unknown and wasn't given the chance to spread my wings and show my existence, not just a mere shadow of my sister."So?" pukaw sa akin ni Ami nang mapansin ang pagkatulala ko.Bakit nga ba kasi
Binati ako ng maingay na plaza at ang nagtatakbuhang mga bata. Halu-halong ingay ang bumabalot sa paligid. Ang ilan ay galing sa kumakalansing na munting kampana mula sa sorbetero, ang ilan ay mula sa mga matitinis na sigaw ng mga bata, pero karamihan sa kanila ay galing sa mga turistang walang tigil sa pagkuha ng mga litrato sa paligid at pagbibigay ng walang humpay na papuri sa ganda ng tanawin.We are sauntering along the Bay Walk, enjoying the wide calm ocean like a pickled sauce savored in a plain radish's leaves."Let's take a sit on the guardrail."Nabaling kay Third ang aking atensiyon at sa kamay niyang nakalahad sa akin. Bahagya pa akong natigilan dahil 'di ko inaasahang kaya niyang umaktong normal sa kabila ng nangyari kanina. The last time I heard him spoke, he just said he's going to make me punished.Pero sa tingin ko nga ay ito na ang parusa niya sa akin—to torture me with his sweet gestures. He's already punishing me without him know
A sudden flash of a camera made me blink my eye. Napasunod ang tingin ko sa isang lalaking may katangkaran habang nakasabit ang DSLR sa kanyang leeg. He smiled apologetically before waving goodbye. Shiyuri's fan, obviously.I just shrugged my shoulders before taking a picture on my own. Maaga kaming nagsimulang mamasyal kasama ang ibang mga writers. Nagtipon-tipon kami sa nirentahan naming sasakyan bago kami lumuwas papunta rito.There are only three universities who attended the trip—sa aking pinapasukang eskuwelahan, sa unibersidad ni Shiyuri, at sa Sigmund kung saan naman nag-aaral si Third.We are approximately fifty. Tamang-tama lang para sa malayong trip na ito. They can't handle too much budget though our universities are evidently rich. Bagaman nagbayad ang ibang students, corruption is rampant nowadays. That's not a surprise. Sometimes even the most respected people on earth can do things that will destroy their beautiful image.Ipinilig ko
I struggled to swallow the last cut of steak I have in my plate. I'm trying to ignore Third's stare but I just can't. My mind can't. Kanina pa siya nakamasid, simula pa nang narinig ang sinabi ni Ami.Alam kong hindi ko habambuhay maitatago ang tungkol sa aking pagkatao. I can't hide Sarina Cruz forever. Pero sana hindi pa ngayon. I just want to end this situation finely. 'Yong walang problema. 'Yong hindi kami mabubuking. It is okay if I get hurt but not the people around me. Because from the first place, it is my fault so I should suffer the consequences. Alone.I didn't actually lie when he asked me because I answered, "Ah, yes. Kapatid ang turingan."Isa pa kasi itong si Alminaza sa mga problema ko. Baka sa susunod tuluyan na talaga akong mabubuking nang dahil sa kanya. What if I tell her instead? Siguro naman maiintindihan niya. Kung gagawin ko 'yon ay p'wedeng matutulungan niya pa akong magtago.But . . . that wasn't a part of the plan. Maybe
Napuno ng sigawan ang buong farm nang ibuka ng buwaya ang bunganga nitong mukhang makalulunok ng isang buong sanggol sa laki. They warned us that we should not approach too much on the area, but some people were born to be stubborn.Crocodile farm is great place to visit especially when someone's planning to write stories with genres thriller and adventures. It awakens the feeling of being thrilled, the excitement. And we can relate much in different aspects of this experience.Tumulak kami papasok sa kagubatan kasama ang tourist guide na kanina pa nagsasalita. She's introducing the animals here and there, together with their designed characteristics. Mabuti na lang at namamasyal lang kami at hindi nagsusulat. I can never start a chapter with this kind of noise. I'm allergic with human noise and I consider it as a big interruption; but the natural noise from the nature is a great motivation."Third." Kinuha ko ang atensiyon ni Third na ngayo'y kasalukuyang nagti
"Ang laki nitong Sunrise Mansion para sa ating dalawa lang," hindi ko napigilang isatinig pagdating namin sa nasabing lugar.Agad na isinayaw ng hangin ang mga hibla ng aking buhok sa segundong tumapak ako palabas sa salaming dingding na naghihiwalay sa bedroom at teresa. Bumungad sa aking paningin ang pamilyar na imahe sa aking harap.The endless horizon, the clear sand, they never fail to soothe me from exhaustion. The view of the dancing waves as they eagerly reach the surface has never lose its beauty. I'm still fascinated and I'll love to watch it whenever possible.We just finished putting our things on their places. We travelled for almost a day. It's a good thing that we took the night trip. Alas nuebe pa lamang ng umaga ay nandito na kami.Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang presensiya ni Third sa likod ko. He snaked his arms around my waist as he rested his chin on my shoulder. The warmth of his body, the tingles that his breathing gives me, and
Side Story (Shiyuri)"Okay, nice!"Flash!"Alright, alright. Good."Flash!"Bend over. Tilt your head to the right. A bit. No no no, that's too much. Konti lang. Ayan, ayan. Okay, 1, 2, 3!"Flash!"Great! Next pose!"There had been a lot of clicks really. Strange. Is the photographer knows what she's doing? Kanina pa ako pabago-bago ng post habang suot ang bagong lingerie na ina-advertise ng Sexy Modest, isa sa mga pinakapaborito kong brand ng lingerie items. When they offered me to be a model of their newly released lingerie designs, I accepted it without hesitation.It's not a simple opportunity! And today is my photoshoot. I'm done with the first two designs --- there are actually three --- and it took us almost two hours already. Hindi pa kasali roon ang pag-se-set up sa studio at pag-aayos sa make-up ko. My goodness! It will be featured in a magazine but but they won't put me in every freaking pa
"He's really good in soccer."Isang tango na may kasamang ngiti ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang ekspertong paggalaw ni Gray sa soccer field kasama ang ibang grade 12 mula sa STEM strand."Naaalala ko noong una ko siyang napanood na maglaro ng soccer, tinamaan ako noon ng bola. Hindi man lang siya nag-sorry."Natawa si Shiela sa sinabi ko. Malutong siyang tumawa at matinis ang boses niya. Kung sa hitsura, mas mature akong tingnan pero mas childish pa rin akong mag-isip kaysa sa kanya."Bakit hindi ko nakita ang side niyang iyon?" parang may patatampo sa tono ng boses niya. "Ang daya naman."Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. May parte sa akin na naiinis kapag naaalala ko kung paano niya ako asarin noon, kung paano niya ako paiyakin dahil sa mga kagagawan niyang nagpamukha sa aking hindi ako karapat-dapat maging prinsesa. Pero may parte rin sa puso ko na natutuwa kapag naaalala ko ang dahilan kung bakit niya nagawa ang lahat ng iyon
[Disclaimer: The following lyrics are taken from the movie "Cinderella"]In a perfect storybook, the world is brave and goodA hero takes your hand, a sweet love will followBut life's a different game, the sorrow and the painOnly you can change your world tomorrowLet your smile light up the skyKeep your spirit soaring high"Trust in your heart and your sun shines forever and ever. Hold fast to kindness— ano ba?!" asik ko nang may biglang humila sa earphone kong nasa kaliwang tainga. Naputol tuloy ang aking pagkanta.Kumibot lamang ang labi ni Ivy bago niya itinaas ang cell phone niya sa harapan ko. I saw in her screen my latest status."#TragicFairyTale," basa niya rito. "What is it all about?"Simple akong nagkibit-balikat. "Wala lang." At muling ibinalik ang earphone sa aking tainga. "Masakit ang ulo ko. Nahihilo ako. Umayos ka riyan."Halos lumipad ang kamao ko sa makulit kong pinsan nang muli
Narinig ko ang pagtunog ng door bell. Pababa pa lamang ako ng hagdan nang makitang pinagbuksan na ito ni nanay Rosing. Nakamasid lamang ako roon hanggang sa makita ko ang pagpasok ng pinaka-guwapong lalaki na nasilayan ko sa balat ng lupa — si Gray Rhodes.He's on his pair of dark slacks and grayish long sleeves covered with black tuxedo. He looks so masculine and chiseled. Pakiramdam ko nagkakasala na ako sa paninitig sa kanya.Nasa kalagitnaan ako ng pagroromansa sa kabuoan niya nang dumako sa akin ang mga mata niya. Wala akong mabasa sa paraan ng panunuri niya, pero isa lang ang alam ko: Hindi pa siya kumukurap."Jesus, what is an angel doing here?" bakas ang pagkamangha sa boses niya. Ako na mismo ang nailang sa sobrang lagkit ng paninitig niya sa'kin."Angel ka riyan!"Nagbaba ako ng tingin at binilisan ang paglalakad. Nang makalapit ako sa kanya ay agad akong nagpasalamat sa damit na suot ko. He has a good taste in fashion."Nagu
Hindi naman ako Kiss 'n Tell na tao. But I cannot say it isn't a good story to tell, that's why I wasn't able to stop myself from telling my friends what have exactly happened on that particular night."Posible pala 'yun? Akala ko sa movies at books lang nag-e-exist ang ganoong mga lalaki. Pa-fictional character naman pala ang peg nitong si Gray, e." Nakahawak pa sa baba niya si Aela habang sinasabi iyon."Hindi rin naman siya hashtag FameWhore, 'no?" mataray na segunda ni Raine. "Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa 'yo?"Natawa na lamang ako sa mga komento dalawa. Pawang hindi sila saludo sa eksplanasyon ni Grat sa akin nang gabing iyon. Dalawang araw na rin ang nagdaan mula no'n, at sa dalawang araw na iyon ay lagi akong nilalapitan ni Gray at nakikipag-usap sa akin ng kung anu-ano. Napansin iyon ng tatlo kaya naman hindi na ako naglihim at kinuwento sa kanila ang nangyari at mga pinag-usapan namin noon.But then, when here I am, expecting them to fee
"Anong nangyari, Ma'am Ylona?" tanong sa akin ng driver kong kadarating lang."M-manong," nanginginig ang boses ko at para na akong nawawalan ng hangin sa dibdib. "Alalayan ninyo po siya papasok ng sasakyan, please. M-may pilay yata siya." May luha nang namumuo sa gilid ng mata ko habang pinagmamasdan si Gray na may dugo sa gilid ng labi, may sugat sa braso, at halos hindi na makatayo."Sige na, Princess. Umuwi ka na. Masakit lang naman ang paa ko, ayos na 'to mamaya. Kailangan ko lang umupo."I was shocked when I heard him call me Princess, but I did not have pay too much attention to it."No! You will come home!" pagpupumilit ko in response to what he has said. "At saka baka bumalik ang walanghiyang 'yun at saksakin ka na nang tuluyan." I couldn't afford to let that happen!Matagal pa bago ko napapayag si Gray na sumama sa bahay. Sabi niyang ihatid na lang namin siya sa bahay nila pero hindi naman ako ganoong tao. Hindi ko hahayaang umuwi siyang
Days have passed so quickly. Hindi ko namalayang nakalahati ko na pala ang isang buwan. Being in this school is just simply priceless. Kung magiging mabuti ang lagay ko rito hanggang sa matapos ang isang buwan, may posibilidad na papayagan na akong mag-aral dito sa susunod na school year.Kasalukuyan akong nagpapahangin ngayon dito sa aking teresa. Ginawan ako ni Ivy ng Facebook account kahapon, ngayon parang hindi ko na mapatay-patay ang cell phone ko. Sunod-sunod ang friend requests na naipadala sa akin, karamihan sa kanila ay ang mga classmates ko lang din. I accepted all of them after all. Wala akong makitang dahilan para hindi.I suddenly thought of changing my profile picture. Ang nilagay kasi ni Ivy ay picture ng bulaklak, hindi ako nagmumukhang tao.I chose a photo that screams beauty and elegance. Something that is a princess ideal because that's what I supposed to be.Ilang segundo pa lamang ang dumaan ay ang dami nang reacts ang display picture
Hindi mapigilan ang aking labi ang magsilay ng ngiti habang sumasabay ako sa malamyos at masayang tunog na nanggagaling sa malalaking speaker dito sa loob ng auditorium. Napapa-indak ako sa bawat bitaw ng beat at napapapikit ako sa bawat high pitch ng musika.Pinaghalong palakpak at sigaw ang namayani nang umabot kami sa pinakamagandang parte kung saan biglang bumilis ang kilos ng aming mga paa at galaw ng aming mga kamay.It is our final performance in our PE3. The ballroom dance we've been practicing is now being performed with audience from lower grades. Kanina ay kinakabahan ako, but music can really remove stress and helps the heartbeat calm and equal, so now I'm enjoying like I own the dancefloor.Masigabong palakpakan ang naghari sa loob ng malamig at maliwanag na auditorium ng paaralan nang sa wakas ay natapos ang kanta. Nakakatuwa. We did the performance perfectly, I guess. Ilang beses namin itong inensayo."Good job, HUMSS-Peridot. May nagawa ri