Share

CHAPTER FOUR

Author: MissThick
last update Last Updated: 2023-10-01 09:53:39

Chapter 4

"Ehem! Hinahanap mo ba ako?" boses ni Gerald sa kaniyang likod.

Nakasilong na rin pala ito sa waiting shed.

"Ha?" sagot niya. Dinig niya ang sinabing iyon ni Gerald ngunit kasama iyon sa pagkagulat niya na nasa tabi niya uli ito ng di niya napapansin.

Dalawang hakbang pa nga lang siya, mukhang natiklo na. Nakangiti siyang bumalik sa tinayuan niya. Pinagpag ang binder dahil sa nabasa ng malakas ng patak ng ulan.

"Hindi ah. Nag-aabang lang ako ng masasakyan. Sinilip ko lang baka may malapit nang dadaan." Nakakainis! Ang tanga lang ng palusot!

"Hinahanap mo ako e. One way 'yan. Walang tangang jeep ang haharang na manggagaling diyan.

"Sabi ko nga." kibit-balikat niyang sagot. “One way nga pala.”

"Ano, payag ka nang ihatid kita sa inyo?"

"Hindi po kita kilala. Malay ko bang masama ka palang tao."

"Sinabi ko na ang pangalan ko, di ba? Ako si Gerald, ikaw si Diane. Magkakilala na tayo. Saka mukha ba akong masamang tao?"

"Hindi naman. Pero hindi na ngayon basehan ang hitsura kung ano ang pagkatao. Isa pa, nakakahiya..."

"Hindi naman pala e. Paanong nakakahiya e ako nga itong nagpupumilit na ihatid ka." Mabilis na sabad ni Gerald. Halos maglapat na ang kanilang psingi dahil pabulong iyong sinasabi ni Gerald sa kaniya.

Napakamot siya.

"Mahihirapan kang sumakay dahil sa sobrang lakas ng ulan. Mamamaya lang niyan baha na naman. Paniguradong hindi ka makakauwi." Hinubad ni Gerald ang kaniyang suit. Puting longsleeve at itim na necktie na lang ang suot nito. Bumakat ang magandang hubog ng katawan ni Gerald sa suot niya.

"Tara na. Huwag ka na kasing mahiya." Kinindatan siya ni Gerald.

Huminga nang malalim si Diane. Mukha naman talagang hindi ito masamang tao. Papayag ba siyang magpahatid na lang sa estrangherong malakas yata ang tama sa kanya at sige, ayaw na niyang magpaka-plastic, siya man ay may naramdaman agad na kakaiba.

            "Sige na nga." Ngumiti siya. Nakita niyang biglang napatitig si Gerald sa mukha niya. Alam niyang napansin nito ang kaniyang malalim na dimples.

“Okey. Don’t worry hindi ako masamang tao.”

Tumango lang si Diane kahit medyo kinakahan siya.

Patakbo nilang pinuntahan ang nakaparadang kotse ni Gerald. Unang sumakay si Gerald saka niya itinulak ang front door para makasakay si Diane.

Hindi gentleman pero okey lang. Wala naman sa hitsura niya ng pinagbubuksan.

Nilingon siya ni Gerald habang pinapaandar niya ang kotse nito.

"Saan pala kita ihahatid?" tanong nito sa kaniya.

Sinabi niya lang kung saan ang malapit sa kanila ngunit hindi ang mismong kinaroroonan ng kanilang bahay. Alam niyang kung magtuluy-tuloy ang ulan ay paniguradong di na kakayanin ng kotse nito ang pumasok pa sa binabahang lugar nila. Ayaw niyang ipahamak ang bagong kakilala.

"Di ba bahain do'n?" tanong ni Gerald.

"Oo nga eh. Kaya nga ayaw ko sanang pahatid sa'yo." Nakayuko niyang sagot.

"Bakit di ka makatingin ng diretso sa mata ng kausap mo kapag kinakausap ka?"

"Bakit kailangan bang tignan kita sa tuwing sasagot ako sa mga tanong mo?"

"Unusual lang na ganyan ang mga reactions mo."

"Unusual?" napangiti siya. "Gerald, tama ba?”

“Yes.”

“I just met you. I do not even know your intentions kung bakit mo ako gustong ihatid. At heto akong si gaga na basta na rin lang sumama sa hindi ko kakilala. Those, I think are unusual."

"Brainy.” Kumindat si Gerald sa kaniya sabay ang nakaka-adik na pagmasdan nitong ngiti.

Hindi siya sumagot. Ayaw niyang lumabas na mayabang siya. Kahit gustuhin niyang bawiin ang sinabi niya ay huli na. Nasagot na niya si Gerald. Ngumiti na lang din siya.

Binuksan ni Gerald ang stereo ng kaniyang kotse para kahit papaano ay hindi sila mainip sa mabagal na usad ng takbo ng mga sasakyan dahil sa matinding pag-ulan. Closer You and I ni Gino Padilla ang tumambad na pinapatugtog sa FM Radio.

Hey, there's a look in your eyes

Must be love at first sight

Bigla silang muling nagkatinginan. Matipid na ngiti ang pinakawalan ni Diane. Naisip niyang totoo nga talagang nangyayari ang Love at first sight. Hindi lang sa pelikula o sa lyrics ng kanta iyon nangyayari o napapakinggan. Napatitig siya sa noon ay biglang napakunot na si Gerald ngunit nakatingin na sa dinadaanan nila. Naiwan siyang nakatitig dito. Naikintal sa isip niya ang makapal na kilay na binagayan ng nangungusap na mga mata, matangos na ilong at makipot ngunit malulusog na labi ni Gerald. Isang pangarap na akala niya hindi niya makikita sa lalaking katabi niya ngayon.

You were just part of a dream

Nothing more so it seemed

But my love couldn't wait much longer

Just can't forget the picture of your smile

"Fucking love songs!" Mahinang tinuran ni Gerald kasunod ng malalim na paghinga nito.

Inilipat niya ang istasyon ng FM.

Tahimik lang si Diane. Wala siya sa lugar na magreklamo. Nakikisakay lang siya. Kung ano ang trip ng may-ari ng kotse, doon siya kahit sa totoo lang, nadala siya sa lyrics ng kanta. Isang lumang kanta na parang nagbigay ng kakaibang kahulugan sa kaniya.

"Hindi ka mahilig sa love songs?" tanong ni Diane.

"Hell, no! I am not a melodramatic person. And what about you?"

"Am okey with it." Maikli niyang sagot.

Hindi pa sila nakakalayo ay naipit na sila ng traffic. Sobrang lakas kasi ng bagsak ng ulan kaya paniguradong stranded na sila. Lumingon si Gerald sa gawing kanan niya. Puwedeng-puwede siyang pumasok doon habang wala pang nakaharang sa kanilang dadaanan. Iyon lang ang naiisip niyang option para di sila mabagot sa kahihintay hanggang sa muling bumaba ang baha at pwede na silang makadaan.

"What about dinner?"

Tumingin si Diane sa noon ay tinitignan ni Gerald. Isang mamahaling hotel na may restaurant ang nasa tapat nila. Kanina pa siya gutom ngunit kalabisan naman yatang papalibre siya sa isang ito na makulit lang na ihatid siya.

Sasagot palang sana siya nang mabilis na iniliko ni Gerald ang kotse. Ipinasok niya ang sasakyan sa harap ng mamahaling hotel.

“Anong ginagawa mo?”

“Mababagot lang tayo. Kain na lang muna tayo.”

“Pumayag na ba ako?”

“My treat. Aabutin tayo ng ilang oras diyan na maghintay na bumaba ang baha. Mahirap ma-stranded.”

Huminga na lang nang malalim si Diane.

Sinalubong sila ng isang hotel valet park attendant. Halatang sanay si Gerald at kilala siya dahil tinawag siya sa ibang pangalang katunog ng sinabi sa kaniyang pangalang Gerald. Mahina lang ang pagkakasabi niyon kaya hindi na niya nadinig ng husto.

"Come on, Diane. Baba na?" silip ni Gerald sa kaniya at napalingon pa sa kaniya ang nakangiting attendant.

"Baba na raw kayo, Ma’am." Nakangiting hirit pa ng attendant.

Inayos niya ang binder niya saka niya isinukbit muli sa balikat niya ang kaniyang backpack. Naisip niya habang pababa siya sa kotse na hindi na niya kailangang sumama kay Gerald hanggang sa loob. Pagkababa niya ay mabilis na pinaandar ng attendant ang kotse at naiwan siya sa kabilang bahagi ng daan habang nakangiti lumapit sa kanya si Gerald.

"Let's just have a dinner. Restaurant ang pupuntahan natin diyan at hindi ang kuwarto ng hotel.

"Wala naman akong sinasabi ah."

"Pero alam kong iyon ang iniisip mo."

“Okey, let’s go?”

“Hindi ba ako alangan sa loob?” Tinignan niya ang sarili nya at ng mga babaeng pumapasok sa restaurant. Naka-uniform pa siya. Nakakahiya yata kasi mukhang formal at semi-formal ang mga suot ng mga noon ay papasok sa nasabing restaurant.

"Huwag na lang kaya?" Nanginginig niyang pagtanggi.

"You don't have a choice. Umuulan pa at baha sa daan. Hindi ka rin naman makakauwi dahil tignan mo, di pa umuusad ang mga sasakyan. Halika na. Just follow me, okey?"

Tumingin siya sa daan at ang malakas na buhos ng ulan. Naisip niya ang pamilya niyang paniguradong mababasa na naman sa tubig ulan ngayon dahil paniguradong tagos na naman ang ulan sa loob ng kanilang bahay. Gusto niyang umuwi ngunit paano siya makakauwi kung wala siyang masasakyan. Nilingon niya si Gerald. Hindi niya maintindihan kung anong meron ang taong ito na napapasunod siya sa lahat ng kaniyang mga sinasabi. Para itong magnet na napapasunod siya sa lahat ng gusto nito.

Related chapters

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER FIVE

    Chapter FiveNang magkaharap na sila sa isang magarbong restaurant na ni kahit sa panaginip ay hindi niya akalaing mapapasok niya ay nakaramdam siya ng pag-aalangan. Tapos na silang kumain ngunit parang di nabawasan ang napakaraming pagkaing inorder ni Gerald. Mga pagkaing natatakam siyang kainin kanina ngunit habang sumusubo siya ay pamilya niya ang patuloy na pumapasok sa kaniyang isipan. “Ano kayang kinakain nila ngayon? Paano ang gamot ni Mama? May pera kaya silang pambili ng uulamin? May bigas pa kaya silang isasaing? Hindi kaya nabaha na ngayon ang loob ng bahay?”"Come on, let's enjoy the food. Kasama kita pero mukhang anlayo ng iniisip mo.""Naisip ko lang kasi ang pamilya ko. Ako lang kasi ang inaasahan nila at alam kong hinihintay na nila akong umuwi. Nandito ako, kasama mong kakain sa mga mukhang di natin mauubos na inorder mo pero sila, hindi ko alam kung may pagsasaluhan sila ngayon o kahit sana bigas lang na maisasaing." Nangilid ang kaniyang luha."Well, let's just enj

    Last Updated : 2023-10-01
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER SIX

    Chapter Six Kasunod iyon ng pagtayo ni Gerald.Lumapit sa cashier sa bar.Nagbayad.Bago lumabas, nag-iwan ng isang makahulugang kindat kay Diane. Bihasa siya sa ganito. Alam niya kung makukuha niya o hindi ang babae at sa nakikita niya kay Diane, kagaya rin ng ibang babae. Bibigay at bibigay rin ito sa kanya. Alam niyang sa angkin niyang kagwapuhan at karisma, mahuhulog ito sa kanyang bitag.Naiwan si Diane na nanginginig at nanlalamig. Panay ang kagat niya sa kaniyang labi. Nakakaramdam na siya ng hilo dahil sa tama ng nainom na alak.Pinagsaklob niya ang kanyang mga kamay. Humugot siya ng malalim na hininga. Kinuha niya ang kaniyang bag. Isinabit niya iyon sa kaniyang balikat. Mabilis niyang inipit sa kanyang kili-kili ang kaniyang binder saka niya sinundan ang di pa nakakalayong si Gerald.Binilisan niya ang lakad.Nakita niyang pumasok si Gerald sa elevator.“Hindi. Hindi tama ‘to,” naisip niya.Tinungo niya ang pintuan ng hotel palabas. Uuwi na siya. Hindi siya susunod katulad

    Last Updated : 2023-10-24
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER SEVEN

    CHAPTER SEVEN Pagbukas muli ng pintuan ng elevator. Nasa labas si Diane. Halatang medyo nahihiya ngunit nadoon na siya at kailangan na niyang pangatawanan ang pagsama. “You change your mind?” “I did.” “Okey, come on in.” Binasa ni Gerald ang kanyang labi. Nakita ni Diane at lalo siya ngayong nahumaling. Mabilis na pumasok si Diane. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Hinintay muna nilang magsara muli ang elevator bago siya nilapitan ni Gerald. Hinawakan niya ang pisngi ni Diane. “Thank you,” bulong ni Gerald. “Thank you for what?” “For accompanying me.” “Okey.” Bumuntong hininga si Diane. Grabeng gwapo ni Gerald. Napakalakas ng dating nito, napakabango pa niya kaya nga nang muling nagtama ang kanilang mga mata ay hindi siya nagpatalo. Bahala na kung anong isipin sa kanya ni Gerald pero nasasakop na siya ng panghihina. Iyon ang ayaw niya sa kanyang

    Last Updated : 2023-10-24
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER EIGHT

    CHAPTER EIGHTHanggang sa naramdaman na lamang niyang bumaba ang labi ni Gerald sa kanyang leeg, sa kanyang tainga pababa sa kanyang malulusog na dibdib. Dinilaan na muna ni Gerald ang maula-mulang nipple niya.Kitang-kita ni Gerald ang pagkagat ni Diane sa labi nito na nagpapatunay na nagugustuhan na nito ang ginagawa niya. Bumaba ang malambot niyang labi sa bahaging tiyan, sa puson hanggang nang naroon na sa harap ng kaselanan ni Diane ay huminga siya nang malalim. Tama lang ang umbok nito at laki. Hindi siya sanay na gawin ito sa ibang babae ngunit sa kagaya ni Diane na fresh meat, bakit hindi? Bakit sasayangin ang kapreskuhan nito?Nagdadalawang isip lang siya kung paanong gawing tama ang bawat ritmo ng paglalaro ng labi at dila niya rito. Hinawakan niya ang maselang bahaging iyon sa pagitan ng hita ni Diane. Maingat at mabusisi. Nang ibinuka niya ang labi para buum-buo niyang angkinin ang perlas nito ay tumingin muna siya sa mukha ng kagat-labing si Diane. Nagtama ang kanilang p

    Last Updated : 2023-10-25
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER NINE

    CHAPTER NINESinadya ni Gerald na tigilan ang kaniyang ginagawa nang maramdaman niya ang sobrang lakas na ng pagmumura at halinghing ni Diane. Hindi dito, hindi pa napapanahon. Kailangan niyang pigilan ang tuluyan pagsambulat ng sarap. Marami ang kagaya ni Diane na kung maabot nila ang rurok ng sarap ay magpupunas at maghuhugas at tapos na. Hindi niya gusto yung ideya na baka kagaya siya ng ibang babae na magdGeraldit, hahalik, magpapalaam at tapos na ang isang gabi. Masyado pang maaga para tapusin ang lahat.Aaaahhh! Bakit ka tumigil?" singhal ng naiiritang si Diane.Tumayo si Gerald. "Yun na nga My Lady! Malapit ka na. Let's do it in bed. Not here. Huwag kang swapang. Huwag yung ikaw lang ang mag-isang masasarapan. Dapat sabay tayo." Bulong niya habang magkGeraldpi ang kanilang mga labi.Tumalikod si Gerald. Kinuha nya ang isang tuwalya at pinunasan niya ang basang katawan. Tinungo niya ang kama.Naiwan si Diane na naiirita sa palaging pambibitin sa kaniya ni Gerald. Galit niyang hi

    Last Updated : 2023-10-25
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER TEN

    CHAPTER TEN"Napasaya ba kita?" Hinagod ni Gerald ang buhok ni Diane."Sobra. Ikaw nasarapan ka ba?” tanong ni Diane kahit nahihiya."Puwede na." Sarkastikong tugon ni Gerald."Puwede na? Wow ha? Ang taas naman ng standard?”"Pahinga ka na muna," bulong ni Gerald."Gusto kitang makilala pa sana ng husto. Puwede ba tayong mag-usap?"Nilingon siya ni Gerald. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Huminga siya nang malalim. Hindi ito sumagot.Gamit ang isang kamay ay inabot ni Gerald ang remote control ng TV."Ayaw mo bang kilalanin ako?" muling tanong ni Diane."Pahinga ka na muna.""Bakit ba ayaw mo?""Ang kulit naman.""Bakit nga eh!"Huminga ng malalim si Gerald. Alam niyang likas ang ugaling iyon sa mga kaedad ni Diane. Kailangan niyang sumagot para matigil lang ito."It will set hurdles. I hate tricky situation. I never wanted to complicate simple things.""How a good gesture complicate things between us? I don't understand why an uncomplicated conversation of getting to know each oth

    Last Updated : 2023-10-26
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ELEVEN

    CHAPTER ELEVEN Nasarapan siya sa kanyang naikama. Pang-ilang babae na ba ito na ikinama lang niya na walang balak maging girl friend o pakasalan? Hindi na niya mabilang at wala siyang balak magbilang. Muli niyang pinagmasdan ang kanyang kabuuan sa salamin. Sino ba ang hindi maloloka sa kanyang angking kakisigan? Sa edad niyang 29, tangkad na 5’9”, matipunong katawan, moreno, mukhang hawig kay Piolo Pascual at katawang Jericho Rosales, paniguradong lahat ng babae ay mahuhumaling sa kanya.Kinuha niya ang tuwalya. Nang mapunasan ang buong katawan ay inayos niya ang kaniyang mamahalin relo sa kaniyang bisig. Tapos na sila ng kanyang naka-sex. Pwede niya siyang sumibat. Wala nang dahilan pa para manatili sa hotel room na kinuha niya.Lumaki si Gerald sa mayaman at negosyanteng pamilya. Dalawa lang silang magkapatid ng kuya niya. Ngunit hindi interesado ang kuya niya sa negosyo ng kanilang pamilya. Mas gusto nitong magkawang-gawa. Dahil doon, siya ang napipisil na susunod na CEO ng kanila

    Last Updated : 2023-10-26
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER TWELVE

    CHAPTER TWELVEGusto na niya yung excitement ng ginagawa niya ngayon. Iba-ibang kaulayaw. Walang iniisip, walang takot na masaktan at hanggang isang gabing tikiman lang. Simple ang buhay dahil nakukuha rin naman niya ang hilig ng katawan. Madalas tinatanong siya ng mga barkada niyang naniniwala pa rin sa pag-ibig, paano daw naman ang kilig at saya na ibinibigay ng pagmamahal? Kalokohan! Sila nga walang tumatagal na relasyon at kung meron man, naglolokohan na lang sila at madalas siya ang nilalapitan para ilabas ang hinanakit nila sa panloloko at pagkakaroon ng iba ng kanilang mga karelasyon. PUTANG INANG pagmamahal 'yan. Marahil totoo nga iyon ngunit hindi sa kaniya, hindi para sa kagaya nila.Tulad ng kanyang kinasanayan, tatakasan lang niya ang babae. Walang kahit anong contact number o pangalan. Ayaw niyang may tumatawag sa kanyang opisina. Hindi siya papayag na may bubuntot-buntot sa kanya o tatawag tawag dahil desperadang makita siya uli. Hindi siya patatali kahit kanino. Hindi p

    Last Updated : 2023-10-26

Latest chapter

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   FINAL CHAPTER

    Pagpasok ni Sofia sa bakuran Psychiatrict Hospital ay nakita niya ang isang matipuno, guwapo at masayahing lalaki na noon ay tumutulong sa pagsasaayos ng mga namumulaklak na halaman. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nakita niya agad ang kislap sa mga mata ng paghahandugan niya sa kanyang dala. Tumakbo ito at sinalubong siya. Binuhat at pinaikot-ikot siya at ramdam na ramdam niya ang kanyang pagiging babae."I'm so happy. Sobrang saya ko lang honey." maluha-luha at natatawang wika ni Ringgo kasunod ng paghalik-halik niya sa braso ni Sofia."Dahil dinalaw ulikita?""Sort of." sagot ni Ringgo."Sort of? E anong bulls eye na dahilan?""I am hundred percent okey! Puwede ko nang pagbayaran sa kulungan ang mga kasalanan ko kay Gerald at Diane! Then after that, aalis tayo dito. Titira tayo sa ibang bansa, magsasama na tayo hanggang sa pagtanda.""Wait, may nagsampa ba ng kaso? Wala naman hindi ba?""Wala ba?""Sa pagkakaalam ko, wala."Bumuntong hininga si Ringgo. Inakbayan niya s Sofia

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX

    Hi Baby!At first, I don't know what to write. Napakarami ko kasing gustong sabihin at sa dami ay di ko alam kung ano ang aking uunahin. Ngunit naisip kong gawing simple lang ang paglalahad at sana maintindihan mo ako. Baby, I am sorry. Here I am again, asking for a favor. I need to sarcrifice for a friend, for us and for everybody. Lalayo muna ako para pagbigyan ang isang kahilingan ng Mommy ni Ringgo.Tumulo ang luha ni Diane. Hindi niya alam kung kaya pa niyang tapusing basahin ang sulat na iyon. Muli na naman siyang iniwan ni Gerald. Matagal niyang itinapat sa dibdib niya ang sulat kasabay ng pagbunot niya ng sunud-sunod na malalalim na hininga. Kailangan niyang lawakan ang pang-unawa.Gusto kong gumaling muna si Ringgo. Gusto ko ring matahimik na muna ang lahat. Nais kong ligtas ang lahat habang naghihilom ang sugat ng kahapon. Hanapin mo muna ang sarili mo at gawin ang mga bagay na hindi mo nagawa nang sinimulan mong mahalin ako. Ganoon din ako. Tatapusin ko sa ibang bansa ang a

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FIVE

    Ang Mommy ni Ringgo ang umiikot sa kanilang tatlo naging biktima ng kanyang anak para masiguro ang kanilang kaligtasan. Niyakap siya nang mahigpit ng Mommy ni Ringgo nang pumayag siya sa hinihiling nito. Kung hindi lang niya naisip na sa huling sandali ay pinili pa rin ni Ringgo ang maging isang mabuting tao, kung hindi lang nakiusap ang Mommy ni Ringgo ay paniguradong hindi niya kakayanin ang muling magsakripisyo. Dadalawin niya si Ringgo bago siya aalis.Pagkaalis na pagkaalis ng Mommy ni Ringgo ay humiling siya sa doktor kung puwedeng isakay siya sa wheelchair para silipin niya si Diane. Walang bantay si Diane noon. Maayos na ang kalagayan nito ngunit nakapikit pa rin siya. Ginagap niya ang kamay ni Diane. Pinagmasdan niya ang mapayapa nitong pagkakaidlip. Pinilit niyang tumayo at hinalikan niya sa labi ang kanyang pinakamamahal. Muli niyang pinalaya ang kanyang mga luha. Luha ng kasiyahan. Luha ng pasasalamat sa pagdating nito at iniligtas ang kanyang buhay. Alam niya, siguradong-

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FOUR

    “Adammm! Bumalik ka na roon. Kailangan ka ng mga kapatid ko! Gumisinggg kaaa! Adammm please!!!” sigaw iyon ni Diane. Napasinghap si Gerald. Mabilis niyang hinanap si Diane na kanina lang ay ginigising siya. Akala niya totoo ang lahat. Akala niya malakas pa si Diane. Nang makita niya ang babaeng halos wala nang buhay na kayakap niya ay alam niyang panaginip lang ang lahat. Lumuha siyang muli. Alam niyang sandali siyang nawalan ng malay ngunit nakita niya sa balintataw niya si Diane. Ginigising siya. Pinababalik. “Sorry, baby. Sorry na wala akong magawa.” Bulong lang iyon. Pilit niyang nilalakasan ang kanyang katawan para mayakap lang niya ito sa huling sandali ng kanilang buhay. Hangang sa nakita niya na may hawak na baril si Ringgo. Palapit na ito sa kanila. Puno ng luha ang mga mata ni Ringgo. Naroon ang galit sa kanyang mukha. Bigo siyang makahingi ng konting awa. Bigo siyang mapabago ang kanyang kaibigan. Ito na nga marahil ang katapusan ngunit hindi siya papayag na si Diane ang

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TREE

    Alam ni Gerald na sinusundan siya ni Ringgo. Mabuti't mabilis niyang nahubad ang suot niyang long-sleeves at iyon ang kanyang ipinulupot sa kanyang sugat ngunit ngayon muling umagos ang kanyang dugo at di niya mapigilan ang pagpatak nito sa damuhan na maaring masundan ng naka-flashlight na si Ringgo."Sinabi ko na sa'yo, hindi mo ako matatakasan Gerald! Magsama tayong dalawa sa impyerno!" kasunod iyon ng malakas na tawa ni Ringgo.Hinigpitan ni Gerald ang hawak niya sa nakita niyang kahoy kanina. Hinihintay niyang matapat si Ringgo sa tinataguan niya at buong lakas niyang papaluin ito sa ulo. Ramdam na niya ang pagkahilo dahil sa pagod, gutom, pagkauhaw at dami ng dugong nawala sa kanya ngunit hindi ito yung tamang panahon para manghina siya. Lalabanan niya ang lahat ng iyon. Mahal niya ang kanyang buhay. Gusto pa niyang makasama ng mahabang panahon si Diane."Sige pa, lumapit ka pang hayop ka," bulong ni Gerald. Itinaas niya ang hawak niyang pamalo. Sandali siyang pumikit at huminga

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TWO

    Alam ni Gerald na hindi nagbibiro si Ringgo sa sinabi niyang iyon nang tinanggal nito ang pagkakatali sa isa niyang kamay at nang matanggal iyon ay nakatutok na ang baril sa kanya."Bibigyan kita ng isang minuto na tanggalin ang pagkakatali ng isa mo pang kamay at paa. Kung natapos na ang isang minuto at nadiyan ka pa rin sa kama, pasensiyahan na tayo pero hindi na tayo makakalabas pa sa bahay ng buhay. Dito na tayo magkasunod na malalagutan ng hininga. Kaya nga kung ako sa'yo, simulan mo nang tanggalin ang nakatali sa'yo dahil magsisimula na ang oras mo." Salubong ang kilay at nanlilisik ang mga mata ni Ringgo habang sinasabi niya iyon. Pawis at luha ang naghalo sa kanyang namumulang mukha. Ikinasa na ni Ringgo ang hawak niyang baril.Hudyat iyon na kailangan ni Gerald na bilisan ang kilos."60, 59, 58, 57..." pagsisimula ni Ringgo sa pagbibilang.Sobrang kaba at nerbiyos ni Gerald habang tinatanggal niya nakatali sa kanyang kamay. Isang kamay lang ang gamit niya kaya siya nahirapan

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY ONE

    Inilagay ni Ringgo ang baril sa drawer na may susi. Lumapit siya kay Gerald. Hinawakan niya ang mukha nito. Hindi niya naramdamang pumalag si Gerald. Ni hindi ito nagmura. Iyon nga lang hindi ito tumingin sa kanya. Namimimiss na niya si Gerald. Nakapatagal na nang huli niya itong mahalikan sa labi, ang maidantay niya ang hubad at mainit nitong katawan sa kanya, ang maramdaman ang matitigas nitong dibdib at abs na nakadikit din sa kanya. May kung anong nabuhay sa kanyang pagnanasa. Puwede na niyang gawin lahat ngayon kay Gerald ang gusto niya. Puwede siyang magpakasawa, tigilan lang ito kung kailan pagod na. Dahan-dahan niyang idinampi ang labi niya sa labi ni Gerald. Siniil niya iyon ng halik. Hindi inilayo ni Gerald ang kanyang labi ngunit hindi iyon kumilos. Humihinga naman ito, naamoy nga niya ang mabango nitong hininga ngunit mistula itong patay. Walang kahit anong paggalaw, mistulang humahalik siya sa malamig nang bangkay.Hanggang sa naisip niyang tanggalin ang butones ng longsl

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY

    Tagaktak na ang pawis si Gerald sa loob ng trunk ng sasakyan ni Ringgo. Nakagapos ang kamay niya patalikod at kahit ang mga paa niya. Napapaluha siya dahil sa sobrang nahihirapan na. Wala siyang makita dahil piniringan din ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung gaano na iyon katagal. Sumasakit na ang buo niyang katawan. Hirap pa siyang kumilos at huminga dahil sa tindi ng init sa loob ng trunk ng kotse. Ang tanging lakas na lang niya sa mga sandaling iyon ay ang isipin si Diane. Doon siya huhugot ng lakas. Iisipin niya ang masasaya nilang alaala. Pupunuin niya ng matatamis nilang sandali ang kanyang isip nang di niya maramdaman ang hirap niya ngayon. Sana naisip ni Diane na unahin ang mga kapatid niyang iligtas at ilayo. Kaya niyang magtiis, kaya pa niyang magsakripisyo. Masaya siyang ligtas na si Marcus. Maaring kasama na ngayon ni Diane ang bata. Okey lang sa kanya ang lahat nang ito. Ang mahalaga ay hindi na muli pang iiyak si Diane sa pagkawala ng mahal nito sa buhay. Kayang n

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE

    Pinalibutan na siya nina Sackey, Diane at Marvie.Humahagulgol lang si Marcus. Hindi ito makapagsalita dahil pa rin sa tindi ng trauma na pinagdaanan niya. Marami siyang gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung paano niya sisimulan. Iniwan na lang siya bigla sa hindi niya alam kung saang lugar. Kinalagan lang siya sa kamay at siya na ang nagtanggal sa ipiniring sa kanya at sa nakatali sa kanyang mga paa. Tinanggal din niya ang packing tape sa kanyang bibig at tainga. Lakad-takbo siyang lumayo doon hanggang sa naapuhap niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Ang ate Marian niya ang tinawagan niya dahil natatakot siya sa Ate Diane niya."Ate, hindi siya sumasagot. Umiiyak lang siya." si Marian.Kinuha ni Diane ang cellphone sa kamay ng kapatid niya at siya ang kumausap sa kanilang bunso."Marcus, ang Ate Diane mo ito. Huminga ka nang malalim. Relax lang okey? Sabayan mo ako, hinga...buga...hinga...buga... Nandito ang ate, sabihin mo kung nasaan ka para sunduin ka namin.""Ate...

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status