Share

CHAPTER 25

Hindi ko na 'to kaya. Gusto ko ng umalis at umuwi. Pero wala akong ibang magawa kundi ang umiyak nang walang tigil.

Tanging malalakas na mga ungol at pag-iyak ko ang naririnig ko.

Lord, pakiusap! Alisin mo na 'ko dito! Ayoko na! Mawawala na nga ako sa mundong 'to tapos kailangan ko pa 'tong pagdaanan! Gusto kong mamatay nang tahimik. Ayokong mamatay ako habang nakakaramdam ng matinding trauma! Pakiusap, tama na! Ayoko na! Tulungan niyo 'ko! Ev, Fritz, Vish, Liah, Ellen, pakiusap tulungan niyo 'ko! Alisin niyo na 'ko sa lugar na 'to!

Pinakiramdaman ko ang tali na ginamit na pantali sa mga kamay ko.

Pagkatapos ay ginamit ko ang hawak kong matulis na bagay. Ikiniskis ko iyon sa tali. Desperado na akong makaalis sa lugar na 'to kaya mas binilisan ko pa ang pagkiskis.

Ramdam ko ng marami ng dugo ang lumalabas mula sa kamay ko pero wala akong pakialam.

Biglang tumayo si uncle pagkatapos ay lumapit sa isa pang patay na katawan at hinila iyon patungo sa harap ko.

Pagkatapos ay kumuha siya ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status