LUMAKI AKO na may paniniwalang, ang mga lalaki ay isa lamamg instrumento para saktan ang mga babae. Paano ko nasabi? Simple lang. Bitter lang akong tao.Lahat kasi ng nakikita kong babae ay palagi silang umiiyak nang dahil lang sa isang lalaki. Kaya tutol ako sa mga nagmamahalan kasi naaawa na ako sa mga babaeng umiiyak. Hindi ko man na-experience ang magmahal sa isang lalaki pero nakikita ko kasi kung paano nila saktan ang mga babae.Hindi ko makakalimutan ‘yong babaeng umiiyak sa isang food chain. Lalo no’ng sinabi niya ang dahilan ng pag-iyak niya. Doon na ako naging bitter. Hindi ko na rin pinaniniwalaan ang salitang forever mula no’ng araw na iyon.[FLASHBACK]Naglalakad ako pauwi ng bahay kasi ginabi na ako ng uwi. Habang naglalakad ako sa tapat ng isang food chain ay may nakita akong babaeng umiiyak sa labas ng food chain. Wala nang tao food chain kasi sarado na ito.Nakaupo siya sa sahig habang umiiyak. Anong nangyari sa kanya? Nanakawan? Naglayas?Kaya hindi ko na mapigilang
“CHOLO?” tanong ko pagkarating ko sa bahay. Nasaan naman kaya ang asungot na ‘yon?“Ate, nandyan ka na pala,” bati niya sa akin. Kakalabas niya lang galing sa kwarto.“Nandoon na ba sila sa palengke?” tanong ko. Tinutukoy ko sina Mama at Papa.“Opo. Ate, may assignment pala ako tungkol sa division.”“Cholo, pwede bang mamayang gabi na lang ‘yan kasi alam mo naman na busy ako sa palengke ‘di ba?”“Oo naman ate pero ‘wag mo lang kakalimutan ha?”“Oo na.” Ginulo ko ang buhaghag niyang buhok at umakyat na ako sa ikalawang palapag ng bahay namin para magbihis. “Cholo, alis na ako!” paalam ko. “Ikaw na ang bahala sa bahay ha?”“Oo naman ate makakaasa ka.” Nag-thumbs-up pa siya.Umalis na ako ng bahay at naglakad na naman papunta sa palengke. Ito ang routine ko pagkauwi ko galing eskwela. Nakakapagod din minsan pero kapag pamilya ang pag-uusapan, gagawin ko. May tumawag sa akin pagkalabas ko ng gate. “Leslie!”Lumingon ako at nakita ko ang pinsan ko na tila nag-aabang sa akin. “Oh bakit?”
MINSAN may mga bagay talaga na kaya mong paghirapan para sa pamilya mo. Kahit nakakapagod man basta may dedikasyon ka, wala kang mararamdamang pagod.Palagi kong inisip ang pamilya ko kahit nasa CR ako iniisip ko pa rin sila. Ganyan ako ka-family oriented. Sabihin na lang natin na pasaway ako minsan pero matulungin naman ako hehe. Para sa pamilya mo, gagawin mo pa rin kahit may hahadlang sa ‘yo. Iniisip ko, paano kung wala ang mga magulang ko ngayon, may Leslie Magtrano pa ba ang magtatanggol sa mga babaeng sinaktan? Ang corny ng iniisip ko ‘no?Nagpapasalamat ako at may pamilya pa ako, ‘yong iba nga riyan wala ng pamilya. May pamilya akong palaging masaya kahit may problema silang hinaharap. Hayy buhay!Kumakain ako ng banana cue ngayon kasi palagi ko itong kinakain kapag nandito ako sa palengke. Marami kang mapagpipilian dito, may fish ball, kwek-kwek, taho, turon at marami pang iba. Lahat ng nabanggit ay paborito ko lahat. Habang kumakain ako ay napatingin ako sa isang sasakyan n
ANG MGA MAGULANG natin ay parang pari kasi pwede tayong kumausap sa kanila tungkol sa mga problema natin sa buhay.Para sa akin, mahalaga ang pamilya ko. Sila ang karamay ko sa lahat ng bagay. May kaibigan man ako na pwedeng magbigay ng magpayo sa akin pero iba pa rin talaga pagdating sa pamilya.“Anak, pagbutihin mo ang pag-aaral mo dahil ‘yan lang ang kaya naming ipamana sayo” sabi ni Mama. Si Papa naman ay nagpaalam na kasi kailangan niyang mag-CR. Uminit na ang mata ko, alam ko na tutulo na rin ang mga luha ko.“Alam niyo naman na ginagawa ko ito para sa inyo, Ma.” Kusa nang nagsituluan ang mga luha ko. Pagdating sa masinsinang usapan tungkol sa pamilya ay nagiging emosyonal ako.“Alam naman natin na mahirap lang tayo pero walang masamang mangarap ‘di ba anak?”“May kasibihan nga na ang mahihirap ay maraming pangarap kaya fight lang ng fight!” sabi ko habang nangingibabaw pa rin ang luha. Napatingin sa akin si Mama at tila nag-aalala siya.“Oh bakit ka umiiyak?” tanong niya.“Ah w
MAAGA akong nagising hindi dahil excited ako o ano. Basta, maaga lang akong nagising. Naligo na agad ako matapos kong bumangon sa kama. Matapos kong maligo ay nagbihis na ako at lumabas na ng kwarto.“Oh anak, ang aga mo naman atang nagising,” sabi ni Mama nang maabutan ko siyang nagluluto ng agahan.“Ayoko ma-late e.”Nagsimula na akong magmedyas at magsapatos. Tamad kasi akong magsapatos kapag tapos na akong maligo kaya sa sala na ako nagsasapatos."Kumain ka na anak,” pag-aaya sa akin ni Mama at pumunta na ako sa kusina.“Giniling ba yan, Ma?”“Oo anak, kasi nakapag-grocery ako kahapon kaya naisipang kong bumili ng giniling. Gusto mo bang ibaon ito?”“Sige Ma, alam mo namang paborito ko ‘yan,” sabi ko.“Ma, nasaan po si ate? Wala po kasi siya sa kwarto niya kanina,” tanong ni Cholo“Kumakain na ang ate mo,” sagot ni Mama sa kaniya.“Bakit mo ako hinahanap?" ako naman ang nagtanong.“Wala.”“Kumain ka na rito Cholo baka ma-late ka pa,” pagsasabat ni Mama at naupo na rin siya. Sinim
“HINDI pa rin ako makapaniwala sa paglapit niya kay Phillip. Tch!” kwento sa akin ni Daphne habang nagpipindot sa cellphone niya.“Paki ko?” walang pakialam na tanong ko.“Kahit kailan talaga ‘yang si Nicole nakakairita!”“Wala na tayo roon,” sabi ko.“Basta yuck! Nakakasuka siya!”Natawa na lang ako. Ewan ko ba sa babaeng ito, kung ano-ano ang sinasabi. Biglang pumasok si Ma’am Angeles kaya nagsipasok na ang iba kong kaklase na nasa labas kanina.“Okay class we will have an arrangement of seats now,” anunsyo ni Ma’am.“Ma’am naman!”“’Wag na po Ma’am!”“Kontento na po kami rito!” Protesta nila.“No buts class that’s final!” may diin na sagot ni Ma’am sa mga nagmamaktol kong kaklase.“Sorry I’m late.”Napalingon ako sa nagsalita.Hanggang ngayon ba naman late pa rin siya? Tss.“Late ka na naman Rosier! Saan ka ba nanggaling?” tanong ni Ma’am kay Phillip.“Edi sa kalandian niya, saan pa ba?” mahina pero mariin na sabi ni Daphne sa tabi ko.“Manahimik ka nga,” mahinang sita ko. Napangus
“OH! Long time no see, Leslie,” ani Nicole. Hindi ako nagsalita at naglakad na lang saka ko siya nilagpasan. “Kinakausap pa kita!” Saktong pagdaan ko ay hinawakan niya ako sa braso kaya napatigil ako.“Wala ako sa mood para makipag-daldalan sa ‘yo kaya please padaanin mo na kami.”“Sorry, pero ako meron.”Umigting na ang bagang ko sa inasta niya. Heto na naman po tayo.“Kumusta na pala ang negosyo niyong parating nilalangaw?” tanong niya. Tumawa pa ang mga alipores niya at mga tao rito sa paligid namin.Ayaw na ayaw ko ‘yong pinag-uusapan nila ang tungkol sa pamilya ko o anong mang kinalaman sa pamilya ko. Sinusubukan niya talaga ako a!“Okay lang naman, hindi kagaya sa ‘yo na paglalandi lang ang alam.”“Anong sabi mo?” gulat na sambit niya. Pati ang mga alipores niya ay nagulat din sa sinabi ko. Halata ang pagkainis sa mukha niya. I smiled secretly.“Bingi ka ba? Gusto mo ulitin ko pa?” “Akalain mo ‘yong dating binully ay ngayon marunong nang lumaban.” Tumawa siya. “Nagbago na ang
“This is what you call the seismograph.” Pinakita ng teacher namin sa science ang picture na naglalaman ng seismograph. “The seismograph is the machine that is to measure the pattern of an earthquake,” dagdag niya.“Wala naman akong naintindihan e,” bulong ng nasa kaliwa ko. Hindi ko na kailangang sabihin kung sino iyon kasi kumukulo na talaga ang dugo ko sa kaniya. Hindi ko na lang siya pinansin at tinuon muli ang atensyon ko kay Ma’am Angeles. Siya kasi ang science teacher namin.“The study of earthquakes and the waves they create is called seismology, from the Greek seismos, to shake. Scientists who study earthquakes are called seismologists.”Nanatili lang akong nakikinig sa discussion at heto namang katabi kong si Rey ay tahimik lang din. Ang gwapo niya, lalo na kapag seryoso siya.Lumipas ang oras nang magbigay si Ma’am ng test sa amin.“Leslie alam mo ba ang sagot nito? Naguguluhan kasi ako sa choices e,” sabi ni Rey na nakaturo ang daliri sa libro.“Letter A ang sagot dyan,” s
Leslie's POVARAW ang lumipas mula nang pumunta sa bahay namin si Phillip. Nasauli ko na rin ang jacket niya pero agad niya ring binalik sa akin. Nagtaka nga ako kung bakit pero sabi niya akin na lang daw 'yon.Kahit kailan talaga 'yong lalaking 'yon.At araw rin ang lumipas nang naging busy ako sa trabaho ko sa Golden Empire. Ngayong linggo ata naging abala ako sa trabaho. Madaling araw na akong nakakauwi sa bahay at pagdating sa school ay puyat ako. Natutulog lang ako sa classroom at hindi na rin ako nakikinig sa mga tinuturo nila sa amin. Ngayon nga ay pasado alas diyes na ng gabi at nandito pa rin kami sa opisina. Todo xerox ako sa mga binibigay sa aking dokumento at mas dinoblehan ko na ang bilis ko kompara sa dati.Hindi pala madali ito.Sa ilang linggo kong pananalagi dito ay ngayon ko lang na-realize na hindi pala madali ang ginagawa dito sa kompanya. Kahit 'yong matataas na rango sa akin ay sobrang abala rin sa kanya-kanyang ginagawa. Sina Aira at Maecah ay hindi na bumibisi
Leslie's POVMabilis lumipas ang mga araw at kahit ngayon ay hindi ko pa rin makakalimutan 'yong nangyari noong paghalik sa akin ni Rey. Kahit palagi niya akong nakakasalubong, ngingiti 'yon at para bang walang nangyaring paghalik sa akin 'yong tao. Palagi ring bumabagabag sa isip ko ang katanungang, may gusto rin kaya siya sa akin? Hindi mawala-wala sa isipan ko ang tanong na 'yan. Hindi na nga ako nakakatulog sa gabi sa kakaisip nun. Sinong hindi magugulat na bigla ka na lang hinalikan nung tao at first kiss ko pa siya ah. "Leslie, ano pang ilalagay namin dito?" Tanong ng kagrupo kong si Ivan.Linggo ngayon at wala akong pasok sa trabaho ngayon at kasalukuyan kaming nagdedesign sa assigned project namin dito sa bench ng school. At bilang leader nila (bobong leader to be exact haha), ako 'yong nagmamanage ng mga gagawin namin."Marami pa, hintayin muna natin si Phillip nasa kasi kanya 'yong pinapabili natin eh." Sagot ko. "Ang tagal naman ni Phillip," naiinip na tugon ni Jane, k
Leslie's POV"ATE, kanino 'yong magarang cellphone na nasa kama mo?" Tanong sa akin ni Cholo habang nasa hapag kainan kami, naghahanda na para pumasok sa eskwela."Sa akin," sagot ko nang may sinusubong pagkain."Talaga?! Sa'yo 'yon?!""Ito naman, parang hindi ka makapaniwala ano?""Nasaan ba 'yong dating cellphone mo at saan mo nakuha 'yan? Sweldo niyo na ba kaya nakabili ka ng mamahaling cellphone?" Usisa niya."Nasira kasi kahapon 'yong luma. Ito naman," sabay pakita sa kanya nitong cellphone ko. "... bigay sa akin ng k-kaibigan ko, oo bigay niya hehe." Nauutal na sambit ko.Bakit ang hirap bigkasin ang salitang kaibigan?"Kaibigan mo? Si ate Daphne ba?""H-Hindi.""Eh sino?""B-Basta kaibigan ko," sambit ko dito at sabay inom ng tubig."Baka bigay ng boyfriend mo?" Muntik na akong masamid dahil sa sinabi niya.Huk!"A-Anong boyfriend ka dyan?! Ni wala nga akong boyfriend eh!" Nauubong sabi ko."Okay ka lang ba, Ate?""Ikaw ba naman ang gulatin at masamid, sa tingin mo okay lang ak
Leslie's POVHindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito sa hawak ko. Hindi naman sa first time kong makahawak ng Iphone at hindi marunong gumamit nito pero iba kasi sa pakiramdam na may nagbigay nito sa akin.At sa tao pa na kinaiinisan ko.Hindi ako mapalagay. Tinitigan ko lamang ang ito at masusing pinagmasdan. Kasalukuyan akong nagpapa-photocopy nitong mga nakatambak na mga papeles at nanatiling nasa hawak ang atensyon ko.Tungkol doon sa inalok niyang kapalit, hindi na ako nag-atubiling tumanggi pa dahil kailangan ko rin ng panibagong magagamit na cellphone. Nung una, nagdalawang-isip ako sa magiging desisyon ko pero nakikita ko sa kanya ang sinseridad sa kanyang mga mata kaya pinagbigyan ko siya kahit labag sa pride ko.Lakas maka-pride 'no? Pride chicken, gusto mo?Napagdesisyunan kong buksan ang laman ng paper bag na hawak ko. Karton lang naman ang cellphone ang laman nito maliban sa...Ano 'to?May namataan itong isang papel at isang makapal na papel na sa tingin ko ay lalagya
Leslie's POVNakakapagod!Sobrang nakakapagod!Unang gabi ko pa nga lang sa trabaho pero parang bibigay na ang katawan ko sa sobrang pagod. Biruin mo, buong gabi akong pinapapunta sa kung saan-saang floor ng mga nagpapautos sa akin. Tignan natin kung hindi bibigay ang katawan mo nun.Kaya ang ending, inaantok pa akong bumangon sa kama ko. Parang hinahatak ulit ako nito at pilit pinapabalik sa pagkakatulog. Pero kailangan kong magising ng maaga kasi may pasok pa ako.Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at hindi na ako nagulat sa itsura ko ngayon. Para akong multo na ngayon lang nagpakita dahil bagsak ang mga mata ko, sabog ang buhok, at kumikilos na parang patay.Panget ka na nga, mas pumanget ka pa ngayon.Bigla nalang nagising ang diwa ko nang may naalala ako. 'Yung lalaki kagabi sa may elevator!Bigla na lang kasi niya ako kinausap at ako naman ay nagulat sa paglitaw niya."We meet again."'Yan ang sinabi niya na hindi ko maintindihan. Ano daw? We meet again eh kagab—teka... n
Leslie's POVNaalimpungatan ako ng gising at kitang kita ko ang sinag ng araw na dumapo sa katawan ko. Napagdesisyunan ko nang bumangon at gawin ang daily routine ko. Lunes na naman at papasok na ako sa school at pati na rin sa trabaho ko.Pagkauwi ko galing sa kompanya na pinag-apply-an ko ay doon ko din sinabi kina Mama at Papa na nag-apply ako sa nasabing kompanya. Nung una nagalit sila sa akin dahil nagsinungaling ako at hindi man lang ako nagsabi sa kanila kumbaga nagpadalos-dalos lang ako. Pero tinanggap na rin nila dahil gusto ko rin makatulong sa kanila at naiintindihan rin naman nila ang punto ko bilang mga magulang.Ang hindi ko lang maintindihan ay ang mga reaksyon nila. Imbis na galit ang dapat una kong makita, gulat ang kinalabasan. Bakit gulat na gulat sila nang banggitin ko 'yong kompanya? Dahil ba bihira lang sila tumanggap ng empleyado at nakatsamba lang ako? Hehe parang ganon na nga siguro 'yon.Matapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto ko at tingungo ang kus
Leslie's POV"Halika at tuturuan kita," sumunod naman ako.Tinuro niya ang mga kailangan at hindi dapat gawin sa pag-operate nitong machine. Nung una, nalilito pa ako pero kalaunan ay natuto na ako. Medyo humigit isang oras din ang tinaggal bago ito natapos at nagutom ako.Shet, paano ba 'to?"Ayaw na ayaw ni Sir ang hindi naka-uniporme sa oras ng trabaho kaya susukatan ka na ng uniporme ngayon para sa susunod na linggo ay magkakaroon ka na." Sambit niya habang naglalakad kami sa kung saan. Sa tingin ko doon sa pasukatan ng damit.At tama nga ako, pumasok kami sa loob at iniwan niya ako sandali para kausapin ang sastre doon.Shet, nagugutom na ako. Paano ko sasabihin kay Miss Gina 'to? Baka kusa na lang itong kukulo 'tong tiyan ko.Hindi lang ako mag-isa dito dahil may kasama rin akong mga empleyado ata na naglilinis dito sa loob. Hawak ang tiyan ko ay pinilit kong ngumiti sa kanila para hindi nila mahalata na nagugutom na ako.Siguro sasabihin ko na lang kay Miss Gina pagbalik niya d
Leslie's POVGABI na nang maabutan ko sina mama at papa na nakaupo sa upuan at mukhang problemado dahil sa sinapit kanina lamang."Oh, nariyan ka na pala anak," bungad sa akin ni mama at napalingon naman sa akin si papa."Halina't maghapunan na tayo," saad naman ni papa. "Wala po akong gana." usal ko dire-diretsong naglakad papasok ng bahay."Anak, alam namin na nasaktan ka sa nangyari kanina at hindi lang ikaw, kami rin ng papa mo. Ang maaari lang nating gawin ngayon ay tanggapin ang nangyari. Hindi na maibabalik ang nasira na, anak." puna ni mama."Naintindihan ko naman po pero sobra na po ang ginawa nila." napayuko na lang ako."Alam namin, pero nangyari na ang nangyari," si papa naman ang nagsalita."Kaya anak, 'wag ka nang magtampo sa amin ng tatay mo. Pati na rin kami nasasaktan dahil sa ginawa mong paglayo.""Pasensya na po.""Kumain na tayo anak," nagmamakaawang aya ni Mama."Busog pa po talaga ko 'Ma, kayo na lang po. Mauna na po ako," tinalikuran ko na sila at tinungo ang k
Leslie's POVWHO would you've thought na nagtatanong lang 'yung lalaki sa akin kanina? Akala ko naman kasi na kikidnapin na niya ako.Sinong hindi kakabahan di ba?Natawa tuloy 'yung lalaki kanina sa itsura ko. Pahamak 'yung suot niya eh, puro black ayan tuloy napagkamalan nang kidnaper.Psh!"Ate, patulong dito sa assignment ko.""Sige, anong subject ba 'yan?" tanong ko sa kapatid ko."Math po," sagot niya."Sus, sisiw lang 'yan eh.""Edi ikaw na ang magaling.""Eh kung batukan kaya kita? Nasa'n na ang assignment mo?""Ito oh," inabot niya sa akin ang notebook niya at nagsimulang magsulat.Nasa salas kami ngayon at kumakain ng meryenda. Habang gumagawa ako ng assignment niya ay tinuturuan ko rin siya kung paano magsolve ng problem. Ang dali-dali lang, hindi pa makuha. Psh! Dapat gayahin niya ako na magaling sa solving hehe.Matapos ko siyang gawan at turuan ay nanood na rin ako ng TV kasama si mama na katabi si papa at 'yung kapatid ko naman ay inaayos niya ang gamit niya na naiwan d