Share

Chapter 4: Bed Pleasurer

Author: Iza Wan
last update Last Updated: 2022-01-02 23:31:22

“Do you want me to enjoy my stay here?” Humarap siya kay Lowie na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi.

“Ofcourse! It's an honor for the resort, that the famous Luther is enjoying his stay here!”

“Then do me a favor,” aniya na hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kaniyang mga labi.

“What favor?”

“I want Sunshine.”

“What!? Are you serious?!”

“Yes, and if you do that, I will give you unlimited access in my airline. Unlimited ticket, unlimited tours, what else?”

“Woah! Pinsan, nahihibang ka ba? Talagang iyan ang kapalit ni Sunshine?”

“Kidding aside, Low. You could have all that privileges once you convince her. I don't know if I can. Actually, hindi lang ikaw ang nag-offer sa akin para lang kumbinsihin siya na sumama sa kanila. Pero lahat ng 'yon tinanggihan niya. Even if it's worth millions.”

“I will give you five percent of my shares in this resort.”

Natigagal si Lowelle sa alok na iyon ng pinsan. Paano ba naman, Norman owned twenty-five percent shares of this Palacio Grande, while he has ten percent. Oras na ibinigay nito ang kalahati sa kaniya, magiging suma-total of fifteen percent na ang magiging bahagi niya sa hotel. Maliban pa sa unlimited access ng airlines na pag-aari nito.

Ganoon ba kalaki ang tama nito sa kaniyang trabahador?

“I will try,” usal ni Lowelle.

“Do your best, Lowelle. Sayang ang offer ko sa 'yo.” Tinapik-tapik ito ni Norman sa balikat bago nilisan ang opisina nito.

Patungo na sana ang binata sa exit door ng resto nang hindi inaasahang mabangga siya ng isang babae dahil sa pagmamadali.

“Stupid!” asik niya.

“Sir, I'm sorry. I'm really sorry.” Sunod-sunod na hinging paumanhin ng babaeng nakabungguan niya, kasabay ng pag-angat ng mukha nito upang tingnan siya.

“Sunshine…” bulalas niya sa isip.

Nakita niya ang pag-awang ng mga labi ng dalaga pagkakita sa kaniya at ang pagkailang nito habang nakatitig sa kaniya.

At 'eto na naman siya, tila nahihipnotismo sa magagandang mata ng kaharap.

“S-sorry po ulit.” Tinalikuran siya nito at halatang hindi ito komportable sa kanilang paghaharap.

Ngunit hindi pa man nakalalayo ang dalaga nang marahas niya itong pigilan sa siko. Nilingon siya nito at kunot ang noong tinitigan. Her upturned eyes was set on him with an awe.

Nagtaka si Sunshine nang pigilan siya ng binata sa kaniyag braso, kaya naman tinapunan niya ito ng nagtatanong na tingin. Natigilan lang siya nang titigan siya ng binata mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri ang kaniyang pagkatao.

Nakaramdam siya ng kaba nang bahagya pa itong lumapit sa kaniya at halos ikaduling niya ang gadangkal na naging pagitan nila.

"Nice curves," anas nito sa paos na tinig. Bahagya pa itong lumayo at nakangising tiningnan siya.

Hinawi niya ang kamay nito na nakahawak pa rin sa kanang braso niya, saka pinukulan ito ng masamang tingin bago nagmamadaling naglakad palayo rito.

“Bwisit! The nerve of that man! Aaaahhh!” pigil ang hiyaw ni Sunshine nang marating ang locker room.

Sunod-sunod ang pagtaas baba ng kaniyang d****b dahil sa paghahabol sa kaniyang hininga. Hindi maalis sa kaniya kung paano siyang titigan ng lalaking iyon na halos hubarin na ang natitira niyang saplot.

Sanay na siyang nakikita ng mga kalalakihan na naka-two piece lamang siya. Walang malisya dahil nasa beach naman sila at higit sa lahat iyon ang required na suot upang malaya silang makakilos sa pagsasayaw lalo na't may props silang apoy.

But with that man! Para siyang nakaramdam bigla ng hiya. Sa isang iglap parang ayaw na muna niyang lumabas sa silid na iyon, isipin pa lang na pinanonood siya ng bwisit na lalaking iyon!

Nanghihinang napaupo ang dalaga sa papag na naroon at niyakap ang sarili. Hindi siya dapat magpaapekto. Hindi dapat! Huminga muna siya nang malalim bago tumayo at tinungo ang washroom. Tutal isang dance number na lang naman at makakauwi na siya.

Ngunit tila nananadya ang binata dahil nakita niya itong prenteng nakaupo sa harapang bahagi ng entablado at nakangisi't  nakatingin sa kaniya.

Dahil sa pagkailang na nararamdaman ni Sunshine, nawala siya sa konsentrasyon at nawala sa ritmo at pagkakasabay ang mga kamay niyang may hawak na fireball, dahilan upang masagi ng apoy na hawak ang kaliwang braso niya nang hindi niya maayos na naiikot ang tali niyon.

Napangiwi siya dahil sa init niyon. Nag-aalalang tumigil ang kaniyang mga kasamahan upang siya ay daluhan. Ngunit kapwa napatigil ang mga ito at sa kaniyang pagkagulat nang may mga bisig na pumangko sa kaniya.

“T-teka, okay lang ako. Ibaba mo na ako!” Pagpoprotesta niya at nagtangkang bumaba sa mga bisig nito. Ngunit tila walang narinig ang binata at hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kaniya.

“Stay still if you don't want an another injury, lady.” Mabilis siya nitong dinala sa clinic ng hotel upang lapatan ng lunas ang lapnos sa kaniyang braso.

“Bring her home safe,” utos nito sa mga lalaking nakasunod sa kanila matapos siyang magamot ng company nurse

“Yes, Master.”

“Hindi pwede. Hindi pa tapos ang trabaho ko.”

“Call it off. I already talked to your boss.”

Laglag ang pangang hindi na nakatanggi pa si Sunshine. Matapos niyang makapagbihis ay iginiya na siya ng mga tauhan nito sa itim na sasakyang naghihintay sa kanila.

Kinabukasan…

Matapos niyang asikasuhin ang ina at ihanda ang mga pangangailangan nito ay nagmamadali na siyang sumakay ng tricycle at nagpahatid sa resort.

“Shine, dumiretso ka raw sa office ni Sir Lowelle.”

“Bakit daw?” Bigla siyang binundol ng kaba dahil baka hindi nito nagustuhan ang pag-iwan niya kagabi sa trabaho.

“Ewan ko. Iyon lang ang ipinasasabi eh.”

“Sige, salamat.”

Sa opisina nga siya dumiretso ngunit hindi agad siya kumatok. Nag-ipon muna siya ng lakas ng loob at huminga nang malalim.

Tatlong mahihinang katok at binuksan na niya iyon. “Good afternoon, Sir Lowelle,” bati niya rito.

“Same to you, have a seat. So, how's your injury?”

“O-okay na po, sir. Pasensiya na nga po pala kung umuwi—”

“It's okay. Naiwan naman ang mga kasamahan mo para magpatuloy.”

“T-thank you, Sir.” Napayuko si Sunshine dahil sa pagkailang sa klase ng titig na ipinupukol ng lalaki sa kaniya.

“Now I know why Norman is eager to have you,” wala sa loob nitong usal.

“Ho?”

“Nevermind. By the way, you're not going to work as a waitress and a fire dancer for a month.”

“A-anong ibig n'yo pong sabihin?”

“Mr. Norman Luther is requesting you to work for him while he's here.”

“P-pero Sir, ayoko po. Hindi po ba pwedeng iba na lang?” Walang pagdadalawang-isip niyang tanggi.

“As I've said, he requested you.”

“Paano kung hindi ko tanggapin?”

“Shine, Norman offered you five times of your salary.”

Napamulagat ang dalaga sa narinig. Limang beses ng kaniyang regular na sweldo ang ipapasahod sa kaniya ng binata? Pero wala siyang tiwala rito. Kung tagapagsilbi lang naman ang gusto nito, maraming tauhan ang resort lalo na sa loob ng hotel. Pwede itong kumuha ng iba. Pero bakit siya pa?

“I'm sorry, Sir, pero hindi ko po matatanggap.”

“Then, I'm sorry too, you are fired.”

“Sir?” gulat niyang tanong dito.

“You heard me, right? You are fired.”

Napayuko ang dalaga, hindi niya maiwasang hindi maiyak. Sa loob ng dalawang taon niyang pagtatrabaho sa resort na iyon, napamahal na siya sa mga katrabaho niya, maging sa mga regular costumer nila. Sa kabila ng lahat, ganoon na lamang siya nito basta tatanggalin.

“I'm sorry, Shine. But if ever you change your mind, you can talk to me. Isang buwan lang naman iyon—”

“It's okay, Sir. Hindi lang naman ito ang resort na narito sa Bohol. Anyway, thank you.”

Sabihin nang maarte siya, pero ayaw niya sa trabahong hindi siya komportable at ang makasama ang lalaking iyon? Tsk! Batid niyang hindi siya makatatagal na kasama ito.

Magalang na nagpaalam siya sa binata at tinungo ang locker room upang kunin ang apron, ang isiping ito na ang huling gabi niya sa trabaho ay nakapagbigay sa kaniya ng kawalang ganang kumilos. Magkagayon pa man ay sinikap niyang magserbisyo nang maayos.

“Bessy! Ayos ka lang?” pukaw sa kaniya ni Eloisa nang mapansin nitong tulala at tila malalim na ang nasisid dahil sa lalim ng kaniyang paghinga.

Kasalukuyan silang naka-break at nagpapahinga sa likod na bahagi ng resto, kung saan wala masiyadong tao.

“Ha?”

“Tinatanong ko kung ayos ka lang ba? Halata kasing problemado ka.”

Tinitigan niya ang kaibigan, tila ba sinusukat niya ang sarili kung sasabihin ba rito ang problema niya. Si Eloisa ang kauna-unahan niyang nakapalagayan ng loob simula nang mag-umpisa siyang magtrabaho sa resort na iyon.

Nasasabihan din niya ito ng problema. Napatunayan na rin niya na totoong kaibigan ito sa kaniya. Napabuntong-hininga na naman siya bago binawi ang paningin dito at itinuon sa gawi ng dagat.

“Huling gabi ko na ngayon dito,” sambit niya.

“Ha? Anong sinasabi mo?”

“Ito na ang huling gabing magkakasama tayo. Huling gabi na sasayaw ako kasama ang grupo,” pag-uulit niya.

“H'wag mong sabihing nag-resign ka? Agad-agad?”

Hindi siya umimik.

“Pero bakit?” muling tanong nito.

Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang sabihin sa kaibigan ang totoong dahilan. Batid kasi niyang sasalungatin siya nito. Lalo na't napakasimple lang ng dahilan niya.

Oo, napakasimple lang, pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit big deal sa kaniya ang offer na iyon. Pakiramdam kasi niya ay binibili ng lalaking iyon ang pagkatao niya.

At iyon ang hindi katanggap-tanggap para sa kaniya.

“Bakit biglaan naman yata 'yan, Bessy? May nahanap ka bang mas malaki ang sweldo?”

“Hmm…” tipid niyang sagot na sinabayan pa ng pagtango.

“Ay! Kainis ka naman! Bigla ka na lang mang-iiwan sa ere. Pero, since alam kong mas makakabuti at dahil kailangan ng nanay mo iyan. Sige, magiging masaya na lang ako para sa 'yo. Pero, Bessy! Mamimiss kita!” Bigla nitong atungal na tumayo pa sa kinauupuan, ibinuka ang mga braso at mahigpit siyang niyakap.

Napangiti siya kahit na may bahid ng lungkot ang kaniyang mga mata. Ito ang bagay na nagustuhan niya rito, ang palaging pagsuporta sa mga desisyon niya kung para naman sa ikabubuti iyon.

---------------------------------------

“Nakausap mo na siya?” bungad na tanong ni Norman sa pinsan nang makapasok sa opisina nito.

Nag-angat ng ulo si Lowelle, tiningnan lang siya nito, tumangu-tango at muling itinuon ang paningin sa report na binabasa nito.

“So, when she will start?” Nakangisi na ito, ngising nakakaloko nang muli siyang tingnan.

“Parang nakasisiguro kang pumayag nga siya sa offer mo, ah?” anito na isinandal ang likod sa kinauupuan at pinagkrus ang mga braso.

“Well, I guess, she don't have a choice, right?” nakangisi bagamat seryoso ang mga matang sagot niya rito. Patagilid na isinandal ni Norman ang sarili sa pinto paharap sa table ng pinsan at ipinagkrus din ang mga braso.

“Then, your guess is wrong and sorry for that.”

Napatayo si Norman nang tuwid at kunot ang noong ipinamulsa ang mga kamay sa suot na pantalon.

“What do you mean?” tanong niya.

“She declined the offer, and tonight is her last night here.”

“What?! Are you kidding me?”

“Mukha ba akong nagbibiro? Mawawalan ako ng magaling at masipag na tauhan para lang magbiro, Norman.”

“Ha! Sino siya sa akala niya para tanggihan ako? O baka kulang pa ang offer? Okay, make it ten million!”

“You are crazy, you know? Sabi naman sa 'yo, hindi lahat ng tao mabibili ng salapi, and includes her.”

“Tsk!” Palatak niya at walang paalam na lumabas.

Tinungo niya ang bahagi ng resort na tanaw ang entablado, kung saan kasalukuyan nang sumasayaw ang grupo nila Sunshine. Mula sa kaniyang kinatatayuan ay walang kurap na pinakatitigan niya ang bawat pag-indak ng dalaga

Matapos ang huling performance nila ay kinausap na ni Sunshine ang mga kagrupo. Maging ang mga ito ay nabigla at nadismaya sa kaniyang ibinalita. Nag-aya pa ang mga itong mag-inuman kahit saglit bilang huli nilang pagsasama-sama. Sumang-ayon siya at pinauna na lamang niya ang mga ito sa bar dahil kailangan pa niyang kausapin ang kanilang manager pagkatapos nilang magbihis.

Hindi nagtagal ay nakausap na niya ang namamahala ng restobar,  maging ito ay nagulat sa biglaan niyang pag-alis, bagamat nasabihan na raw ito ni Sir Lowelle.

Patungo na sana siya sa kabilang side ng restaurant kung nasaan ang bar, nang biglang may humila sa kaniyang kaliwang braso at hinatak siya papunta sa kabilang bahagi kung saan walang tao. Bahagya siyang itinulak ng taong iyon pasandal sa pader at kinorner ng dalawa nitong kamay na nakatuon sa magkabilang gilid ng kaniyang ulo.

Bagamat nabigla at bahagyang nakaramdam ng takot ang dalaga ay nagawa pa rin niya itong pangunutan ng noo.

”Ano na namang problema mo?!” singhal ni Sunshine rito, hindi na nakapagpigil pa ang dalaga sa sobrang galit na nararamdaman niya para dito. Nawalan lang naman siya ng trabaho dahil sa kagagawan ng abnormal na `to!

Hindi agad sumagot ang binata, nakakunot lamang ang mga noo at matamang nakatitig sa kaniya.

“Ano?!” inis na muling tanong niya.

Napapabuntong-hiningang inalis ni Norman ang mga kamay na nakalapat sa pader at inilagay sa sariling baywang, ngunit pinanatili  niya ang lapit ng distansiya niya. Nagkamot siya ng noo malapit sa sintido bilang mannerism kapag nag-iisip ng dapat sabihin, bago siya humalukipkip at pinakatitigan ang dalaga.

“If my offer is not enough, then, I will make it ten million,” seryoso niyang wika.

Pinagmasdan ni Norman ang dalaga habang nakayuko ito sa paanan. Narinig din niya ang paghigit nito nang malalim na hininga, nakita niya rin ang paggalaw ng mga pisngi nito. Nag-angat ito ng ulo at matalim ang mga matang tumitig muna sa kaliwa't kanan habang tikom ang mga labi, saka tumingin sa kaniya.

Pasiring pa itong tumawa at umiling-uling bago tumayo nang tuwid, tulad ng binata ay inihalukipkip ang mga braso sa d****b.

“I really don't have idea, kung ano ang meron sa akin para pag-aksayahan ninyo ng ganiyan kalaking halaga? To tell you honestly, your offer is cheaper than the last offer from someone that, well… older than you." Ipinaling ni Sunshine ang ulo pakanan at malamig na tinitigan ang kaharap.

“Hindi ko alam kung… maiinis, maiinsulto o matutuwa ba ako. Gusto kong mainis dahil hindi ko talaga alam kung anong nakikita ninyo sa akin para alukin ng kung anu-ano, ang daming babae d'yan, oh.” Inalis niya ang isang kamay mula sa pagkakahalukip atsaka itinuro iyon sa gawi ng restobar.

“Gusto ko ring mainsulto, kasi dahil ba por que nakikita n'yo akong sumasayaw na tanging swimsuit lang ang suot ay mabibili n'yo na ang pagkatao ko? Pero nakakatuwa, hindi ko kasi alam na ganiyan pala ang halaga ko, na ang isang probinsiyanang tulad ko ay milyones ang halaga ng serbisyo," sarkastiko niyang pagpapatuloy.

Hindi nakaimik si Norman, nabigla sa mga sinabi ng kaharap habang seryosong nakatitig sa kaniya. Mababanaag sa mga mata ng dalaga ang lungkot at awa para sa sarili, marahil ay dahil sa mga natatanggap nitong hindi kaaya-ayang alok.

“Nakabilad man ang katawan ko sa harapan ninyo, pero hinding-hindi ko ipinagbebenta ang sarili ko. Fire dancer slash waitress po ang trabaho ko at hindi bed pleasurer.” Bawat salita ng dalaga ay mariin.

Lumapit pa ito na halos ga-pagitan na lang ang layo sa mukha ni Norman na ikinagitla ng binata. "Hindi ako magaling sa kama. Ahhh… wala pala akong alam sa pagpapaligaya sa kama, kaya baka masayang lang ang milyones na ibabayad mo." Ngumiti ito nang may pait saka huminga nnag malalim.

“May respeto ako sa sarili ko. Iyon na lang ang meron ako para sa sarili ko. Kaya please lang... h'wag ako. Isa pa, kaya kong kumita bg pera sa marangal na paraang alam ko, kaya hindi ko kailangan ang pera mo.” Humakbang si Sunshinenat dumaan sa gilid ni Norman. Subalit dahil sa maliit na distansiya nila, natabig niya ang braso nito. At nakapagtatakang napaatras ang binata dahil sa panghihinang nararamdaman nito.

Huminto si Sunshine ng isang dipa na ang layo niya sa binata. “Kung meron man akong pagbibigyan ng sarili ko, walang iba kundi ang lalaking mamahalin ko at mamahalin din ako kahit ano pa ang pagkatao ko.." Huling salitang binitiwan niya bago tuluyang iniwan ang binata.

Related chapters

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 5: She's Pretty and Damn Sexy

    PAULIT-ULIT na umaalingaw-ngaw sa kaniyang isip ang pagtangging iyon ng dalaga. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit pa niya pinag-aaksayahan ng oras upang isipin ang babaeng iyon.'Ha! Akala mo napakaganda! Kung makapagsalita. Tsk!'Para siyang tangang kinakausap ang sarili. Hindi niya kayang aminin na may babaeng tumanggi sa kaniya. Dahil iyon ang unang beses! Samantalang… ha!'Hindi ba niya alam na babae ang humahabol sa akin?! Ni hindi ko na nga kinakailangang bayaran ng ganoon kalaking halaga! Sila mismo gusto akong makasama! Pero siya?! Sampung milyon! Tinanggihan niya?!''Teka nga! Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Hayssss! Grabe kang babae ka!'Sa sobrang inis ni Norman ay naihagis niya ang unan. Simula kasi nang makausap niya kanina si Sunshine ay para na siyang siraulo. Pilit na umuukilkil sa kaniyang balintataw ang malungkot nitong mga mata. Hanggang sa makarating na nga lang siya sa suite na inookupahan niya ay ito p

    Last Updated : 2022-01-20
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 6: Conditions

    "YOU ARE?" tanong ng babaeng nasa mid 30's marahil ang edad, habang nakatingin sa resumè niya na hawak nito."Sunshine Valdez, Ma'am.""Hmmm… you came from Hell Grill Restobar at Palacio Grande. You work there for two years? When did you stop?""Recently lang po, Ma'am.""May I know why?" matiim itong nakatitig sa kaniya, para bang hinahalukay nito sa kaniyang kaibuturan ang katotohanan sa kaniyang isasagot."Ahm… my boss fired me." Yumuko siya pagkasabi no'n.Narinig niyang bumunt

    Last Updated : 2022-01-21
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 7: Not Attracted

    "TATANGGAPIN ko ang trabahong iniaalok mo. Pero may kondisyon ako."Sumilay ang ngiti ng tagumpay sa mga labi ni Norman pagkarinig sa sinabing iyon ni Sunshine na nagpaulit-ulit pa sa kaniyang isip. Dahan-dahan siyang humarap sa dalaga at ipinaskil ang seryosong mukha."What is it?" pigil ang sariling ipakita ang tuwang nadarama na tanong niya."Ahh… n-no sex involve! P-pagsisilbihan lang kita! Susundin ko lahat ng ipag-ipag-uutos mo, p-pero hindi ang p-pagsilbihan ka sa kama!" nauutal na anang dalaga."Alam m—""Hep! Hindi pa ako tapos! Hindi ko kailangan ng ten million mo. You just need to pa

    Last Updated : 2022-01-21
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 8: Gusto Mong Tikman?

    "Clean my room first, the first door on your left.""Ah… nasaan ang cleaning materials, sir?" malumanay niyang tanong."Next door to the bathroom, it's the storage room… and that would be your room. Just clean it later.""Y-yes, sir." Mabilis siyang tumalima.Pinasok niya ang storage room at gano'n na lamang ang pagkakunot ng kaniyang noo, dahil taliwas iyon sa kaniyang inaasahan. Masinop na nakasalansan ang mga gamit doon at ni alikabok ay wala siyang makita. At malaki iyon para sa isang storage room. Hinanap niya ang pinaglalagyan ng cleaning materials at kinuha ang mga kakailanganin niya. Pagkatapos ay tinungo na niya ang silid ng amo."Eehh?" anas niya nang maigala ang paningin sa kabuuan ng silid."Anong lilinisin ko rito?" mahina niyang usal. Paano ba naman ay napakaaliwalas ng kuwarto.Wala siyang makitang kahit kaunt

    Last Updated : 2022-01-21
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 9: Stop Staring

    "Hi, Summer!" bati ng isang foreigner at nang lingunin iyon ng dalaga ay hindi niya napigilang hindi mapangiti. "Hello, Sir!" ganting bati niya. "You look pretty with your dress," papuri nito sa kaniya. "Thank you, Sir."

    Last Updated : 2022-01-22
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 10: Mamang

    "Surprise!" "What are you doing here?" gulat na tanong ni Norman ng mabungaran niya sa loob ng suite na prenteng nakaupo sa sofa ang isang maganda at sopistikadang babae. Wala naman talaga siyang lakad, inihatid lang niya ng personal si Sunny pagkatapos ay dumiretso na siyang muli rito sa suite upang magkulong. Pero ito ang dadatnan niya? Tsk! "I'm on vacation. Then, I heard from someone that you are also here. That is why I'm here," malanding sagot ng babae. Tumayo ito at iniangkla ang mga braso sa batok ng binata. Iritadong binaklas ni Norman ang mga kamay ng dalaga at salubong ang mga kilay na naupo sa single sofa. "Who gave you the access here?" "Well, Lowelle knows me." Umupo ito sa tabi ng binata at walang salitang hinalikan ito. "Come on, Claire. I'm not in the mood," iritadong inilayo ni Norman ang mga labi sa dalaga

    Last Updated : 2022-01-23
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 11: The Deal

    Kanina pa nakatayo si Norman, ilang dipa ang layo mula sa doktor at kay Sunshine. Kanina pa niya nakikita ang mga reaksiyon sa mukha ng dalaga habang kausap ang manggagamot. Bahagya lamang niyang naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito, ngunit base sa ekspresiyon ni Sunshine, batid niyang hindi maganda ang lagay ng ina nito. Nakita niya ang impit na paghagulgol nito habang nakatitig sa doktor. Ang pilit na pagpapakatatag ng dalaga kahit na nararamdaman niya ang panghihina nito. Hindi nakatiis si Norman, lumapit na siya sa mga ito. "If there's chances for her to surviv, we will leave it to you, doc. Just please do your best," wika ng binata sa manggagamot. Tinapik pa niya ito ng bahagya sa balikat at tinanguan.

    Last Updated : 2022-01-24
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 12: Abutin Ang Mga Bituin

    MALALIM na buntonghininga ang pinakawalan ni Sunshine habang pinagmamasdan ang papalayong amo. Hindi niya gustong sirain ang araw nila, pero nasira niya iyon nang hindi sinasadya. Mabigat ang mga paang naglakad siya papasok sa hotel. Kaliwa’t kanan ang naririnig niyang tumatawag sa kaniya subalit wala siya sa mood para gantihan at pansinin ang mga ito. Pagpasok niya sa suite ni Norman ay sobrang tahimik ng paligid. Normal naman na tahimik ang suite ng binata, iyon nga lang iba ang katahimikang namamayani ngayon. Para bang ang bigat sa pakiramdam. Natitigilang napatitig na lamang si Sunshine sa nakapinid na pintuan ng silid ng amo. Gusto niya itong aluin. Naiintindihan naman niya ito, muntik na nga naman siyang mapaano kanina sa dagat, tapos nagawa pa niyang Habang naiwang natitigilan naman sa kinatatayuan ang dalaga. Tinatanong ang sarili kung bakit naitanong pa kasi niya iyon. At tulad ng mga nakaraang araw. Sa tuwing mawawala sa mood ang binata ay hindi na naman mag-iimikan ang d

    Last Updated : 2022-05-01

Latest chapter

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   The Sweet Finale

    "SUNNYYYYY!!!""Daddy, daddy, wake up! Daddy!"Biglang naimulat ni Norman ang mga mata nang marinig ang matinis na boses na iyon, at maramdaman ang maliliit na mga kamay na gumigising sa kaniya. Gulat siyang napatitig sa napakagandang batang nasa kaniyang harapan. At ang napakaamo nitong mukha ang nagpakalma sa kaniyang kamalayan.Bumangon siya at mahigpit itong niyakap. "Thank you for waking me up, baby.""I hear you shouting. I was about to wake you up because breakfast was ready. Having a nightmare again, daddy?" matatas na tanong ng munting bata."Yes, a nightmare.""You didn't pray before you sleep, did you?""I did, baby.""Hmmm…" Ipinagsalikop ng paslit ang mga kamay sa dibdib na tila isang matandang pinag-aaralan ang kaharap."Okay, let's go downstairs. Mommy is waiting for us.""Your mom?""Yes, my mom, dad! My mom! What is wrong with you?" Nakataas ang isang kilay at bakas ang pagkairita sa mukha nito.Tila naman nabuhayan ng dugo si Norman, agad itong tumayo, hindi na alint

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 35: Death

    Naitungkod ng binata ang mga kamay sa mahabang mesa, kuyom ang mga kamaong nanginginig sa galit. Atsaka nito inihagis ang upuang nasa kaniyang gilid na lumikha ng pagkabasag sa maliit na glass table na tinamaan niyon.Madilim ang mukhang lumabas siya ng opisina. At kababakasan ng takot ang mga mukha ng bawat makasalubong niya."Master…" salubong sa kaniya ng tauhang si Clarence."Hanapin ninyo si Sunshine! I don't want to see your face until you found her!" dumadagundong ang boses na utos niya rito dahilan upang maagaw ang atensiyon ng mga naroon."Copy, master," ani Clarence bago pa man makasakay ang amo sa sasakyan. Mabilis ang kilos na nagbigay siya ng utos sa lahat ng tauhan.Nakarating si Norman sa opisina ni Jasson at naroon na rin ang iba pa niyang mga kapatid. Bakas ang pag-aalala ng mga babae, samantalang nananatiling kalmado lamang ang mga lalaki."Anong nangyari, kuya?" ani Emmanuelle pagkapasok na pagkapasok ng binata."They abducted Sunshine!""Nino?""Si Claire!""What?

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 34: Abduction

    “We're having a family dinner tonight,” bungad ni Norman. Nasa pinto ito ng kusina habang inaayos ang sleeve ng polo.Napalingon si Sunshine na abala sa paghahanda ng pagkain sa hapag. Nang matapos ay ipinunas nito sa suot na apron ang mga kamay saka iyon hinubad at lumapit sa binata.“Family d-dinner?” bakas ang kaba sa boses ng dalaga. Inayos nito ang kuwelyo at kurbata ng kasintahan.“Hmmm, gusto kang makita ni mama't papa.”“B-bakit daw?”“Ano bang klaseng tanong `yan? Of course, they wanted to meet you.” Inakbayan ni Norman si Sunshine at iginiya paupo sa magkatabing upuan. Siya na rin ang nagsalin ng pagkain sa plato nito bago inasikaso ang sarili.“K-kinakabahan kasi ako,” pag-amin ng dalaga. Totoong kinakabahan siya. Dahil sa unang pagkakataon ay makikita niya ang mga ito. May ilang impormasyon naman siyang naririnig tungkol sa mga magulang ng binata. At ayon sa mga naririnig niya ay talagang nagmula ang mga ito sa hindi basta-bastang pamilya.Ang alam niya ay kilalang makapan

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 33: Pulo't Gata

    “YOU can't do this to me, Norman!”“I'm sorry, Katie. I just wanted to be fair with you. Matagal na tayong wala at sa ating dalawa ikaw ang nakakaalala. I don't want to blame you. So please, just accept it. Si Sunshine ang mahal ko.”“No! You're just confused, honey. Please, don't do this. You love me, I know it. Kaya nga ako ang hinanap mo nang magkamalay ka, hindi ba?”“Siguro nga ikaw ang hinanap ko. Dahil ikaw lang ang naaalala ko. Siguro naman hindi ka manhid noong mga panahong pinaniwala mo akong nagkabalikan tayo. I never felt that I'm inlove with you.”“No, Norman. You loved me, and you still in love with me. Naguguluhan ka lang alam ko! Nang dahil sa babaeng 'yon kaya ka nagkakagan'yan! Gano'n ba siya kahusay sa kama, ha!? Sabihin mo! Baka mas magaling pa ako sa kaniya! Why don't you try me?!”“Watch your word, Katie. Sa ayaw at sa gusto mo hindi na matutuloy pa ang kasal natin. And that is final.” Tinalikuran ni Norman ang dalaga, ngunit mabilis siya nitong naharang at walan

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 32: Eiffel Tower Proposal

    Tinatamad na hinila ni Sunshine ang maleta habang papalabas ng SumSun Airline. Kalalapag lamang ng eroplanong kinalululanan nila sa airport ng Los Angeles, California. Kung gaano ka-excited ang mga kasama niya dahil sa oras na mayroon ang mga ito upang maglibot, ay siya namang daig pa ang nagluluksa. Na siya namang hindi nakaligtas sa kaibigang si Stan na kanina pa siya pinagmamasdan."Akin na nga `yan." Kinuha ni Stan ang maleta ng dalaga, binitbit iyon at hawak ang palad ng kaibigang iginiya ito sa paglalakad."Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Hindi gagaang iyang bigat na nararamdaman mo kung magpapanggap kang malakas."Nilingon lang ito ni Sunshine at matipid ang ngiting namutawi sa mga labi."Hays, ang swerte naman ng lalaking `yon. Sana ako na lang siya," aniya pa."Mas swerte naman ang babaeng nakalaan para sa `yo."Nagkibit-balikat lamang ang binata. Para kasi sa kaniya, ang dalaga ang gusto niyang makasama sa buhay."Nakita ko na ang babaeng nakalaan sa akin. Iyon nga lang

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 31: Sadness

    MABILIS na nagdamit si Norman at para itong hangin sa liksi ng paglabas nito sa suite. Bumaba siya sa 3rd floor kung nasaan ang kwartong inookupahan ni Sunshine, ngunit nakailang katok na siya ay wala pa ring nagbubukas niyon.Iritado na ang binata dahil sa mga bagay na gumugulo sa kaniyang isip. Ano ang ibig sabihin ng mahigit limang milyon na iyon? Iyong mga katagang bigla na lamang lumitaw sa kaniyang isip. Sino ba talaga si Sunshine sa buhay niya? Anong ibig sabihin nito kagabi?"Master." Nakayukod na bati ng isa niyang tauhan nang makasalubong niya ito sa lobby ng hotel."Nasaan ang iba pa? Nevermind, just tell them to find Sunshine, now!""Yes, master!""Nasaan ka na ba, Sunny?" usal niya habang iginagala ang paningin sa paligid.Lumabas ng hotel ang binata at nagtungo sa dalampasigan. Nagbabaka-sakaling makita roon ang dalaga. Naligo na siya sa sariling pawis at nalibot na niya ang resort pero ni anino ni Sunshine ay hindi niya matagpuan. Nakaramdam siya ng labis na kalungkutan

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 30: Ang Pag-angkin

    "Sunny...""At hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin... kita." Sumubsob ang mukha ni Sunshine sa matipunong dibdib ng binata.Hindi kaagad nakahuma si Norman. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong ayos. Parang musikang nagpaulit-ulit ang mga salitang iyon buhat sa dalaga at hindi niya maintindihan kung bakit tila napakasarap niyon sa pakiramdam niya. Nang mahimasmasan siya ay pinangko na lamang niya ang nakatulog na dalaga para dalhin sa sarili nitong suite. Pero gayon na lamang ang muli niyang pagbuntong-hininga dahil wala ang keycard ng dalaga. Napapalatak na muli niya itong ipinasok sa elevator.No choice siya kundi ang dalhin ito sa kaniyang suite. Saglit niyang ibinaba si Sunshine habang hawak ito nang mahigpit sa baywang, upang buksan ang pinto. Muli sana niya itong bubuhatin ngunit natigilan siya nang magtama ang kanilang mga mata. Nakadilat na kasi ito at malamlam ang mga matang nakatingin sa kaniya.Kumibot ang mga labi ni Sunshine, dahilan para mapalunok ng laway si Norm

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 29: The Fire Diva

    “Katie...” “Where have you been? I’m hungry.” “Ipinakilala ko si Sunshine sa mga stockholder.” “I see. Are you done?” Nagkatinginan si Norman at Sunshine. Blangko ang mukha ng dalaga na pilit itinatago ang totoong nadarama. Samantalang tila naman nagsusumamo ang mga mata ng binatang nakatitig pa rin dito. “Hey...” “Ah. By the way, Katie, meet Sunshine. Shine, this is Katie.” “Nice to meet you, Ms. Valdez. Well, for your information, I am Norman's fiancée.” “Nice to meet you too, Ms. Grande.” “Did you know each other?” “No. We are just meeting now. Right, Ms. Valdez?” “Yeah...” walang buhay na sagot ni Sunshine. “Let's go, honey. Kumain na tayo.” “Let’s go, Sunny.” “Hindi na, Sir. Hinihintay ako ng mga kaibigan ko.” Nais sanang tumutol ni Norman, ngunit napansin niya ang masamang tingin ni Katie, kaya walang nagawang napabuntong-hininga na lamang ito ‘saka tinanguan ang dalaga. Lumipas ang oras. Halos masayang nagkukuwentuhan na lamang ang mga naroon. Nang muling dumili

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 28: Heart Beats

    PINASADAHAN ni Norman ang kabuuan sa harap ng malaking salamin matapos niyang ikabit ang customized silver cufflinks sa magkabilang lupi ng suot na white long-sleeved shirt. Pagkatapos ay ang red necktie naman ang isinuot, at saka niya isinunod ang gray coat. “Ang gwapo ng piloto namin, ah!” bulalas ni Emmanuelle nang pumasok ito sa silid ng kapatid. Akma siya nitong yayakapin pero agad niya itong inawat, ayaw niyang magkaroon ng kahit konting lukot ang suot niya. “Ang sungit!” angil sa kaniya ng kapatid. “Is everything ready?” tanong niya rito habang itinatali ng black sanrio ang may kahabaan ng buhok. “Yes, everything is ready. And we will start in ten minutes.” “Okay.” Muli pa niyang sinipat ang sarili sa salamin, making sure na walang lukot at presentable ang ayos niya. He was used to attending business presscon, but he couldn’t explain why he was feeling nervous right now. “Relax, kuya. Press launching lang ang gaganapin, hindi pa kasal,” pang-aasar sa kaniya ni Emmanuelle.

DMCA.com Protection Status