"Kinausap ako," mahinahong sagot niya. Tumango ako at pinagmasdan ang mga gagawin niyang reaction habang pinagusapan namin si Ivan."Anong gagawin mo ngayon sa kanya?" tanong ko. Tinanong niya ako kanina ng ganito kaya ngayon ako naman, gusto kong malaman ang desisyon niya."Iiwasan ko rin siya," mahinahong sabi niya at ngumiti ng malungkot sa akin kaya taka akong tumingin sa kanya."Anong ngiti na yan?" tanong ko. "Kung gusto mong makausap siya, edi kausapin mo. Wag mo akong gayahin, hindi purket iiwas ako, iiwas ka rin."Umiling siya sa akin."Nagkasagutan kami ni kuya kanina," malungkot niyang sabi. Natigilan ako sa sinabi niya. Parang masama ang nangyari. Minsan lang siya sumagot sa kuya niya at yang minsan na yan dahil yun sa akin. sht."Anong nangyari?" nag-alala kong tanong sa kanya."Sinabi niyang wag ko siyang lapitan kong may mangyayaring masama sa akin."Ah talaga ba Jayson? sige pagbigyan kita. Tingnan natin kung sino ang mamatay sa pag-alala sa kapatid kapag hindi ko sasa
"Okay, I'll try."Tumango ako sa kanya at niyakap siya. Medyo gumaan ang naramdaman ko habang naka-usap si Ven. Matagal din kaming hindi makapag-usap ng ganito. Sobrang sarap sa pakiramdam habang sinabi sa kanya ano ang bumagabag sa akin.Ngayon iiwasan ko na talaga ang lalaking yun."Bakit hindi mo rin gawin sa pamilya mo?" tanong niya sa akin. Hindi ko inasahan ang tanong niya kaya medyo natigilan ako. Natagalan ako sa pag-sagot kaya tiningnan niya ako ng maigi."Layviel?" tawag niya sa akin. Doon bumalik ako sa sarili at ngumiti sa kanya para itago ang naramdaman."Tinaboy na nila ako eh," natatawang sabi ko kahit wala namang nakakatawa. Hindi ko alam ang maging reaction ko sa tanong niya. Ngumuso siya at tumango sa akin habang tiningnan pa rin ako. May sasabihin pa sana siya pero parang napansin niya ang pagkabalisa ko kaya hindi na siya nagsalita.I'm sorry Ven. Tumayo ako para kukuha sana ng snack para sa aming dalawa."Saan ka pupunta?" tanong niya."Kukuha ako ng makakain nat
"Anong balita?" tanong ko ng matagalan siya sa kakatingin sa kanyang cellphone."Wag muna daw ako papasok bukas," mahinahong sabi niya habang nakatingin sa cellphone niya. Bumaling siya sa akin."I'm sorry Ven, nadamay ka talaga.""It's okay, gusto ko rin magpahinga," mahinahong sabi niya."Anong gagawin ko?" nag-alalang tanong ko. Hindi pwedeng wala akong gawin kung maraming nadadamay dahil sa akin. Si Zephyrus at si Ven na wala naman talagang ginawang masama. Ayaw ko talaga sa lahat yung may madamay sa kagagawan ko."Hintayin mo nalang sasabihin ni ate," mahinahong sabi niya. Tumango ako at napatingin sa cellphone ko na may text si Zep.Zephyrus: are you okay?Agad akong nag reply sa kanyang text. Alam kong sinabi kong iiwasan ko na siya pero hindi pwedeng hindi ko siya sagutin ngayon, ako ang may kasalanan sa nangyari sa kanya.Me: what should I do?Hindi ako nakatanggap ng reply dahil tumawag ito sa akin. Napatingin si Ven sa cellphone ko at tumingin sa akin."Sino yan?" kuryosong
Actually kanina pa tumunog ang cellphone ko dahil sa mga text mga lalaki kaya akala ko ganun pa rin kaya tumunog ang cellphone ko pero nakita ko ang kapatid ko ang nag text. Miguel: ate okay ka lang ba diyan? nakita namin yung balita.Nakita nila mommy at nakilala nila kong sino. Ano kaya ang inisip na naman nila sa akin ngayon?Me: don't worry, okay lang ako.Gusto kong tanungin kong anong sinabi nila mama tungkol doon pero parang hindi na kailangan dahil sa susunod niyang reply.Miguel: gusto ka raw makausap ni mommy.Natigilan ako habang nakatitig sa cellphone. Bakit? anong meron? sa ilang taon kong malayo sa kanila ngayon ko lang ito narinig. Baka pagalitan? pero marami na akong nagawa dati kaya bakit ngayon pa ako papagalitan?Me: bakit?Miguel: hindi ko alam. Nakangiti siya habang sinabi yun.Natigilan ako at napatingin sa tv kung na saan sinabi doon na si Mr. Yanetta, isang sikat na billionaire may hinatid sa isang condo gamit ang mamahalin nitong sasakyan. Billionaire.Hindi
Namatay ang tawag na hindi man lang siya nagsalita kaya binaba ko ang cellphone ko habang durog na durog ang puso.Bakit ba ako nasasaktan? wala lang ito sa akin, madami akong naging boyfriend at ni isa sa kanila hindi man lang ako tinamaan ng kunting sakit. Nasasaktan siguro ako dahil siya ang lalaking naka una sa akin at kailangan kong layuan dahil ganitong issue.Kahit marami akong naging boyfriend, iniingatan ko pa rin ang sarili ko gaya ng ginawa ng ibang babae sa kanilang sarili. Babae pa rin ako at malaking bagay iyun sa akin. Kaya siguro nasasaktan ako ngayon.Wala akong ganang tumayo para magluto ng makakain. Dahil kailangan ko pa ring kumain, nag order nalang ako sa online. Malapit lang naman yun dito sa condo ko kaya alm kong darating din agad ang inorder ko.Nang tumunog ang doorbell, tamad akong tumayo para kunin ang pagkain ma inorder ko. Medyo mabilis ito sa inasahan ko. Inisip ko kasing magluluto pa sila o ano. Binuksan ko ang pintuan at nagulat ako ng makitang nandoon
Hindi pa siya tuluyang nakalabas may huling sinabi ako sa kanya. Ito na ang huling makikita ko siya."Wag ka ng babalik dito."'Ayaw ko man gawin ito kahit maraming issue ang kumalat sa akon, ayaw ko paring tanggapin nila ako dahil sayo.'Nakita kong napahinto siya pero ilang sandali pa tuluyan na siyang lumabas. Ilang sandali akong nakatayo doon hanggang sa tumunog ulit ang doorbell kaya lumapit ako sa pintuan. Akala ko bumalik siya para sa akin pero nakita kong dumating na ang pagkain na inorder ko.'Pinaalis mo pero disappointed ka kasi umalis na siya.'Nakatitig lang ako sa pagkain ko na hindi nagalaw dahil wala akong ganang kumain. Tumunog ang cellphone ko kay mabilis ko itong tiningnan. Umasang nag text si Zep pero iba ang nakita ko.'Baliw ka na Layviel, pinaalis mo nga di ba?'Mommy: anak, sinabi na ba ni Miguel sayo?Mommy: umuwi ka muna dito anak, miss ka na namin. Dalhin mo ang boyfriend mo kung meron.Sumikip ang dibdib ko habang binasa ko ang text ni mommy. Simula nang ti
"Ako nga yang nasa picture," nakangising sabi ko. Agad naman nag react ang lahat. "Wait lang hindi pa ako tapos," natatawang sabi ko."Ako nga iyan pero iba ang kasama ko sa picture na yan. Hindi niyo ba na isip na marami akong kaaway at kagagawan nila yan para mas marami ang magagalit sa akin. Hindi naman sila nabigo dahil marami nga ang nagalit sa akin pero yang mga galit niyo, useless lang yan, uto-uto kayong lahat. Nag pa-uto pa talaga kayo sa inedit na picture," natatawang sabi ko.Napangiti ako ng makita ang mga comment. Halos lahat naniwala sa sinabi ko. Talagang uto-uto kayo, mabuti naman. Kanina pa tumunog ang cellphone ko, hindi ko alam kung kaninong tawag iyun pero mamaya ko na tiningnan.@Jen_: may point siya. Hindi naman siya papatulan ni Mr. Yanetta dahil sa reputation niya sa lalaki unless kung nasiraan na ng bait si Mr. Yanetta.Alam kong sinabi ko yun pero nakakainis pala pag may nag agree sa sinabi ko. Tangina sana pala hindi ko yun sinabi. Tsk! kung alam niyo lang.
"Wag mong sabihin kay Ven, gusto niyang magpahinga kaya hayaan mo muna siyang hindi papasok bukas.""[Okay.]""Thanks Ate."Nagpaalam na ako kay Ate at ganun din siya sa akin para matawagan na niya ang agency ko. Siguro naman wala ng nag-aabang sa akin sa studio bukas. Kung meron man edi swerte nila dahil makakita sila ng diyosa.Nakita kong nag text si Ven sa akin.Vanessa: are you okay?Me: okay lang ako, wag mo akong intindihin.Vanessa: pupuntahan kita bukas promise.Me: tigilan mo muna ang kakaisip sa akin. Nandiyan ang parents mo, ibigay mo sa kanila ang attention mo.Me: wag kang pumunta sa condo bukas may pupuntahan ako.Vanessa: saan ka pupunta?Me: wag ka ng mag text sa akin, baka pagalitan ka na ng parents mo.Vanessa: mag-usap tayo pag wala na sila mommy.Me: sure.Humiga na ako sa kama at pumikit habang nakahawak sa noo. Sobrang sakit ng ulo ko. Na stress ata ako dahil sa issue na iyun. Dami nilang alam, sila kaya ang bibigyan ko ng issue, tingnan ko kung tatagal pa sila
"Aalis tayong lahat dito kung aalis si Miguel," seryosong sabi ni lolo. Napangisi ako. Favorite nga ni lolo si Miguel, habang favorite din akong kampihan ni Miguel. Ano kayo diyan?"Lolo!" inis na sigaw ng pinsan ko at tumayo habang masamang tumingin sa akin."Lolo, kung hindi siya aalis, ako nalang aalis!" pananakot niya kay lolo. Kung natakot nga si lolo sa kanya, parang wala lang naman kay lolo."Kung iyun ang gusto mo," seryosong sabi ni lolo. Gusto kong matawa sa reaction ng mga tita ko."Papa!" sigaw ni tita ang mama nang pinsan ko nananakot kay lolo."Fine!" inis na sigaw ng pinsan ko at mag padabog na lumabas sa mansyon."Aalis kaming lahat dito papa!" galit na ring sabi ni tita at lumabas agad para sundan ang anak.Lumabas nga silang lahat, kami nalang ang natira ng parents ko at ang kapatid ko.Ganun sila ka ayaw sa akin kaya nagsi-alisan lahat, kala mo talaga suyuin pa sila ni lolo. Edi umalis sila, alam kong takot lang silang mawalan ng mana."Bakit nandito pa kayo?" ser
"Dito ka lang Miguel, parang miss na miss ka na nila. Hindi ka ata nagpakita ng ilang buwan. Bakit kaya?" nakangiting tanong ko at tiningnan si mommy. "Kapal ng mukha mo," sabi ng isang pinsan ko na inis na inis din sa akin. Actually magkakampi silang lahat, habang ako si Miguel lang ang kumampi sa akin. Wala silang magagawa dahil si Miguel lang naman ang paborito ng lolo namin, kaya ganyan nalang iyan sila kay Miguel."Buti Miguel, dinala mo ang ate mo ngayon dito. Ngayon ko lang ulit siya nakita simula noong umalis siya," singit ng lolo namin kaya tumahimik ang lahat.Lumapit ako kay lolo habang nakangiti, pero pinigilan nila ako."Wag kang lumapit sa kanya!" sigaw ng isang tita ko."Easy, hindi ko sasaktan si lolo. Magmano lang naman ako sa kanya, okay lang ba lolo?" tanong ko kay lolo na ngayon nakangiti sa akin at tumango. Kinindatan ko muna ang tita ko bago nagpatuloy."Kumusta ka lolo?" bulong kong tanong at nagmano sa kanya. Akala ng lahat ayaw talaga ni lolo sa akin, ganun
"Wala na akong pakialam kung iyun ang tingin ng ibang tao sa akin, iyun ang paraan ko para hindi ako masaktan ng ibang tao," dagdag kong sabi.Ilang sandali pa tahimik na kaming dalawa."Pasok na tayo," uli ko sa sinabi ko kanina. Ngayon tumango na siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya habang siya ngumuso sa akin. He's still a baby for me."Wag ka lang magsalita mamaya, hayaan mo lahat ang sasabihin nila ako na bahala doon," nakangiting paalala ko. "Hindi ko iyan hahayaan ate, kung dati wala akong magawa dahil bata pa ako ngayon may magagawa na ako, ayaw kong pagsisihan iyun sa huli," sabi niya kaya umirap lang ako sa kanya at na una ng lumabas na.Parang hindi ko na siya mapigilan sa gusto niya. Pero sa totoo lang kinabahan ako.Habang naglakad kami papasok biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isng text kaya tiningnan ko muna ito.Zephyrus: kumusta ka na? I hope okay ka lang baka bibilhin ko yang lugar niyo at ipangalan sayo para maging okay na sila sayo.Napailing ako sa kanyang
Kanina nag-ayos lang ako ng mga gamit ko ngayon papunta na kami sa mansyon. Kinabahan ako ng sobra, hindi pa ako pinakain ng kapatid ko dahil doon nalang daw para sabay kaming apat. Wowers, tingnan natin kung makakain nga talaga ako doon."Kainis yung pinsan mo Miguel, anong pinupunta niya doon sa kwarto ko, hindi kami close."Kanina pa ako nag rant sa babaeng yun, may boyfriend ata siya ngayon at takot na namang magkagusto sa akin. Nagpatunay lang na mas maganda talaga ako sa babaeng iyun, pati siya takot na kaya niya ako pinuntahan.Wag lang niyang ipakita ako sa boyfriend niya baka ma de ja vu siya bigla."Pinsan mo rin iyun ate," sabi niya. Umirap ako sa kawalan at tiningnan lang ang daan papunta sa amin. Sobrang dami talagang nagbago, halatang hindi naka-uwi ng ilang taon. Baka maliligaw pa ako dito kung ako lang mag-isa. Hindi talaga pamilyar sa akin itong mga nakatayo na nadaanan namin ngayon."Sinong nandun?" tanong ko ng ma-isip iyun. Baka nandun din ang mga tita at tito kong
Magaan ang pakiramdam ko nang magising ako at tiningnan ang oras, wow umaga na ang haba tulog ko. Akala ko talaga masisira ang buong bakasyon ko kapag uuwi ako dito sa amin.Pero paano kami pupunta sa bahay ngayon? balak ko naman kamustahin si mommy.Hindi ko muna iyun inisip at inayos ko muna ang mga damit ko. Habang nag-ayos ako, may nag doorbell naman kaya agad akong tumayo para pag buksan ang kapatid ko, wala naman akong ibang bisita dito kundi siya lang.Nang binuksan ko nagulat ako ng hindi kapatid ko ang nakita ko kundi ang pinsan kong may galit sa mundo, I mean sa akin lang pala."Anong ginawa mo dito?" mataray kong tanong sa kanya agad. "Hindi mo ba papasukin ang pinsan mo?" taas kilay niyang tanong sa akin. Ayaw magpapatalo sa katarayan ko."Wala akong pinsan," simpleng sabi ko at isirado ko na sana ang pinto pero hindi natuloy ng magsalita ulit siya bago ko mairasa ito."Oo nga pala, tinakwil ka na pala sa pamilya namin, my bad."Nang-asar ba siya? hindi kasi ako na-asar.
Eh? marites spotted.Tiningnan ako ni Miguel kaya tinaasan ko siya ng kilay kaya natawa siya at umiling sa babae."Don't worry ate kung gusto mo siya, gora," sabi ko. Nakitanoong namula siya sa sinabi ko kaya tumaas ang kilay ko. Wow, famous ba tong kapatid ko sa mga babae? hindi ko alam.Pero hindi na rin ako nagtaka, nasa lahi talaga namin ang magaganda ang gwapo."Ngayon ko po kaso nakitang may sinama si sir na babae, kaya inisip kong girlfriend ka niya, sorry po sa pagtatanong," nahihiyang sabi miya habang namula pa ang mukha niya."Kung gusto mo akong ligawan, ligawan mo muna kapatid ko," sabi ni Miguel at tinuro ako. Mas lalong nahiya si ate kaya natawa ako at napailing."Wag kang bakla, kung gusto mo si ate ikaw ang manligaw!" pang-aasar ko sa kapatid ko. Sumimangot naman siya at iniwan na ako doon ng makuha na ang card na hinintay namin para sa kwarto ko."Bye," nakangiting paalam ko at tumalikod na rin. Sa ganung scenario, mas lalo kong namiss ang samahan namin magkapatid da
Tinuro ako ng ibang tao ng makilala nila ako at kumaway yung iba."Layviel!" tawag ng ali na hindi ko matandaan ang pangalan nang makita niya ako habang lalagpasan na sana ako.Ngumiti lang ako sa kanya at tumingin sa paligid para hanapin ang kapatid ko. Itong mga tao dito, sure akong pinagusapan nila ako dati, pero bakit ngayon nag-iba na ang ngiti nila sa akin."Miguel, iyan ba ang ate mo na tinakwil ng mama mo dati?" rinig kong sabi ng kung sino kaya napalingon ako kung na saan galing ang boses na iyun.Akala ko may-iba, hindi pala. Hindi ko na narinig ang sagot ng kapatid ko, nakita ko na rin siyang papalapit sa akin."Na saan ang sasakyan mo?" tanong ko sa kanya pero wala siya sa mood, dumeritso lang siya sa sasakyan ko kaya pinatunog ko naman ito agad para makapasok siya.Pumasok ako sa front seat at tala siyang tiningnan."Anong nangyari sayo? paano ang sasakyan mo?" tanong ko nang makitang may balak siyang mag drive sa sasakyan ko."Ipakuha ko nalang sa driver," malamig niyan
Bumugtong hininga ako nang naging pamilyar na sa akin ang lugar. Sobrang dami ng pinagbago pero hindi pa rin mawala ang mga ala-ala ko sa bawat sulok dito noong panahong tinakwil ako ni mommy.Mapait akong ngumiti at dahan dahang dumaan doon. Maraming tumingin sa sasakyan ko, alam kong hindi nila nakilala kung sino ang nasa loob. Mas mabuti na rin iyun.Nakita ko pang may groupo ng matanda na nagbulong bulongan habang nakatingin sa sasakyan ko. Sa lugar na ito, sila mommy ang mayaman sa lahat ng tao dito. Kaya nga tinakwil ako ni mommy kaysa siya ang itakwil sa pamilya niyang mayaman.Si daddy? may kaya rin naman sila pero hindi kagaya ng kay mommy. Pero wala rin naman akong pake kung sino ang mas mayaman dito o sinong mas mayaman sa kanila ni daddy, wala naman akong natanggap noong naghihirap ako. Kahit kay daddy, wala.Nagpasalamat lang ako noong bata ako dahil binuhay nila ako. Actually, close kami no mommy dati bago nangyari lahat. Kaya hindi ko magawang magalit sa kaniya o kahit
Buti nalang pinaalis sila ng mga bodyguards, kung hindi may paglamayan mamaya.Iniinis nila ako.Pinaharurot ko agad ang sasakyan ko kaya yung iba na mismo ang umalis sa dadaanan ko. Takot palang mamatay pero nasa harapan nakaharang.Nang makalabas na ako mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko habang tiningnan ang side mirror para matingnan kung may nakasunod ba sa akin. Wala naman siguro kaya nagpatuloy lang ako sa pag drive.Medyo malayo ang sa amin dito kaya alam kong matatagalan ako pero si Miguel panay tawag na sa akin."[Ate na saan ka na?]" tanong niya sa akin habang nag drive pa ako."Nasa daan pa Miguel, masyado kang excited," simpleng sabi ko."[Nag drive ka na ngayon?]" tanong niya."Yes.""[Btw ate, saan ka uuwi? sabi mo kasi na wag ko munang sabihin kay mommy,]" tanong niya sa akin."May hotel naman diyan malapit lang," simpleng sagot ko."[Pupunta ako doon ate ngayon, ako na mag booked para sayo,]" alok niya."May pera ka ba?" biro kong tanong sa kanya. Tuloy-tuloy lang