Share

Chapter 7: Not Attracted

Author: Iza Wan
last update Huling Na-update: 2022-01-21 07:16:05

"TATANGGAPIN ko ang trabahong iniaalok mo. Pero may kondisyon ako."

Sumilay ang ngiti ng tagumpay sa mga labi ni Norman pagkarinig sa sinabing iyon ni Sunshine na nagpaulit-ulit pa sa kaniyang isip. Dahan-dahan siyang humarap sa dalaga at ipinaskil ang seryosong mukha.

"What is it?" pigil ang sariling ipakita ang tuwang nadarama na tanong niya.

"Ahh… n-no sex involve! P-pagsisilbihan lang kita! Susundin ko lahat ng ipag-ipag-uutos mo, p-pero hindi ang p-pagsilbihan ka sa kama!" nauutal na anang dalaga.

"Alam m—"

"Hep! Hindi pa ako tapos! Hindi ko kailangan ng ten million mo. You just need to pay my basic salary. Plus! Those tips from my costumers! Remember? Bukod sa sahod ko kumikita rin ako dahil sa mga ibinibigay na tip ng mga costumer sa bar. Iyon lang! Iyon lang ang kailangan ko, kaya 'wag mo akong hihingian ng extra service! Nagkakaintindihan ba tayo?"

Hindi na napigilan ni Norman ang sarili, sumilay sa kaniyang mga labi ang pilyong ngiti at unti-unting lumapit sa dalaga.

"Deal…" anas niya sa mismong mukha ng dalaga.

Lalo siyang nakaramdam ng kakaibang tuwa nang makita ang pagkailang nito dahil sa lapit nila sa isa't isa. Ramdam niya ang sunod-sunod na pagbuga nito ng hangin na tumatama sa kaniyang mukha na ga-dangkal na lamang ang pagitan sa mukha niya, dala marahil ng kaba nito.

Mahina pa siyang napatawa dahil sa pagpitlag nito nang marinig ang paglapat ng pintuan na nasa likuran nito.

"H-hoy! Lu-lumayo ka naman! Kakasabi ko lang ng kondisyon sa 'yo, ah!" nauutal na singhal ni Sunshine sa binata.

"Bakit? Wala naman sa kondisyon mo na bawal lumapit sa 'yo nang ganito kalapit, hindi ba?" mapanuksong bulong ni Norman sa punong-tainga ng dalaga.

Muling umangat ang gilid ng labi ng binata nang maramdaman sa kaniyang balat ang pagtindig ng pinong mga balahibo sa tenga ni Sunshine.

"K-kahit na… wala k-ka p-pa ring karapatang dumikit sa 'kin nang sobra…" bakas ang kaba na anas ni Sunshine. Itinungkod pa ang mga kamay sa dibdib ng binata upang gawing harang.

Umayos ng tayo si Norman ngunit hindi ito dumistansiya. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Salubong ang mga kilay at mababanaag ang pagkailang sa kabuuan ni Sunshine. Bagamat pinipilit nitong maging mataray tingnan ang mukha ay naroon pa rin ang pagiging maamo niyon.

"Okay…" mahinang wika niya. Muli siyang yumuko upang ipantay sa mukha ng dalaga ang sarili, atsaka inilapat ang dalawang kamay sa dahon ng pintuan. "But— what if I was tempt to kiss you? Can I just kiss you and pay you extra?"

Nakita niya ang pagkatigagal ng dalaga kaya naman unti-unti pa niyang inilapit ang mukha rito hanggang sa mag-umpugan ang tungki ng kanilang ilong. Napangiti pa siya nang mariing pumikit ang dalaga.

"You may start tomorrow," narinig ni Sunshine na wika ng binata kaya naman dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nakitang nakatalikod na ito sa kaniya at patungo sa mini bar.

Woooohh…

Marahas siyang napabuga ng hangin.

'That was so close! Too close, Sunshine! Bakit napapikit ka pa, imbes na sawayin siya!' Parang sira na saway niya sa sarili.

"I want you to be here exactly at seven in the morning. Late is forbidden for me, so there will be a punishment for every minute laps. And before I forgot, you will stay here for my entire vacation, and you don't have a day off."

"Ha? B-bakit naman?" pagpoprotesta ng dalaga.

"Anong bakit naman? Bakit ka stay-in o bakit wala kang day-off?"

"Pareho!"

"You work for me as my servant. So everytime I need something, I want it immediately. How can I have it if you are not here 24 hours, 7 days a week?"

"Grabe naman! Pati ba naman sa pagtulog mo kailangan nakabantay pa rin ako sa utos mo?!"

"Yes, and besides, you are running out of time. Waiting for you ate my one week of staying here! No more questions from you! Deal with it or not?!" singhal ng binata.

Natigilan siya at saglit na nag-isip. Three weeks na lang naman, mabilis na lang iyon! May gusto pa sana siyang itanong dito ngunit nag-aalangan siya dahil kababakasan na ng pagkainip ang mukha nito.

"Don't worry, after your three weeks contract with me kakausapin ko si Lowelle para makabalik ka sa restobar niya."

Nagliwanag naman ang mukha ni Sunshine pagkarinig doon. Parang nabasa yata ng binata ang nais niyang itanong dito at iyon nga iyon. Humugot muna siya ng hininga. Tikom ang bibig na pinaglapat ang kaniyang mga palad sa isa't-isa na animo'y nagdadasal at bahagyang tumango.

"Okay… deal!" pagtanggap niya sa mga gusto nitong mangyari.

"MAMANG…" alumpihit niyang tawag sa inang nakahiga sa papag na higaan nito.

"Sunny, anak. Nakauwi ka na pala. Kumain ka na ba?"

"Oho, `mang. Maaga lang po akong pinauwi ngayon, kasi po…"

"Oh, bakit daw?" Umupo ang ginang at isinandal ang likod sa pinagpatong-patong na unan, atsaka tinapik-tapik ang espasyo sa tabi nito upang maupo roon ang dalaga.

"Kinausap po ako ng boss ko. Pinag-i-stay-in niya ako. Pero `mang, tatlong linggo lang naman po iyon. Pagkatapos po ng tatlong linggo babalik na rin po ako rito." Inihilig niya ang ulo sa dibdib ng ina at niyakap ito sa baywang.

"Ayaw ko po sana, `mang. Kasi tatlong linggo ko rin po kayong hindi makakasama. Iyon ngang isang gabi lang na hindi ako nakakauwi para makita kayo ay mabigat na sa kalooban ko, iyong tatlong linggo pa kaya. Pero kasi kailangan po natin, eh," pagpapatuloy niya nang hindi marinig ang tugon ng ina.

Naramdaman na lamang ng dalaga ang masuyong paghaplos ng ina sa kaniyang buhok.

"May tiwala naman ako sa 'yo at malaki ang tiwalang iyon. Ipangako mo lang na iingatan mo ang sarili mo." Sinuklay-suklayan ng ginang ang buhok ng anak. "Ang totoo, nahihiya na ako sa 'yo, Sunny. Alam kong nahihirapan ka na. Masiyado ng pabigat si mamang sa i—"

"Hindi po totoo 'yan, `mang! H'wag n'yo pong isiping pabigat kayo sa 'kin, dahil ang totoo po niyan masaya po akong pinagsisilbihan at naaalagaan kita sa abot ng makakaya ko. Gusto ko pa pong tumagal ang buhay mo kaya gagawin ko ang lahat-lahat para gumaling kayo. Kaya wala po kayong ibang dapat gawin at isipin kundi ang lumakas at gumaling." Tumuwid siya ng upo at pilit niyang pinasigla ang boses habang nakangiting nakatingin sa ina.

Umangat ang kamay ng ginang at dinala iyon sa pisngi niya. "Salamat, anak. Napakaswerte ko dahil lumaki kang mabuti at mapagmahal. Malaki man ang pagkukulang ko sa 'yo bilang ina, ngunit magkagayon man ay lumaki ka nang may pagmamahal sa puso mo."

"Mahal na mahal kita, Mamang. Kaya kahit ano pa man iyong pagkukulang na sinasabi mo, hindi ko po iyon naramdaman kahit kailan."

"Mahal na mahal din kita. Panatilihin mo ang kabutihan sa puso mo, pero huwag na huwag kang magpapaagrabiyado. Kung kinakailangang lumaban ka, lumaban ka. Dahil kapag ikaw na lang mag-isa, wala kang ibang magiging kakampi maliban sa iyong sarili. Naiintindihan mo ba? Mag-iingat ka habang naroon ka, ha?"

"Opo, Mamang." Mahigpit niyang niyakap ang ina. Inayos niya itong muli sa pagkakahiga at hinintay na makatulog bago niya tinungo ang sariling silid.

"Bukas… bukas na mag-uumpisa ang kalbaryo sa buhay ko. Sana naman matagalan ko ang pagsisilbi sa mokong na 'yon," piping usal niya habang nakatingin sa kisame ng kaniyang maliit na silid.

Hinila niya ang isang unan at patagilid na niyakap iyon.

At sa kaniyang pagpikit, hindi niya inaasahang mukha ng binata ang lilitaw sa kaniyang gunita.

SA IKALAWANG pagkakataon ay naroon na naman siya sa tapat ng malaking gate na gawa sa bakal. Nakatunghay sa tila palasyong istraktura ng hotel na nakatayo sa gitna ng malawak na lupain.

Ilang taon man siyang sa restobar nagtatrabaho ay madalang naman niyang matanaw ang parteng ito ng Palacio Grande. Nasa kabilang kabisera kasi ang entrance gate ng restobar.

At naroon na naman ang tila tambol sa lakas ng kabog sa kaniyang dibdib.

"This is it! This is really it! Fighting, Sunshine! Fighting!" pagpapalakas-loob niya sa sarili.

Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at pilit na pinasigla ang kaniyang kilos na umabante papasok sa gate. Tinalunton niya ang mahabang daan patungo sa entrada ng mismong hotel.

Nang makatapak siya sa loob ng hotel ay lalong bumilis ang pagtahip ng kaniyang dibdib. Nilalamon siya ng matinding kaba at naiinis siya dahil wala siyang magawa upang mapakalma ang sarili!

'Ano bang nangyayari sa'yo, Sunshine!? Kumalma ka! Kalma! Inhale… exhale… inha—'

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang tumama iyon sa malaking ancient clock na nakadisplay sa pagitan ng elevator.

'6:57 am na!'

'I want you to be here, exactly at seven in the morning. Late is forbidden for me, so there will be a punishment for every minute laps.'

Gusto na na niyang marindi dahil sa pag-alingaw-ngaw ng boses ng lalaking iyon sa isip niya.

Kumaripas siya ng takbo at nakipag-unahan sa pagpasok nang bumukas ang elevator. Agad niyang pinindot ang 5th floor button. Mabilis siyang lumabas pagkabukas na pagkabukas pa lamang niyon, hindi na alintana kung may naitulak o nasasanggi ba siya.

Pinindot niya ang doorbell at habol ang hiningang naghintay na pagbuksan siya ng pintuan, ngunit nanatili iyong nakapinid. Muli niya iyong pinindot, pero nakailang ulit na siya ay nanatili pa rin iyong sarado.

"Hays! Bahala ka! Ikaw ang late at hindi ako!" inis na sigaw niya at sumandal sa dahon ng pinto.

Ilang minuto pa siyang naghintay doon habang panay at salitan ang ginawa niyang pag-doorbell at pagkatok.

Ang minuto ay umabot ng isang oras. Dumaudos ang kaniyang katawan paupo.

Dalawang oras…

Tatlong oras…

"Aaayyy!" tili niya nang bumukas ang pintuang kinasasandalan at mapahiga siya.

"What are you doing there?" halata sa binatang nagpipigil itong matawa dahil sa ayos niya.

Mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili.

"N-nothing…" napapahiyang sagot niya.

"It's already 10 in the morning. You are three ho---"

"E-excuse me! Tatlong oras na akong naghihintay dito sa labas. Tatlong oras na akong nag-do-doorbell at kumakatok sa pintuan! Kaya kung late ako, pwes! Kasalanan mo 'yon!" hindi niya napigilang singhal dito.

"Tsk…" mahinang palatak ng binata `saka siya tinalikuran.

"Pa-tsk tsk pang nalalaman, batukan kita d'yan, eh…" inis na bulong niya sa sarili habang nakasunod dito.

"Are you saying something?" Biglang pihit paharap sa kaniya na tanong ng binata dahilan upang ma-out of balance siya sa pag-iwas sana rito. Mabuti na lamang at mabilis din siyang nahawakan nito sa kaniyang baywang.

"Don't come near me… para naman hindi ka masiyadong kinakabahan," mayabang nitong wika na ngising-ngisi pa sa kaniya.

Tinabig niya ang kamay nitong nakahawak sa kaniyang baywang at tinaliman ito ng tingin saka bahagyang dumistansiya rito.

Nagpatuloy ang binata sa paglalakad hanggang sa marating ang mini bar. Dinampot nito sa counter bar ang ilang papel at iniabot iyon sa kaniya.

"Ano 'to?" kunot ang noong kinuha iyon.

"Kontrata, basahin mo para walang maging problema."

"Three weeks lang naman akong magtatrabaho sa 'yo, `di ba? Bakit kailangan pa ng kontrata?"

"Dahil ayaw ko nga ng problema. Basahin mo na lang nang mabuti 'yan. Nakasaad d'yan ang mga dapat at hindi mo dapat gawin habang nagsisilbi ka sa `kin."

Pinasadahan nga niya ng basa ang type written contract, at may mangilan-ngilan doon ang talaga namang nakapagpapalaki sa kaniyang mga mata.

'Grabe! Tsk!' Palatak niya sa kaniyang isip pagkabasa sa ilan sa mga nakatala roon na mas nakakuha sa kaniyang atensiyon.

Article 3. There will be no boys are allowed to be near nor talk to you, even if he's a friend or aquaintance. Specially, when I'm not around.

Article 5. Cellphone is not allowed, unless if emergency.

Article 7. In case that I am tempted to kiss you, then let me. I will pay for every chances.

Article 10. You will recieve an amount of five hundred thousand pesos (P500,000.00), the day that you will complete the three weeks of being my servant. This will be the total amount of your three weeks salary, including the unclaimed benefits, bonuses and etc.

WTF???

Napaangat ang kaniyang ulo at tila nais magprotesta sa huling nakasaad sa kontrata na napatingin siya sa binata.

"T-teka! Ba-bakit may kiss? Ano 'yon!? Hindi pwede! Atsaka, five hundred thousand?! Bakit sobra sobra naman yata?!"

"Just sign it!" singhal ni Norman at padaskol na iniabot ang ballpen sa kaniya.

"T-teka… magkalinawan muna tayo sa number seven at eight. Bakit kailangang may gano'n? Okay naman na sana iyong iba, eh."

"Wanna know why?"

Tumango siya bilang tugon sa tanong nito. Narinig pa niya ang marahas nitong pagbuga ng hangin at seryosong tumingin sa kaniya.

"I don't know why. I'm not attracted to you. But, every time I look at you, there was an urge in me that I wanted to kiss you."

Natigagal naman si Sunshine sa narinig at hindi mapaniwalaan ang mga sinabi nito.

'Tss… not attracted to me, huh? Kaya pala ginagawa mo 'to?'

"Don't get me wrong, okay? Hindi talaga ako attracted sa 'yo. Ginagawa ko lang 'to dahil… dahil mukhang masipag at mapagkakatiwalaan ka. Yah, it's just like that. And about the kiss, don't worry, as long as I can hold my temper, it will not gonna happen. So, nothing to worry about it. About your salary, I just fixed it in five hundred thousand, dahil ayaw ko ng mag-compute pa, okay?" pagpapalusot ni Norman na tila ba nabasa ang kaniyang iniisip.

'Okay, you say so.'

Pilit na pinaniwala niya ang sarili sa mga sinabi pa nito. Dinampot niya ang sign pen at pinirmahan ang kontrata.

"Here." Iniabot niya iyon pabalik sa binata matapos na mapirmahan ang dalawang kopya.

"So we're good? You can start now. Here is your uniform." Iniabot naman nito ang set ng damit na nakaplastic pa ng maayos.

'Okay! This is my day one!'

Bulalas ng isip niya pagkakuha sa uniporme saka tinungo ang banyo na itinuro ng binata.

'Ang cute!'

Hindi niya maiwasang humanga sa unipormeng suot, dahil kahit may kaiklian iyon ay talaga namang ang cute tingnan sa kaniya. It's a pair of white cotton blouse inside and a two inches above the knee baby blue cotton jumper dress outside. Hindi siya mukhang chimi-a-a, dahil mas nagmukha siyang korean student.

'Koreanang negra! Bwahahaha!'

Pagtatawa niya sa kaniyang sarili. Matapos bistahan ang ang repleksiyon sa salamin ay lumabas na siya at pinuntahan ang bago niyang amo.

"Nice, you look cute," papuri sa kaniya ni Norman, ngunit tinaasan lamang niya ito ng kilay.

"From now on, I will be your boss. And treating me like that is unacceptable," seryosong saad ng binata kaya naman nakaramdam siya ng konting pagkapahiya.

Kaugnay na kabanata

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 8: Gusto Mong Tikman?

    "Clean my room first, the first door on your left.""Ah… nasaan ang cleaning materials, sir?" malumanay niyang tanong."Next door to the bathroom, it's the storage room… and that would be your room. Just clean it later.""Y-yes, sir." Mabilis siyang tumalima.Pinasok niya ang storage room at gano'n na lamang ang pagkakunot ng kaniyang noo, dahil taliwas iyon sa kaniyang inaasahan. Masinop na nakasalansan ang mga gamit doon at ni alikabok ay wala siyang makita. At malaki iyon para sa isang storage room. Hinanap niya ang pinaglalagyan ng cleaning materials at kinuha ang mga kakailanganin niya. Pagkatapos ay tinungo na niya ang silid ng amo."Eehh?" anas niya nang maigala ang paningin sa kabuuan ng silid."Anong lilinisin ko rito?" mahina niyang usal. Paano ba naman ay napakaaliwalas ng kuwarto.Wala siyang makitang kahit kaunt

    Huling Na-update : 2022-01-21
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 9: Stop Staring

    "Hi, Summer!" bati ng isang foreigner at nang lingunin iyon ng dalaga ay hindi niya napigilang hindi mapangiti. "Hello, Sir!" ganting bati niya. "You look pretty with your dress," papuri nito sa kaniya. "Thank you, Sir."

    Huling Na-update : 2022-01-22
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 10: Mamang

    "Surprise!" "What are you doing here?" gulat na tanong ni Norman ng mabungaran niya sa loob ng suite na prenteng nakaupo sa sofa ang isang maganda at sopistikadang babae. Wala naman talaga siyang lakad, inihatid lang niya ng personal si Sunny pagkatapos ay dumiretso na siyang muli rito sa suite upang magkulong. Pero ito ang dadatnan niya? Tsk! "I'm on vacation. Then, I heard from someone that you are also here. That is why I'm here," malanding sagot ng babae. Tumayo ito at iniangkla ang mga braso sa batok ng binata. Iritadong binaklas ni Norman ang mga kamay ng dalaga at salubong ang mga kilay na naupo sa single sofa. "Who gave you the access here?" "Well, Lowelle knows me." Umupo ito sa tabi ng binata at walang salitang hinalikan ito. "Come on, Claire. I'm not in the mood," iritadong inilayo ni Norman ang mga labi sa dalaga

    Huling Na-update : 2022-01-23
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 11: The Deal

    Kanina pa nakatayo si Norman, ilang dipa ang layo mula sa doktor at kay Sunshine. Kanina pa niya nakikita ang mga reaksiyon sa mukha ng dalaga habang kausap ang manggagamot. Bahagya lamang niyang naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito, ngunit base sa ekspresiyon ni Sunshine, batid niyang hindi maganda ang lagay ng ina nito. Nakita niya ang impit na paghagulgol nito habang nakatitig sa doktor. Ang pilit na pagpapakatatag ng dalaga kahit na nararamdaman niya ang panghihina nito. Hindi nakatiis si Norman, lumapit na siya sa mga ito. "If there's chances for her to surviv, we will leave it to you, doc. Just please do your best," wika ng binata sa manggagamot. Tinapik pa niya ito ng bahagya sa balikat at tinanguan.

    Huling Na-update : 2022-01-24
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 12: Abutin Ang Mga Bituin

    MALALIM na buntonghininga ang pinakawalan ni Sunshine habang pinagmamasdan ang papalayong amo. Hindi niya gustong sirain ang araw nila, pero nasira niya iyon nang hindi sinasadya. Mabigat ang mga paang naglakad siya papasok sa hotel. Kaliwa’t kanan ang naririnig niyang tumatawag sa kaniya subalit wala siya sa mood para gantihan at pansinin ang mga ito. Pagpasok niya sa suite ni Norman ay sobrang tahimik ng paligid. Normal naman na tahimik ang suite ng binata, iyon nga lang iba ang katahimikang namamayani ngayon. Para bang ang bigat sa pakiramdam. Natitigilang napatitig na lamang si Sunshine sa nakapinid na pintuan ng silid ng amo. Gusto niya itong aluin. Naiintindihan naman niya ito, muntik na nga naman siyang mapaano kanina sa dagat, tapos nagawa pa niyang Habang naiwang natitigilan naman sa kinatatayuan ang dalaga. Tinatanong ang sarili kung bakit naitanong pa kasi niya iyon. At tulad ng mga nakaraang araw. Sa tuwing mawawala sa mood ang binata ay hindi na naman mag-iimikan ang d

    Huling Na-update : 2022-05-01
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 13: Come With Me

    PAPADILIM na nang umalis ang dalawa sa ospital dahil hinintay pa ang pagdating ng pinsan ni Sunshine at ng tiyuhing si Mang Roman na silang hahalili sa kanila sa pagbabantay.Bumalik ang mga ito sa hotel upang maglinis ng katawan. Pagkatapos ay inaya na ni Norman ang dalaga sa kabilang bahagi ng rooftop kung nasaan ang helipad kung saan naghihintay ang itim na chopper. Inalalayan nitong makasakay ang dalaga.Makikita ang pagkamangha sa mga mata ni Sunshine nang lumipad na ang kanilang sinasakyan. Ang gandang pagmasdan ng tanawin sa ibaba habang nag-aagawan ang liwanag at dilim. Ang manilaw-nilaw na ilaw na tila kasing liit ng langgam sa mga poste at kabahayan ay nagmistulang alitaptap.Nilibot nila ang kabuuan ng Bohol, hanggang sa dumako ang sasakyan sa mapunong lugar.Hindi mapapasubali ang sayang nararamdamang ng dalaga sa mga oras na iyon, dahil makikita iyon sa mga mata nitong tila kumikislap sa tuwa.Hindi rin maitatatwa ang pinaghalong lungkot at saya ang mababanaag sa mga mata

    Huling Na-update : 2022-05-02
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 14: He's Gone

    BALISA ang pakiramdam ni Sunshine habang panay ang sulyap niya sa wall clock ng ospital. Hindi mapakali at paroo't parito ang ginagawa niya sa loob ng kwarto ng kaniyang ina.Paulit-ulit na pumapasok sa kaniyang isip ang mga sinabi ni Norman bago sila maghiwalay kaninang umaga.'Sumama ka sa 'kin, Sunny. Tutulungan kita sa pagpapagamot sa mamang mo. Please come with me.''Hihintayin kita sa rooftop.'Hindi siya makapag-decide kaya hindi niya magawang sumagot dito. Knowing her mamang, hindi nito iiwan ang kanilang lugar. At hindi naman niya pwedeng iwan ang ina."Anak…"Bumalik lamang ang kaniyang diwa pagkarinig sa tawag na iyon ng kaniyang ina."Mamang, gising na pala kayo. May masakit po ba sa inyo?" alerto siyang nilapitan ang ina at naupo sa espasyo ng kama nito."Wala, ayos lang ako. Ikaw, naunsa ka?""Ho?""Kanina pa kita pinagmamasdan, anak. Kanina pa ako gising, hindi mo lang napapansin. Ano bang bumabagabag sa 'yo?"Napayuko si Sunshine at hindi alam ang isasagot sa ina. Itin

    Huling Na-update : 2022-05-08
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 15: Mahal Kita, Sunny

    PILIT na kinalma ni Sunshine ang damdamin. Inayos ang sarili at tila wala sa sariling naglakad papalayo sa lugar na iyon. Sa halip na bumalik sa ospital ay sa bahay nila siya dinala ng kaniyang mga paa. Nanghihina ang katawang umupo si Sunny sa pahabang plastic monoblock chair na sila nilang upuan sa sala. Tila siya kandilang unti-unting nauupos. Kasabay ng kaniyang pag-upo ay ang muling pagpatak ng kaniyang mga luha. Muli niyang narinig ang kaniyang paghikbi, at muli niyang naramdaman ang paninikip sa kaniyang dibdib. Ang akala niya, wala na siyang mailuluha. Ngunit heto siya, basa na naman ang mga mata sa luha. Itinaas niya ang kaniyang mga paa at niyakap ang mga binti, saka doon impit na umiyak. Ganito pala ang pakiramdam ng magmahal at masaktan. Kayang-kaya kang panghinain and worst, kayang-kaya kang patayin sa sakit. Ganoon na ba kalalim ang napasok ng binata sa puso niya, para mahirapan siyang tanggaping… kahit kailan hinding-hindi niya pwedeng abutin ang pinakamakinang na bitu

    Huling Na-update : 2022-05-08

Pinakabagong kabanata

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   The Sweet Finale

    "SUNNYYYYY!!!""Daddy, daddy, wake up! Daddy!"Biglang naimulat ni Norman ang mga mata nang marinig ang matinis na boses na iyon, at maramdaman ang maliliit na mga kamay na gumigising sa kaniya. Gulat siyang napatitig sa napakagandang batang nasa kaniyang harapan. At ang napakaamo nitong mukha ang nagpakalma sa kaniyang kamalayan.Bumangon siya at mahigpit itong niyakap. "Thank you for waking me up, baby.""I hear you shouting. I was about to wake you up because breakfast was ready. Having a nightmare again, daddy?" matatas na tanong ng munting bata."Yes, a nightmare.""You didn't pray before you sleep, did you?""I did, baby.""Hmmm…" Ipinagsalikop ng paslit ang mga kamay sa dibdib na tila isang matandang pinag-aaralan ang kaharap."Okay, let's go downstairs. Mommy is waiting for us.""Your mom?""Yes, my mom, dad! My mom! What is wrong with you?" Nakataas ang isang kilay at bakas ang pagkairita sa mukha nito.Tila naman nabuhayan ng dugo si Norman, agad itong tumayo, hindi na alint

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 35: Death

    Naitungkod ng binata ang mga kamay sa mahabang mesa, kuyom ang mga kamaong nanginginig sa galit. Atsaka nito inihagis ang upuang nasa kaniyang gilid na lumikha ng pagkabasag sa maliit na glass table na tinamaan niyon.Madilim ang mukhang lumabas siya ng opisina. At kababakasan ng takot ang mga mukha ng bawat makasalubong niya."Master…" salubong sa kaniya ng tauhang si Clarence."Hanapin ninyo si Sunshine! I don't want to see your face until you found her!" dumadagundong ang boses na utos niya rito dahilan upang maagaw ang atensiyon ng mga naroon."Copy, master," ani Clarence bago pa man makasakay ang amo sa sasakyan. Mabilis ang kilos na nagbigay siya ng utos sa lahat ng tauhan.Nakarating si Norman sa opisina ni Jasson at naroon na rin ang iba pa niyang mga kapatid. Bakas ang pag-aalala ng mga babae, samantalang nananatiling kalmado lamang ang mga lalaki."Anong nangyari, kuya?" ani Emmanuelle pagkapasok na pagkapasok ng binata."They abducted Sunshine!""Nino?""Si Claire!""What?

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 34: Abduction

    “We're having a family dinner tonight,” bungad ni Norman. Nasa pinto ito ng kusina habang inaayos ang sleeve ng polo.Napalingon si Sunshine na abala sa paghahanda ng pagkain sa hapag. Nang matapos ay ipinunas nito sa suot na apron ang mga kamay saka iyon hinubad at lumapit sa binata.“Family d-dinner?” bakas ang kaba sa boses ng dalaga. Inayos nito ang kuwelyo at kurbata ng kasintahan.“Hmmm, gusto kang makita ni mama't papa.”“B-bakit daw?”“Ano bang klaseng tanong `yan? Of course, they wanted to meet you.” Inakbayan ni Norman si Sunshine at iginiya paupo sa magkatabing upuan. Siya na rin ang nagsalin ng pagkain sa plato nito bago inasikaso ang sarili.“K-kinakabahan kasi ako,” pag-amin ng dalaga. Totoong kinakabahan siya. Dahil sa unang pagkakataon ay makikita niya ang mga ito. May ilang impormasyon naman siyang naririnig tungkol sa mga magulang ng binata. At ayon sa mga naririnig niya ay talagang nagmula ang mga ito sa hindi basta-bastang pamilya.Ang alam niya ay kilalang makapan

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 33: Pulo't Gata

    “YOU can't do this to me, Norman!”“I'm sorry, Katie. I just wanted to be fair with you. Matagal na tayong wala at sa ating dalawa ikaw ang nakakaalala. I don't want to blame you. So please, just accept it. Si Sunshine ang mahal ko.”“No! You're just confused, honey. Please, don't do this. You love me, I know it. Kaya nga ako ang hinanap mo nang magkamalay ka, hindi ba?”“Siguro nga ikaw ang hinanap ko. Dahil ikaw lang ang naaalala ko. Siguro naman hindi ka manhid noong mga panahong pinaniwala mo akong nagkabalikan tayo. I never felt that I'm inlove with you.”“No, Norman. You loved me, and you still in love with me. Naguguluhan ka lang alam ko! Nang dahil sa babaeng 'yon kaya ka nagkakagan'yan! Gano'n ba siya kahusay sa kama, ha!? Sabihin mo! Baka mas magaling pa ako sa kaniya! Why don't you try me?!”“Watch your word, Katie. Sa ayaw at sa gusto mo hindi na matutuloy pa ang kasal natin. And that is final.” Tinalikuran ni Norman ang dalaga, ngunit mabilis siya nitong naharang at walan

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 32: Eiffel Tower Proposal

    Tinatamad na hinila ni Sunshine ang maleta habang papalabas ng SumSun Airline. Kalalapag lamang ng eroplanong kinalululanan nila sa airport ng Los Angeles, California. Kung gaano ka-excited ang mga kasama niya dahil sa oras na mayroon ang mga ito upang maglibot, ay siya namang daig pa ang nagluluksa. Na siya namang hindi nakaligtas sa kaibigang si Stan na kanina pa siya pinagmamasdan."Akin na nga `yan." Kinuha ni Stan ang maleta ng dalaga, binitbit iyon at hawak ang palad ng kaibigang iginiya ito sa paglalakad."Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Hindi gagaang iyang bigat na nararamdaman mo kung magpapanggap kang malakas."Nilingon lang ito ni Sunshine at matipid ang ngiting namutawi sa mga labi."Hays, ang swerte naman ng lalaking `yon. Sana ako na lang siya," aniya pa."Mas swerte naman ang babaeng nakalaan para sa `yo."Nagkibit-balikat lamang ang binata. Para kasi sa kaniya, ang dalaga ang gusto niyang makasama sa buhay."Nakita ko na ang babaeng nakalaan sa akin. Iyon nga lang

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 31: Sadness

    MABILIS na nagdamit si Norman at para itong hangin sa liksi ng paglabas nito sa suite. Bumaba siya sa 3rd floor kung nasaan ang kwartong inookupahan ni Sunshine, ngunit nakailang katok na siya ay wala pa ring nagbubukas niyon.Iritado na ang binata dahil sa mga bagay na gumugulo sa kaniyang isip. Ano ang ibig sabihin ng mahigit limang milyon na iyon? Iyong mga katagang bigla na lamang lumitaw sa kaniyang isip. Sino ba talaga si Sunshine sa buhay niya? Anong ibig sabihin nito kagabi?"Master." Nakayukod na bati ng isa niyang tauhan nang makasalubong niya ito sa lobby ng hotel."Nasaan ang iba pa? Nevermind, just tell them to find Sunshine, now!""Yes, master!""Nasaan ka na ba, Sunny?" usal niya habang iginagala ang paningin sa paligid.Lumabas ng hotel ang binata at nagtungo sa dalampasigan. Nagbabaka-sakaling makita roon ang dalaga. Naligo na siya sa sariling pawis at nalibot na niya ang resort pero ni anino ni Sunshine ay hindi niya matagpuan. Nakaramdam siya ng labis na kalungkutan

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 30: Ang Pag-angkin

    "Sunny...""At hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin... kita." Sumubsob ang mukha ni Sunshine sa matipunong dibdib ng binata.Hindi kaagad nakahuma si Norman. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong ayos. Parang musikang nagpaulit-ulit ang mga salitang iyon buhat sa dalaga at hindi niya maintindihan kung bakit tila napakasarap niyon sa pakiramdam niya. Nang mahimasmasan siya ay pinangko na lamang niya ang nakatulog na dalaga para dalhin sa sarili nitong suite. Pero gayon na lamang ang muli niyang pagbuntong-hininga dahil wala ang keycard ng dalaga. Napapalatak na muli niya itong ipinasok sa elevator.No choice siya kundi ang dalhin ito sa kaniyang suite. Saglit niyang ibinaba si Sunshine habang hawak ito nang mahigpit sa baywang, upang buksan ang pinto. Muli sana niya itong bubuhatin ngunit natigilan siya nang magtama ang kanilang mga mata. Nakadilat na kasi ito at malamlam ang mga matang nakatingin sa kaniya.Kumibot ang mga labi ni Sunshine, dahilan para mapalunok ng laway si Norm

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 29: The Fire Diva

    “Katie...” “Where have you been? I’m hungry.” “Ipinakilala ko si Sunshine sa mga stockholder.” “I see. Are you done?” Nagkatinginan si Norman at Sunshine. Blangko ang mukha ng dalaga na pilit itinatago ang totoong nadarama. Samantalang tila naman nagsusumamo ang mga mata ng binatang nakatitig pa rin dito. “Hey...” “Ah. By the way, Katie, meet Sunshine. Shine, this is Katie.” “Nice to meet you, Ms. Valdez. Well, for your information, I am Norman's fiancée.” “Nice to meet you too, Ms. Grande.” “Did you know each other?” “No. We are just meeting now. Right, Ms. Valdez?” “Yeah...” walang buhay na sagot ni Sunshine. “Let's go, honey. Kumain na tayo.” “Let’s go, Sunny.” “Hindi na, Sir. Hinihintay ako ng mga kaibigan ko.” Nais sanang tumutol ni Norman, ngunit napansin niya ang masamang tingin ni Katie, kaya walang nagawang napabuntong-hininga na lamang ito ‘saka tinanguan ang dalaga. Lumipas ang oras. Halos masayang nagkukuwentuhan na lamang ang mga naroon. Nang muling dumili

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 28: Heart Beats

    PINASADAHAN ni Norman ang kabuuan sa harap ng malaking salamin matapos niyang ikabit ang customized silver cufflinks sa magkabilang lupi ng suot na white long-sleeved shirt. Pagkatapos ay ang red necktie naman ang isinuot, at saka niya isinunod ang gray coat. “Ang gwapo ng piloto namin, ah!” bulalas ni Emmanuelle nang pumasok ito sa silid ng kapatid. Akma siya nitong yayakapin pero agad niya itong inawat, ayaw niyang magkaroon ng kahit konting lukot ang suot niya. “Ang sungit!” angil sa kaniya ng kapatid. “Is everything ready?” tanong niya rito habang itinatali ng black sanrio ang may kahabaan ng buhok. “Yes, everything is ready. And we will start in ten minutes.” “Okay.” Muli pa niyang sinipat ang sarili sa salamin, making sure na walang lukot at presentable ang ayos niya. He was used to attending business presscon, but he couldn’t explain why he was feeling nervous right now. “Relax, kuya. Press launching lang ang gaganapin, hindi pa kasal,” pang-aasar sa kaniya ni Emmanuelle.

DMCA.com Protection Status