"GOOD MORNING, Mr. Luther. Our chef would like to know what do you want for breakfast," tinig mula sa kabilang linya nang abutin niya ang awditibo ng nag-iingay na telepono.
"Just tell him that I will be downstairs." Ibinaba ni Norman ang apararo at inayos na ang sarili.Tinungo niya ang tokador at kinuha ang puting long-sleeve fitted shirt na may bahid na asul sa balikat. Tinernuhan iyon ng itim na cargo pants at itim na sandalyas na sapin sa paa. Itinali niya ng rubber-band ang buhok na hanggang batok ang haba saka inililis ang sleeve hanggang siko, bahagya rin siyang nagwisik ng Canary perfume bago tuluyang lumabas ng suite.Plano lamang niyang maglibot sa paligid ng resort na pag-aari ng kaniyang tiyuhin pagkatapos ng agahan. Titingnan niya muna kung ano ang pwedeng gawin sa loob ng isang buwan na maglalagi siya roon.Pagbaba niya sa lobby ay agad siyang pinalibutan ng apat niyang bodyguard, na nakapagbigay sa kaniya ng iritasiyon. Bakasyon ang sadya niya rito at hindi negosyo kaya hindi niya kailangan ang mga ito."Change your clothes and have fun. I don't need your service during my stay here. Unless, if I call you," mahina ngunit maawtoridad niyang utos sa mga ito."But, Sir—"Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ng isa sa mga ito, magaang ang mga hakbang na tinungo niya ang restaurant ng hotel."Good morning, Mr. Luther!" ang nakangiting bati ng magandang receptionist na halatang kinikilig pa pagkakita rito. Tanging tango lang ang isinagot niya sa pagpapa-cute ng babae.Sinalubong naman siya ng isang unipormadong waiter at iginiya sa vip table na nasa beranda. Maganda ang tanawin sa pwestong iyon sapagkat tanaw ang karagatan.Maliban pa roon, ay napapalibutan iyon ng iba't ibang uri ng mga ligaw na bulaklak at ng mabeberdeng mga halaman. Malamig sa mga mata ang nakikita niya, malamig at sariwa din ang hangin na kaniyang nalalanghap kaya naman nakaramdam siya ng kagaanan ng loob.
Saka lamang siya naupo nang dumating ang kaniyang pagkain. Pinasadahan niya iyon ng tingin at bahagyang napasimangot. He's not into heavy breakfast, and they served him five variant of different breakfast. Putsa! Mag-isa lang siya, para namang kaya niyang ubusin ang mga iyon. What a waste of food!Iiling-iling niyang tinikman ang bawat pagkaing nasa harapan. Inuna niya ang rice-ala-corne bago ang tocino de leche at pancit palabok. He took a bite of cookie-like rusk hard bread, called fette biscottate and a spoon of fruit salad. He lifted the mug of espresso and sipped it, then he just stared over the left foods.After a moment, he decided to take a walk near the beach. May mangilan-ngilan nang nagsisipagligo sa dagat. May mga grupo ring naglalaro ng beach volleyball.He took another walk. Nagtungo siya sa baybayin, doon sa hindi gaanong matao. He stood up and face the ocean. Napakalinaw ng tubig at napakalinis. May mga naglalakihang bato sa paligid habang hinahampas iyon ng maliliit na alon. Sa bahaging iyon ay maihahalintulad niya ito sa islang gusto na niyang balikan ngunit hindi pa maaari. Hindi pa siya pwedeng bumalik sa Isla Lutherio hanggat hindi nila natatagpuan ang mga nawawalang kapatid.Sa ngayon ay nakita na nila ang pangatlo sa mga lalaki, si Martin. Nahanap ito five years ago at sa kasalukuyan ay may alitan ito kay Jasson, ang panganay sa kanilang labing dalawang magkakapatid, ngunit hindi naman nalalayo ang kanilang mga edad. Alitan ng dahil lamang sa iisang babae.Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. It was a call from Atty. Samson."Yes, attorney?""Princess is nowhere to found.""What?! Wait, I thought you already have the information about her? You said that it was confirmed?!""Yes, it was, kaya nga nagpapunta na ako ng mga tauhan ko, to rescue her. Pero naunahan kami ng taong may hawak sa kaniya.""This is all bullshit, Attorney! I told you to keep an eye on her! Bakit kayo nagpabaya!?" Nanggagalaiti siya sa sobrang galit na halos maglabasan na ang mga ugat niya sa leeg."We're sorry, Norman. Don't worry we wi---""I don't need your damn sorry! Go, and find her!!! hindi na niya hinayaan pang makapagsalita ang kausap at pinatay ang tawag.Nagtatagis ang mga bagang niya sa labis na pag-aalala. Princess is one of her siblings. Kamakailan lang nila ito natunton at ang masama ay hindi maganda ang lagay nito. Ipinambayad utang ito ng mga kumupkop dito dahil sa laki ng pagkakautang at hindi na kayang bayaran. Nang malaman nila iyon ay agad silang nakipag-usap sa taong may hawak sa kanilang kapatid, na nagkataong kasosyo pa nila sa ilang negosyong pinatatakbo nilang apat. Malaking halaga ang inialok nila para mabawi si Princess, ngunit hindi pumayag ang anak nito at itinakas ang dalaga. Kaya naman agad silang nagbayad ng mga mahuhusay na agent upang hanapin at bawiin ito. Ngunit itong tawag ng attorney ang masamang balitang bumungad sa kaniya."Damn it! Stupid!" Pinagsisipa niya ang maliliit na batong nakakalat sa buhangin. Ayaw man niya ngunit hindi niya maiwasang isipin na baka may hindi na magandang nangyari sa kanilang kapatid.Hindi man sila lumaking magkakasama ay naroon ang pananabik na makita at makilala niya ang mga ito. Kahit na magkakapatid lamang sila sa ama, ay hindi iyon hadlang upang makaramdam siya ng kakaibang saya sa isiping napakarami nila. Oo, hindi sila magkakapatid sa ina, iba-iba ang kanilang mga nanay. Ngunit hindi masasabing mga anak sila sa labas.At ang isiping nasa hindi magandang kalagayan ang isa man sa mga ito ay labis na nagbibigay sa kaniya ng pangamba.Napapabuntong-hininga siya habang nakapikit at nakatingala sa bughaw na langit. Ang mga kamay ay nakasuksok sa kaniyang bulsa. Ilang sandali lang ay muli niyang hinugot ang tawagan at nag-dial."Kuya.""Nasaan ka, Norman?""Nagkausap na kayo ni Attorney?" Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng nasa kabilang linya bago ito sumagot."Oo, nagpadagdag na ako ng mga taong maghahanap kay Princess.""Good. Kumusta kayo ni Martin?""Nandito ako sa Isla Lutherio.""Tsk! Bakit ikaw pwede?" palatak niya rito."Huh! Kasalanan naman niya kung bakit kailangan kong magtago rito," aniya na ang tinutukoy ay ang kanilang ama."Magtago talaga?""Lintek! Tigilan mo nga ako, Norman. Sige na, istorbo."Iiling-iling na muling ibinulsa niya ang tawagan, nang babaan na siya ng kapatid. Hindi pa tumatagal ay muli iyong tumunog. Kunot ang noong sinagot iyon nang hindi tinitingnan ang nakarehistrong pangalan."Hey, insan!""Lowelle?" aniya nang makilala ang boses nito. Si Lowelle ay pinsan niya sa ina, ito rin ang may-ari ng resto bar na nasa resort na iyon."It's nice to hear that you still recognized my voice! So, it's true that you are in my resort, ha?""Your resort? Your father owned this, not you, idiot!" Natatawang singhal niya rito."What ever! It'll be mine soon. Anyway, see you later. Maraming chikababe at night.""Asshole!""F*ck you! Bye!" Narinig pa niya ang malakas nitong pagtawa bago siya binabaan.Muling bumalik sa pagiging seryoso ang kaniyang mukha at tinahak na ang pabalik sa hotel nang maramdaman niya ang init na pumapaso sa kaniyang balat. Tanghali na pala, hindi man lang niya namalayan.Pumanhik na siya sa suite na kaniyang tinutuluyan, magpapahatid na lamang siya roon ng pagkain para sa tanghalian niya.Alas siyete nang gabi, nang maisipan na niyang muling lumabas ng kuwarto na kaniyang inuokupahan. Tinungo niya ang resto bar na nasa gawing likuran at kanugnog ng restaurant na kaniyang pinuntahan kaninang umaga. Tuwing alas sais ng gabi iyon nagbubukas at alas singko ng umaga nagsasara. Marami-rami na ring tao ang kaniyang nadatnan, at pawang mga abala na ang mga empleyado.Iginala niya ang paningin upang maghanap ng bakanteng mesa, nang may mamataan siya sa bandang sulok na may nakalagay na reserved. Nilapitan niya iyon. Nang makaupo siya ay agad na may lumapit sa kaniyang serbidora."Good evening, Sir. Welcome to Hell Grill Restobar! May I take your order?" magiliw na bati ng waitress.Matalim na tinitigan niya ang kaharap at imwinestra ang menu na hawak. "Don't you see? I'm reading the menu," sarkastiko niyang sagot."I'm sorry, Sir. Tawagin n'yo na lang po kami kung may o-order-in na kayo." Yumuko ang dalaga na tila napahiya sa sinabi niya bago umalis sa kaniyang harapan.He's scanning the menu when he heard a costumer on his left calling someone."Hey, Summer! Can you take my order, please!"Nakita niya sa kaniyang upper vision ang pagdaan ng isang babaeng may balingkinitang katawan."Sure, Mr. Ed, so, what is your order?"He heard the angelic voice, kaya tuluyang napaangat ang kaniyang ulo upang tingnan ang nagmamay-ari ng seksing katawan at malaanghel na boses.There, a lady standing sideways against his table, yet he still seeing her sweet smile on her red lips while talking to the costumer.Napasinghap siya nang mapaharap ito sa kaniya matapos na makuha ang order ng kausap. Nanatiling nakapaskil sa mga labi nito ang ngiting hindi yata nabubura. Wala sa sariling sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makarating ito sa counter.Nang makita niyang iginagala ng dalaga ang mga mata ay mabilis niya itong kinawayan. Akma na itong lalapit sa kaniya ngunit nawala iyon sa kaniyang paningin, nang isa sa mga kasamahan nito ang lumapit at naharangan nito ang babae.Halos lamunin ng binata ang waitress na gustong umistima sa kaniya dala ng sobrang inis. Isinenyas niya ang kamay na umalis ito sa harapan, ngunit ang dalagang nais niyang magsilbi sa kaniya ay abala na sa iba.Ilang beses pang kinuha ni Norman ang atensiyon ni Sunshine ngunit hindi siya nito alintana. Kaya naman tumayo na siya sa kinauupuan at nilapitan ang dalagang may bitbit na tray na puno ng pagkain at tinabig iyon, dahilan upang tumilapon at magkalat iyon sa sahig.
Nanlalaki ang bilugang mga mata ng dalaga at bahagya pang nakaawang ang mga labi, dahil sa pagkabigla habang nakatingin sa nagkalat na order ng costumer at ang mga nabasag na lalagyan."Anong problema mo?!" bulalas na tanong nito sa kaniya kasabay ng pag-angat ng paningin upang tingnan siya."Anong problema mo?!" bulalas ni Sunshine nang mag-angat siya ng mukha at tiningnan ang lalaking tumabig sa mga dala niya.Saglit na natigilan si Norman sa dalagang kababakasan ng galit. Pinakatitigan niya ito. Hindi niya maintindihan, pero ang galit nitong mukha ay higit na nakakuha sa kaniyang atensiyon. Para itong maamong tupa noong nakangiti, ngunit naging leon nang ginalit."Anong problema ko? Kanina ko pa kinukuha ang atensiyon mo para ibigay ang order ko, pero hindi ka man lang lumalapit!" singhal ni Norman na halos magtalsikan na ang laway nang makabawi ito sa pagkatulala. Nanlilisik pa ang mga mata nito sa hindi malamang dahilan.Natigagal ang dalaga dahil sa sinabi ng kaharap, muling napaawang ang bibig nito at inis na itinirik ang mga mata. Pilit humuhugot ng pasensiya."Sir, kaliwa't kanan po ang ang kostumer ko. Sinusubukan ko kayong lapitan pero may mga lumalapit naman po sa inyo na kasamahan ko, kaya iyong iba na ang
“Do you want me to enjoy my stay here?” Humarap siya kay Lowie na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi.“Ofcourse! It's an honor for the resort, that the famous Luther is enjoying his stay here!”“Then do me a favor,” aniya na hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kaniyang mga labi.“What favor?”“I want Sunshine.”“What!? Are you serious?!”“Yes, and if you do that, I will give you unlimited access in my airline. Unlimited ticket, unlimited tours, what else?”“Woah! Pinsan, nahihibang ka ba? Talagang iyan ang kapalit ni Sunshine?”“Kidding aside, Low. You could have all that privileges once you convince her. I don't know if I can. Actually, hindi lang ikaw ang nag-offer sa akin para lang kumbinsihin siya na sumama
PAULIT-ULIT na umaalingaw-ngaw sa kaniyang isip ang pagtangging iyon ng dalaga. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit pa niya pinag-aaksayahan ng oras upang isipin ang babaeng iyon.'Ha! Akala mo napakaganda! Kung makapagsalita. Tsk!'Para siyang tangang kinakausap ang sarili. Hindi niya kayang aminin na may babaeng tumanggi sa kaniya. Dahil iyon ang unang beses! Samantalang… ha!'Hindi ba niya alam na babae ang humahabol sa akin?! Ni hindi ko na nga kinakailangang bayaran ng ganoon kalaking halaga! Sila mismo gusto akong makasama! Pero siya?! Sampung milyon! Tinanggihan niya?!''Teka nga! Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Hayssss! Grabe kang babae ka!'Sa sobrang inis ni Norman ay naihagis niya ang unan. Simula kasi nang makausap niya kanina si Sunshine ay para na siyang siraulo. Pilit na umuukilkil sa kaniyang balintataw ang malungkot nitong mga mata. Hanggang sa makarating na nga lang siya sa suite na inookupahan niya ay ito p
"YOU ARE?" tanong ng babaeng nasa mid 30's marahil ang edad, habang nakatingin sa resumè niya na hawak nito."Sunshine Valdez, Ma'am.""Hmmm… you came from Hell Grill Restobar at Palacio Grande. You work there for two years? When did you stop?""Recently lang po, Ma'am.""May I know why?" matiim itong nakatitig sa kaniya, para bang hinahalukay nito sa kaniyang kaibuturan ang katotohanan sa kaniyang isasagot."Ahm… my boss fired me." Yumuko siya pagkasabi no'n.Narinig niyang bumunt
"TATANGGAPIN ko ang trabahong iniaalok mo. Pero may kondisyon ako."Sumilay ang ngiti ng tagumpay sa mga labi ni Norman pagkarinig sa sinabing iyon ni Sunshine na nagpaulit-ulit pa sa kaniyang isip. Dahan-dahan siyang humarap sa dalaga at ipinaskil ang seryosong mukha."What is it?" pigil ang sariling ipakita ang tuwang nadarama na tanong niya."Ahh… n-no sex involve! P-pagsisilbihan lang kita! Susundin ko lahat ng ipag-ipag-uutos mo, p-pero hindi ang p-pagsilbihan ka sa kama!" nauutal na anang dalaga."Alam m—""Hep! Hindi pa ako tapos! Hindi ko kailangan ng ten million mo. You just need to pa
"Clean my room first, the first door on your left.""Ah… nasaan ang cleaning materials, sir?" malumanay niyang tanong."Next door to the bathroom, it's the storage room… and that would be your room. Just clean it later.""Y-yes, sir." Mabilis siyang tumalima.Pinasok niya ang storage room at gano'n na lamang ang pagkakunot ng kaniyang noo, dahil taliwas iyon sa kaniyang inaasahan. Masinop na nakasalansan ang mga gamit doon at ni alikabok ay wala siyang makita. At malaki iyon para sa isang storage room. Hinanap niya ang pinaglalagyan ng cleaning materials at kinuha ang mga kakailanganin niya. Pagkatapos ay tinungo na niya ang silid ng amo."Eehh?" anas niya nang maigala ang paningin sa kabuuan ng silid."Anong lilinisin ko rito?" mahina niyang usal. Paano ba naman ay napakaaliwalas ng kuwarto.Wala siyang makitang kahit kaunt
"Hi, Summer!" bati ng isang foreigner at nang lingunin iyon ng dalaga ay hindi niya napigilang hindi mapangiti. "Hello, Sir!" ganting bati niya. "You look pretty with your dress," papuri nito sa kaniya. "Thank you, Sir."
"Surprise!" "What are you doing here?" gulat na tanong ni Norman ng mabungaran niya sa loob ng suite na prenteng nakaupo sa sofa ang isang maganda at sopistikadang babae. Wala naman talaga siyang lakad, inihatid lang niya ng personal si Sunny pagkatapos ay dumiretso na siyang muli rito sa suite upang magkulong. Pero ito ang dadatnan niya? Tsk! "I'm on vacation. Then, I heard from someone that you are also here. That is why I'm here," malanding sagot ng babae. Tumayo ito at iniangkla ang mga braso sa batok ng binata. Iritadong binaklas ni Norman ang mga kamay ng dalaga at salubong ang mga kilay na naupo sa single sofa. "Who gave you the access here?" "Well, Lowelle knows me." Umupo ito sa tabi ng binata at walang salitang hinalikan ito. "Come on, Claire. I'm not in the mood," iritadong inilayo ni Norman ang mga labi sa dalaga
"SUNNYYYYY!!!""Daddy, daddy, wake up! Daddy!"Biglang naimulat ni Norman ang mga mata nang marinig ang matinis na boses na iyon, at maramdaman ang maliliit na mga kamay na gumigising sa kaniya. Gulat siyang napatitig sa napakagandang batang nasa kaniyang harapan. At ang napakaamo nitong mukha ang nagpakalma sa kaniyang kamalayan.Bumangon siya at mahigpit itong niyakap. "Thank you for waking me up, baby.""I hear you shouting. I was about to wake you up because breakfast was ready. Having a nightmare again, daddy?" matatas na tanong ng munting bata."Yes, a nightmare.""You didn't pray before you sleep, did you?""I did, baby.""Hmmm…" Ipinagsalikop ng paslit ang mga kamay sa dibdib na tila isang matandang pinag-aaralan ang kaharap."Okay, let's go downstairs. Mommy is waiting for us.""Your mom?""Yes, my mom, dad! My mom! What is wrong with you?" Nakataas ang isang kilay at bakas ang pagkairita sa mukha nito.Tila naman nabuhayan ng dugo si Norman, agad itong tumayo, hindi na alint
Naitungkod ng binata ang mga kamay sa mahabang mesa, kuyom ang mga kamaong nanginginig sa galit. Atsaka nito inihagis ang upuang nasa kaniyang gilid na lumikha ng pagkabasag sa maliit na glass table na tinamaan niyon.Madilim ang mukhang lumabas siya ng opisina. At kababakasan ng takot ang mga mukha ng bawat makasalubong niya."Master…" salubong sa kaniya ng tauhang si Clarence."Hanapin ninyo si Sunshine! I don't want to see your face until you found her!" dumadagundong ang boses na utos niya rito dahilan upang maagaw ang atensiyon ng mga naroon."Copy, master," ani Clarence bago pa man makasakay ang amo sa sasakyan. Mabilis ang kilos na nagbigay siya ng utos sa lahat ng tauhan.Nakarating si Norman sa opisina ni Jasson at naroon na rin ang iba pa niyang mga kapatid. Bakas ang pag-aalala ng mga babae, samantalang nananatiling kalmado lamang ang mga lalaki."Anong nangyari, kuya?" ani Emmanuelle pagkapasok na pagkapasok ng binata."They abducted Sunshine!""Nino?""Si Claire!""What?
“We're having a family dinner tonight,” bungad ni Norman. Nasa pinto ito ng kusina habang inaayos ang sleeve ng polo.Napalingon si Sunshine na abala sa paghahanda ng pagkain sa hapag. Nang matapos ay ipinunas nito sa suot na apron ang mga kamay saka iyon hinubad at lumapit sa binata.“Family d-dinner?” bakas ang kaba sa boses ng dalaga. Inayos nito ang kuwelyo at kurbata ng kasintahan.“Hmmm, gusto kang makita ni mama't papa.”“B-bakit daw?”“Ano bang klaseng tanong `yan? Of course, they wanted to meet you.” Inakbayan ni Norman si Sunshine at iginiya paupo sa magkatabing upuan. Siya na rin ang nagsalin ng pagkain sa plato nito bago inasikaso ang sarili.“K-kinakabahan kasi ako,” pag-amin ng dalaga. Totoong kinakabahan siya. Dahil sa unang pagkakataon ay makikita niya ang mga ito. May ilang impormasyon naman siyang naririnig tungkol sa mga magulang ng binata. At ayon sa mga naririnig niya ay talagang nagmula ang mga ito sa hindi basta-bastang pamilya.Ang alam niya ay kilalang makapan
“YOU can't do this to me, Norman!”“I'm sorry, Katie. I just wanted to be fair with you. Matagal na tayong wala at sa ating dalawa ikaw ang nakakaalala. I don't want to blame you. So please, just accept it. Si Sunshine ang mahal ko.”“No! You're just confused, honey. Please, don't do this. You love me, I know it. Kaya nga ako ang hinanap mo nang magkamalay ka, hindi ba?”“Siguro nga ikaw ang hinanap ko. Dahil ikaw lang ang naaalala ko. Siguro naman hindi ka manhid noong mga panahong pinaniwala mo akong nagkabalikan tayo. I never felt that I'm inlove with you.”“No, Norman. You loved me, and you still in love with me. Naguguluhan ka lang alam ko! Nang dahil sa babaeng 'yon kaya ka nagkakagan'yan! Gano'n ba siya kahusay sa kama, ha!? Sabihin mo! Baka mas magaling pa ako sa kaniya! Why don't you try me?!”“Watch your word, Katie. Sa ayaw at sa gusto mo hindi na matutuloy pa ang kasal natin. And that is final.” Tinalikuran ni Norman ang dalaga, ngunit mabilis siya nitong naharang at walan
Tinatamad na hinila ni Sunshine ang maleta habang papalabas ng SumSun Airline. Kalalapag lamang ng eroplanong kinalululanan nila sa airport ng Los Angeles, California. Kung gaano ka-excited ang mga kasama niya dahil sa oras na mayroon ang mga ito upang maglibot, ay siya namang daig pa ang nagluluksa. Na siya namang hindi nakaligtas sa kaibigang si Stan na kanina pa siya pinagmamasdan."Akin na nga `yan." Kinuha ni Stan ang maleta ng dalaga, binitbit iyon at hawak ang palad ng kaibigang iginiya ito sa paglalakad."Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Hindi gagaang iyang bigat na nararamdaman mo kung magpapanggap kang malakas."Nilingon lang ito ni Sunshine at matipid ang ngiting namutawi sa mga labi."Hays, ang swerte naman ng lalaking `yon. Sana ako na lang siya," aniya pa."Mas swerte naman ang babaeng nakalaan para sa `yo."Nagkibit-balikat lamang ang binata. Para kasi sa kaniya, ang dalaga ang gusto niyang makasama sa buhay."Nakita ko na ang babaeng nakalaan sa akin. Iyon nga lang
MABILIS na nagdamit si Norman at para itong hangin sa liksi ng paglabas nito sa suite. Bumaba siya sa 3rd floor kung nasaan ang kwartong inookupahan ni Sunshine, ngunit nakailang katok na siya ay wala pa ring nagbubukas niyon.Iritado na ang binata dahil sa mga bagay na gumugulo sa kaniyang isip. Ano ang ibig sabihin ng mahigit limang milyon na iyon? Iyong mga katagang bigla na lamang lumitaw sa kaniyang isip. Sino ba talaga si Sunshine sa buhay niya? Anong ibig sabihin nito kagabi?"Master." Nakayukod na bati ng isa niyang tauhan nang makasalubong niya ito sa lobby ng hotel."Nasaan ang iba pa? Nevermind, just tell them to find Sunshine, now!""Yes, master!""Nasaan ka na ba, Sunny?" usal niya habang iginagala ang paningin sa paligid.Lumabas ng hotel ang binata at nagtungo sa dalampasigan. Nagbabaka-sakaling makita roon ang dalaga. Naligo na siya sa sariling pawis at nalibot na niya ang resort pero ni anino ni Sunshine ay hindi niya matagpuan. Nakaramdam siya ng labis na kalungkutan
"Sunny...""At hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin... kita." Sumubsob ang mukha ni Sunshine sa matipunong dibdib ng binata.Hindi kaagad nakahuma si Norman. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong ayos. Parang musikang nagpaulit-ulit ang mga salitang iyon buhat sa dalaga at hindi niya maintindihan kung bakit tila napakasarap niyon sa pakiramdam niya. Nang mahimasmasan siya ay pinangko na lamang niya ang nakatulog na dalaga para dalhin sa sarili nitong suite. Pero gayon na lamang ang muli niyang pagbuntong-hininga dahil wala ang keycard ng dalaga. Napapalatak na muli niya itong ipinasok sa elevator.No choice siya kundi ang dalhin ito sa kaniyang suite. Saglit niyang ibinaba si Sunshine habang hawak ito nang mahigpit sa baywang, upang buksan ang pinto. Muli sana niya itong bubuhatin ngunit natigilan siya nang magtama ang kanilang mga mata. Nakadilat na kasi ito at malamlam ang mga matang nakatingin sa kaniya.Kumibot ang mga labi ni Sunshine, dahilan para mapalunok ng laway si Norm
“Katie...” “Where have you been? I’m hungry.” “Ipinakilala ko si Sunshine sa mga stockholder.” “I see. Are you done?” Nagkatinginan si Norman at Sunshine. Blangko ang mukha ng dalaga na pilit itinatago ang totoong nadarama. Samantalang tila naman nagsusumamo ang mga mata ng binatang nakatitig pa rin dito. “Hey...” “Ah. By the way, Katie, meet Sunshine. Shine, this is Katie.” “Nice to meet you, Ms. Valdez. Well, for your information, I am Norman's fiancée.” “Nice to meet you too, Ms. Grande.” “Did you know each other?” “No. We are just meeting now. Right, Ms. Valdez?” “Yeah...” walang buhay na sagot ni Sunshine. “Let's go, honey. Kumain na tayo.” “Let’s go, Sunny.” “Hindi na, Sir. Hinihintay ako ng mga kaibigan ko.” Nais sanang tumutol ni Norman, ngunit napansin niya ang masamang tingin ni Katie, kaya walang nagawang napabuntong-hininga na lamang ito ‘saka tinanguan ang dalaga. Lumipas ang oras. Halos masayang nagkukuwentuhan na lamang ang mga naroon. Nang muling dumili
PINASADAHAN ni Norman ang kabuuan sa harap ng malaking salamin matapos niyang ikabit ang customized silver cufflinks sa magkabilang lupi ng suot na white long-sleeved shirt. Pagkatapos ay ang red necktie naman ang isinuot, at saka niya isinunod ang gray coat. “Ang gwapo ng piloto namin, ah!” bulalas ni Emmanuelle nang pumasok ito sa silid ng kapatid. Akma siya nitong yayakapin pero agad niya itong inawat, ayaw niyang magkaroon ng kahit konting lukot ang suot niya. “Ang sungit!” angil sa kaniya ng kapatid. “Is everything ready?” tanong niya rito habang itinatali ng black sanrio ang may kahabaan ng buhok. “Yes, everything is ready. And we will start in ten minutes.” “Okay.” Muli pa niyang sinipat ang sarili sa salamin, making sure na walang lukot at presentable ang ayos niya. He was used to attending business presscon, but he couldn’t explain why he was feeling nervous right now. “Relax, kuya. Press launching lang ang gaganapin, hindi pa kasal,” pang-aasar sa kaniya ni Emmanuelle.