“MA, ALIS na po ako!” sigaw ko kay Mama.
“Sige mag-iingat ka!”Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa waiting shed kung saan maghihintay ako ng jeep. Pupunta kasi ako ng mall para bumili ng mga gamit para sa eskwela. Magpapasukan na kasi e.“Hi, Miss.” Napalingon ako sa nagsalita. Sino naman 'tong isang 'to?“Ah, hi.” Pilit akong ngumiti sa kaniya kahit hindi ko siya kilala. Baka isang budol ‘to. Iba pa naman ang mga tao ngayon. Kaya hindi ako basta-basta nagtitiwala sa kanila e.Nang may dumating na jeep ay umakay na ako agad dahil baka sundan pa ako ng lalaki. Nang makaupo na ako ay may nakita akong magjowa na wagas kung maglambing. Tumaas ang kilay ko sa kanilang dalawa na kaharap ko lamang.Ayaw na ayaw ko ‘yong makakita ako ng magjowa na wagas kung maka-PDA o maglambing lalo na sa matataong lugar kagaya nito.“Walang forever, maghihiwalay rin kayo,” sabi ko sa isip ko. Napairap na lamang ako.I hate couples!Naniningkit na ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Bakit ang tagal kong makarating sa mall? Sinadya ba ‘to ng tadhana para mainis ko sa dalawang magjowang ‘to?“Nandito na po tayo,” anunsiyo ng kunduktor. Lumabas na ako ng jeep dahil baka masabunutan ko pa ‘yong babaeng ‘yon. Hindi man lang sila nahiya, kung makapaglambing akala mo silang dalawa lang ang nasa loob ng jeep. Mga tao nga naman.Pagkababa ko ng jeep ay pumasok na ako sa mall. Dumiretso ako sa isang kilalang bookstore dito. Kumuha muna ko ng basket para may paglalagyan ako ng mga gamit ko.Nakapili na ako ng mga gamit at kulang na lang ay notebook. Nang makita ko na ang notebook na natitipuhan kong bilhin ay dadamputin ko na sana ito nang may biglang humawak sa notebook na napili ko. Nahawakan niya ang kamay ko dahil ako ang naunang humawak sa notebook.Dahan-dahan akong lumingon sa humawak sa kamay ko. Jusko ang gwapo ni kuya! Parang mahihimatay na ata ako sa sobrang gwapo!Erase, erase kailangan kong makuha ng notebook ko kahit gwapo pa siya.“Ah, excuse me kuya ako po ang nauna nito kaya akin na,” nakangiting sambit ko sa kaniya. Pinilit kong kunin ang notebook mula sa kamay niya ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya.“Kuya, ako po ang nauna.” Pinipilit ko pa ring kunin pero malakas talaga siya.Pipi ba ‘to? Hindi nagsasalita e.“Ah miss akin na ‘yang notebook ko.” Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Notebook niya? In fairness ang gwapo niyang magsalita.“Anong sa ‘yo? Ako ang naunang nakahawak nito e tingnan mo.” Tinuro ko ang isang kamay ko sa notebook. Ngumisi ang lalaki. Sa totoo lang, nakakainis ang mga ngisi niya.“Miss akin ‘to.” Inaagaw na niya ang notebook pero hinigpitan ko ang pagkakahawak nito kagaya ng sa kaniya.“Bulag ka ba? Nakita mo namang ako ang naunang humawak nito e. Akin nga sabi ‘to e!” sigaw ko.Nag-agawan pa rin kami at mukhang bukas pa ata kami matatapos nito.“That’s mine,” sabi niya. Kahit pogi ka, hindi pa rin ako magpapatalo sa ‘yo“Hoy! Anong that’s mine that’s mine ka riyan? Akin to e!”Nag-agawan pa rin kami at natigil ang pag-aagawan namin nang may dumating na sales lady. Saved by the bell.“Anong pong nangyayari dito?” tanong ng sales lady.“Eto kasi eh kinukuha niya ang notebook ko,” sabi ko.“Ako ang nauna sa ‘yo.”“Ano?” Sinamaan ko siya ng tingin. “Ikaw nga ‘tong nakahawak sa kamay ko tapos ikaw pa ang nauna?”“Ako nga!” sigaw niya.“Ako nga sabi e!”“Teka kalma lang po kayo. Miss kailangan niyo pong ibigay sa kaniya ng notebook na ‘yan dahil sila po ang may-ari ng book store na ‘to.” Napanganga ako sa narinig ko.“Ano?”I saw him smirked. “See? Sabi ko naman kasi sa ‘yo na akin ‘yan.” Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Simpleng notebook lang, aagawin pa niya. Hmp!“Ito!” Binato ko ito sa dibdib niya. “Saksak mo ‘yan sa baga mo! Tse!”Mabilis kong dinampot ang basket at pumunta sa counter ng bookstore. Mabilis ko namang binayaran ang pinamili ko at lumabas na sa walang kwentang bookstore. Nang makalabas na ako sa bookstore ay bumuntong-hininga muna ako. Kalma lang Leslie, kalma lang.Kinuha ko ang cellphone ko na nasa loob ng sling bag ko at sinimulan ko nang tawagan ang best friend kong si Daphne.“Hello?”“Nasaan ka na ba?” Hindi ko pa kasi siya nakikita rito sa loob ng mall.“Nasa loob na ako. Nasaan ka ba? Kanina pa kita hinahanap.”“Nandito ako sa labas ng walang kwentang bookstore.""Anong walang kwentang bookstore? Saan ba ‘yan?” Sinabi ko sa kaniya kung nasaan ako. “Sige pupuntahan na kita riyan,” huling sambit niya bago pinatay ang tawag.Ilang minuto na ang nakaraan at wala pa ring Daphne na nagpakita sa akin. Kanina ko pa tinitignan ang wrist watch ko. Naku anong oras na!“Sorry natagalan ako.” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Daphne na papalapit sa akin.“Buti alam mo,” umirap ako at nagkibit-balik sa harap niya.“Ito naman galit na agad. Ang mahalaga nandito na ako.”“Osiya halika na,” pag-aayaya ko.“Saan naman tayo pupunta?”"Sa kabilang bookstore," tipid na sagot ko.“Bakit naman? Kakagaling mo lang doon a?” sambit niya sabay turo sa bookstore na pinanggalingan ko.“Ayoko riyan sa bookstore na ‘yan. Napakawalang kwenta. Nakipag-agawan pa ako sa gwapo at sinabi ba naman ng sales lady na ibigay ko na lang daw sa kaniya kasi 'yong gwapong lalaki pala ang may-ari ng lintik na bookstore na 'yan," lintanya ko. Napatango na lamang si Daphne. “Halika na, nauubos na ang pasensya ko.” Hinila ko na siya at nagtungo na sa second floor ng mall. Mabilis lang kami nakabili ng notebook dahil konti lang tao rito.“Girl, alam mo ba na may bagong bukas na bar malapit dito sa mall?” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bagong bukas na bar?“Hindi ko alam,” sabi ko.“Girl, punta tayo mamayang gabi,” pag-aayaya niya.“Sige ba,” sagot ko. Kailangan ko munang uminom ng alak para mawala ang stress ko roon sa nangyari kanina. Beer ismy stress reliever.Lumipas na ang gabi at nandito pa rin kami ni Daphne sa mall. Pampalipas oras lang daw sabi niya.“Girl, halika na.” Hinila na naman niya ko palabas ng mall. Walking distance lang naman ang mall papunta sa bar kaya naglakad na lang kami.Pagpasok namin sa loob ay marami nang tao. May nagbabanda, may nagsasayawan, may umiinom na kasama ang barkada nila at may umiinom nang mag-isa. Brokenhearted siguro. Wala talagang forever.“Dalawang basong alak nga ‘yong pinakamahal ha?” sabi ni Daphne. Mayaman kasi si Daphne kaya mamahaling alak ang binibili niya. Nasa counter kami ng bar kung saan may available na mga alak. Binigay na samin ng bartender angalak na inorder ni Daphne.“Ito Girl, i-try mo ‘to masarap ‘yan,” alok niya sakin at kinuha ko naman iyon.“Hindi ba ‘to matapang?” naniniguradong tanong ko.“Hindi. Na-try ko na ‘yan at hindi siya matapang. Trust me.” Dahil sa sinabi ni Daphne ay nilagok ko na ang alak. Parang masusuka na ako dahil sa tapang. Grabeng ubo ang ginawa ko.“Girl, okay ka lang ba?”“Sabi mo hindi matapang e parang masususka na ako sa sobrang tapang. Pwe!”“Parang hindi naman matapang sa akin,” sabi ni Daphne.“Magka-iba tayo ng taste!” bulyaw ko .“Pasensya na, hindi ko naman alam eh.” Ngumisi pa ang bruha.“Tss.”Lumipas ang ilang minutong pananahimik namin. Bumuntong-hininga muna ako bago ako nagsalita.“Isa pa ngang alak,” sabi ko sa bartender. Binigay niya naman ito at nilagok ko na ito agad. “Isa pa,” sabi ko ulit. Kanina parang masusuka ako sa tapang, ngayon parang naadik nako sa alak na ‘to.“Girl, hinay-hinay lang.” Binalewala ko ang sinabi ni Daphne at nagpatuloy na lamang. Nakailang kuha na ako ng alakat parang nahihilo na ako. Parang ang mga mata ko ay nanlalabo na. Lasing na ba ako?May nakita akong magjowa na pumwesto sa ‘di kalayuan mula sa inuupuan ko at umorder ng alak.“Psst!” sitsit ko. Hindi nila ako pinansin. Sumitsit ulit ako ngunit hindi pa rin nila ako napapansin. Parang hindi nila ako naririnig dahil busy sila paglalambing. I really hate couples! Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanilangdalawa.“Hoy kayong dalawa,” tawag ko sa kanila. Akma na sanang hahalikan ng lalaki ang babae nang marahan kong tinulak ang babae palayo sa lalaki.“Miss, ano ba’ng problema mo?” tanong ng lalaki.“Wala,” tipid na sagot ko.“Wala naman pala edi umalis ka na! Sinisira mo ang date namin.”“Date? May date bang ginagawa sa bar?” tanong ko.“Aba’y sumasagot ka pa a.” Sasampalin na sana ako ng lalaki pero nang makita ko na natatanggal na ang sintas ng sapatos ko ay agad akong yumuko para ayusin ito."Ouch!"Sino ‘yon?“I-I’m so sorry babe hindi ko sinasadya,” paumanhin ng lalaki sa babae. Teka, siya ba ang nasampal ng lalaki? Agad akong tumayo ng tuwid para humarap sa kanilang dalawa.“I hate you!” sigaw ng babae.“Ikaw!” Tinuro niya ako. “Ikaw ang may kasalanan nito!” galit na sigaw ng lalaki. Galit na galit na ang mga mata niya.“Anong ako?” gulat na tanong ko. Nag-aayos lang ako ng sintas e tapos pagbibintangan na niya ako? Wrong move ‘yan ‘tol!“Oo ikaw. Kung hindi dahil sa ‘yo, hindi magagalit sa akin ang girlfriend ko!”“Sino ba ang nakasampal? Ako ba?” tanong ko sa lalaki.“Pasensya na po lasing lang po talaga siya,” pagsisingit ni Daphne. Pilit niya akong hinihila palayo pero pilit ko ring makawala sa kaniya.“Hindi ako lasing! Ano ba!” Kinakalas ko ang pagkakahawak niya pero pilit niya pa rin akong hinahawakan. “Walang forever! Maghihiwalay rin kayo! Tandaan niyo ‘yan!” sigaw ko sa kanilang dalawa.“Halika na, Leslie.” Tuluyan na kaming nakalabas sa bar. Pilit niya akong pinapapasok sa kotse niya at tuluyan na nga akong nakapasok.UNTI-UNTI nang lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. This is it pancit! Mahahalikan ko na siya.“Leslie, bangon na tanghali na!” Isang malakas na pagsabog ang narinig ko. Pagsabog nga ba? “Leslie, tanghali na!”Parang umaalog ako. Lumilindol ba?“Ayaw mong gumising a.” Bakit parang may nagsasalita?“Ma naman!” hiyaw ko. Binusuhan lang naman ako ng malamig na tubig sa mukha ko. Ang lamig!“Ayaw mong gumising e. Teka, bakit ngumunguso ka kanina?”Wait, panaginip lang ba ‘yon? Sayang!“W-wala. Bakit mo ‘ko ginising, Ma?” tanong ko. Natutulog pa ako e,” dagdag ko ulit.“May pasok ka ngayon, hindi mo ba alam?” pabalang na tanong ni Mama sa akin.“Sh*t!” bulalas ko. Dali-dali akong bumangon at pumunta sa CR para maligo. Hindi ko alam na ngayon na pala ang unang pagpasok namin sa eskwela. Bakit parang nahihilo ako? Anong nangyari kahapon? After kong maligo ay dali-dali akong nagbihis. Ayoko ma-late sa first day of school ngayon. Paglabas ko ng kwarto pagkatapos kong magbihis ay tumambad na
“SORRY am I late?" Parang uusok na ang ilong ko sa inis dahil sa nakita ko. Hanggang kailan niya ba ako lulubayan? Nakakainis na siya a!“Ikaw na naman?” magkasabay naming tanong.“Do you know him, Miss Magtrano?” Ms. Angeles asked me.“Naku hindi po!” Umiiling sa sagot ko. Bumalik na ako sa sarili kong upuan at ang best friend kong si Daphne ay binigyan ako ng malisyosong ngiti.“Girl, kilala mo siya?”“Siya ‘yong nakipag-agawan sa akin ng notebook kahapon at siya rin ‘yong muntik nang makasagasa sa akin kanina," usal ko.“Siya? Ang gwapo naman!” mahinang sigaw niya. Pinalo pa niya ako sa braso. Ang sakit no’n a!“Gwapo nga pero ang sama naman ng ugali.”“Naku, Girl, destiny na ‘yan.” Sinusundot pa ako sa tagiliran.“Anong destiny ka riyan? Nagkataon lang,” sambit pero ang magaling kong best friend mukhang hindi naniwala. Natigil ang pag-uusap namin ni Daphne nang magsalita si Ma’am“Come in and introduce yourself.”Lumapit na ‘yong lalaking sa harap. Ang mga kababaihan naman dito
NANG MATAPOS ang aming klase sa naunang dalawang subject ay tumunog na ang bell, hudyat na recess time na. “Girl tara na,” pag-aayaya ni Daphne sakin. “Saan?” “Naku! Edi sa cafeteria.” “Alam ko naman pero bakit mag-aayaya ka pa e pupunta naman tayo doon. Tsk!” Hindi na siya nagsalita subalit hinila na niya ako papuntang cafeteria. Ang hilig niya talagang manghila. Dahil sa tindi ng paghihila niya ay nakarating kami agad sa cafeteria. As usual maraming tao kaya pinili na lang naming umupo sa bakanteng table na ‘di kalayuan sa counter. “Girl, wait lang tatawagan ko lang si Drake,” masiglang sabi niya. Hindi ko na nagawang magsalita nang nawala na siya ng parang bula. Saan naman kaya ‘yon susuot? Si Drake ay boyfriend ni Daphne. Kahit nagtitimpi ako sa mga couples, siyempre exempted na sila Daphne kasi alam niyo na best friend ko siya ‘di ba? Pero tutol talaga ako noon sa relasyon nilang dalawa, bakit? Kasi alam kong sasaktan lang niya si Daphne in the near future. Nangako naman
LUMAKI AKO na may paniniwalang, ang mga lalaki ay isa lamamg instrumento para saktan ang mga babae. Paano ko nasabi? Simple lang. Bitter lang akong tao.Lahat kasi ng nakikita kong babae ay palagi silang umiiyak nang dahil lang sa isang lalaki. Kaya tutol ako sa mga nagmamahalan kasi naaawa na ako sa mga babaeng umiiyak. Hindi ko man na-experience ang magmahal sa isang lalaki pero nakikita ko kasi kung paano nila saktan ang mga babae.Hindi ko makakalimutan ‘yong babaeng umiiyak sa isang food chain. Lalo no’ng sinabi niya ang dahilan ng pag-iyak niya. Doon na ako naging bitter. Hindi ko na rin pinaniniwalaan ang salitang forever mula no’ng araw na iyon.[FLASHBACK]Naglalakad ako pauwi ng bahay kasi ginabi na ako ng uwi. Habang naglalakad ako sa tapat ng isang food chain ay may nakita akong babaeng umiiyak sa labas ng food chain. Wala nang tao food chain kasi sarado na ito.Nakaupo siya sa sahig habang umiiyak. Anong nangyari sa kanya? Nanakawan? Naglayas?Kaya hindi ko na mapigilang
“CHOLO?” tanong ko pagkarating ko sa bahay. Nasaan naman kaya ang asungot na ‘yon?“Ate, nandyan ka na pala,” bati niya sa akin. Kakalabas niya lang galing sa kwarto.“Nandoon na ba sila sa palengke?” tanong ko. Tinutukoy ko sina Mama at Papa.“Opo. Ate, may assignment pala ako tungkol sa division.”“Cholo, pwede bang mamayang gabi na lang ‘yan kasi alam mo naman na busy ako sa palengke ‘di ba?”“Oo naman ate pero ‘wag mo lang kakalimutan ha?”“Oo na.” Ginulo ko ang buhaghag niyang buhok at umakyat na ako sa ikalawang palapag ng bahay namin para magbihis. “Cholo, alis na ako!” paalam ko. “Ikaw na ang bahala sa bahay ha?”“Oo naman ate makakaasa ka.” Nag-thumbs-up pa siya.Umalis na ako ng bahay at naglakad na naman papunta sa palengke. Ito ang routine ko pagkauwi ko galing eskwela. Nakakapagod din minsan pero kapag pamilya ang pag-uusapan, gagawin ko. May tumawag sa akin pagkalabas ko ng gate. “Leslie!”Lumingon ako at nakita ko ang pinsan ko na tila nag-aabang sa akin. “Oh bakit?”
MINSAN may mga bagay talaga na kaya mong paghirapan para sa pamilya mo. Kahit nakakapagod man basta may dedikasyon ka, wala kang mararamdamang pagod.Palagi kong inisip ang pamilya ko kahit nasa CR ako iniisip ko pa rin sila. Ganyan ako ka-family oriented. Sabihin na lang natin na pasaway ako minsan pero matulungin naman ako hehe. Para sa pamilya mo, gagawin mo pa rin kahit may hahadlang sa ‘yo. Iniisip ko, paano kung wala ang mga magulang ko ngayon, may Leslie Magtrano pa ba ang magtatanggol sa mga babaeng sinaktan? Ang corny ng iniisip ko ‘no?Nagpapasalamat ako at may pamilya pa ako, ‘yong iba nga riyan wala ng pamilya. May pamilya akong palaging masaya kahit may problema silang hinaharap. Hayy buhay!Kumakain ako ng banana cue ngayon kasi palagi ko itong kinakain kapag nandito ako sa palengke. Marami kang mapagpipilian dito, may fish ball, kwek-kwek, taho, turon at marami pang iba. Lahat ng nabanggit ay paborito ko lahat. Habang kumakain ako ay napatingin ako sa isang sasakyan n
ANG MGA MAGULANG natin ay parang pari kasi pwede tayong kumausap sa kanila tungkol sa mga problema natin sa buhay.Para sa akin, mahalaga ang pamilya ko. Sila ang karamay ko sa lahat ng bagay. May kaibigan man ako na pwedeng magbigay ng magpayo sa akin pero iba pa rin talaga pagdating sa pamilya.“Anak, pagbutihin mo ang pag-aaral mo dahil ‘yan lang ang kaya naming ipamana sayo” sabi ni Mama. Si Papa naman ay nagpaalam na kasi kailangan niyang mag-CR. Uminit na ang mata ko, alam ko na tutulo na rin ang mga luha ko.“Alam niyo naman na ginagawa ko ito para sa inyo, Ma.” Kusa nang nagsituluan ang mga luha ko. Pagdating sa masinsinang usapan tungkol sa pamilya ay nagiging emosyonal ako.“Alam naman natin na mahirap lang tayo pero walang masamang mangarap ‘di ba anak?”“May kasibihan nga na ang mahihirap ay maraming pangarap kaya fight lang ng fight!” sabi ko habang nangingibabaw pa rin ang luha. Napatingin sa akin si Mama at tila nag-aalala siya.“Oh bakit ka umiiyak?” tanong niya.“Ah w
MAAGA akong nagising hindi dahil excited ako o ano. Basta, maaga lang akong nagising. Naligo na agad ako matapos kong bumangon sa kama. Matapos kong maligo ay nagbihis na ako at lumabas na ng kwarto.“Oh anak, ang aga mo naman atang nagising,” sabi ni Mama nang maabutan ko siyang nagluluto ng agahan.“Ayoko ma-late e.”Nagsimula na akong magmedyas at magsapatos. Tamad kasi akong magsapatos kapag tapos na akong maligo kaya sa sala na ako nagsasapatos."Kumain ka na anak,” pag-aaya sa akin ni Mama at pumunta na ako sa kusina.“Giniling ba yan, Ma?”“Oo anak, kasi nakapag-grocery ako kahapon kaya naisipang kong bumili ng giniling. Gusto mo bang ibaon ito?”“Sige Ma, alam mo namang paborito ko ‘yan,” sabi ko.“Ma, nasaan po si ate? Wala po kasi siya sa kwarto niya kanina,” tanong ni Cholo“Kumakain na ang ate mo,” sagot ni Mama sa kaniya.“Bakit mo ako hinahanap?" ako naman ang nagtanong.“Wala.”“Kumain ka na rito Cholo baka ma-late ka pa,” pagsasabat ni Mama at naupo na rin siya. Sinim
Leslie's POVARAW ang lumipas mula nang pumunta sa bahay namin si Phillip. Nasauli ko na rin ang jacket niya pero agad niya ring binalik sa akin. Nagtaka nga ako kung bakit pero sabi niya akin na lang daw 'yon.Kahit kailan talaga 'yong lalaking 'yon.At araw rin ang lumipas nang naging busy ako sa trabaho ko sa Golden Empire. Ngayong linggo ata naging abala ako sa trabaho. Madaling araw na akong nakakauwi sa bahay at pagdating sa school ay puyat ako. Natutulog lang ako sa classroom at hindi na rin ako nakikinig sa mga tinuturo nila sa amin. Ngayon nga ay pasado alas diyes na ng gabi at nandito pa rin kami sa opisina. Todo xerox ako sa mga binibigay sa aking dokumento at mas dinoblehan ko na ang bilis ko kompara sa dati.Hindi pala madali ito.Sa ilang linggo kong pananalagi dito ay ngayon ko lang na-realize na hindi pala madali ang ginagawa dito sa kompanya. Kahit 'yong matataas na rango sa akin ay sobrang abala rin sa kanya-kanyang ginagawa. Sina Aira at Maecah ay hindi na bumibisi
Leslie's POVMabilis lumipas ang mga araw at kahit ngayon ay hindi ko pa rin makakalimutan 'yong nangyari noong paghalik sa akin ni Rey. Kahit palagi niya akong nakakasalubong, ngingiti 'yon at para bang walang nangyaring paghalik sa akin 'yong tao. Palagi ring bumabagabag sa isip ko ang katanungang, may gusto rin kaya siya sa akin? Hindi mawala-wala sa isipan ko ang tanong na 'yan. Hindi na nga ako nakakatulog sa gabi sa kakaisip nun. Sinong hindi magugulat na bigla ka na lang hinalikan nung tao at first kiss ko pa siya ah. "Leslie, ano pang ilalagay namin dito?" Tanong ng kagrupo kong si Ivan.Linggo ngayon at wala akong pasok sa trabaho ngayon at kasalukuyan kaming nagdedesign sa assigned project namin dito sa bench ng school. At bilang leader nila (bobong leader to be exact haha), ako 'yong nagmamanage ng mga gagawin namin."Marami pa, hintayin muna natin si Phillip nasa kasi kanya 'yong pinapabili natin eh." Sagot ko. "Ang tagal naman ni Phillip," naiinip na tugon ni Jane, k
Leslie's POV"ATE, kanino 'yong magarang cellphone na nasa kama mo?" Tanong sa akin ni Cholo habang nasa hapag kainan kami, naghahanda na para pumasok sa eskwela."Sa akin," sagot ko nang may sinusubong pagkain."Talaga?! Sa'yo 'yon?!""Ito naman, parang hindi ka makapaniwala ano?""Nasaan ba 'yong dating cellphone mo at saan mo nakuha 'yan? Sweldo niyo na ba kaya nakabili ka ng mamahaling cellphone?" Usisa niya."Nasira kasi kahapon 'yong luma. Ito naman," sabay pakita sa kanya nitong cellphone ko. "... bigay sa akin ng k-kaibigan ko, oo bigay niya hehe." Nauutal na sambit ko.Bakit ang hirap bigkasin ang salitang kaibigan?"Kaibigan mo? Si ate Daphne ba?""H-Hindi.""Eh sino?""B-Basta kaibigan ko," sambit ko dito at sabay inom ng tubig."Baka bigay ng boyfriend mo?" Muntik na akong masamid dahil sa sinabi niya.Huk!"A-Anong boyfriend ka dyan?! Ni wala nga akong boyfriend eh!" Nauubong sabi ko."Okay ka lang ba, Ate?""Ikaw ba naman ang gulatin at masamid, sa tingin mo okay lang ak
Leslie's POVHindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito sa hawak ko. Hindi naman sa first time kong makahawak ng Iphone at hindi marunong gumamit nito pero iba kasi sa pakiramdam na may nagbigay nito sa akin.At sa tao pa na kinaiinisan ko.Hindi ako mapalagay. Tinitigan ko lamang ang ito at masusing pinagmasdan. Kasalukuyan akong nagpapa-photocopy nitong mga nakatambak na mga papeles at nanatiling nasa hawak ang atensyon ko.Tungkol doon sa inalok niyang kapalit, hindi na ako nag-atubiling tumanggi pa dahil kailangan ko rin ng panibagong magagamit na cellphone. Nung una, nagdalawang-isip ako sa magiging desisyon ko pero nakikita ko sa kanya ang sinseridad sa kanyang mga mata kaya pinagbigyan ko siya kahit labag sa pride ko.Lakas maka-pride 'no? Pride chicken, gusto mo?Napagdesisyunan kong buksan ang laman ng paper bag na hawak ko. Karton lang naman ang cellphone ang laman nito maliban sa...Ano 'to?May namataan itong isang papel at isang makapal na papel na sa tingin ko ay lalagya
Leslie's POVNakakapagod!Sobrang nakakapagod!Unang gabi ko pa nga lang sa trabaho pero parang bibigay na ang katawan ko sa sobrang pagod. Biruin mo, buong gabi akong pinapapunta sa kung saan-saang floor ng mga nagpapautos sa akin. Tignan natin kung hindi bibigay ang katawan mo nun.Kaya ang ending, inaantok pa akong bumangon sa kama ko. Parang hinahatak ulit ako nito at pilit pinapabalik sa pagkakatulog. Pero kailangan kong magising ng maaga kasi may pasok pa ako.Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at hindi na ako nagulat sa itsura ko ngayon. Para akong multo na ngayon lang nagpakita dahil bagsak ang mga mata ko, sabog ang buhok, at kumikilos na parang patay.Panget ka na nga, mas pumanget ka pa ngayon.Bigla nalang nagising ang diwa ko nang may naalala ako. 'Yung lalaki kagabi sa may elevator!Bigla na lang kasi niya ako kinausap at ako naman ay nagulat sa paglitaw niya."We meet again."'Yan ang sinabi niya na hindi ko maintindihan. Ano daw? We meet again eh kagab—teka... n
Leslie's POVNaalimpungatan ako ng gising at kitang kita ko ang sinag ng araw na dumapo sa katawan ko. Napagdesisyunan ko nang bumangon at gawin ang daily routine ko. Lunes na naman at papasok na ako sa school at pati na rin sa trabaho ko.Pagkauwi ko galing sa kompanya na pinag-apply-an ko ay doon ko din sinabi kina Mama at Papa na nag-apply ako sa nasabing kompanya. Nung una nagalit sila sa akin dahil nagsinungaling ako at hindi man lang ako nagsabi sa kanila kumbaga nagpadalos-dalos lang ako. Pero tinanggap na rin nila dahil gusto ko rin makatulong sa kanila at naiintindihan rin naman nila ang punto ko bilang mga magulang.Ang hindi ko lang maintindihan ay ang mga reaksyon nila. Imbis na galit ang dapat una kong makita, gulat ang kinalabasan. Bakit gulat na gulat sila nang banggitin ko 'yong kompanya? Dahil ba bihira lang sila tumanggap ng empleyado at nakatsamba lang ako? Hehe parang ganon na nga siguro 'yon.Matapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto ko at tingungo ang kus
Leslie's POV"Halika at tuturuan kita," sumunod naman ako.Tinuro niya ang mga kailangan at hindi dapat gawin sa pag-operate nitong machine. Nung una, nalilito pa ako pero kalaunan ay natuto na ako. Medyo humigit isang oras din ang tinaggal bago ito natapos at nagutom ako.Shet, paano ba 'to?"Ayaw na ayaw ni Sir ang hindi naka-uniporme sa oras ng trabaho kaya susukatan ka na ng uniporme ngayon para sa susunod na linggo ay magkakaroon ka na." Sambit niya habang naglalakad kami sa kung saan. Sa tingin ko doon sa pasukatan ng damit.At tama nga ako, pumasok kami sa loob at iniwan niya ako sandali para kausapin ang sastre doon.Shet, nagugutom na ako. Paano ko sasabihin kay Miss Gina 'to? Baka kusa na lang itong kukulo 'tong tiyan ko.Hindi lang ako mag-isa dito dahil may kasama rin akong mga empleyado ata na naglilinis dito sa loob. Hawak ang tiyan ko ay pinilit kong ngumiti sa kanila para hindi nila mahalata na nagugutom na ako.Siguro sasabihin ko na lang kay Miss Gina pagbalik niya d
Leslie's POVGABI na nang maabutan ko sina mama at papa na nakaupo sa upuan at mukhang problemado dahil sa sinapit kanina lamang."Oh, nariyan ka na pala anak," bungad sa akin ni mama at napalingon naman sa akin si papa."Halina't maghapunan na tayo," saad naman ni papa. "Wala po akong gana." usal ko dire-diretsong naglakad papasok ng bahay."Anak, alam namin na nasaktan ka sa nangyari kanina at hindi lang ikaw, kami rin ng papa mo. Ang maaari lang nating gawin ngayon ay tanggapin ang nangyari. Hindi na maibabalik ang nasira na, anak." puna ni mama."Naintindihan ko naman po pero sobra na po ang ginawa nila." napayuko na lang ako."Alam namin, pero nangyari na ang nangyari," si papa naman ang nagsalita."Kaya anak, 'wag ka nang magtampo sa amin ng tatay mo. Pati na rin kami nasasaktan dahil sa ginawa mong paglayo.""Pasensya na po.""Kumain na tayo anak," nagmamakaawang aya ni Mama."Busog pa po talaga ko 'Ma, kayo na lang po. Mauna na po ako," tinalikuran ko na sila at tinungo ang k
Leslie's POVWHO would you've thought na nagtatanong lang 'yung lalaki sa akin kanina? Akala ko naman kasi na kikidnapin na niya ako.Sinong hindi kakabahan di ba?Natawa tuloy 'yung lalaki kanina sa itsura ko. Pahamak 'yung suot niya eh, puro black ayan tuloy napagkamalan nang kidnaper.Psh!"Ate, patulong dito sa assignment ko.""Sige, anong subject ba 'yan?" tanong ko sa kapatid ko."Math po," sagot niya."Sus, sisiw lang 'yan eh.""Edi ikaw na ang magaling.""Eh kung batukan kaya kita? Nasa'n na ang assignment mo?""Ito oh," inabot niya sa akin ang notebook niya at nagsimulang magsulat.Nasa salas kami ngayon at kumakain ng meryenda. Habang gumagawa ako ng assignment niya ay tinuturuan ko rin siya kung paano magsolve ng problem. Ang dali-dali lang, hindi pa makuha. Psh! Dapat gayahin niya ako na magaling sa solving hehe.Matapos ko siyang gawan at turuan ay nanood na rin ako ng TV kasama si mama na katabi si papa at 'yung kapatid ko naman ay inaayos niya ang gamit niya na naiwan d