แชร์

Chapter 5: She's Pretty and Damn Sexy

ผู้เขียน: Iza Wan
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2022-01-20 17:38:03

PAULIT-ULIT na umaalingaw-ngaw sa kaniyang isip ang pagtangging iyon ng dalaga. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit pa niya pinag-aaksayahan ng oras upang isipin ang babaeng iyon.

'Ha! Akala mo napakaganda! Kung makapagsalita. Tsk!'

Para siyang tangang kinakausap ang sarili. Hindi niya kayang aminin na may babaeng tumanggi sa kaniya. Dahil iyon ang unang beses! Samantalang… ha!

'Hindi ba niya alam na babae ang humahabol sa akin?! Ni hindi ko na nga kinakailangang bayaran ng ganoon kalaking halaga! Sila mismo gusto akong makasama! Pero siya?! Sampung milyon! Tinanggihan niya?!'

'Teka nga! Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Hayssss! Grabe kang babae ka!'

Sa sobrang inis ni Norman ay naihagis niya ang unan. Simula kasi nang makausap niya kanina si Sunshine ay para na siyang siraulo. Pilit na umuukilkil sa kaniyang balintataw ang malungkot nitong mga mata. Hanggang sa makarating na nga lang siya sa suite na inookupahan niya ay ito pa rin ang laman ng isip niya.

Naupo siya buhat sa pagkakahiga sa kama at sinabunutan ang sarili pagkakita sa orasan na nasa dingding. Alas tres na ng madaling araw at hindi pa rin siya makatulog.

Bahagya siyang napatigil at…

"I swear! Ikaw mismo ang lalapit at magmamakaawa sa akin!" aniya na itinaas pa ang hintuturo.

Napangisi siya sa kaniyang naisip. Kapagdaka'y muli siyang nahiga hanggang sa siya'y makatulog.

IMPIT NA UNGOL ang pinakawalan ni Norman nang maalimpungatan kinaumagahan dahil sa naririnig niyang sunod-sunod na pagtunog ng kaniyang cellphone, ngunit tinatamad siyang sagutin iyon.

Nakadapa habang yapos ang isang unan, inis na iminulat niya ang isang mata nang hindi pa rin tumitigil sa pagtunog ang kaniyang tawagan. Sinilip ang oras, ala una. Tiningnan niya ang bintana at kita sa bahagyang pagkakahawi ng kurtina ang tirik na araw sa labas na bahagyang nababanaag dahil sa siwang, ibig sabihin tanghali na, pero inaantok pa rin siya.

Kinapa niya sa side table ang telepono upang sagutin iyon.

"Hoy, 'insan! Wala ka bang balak mag-lunch? Tara na rito! Sabayan mo ako!" nakasinghal na bungad ni Lowelle.

"Mag-lunch kang mag-isa, inaantok pa ako," patamad niyang sagot dito.

"Puyat ka?! Bakit? Siguro may dinala kang chicks d'yan, ano?!"

"Get lost, Lowelle."

"Oh, bakit? Eh, maaga pa no'ng umalis ka sa resto kagabi, ah? Kung wala kang nabingwit na babae, bakit ka puyat?"

"Gg! Bakit? Hindi ba pwedeng hindi lang agad nakatulog kaya napuyat, ha? Ha? Ha? Ha?"

Malakas na halakhak ang isinagot sa kaniya nito na mas ikinairita niya. "Sige na sige na at mukhang puyat ka nga."

Ibinato ni Norman ang telepono nang mawala na sa kabilang linya ang kaniyang pinsan, saka muling isinubsob ang mukha sa unan at muling natulog.

Nang magising siya ay madilim nang muli sa labas. Nag-inat siya ng mga braso at bumangon sa pagkakahiga. Nagtatatalon muna nang ilang beses upang gisingin ang kaniyang dugo at diwa, bago hinagilap ang cellphone. Pagtingin niya ay may ilang messages siyang natanggap at missed calls? May limang tawag buhat sa kapatid niyang si Martin, dalawa galing rin kay Jasson, ang kanilang panganay at sa pinsang si Lowelle.

Binasa muna niya ang ilang mensahe roon.

Text message from:

'Hoy! You already skipped your brunch! Gumising ka na and have dinner!'

Recieved time: 6:22 pm

Text message from:

'Call me back…'

Received time: 5:30 pm

Text message from:

'Hey Norm, hindi mo sinasagot ang tawag namin ni Kuya, busy ba? Tumawag ka as soon as possible. Emergency.'

Received time: 5:25 pm

Ilan lamang iyan sa mga mensahe, hindi na niya binasa ang iba pa. Sinilip niya ang oras at napagtantong alas siyete na ng gabi.

Iiling-iling na naghagilap siya ng damit sa closet at nagtungo na sa washroom. Nang matapos ay saka siya lumabas ng suite at tinungo ang restobar.

"Tsk… tsk… tsk… grabeng tulog, ha? Sobrang pagod? Nakailang rounds ba?" salubong ni Lowelle sa kaniya pagkapasok niya sa opisina nito. Doon na kasi siya dumiretso at nagpahatid na lamang ng dinner.

"Anong rounds ang pinagsasabi mo r'yan? Itulad mo pa ako sa 'yo," kunot ang noong tugon ni Norman at naupo sa single sofa na malapit sa glass door ng beranda.

"Hahahaha! Hindi talaga tayo magkatulad! Masiyado kang mahina sa chicks!"

"Look who's talking?" aniya na tinaasan pa niya ito ng isang kilay. Dinampot niya ang isang malinis na wine glass na nasa center table at sinalinan iyon ng alak na nasa bucket.

Nakita niyang binitiwan ni Lowelle ang folder na binabasa at tinanaw siya buhat sa kinauupuan nito saka inihalukipkip ang mga braso sa dibdib at isinandal ang likod sa kinauupuan.

"Seriously, bakit nga pala isang buwan kang mag-i-stay rito? May tinataguan ka ba?" seryosong tanong ng pinsan niya.

Nilagok ni Norman ang alak saka inismiran ito. "Sino naman ang tataguan ko?" he asked.

"Then, what are you doing here?"

Tinapunan niya ito ng matalim na titig. Sa klase kasi ng tanong nito ay para bang hindi ito natutuwang nandito siya sa harapan nito.

"Hey, don't take it too serious. Wala akong masamang pakahulugan sa tanong ko, okay?" ani Lowelle.

"Tss… masama bang magliwaliw muna pagkatapos ng pagsusunog ng kilay? Nakakapagod din ang mag-aral nang mag-aral," he smirked.

"Ikaw naman kasi, kung nakapag-decide ka kaagad sa course na talagang gusto mo, eh, di sana ilang taon ka nang tapos."

"Aeronautics naman talaga ang gusto ko. Hindi lang iyon ang kinuha ko noong una dahil–" Hindi niya natapos ang sasabihin sana dahil nakita niya buhat sa glass door ang waiter na may dala ng pagkain niya. Tumayo siya at pinagbuksan ito.

Inayos ng waiter ang mga pagkain sa center table, habang nakamasid lamang siya. Maghapon siyang walang kain, pero para bang hindi siya natatakam sa masasarap na pagkaing nakahain sa harapan niya. Nakakasawa! Iyon ang pakiramdam niya sa hindi niya malamang dahilan.

Bumuntong-hininga muna siya bago umupo upang umpisahang tikman ang mga pagkain. Halos tinikman lang niya ang bawat putahe at ipinaligpit na iyon. All of a sudden he just lost his appetite.

"Pumasok ba siya?" wala sa loob na naitanong niya.

"Sino?"

"T-that girl!"

"Si Sunshine?"

"Who else?" iritado niyang sagot.

"Ha! Are you expecting her after I fired him?"

"Hindi na talaga siya pumasok, huh."

"Ikaw lang, ewan ko ba sa 'yo at iyon ang nakursunadahan mo. Umamin ka nga! May gusto ka sa kaniya, ano?" nanunukso ang mga tingin na tanong ng pinsan niya.

Pigil ang sariling napakamot siya sa kaniyang noo at pailalim na tiningnan ang pinsan.

"You know my type…" nakangiwi niyang tugon dito. Alam naman kasi ng pinsan niyang hindi siya attracted sa mga morena.

"Yah, but she's pretty and damn sexy! Kaya nga siya ang paborito ng mga parokyano rito. Kung iba nga lang ang ugali no'n, I mean kung mabilis lang masilaw sa pera 'yon, sa dami ng nag-aalok sa kaniya, mayaman na dapat 'yon."

"Iyong totoo, ikaw yata ang may gusto sa kaniya, eh?" nakangisi niyang tanong.

"Hindi ko itatanggi sa 'yo, noong una kong makita si Sunshine talagang natipuhan ko siya. Pero dahil nga sa ugali niya, mas nanaig ang respeto ko sa kaniya. Bukod doon mabait at magaling siyang makisama."

Tss… napapalatak na lang siya sa mga naririnig niya sa kaniyang pinsan. Dumaan pa ang ilang oras nang hindi nila namamalayan dahil sa kwentuhan ng kung anu-ano.

"Tara! Labas tayo, gusto kong magpahangin. I felt exhausted here," biglang aya sa kaniya ni Lowelle. Nakita pa niyang niluluwagan nito ang kurbata nang lingunin niya.

Sumunod siya rito nang lumabas ito. Nagtungo sila sa stage kung saan ginaganap ang fire dancing at mini concert bilang entertainment. Katatapos lang kumanta ng singer nang pum'westo sila sa harapan. Ina-announce na ng emcee ang susunod na magaganap at iyon ang fire dancing.

Natigilan siya nang tawagin na ng host ang grupo. Hindi niya maintindihan, pero umaasam siyang makikita niya sa mga ito ang babaeng iyon.

Pero nadismaya siya— dahil hindi na nila kasama ang babaeng gusto niyang makita.

Mag-isa lang ang dalagang nagpe-perform na kasama ng dalawang binata.

Maganda rin naman ito, magaling din…

Pero hindi niya maintindihan ang sarili. Wala siyang ganang manood, hindi tulad noong mga naunang araw na kasama pa ng mga ito ang Sunshine na iyon.

บทที่เกี่ยวข้อง

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 6: Conditions

    "YOU ARE?" tanong ng babaeng nasa mid 30's marahil ang edad, habang nakatingin sa resumè niya na hawak nito."Sunshine Valdez, Ma'am.""Hmmm… you came from Hell Grill Restobar at Palacio Grande. You work there for two years? When did you stop?""Recently lang po, Ma'am.""May I know why?" matiim itong nakatitig sa kaniya, para bang hinahalukay nito sa kaniyang kaibuturan ang katotohanan sa kaniyang isasagot."Ahm… my boss fired me." Yumuko siya pagkasabi no'n.Narinig niyang bumunt

    ปรับปรุงล่าสุด : 2022-01-21
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 7: Not Attracted

    "TATANGGAPIN ko ang trabahong iniaalok mo. Pero may kondisyon ako."Sumilay ang ngiti ng tagumpay sa mga labi ni Norman pagkarinig sa sinabing iyon ni Sunshine na nagpaulit-ulit pa sa kaniyang isip. Dahan-dahan siyang humarap sa dalaga at ipinaskil ang seryosong mukha."What is it?" pigil ang sariling ipakita ang tuwang nadarama na tanong niya."Ahh… n-no sex involve! P-pagsisilbihan lang kita! Susundin ko lahat ng ipag-ipag-uutos mo, p-pero hindi ang p-pagsilbihan ka sa kama!" nauutal na anang dalaga."Alam m—""Hep! Hindi pa ako tapos! Hindi ko kailangan ng ten million mo. You just need to pa

    ปรับปรุงล่าสุด : 2022-01-21
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 8: Gusto Mong Tikman?

    "Clean my room first, the first door on your left.""Ah… nasaan ang cleaning materials, sir?" malumanay niyang tanong."Next door to the bathroom, it's the storage room… and that would be your room. Just clean it later.""Y-yes, sir." Mabilis siyang tumalima.Pinasok niya ang storage room at gano'n na lamang ang pagkakunot ng kaniyang noo, dahil taliwas iyon sa kaniyang inaasahan. Masinop na nakasalansan ang mga gamit doon at ni alikabok ay wala siyang makita. At malaki iyon para sa isang storage room. Hinanap niya ang pinaglalagyan ng cleaning materials at kinuha ang mga kakailanganin niya. Pagkatapos ay tinungo na niya ang silid ng amo."Eehh?" anas niya nang maigala ang paningin sa kabuuan ng silid."Anong lilinisin ko rito?" mahina niyang usal. Paano ba naman ay napakaaliwalas ng kuwarto.Wala siyang makitang kahit kaunt

    ปรับปรุงล่าสุด : 2022-01-21
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 9: Stop Staring

    "Hi, Summer!" bati ng isang foreigner at nang lingunin iyon ng dalaga ay hindi niya napigilang hindi mapangiti. "Hello, Sir!" ganting bati niya. "You look pretty with your dress," papuri nito sa kaniya. "Thank you, Sir."

    ปรับปรุงล่าสุด : 2022-01-22
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 10: Mamang

    "Surprise!" "What are you doing here?" gulat na tanong ni Norman ng mabungaran niya sa loob ng suite na prenteng nakaupo sa sofa ang isang maganda at sopistikadang babae. Wala naman talaga siyang lakad, inihatid lang niya ng personal si Sunny pagkatapos ay dumiretso na siyang muli rito sa suite upang magkulong. Pero ito ang dadatnan niya? Tsk! "I'm on vacation. Then, I heard from someone that you are also here. That is why I'm here," malanding sagot ng babae. Tumayo ito at iniangkla ang mga braso sa batok ng binata. Iritadong binaklas ni Norman ang mga kamay ng dalaga at salubong ang mga kilay na naupo sa single sofa. "Who gave you the access here?" "Well, Lowelle knows me." Umupo ito sa tabi ng binata at walang salitang hinalikan ito. "Come on, Claire. I'm not in the mood," iritadong inilayo ni Norman ang mga labi sa dalaga

    ปรับปรุงล่าสุด : 2022-01-23
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 11: The Deal

    Kanina pa nakatayo si Norman, ilang dipa ang layo mula sa doktor at kay Sunshine. Kanina pa niya nakikita ang mga reaksiyon sa mukha ng dalaga habang kausap ang manggagamot. Bahagya lamang niyang naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito, ngunit base sa ekspresiyon ni Sunshine, batid niyang hindi maganda ang lagay ng ina nito. Nakita niya ang impit na paghagulgol nito habang nakatitig sa doktor. Ang pilit na pagpapakatatag ng dalaga kahit na nararamdaman niya ang panghihina nito. Hindi nakatiis si Norman, lumapit na siya sa mga ito. "If there's chances for her to surviv, we will leave it to you, doc. Just please do your best," wika ng binata sa manggagamot. Tinapik pa niya ito ng bahagya sa balikat at tinanguan.

    ปรับปรุงล่าสุด : 2022-01-24
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 12: Abutin Ang Mga Bituin

    MALALIM na buntonghininga ang pinakawalan ni Sunshine habang pinagmamasdan ang papalayong amo. Hindi niya gustong sirain ang araw nila, pero nasira niya iyon nang hindi sinasadya. Mabigat ang mga paang naglakad siya papasok sa hotel. Kaliwa’t kanan ang naririnig niyang tumatawag sa kaniya subalit wala siya sa mood para gantihan at pansinin ang mga ito. Pagpasok niya sa suite ni Norman ay sobrang tahimik ng paligid. Normal naman na tahimik ang suite ng binata, iyon nga lang iba ang katahimikang namamayani ngayon. Para bang ang bigat sa pakiramdam. Natitigilang napatitig na lamang si Sunshine sa nakapinid na pintuan ng silid ng amo. Gusto niya itong aluin. Naiintindihan naman niya ito, muntik na nga naman siyang mapaano kanina sa dagat, tapos nagawa pa niyang Habang naiwang natitigilan naman sa kinatatayuan ang dalaga. Tinatanong ang sarili kung bakit naitanong pa kasi niya iyon. At tulad ng mga nakaraang araw. Sa tuwing mawawala sa mood ang binata ay hindi na naman mag-iimikan ang d

    ปรับปรุงล่าสุด : 2022-05-01
  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 13: Come With Me

    PAPADILIM na nang umalis ang dalawa sa ospital dahil hinintay pa ang pagdating ng pinsan ni Sunshine at ng tiyuhing si Mang Roman na silang hahalili sa kanila sa pagbabantay.Bumalik ang mga ito sa hotel upang maglinis ng katawan. Pagkatapos ay inaya na ni Norman ang dalaga sa kabilang bahagi ng rooftop kung nasaan ang helipad kung saan naghihintay ang itim na chopper. Inalalayan nitong makasakay ang dalaga.Makikita ang pagkamangha sa mga mata ni Sunshine nang lumipad na ang kanilang sinasakyan. Ang gandang pagmasdan ng tanawin sa ibaba habang nag-aagawan ang liwanag at dilim. Ang manilaw-nilaw na ilaw na tila kasing liit ng langgam sa mga poste at kabahayan ay nagmistulang alitaptap.Nilibot nila ang kabuuan ng Bohol, hanggang sa dumako ang sasakyan sa mapunong lugar.Hindi mapapasubali ang sayang nararamdamang ng dalaga sa mga oras na iyon, dahil makikita iyon sa mga mata nitong tila kumikislap sa tuwa.Hindi rin maitatatwa ang pinaghalong lungkot at saya ang mababanaag sa mga mata

    ปรับปรุงล่าสุด : 2022-05-02

บทล่าสุด

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   The Sweet Finale

    "SUNNYYYYY!!!""Daddy, daddy, wake up! Daddy!"Biglang naimulat ni Norman ang mga mata nang marinig ang matinis na boses na iyon, at maramdaman ang maliliit na mga kamay na gumigising sa kaniya. Gulat siyang napatitig sa napakagandang batang nasa kaniyang harapan. At ang napakaamo nitong mukha ang nagpakalma sa kaniyang kamalayan.Bumangon siya at mahigpit itong niyakap. "Thank you for waking me up, baby.""I hear you shouting. I was about to wake you up because breakfast was ready. Having a nightmare again, daddy?" matatas na tanong ng munting bata."Yes, a nightmare.""You didn't pray before you sleep, did you?""I did, baby.""Hmmm…" Ipinagsalikop ng paslit ang mga kamay sa dibdib na tila isang matandang pinag-aaralan ang kaharap."Okay, let's go downstairs. Mommy is waiting for us.""Your mom?""Yes, my mom, dad! My mom! What is wrong with you?" Nakataas ang isang kilay at bakas ang pagkairita sa mukha nito.Tila naman nabuhayan ng dugo si Norman, agad itong tumayo, hindi na alint

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 35: Death

    Naitungkod ng binata ang mga kamay sa mahabang mesa, kuyom ang mga kamaong nanginginig sa galit. Atsaka nito inihagis ang upuang nasa kaniyang gilid na lumikha ng pagkabasag sa maliit na glass table na tinamaan niyon.Madilim ang mukhang lumabas siya ng opisina. At kababakasan ng takot ang mga mukha ng bawat makasalubong niya."Master…" salubong sa kaniya ng tauhang si Clarence."Hanapin ninyo si Sunshine! I don't want to see your face until you found her!" dumadagundong ang boses na utos niya rito dahilan upang maagaw ang atensiyon ng mga naroon."Copy, master," ani Clarence bago pa man makasakay ang amo sa sasakyan. Mabilis ang kilos na nagbigay siya ng utos sa lahat ng tauhan.Nakarating si Norman sa opisina ni Jasson at naroon na rin ang iba pa niyang mga kapatid. Bakas ang pag-aalala ng mga babae, samantalang nananatiling kalmado lamang ang mga lalaki."Anong nangyari, kuya?" ani Emmanuelle pagkapasok na pagkapasok ng binata."They abducted Sunshine!""Nino?""Si Claire!""What?

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 34: Abduction

    “We're having a family dinner tonight,” bungad ni Norman. Nasa pinto ito ng kusina habang inaayos ang sleeve ng polo.Napalingon si Sunshine na abala sa paghahanda ng pagkain sa hapag. Nang matapos ay ipinunas nito sa suot na apron ang mga kamay saka iyon hinubad at lumapit sa binata.“Family d-dinner?” bakas ang kaba sa boses ng dalaga. Inayos nito ang kuwelyo at kurbata ng kasintahan.“Hmmm, gusto kang makita ni mama't papa.”“B-bakit daw?”“Ano bang klaseng tanong `yan? Of course, they wanted to meet you.” Inakbayan ni Norman si Sunshine at iginiya paupo sa magkatabing upuan. Siya na rin ang nagsalin ng pagkain sa plato nito bago inasikaso ang sarili.“K-kinakabahan kasi ako,” pag-amin ng dalaga. Totoong kinakabahan siya. Dahil sa unang pagkakataon ay makikita niya ang mga ito. May ilang impormasyon naman siyang naririnig tungkol sa mga magulang ng binata. At ayon sa mga naririnig niya ay talagang nagmula ang mga ito sa hindi basta-bastang pamilya.Ang alam niya ay kilalang makapan

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 33: Pulo't Gata

    “YOU can't do this to me, Norman!”“I'm sorry, Katie. I just wanted to be fair with you. Matagal na tayong wala at sa ating dalawa ikaw ang nakakaalala. I don't want to blame you. So please, just accept it. Si Sunshine ang mahal ko.”“No! You're just confused, honey. Please, don't do this. You love me, I know it. Kaya nga ako ang hinanap mo nang magkamalay ka, hindi ba?”“Siguro nga ikaw ang hinanap ko. Dahil ikaw lang ang naaalala ko. Siguro naman hindi ka manhid noong mga panahong pinaniwala mo akong nagkabalikan tayo. I never felt that I'm inlove with you.”“No, Norman. You loved me, and you still in love with me. Naguguluhan ka lang alam ko! Nang dahil sa babaeng 'yon kaya ka nagkakagan'yan! Gano'n ba siya kahusay sa kama, ha!? Sabihin mo! Baka mas magaling pa ako sa kaniya! Why don't you try me?!”“Watch your word, Katie. Sa ayaw at sa gusto mo hindi na matutuloy pa ang kasal natin. And that is final.” Tinalikuran ni Norman ang dalaga, ngunit mabilis siya nitong naharang at walan

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 32: Eiffel Tower Proposal

    Tinatamad na hinila ni Sunshine ang maleta habang papalabas ng SumSun Airline. Kalalapag lamang ng eroplanong kinalululanan nila sa airport ng Los Angeles, California. Kung gaano ka-excited ang mga kasama niya dahil sa oras na mayroon ang mga ito upang maglibot, ay siya namang daig pa ang nagluluksa. Na siya namang hindi nakaligtas sa kaibigang si Stan na kanina pa siya pinagmamasdan."Akin na nga `yan." Kinuha ni Stan ang maleta ng dalaga, binitbit iyon at hawak ang palad ng kaibigang iginiya ito sa paglalakad."Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Hindi gagaang iyang bigat na nararamdaman mo kung magpapanggap kang malakas."Nilingon lang ito ni Sunshine at matipid ang ngiting namutawi sa mga labi."Hays, ang swerte naman ng lalaking `yon. Sana ako na lang siya," aniya pa."Mas swerte naman ang babaeng nakalaan para sa `yo."Nagkibit-balikat lamang ang binata. Para kasi sa kaniya, ang dalaga ang gusto niyang makasama sa buhay."Nakita ko na ang babaeng nakalaan sa akin. Iyon nga lang

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 31: Sadness

    MABILIS na nagdamit si Norman at para itong hangin sa liksi ng paglabas nito sa suite. Bumaba siya sa 3rd floor kung nasaan ang kwartong inookupahan ni Sunshine, ngunit nakailang katok na siya ay wala pa ring nagbubukas niyon.Iritado na ang binata dahil sa mga bagay na gumugulo sa kaniyang isip. Ano ang ibig sabihin ng mahigit limang milyon na iyon? Iyong mga katagang bigla na lamang lumitaw sa kaniyang isip. Sino ba talaga si Sunshine sa buhay niya? Anong ibig sabihin nito kagabi?"Master." Nakayukod na bati ng isa niyang tauhan nang makasalubong niya ito sa lobby ng hotel."Nasaan ang iba pa? Nevermind, just tell them to find Sunshine, now!""Yes, master!""Nasaan ka na ba, Sunny?" usal niya habang iginagala ang paningin sa paligid.Lumabas ng hotel ang binata at nagtungo sa dalampasigan. Nagbabaka-sakaling makita roon ang dalaga. Naligo na siya sa sariling pawis at nalibot na niya ang resort pero ni anino ni Sunshine ay hindi niya matagpuan. Nakaramdam siya ng labis na kalungkutan

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 30: Ang Pag-angkin

    "Sunny...""At hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin... kita." Sumubsob ang mukha ni Sunshine sa matipunong dibdib ng binata.Hindi kaagad nakahuma si Norman. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong ayos. Parang musikang nagpaulit-ulit ang mga salitang iyon buhat sa dalaga at hindi niya maintindihan kung bakit tila napakasarap niyon sa pakiramdam niya. Nang mahimasmasan siya ay pinangko na lamang niya ang nakatulog na dalaga para dalhin sa sarili nitong suite. Pero gayon na lamang ang muli niyang pagbuntong-hininga dahil wala ang keycard ng dalaga. Napapalatak na muli niya itong ipinasok sa elevator.No choice siya kundi ang dalhin ito sa kaniyang suite. Saglit niyang ibinaba si Sunshine habang hawak ito nang mahigpit sa baywang, upang buksan ang pinto. Muli sana niya itong bubuhatin ngunit natigilan siya nang magtama ang kanilang mga mata. Nakadilat na kasi ito at malamlam ang mga matang nakatingin sa kaniya.Kumibot ang mga labi ni Sunshine, dahilan para mapalunok ng laway si Norm

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 29: The Fire Diva

    “Katie...” “Where have you been? I’m hungry.” “Ipinakilala ko si Sunshine sa mga stockholder.” “I see. Are you done?” Nagkatinginan si Norman at Sunshine. Blangko ang mukha ng dalaga na pilit itinatago ang totoong nadarama. Samantalang tila naman nagsusumamo ang mga mata ng binatang nakatitig pa rin dito. “Hey...” “Ah. By the way, Katie, meet Sunshine. Shine, this is Katie.” “Nice to meet you, Ms. Valdez. Well, for your information, I am Norman's fiancée.” “Nice to meet you too, Ms. Grande.” “Did you know each other?” “No. We are just meeting now. Right, Ms. Valdez?” “Yeah...” walang buhay na sagot ni Sunshine. “Let's go, honey. Kumain na tayo.” “Let’s go, Sunny.” “Hindi na, Sir. Hinihintay ako ng mga kaibigan ko.” Nais sanang tumutol ni Norman, ngunit napansin niya ang masamang tingin ni Katie, kaya walang nagawang napabuntong-hininga na lamang ito ‘saka tinanguan ang dalaga. Lumipas ang oras. Halos masayang nagkukuwentuhan na lamang ang mga naroon. Nang muling dumili

  • ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)   Chapter 28: Heart Beats

    PINASADAHAN ni Norman ang kabuuan sa harap ng malaking salamin matapos niyang ikabit ang customized silver cufflinks sa magkabilang lupi ng suot na white long-sleeved shirt. Pagkatapos ay ang red necktie naman ang isinuot, at saka niya isinunod ang gray coat. “Ang gwapo ng piloto namin, ah!” bulalas ni Emmanuelle nang pumasok ito sa silid ng kapatid. Akma siya nitong yayakapin pero agad niya itong inawat, ayaw niyang magkaroon ng kahit konting lukot ang suot niya. “Ang sungit!” angil sa kaniya ng kapatid. “Is everything ready?” tanong niya rito habang itinatali ng black sanrio ang may kahabaan ng buhok. “Yes, everything is ready. And we will start in ten minutes.” “Okay.” Muli pa niyang sinipat ang sarili sa salamin, making sure na walang lukot at presentable ang ayos niya. He was used to attending business presscon, but he couldn’t explain why he was feeling nervous right now. “Relax, kuya. Press launching lang ang gaganapin, hindi pa kasal,” pang-aasar sa kaniya ni Emmanuelle.

DMCA.com Protection Status