A month ago, “I’ll come home, Mama.”
Ngunit si Gretchen ang nasorpresa. Pumasok ang sasakyang sumundo sa kanya mula sa airport at pumasok sa isang magara at kilalang subdivision. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang Baker’s Mansion.
Taas – noo ang tatlong babaeng nasa harapan niya. Nakapameywang pa si Angelica. Nakahalukipkip pa si Angela at si Angel naman ay kukurap-kurap pa ang mga mata habang inaayos ang kanyang salamin upang makitang mabuti ang babaeng nasa harapan niya.Mahigpit siyang niyakap ni Gretel. Masaya niya itong sinalubong at binati. Humarap siya sa mga babae.
“Girls, this is Gretchen. You’re Ate Gretchen.”
And her life was turn upside down simula ng araw na iyon.
Sabado ng umaga.
“Gretchen!” malakas na sigaw ni Angelica mula sa kanyang kuwarto. “Nasaan na ang false eyelashes ko?” Halos himatayin si Gretchen pagpasok sa loob ng kanyang kuwarto. Kalilinis lang niya sa loob nito ngunit para na namang dinaanan ng ipu-ipo.
“Gretchen, where are you?” malumanay ngunit nakakapangalisag ng mga buto ang tawag ni Angela. Pang horror ang peg. “Mali-late na ako sa date ko, wala pa ba ang make-up artist na tinawagan mo?”Ayaw ng pumunta ng make-up artist dahil hindi na raw niya alam kung paano pa pagagandahin ang kanyang mukha. Inilihim na lang iyon ni Gretchen kaysa naman ma-high blood pa si Angela kapag sinabi niya iyon. Ngumiti-ngiti pa si Angela at kinindatan ang sarili sa salamin.“How was it?”“Hindi na masama. Puwede nang pagtiyagaan? Pero sa susunod, book an appointment early sa sikat na make- up artist. I want to look fabulousa!” Hinawakan ang kanyang balikat ngunit may diin kaya napangiwi sa sakit na naramdaman si Gretchen.“Hindi ka pa ba tapos diyan, Ate Gretchen? Ako naman.”
“Coming!”
Wala nang pressure pagdating kay Angel. Simple lang ang gusto niya. Konting blush on at lipstick ay okay na.
“How about you? Do you have a date tonight?” Umiling si Gretchen.
Bago umalis ang mga ito ay ihahatid pa niya sa garahe, dala ang kani-kanilang mga bag. Hihintayin din niya ang mga sundo nila at sisiguraduhing nakuha rin niya ang plate number ng kotseng kanilang sinakyan.
“Saturday is always a worse day ever,” pabagsak na naihampas ni Gretchen ang kanyang apron sa sopa sa loob ng kanyang kuwarto.
Hindi na niya narinig ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng kanyang ina.
“Gretchen…” sabay-haplos sa ulo nito ngunit napapitlag sa sobrang gulat si Gretchen at pati si Gretel at nagulat din.
“Mama…” hinagod ng babae ang kanyang likod habang nakayuko ito. “Bakit po ba natin kailangan pang umalis sa dati nating bahay? How did you meet this man?”
Tikom ang bibig ng ina at hindi na ito magsasalita. Palagi na lang ganoon ang nagiging takbo ng kanilang usapan. Walang nagawa si Gretchen kundi tumayo at sarili na rin niya ang kanyang inasikaso upang makalabas man lang matapos ang buong linggong nakakapagod sa loob ng mansion.
Alila ang tingin sa kanya ng mga kapatid.Gretchen Kennedy is the eldest of all… and the yaya of them all. Nagmadali na siyang umalis ngunit hindi para siputin ang kanyang blind date. Kadalasan, may mga isini-set-up na date sa kanya ang step-father nito ngunit hindi niya sinisipot ang mga ito.
“Hoy, Gretchen! Abah, masyado namang high standard ka at pinaghintay mo si Oswald sa kanyang restaurant. Para sabihin ko sa iyo ha! Mayaman ang lalaking iyon. May tatlong branch siya ng restaurant sa iba’t ibang mall kaya huwag kang choosy.”
Yeah, sisipatin lang niya ang lalaki sa hindi kalayuan at saka ito magpapadala ng mensahe na hindi siya makakarating. Kitang-kita niya kung paano mainis ang mga lalaki. Natatawa na lang siya pagtalikod niya.Uubusin lang niya ang kanyang oras sa pag-iikot sa mall. Pupunta sa mga cosmetics section at makikiusyoso sa mga saleslady doon. Manunuod kung paano mini-make-apan ang mga babaeng napadaan lang at nahila nila upang ayusan.
Saka siya uuwi.
Dahan-dahan pa siyang aakyat sa hagdan habang dinig na dinig niya ang kuwentuhan ng kanyang mga kapatid. Kanya-kanya silang pagbibida sa naging date nila. She is used to those girl thing pero hindi siya madaling kiligin sa mga usapan.
She has never experience that love at first sight moment that she kept hearing from the three of them. Hindi siya maka-relate kung paano nangyayari iyon sa dalawang taong first time lang magkita at may love na kaagad sa isa’t isa.
“Love kaagad? That’s impossible. ‘Yung iba nga diyan, kapag bumibili ng damit, halos ikutin ang buong mall. Lahat ng stalls and clothing boutique ay pinapasok at tumitingin muna ng magugustuhan.” Napangisi si Gretchen. “Love at first sight? What a poor thing?”
Lalampasan na niya ang malaking kuwarto ng bigla itong bumukas.Hinila siya ni Angela.
“Where have you been?” tanong niya sa itinuturing na nakatatandang kapatid.
“Nakipag-date ka rin? Abah, mabuti at mayroong sira-ulong lalaki ang pumayag makipag-date sa iyo.” Sumimangot naman si Angelica habang nag-aapply ng midnight cream para sa kanyang pisngi. Parang beast mode ang babae.
“Why don’t you share it to us?” Hinila ni Angel si Gretchen sa loob kahit gusto na sana niyang matulog.
“Do you ever believe that she will get a decent man to date with her? Paano niya i-introduce ang sarili niya? The bottom of the class, a juvenile delinquent in States at napa-deport sa Pilipinas for not finishing her studies abroad.” Tatlong malakas na palapak ang ibinigay ni Angelica.
“Hashtag Ang babaeng walang ganda!” Mahigpit na hinawakan ni Angela ang babae ni Gretchen. Titig na titig ito sa mukha ng babae.
“A slim body but flat chested lady, who cares about her? Walang lalaki ang lilingon sa iyo dahil mapagkakamalan ka lang bakla.” Dinaklot nito ang hindi kalusugang hinaharap ng babae.Hindi nakailag si Gretchen sa ginawa ng kapatid. Sinulyapanan niya si Angel na busy sa kati-text at inutusang hawakan ang nakatatandang kapatid.
Inikutan ni Angelica si Gretchen at nanlilisik ang mga mata nitong tumitig ng diretso sa mga mata ng kausap.
“Virginity lang ang maipagmamalaki mo kung sakali but that’s even useless kung boring ka sa kama.”
“Atleast, that is something I could give for the only man that I love before I marry him.”Malakas na sampal ang iginawad sa kanya ni Angelica. Sinabunutan siya ni Angela as a punishment.
Walang karapatan si Gretchen na sumagot at magsalita.Sina Angelica, Angela at Angel ang batas sa kanilang magkakapatid and Gretchen is nothing.
Walang ganang bumangon si Gretchen ng umagang iyon dahil sa nangyari sa pagitan nilang magkakapatid. Sinusunod lang niya ang sinasabi ng in ana siputin ang mga blind dates niya. “Anong nangyari sa date mo kay Philip? Sabi ni Angelo, pogi raw siya. Matangkad na lalaki at nakapagtapos sa Harvard. He majored in Economics.”“Mama, I am not interested in any of them.”“Kailan mo balak mag-asawa?”“Kailan ninyo balak umalis sa impiyernong ito?” Nakatikim din siya ng sampal sa ina.“Hindi mo kailangang tawaging impiyerno ang bahay na ito.”“Then, tell me… bakit po kayo nandito? Bakit ninyo pinagtitiyagaan si Tito Angelo? Mahal mo ba siya? Sino ba siya sa buhay ninyo? Sabihin ninyo sa akin ngayon, para maintindihan ko!” Hindi na nakatiis si Gretchen. Pasigaw niyang tanong sa ina.“This is not the right time, Iha!”“Tinitiis ko po ang lahat kahit apihin nila ako at magmukha akong basahan basta’t makasama ko lang po kayo.”Tinakasan ni Gretchen ang marangyang buhay sa kanyang lolo makasama lan
Tuwing magkakaharap-harap sila sa hapag-kainan, nagiging focus na siya ng atensyon. Maging ang kanyang ama-amahan ay nagpapakita ng concern.“Anong plano mo, Gretchen? Kailan mo balak ipakilala ang boyfriend mo dito? Baka naman sa labas ka na nagpapaligaw at sa mga eskinita ka na lang dalhin ng mga iyan,” panghuhusgang sabi ni Angelo. Lalo siyang pinagtawanan ng mga kapatid. “Mas masahol ka pa sa prostitute niyan, Sister. Kahit saan ka na lang abutan ng kalibugan doon ka na lang titihaya,” malakas ang loob na dagdag pa ni Angelica. “Hindi naman po kasi ako masyadong nagmamadali, Tito Angelo. Marami pa po akong gustong gawin sa buhay. Gusto ko pa pong makasama si Mama. Matagal din po kasi kaming nagkalayo.”“Yeah, marami ka pang gagawin dito sa mansion. That’s what you deserved. Gagamitin mo pa si Mama. Nagsisisi ka na ba kumbakit hindi ka nag-aral sa America? Sinayang mo lang ang magandang pagkakataon sa America. Kung ako ‘yan, mag-aasawa ako ng Kano,” tugon naman ni Angela.“Don’t
Kinabukasan ay namumugto ang mata ni Gretchen at kinatkatan siya ng sermon dahil sa pagtakas nito. Hiyang hiya daw ang kanyang tito dahil sa nangyari.“Bakit po kasi ninyo ako pinipilit na makipag-date sa kung kani-kanino? Hindi ko po planong mag-asawa ng mayaman.”Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Gretchen na halos ikayanig ng kanyang buong katawan. Galit na galit si Angelo. “Angelo, ano ba?”“Alam mo bang ipinahiya ako ng anak mo? Tinakasan niya ako kagabi. Nakakahiya kay Mr. Cheng.”“Gretchen!”“Mama, listen to me. Hindi ko pa naman po balak mag-asawa, Mama. At saka, Mama…” Tinitigan ng masama ni Gretchen ang lalaki. Humagulgol ito. Nanginginig siya sa takot ngunit lakas-loob niyang sinabi ang nangyari ng nagdaang gabi.“What?”“Mama, pinasok ako kagabi ni Tito Angelo sa kuwarto ko. Mama, are you listening to me?” Hindi halos makakilos si Gretel sa kanyang kinatatayuan. “Uy, Gretchen, maghinay-hinay ka sa mga salita mo. Sinungaling ka!” Sinampal muli ni Angelo si Gretchen
Samantala, naging abala si Anton sa stag party na inihanda ng kanyang mga kaibigan. Dalawang araw na lang ay ikakasal na siya. Masayang masaya siya sa desisyon na iyon. Sa dinami-rami ng kanyang naging girlfriend, he found the one atlast.Ngunit para sa malapit niyang kaibigan na si Aldwin ay nakahanap daw siya ng katapat sa kapipili ng kapipili ng babae na papasa sa kanyang standard. Sa sobrang ganda ng kanyang girlfriend ay nagmumukha siyang alalay nito. Nagiging sunud-sunuran siya sa mga kagustuhan nito ngunit nilunok ni Anton ang kanyang pride.“Mahal na mahal ko kasi siya, Pare.” “Siguradong-sigurado ka na ba talaga sa kanya?” Tumango si Anton. He fell in- love at first sight with Pauline. Sa kanya niya nakita ang kanyang forever. Matagal kasing na-confine si Anton ng maaksidente siya sa drag racing. Malapit na sana siya sa finish line ng magloko ang kanyang makina at hindi na niya makontrol ang kanyang minamanehong sports car. Si Pauline ang nagtiyagang nag-alaga sa kanya ha
Gabi pa lang bago ang kasal kinabukasan nina Anton at Pualine ay hindi na kinaya ni Danes umaatikabong drama sa pagitan nila ni Archon. Nadatnan niya itong nag-iimpake ng mga gamit. Hindi maintindihan ng ina kung saan ito pupunta. In denial pa siya na baka may seminar lang ito somewhere o baka naman mag-a-out of town upang hind imaging sagabal sa kasal.“Saan ka pupunta, Iho?” Malumanay pa niyang tanong. Nagmamadali pa si Archon.“Aalis ako, Mama.”“Are you in a hurry? Patutulungan kita kay Sonia na ayusin ang mga damit mo.”“No need, Mama.”“Archon, tell me…saan ka pupunta?”“Aalis kami ni Pauline ngayong gabi. Itatakas ko siya. Hindi kami puwedeng abutan ni Anton.”“Archon, huwag mong gawin ito sa kapatid mo! Alam mo kung gaano niya kamahal si Pauline.”“Ma, paano naman ako? Matagal kong pinagtiisan na magkasama sila. Hindi ako makapapayag na magpakasal siya kay Anton.” Nag-iyakan ang mag-ina. “Archon, makakahanap ka pa naman ng iba. May magmamahal pa sa iyo. Huwag lang si Pauline
Lumapag ang Emirates Phillipines sa Mexico City Airport. Ginawaan ng paraan ni Danes na may matitirhan si Anton sa Mexico kaya kinausap niya ang mayamang si Dominador Esteban kung puwedeng i-accommodate ang kanyang anak sa kanilang bahay-bakasyunan.“Sure, Iha. Ipapasundo ko si Anthony. Don’t worry.” Matapos ibaba ni Don Esteban ang telepono ay muli itong tumunog. Si Celeste ang nasa linya. Sinabihan niyang darating rin si Gretchen.Pinahanda nito ang isa sa mga paborito nitong kuwarto para sa kanyang apo.Isang old fashion villa na may tatlong malalaking bungalow houses ang nasa loob ng Casa El Sangre Real. Parang sa Pilipinas lang ang ambiance. Maninibago lang saglit sa lengguwahe ng mga tao ngunit may mga namumukhaan siyang Pilipino kahit saan.Pagkahatid sa kanya ng kotse sa Villa Sangre ay umalis ulit ito.“Ay, ikaw ba ‘yung anak ni Danes?” tanong ni Celeste.“Opo, Ma’am.”“Halika at ituturo ko sa’yo kung saan ka titira. Dito ka sa gawing kaliwa. Mas gusto kasi ni Gretchen na nat
Minsan kung ano ‘yung tinatakasan mo, siya pang ipinamumukha sa iyo. Nagbagong bigla ang pananaw ni Anton sa pag-ibig at pati ang ma-in-love ay ayaw na niya.“Boss, okay ka lang ba diyan?” tanong ni Clem.“Thanks, Clementine for your support. No, thanks. Stay there and kindly lead the group. I am still taking my time to find myself.”“I can come and see you. Baka kailangan mo ng makakausap at makakasama tulad ngayon.” Kinawayan na si Anton ng kanyang mga kasamahan.“Clem,I gotta go. Got a part-time-job. A bit busy now. Don’t worry, you will be well compensated for this. Thanks a lot!” Pinatay na ng binata ang kabilang linya.AEWORKS&PRINTS10AM FRIDAY“Uy, talagang iba ka na Clementine ha! I-grab muna si Sir pagdating. Baka makawala pa. Opportunity mo nang sabihin sa kanya. Besides, hindi naman masamang mag-first move ngayon ang mga babae.”“I don’t know. It takes one brave soul to do that.”“No, it takes one heart to do that. Huwag ka nang makigaya sa Kdrama, puro one-sided love, wal
Kanina pang tinititigan ni Anton ang iniwang damit ni Philip. Napasimangot ito. Malapit na ang oras at baka hanapin na siya sa venue. Wala siyang nagawa kundi magtungo ng banyo at magbihis ng kanyang damit. “Kalma ka lang, Anthony Enriquez. You are not going to sign any contract. You are not going to kiss the bride. Make sure you know where to run or they will kill you.” Napailing si Anton sa kanyang wild imagination. Ngayon niya nararamdaman ang pressure sa pagpapakasal ng hindi bukal sa kalooban. Now, he knows how Pauline felt that day or even months before their wedding day. Hindi niya alam kung kailan nagbago ang isip nito pero mabigat sa kalooban ang kanyang gagawin kahit replacement groom lang siya. There are things that you cannot really replace in this world. Mawawalan ng kahulugan ang lahat at hindi mo mahahanap ang tunay na kaligayahan kapag ito ay iyong pinalitan. “Okay, Anton. Let’s get down to business.” Sukat na sukat sa kanya ang damit ni Philip. Proud siyang magsuo
Isa pang hindi inaasahang bisita ang pumasok sa loob kasama ang ilang mga alalay nito. Nahintakutan ang lahat dahil pakiramdam nila ay may giyerang magaganap.“SINO DITO SA MR. ANTHONY ENRIQUEZ?” tanong ng matanda. May tungkod na ito ngunit buo ang boses at hindi halata ang katandaan sa kanyang boses. Maginoo ngunit astig ang dating.“Tatawagin ko lang po.” Mabilis itong pumasok at sinundan ang lalaki sa loob ng opisina ni Anton.Tumayo kaagad si Anton at sinalubong ang matanda. Iniabot nito ang kanyang kamay ngunit hinawi ito gamit ang tungkod. Inilapit ang kanyang mukha nang malapitan.“Hmmm, ikaw si Anton.” Sinipat-sipat niya ang lalaki. Inikutan niya ito at tiningnan mula ulo hanggang paa kahit paika-ika na itong maglakad habang nakatungkod.“Kilala mo ba ako?”“Yes, Sir. Kayo po ang may – ari ng buong building na ito.” Tumango-tango ang matandang don.“Good! But there is one thing I want to warn you about.” Nakinig mabuti ang binata.Si Mr. Esteban ang may-ari ng Skycraper Tower.
Tahimik na ang sitwasyon ng dumating si Clementine. Naka-lock ang pinto ng opisina ni Anton at walang nakapasok sa loob kahit anong katok nito.“May nangyari ba kanina?” Nakatalikod ang boss’ chair ni Anton at makalat sa loob. Nagkibit-balikat lang ang staff.Busy ito sa kanyang ginagawa. Hindi rin sila naglalakas ng loob na sabihin nito ang nangyari kanina dahil alam sa buong department na may gusto siya sa boss nila. Wala siyang narinig na alingasngas. Kahit si Margaux ay busy sa kanyang ginagawa ng silipin niya ito.Maagang umalis si Anton at hindi man lang niya ito nakausap. Nadatnan niyang konti pa lang ang tao sa club ng oras na iyon. Kenny G ang musikang pumailanlang sa buong lugar.Pag-upo niya ay inabutan siya kaagad ng bartender ng martini. Tinungga niya kaagad ang laman ng shotglass. Nakailang inom ay niluwagan na niya ang kanyang necktie. Napailing siya sa tuwing maaalala ang pagsugod ni Gretchen.“Anglakas ng loob! Ako pa ang susugurin na parang ako ang may kasalanan!” Na
“Kumusta ka na, Gretel? Angtagal na nating hindi nagkita. Hindi mo ba ako na-miss?” Maraming beses ng nakakatanggap ng mga anonymous message ang babae ngunit hindi niya ito pinapansin.“May sorpresa ako sa iyo! SURPRISE!” Ilang minuto lang ay nagkaroon na ng alarma ng sunog.Nagsagawa ng arson investigation sa GK-Clinic. Lahat ay nasimula sa bodega ng mga basura. Imposibleng magkaroon ng short circuit or any faulty wiring dahil kagagawa lang nito. Besides, mahigpit si Don Ador at mga kalidad na inhenyero ang kanyang inupahan upang masigurong maiiwasan ang ganitong mga klase ng problema sa hinaharap.Walang makita sa CCTV ng mismong building na iyon kaya humingi ng tulong ang mga pulis sa mga katabing building na mayroong CCTV para sa mga footages sa pagitan ng oras na naganap ang sunog. Mabilis na pinakilos ang mga imbestigador upang malutas kaagad ang kaso.Wala namang taong kahina-hinala ng araw na iyon. Tiningnan isa-isa ang attendance nila ngunit may absent pala. Iyon ang kanilang
Tiningnan ng doktor ang chart ng lalaki. Nakaupo na si Anton sa kanyang kama at bahagyang hinilot ang kanyang braso. Nanibago siya sa pagbuhat sa bata. Pina-x-ray pa kasi siya para makasiguradong walang malalang injury sa kanya.“Sir, okay na po ba ang pakiramdam ninyo?” tanong ng doktor.“Nothing serious.” tugon nito.“Puwede na rin po kayong ma-discharge ngayon. Leave the bill to us. It will be taken care of by GK Clinic.” paliwanag ng doktor.Hustong paalis na si Anton ngunit nagdadalawang – isip pa itong umalis. Nilingon niya ang kurtinang iyon. Nakatayo lang siya sa labas habang tila magulo sa katabing kama. Gusto rin sana niyang makita ang bata bago siya umalis ngunit nawalan siya ng lakas ng loob.Halos liparin ni Gretchen ang Ward Section kung saan dinala ang bata.“Bakit hindi ninyo siya dinala sa isang pribadong kuwarto?”“Hindi naman delikado ang nangyari sa kanya.” ani Gretel. “Kumusta po kayo, Mama? Hindi po ba kayo nasaktan?” Labis-labis ang pag-aalala nito sa ina lalo n
Hindi napuntahan ni Oakley si Tonia dahil marami itong ginawa. Nalaman na lang niyang hindi dumalaw si Gretchen sa ina ng ang bata mismo ang tumawag sa kanya.“Tito Oakley, is mommy there? When are you going to get me here?” Tinawagan niya si Gretchen ngunit nakapatay ang cellphone nito. Wala siyang nagawa kundi dalawin si Tonia.Gulat na gulat naman si Gretel ng makita ang lalaki sa bakuran ng mansion. Dinig ni Oakley ang pagsaway nito sa bata habang nakalublob ito sa tubig. Nasa likod-bahay sila dahil nagsu-swimming si Tonia kasama si George.“Ma’am, may bisita po kayo.” Iniwan na sila ng kasambahay.“Wala yata si Gretchen,” tanong ni Gretel.“Nasa clinic po siya.”“Oakley…” Seryosong tumingin si Gretel sa binata. “Alam kong matagal na kayo ni Gretchen. But you see, she had a daughter. Sa haba ng panahon na magkasama kayo, bakit hindi muna kayo magpakasal bago kayo magsama?”Hindi nakaimik si Oakley. Tiyak na iniisip ng kausap na hindi siya seryoso sa anak nito at baka ginagamit lan
Iniwasan ni Clem si Phoenix. Matagal nang gusto ng binata ang babae ngunit hindi rin siya nabibigyan ng pansin ng dalaga dahil si Anton lang talaga ang apple of the eye nito.“Alam mo Phoenix, huwag kang masyadong magpakahangal kay Clementine. Kay Anton lang umiikot ang kanyang mundo kaya hindi ka niya mapapansin.” Tinapat ni Margaux ang binata.Ipinagmamalaki kasi nito na crush niya si Clementine ngunit hindi naman ito siniseryoso ng babae. Sa kabila noon, hindi pa rin titigil ang binata upang makahanap ng tamang pagkakataon.Uminom ng alak ang babae kasama ni Phoenix. Nagpakalasing ito sa sobrang sama ng loob. Hindi sapat na nakaiyak na siya.“Ano bang kulang sa akin?” Nakayuko na si Clem at wala na sa sarili. Hawak niya ang bote ng alak.“Ipinagpipilitan mo kasi ang sarili mo sa kanya. Let go na kasi.”“Hindi naman ako si Elsa. Si Clementine ako.”“Oh! my darling, Clementine.” Muntik nang kantahin ni Phoenix ang sinabi niya. “Tama na kasi ang inom, halika na. Ihahatid na kita!”“Ay
Maagang pinuntahan ni Danes ang anak sa kanyang opisina. Tambak ang kanyang trabaho at nakalislis na ang kanyang long sleeves sa braso. Nakatanggal pa ang kanyang necktie at halatang stress itong masyado.“Kanina pa kitang tinatawagan!”“Busy po ako,” tugon nito sa ina. Hindi niya ito pinapansin dahil nakatutok ang kanyang mga mata sa monitor ng computer. Kausap nito ang graphic artist habang sinusuri ang kabuuan ng isang design.“Make some changes on this side. Then, look at the quality. Halatang na-stretch na ‘yung mukha ng lalaki. Baka hindi ‘yan magustuhan ng kliyente. Try to fix some details on this. Let me see it in a little while.”“Okay po. Sir.”Nakaupo lang si Danes sa katapat na upuan habang nakataas ang kilay at nakahalukipkip ang mga braso nito.“Mama, ano na naman ang pumasok sa i
Hindi kinakausap ni Gretel ang anak. Hindi ito nagpupunta sa clinic at si Oakley lang ang dumadalaw sa kanya sa mansion upang kunin si Tonia. Tiwala naman ang ina sa binata dahil bukod kay Magnus at kilalang-kilala na rin niya si Oakley.“Do you have plans for Gretchen?” hindi na nag-alangan ang babae na tanungin ito sa binata.Matagal niya itong nakasama sa ibang bansa at wala siyang masasabi sa malaking sakripisyo na ginawa nito para sa mag-ina. Kulang na lang ay Daddy na ang itawag sa kanyang ni Tonia.“I have big plans for them but I am giving Gretchen the freedom to choose me if she wills it.” Walang halong pagkukunwaring sabi ng binata.Kasintahan siya ni Gretchen sa matagal na panahon. Nagkakasama sila sa bahay at kung anuman ang namamagitan sa kanilang dalawa ay alam niyang magiging matalino ang anak sa pagdedesisyon.“Are you still hoping?&r
“Bakit hindi mo sabihin ang totoo sa iyong mga anak?”“Ako ang padre de pamilya sa bahay na ito kaya ako ang masusunod.”“Halos ibenta mo na nga ang mga anak mo sa mayayamang lalaki para lang magkapera ka. Anong klaseng padre de pamilya ka? Alam ba nila na hinuhuthutan mo na pera ang mga future-in-laws mo para sa bisyo mo?” Isang malakas na sampal ang natikman ni Pippa.“Itikom mo ang bibig mo!”“I should have known your true colors, Angelo.”“Bakit? Nagsisisi ka na ba? Alam ko ang kiliti mo at hindi mo ako kayang hiwalayan, tama ba? Ako lang ang makakapagbigay sa iyo na lampas pa sa langit.” Nagsimulang gumapang ang mga kamay ng lalaki sa malulusog nitong hinaharap at pinaglaruan ang naghuhumindig na iyon sa kanyang bibig.Hindi sinasabi ni Angelo sa kanyang pamilya na lalo siyang nabaon sa malaking pagkakautang dahil sa pagkagumon nito sa sugal.“Kailan mo sa akin dadalhin si Gretchen?” tanong ni Mr. Cheng habang umuusok ang bibig nito mula sa kanyang vape.“Bigyan po pa ako ng sapa