Share

ONE NIGHT WITH A STRANGER
ONE NIGHT WITH A STRANGER
Author: Freddie Medrano

Chapter 1

last update Last Updated: 2024-12-08 01:32:39

MADISON and Jane were sitting at a small round table, sipping coffee during their lunch break. The clacking of keyboards and muffled office chatter could still be heard in the background. Madison was typing furiously on her laptop, a determined look on her face, while Jane leaned back in her chair, watching her friend in amusement.

"Madison, ang bilis mo namang tapusin ang document mo," Jane teased, swirling her coffee mug.

Madison barely looked up from her screen. "Eh kasi, kailangan kong matapos agad. May importanteng gagawin pa ako later."

Jane raised a brow, intrigued. "Hmm, ano 'yan? Spill the tea!"

A small smile played on Madison’s lips. She finally hit save and closed her laptop. "Actually, oo. Anniversary namin ni Leo today—three years, girl! Kaya kailangan kong matapos lahat para walang sagabal mamaya."

Jane let out a low whistle, leaning closer. "Three years na kayo? Sana all consistent. Pero, wait lang ha, honest question: hindi ba nagtatampo si Leo? Alam mo na, workaholic ka masyado. Like, super workaholic."

Madison chuckled and shook her head. "Hindi naman. Naiintindihan niya na super focus ako sa career. Supportive naman siya lagi."

Jane pouted dramatically. "Eh kasi sa'kin, hindi ganyan. Laging reklamo 'yung ex ko, tapos nung wala akong time, ayun—nag-cheat! Kaya nga ex na siya. Ang hirap maging busy tapos 'di pa marunong umintindi."

"Naku, girl," Madison said sympathetically, placing a hand on Jane's arm. "Iba si Leo. Alam niya na importante 'yung career ko, and he respects that. Saka, I make time din naman kahit busy ako."

"Fine, fine. Pero, sige nga, ano ang ganap niyo later? Curious ako."

Madison’s eyes sparkled as she spoke, her excitement bubbling over. "Well, plano kong puntahan siya sa apartment niya. Hindi ko na siya sinabihan para surprise talaga. May dala akong wine and favorite niyang cookies. For sure, miss na miss na niya ako, so gusto ko siyang i-surprise nang bongga."

Jane smirked, crossing her arms. "Wine and cookies? Mukhang chill lang ang peg ah."

Madison laughed, her cheeks turning a light pink. "Ayoko nang sobra-sobrang effort na cheesy. Basta 'yung simple lang pero meaningful. Alam ko naman na he’ll appreciate it. Saka gusto ko lang talagang makita siya after ng stressful na weeks."

"Girl, ang sweet mo naman. Manifest ko na lang sana all may Leo din na supportive," Jane said dramatically, pretending to wipe a fake tear. "Enjoy your date later ha, and 'wag mo akong kalimutan kapag kinasal na kayo!"

Madison laughed, standing up and packing her things. "Hay nako, ikaw talaga. Anyway, back to work muna ako para tapos na lahat bago kami magkita. Good luck din sa love life mo, girl."

As Madison walked out of the break room with a confident smile, Jane called out behind her, "Hoy, don’t forget mag-send ng picture mamaya! Gusto kong ma-feel ang kilig kahit sa I*******m stories lang!"

Madison waved her hand dismissively but grinned to herself. Tonight was going to be special.

Madison Ostan, a 25-year-old, works as a Senior Account Executive in a prestigious marketing firm. The position demands long hours, tight deadlines, and constant coordination with clients. Hindi siya pwedeng mag-relax lang dahil malaki ang responsibilidad niya bilang breadwinner. Panganay siya sa lima nilang magkakapatid, at sa kanya nakaatang ang gastusin sa pag-aaral ng mga ito.

Matagal nang walang trabaho ang nanay niya, na noon ay naglalabada para maitawid ang pang-araw-araw nilang buhay. Pero simula nang pumanaw ang tatay nila dahil sa sakit, si Madison ang naging sandigan ng pamilya. Ayaw niya nang pagtrabahuhin ang ina, lalo na’t may edad na rin ito, kaya todo kayod siya para hindi sila magkulang.

Bagamat halos ubos ang oras niya sa trabaho, nagpapasalamat siya na may boyfriend siyang tulad ni Leo. Naging magkasintahan sila noong bagong graduate pa lang siya sa kolehiyo, at hanggang ngayon ay siya pa rin ang nagpapakilig at sumusuporta sa kanya. Gwapo si Leo, at likas na charismatic, kaya madali itong nagustuhan ni Madison noong una silang magkakilala.

Ngunit simula nang maging abala si Madison sa trabaho, unti-unting nawala ang oras niya para kay Leo. Meetings dito, reports doon—sa sobrang busy niya, bihira na silang magkita. Pero naiintindihan naman siya ng boyfriend niya. Lagi siya nitong kinakamusta.

Kaya naman, kahit anong pagod ni Madison, hindi niya mapigilang kiligin sa simpleng paalala ni Leo. Naalala niya kung paano nito sinasabi, “I’ll always be here, kahit gaano ka ka-busy.”

Ngayong araw, kahit na may backlog pa siyang trabaho, sinikap niyang matapos lahat para masorpresa si Leo. Mahal niya ang boyfriend niya, at kahit gaano ka-hectic ang buhay, nais niyang iparamdam dito kung gaano niya ito na-appreciate.

Pagkatapos ni Madison ayusin ang huling report sa kanyang trabaho, mabilis niyang isinara ang laptop at niligpit ang kanyang mga gamit. Tiningnan niya ang orasan. 6:30 PM—sakto lang para sa surprise kay Leo. Kinuha niya ang bag niya at lumakad palabas ng opisina, halos lumilipad ang mga hakbang.

Habang nasa daan, dumaan siya sa isang convenience store na madalas nilang tambayan dati. Doon siya bumili ng bote ng red wine at ang paboritong cookies ni Leo—chocolate chunk, na lagi nitong inaasam kapag stressed sa trabaho. Napapangiti siya habang iniisip kung gaano kasimple ang kaligayahan ng boyfriend niya.

Sa tatlong taon na magkasintahan sila, si Leo ang naging sandalan niya noong panahon na ang bigat-bigat ng buhay. Sa dami ng responsibilidad niya bilang breadwinner, si Leo ang nagpaparamdam sa kanya na may karapatan din siyang magpahinga.

Pagdating niya sa building ni Leo, sinikap niyang itago ang excitement. Ayaw niyang mahalata ng boyfriend niya ang plano niya. Kumatok siya sa pinto ng apartment nito nang may ngiti sa labi, inaasahan ang reaksyon ni Leo sa sorpresa niya.

Ngunit habang naghihintay siyang magbukas ang pinto, nakaramdam siya ng kaunting kaba—isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Subalit binalewala niya iyon. “Pagod lang siguro ako,” isip niya, pinipilit panatilihin ang kasiyahan sa kanyang puso.

Pagbukas ng pinto, masigla ang mukha ni Madison, bitbit ang dalang wine at cookies. Ngunit ang eksenang bumungad sa kanya ay tila isang malakas na suntok sa dibdib.

Sa kama, nakita niya si Leo—nakahubad, kasamang nakahiga ang isang babaeng hindi niya kilala. Pareho silang nagtatawanan, malakas at walang pakialam sa mundo. Tila ang bawat tunog ng kanilang tawanan ay naging mga sibat na tumatama sa puso ni Madison.

Para bang tumigil ang mundo niya. Hawak pa rin niya ang paper bag, ngunit nanigas siya sa kinatatayuan niya, hindi makapagsalita. “Ano 'to? Bakit?” Paulit-ulit na tanong sa isip niya, pero walang salitang lumabas sa kanyang bibig.

Si Leo ang unang nakakita sa kanya. Biglang nawala ang ngiti nito, at ang kaswal nitong kilos ay napalitan ng gulat at kaba. "Madison..." halos pabulong niyang sabi, parang wala siyang ideya kung ano ang susunod na gagawin.

Madison, with trembling hands, slowly placed the paper bag on the nearby table. Tumulo ang luha niya, pero pilit niyang pinanatili ang dignidad. "Wow," she said, her voice cold but breaking. "So, ito na pala ang ginagawa mo habang nagtatrabaho ako?!"

The girl on the bed quickly grabbed a blanket to cover herself, looking awkward and guilty. Leo tried to approach Madison, but she stepped back. "Mad, let me explain. Hindi 'to—"

"Don't you dare, Leo," putol niya, ang boses niya nanginginig sa sakit at galit. "Akala ko naiintindihan mo ako. Akala ko you supported me, pero ito pala?!"

Leo tried to reach for her hand, desperation in his eyes. "Madison, please. It's not what it looks like!"

Napatawa si Madison ng mapait, sabay lingon sa babaeng nasa kama. "Not what it looks like? Nasa kama kayo, hubad, at nagtatawanan! Ano pa bang klaseng explanation ang kailangan ko?"

Madison’s knees felt weak, but she forced herself to stand tall. Huminga siya nang malalim, pilit na kinokontrol ang emosyon na gustong sumabog. "Alam mo, Leo," sabi niya, halos pabulong, "ikaw ang iniisip ko sa lahat ng pagod at hirap. Ikaw ang nagsilbing pahinga ko, pero ikaw pala ang tao na sisira sa'kin."

With tears streaming down her face, Madison turned her back and walked out of the apartment, leaving Leo standing there, speechless. Sa hallway, huminto siya sandali, pilit na hinahanap ang lakas na lumakad palayo sa lalaking minahal niya ng buong puso.

Habang nagmamadaling lumalabas si Madison sa apartment building, narinig niya ang mabilis na yapak ni Leo sa likod niya.

“Madison, wait!” sigaw nito, hinahabol siya. Nang maabutan siya ni Leo sa lobby, hinawakan nito ang braso niya. “Let me explain, please!”

Agad na binaling ni Madison ang tingin kay Leo, puno ng sakit at galit ang mga mata niya. "Wala ka nang dapat ipaliwanag, Leo. I saw enough!"

Pero hindi nagpatinag si Leo. "Alam mo ba kung bakit ko nagawa 'yon?" Napalakas ang boses niya, puno ng frustration. "Kasi hindi mo naibibigay yung oras na kailangan ko! Madison, wala na tayong intimate moments. Puro ka trabaho!"

Nanlaki ang mga mata ni Madison, at napailing siya habang umiiyak. “Akala ko kasi naiintindihan mo,” sagot niya, ang boses niya basag na parang puputok anumang oras. “Akala ko supportive ka. Akala ko ikaw ‘yung taong hindi ko kailangang ipaliwanag ang lahat ng ginagawa ko dahil alam mong para sa pamilya ko lahat ng ‘to.”

"Madisom, naiintindihan ko naman! Pero—" Leo’s voice cracked, and his expression softened for a moment. "Nakakapagod din minsan umintindi, alam mo ba 'yun? Parang... parang wala na akong halaga sa'yo. Lagi kang busy, lagi akong last priority."

Madison stared at him, her heart breaking even more. “Leo, I trusted you. I thought you’d understand na hindi ito tungkol sa hindi kita mahal. Mahal kita, Leo. Pero kailangan kong maging strong para sa pamilya ko. Kailangan kong magtrabaho kasi wala nang iba.”

Tahimik na napayuko si Leo, halatang hindi alam ang isasagot.

Madison took a step back, hinila ang braso niyang hawak ni Leo. "Pero alam mo kung ano ang masakit? Hindi ako nagkulang sa pagmamahal sa’yo, Leo. Binigay ko ang tiwala ko, pero sinira mo ‘yon. Walang excuse sa ginawa mo. Wala.”

She wiped her tears hastily and turned her back again. "Break na tayo, Leo," she whispered, bago siya tuluyang umalis, iniwang nakatayo si Leo, tila napako sa kinatatayuan. 

Umiiyak si Madison habang naglalakad. Ang bigat sa dibdib niya parang isang bundok na hindi niya kayang buhatin. Pinipilit niyang pigilan ang luha, pero tuloy-tuloy itong umaagos. Ang buong akala niya, si Leo ang taong nakakakilala at nakakaintindi sa kanya—her best friend and boyfriend in one.

Si Leo ang naging sandalan niya sa lahat ng hirap. Siya ang laging nariyan noong wala siyang ibang malapitan, noong gusto niyang sumuko. Kaya’t ngayon, hindi niya alam kung saan siya kukuha ng lakas.

“Akala ko… siya lang ang makakaintindi,” bulong niya sa sarili, halos hindi niya marinig dahil sa nanginginig niyang boses. “Akala ko siya ang safe space ko. Akala ko… kami na talaga.”

Pinipilit niyang kumalma, pero sa bawat hakbang palayo, bumabalik ang alaala nila ni Leo—ang mga simpleng date, ang tawanan, ang mga oras na akala niya ay sapat na ang pagmamahal nilang dalawa para harapin ang mundo. Pero ngayon, lahat ng iyon parang bula na naglaho.

Pumasok siya sa isang maliit na park na madalas nilang puntahan noon. Umupo siya sa isang bench, niyakap ang sarili habang ang lamig ng gabi ay tila nakikidagdag sa sakit na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung paano magsisimula ulit, kung paano magtitiwala ulit.

Napatingin siya sa langit, pilit hinahanap ang sagot sa mga tanong niya

Si Leo ang lalaking inakala niyang hindi siya kailanman sasaktan. Pero nagkamali siya.

Related chapters

  • ONE NIGHT WITH A STRANGER   Chapter 2

    HALATA ang pamamaga ng mga mata ni Madison, at hawak niya ang tasa ng malamig nang kape na hindi niya halos nagalaw. Kakatapos lang niyang ikuwento ang buong nangyari kay Jane, ang masakit na eksenang nakita niya sa apartment ni Leo.Biglang napataas ang boses ni Jane, halos mapatapon ang iniinom niyang iced coffee. "EH GAGO PALA 'YANG LEO NA 'YAN EH!" Napalingon ang ilang tao sa kanila, pero wala siyang pakialam.Madison tried to calm her down, her voice weak. "Jane, huwag kang masyadong maingay... nakakahiya.""Anong nakakahiya? Dapat siya ang mahiya! Grabe, Madison! Sa lahat ng sakripisyo mo para sa pamilya mo, tapos ‘yan ang igaganti niya sa’yo? Walang kwentang tao!"Madison lowered her gaze, staring at her coffee. "Akala ko kasi naiintindihan niya ako... akala ko sapat na ako kahit busy ako sa trabaho. Pero siguro... may pagkukulang din talaga ako."Napailing si Jane, halatang naiinis. "Hoy, huwag mo ngang sisihin ang sarili mo! Oo, busy ka, pero para saan ba ‘yon? Para sa future

    Last Updated : 2024-12-08
  • ONE NIGHT WITH A STRANGER   Chapter 3

    PAGKALABAS nila ng bar, ipinalibot ng lalaki ang braso sa bewang niya at hinapit siya palapit dito habang naglalakad."So, what should I call you?" He asked while drawing circle on her waist using her thumb.Damn! It's turning her on.Lumunok muna siya bago sumagot. "Madison. Call me, Madison.""Hmm... Madison... Nice name." He whispered over her ear; it gives her Goosebumps."How about you? What should I call you?""My name is Sebastian Sanford, call me Sebastian."Pagkasabi niyon ay iginiya siya nito patungo sa isang SUV na kulay itim. Hindi pa siya nakakasakay, isinandal siya nito sa pintuan ng kotse at siniil siya nito ng mainit na halik na agad na nagpa-init sa katawan niya.Umungol siya ng lumapat ang kamay nito sa dibdib niya at pinisil iyon. Napahawak siya sa matitipuno nitong braso ng bumaba ang isa nitong kamay sa pagitan ng hita niya."Sebastian..." She moaned his name when he lightly slides his hand on her womanhood against the fabric of her jeans."Yes, Madison?" He breat

    Last Updated : 2024-12-08

Latest chapter

  • ONE NIGHT WITH A STRANGER   Chapter 3

    PAGKALABAS nila ng bar, ipinalibot ng lalaki ang braso sa bewang niya at hinapit siya palapit dito habang naglalakad."So, what should I call you?" He asked while drawing circle on her waist using her thumb.Damn! It's turning her on.Lumunok muna siya bago sumagot. "Madison. Call me, Madison.""Hmm... Madison... Nice name." He whispered over her ear; it gives her Goosebumps."How about you? What should I call you?""My name is Sebastian Sanford, call me Sebastian."Pagkasabi niyon ay iginiya siya nito patungo sa isang SUV na kulay itim. Hindi pa siya nakakasakay, isinandal siya nito sa pintuan ng kotse at siniil siya nito ng mainit na halik na agad na nagpa-init sa katawan niya.Umungol siya ng lumapat ang kamay nito sa dibdib niya at pinisil iyon. Napahawak siya sa matitipuno nitong braso ng bumaba ang isa nitong kamay sa pagitan ng hita niya."Sebastian..." She moaned his name when he lightly slides his hand on her womanhood against the fabric of her jeans."Yes, Madison?" He breat

  • ONE NIGHT WITH A STRANGER   Chapter 2

    HALATA ang pamamaga ng mga mata ni Madison, at hawak niya ang tasa ng malamig nang kape na hindi niya halos nagalaw. Kakatapos lang niyang ikuwento ang buong nangyari kay Jane, ang masakit na eksenang nakita niya sa apartment ni Leo.Biglang napataas ang boses ni Jane, halos mapatapon ang iniinom niyang iced coffee. "EH GAGO PALA 'YANG LEO NA 'YAN EH!" Napalingon ang ilang tao sa kanila, pero wala siyang pakialam.Madison tried to calm her down, her voice weak. "Jane, huwag kang masyadong maingay... nakakahiya.""Anong nakakahiya? Dapat siya ang mahiya! Grabe, Madison! Sa lahat ng sakripisyo mo para sa pamilya mo, tapos ‘yan ang igaganti niya sa’yo? Walang kwentang tao!"Madison lowered her gaze, staring at her coffee. "Akala ko kasi naiintindihan niya ako... akala ko sapat na ako kahit busy ako sa trabaho. Pero siguro... may pagkukulang din talaga ako."Napailing si Jane, halatang naiinis. "Hoy, huwag mo ngang sisihin ang sarili mo! Oo, busy ka, pero para saan ba ‘yon? Para sa future

  • ONE NIGHT WITH A STRANGER   Chapter 1

    MADISON and Jane were sitting at a small round table, sipping coffee during their lunch break. The clacking of keyboards and muffled office chatter could still be heard in the background. Madison was typing furiously on her laptop, a determined look on her face, while Jane leaned back in her chair, watching her friend in amusement."Madison, ang bilis mo namang tapusin ang document mo," Jane teased, swirling her coffee mug.Madison barely looked up from her screen. "Eh kasi, kailangan kong matapos agad. May importanteng gagawin pa ako later."Jane raised a brow, intrigued. "Hmm, ano 'yan? Spill the tea!"A small smile played on Madison’s lips. She finally hit save and closed her laptop. "Actually, oo. Anniversary namin ni Leo today—three years, girl! Kaya kailangan kong matapos lahat para walang sagabal mamaya."Jane let out a low whistle, leaning closer. "Three years na kayo? Sana all consistent. Pero, wait lang ha, honest question: hindi ba nagtatampo si Leo? Alam mo na, workaholic

DMCA.com Protection Status