Share

Kabanata 3

Kabanata 3

"You should supposed to treat me well," halos pabulong niyang sabi.

"Iyan nga ang ginagawa ko," sagot naman nito habang naghahain ng almusal.

"You're not!" mahinang sagot niya pero nagsisilabasan na ang ilang litid sa kanyang leeg. Buwesit na buwesit siya, knowing that she'll be stuck in this place.

"Hindi masiyadong mataas ang pasensiya ko kaya huwag mo akong subukan," babala nito. Natameme naman siyang bigla. He's not joking. He tells that without batting his eyelashes. Napalunok siya at inis itong inirapan.

"Tatawag ang ama mo any time soon. Siya ang magpapaliwanag sa iyo kung bakit kailangan kitang dalhin dito."

Hindi siya umimik at inirapan lamang itong muli. Naamoy naman niya ang letson manok na inilapag nito sa mesa. Her stomach growls. Kagabi pa siya walang kain at aminado siyang gutom.

"Eat," utos nito at nilagyan ng pagkain ang plato na nasa kanyang harapan.

Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Gustuhin man niyang magmatigas pero talagang gutom na gutom na siya. Her lips quirks up as she look at him sharply then she dig in to her plate. Tahimik lang din itong kumakain hanggang sa matapos silang dalawa.

Pagkatapos ay tumayo na ito at iniligpit ang pinagkainan nilang dalawa.

"I don't have my stuffs," biglang sabi niya. Hinarap siya nito at tinitigan mula ulo hanggang paa. Pakiramdam niya tuloy ay para siyang hinuhubaran nito dahil sa pamatay nitong mga tingin sa kanya. He squint a bit then headed to the kitchen. Bumalik din naman ito agad at binigyan siya ng tubig na nasa plastic bottle.

"Dala ko ang ilang mga gamit mo. Nasa trunk ng kotse."

Naningkit ang kanyang mga mata.

"Ah so ang sinasabi mo e ganyan ka ka-ready at nag-abala ka pa talagang magdala ng gamit ko," puno ng sarkasmo ang kanyang tono.

"Your maids, sila nag-impake ng mga damit mo. Kung may kulang ka pa, ibibili kita sa baryo."

Mas lalo yata siyang nabuwesit dahil sa kanyang narinig.

"This is a kidnapping! Don't you know that? Isinama mo ako rito, unwillingly at pang-aabuso pa ang ginawa mo sa akin kagabi," mariin niyang ani. She's clenching her jaw and he did too.

"First, I never kidnapped you. Hindi ako ganoon ka gipit. Pangalawa, ayaw ko sa ma-ingay na kagaya mo. I prefer a different noise..." Sandali pa itong napatigil at muli siyang hinagod nang tingin sabay ismid sa kanya.

"You filthy bastard," galit niyang ani at napatayo. Lumabas siya ng bahay at tinungo niya ang sasakyan. Binuksan niya ang pinto. Gladly, it was not lock. She search her pack of cigarettes but she can't find it. Inis niyang sinipa ang gulong ng kotse.

"Ugh!" malakas na ungol niya at muling sinipa ang gulong ng kotse.

She wanted to scream but she control herself. Ayaw din naman niyang mang-eskandalo kahit pa nasa malayo ang ilang bahay. She frustratedly brush her hair using her fingertips.

"Gabrielle, 'nak? Si Kathleen nasaan?"

Narinig niya kaya siya napalingon sa kanyang likuran. Nakita niyang kinabig ni Gabrielle ang ina nito papasok sa loob ng bahay.

She feel annoyed at this moment. Gusto niya na talagang umuwi. Hindi naman sa nag-iinarte siya pero how can she be calm kung wala man lang siyang idea kung bakit nasa isang malayong probinsya siya ipinatapon ng kanyang ama.

Nakagat niya ang kanyang labi. Binuksan niya ulit ang pinto ng sasakyan at hinanap ang kanyang bag. Sa kakahanap niya'y nakita niya ito sa may ilalim ng upuan sa backseat. Agad niya itong kinuha at hinanap agad ang kanyang cellphone. But she was immediately disappointed nang wala ito roon. Mas lalo pa siyang nainis dahil wala rin sa loob ng kanyang bag ang kanyang sigarilyo.

"Ugh! This is unfair!" utas niya sa kawalan. Muli siyang lumabas ng kotse.

"May hinahanap ka?" bungad sa kanya ni Gabrielle habang nakahalukipkip. Inismiran niya ito at pinaningkitan ng mga mata. She cross her arms.

"Nasaan ang cellphone at sigarilyo ko?"

"Smoking is prohibited. I hate seeing you smoking. Speaking of your cellphone, I kept it."

"And how do you think I supposed to run my business? Email? Okay ka lang? Ayaw mo nga akong pagamitin ng cellphone ko!" Her eyes squint again in anger.

Marahas naman itong napabuntong-hininga at tiim-bagang na napatitig sa kanya.

"I am warning you Mae, hindi masiyadong mataas ang pasensiya ko sa mga taong kagaya mo," anito saka siya tinalikuran nito.

Natameme naman siya at napalunok. Shit! Nagsusumigaw ang utak niya pero para siyang napipi. Heto na naman ang dila niya at para na naman niya itong nalunok. She stunned too the way he nickname her. Ugh! It's getting into her nerves. Ayaw na ayaw niya pa naman na tinatawag siya sa kanyang second name. She prefer Kath or Kathleen, but not the Mae! She pulled herself out of her reverie.

Inis niyang sinundan ang lalaki at hinila ang braso nito. He face her. Nagsalubong ang makapal nitong mga kilay.

"Never call me Mae!" singhal niya. She make face at him. Tinalikuran niya ito at bumalik sa kotse. Umuusok pa rin ang ilong niya sa sobrang inis. Kulang na lang, maglabas siya ng apoy.

Inis na inis niyang nakuyom ang kanyang mga kamao. Wala siyang ibang ma-isip kundi ang tumakas pero paano niya gagawin iyon. Looking at her surroundings. She didn't even know where that road ended!

Mariin siyang napapikit. Huminga siya nang malalim.

"Isip Kath! Huwag kang maging tanga ngayon!" kastigo niya sa kanyang sarili.

Paroon at parito ang lakad niya hanggang sa lumapit sa kanya si Gabrielle.

"What!?" asik niya.

Inismiran siya nito at ibinigay ang kanyang cellphone. May tumatawag sa kanyang cellphone and speaking of the caller? It was her Daddy Ken.

Agad niyang kinuha ang cellphone at dumistansya sa lalaki.

"Papa! What are you doing!? Bakit mo ako ipinatapon sa malayong probinsya!? Naging suwail ba akong anak sa iyo!? Pa, you know ever since I was a child, I never give you a headache, even buying my own luxurious stuffs, I never get every penny from you! I earn those things! Why are you doing this to me!?" Halos wala na siyang preno sa pagsasalita hanggang sa matigil siya dahil sa narinig niyang tawa mula sa kabilang linya.

"Anak naman, isang araw ka pa lang diyan sa province, naghy-hysterical ka na agad? Relax love," kalmadong wika ng kanyang Papa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status