'Mahal kita, Sunny. At iyon lang ang gusto kong paniwalaan mo.''Mahal kita, Sunny. At iyon lang ang gusto kong paniwalaan mo.''Mahal kita, Sunny. At iyon lang ang gusto kong paniwalaan mo.'Para iyong pirated cd na nagpaulit-ulit sa kaniyang pandinig. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya iyon mapaniwalaan.At ngayon nga ay para siyang nananaginip habang nakatitig sa magkahawak nilang kamay na nasa kaniyang kandungan. Magkatabi sila ng binata sa back seat ng sasakyan at patungo silang ospital matapos nilang pagtulungang linisin ang mga kalat nito."May problema ba?"Nanindig ang mga balahibo ni Sunshine nang ibulong iyon ni Norman sa mismong tainga niya."Sunny…" muling untag sa kaniya ng binata nang hindi pa rin siya kumikibo.Napapabuntong-hiningang dumistansiya siya rito. Hinarap niya ito at pinakatitigan sa mga mata. "Hindi ba ako nanaganip lang?" hindi makapaniwalang tanong ni Sunshine.Napangiti si Norman at isang mabilis na halik ang binigay niya rito. Sa pagkabigla ng dalaga
"SUNNY…" ungot ni Norman sa nobya habang nakasiksik ito sa kaniyang mga bisig."Uhmm?""H'wag ka na munang pumasok."Iminulat ni Sunshine ang isang mata at tiningala ang nobyo, bahagya pa siyang umusod paitaas buhat sa pagkakahiga upang pumantay rito. Hinaplos niya ang pisngi ng binata at pinasadahan ng kaniyang hintuturo ang bawat bahagi ng mukha nito, dahilan upang mapapikit ito."Alam mong hindi pwede ang gusto mo, kailangan kong maghanap-buhay."Dumilat si Norman at ipinulupot nito ang mga braso sa baywang ng dalaga, saka ito tumihaya ng higa dala ang nobya sa ibabaw niya."Ako muna ang magpapasweldo sa 'yo," anas nito."Ano? Anong sinabi mo?" kunot ang noo at tila hindi nagustuhan ang narinig na tanong ni Sunshine."Ako na muna ang magsusweldo sa 'yo, gusto ko dito ka lang sa tabi ko."Itinungkod ni Sunshine ang mga kamay sa unan at iniangat ang ulo."Naririnig mo ba ang sinasabi mo, ha? Binibili mo na naman ako, eh!"Nakangiti ngunit seryosong tinitigan ni Norman ang nobya. Ina
MAGKAHAWAK kamay na naglalakad ang dalawa sa dalampasigan, habang hinihintay ang paglubog ng araw. Dalawang araw na lang kasi at babalik na ng Manila si Norman kaya naman sinusulit na ng magkasintahan ang oras na magkasama sila. Gustuhin man ni Sunshine na sumama na agad ay hindi naman maaari dahil naka-schedule kinabukasan ang dialysis ng kaniyang mamang. Kaya napagkasunduan na lamang nilang dalawa na aasikasuhin nito ang paghahanap ng apartment na titirhan nilang mag-ina. "Sunny, saan mo gustong magpakasal?" Huminto si Norman sa paglalakad, na nagpahinto rin kay Sunshine. Humarap ang dalawa sa dagat. Pumuwesto ang binata sa likod ni Sunshine at niyapos ito mula roon. Daig pa nila ang mag-asawang bagong kasal at nasa honeymoon, gayong nagpaplano pa lang naman sila sa kasal na kapwa nila inaasam. "Hmmm... ikaw saan mo ba gusto?" "Kung saan mo gusto, doon din ako. Ikaw ang masusunod, kamahalan ko." Matunog na natawa si Sunshine dahil sa itinawag ng binata sa kaniya. "Hindi ko alam
"BESSY, ayos ka lang ba?" bakas ang pag-aalala ni Eloisa nang lapitan si Sunshine. Batid niya ang pinagdaraanan ng matalik na kaibigan, at hindi iyon gano'n kadali lalo na't unang beses lang nitong pumasok sa isang relasyon, tapos long distance pa. Tapos nakikisabay pa ang mga mapanghusga nilang katrabaho. Por que na-promote ang kaibigan as assistant manager."Bessy..." muling untag ni Eloisa nang hindi man lang mag-abalang lumingon ang kaibigan."Namimiss ko na siya, Bessy. Ang hirap pala. Isang buwan lang kaming nagkasama, pero sobrang hirap na agad ang nararamdaman ko sa isang linggong magkalayo kami." Pinahid ni Sunshine ang luhang lumandas sa kaniyang pisngi, saka ito huminga nang malalim."Mahal mo talaga siya, ano? Alam mo bang hindi ako makapaniwala hanggang ngayon? Naalala ko kasi `yong unang beses na magkrus ang landas ninyo. Sinasabi ko na nga ba at mauuwi sa mas malalim na pagtitinginan ang mga nararamdaman n'yo. Noong bigla kang mag-resign, umugong na ang usap-usapan. Lal
MASIGLANG inayos at nilinis ni Sunshine ang kanilang bahay. Excited siya dahil anytime ay dadating na si Norman. Maging ang pamilya niya ay nasasabik na muling makita ang binata. Matapos niyang linisin ang sala ay pumasok na siya ng silid upang magpahinga.hindi mapalis ang ngiti sa mga labi ng dalaga habang inaawit ang kantang palaging kinakanta sa kaniya ng nobyo.Tama si Norman kantahin niya lang iyon oras na malungkot siya at siguradong mawawala ang pangungulila niya rito. Kahit pa na para sa kaniya ang linyang iyon. Tumayo siya at kumakantang tinungo ang tokador. Kumuha siya ng pamalit, at kumanta-kanta pa rin sa harap ng salamin ng tokador.Natigil ang dalaga sa pagkanta at sa akmang paglabas ng silid nang malaglag ang picture frame at mabasag ang salamin niyon. Binundol ng kaba si Sunshine habang papalapit sa nabasag na frame. Nanginginig ang mga kamay na dinampot iyon at itinihaya upang makita."Hindi..." tutop ng kamay ang bibig na usal niya pagkakita sa litrato nila ng binata
HINDI na malaman ni Sunshine kung ano ang nararamdaman. Pakiramdam niya, may parte sa katawan niya ang namamanhid at ayaw nang makaramdam pa ng sakit. Daig pa niya ang pinagsakluban ng langit at lupa nang hindi na nagpakita pa sa kaniya si Norman. Tatlong buwan ang matuling lumipas– para na siyang baliw sa kaiisip. Hanggang sa ang tatlo, naging apat, lima at anim. Kalahating taon nang wala siyang balita sa kasintahan.Minsan, iniisip na lang niyang sumuko, na huwag nang maghintay. Dahil kung darating ito, sana noon pa. Pero… nangako kasi siya. Nangako siyang hihintayin ito. At pinanghahawakan din niya ang pangako nito– na babalikan siya.Mahal na mahal niya ito at iyon ang napagtanto niya sa paglipas ng panahon. Wala rin siyang duda sa pagmamahal ni Norman sa kaniya. Kaya nga patuloy siyang kumakapit.Mabigat niyang inihakbang ang mga paa patungo sa helipad, sa rooftop ng Palacio Grande Hotel. Sinikap niyang magpakatatag. Sinubukan niyang ibalim ang dating siya. Pero sa t’wing mapag-i
"LADIES and gentlemen, the captain has turned on the Fasten Seat Belt sign. If you haven't already done so, please stow your carry-on luggage underneath the seat in front of you or in an overhead bin. Please take your seat and fasten your seat belt. And also, make sure your seat back, and folding trays are in their full upright position. If you are seated next to an emergency exit, please read carefully the special instructions card located by your seat. If you do not wish to perform the functions described in the event of an emergency, please ask a flight attendant to reseat you. We remind you that this is a non-smoking flight. Smoking is prohibited on the entire aircraft, including the lavatories. Tampering with, disabling, or destroying the lavatory smoke detectors is prohibited by law. If you have any questions about our flight today, please don't hesitate to ask one of our flight attendants. Thank you," nakangiting ibinaba ni Sunshine ang awditibo ‘saka tumabi sa isang kasamahan
"SUNSHINE VALDEZ?" kunot ang noong tanong ni Norman."Yes. I just met her in the plane. Actually, she's one of SumSun's flight attendant.""A flight attendant? She's not a model? Are you sure of that?""Hahaha... Kuya Norman, SumSun Airlines doesn't need a model. You need an endorser.""So, what is the difference between the endorser and the model?" Inihalukipkip ni Norman ang mga braso sa dibdib at isinandal ang likod sa couch na kinauupuan."Hmmm... you must see her and see it for yourself," makahulugan ang ngiting ibinigay ng kapatid sa kaniya."Okay," tila hindi interesadong pagsang-ayon na lamang ni Norman at hinigop ang kapeng nasa harapan."Where are you going after this?""Roaming around then I will go back to the hotel. Want to join me?""Nah... I can't. I have to meet a friend,""Okay, just see you when I see you." Dinukot ng binata ang wallet at humugot ng ilang perang papel, ‘saka tumayo.Inilahad ng binata ang palad sa kapatid upang alalayan ito sa pagtayo hanggang sa mak
"SUNNYYYYY!!!""Daddy, daddy, wake up! Daddy!"Biglang naimulat ni Norman ang mga mata nang marinig ang matinis na boses na iyon, at maramdaman ang maliliit na mga kamay na gumigising sa kaniya. Gulat siyang napatitig sa napakagandang batang nasa kaniyang harapan. At ang napakaamo nitong mukha ang nagpakalma sa kaniyang kamalayan.Bumangon siya at mahigpit itong niyakap. "Thank you for waking me up, baby.""I hear you shouting. I was about to wake you up because breakfast was ready. Having a nightmare again, daddy?" matatas na tanong ng munting bata."Yes, a nightmare.""You didn't pray before you sleep, did you?""I did, baby.""Hmmm…" Ipinagsalikop ng paslit ang mga kamay sa dibdib na tila isang matandang pinag-aaralan ang kaharap."Okay, let's go downstairs. Mommy is waiting for us.""Your mom?""Yes, my mom, dad! My mom! What is wrong with you?" Nakataas ang isang kilay at bakas ang pagkairita sa mukha nito.Tila naman nabuhayan ng dugo si Norman, agad itong tumayo, hindi na alint
Naitungkod ng binata ang mga kamay sa mahabang mesa, kuyom ang mga kamaong nanginginig sa galit. Atsaka nito inihagis ang upuang nasa kaniyang gilid na lumikha ng pagkabasag sa maliit na glass table na tinamaan niyon.Madilim ang mukhang lumabas siya ng opisina. At kababakasan ng takot ang mga mukha ng bawat makasalubong niya."Master…" salubong sa kaniya ng tauhang si Clarence."Hanapin ninyo si Sunshine! I don't want to see your face until you found her!" dumadagundong ang boses na utos niya rito dahilan upang maagaw ang atensiyon ng mga naroon."Copy, master," ani Clarence bago pa man makasakay ang amo sa sasakyan. Mabilis ang kilos na nagbigay siya ng utos sa lahat ng tauhan.Nakarating si Norman sa opisina ni Jasson at naroon na rin ang iba pa niyang mga kapatid. Bakas ang pag-aalala ng mga babae, samantalang nananatiling kalmado lamang ang mga lalaki."Anong nangyari, kuya?" ani Emmanuelle pagkapasok na pagkapasok ng binata."They abducted Sunshine!""Nino?""Si Claire!""What?
“We're having a family dinner tonight,” bungad ni Norman. Nasa pinto ito ng kusina habang inaayos ang sleeve ng polo.Napalingon si Sunshine na abala sa paghahanda ng pagkain sa hapag. Nang matapos ay ipinunas nito sa suot na apron ang mga kamay saka iyon hinubad at lumapit sa binata.“Family d-dinner?” bakas ang kaba sa boses ng dalaga. Inayos nito ang kuwelyo at kurbata ng kasintahan.“Hmmm, gusto kang makita ni mama't papa.”“B-bakit daw?”“Ano bang klaseng tanong `yan? Of course, they wanted to meet you.” Inakbayan ni Norman si Sunshine at iginiya paupo sa magkatabing upuan. Siya na rin ang nagsalin ng pagkain sa plato nito bago inasikaso ang sarili.“K-kinakabahan kasi ako,” pag-amin ng dalaga. Totoong kinakabahan siya. Dahil sa unang pagkakataon ay makikita niya ang mga ito. May ilang impormasyon naman siyang naririnig tungkol sa mga magulang ng binata. At ayon sa mga naririnig niya ay talagang nagmula ang mga ito sa hindi basta-bastang pamilya.Ang alam niya ay kilalang makapan
“YOU can't do this to me, Norman!”“I'm sorry, Katie. I just wanted to be fair with you. Matagal na tayong wala at sa ating dalawa ikaw ang nakakaalala. I don't want to blame you. So please, just accept it. Si Sunshine ang mahal ko.”“No! You're just confused, honey. Please, don't do this. You love me, I know it. Kaya nga ako ang hinanap mo nang magkamalay ka, hindi ba?”“Siguro nga ikaw ang hinanap ko. Dahil ikaw lang ang naaalala ko. Siguro naman hindi ka manhid noong mga panahong pinaniwala mo akong nagkabalikan tayo. I never felt that I'm inlove with you.”“No, Norman. You loved me, and you still in love with me. Naguguluhan ka lang alam ko! Nang dahil sa babaeng 'yon kaya ka nagkakagan'yan! Gano'n ba siya kahusay sa kama, ha!? Sabihin mo! Baka mas magaling pa ako sa kaniya! Why don't you try me?!”“Watch your word, Katie. Sa ayaw at sa gusto mo hindi na matutuloy pa ang kasal natin. And that is final.” Tinalikuran ni Norman ang dalaga, ngunit mabilis siya nitong naharang at walan
Tinatamad na hinila ni Sunshine ang maleta habang papalabas ng SumSun Airline. Kalalapag lamang ng eroplanong kinalululanan nila sa airport ng Los Angeles, California. Kung gaano ka-excited ang mga kasama niya dahil sa oras na mayroon ang mga ito upang maglibot, ay siya namang daig pa ang nagluluksa. Na siya namang hindi nakaligtas sa kaibigang si Stan na kanina pa siya pinagmamasdan."Akin na nga `yan." Kinuha ni Stan ang maleta ng dalaga, binitbit iyon at hawak ang palad ng kaibigang iginiya ito sa paglalakad."Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Hindi gagaang iyang bigat na nararamdaman mo kung magpapanggap kang malakas."Nilingon lang ito ni Sunshine at matipid ang ngiting namutawi sa mga labi."Hays, ang swerte naman ng lalaking `yon. Sana ako na lang siya," aniya pa."Mas swerte naman ang babaeng nakalaan para sa `yo."Nagkibit-balikat lamang ang binata. Para kasi sa kaniya, ang dalaga ang gusto niyang makasama sa buhay."Nakita ko na ang babaeng nakalaan sa akin. Iyon nga lang
MABILIS na nagdamit si Norman at para itong hangin sa liksi ng paglabas nito sa suite. Bumaba siya sa 3rd floor kung nasaan ang kwartong inookupahan ni Sunshine, ngunit nakailang katok na siya ay wala pa ring nagbubukas niyon.Iritado na ang binata dahil sa mga bagay na gumugulo sa kaniyang isip. Ano ang ibig sabihin ng mahigit limang milyon na iyon? Iyong mga katagang bigla na lamang lumitaw sa kaniyang isip. Sino ba talaga si Sunshine sa buhay niya? Anong ibig sabihin nito kagabi?"Master." Nakayukod na bati ng isa niyang tauhan nang makasalubong niya ito sa lobby ng hotel."Nasaan ang iba pa? Nevermind, just tell them to find Sunshine, now!""Yes, master!""Nasaan ka na ba, Sunny?" usal niya habang iginagala ang paningin sa paligid.Lumabas ng hotel ang binata at nagtungo sa dalampasigan. Nagbabaka-sakaling makita roon ang dalaga. Naligo na siya sa sariling pawis at nalibot na niya ang resort pero ni anino ni Sunshine ay hindi niya matagpuan. Nakaramdam siya ng labis na kalungkutan
"Sunny...""At hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin... kita." Sumubsob ang mukha ni Sunshine sa matipunong dibdib ng binata.Hindi kaagad nakahuma si Norman. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong ayos. Parang musikang nagpaulit-ulit ang mga salitang iyon buhat sa dalaga at hindi niya maintindihan kung bakit tila napakasarap niyon sa pakiramdam niya. Nang mahimasmasan siya ay pinangko na lamang niya ang nakatulog na dalaga para dalhin sa sarili nitong suite. Pero gayon na lamang ang muli niyang pagbuntong-hininga dahil wala ang keycard ng dalaga. Napapalatak na muli niya itong ipinasok sa elevator.No choice siya kundi ang dalhin ito sa kaniyang suite. Saglit niyang ibinaba si Sunshine habang hawak ito nang mahigpit sa baywang, upang buksan ang pinto. Muli sana niya itong bubuhatin ngunit natigilan siya nang magtama ang kanilang mga mata. Nakadilat na kasi ito at malamlam ang mga matang nakatingin sa kaniya.Kumibot ang mga labi ni Sunshine, dahilan para mapalunok ng laway si Norm
“Katie...” “Where have you been? I’m hungry.” “Ipinakilala ko si Sunshine sa mga stockholder.” “I see. Are you done?” Nagkatinginan si Norman at Sunshine. Blangko ang mukha ng dalaga na pilit itinatago ang totoong nadarama. Samantalang tila naman nagsusumamo ang mga mata ng binatang nakatitig pa rin dito. “Hey...” “Ah. By the way, Katie, meet Sunshine. Shine, this is Katie.” “Nice to meet you, Ms. Valdez. Well, for your information, I am Norman's fiancée.” “Nice to meet you too, Ms. Grande.” “Did you know each other?” “No. We are just meeting now. Right, Ms. Valdez?” “Yeah...” walang buhay na sagot ni Sunshine. “Let's go, honey. Kumain na tayo.” “Let’s go, Sunny.” “Hindi na, Sir. Hinihintay ako ng mga kaibigan ko.” Nais sanang tumutol ni Norman, ngunit napansin niya ang masamang tingin ni Katie, kaya walang nagawang napabuntong-hininga na lamang ito ‘saka tinanguan ang dalaga. Lumipas ang oras. Halos masayang nagkukuwentuhan na lamang ang mga naroon. Nang muling dumili
PINASADAHAN ni Norman ang kabuuan sa harap ng malaking salamin matapos niyang ikabit ang customized silver cufflinks sa magkabilang lupi ng suot na white long-sleeved shirt. Pagkatapos ay ang red necktie naman ang isinuot, at saka niya isinunod ang gray coat. “Ang gwapo ng piloto namin, ah!” bulalas ni Emmanuelle nang pumasok ito sa silid ng kapatid. Akma siya nitong yayakapin pero agad niya itong inawat, ayaw niyang magkaroon ng kahit konting lukot ang suot niya. “Ang sungit!” angil sa kaniya ng kapatid. “Is everything ready?” tanong niya rito habang itinatali ng black sanrio ang may kahabaan ng buhok. “Yes, everything is ready. And we will start in ten minutes.” “Okay.” Muli pa niyang sinipat ang sarili sa salamin, making sure na walang lukot at presentable ang ayos niya. He was used to attending business presscon, but he couldn’t explain why he was feeling nervous right now. “Relax, kuya. Press launching lang ang gaganapin, hindi pa kasal,” pang-aasar sa kaniya ni Emmanuelle.