Share

Kabanata 26

Alas-otso na ng gabi nang dumating ako sa bahay. I wandered around while thinking how can I get away from all these shits. And now I'm home, I realized I cannot really runaway. I stand and I deal.

Binuhay ko ang ilaw sa sala. Umupo ako sa mahabang sofa at hinayaang kagatin ako ng mga lamok. I want to feel numb once again.

"Pakalat-kalat ang mga lamok na may dalang dengue. Alam kong alam mo 'yon, pero walang silbi ang katalinuhan ng utak kung walang katalinuhan sa gawa."

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang kapatid kong nakasandal sa pader, nakahalukipkip at nakatingin sa akin.

"Shiyuri—"

"Don't," Shiyuri stopped me. "Nagalit ako sa ginawa mo. Nagkasala ka sa akin kaya ako nagsinungaling tungkol sa ginawa mong pagpapanggap. You betrayed me, I blamed you. Patas na tayo." Hindi pa ako sumasagot pero tumalikod na siya. Akmang aakyat na ako sa kuwarto nang muli siyang nagsalita. "May pagkain sa lamesa." At tuluyan na siyang umalis.

Kumibot

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status