Home / All / OWNING MY EX / CHAPTER 5

Share

CHAPTER 5

Author: Luna
last update Last Updated: 2021-02-06 13:10:38

The nuance tastes of  dark coffee tenderly washed over me as I sipped my warm mug of nostalgic memories.

All I could think about was the soothing tones, Luhennce used when he  was talking to me before. The warmth of his love and care. Picturing those smiles we shared and reminiscing those times we cuddled, when the weather was only a couple of degrees above zero.

The night wind embraces my skin, nanatili ako sa veranda, nakaupo at nakatingala habang paminsan minsang umiinom sa tasang hawak ko. 

I've tried to send him messages but I've got zero response from him again. When my phone vibrated, I was so excited to look for it only to see some emails from mu trusted tracker.

Kumunot ang noo ko ng makita ang ilang attachment doon, naglalaman ng mga pictures ni Luhennce with the same woman he's with a while ago. 

The picture was taken minutes ago. And it was stated on the email that he's hanging out with his friends and that woman. 

I gritted my teeth upon seeing how sweet they are on that picture, Luhennce hand around the woman's waist. Nakasandal ang babae sa kalahati ng katawan niya, habang ang isa niyang kamay ay may hawak na baso ng alak. Seems like they are enjoying their conversation together with Luhennce' shitty friends.

Mabilis kong dinelete ang email na 'yon matapos malaman ang lugar at nagmadaling umalis. 

You're really trying me Luhennce. You won't like it when you really made ne totally upset. Mabilis akong nagpalit ng damit. I wore something thar could make men drool over me. Siniguro kong luluwa ang mga mata ng makakakita sa akin. My party dress was so revealing. Hindi na ako nagaksaya pang magsuot ng jacket to expose my shoulder, my perfect collar bones and my chest. 

Medyo maiksi ang dress na 'yon, perfect for seducing someone. I wear flats instead of heels. Ayokong mangalay dahil hindi naman ako sana'y sa matataas na sapatos. 

Wala pang 20 minutes ay narating ko na ang isang kilalang high class bar. Like what I've expected, nakaagaw agad ako ng attention ngunit dahil iba ang pakay ko, derederetso akong pumunta hanggang sa bar counter while roaming my eyes, as it settled on one couch where I could see familiar faces. Malapit lang iyon sa akin na kinatuwa ko, but instead of doing such moves. I let myself settled in front of the counter first, as I started drinking cocktails. 

Ilang shot ang ginawa ko, ng hindi tinitingnan ang table na 'yon. Masyadong masakit sa mata. I have to drink first, to calm myself. 

Nang maramdamang okay na, ay saka ko sila nilingon at napansin kong napapalingon nadin sa akin ang mga kaibigan ni Luhennce, mukhang gulat pa sila and I can see on their faces the hate and disgust. 

Mga gago, the feeling is mutual jerks! Galit ako sa kanila! Galit na galit dahil imbes na payuhan nila ng maayos si Luhennce para alamin muna ang rason ko, sila pa ang pasimuno na paglayuin kaming dalawa. Sila pa 'yung nagudyok kay Luhennce para tuluyan akong hiwalayan.

They are the demons whispering on Luhennce ears. Kung sana nalaman nila ang side ko at hindi basta basta nanghusga sana ayos na kami ngayon! Not all friends are worth to treat as your friend. Tinrato ko pa naman silang kaibigan pero sa isang iglap pinagkaisahan nila ako. 

Well that's reality, hindi lahat ng kaibigan mo kaibigan din ang turing sa'yo. 

Others are good, others aren't. Sometimes they can be the reason of your downfall. 

Umiwas ako ng tingin sa kanila at ngumisi, bago muling lumagok sa kopita na hawak ko. Alam kong lumingon na sa akin si Luhennce at alam kong nakita na niya ako. 

Sinabi ko naman sa kaniya diba?  I can be a dust in his eyes na kahit pumikit siya mararamdaman niya parin ako. Binabantayan ko bawat galaw niya, kaya kahit malayo kami sa isa't isa alam ko lahat ng nga ginagawa niyang pagkilos. Simula noong mahanap ko siya, hindi ko na siya nilubayan. Alam niya man o hindi, I am secretly watching him. I've hired someone to be my eyes. 

"Hi!" Nilingon ko ang tumabi sa akin and my lips twisted in annoyance. I didn't bother to talk to him and drink the remains on my glass. Bumaba ako sa inuupuan at napagpasyahan nang lumapit sa couch nila Luhennce. 

Nag-alab ang mga mata ni Luhennce ng makarating ako sa kanila. The woman beside him eyed me, at nakita ko nanaman ang mga mata niyang nakita ko kanina. Mukhang nangliliit siya ng makita ako. 

"Amanda, what are you doing here?" Nilingon ko ang nagsalita at nalamang si Ranz iyon. I gave him my infamous grin before getting a shot from their drinks. 

"Don't be so obvious Ranz, matagal ko ng alam na ayaw niyo sa akin. No need to be so obvious. "

"Amanda leave us alone please, you don't belong here." Tinaasan ko ng kilay ang isa pang kupal na si Curdy. 

"I am not here to fit in, hindi ko rin naman gusto ang circle of friends niyo. Si Luhennce ang pakay ko at hindi kayo, kung wala siya dito hinding hindi ko kayo lalapitan."

"Amanda!" Nilingon ko na si Luhennce at nginitian ito bago hinawi ang babae sa tabi niya para ako ang pumalit. Marahan kong pinulupot ang braso ko sa kaniya at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya.

"This is my place, beside you. Ito naman ang habol ko eh." His jaw tightened as he take his shot. Naging marahas ang paghinga niya at mabilis na tumayo, dahilan para muntikan na akong ma off-balance. 

Umawang ang labi ko ng makita siyang hinila papalayo ang babae niya. I laughed sacastically because of that. Isa isang nagsialisan ang mga kaibigan ni Luhennce na hindi nagbago ang tingin sa akin ngunit nginisian ko lang sila hanggang sa tuluyan silang nawala sa paningin ko. 

I was left there, all alone. Stiffed and hurting. 

Unti-unting kumawala ang mga luha ko na hindi ko alam kung kelan naipon. Mabilis kong kinuha ang ilan pang natira sa table nila at isa isa iyong inubos. 

I've drowned myself crying, biting my lips time to time. Sobbing silently and trying to ease the pain.

Naramdaman kong may tumabi sa akin, pero hindi ko siya pinansin. Hindi ako interesado kahit kanino. Pumunta ako rito dahil kay Luhennce.

"You're so beautiful to waste your tears." Hindi ko siya sinagot o tiningnan manlang. Nanatili akong nakasandal sa backrest ng couch holding a glass. Nakatitig ako sa kawalan when the guy beside me blocked my vision. 

Walang buhay kong tiningnan ang gwapo niyang mukha.

"Gusto mo na bang umuwi?" Kumunot ang noo ko. 

"Do you want to kiss me?" I asked bluntly, kita ko ang gulat sa mukha niya. 

"Can I?" 

"Kiss me now," Napansin ko ang sunod sunod niyang paglunok ngunit marahan din niyang hinawakan ang pisngi ko at agad na tinawid ang distansya ng mukha naming dalawa. 

He kissed me, boringly! Hindi siya marunong humalik tangina! Sa inis ko'y mariin kong hinawakan ang likod ng ulo niya para palalimin ang halikan namin. 

I pushed my tongue inside his mouth and suckled on his lips. Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko. I guess he's now learning, he owe me that one. 

I was about to straddle on his lap when a hand gripped on my wrist and pulled me away. 

"What the hell are doing?!" Galit na hinarap ko ang kung sinong pakialamero ang humila sa akin, ngunit natigilan ako ng ang nagaalaba na mga mata ni Luhennce ang sumalubong sa akin.

"You need to go home." Mariin na sabi niya at hinila na ako papalabas ng hindi ko manlang nakakausap 'yung lalaki!

"Luhennce stop dragging me!" Hindi siya nakinig at mas kinaladkad ako papalabas. Halos parang isa lamang akong gamit na binato niya sa loob ng sarili kong kotse. Siya ang sumakay sa driver's seat upang magmaneho and I laughed. 

Hindi ko alam kung tama ba ito ng alak o natatawa ako kasi sa huli kasama ko parin siya. 

"Stop the car for a moment." I commanded him drunkly. Hindi niya ako sinunod.

"I said stop the fucking car Luhennce!" Galit na sigaw ko kaya wala siyang nagawa kung hindi ang huminto.

Nang tuluyan niyang maitabi ang sasakyan ay binalot kami ng katahimikan. 

I rested my back as I remained staring forward. I maybe drunk, but still conscious.

"Bakit mo ako binalikan?"

"You're drunk."

"You still care?"

"I am not cruel like you Amanda."

"Yes you are cruel! You're so fucking cruel! It was just a one mistake and you made me feels like I committed a crime na kailangan kong pagbayaran habang buhay!"  Hindi siya sumagot.

"Just stop amanda, there are things that you better leave broken than hurting yourself trying to fix what is already done. No matter how you try, it will never be the same anymore."

Umiling ako, I won't accept that.

"Don't you missed me? Don't you missed us?" Nilingon ko siya at inabot ang kamay niya.

"I miss everything about you, I miss your touch..." Hinalikan ko ang bawat daliri niya in a sensual way. 

"I miss your kisses." Marahan kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya, and he didn't move to push me away. He let me suckled on his parted lips. Inilagay ko ang kamay niya sa dibdib ko at mabilis na binuhat ang sarili paupo sa kandungan niya trying to deepen our kisses when he pushed me back on my seat. 

Mariin niyang pinunasan ang mga labi niya na tila nandidiri sa akin.

"The fuck are you doing?! Seducing me?! When did you learn to step on that level Amanda? Can't you fucking see yourself?!"

"What's wrong with it?! We even crossed the line before! We made love couple of times and now you're acting like nothing happened?! Na para bang natutulog lang tayo sa kama mo noon at walang ginagawang kung ano?!"

"That was all before! Tigilan mo na ang pamimilit na ibalik ang nakaraan! Wake up Amanda!  Limang taon na tayong tapos!"

"Para sa'yo oo, tapos na nga tayo. Pero para sa'kin hindi pa...hinding hindi matatapos dahil unang una ikaw lang ang umayaw! Ikaw lang ang nakipaghiwalay. Dapat dalawa tayo eh! Hindi mo manlang ako tinanong kung gusto ko ba!? Kung payag ba ako na maghiwalay tayo?! Kung totoo ba lahat ng nakita mo? You didn't cared about how I feel because you only cared about how you felt."  I bit my lips to control my tears from falling. Sinandal kong muli ang likod, I chose to settle my eyes outside my window and let a couple of tears escape my eyes.

"Drive me home." I commanded, as my final words. Nawalan na ako ng ganang ipagpatuloy ang paguusap namin.

Hinatid pa niya ako sa unit ko pero hindi ko na siya inimikan.  I need to sobber up first, siguro bukas ko nalamang siya ulit guguluhin.

Related chapters

  • OWNING MY EX   CHAPTER 6

    I texted him again in the morning. Like nothing happened last night. Binati ko siya ng good morning and I even asked him to have some coffee and breakfast with me, outside. Kahit papano umaasa ako na sana, magreply naman siya. Pero wala nanaman akong napala. That's when another email notified me. Mabilis ko iyong binuksan at hindi ko nanaman nagustuhan ang nakita ko. May kasama naman pala siya, kaya hindi niya ako magawang replayan at samahan. I asked my tracker to send me some details about the girl. Hindi naman ako nito binigo at ilang minuto lang ay may naipadala na siya sa akin.Name: Clarisse H. LopezDegree: BSED Major in EnglishCAS- instructor IAge: 28 years oldStatus: SingleBinasa ko pa ang ilan niyang job experiences at address. Pati ang socio-economi

    Last Updated : 2021-02-06
  • OWNING MY EX   CHAPTER 7

    "Gusto mo bang sabayan kita kumain?" Nilingon ko ang nagsalita at mabilis na napairap."I don't need your company." Napayuko naman siya, ngunit hindi siya umalis...instead he sitted down in front of me."Hindi ka ba pagagalitan? Bumalik ka na roon! I don't need you."Mariin kong binagsak ang tinidor na hawak ko at naiinis na napabuntong hininga. Si Luhennce dapat ang kasama ko eh!"He's the same guy who dragged you away last night. You love him right?""Who the hell are you to talk to me like that?! Get the fuck out of my sight! I don't fucking need you loser!" I don't care how offensive my words are. Inis na kinuha ko ang wallet, susi at phone ko bago nagmadaling lumabas.How dare him to look at me like that?! Naiinis ako sa klase ng tingin na binibigay niya, I don't need anyone's sympathy! I don't need someone's pitty! Lalo na kung galing sa lalaking katulad

    Last Updated : 2021-02-06
  • OWNING MY EX   CHAPTER 8

    "What the hell are you doing?" Kunot noo kong tanong kay Kendrick. "Uh, setting up the place?" What the hell?! Seryoso siya?! "Stupid! Anong tingin mo sa gagawin namin dito, maglalaro ng bahay bahayan?!" Nangigigil na tanong ko ng makita ang ginagawa niyang pag dedecorate sa kwarto ko. Leche! Pinapagawa ko ngang medyo seductive 'yung place, ginawang parang pang prinsesa! Bwiset! Bakit ba kasi ganitong lalaki ang kasama ko dito!? Tinatayuan ba ang isang ito?! Napakainosete amputa. Napakamot ito sa ulo niya."Sorry, I'm useless." Napailing ako at pakiramdam ko'y mahihilo ako sa kaniya. My god! Nasan na ba kasi si sab! Pinapabili ko 'yon ng mga alak at pills ah!"A-ano ba kasi talagang balak mo?" I rolled my eyes on him."Hindi pa ba halata?" "G-gagawin mo talaga?""Of course! Matagal narin naman naming ginawa 'yon. I would make him fee

    Last Updated : 2021-02-06
  • OWNING MY EX   CHAPTER 9

    Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo. Pagmulat ng mata ko'y likuran ng isang lalaking walang suot na pangitaas ang tumambad sa akin."Kendrick," mabilis niya akong lumingon at may kinuhang baso ng tubig at gamot bago umayos ng upo, upang makita ako at inabot iyon sa akin. "Drink this," Agad ko naman iyong tinanggap at ininom. Pasimple kong sinilip ang katawan ko at napabuntong hininga. Tumayo na siya at inilapag ang ininuman ko sa gilid."Why?" I started to ask."Huh?" mukhang malalim ang iniisip niya."Bakit hindi mo ginawa? I gave you permission.""Kasi hindi tama, we don't even have any relationship at hindi pa tayo matagal na magkakilala. Mataas ang respeto ko sa'yo at alam ko ang limitasyon ko. Hinding hindi ko gagawin ang bagay na 'yon sa'yo, unless we both love each other." Hindi na ako nagsalita at bumangon nalang. Suot ko ang t-shirt niya kaya wala siyang

    Last Updated : 2021-02-06
  • OWNING MY EX   Chapter 10

    "What happened?" Bungad sa'kin ni Sab pagka-uwi ko. I rolled my eyes before walking inside my kitchen to get some cold water. Baka sakaling lumamig ang ulo ko."Disaster! Why you even sent Kendrick, if you can just message me?!""Bakit ba? Wala ka namang kasama eh.""I have! And that's Luhennce and Clarisse." Napasinghap siya."Woooooah! Sorry bitch, my fault." I massage the bridges of my nose."And I blamed kendrick for ruining my plan. Kung hindi sana siya dumating I could act to Luhennce, at makita niyang wala sa'kin sasalo, e'di kahit papano papansinin niya ako! Tapos magseselos si Clarisse mag wawalk out siya, masosolo ko si Luhennce, shempre hindi ko siya papayagang sundan 'yung gf niya! But that plan was all ruined because Kendrick was there! Mas lalo akong di pinansin ni Luhennce kasi may kasama naman ako.""Sorry! pero sana hindi ka naman magalit kay Kendrick. Hindi naman niya alam eh, ang sinabi ko kasi wala kang kasama

    Last Updated : 2021-03-08
  • OWNING MY EX   Chapter 11

    I was trying to choose a hair style that suits him, ngunit wala akong makuha dahil bagay naman sa kaniya ang style ng buhok niya.Okay, color perhaps. I've tried to search one and end up looking at myself in front of the mirror. I snapped my fingers, before turning my head to look at Kendrick who's busy roaming his eyes around the salon."Nina!""Yes miss Amanda?""May naisip na akong hair color for him---silver blond, pa assist please.""Yes miss," agad nitong inaya si Kendrick na maupo. Habang ako'y naupo sa couch at pinag-cross ang binti. Halatang kinakabahan pa si Nina, habang inaasikaso si Kendrick at madalas ang pagtitig nito sa lalaking nakapikit lang naman at hindi siya pinapansin.I bit my lips before letting out a sigh. Mabilis akong tumayo at naglakad papalapit sa kanila. Huminto ako sa likuran ni kendrick at pinagmasdan itong nakapikit, at hinihintay lang na gawi

    Last Updated : 2021-03-09
  • OWNING MY EX   Chapter 12

    "Teka baka naman malasing ako neto?" I narrowed my eyes on him before sitting in front of him. Marahang kong inabot ang hita niya gamit ang paa ko, as I rested it in between of his knees...nagulat pa siya sa ginawa ko kaya ngumisi ako at uminom saglit sa beer na hawak ko."Don't worry, I won't rape you." Nakangisi parin na sabi ko na kinamula ng mukha niya.Ibinaba niya ang inabot kong beer at umayos ng upo, mukha namang gusto niyang nasa pagitan ng tuhod niya ang paa ko at di niya 'yon inalis. Well, its warm...and I like it. Remove the pervert ideas cause I just really did it to find warmth."Ano bang unang gagawin? Anong una mong ituturo?""I will teach you how to flirt.""What?!""Oh come on Kendrick, if you want to snatch a girl away from her boyfriend, you should know how to be attractive and flirt enough.""Kung gusto ng isang babae ang isang lalaki, ka

    Last Updated : 2021-03-10
  • OWNING MY EX   Chapter 13

    Ngumisi ako, bago pinagpatuloy ang pagpasok sa cafe. I saw Kendrick, busy on his work so I didn't bother to greet him. Isang tao ang gusto kong batiin, imbes na dumeretso ako sa counter para mag-order ay dumalo na agad ako sa table niya.Good thing, he's alone. Tumawag ako ng isang staff para sa kaniya nalang mag-order na agad namang lumapit. I told her what's mine, pagkatapos ay naupo na ako sa harapan ni Luhennce."Good morning, mag-isa ka ata? Where's your girl?" He breathed out, trying to control his irritation."She's busy, what are you doing in my table?""I just want to share a table, come on Luhennce...don't be so grumpy. Mas nafafall ako sa'yo." Natatawang sabi ko, na mas kinainis ng itsura niya. I bit my lips and slowly touch his hand. Nagtagal doon ng ilang segundo ang kamay ko ng hindi niya inaalis, ngunit agad din niya iyong inalis ng papalapit na ang may dala ng order ko.Nagulat ako ng may iba pang nakalagay na pagka

    Last Updated : 2021-03-11

Latest chapter

  • OWNING MY EX   Epilogue

    "Ready man?" my eyes drifted on Jhanzen, I smirked at him before getting another shot."Which one?""That morena chick...fuck her for 10 minutes." itinuro niya 'yung babaeng parang kinapos sa tela kaya mahina akong natawa at uminom. That was so fucking easy for me."How much?" Walang ganang tanong ko. Balewala para sa amin kung magkano ang ipupusta, what matters is the consequence kasi alam ng bawat isa, na hindi 'yun madali."If you'll make it, We'll pay you 1.5 Million of course each, and if not...you'll face the consequence." Tumango tango ako at nagsihiyawan ang iba ko pang mga kaibigan. Isang shot pa at tuluyan na akong lumapit sa babaeng halatang halata na kanina pa nakatingin sa akin.Mabilis ko siyang inakbayan at nilapit sa kaniyang tenga ang mga labi ko bago bumulong."Hey, wanna have some fun tonight?" Naramdaman ko agad na gusto niya, kaya mas lalo akong nawalan ng g

  • OWNING MY EX   Chapter 48

    When Kendrick and I broke up, there's so much realization hits me. Unlike when Luhennce and I broke up.Luhennce maybe my first love, but Kendrick taught me so much in life. Nang dumating siya, maraming nagbago, he challenges the bad sides of me that I don't know anymore the difference between love and obsession. But with the help of Sabria, I find it out. Kung hindi pa dumating si Kendrick hindi ko maiisip na I was just obsessed over Luhennce, dahil nasanay na ako sa presence niya, nasanay ako na ako lagi ang inuuna, nasanay ako na lahat ng gusto ko nakukuha ko at nasanay akong ako lang ang babae sa buhay niya.Kendrick left great impact in my life, from being selfish to selfless, from being desperate to have self-respect, from loving someone too much, to love myself first. From getting what I want, to give someone a hand. From being close-minded to being open-minded, and become one who is wiling to see the reality behind my ambitious perso

  • OWNING MY EX   Chapter 47

    Kinaumagahan ay sinabi ko kay Kendrick ang tungkol kay Dambie at kahit ayoko ay siya parin ang nag settle ng lahat. Hindi ko alam kung ano na ba ang meron sa amin, pero wala na akong pakialam. I want to stay with him, I want to be with him...may label o wala.Ayoko namang pilitin siyang maging kami na. Hahayaan ko nalang na sumabay sa agos, ano man ang maging katapusan, wala akong pagsisisihan.Napasimangot ako ng ilibot ang paningin sa bahay ni Kendrick. Wala siya ngayon hindi kami sabay na umuwi dahil may pupuntahan daw siya. Ako lang ang mag-isang bumalik sa bahay niya para tapusin ang trabaho ko.Mag-isa rin akong nagluto ng lunch and snacks, hindi ko alam kung may balak pa bang umuwi si Kendrick. I am also done with work at wala akong nagawa kundi manood nalang muna. Passed 6 and he's not still at home. Pinili ko nalang mag-iwan ng note at umuwi na muna.Dumaan ako saglit sa grocery store, naalala ko kasi

  • OWNING MY EX   Chapter 46

    Halos gusto ko nalang magtago sa likod ni Kendrick habang kinakausap niya si Fellie na talagang literal na nakanganga habang nagsasalita ang lalaki.Hindi ko nga alam kung may naiintindihan ba ito sa sinasabi ni Kendrick dahil kung ice cream lang si Kd ay baka kanina pa ito tunaw."In exchange I'll help you to market this restaurant for more customers, we'll expand the area and I will hire more staff to help you." Napasapo ako sa noo ko ng talagang walang kareareaksyon si Fellie, hindi nga yata niya naintindihan sinasabi ni Kd."Fellie," Tumikhim na ako bago siya tawagin. Kulang nalang sapakin ko ito, dahil hindi talaga matinag. "Fellie!"Hindi parin, susko! Ano bang meron sa mukha ni Kd eh gwapo lang naman 'yan!"Fellie!""Ay gwapo ka!" Biglang napatakip ito ng bibig sa gulat. Kendrick brows shut, mukhang naiinis na ito kaya hinawakan ko ang braso niya to calm him."O-oo! I mean yes! pwedeng pwede." Halat

  • OWNING MY EX   Chapter 45

    Pumasok ako sa trabaho ko kay Kendrick, at hindi parin niya ako pinansin. Para akong tangang nakaupo sa couch, niya walang ginagawa at naghihintay na balingan niya."Sir, need help? May maitutulong ba ako?" Pinili kong maging malumanay."Just go make me a coffee." Malamig na sabi niya na medyo kinainis ko at tumungo sa kusina. I sighed while brewing coffee.Patience Amanda, you know him...kahit noon pa medyo may pagka-moody talaga siya. Nang makapagtimpla na ng kape ay agad na akong lumabas at marahang nilaapg ang kape sa harapan niya. Hindi manlang niya iyon sinulyapan kaya napa-ikot nalang ako ng mata ko."Sir, may galit ka ba sa akin?" Hindi nakatiis na tanong ko habang nakatayo parin sa harapan niya."Do I have a right to be?" Kumunot ang noo ko dahil hindi ko narinig ang sinabi niya."Sir pardon?" Hindi niya ulit ako pinansin kaya napabuntong hininga ako. Gosh! naw

  • OWNING MY EX   Chapter 44

    Pinagmasdan ko si Kendrick na naglalapag ng mga inorder niya para sa'min.It was raining outside, good thing nandito na kami sa convenient store bago pa umulan kanina. Ito 'yung convenient store kung saan din kami nagkita noong nakaraang araw.The store was playing mellow music, saktong sakto sa oras at panahon.Dalawang noodles, dalawang order ng siomai, dalawang cup of hot coffee and cheese burger ang nilapag niya roon, na pinakatitigan ko muna saglit bago siya hinintay na maupo sa harapan ko. Pasulyap-sulyap ako sa labas to watch the rain. I love rain.I love this kind of weather, while listening on my favorite music and a hot coffee on my favorite mug. And I can't believe I was spending this kind of time with Kendrick.At this moment, something comes in my mind. When I was still chasing Luhennce, I should've realize that we're not on the same page anymore. That he's too close on the epilogue and I wasn't even on the ris

  • OWNING MY EX   Chapter 43

    I've prepared myself, matapos mailipat ni Dambie sa magiging room niya ay umalis na ako para pumasok sa trabaho.Six nang mabilis akong pumasok sa restaurant ni Fellie. "Oh akala ko dika papasok?""Kailangan eh saka biglaan ang balik ko,""Mabuti naman! namiss ka ni Sir Stevan." Nanunuksong sabi niya na kinailing ko. Hindi ako interesado kay Stevan for pete sake."Hindi ko siya gusto Fellie. Tigilan mo na kakatukso sa aming dalawa." she tickles me, to tease me more."Pahard to get ka pa eh nasa trentahan ka na." Nailing nalang ako at iniwan siya roon na nangaasar, lumapit ako sa kakarating lang na customer at binigyan sila ng menu.It was all good, maraming customers, naging abala ako at kahit papano naging magaan ngayon dahil kompleto kami.Mga alas nwebe ng isang customer ang pumasok wearing leather jacket with a plain gray shirt underneath. May dala itong boquet ng bulaklak at balloons.

  • OWNING MY EX   Chapter 42

    My gripped on his wet shirt tighten. Unti-unting bumaba ang mga kamay niya sa likuran ko, and just by his sudden touch on my skin brought to much electricity. Para akong napapaso, ramdam na ramdam ko ang epekto noon sa sistema ko.I leaned closer to him and tilted my head a little to give him more access, he pushes his tongue inside my mouth, nipping and sucking on it. Making me feel so hot and wanting for more.I lift my warm hand on the back of his neck and my body pressed against his. It was like time unspooled, carrying us back when we first did this. The first kiss we shared, the first make out and the first time he do me. He lifted me up, and wrapped my legs around him still not breaking our kisses. One moment and he put me down on bed. He immediately toss his shirt off before he pushing me back, propped his elbows and nibbled my ear, my chin, touching my face with his fingertips.He nuzzled against me, his lips on my n

  • OWNING MY EX   Chapter 41

    "Bakit hindi ka pa mag-asawa Amanda?" I sipped on my glass before facing Ruby. Nasa isang circular table kami sa may pool side, sa kabila namang parte ng pool ay may sarili ring grupo ang mga lalaki.Kasama ko sa table ang mga kaibigan ko at kasama sa organisasyon dati. Naririto rin si Clarisse, Mavis at Sab."Wala pa kasi akong aasawahin, may irereto ka ba?" Natatawang biro ko na kinatawa rin nila. Binatukan ako ni Sab dahil doon."Gaga! nayan na ang hot na si Fafa Kendrick papareto ka pa?!" sinamaan ko siya ng tingin at sumulyap sa table ng boys sa kabila, they are all laughing. Pag talaga mga lalaki nagsamasama."We're not even together," I groaned."Pwede naman kayong magbalikan.""Ako ba dapat makipagbalikan?" Nailing ako ng sabihin ko iyon bago tatlong beses na nagshot."That's not my thing now, kapag ayaw, d'wag." I sounds like a bitter coffee but at least

DMCA.com Protection Status